Professional Documents
Culture Documents
INTERVENTION ACTIVITIES
Pangalan: Petsa Iskor:
KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Malumay: Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa
hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaring magtapos ang salitang
malumay sa patinig o katinig
Mga Halimbawa:
Malumi – Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang
dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang
pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog
patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang
binibigkas nang malumi.
Mga halimbawa
Panuto: Tukuyin kung ang salita ay malumay o malumi. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Week 2
KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Mabilis – ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig.
Wala itong impit na tunog. Maaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o
patinig. Ginagamitan ito ng tuldok na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Mga halimbawa:
Maragsa – ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuloy-tuloy na tulad ng mga salitang
binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay
palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa
ibabaw ng huling patinig na salita.
Mga halimbawa:
Gawain
Panuto: Tukuyin kung ang salita ay mabilis o maragsa. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
_____________4.malaki _____________9.salapi
_____________5.mabait _____________10.mataba
Week 3
KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Palaisipan – Ito ay isang suliraning uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa
karaniwang palaisipan, inaasahang malutas ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga piraso sa
isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan,
ngunit maaari din namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohikal na suliranin.
Halimbawa:
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang ‘di man lang
nagagalaw ang sombrero.
Kaanu-ano ko ang tatay mo na tiyuhin ng pinsan ko, na kapatid ng tiyahn ko, bunsong anak ng lola ko
at kapareho ng apelyido ko.
Gawain I
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na palaisipan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo!
Sagot:___________
2. Si Mario ay isa lamang sa magkakapatid. Ang mga pangalan ay sina Enrique, Pedro, Menandro,
Anton, at
Sagot: ____________
3. Ang lolo at lola ng kaibigan ko ay ama at ina ng ama ng kaibigan ko at ama at ina ng ama ko. Ang
ama ko ang nag-iisang anak ng lolo at lola ko na siya namang ama at ina ng ama ng kaibigan ko.
Kaanu-ano ko ang kaibigan ko?
Sagot:
Week 4
Pangalan: Petsa Iskor:
KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Mito – Ito ay isang uri ng kuwento o salaysay na hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban. Kuwento ng
tao, ang mahiwagang nilikha at ang kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa. Ito rin
ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo hanggang sa
kasalukuyan,masasabing halos ipinakikita rin nito ang tradisyon ng isang lahi.
Halimbawa
Elemento ng Mitolohiya
pangyayari.
interaksyong
Nagaganap sa araw, buwan, at daigdig.
Pag-uugali ng tao
KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Kuwentong-Bayan – Ito ay mga kuwento at mga salaysay na hinggil sa mga likhang-isip o kathang-isip
na ang mga tauhang kumakatawan sa mga uri at pag-uugali ng mamamayan sa isang lipunan.
Kadalasan at karaniwan na nag kuwentong-bayan ay may kaugnayan sa isang tiyak na pook o sa isang
rehiyon ng isang bansa o lupain.
Halimbawa
Tauhan – ang mga tauhan na nagsiganap, ang pangunahing tauhan at pangalawang tauhan at ang
kanilang ginagampanang papel sa kuwento
Saglit na kasiglahan – ditto ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan bago dumating ang isang
suliranin o balakid sa isang kuwento.
Tunggalian – Ito ang pakikipaglaban o pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa kanyang sarili, tao
laban sa kanyang kapwa, tao laban sa lipunan at tao laban sa kalikasan.
Kasukdulan – Ito ang pinakamadulang bahagi ng isang kuwento. Dito magaganap ang pagwawagi o
kabiguan na maaaring matamo ng pangunahing tauhan.
Wakas – Ito ang wakas o katapusan ng isang kuwento. Maaring ang kuwento ay magwakas sa
kalungkutan o kasiyahan.
Panuto: Suriin ang mga elemento ng alamat na nakapaloob mula sa kwentong-bayan “Si Mariang
Mapangarapin”.
SI MARIANG MAPANGARAPIN
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man
ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at
nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman
nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si
Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa
siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang
ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.
Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng
araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na
alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni
Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang
linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang
dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang
dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang
limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang
bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang
pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang
umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang
sunung-sunong.
Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories).
Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.
Week 6
KONSEPTONG PANGNILALAMAN
a. Tono – ito ay paraan ng pagbigkas na maaaring malambing, pagalit, marahan, o kaya’y waring
laging aburido kundi man nasasabik.
Halimbawa
pon. Ha
b. Diin – ginagamitan ito ng simbolong dalawang magkahiwalay na bar (//) o tuldok (.) upang matukoy
ang pantig ng isang salita na may diin na nangangahulugan ng pagpapahaba ng naturang pantig na
may kasamang patinig.
Halimbawa
Kahulugan: may naganap na sakuna at may namatay siya lang ang nakaligtas
Gawain
Diin
1. Magandang /Ha.PON/
2. Magandang /HA.pon/
Tono
Hinto o Antala
Week 7-8
KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Tulang Panudyo – Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay may sukat at tugma. Ang
layunin nito ay mambuska o manudyo.Nagpapakilala ito na ang ating mga ninuno ay may makulay na
kamusmusan.
Halimbawa
Pedro penduko
matakaw ng tuyo
Pinukpok ng tabo
Tugmang de Gulong – Ito ay simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga
pampublikong sasakyan tulad ng jeepney,bus,at traysikel.Maaari itong nasa anyo ng
salawikain,maikling tula o kasabihan.
Halimbawa
Ang sitsit ay para sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi
tayo hihinto.
Palaisipan – Ito ay isang suliraning uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa
karaniwang palaisipan, inaasahang malutas ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga piraso sa
isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.
Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan, ngunit maaari din namang magmula ito sa seryosong
matematikal at lohikal na suliranin.
Halimbawa
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang ‘di
man lang nagagalaw ang sombrero. Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.
Kaanu-ano ko ang tatay mo na tiyuhin ng pinsan ko, na kapatid ng tiyahn ko, bunsong
Gawain
.
Pagkakaiba Pagkakatulad
KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Halimbawa
Konotasyon – Ito ay ang pansariling kahuluganng isa o grupo ng tao sa isang salita
-Halimbawa
Gawain
Denotasyon:____________________________________________________________
Konotasyon:____________________________________________________________
Denotasyon:____________________________________________________________
Konotasyon:____________________________________________________________
Denotasyon:____________________________________________________________
Konotasyon:____________________________________________________________
Denotasyon:____________________________________________________________
Konotasyon:____________________________________________________________
Denotasyon:____________________________________________________________
Konotasyon:____________________________________________________________