You are on page 1of 4

Commission on Diocesan Schools

SAINT CHRISTOPHER ACADEMY


Central East #1, Bangar, La Union
Tel. No. (072) 619-6949
Email: st.christopher.academy.elyu@gmail.com
DepEd School ID: 400082 || ESC School ID: 0100068

FILIPINO 8

Pangalan: ________________________________________ Iskor:


Baitang at Seksyon: ______________________ Guro: Bb. Analyn V. Laysa

Modyul Blg. 2: Salamin Ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon

ARALIN 2: Panitikan: Ang Alamat ng Durian


Gramatika/Retorika: Pang-abay na Pamanahon, Panlunan at Iba Pang Uri ng Pang-abay

MAHALAGANG TANONG:
Bakit kailangang pahalagahan ng bawat tao ang kalinisan ng pangangatawan at ng kapaligiran? Paano
nakatutulong ang alamat sa pang-unawa ng pinagmulan ng mga bagay, lugar, o pangyayari sa kasalukuyan?

PAGTUKLAS

Gawain 1: IBAHAGI MO KAHULUGAN NG PANGALAN MO!


Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na nakapaloob kung saan nagmula ang iyong pangalan. Isulat sa
nakalaang patlang ang iyong sagot. Limitahan ang iyong sagot sa 5-10 pangungusap lamang.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG SANAYSAY


Nilalaman 10
Organisasyon ng mga ideya 8
Mekaniks 7
Kalinisan 5
Kabuoan 20 puntos

ALAMAT

 Ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.
 Ito ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o ‘di pangkaraniwang
pangyayari na naganap noong unang panahon.

1
  Ito karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. 

BAHAGI AT ELEMENTO NG ALAMAT

1. SIMULA- Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento
at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng
pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
a. Tauhan – karakter sa kwento
b. Tagpuan – lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento.
c. Suliranin – problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento ngunit biglang papawiin ng isang
masamang pangyayari.

2. GITNA- Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento.

a. Saglit na kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan.


b. Tunggalian- Ito ay nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
c. Kasukdulan- ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. WAKAS- kabilang dito ang kakalasan at katapusan ng kuwento.

a. Kakalasan- Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan.
b. Katapusan- Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gawain 2

Pansinin ang larawang nasa gilid. Pamilyar ka ba sa prutas na ito?____________


Ano ang tawag sa prutas na ito? ______________
Saang lalawigan o probinsiya madalas nakikita o nabibili ang prutas na ito? ____________
Ano-ano ang alam mo tungkol sa prutas na ito? Magbigay ng tatlong katangian nito. Isulat ang mga ito sa mga
patlang sa ibaba.
1. _____________________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang maliit na kahon kung ang mga salita ay magkasingkahulugan at ng ekis (x) kung
magkasalungat.

Namasdan Nasamyo Madalas


Nasilayan Naamoy Madalang

Dinapuan Wagas Masipag


Kinapitan Huwad Batugan

MGA GABAY NA TANONG:

2
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akda? Anong ugali ng anak ang malimit kinaiinisan ng ina?
2. Bakit ayaw makipaglaro ni Daria sa mga kapwa niya bata? Ano ang naging dahilan ng kanyang pagiging
mahiyain?
3. Bakit malimit dapuan ng sakit si Daria?
4. Paano ipinamalas ni Aling Rosa ang kanyang dakilang pagmamahal sa anak? Ano ang isang bagay na
hiniling niya sa Panginoon bago siya binawian ng buhay?
5. Paano binawian ng buhay si Aling Rosa? Ano ang nangyayari sa katauhan ni Daria habang nga-aagaw
buhay ang ina?
6. Sa iyong palagay, dininig ba ng Panginoon ang dalangin ni Aling Rosa para sa kanyang pinakamamahal
na anak? Patunayan.
7. Paano napatunayan ni Aling Mira na si Daria ang punongkahoy na tumubo sa bakuran nina Aling Rosa?
8. Nakakain ka na ba ng durian? Paano mo ilalarawan ang prutas na ito? Bakit sinasabing isa ito sa mga
dinarayo ng mga turista sa Mindanao?
9. Ano-anong gintong aral ang napulot mo sa Alamat ng Durian?

Handa ka na ba sa ating kuwento? Halina’t basahin at unawain natin ang Kuwento tungkol
Alamat ng Durian. Maligayang Pagbabasa!

TANDAAN: Ang kopya ng kuwentong babasahin ay nakalakip sa


huling pahina ng inyong modyul.

Gawain 4
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag sa kuwento. Pagsunod-sunurin ang mga pahayag sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik A hanggang H sa kahon.

1. Biglang may kakaibang naramdaman ang dalaga sa kanyang sarili. Nanigas ang kanyang mga kalamnan
at hindi siya makahinga.
2. Pinuntahan ng taumbayan si Daria upang ipagbigay-alam ang nangyari sa kanyang ina.
3. Ngayon sa bahaging Mindanao ay maraming nag-aalaga at nagtatanim ng puno ng Durian.
4. Nanalangin si Aling Rosa na huwag pabayaang nag-iisa at libakin ng kapwa ang kanyang anak.
5. Dahil kasing-amoy ni Daria ang bunga ng punongkahoy ay tinawag na lamang nila itong Daria na sa
katagalan ay naging Durian.
6. Si Daria ay malimit tuksuhin ng ibang tao dahil sa kanyang mabahong amoy.
7. Dahil sa taglay na amoy ay nabatid ni Aling Mira na si Daria ang punongkahoy na tumubo sa kanilang
looban.
8. Namatay si Aling Rosa pagkaggaling niya sa pananalangin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PANG-ABAY NA PAMANAHON,
PANLUNAN, AT IBA PANG URI NG PANG-ABAY
Pang-abay ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay. May iba’t ibang uri ang pang-abay. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Pamanahon- pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap. Napapangkat sa dalawa ang ganitong uri ng pang-abay. Ang may pananda at
yaong walang pananda. Ang may pananda ay yaong gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing,
buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga panada ng pamanahon. Samantalang ang mga pamanahon
na walang pananda ay ang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa.

Halimbawa: Ayon sa “Alamat sa Alamat” ay naganap ang pangyayaring ito noong unang panahon.

2. Panlunan- pang-abay na tinatawag na pariralang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang
kilos.
Halimbawa: Sa buong mundo ay laganap ang iba’t ibang kuwento o alamat tungkol sa pinagmulan ng
iba’t ibang bagay.
3. Pamaraan- pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi
ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Masayang nagbabasa ang mga batang mahilig sa sa karunungang-bayan gaya ng mga
alamat.
3
4. Panggaano- ang pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang.

Halimbawa: Ang mga taong nakabasa ng alamat ay dumami nang isang daang porsiyento.

5. Kataga o Ingklitik- katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May 16 na


kilalang pang-abay na ingklitik. Ito ay ang sumusunod: man, kaya, din/rin, pala, kasi, yata, ba, na, sana,
tuloy, pa, naman, nang, lamang/lang, muna, daw/raw.

Halimbawa: Makikita rin ang paniniwala at kultura ng isang pamayanan sa pamamagitan ng alamat.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gawain 5
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. May mga salitang naka-italisado. Hanapin ang mga
pang-abay na ginamit sa teksto at ihanay kung anong uri ito. Ilagay ang iyong sagot sa nakalaang
kahon.

Ang mga Habilin

Ang bilin ng matatanda’y parang huling tagubilin kaya’t matapat mo nga itong ingatan sa iyong puso.
Ngayon, bukas, sa makalawa ay magagamit mo itong parang isang bunga ng halamang Pinatubo nang ilang
taon. Kapag ito naman ay iyong kinalimutan at napadako sa malayong lugar ay maaaring pagsisihan sa
mahabang panahon.
Tandaan mo na ang unang habilin ay samabahin mo’t dakilain ang ating Panginoon. Magsimba sa araw
ng Linggo o mangilin sa piyesta opisyal upang madaling lumago ang iyong pananampalataya. Tumagal man
nang mahabang panahon ay hindi ito mawawaglit sa iyong isipan dahil sa sapat na kaalamang dadalhin sa
lahat ng dako.

Pamanahon Panlunan Pamaraan Panggaano Ingklitik

Gawain 6
Panuto: Salungguhitan ang ginamit na pang-abay sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay
ingklitik, panggaano, pamaraan, panlunan, o pamanahon.

_____________1. Simulan mo ngayon ang pagbabasa ng mga alamat.


_____________2. Buong puso mong isabuhay ang mga natutuhan mong aral sa mga alamat.
_____________3. Sa bahay man o sa paaralan makapagbabasa ka ng ganitong mga akda.
_____________4. Masayang magbasa ng mga alamat.
_____________5. Siyamnapung porsiyentong nagbago ang aking pananaw sa buhay dahil sa
pagbabasa ko ng mga akdang pampanitikan.

Inihanda ni: Iniwasto at Binigyang-pansin ni:

Analyn V. Laysa Jennifer B. Galuz


Guro sa Filipino OIC Principal

You might also like