You are on page 1of 2

LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.

Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa pagbabasa


at pagsuri ng iba't ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual journals, almanac,
atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon. Mahalaga ang paggamit
ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo
ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng impormasyon
mula sa mga taong kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga impormasyon o
plagiarism. Sa pagkatuto ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng bibliyograpiya,
kinakailangan din na malikhaing maipakita ang ulat na binuo upang maging nakapanghihikayat ang
pagbasa ng pag-aaral o sulatin.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na magagamit sa
mga gawain ng akademikong pagsulat.

Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang
pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng
wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng
pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor.
Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos
ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.

3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay ang
pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.

Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag-aaral—
kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy
ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa
ikabubuti ng kanyang sulatin.

4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga mga naisagawang
pag-aaral.

Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang
kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga
naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na magiging
daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik.

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng akademikong
sulatin.

Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba't ibang sulatin sa
larangan ng akademikong pagsulat.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-
aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na
pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito,
lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging
malikhain para sa kanyang mambabasa.

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.

Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong Akademikong
Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang
sarili.

You might also like