You are on page 1of 6

Commission on Diocesan Schools

SAINT CHRISTOPHER ACADEMY


Central East #1, Bangar, La Union
Tel. No. (072) 619-6949
Email: st.christopher.academy.elyu@gmail.com
DepEd School ID: 400082 || ESC School ID: 0100068

FILIPINO 8
MODYUL #5

Pangalan: ________________________________________ Iskor:


Baitang at Seksyon: ______________________ Guro: Bb. Analyn V. Laysa

Panitikan: Bayani ng Bukid


Gramatika/Retorika: Pagpili ng Angkop na Salita sa Pagbuo ng Tula

MAHALAGANG TANONG:
Naniniwala ka bang ang tula ay may malaking naiambag sa kamalayang panlipunan ng mga Pilipino? Bakit?
Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa?

Sa araling ito ay tampok ang isang tula na isinulat ni Al Q. Perez. Sino kaya ang tinaguriang
mga bayani sa bukid? Ano-ano kaya ang kanilang ginawa upang masabing bayani? Alamin
ang sagot dito sa pamamagitan ng pagbasa sa tulang ito.

MGA GABAY NA TANONG:


1. Bakit itinuturing na bayani ang magsasakang inilarawan sa akda?
2. Ano ang pangunahing layunin ng magsasaka sa kanyang matiyagang pagsasaka sa bukid?
3. Ipagpalagay na ang iyong pamilya ay may pag-aaring malawak na bukirin. Upang higit na mapagyaman
ito ay hinimok ka ng iyong magulang na kumuha ng kursong Agrikultura sa kolehiyo. Susundin mob a
sila? Bakit oo o bakit hindi ?
4. Sa iyong palagay, bakit bibihira ang kumukuha ng kursong Agrikultura sa ating bansa?
5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga programa o hakbang na maaaring ilunsad ng pamahalaan upang
malutas ang suliranin ng Pilipinas hinggil sa kakulangan sa bigas?

Handa ka na ba sa ating tatalakayin? Halina’t basahin at unawain natin ang tula tungkol
Bayani ng Bukid. Maligayang Pagbabasa!

BAYANI NG BUKID
ni: Al Q. Perez

1 3
Ako’y magsasakang bayani ng bukid Ang haring araw di pa sumisikat
Sandata’y araro matapang sa init Ako’y pupunta na sa napakalawak
Hindi natatakot kahit na sa lamig Na aking bukiring laging nasa hagap
Sa buong maghapon gumagawang pilit. At tanging pag-asa ng taong masipag.

2 4
Ang kaibigan ko ay si Kalakian Sa aking lupain doon nagmumula
Laging nakahanda maging araw-araw Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Sa pag-aararo at paglilinang Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Upang maihanda ang lupang mayaman. Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.

1
7
5 Sa aming paligid mamamalas pa rin
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad Ang alagang hayop katulad ng kambing
Ang aki’y dumami ng para sa lahat Baboy, manok, pato’t alay ay pagkain
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak Nagdudulot lakas sa sariling atin.
Umaasa akong puso’y magagalak.
8
6 Ako’y gumagawa sa bawat panahon
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran Nasa aking puso ang taos na layon
Inyong makikita ang mga halaman Na sa bawat tao, ako’y makatulong
Dito nagmumula masarap na gulay At nang maiwasan ang pagkakagutom.
Paunang pampalakas sa ating katawan.
9
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

ISAISIP NATIN!

PAGPILI NG ANGKOP NA SALITA SA PAGBUO NG TULA

Sa pagbuo ng tula, mahalagang maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin. Dapat na isaalang-alang
sa pagpili ng salitang gagamitin sa pagbuo ng tula ang edad ng magbabasa o makikinig ng tulang gagawin.
Kung pambata ang tula ay mga salitang mauunawaan ng bata ang iyong gagamitin. Kung ito’y para sa kabataan
o matatanda maaaring gumamit ng mga salita ayon sa kanilang mhga lenggwahe.
Sa pagbuo ng tula, mahalagang maging malawak ang iyong kaalaman sa kahulugan ng mga salita. Ito ay
nakatutulong upang mapanatili ang kariktan at kasiningan ng tulang bubuoin. Ang kahulugan ng mga salita ay
makikilala ayon sa…

1. Kasingkahulugan o Kasalungat- sa pamamagitan ng kasingkahulugan at kasalungat na salita ay


maipaparating ang mensaheng nais sabihin sa tulang gagawin. Ang paggamit ng mga salitang
magkakasingkahulugan o pareho ang ibig sabihin ay makapagpapatibay sa mensahe ng tula. Ang paggamit
naman ng mga salitang magkasalungat o hindi pareho ang ibig sabihin ay nakatutulong upang maipakita ang
ugnayang nais ipahayag sa tula.

2. Idyoma- sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika. Narito ang halimbawa ng mga
idyoma at mga kahulugan nito.

balat-sibuyas maramdamin;iyakin
basing sisiw kaawa-awa;api
buto’t balat payat na payat
huling hantungan libingan
ikapitong langit malaking katuwaan
laylay ang balikat nabigo
magbilang ng poste walang trabaho
magdildil ng asin maghirap
mahaba ang pisi pasensyoso
pabalat-bunga hindi totoo

2
3. Konotasyon at Denotasyon
Denotasyon- karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at
simpleng pahayag.
Halimbawa:
1. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan. (bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay)
2. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod-bahay. (halamang lumalaki nang mataas)

Konotasyon- may taglay na ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba
kaysa karaniwang pakahulugan.
Halimbawa:
1. Maraming magagandang bulaklak sa aming paaralan. (babae)
2. Ang kanyang anak ay mabait. Nanggaling kasi sa mabuting puno. (magulang/angkan)

4. Tindi ng Kahulugan o Clining- Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng
kahulugang nais ipahiwatig.
Halimbawa:
Poot- (matinding galit na halos gusto nang makapanakit)
Suklam- (matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala)
Galit-( tumatagal sa inis)
Inis-(tumagatagal na tampo)
Tampo-(munting galit na madaling mawala)
Pikon-(damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang)

Inihanda ni: Iniwasto at Binigyang-pansin ni:

Analyn V. Laysa Jennifer B. Galuz


Guro sa Filipino OIC Principal

3
WORKSHEET SA ASIGNATURANG FILIPINO
MODYUL 5

Pangalan: ________________________________________ Petsa: _________________


Baitang at Seksyon: ______________________ Iskor:

Gawain 1: SIMULAN NATIN!


Panuto: Gumawa ng isang masusing paghahambing ng katangian o uri ng pagsasaka noon at ngayon.
Itala ang iyong sagot sa T- chart na makikita sa ibaba. (10 puntos)
ANG AGRIKULTURA SA PILIPINAS
ANG PAGSASAKA NOON ANG PAGSASAKA NGAYON

Gawain 2: PAGTATAMBAL
Panuto: Pagtambalin ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob ng kahon. Isulat ang iyong
sagot sa mga patlang sa ibaba. Ginawa na ang unang bahagi para sa iyo. (1 puntos bawa aytem)
armas malinamnam nagmula nakalaan
dukha masarap nanggagaling mariwasa
dumami matapang nakahanda nasisiyahan
hangad mayaman nais sandata
mabagsik nagagalak mahirap sumagana

1. nakahanda- nakalaan 6. __________________-____________________


2. __________________-____________________ 7. __________________-____________________
3. __________________-____________________ 8. __________________-____________________
4. __________________-____________________ 9. __________________-____________________
5. __________________-____________________ 10. __________________-____________________

Gawain 3: IDENTIPIKASYON
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ano ang inilalarawan at isulat ang iyong
sagot sa nakalaang patlang. (2 puntos bawat aytem)

1. Ito ang sandata ng magsasakang bayani ng bukid. -_________________________


2. Ito ang kaibigang laging nakahanda sa pag-aararo at paglilinang ng lupain araw-araw-___________________
3. Ito ang laging nasa hagap o isipan ng magsasaka-______________________

4. Ito ang tanging hangarin ng magsasaka sa kanyang pang-araw-araw na paggawa-


4
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
5. Ito ang dahilan kung bakit itinuring ng mag-akdang bayani ang magsasaka sa tula.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Gawain 4: TUKLASIN KO NGA!


Panuto: Gamit ang 3-2-1 Pause, tayahin mo ang iyong sariling pagkatuto. Maglista ng tatlong konsepto
na natutuhan mo mula sa paksang natalakay, dalawang konsepto na hindi mo lubusang naunawaan at
isang tanong na gusto mo pang malaman ukol sa paksa. (1 puntos bawat aytem)
3-2-1 Pause

Tatlong Konseptong Natutuhan 1.____________________________________________________


_____________________________________________________

2.____________________________________________________
_____________________________________________________

3. ___________________________________________________
_____________________________________________________

Dalawang Konseptong Hindi Lubusang 1.____________________________________________________


Naunawaan _____________________________________________________

2.____________________________________________________
_____________________________________________________

Isang Tanong na Gusto ko pang Malaman 1.____________________________________________________

Gawain 5: PAGTUKOY
A. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at ng ekis (x)
kung magkasalungat. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang patlang. (1 puntos bawat aytem)
________1. malawak-makitid ________6. maganda-marikit
________2. malabay-malapad ________7. mabuti-masama
________3. isinilang-namatay ________8. masipag-matiyaga
________4. mabango-masangsang ________9. mataas-matayog
________5. makabuluhan-mahalaga ________10. masarap-mapakla

Gawain 6: PAGKILALA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga salitang may diin
batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. (1 puntos bawat aytem)

problema uri ng anyong-lupa

___________________1. Isang malaking bundok ang nawala sa aking dibdib nang dinggin ng Diyos ang aking
panalangin.
___________________2. Masyadong mataas ang bundok na inakyat naming ng aking mga kaibigan.

nobya musmos

___________________3. Nalalapit na ang kasal ng aking kapatid at ng kanyang bata.


___________________4. Kahit bata pa lamang ay marami na siyang alam sa buhay.

manhid na uri ng matigas na mineral

5
___________________5. Bato na ang kanyang puso sa lahat ng mga problemang naranasan sa buhay.
___________________6. Natisod ang binate sa isang malaking bato.

Gawain 7: PAGSASAAYOS
Panuto: Iayos ang mga salita ayon sa intensidad ng kahulugan nito. Lagyan ng bilang 1 para sa
pinakamababaw na kahulugan hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing kahulugan. (1 puntos bawat
aytem)
bulong nainis nabigla
sigaw nagalit nasindak
palahaw napoot natakot

GAWAIN 8: PAGSULAT NG LIHAM


Panuto: Gumawa ng isang liham ukol sa nais mong ipahatid na mensahe para sa mga magsasaka. Isulat
ang iyong liham sa kahon na makikita sa ibaba.

Pamantayan: Nilalaman- 15 Mekaniks- 10 Kalinisan-5

You might also like