You are on page 1of 5

TEKSTONG IMPORMATIBO

STRESS sa Makabagong Kabataan


ni Mary Grace A. Concina

Kabataan raw ang pinakamagandang parte ng buhay ng isang tao. Marami ang nagsasabi na sa
parte ng buhay nating ito, marami tayong mararanasang magaganda at masasayang bagay. Ngunit lingid
sa kaalaman ng iba at ng nakakarami, maraming kabataan ang hindi nakakaranas ng masasayang
pangyayari sa kanilang buhay dahil sa nararanasan nilang presyur na kalauna'y nagiging stress. Sa
kabilang dako marami ring pag-aaral ang nakapag bigay ng ideya kung paano ito malalampasan at kung
ano ang mga rason ng mga kabataan kung bakit nila ito nararanasan.

Ayon kay Rebecca Treacy sa isang artikulo niya sa campus.ie, bawat isa sa mga mag-aaral ay
nakakaranas ng stress, sa paghabol ng deadline, sa mga proyekto at nagiging sanhi kung bakit
nahihirapan silang gawin ang mga bagay bagay at nahihirapan silang unahin ang mga gawain na
kailangan na nilang tapusin. Sa depinisyon naman ng HSE o Health Safety Executive ng United Kingdom
ang stress ay ang pakiramdam ng sobrang mental at emosyonal na presyur. At ang presyur na ito at
nagiging stress pag hindi ito naagapan. Sa kabilang banda ang pagkaranas ng stress ay isa ring dahilan
kung bakit nagkakaroon tayo ng depresyon, dahil dito, nagmumula ang mga suicide attempt ng isang
kabataan na nakakaranas nito, mula sa doctor of psychology na si Alice Boyes sa isang artikulo sa
Psychology Today at sa isang artikulo sa Bachelor degree online na may pamagat na 15 serious facts
about high school stress.

Marami na ring pag-aaral ang mga isinagawa upang malaman ang kadahilanan ng stress sa mga
kabataan at kabilang na dito ang sarbey na ginawa sa mga mag-aaral ng American Psychological
Association, sa pamumuno ni Norman Anderson, kung saan inilahad sa pag-aaral ang epekto ng stress sa
kanila. Isinaad sa pag-aaral na 30% ng kabataan ang nagsasabi na stress sila at 31% ang nagsasabing
overwhelmed sila. May mga kabataan ding sumagot na nakakapagdulot sa kanila ng pagkapagod ang
stress na may 36% at ang iba naman ay nagsasabing nakapagdudulot ito sa kanila ng kawalang gana sa
pagkain na may 26%. Sa kalahatan ng pag-aaral, ipinakita roon na mas mataas ang stress level ng mga
kabataan kaysa sa mga nakatatanda sa kanila na nagpapakita na sa 10 pint scale, 5.8 ang sa mga
kabataan at 5.1 naman sa mga nakatatanda sa kanila. dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala ang CEO ng
American Psychological Association na si Norman Anderson at isinaad din na para hindi na patuloy na
maulit ang ganitong pangyayari ay kailangan ng mga magulang na bigyan ng suporta ang kanilang mga
anak at pagmamahal. Sa pananaliksik naman sa Baltimore City sa Amerika sa artikulo na may pamagat
na teen stress statistics, sinasaad na may 5 stressor kung bakit nakakaranas ng stress ang mga kabataan.
Una na rito ang gawain sa paaralan na may 78% at 68% naman ang nagsasabi na magulang, 64% naman
sa problema ng kaibigan at pinakahuli na may 64% na nagsasabing ang mga nakababata nilang kapatid.
Sa kabuuan inilahad din ang mga porsyento ng mga kabataang lalaki at babaeng tinanong kung paano
nila pakitunguhan ang stress. Inilahad na mas nais ng mga lalaking kabataan ang iwasan at hindi pansinin
ang stress na may 25% at sa mga kabataang babae naman ay mas nais nila na maghanap ng paraan
upang maiwasan ito o kaya ay humingi ng suporta sa kanilang pamilya at mga kaibigan na may 45% at
22%.

Subalit may mga paraan din upang mabawasan ang stress, kung saan ang tamang lebel ng stress
ay nakakaudyok sa mga kabataan sa kanilang paglaki at sa pag-abot sa kanilang pangarap ayon sa
students and stress article, mula sa IPFW. Si Jeanette Moninger ng webmd.com naman ay nagbigay ng
mga paraan upang mabawasan ang stress sa buhay na may pamagat na 10 relaxation techniques that
zap stress fast. Ilan sa mga paraan na ito ay ang mga sumusunod: Una, magnilay o mag isip-isip, ang
sandaling katahimikan at konsentrasyon ay nakakadulot upang baguhin ang neural pathway ng utak
ayon sa pag-aaral. Pangalawa, huminga ng malalim, ang paghinga ng malalalim ay sinasalungat ang
epekto ng stress ayon sa pag-aaral ni Judith Tutin. Pangatlo, magdahan-dahan, ayon kay Moringer ang
stress ay nakakadulot sa iyo upang hindi makapagpokus sa isang bagay kaya dapat isa isa lang para
mabawasan ang iyon stress. Pang-apat, makipag-ugnayan, ang mga kaibigan mo ay makakatulong upang
medyo mabawasan ang iyong stress. Panglima, tingnan ang iyong sarili isipin mo kung ano ang mali sa
iyo at makakatulong ito para mabawasan ang nararamdaman mong tensyon. Pang-anim, decompress,
kung saan maglalagay ka ng mainit na tuwalya sa pagitan ng leeg mo at balikat, saka ka hihiga ng
patihaya payo pa ni Moninger. Pang-pito, tumawa ka ng malakas, ika nga laughter is the best medicine.
Pang-walo, makinig ng musika, nakakatulong ito upang mabawasan ang tensyon mo. Pang siyam,
gumalaw galaw ka para mabawasan ang tensyon sa katawan mo. At huli magpasalamat ka, kahit
nakakaranas ka ng stress, ipagpasalamat mo pa rin ito at ang mga bagay na mayroon ka sabi pa ni
Moringer. Iyan ang mga paraan ayon sa artikulo ni Jeanette Moninger.

Ayon naman kay Dr. Jack Singer, "Ang stress ay isang katotohanan sa buhay, kasi gusto natin
palaging nasa kontrol tayo, na lahat nay nasa maayos na paraan, na ang sobra ay nakakasama."
Kailangan natin isipin na hindi lahat ng bagay kaya nating kontrolin, ang stress ay parte na ng buhay
natin ika nga ni Dr. Singer, gustuhin man natin o hindi, ang mahalaga malampasan natin ito at hindi na
makapag-dulot ng masama sa buhay mo. Marami pang bagay ang mararanasan natin dahil bata pa tayo,
ngunit kung simula pa lang ay marunong na tayong harapin ang mga ganiton sitwasyon, mapunta man
ulit tayo sa ganitong kalagayan, handa na natin iton harapin. Maraming paraan para maging masaya at
maging stress free tayo sa buhay. Ang mahalaga matuto tayo sa bawat hakbang na gagawin natin
patungo sa pangarap natin at sa pag-aaral natin.

Ang tekstong “STRESS sa Makabagong Kabataan” ni Mary Grace A. Concina ay isang halimbawa
ng tekstong impormatibo. Masasalamin dito ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa stress. Ang mga
impormasyong nakatala ay makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at pagbibigay liwanag sa kung
anong mga rason at kadahilanan kung bakit nila ito nararanasan. Matatalakay rin sa teksto kung pano ito
malalampasan ng mga kabataan. Ang paksang tinatalakay sa teksto ay katotohanan at kasalukuyang
nararanasan ng mga kabataan. Makikita rin na may batayan ang mga datos o impormasyon na
nanggaling sa mga propesyonal. Nagtataglay lamang ito ng isang tiyak na paksa na nagbibigay pokus sa
mambabasa. Sa pamamagitan ng mga datos at impormasyon, mapapawi ang agam-agam at pag
aalinlangan tungkol sa stress.
Ang may akda na si Mary Grace A. Concina ay isang estudyante na kabilang sa seksyong ABM-A
ng isang hindi kilalang paaralan. Ibinahagi ng may akda ang kanyang teksto sa pamamagitan ng internet
sa isang pook sapot na nagngangalang Blogger noong ika-26 ng Nobyembre, taong 2016. Nakapaloob
dito ang iba pang mga tekstong impormatibo na likha ng kapwa estudyante ng may akda.

Bilang isang kabataan, napili ko ang tekstong ito dahil ito ay may kaugnayan sa nararanasan
namin sa kasalukuyan. Ang mga rason at dahilan na nagdudulot ng stress sa amin ay pawang
katotohanan lalong lalo na sa paghabol ng mga deadlines. Habang binabasa ko ang tekstong ito,
lumawak ang aking kaalaman sa usaping stress. Makakatulong ito sa akin dahil nakasaad dito kung
paano ito malalampasan. Ang pagkasobra sa stress ay magdudulot ng depresyon na mag uudyok sa mga
kabataan na magsagawa ng suicide attempt. Sa pamamagitan ng tekstong ito, matutulungan ko ang mga
kapwa ko kabataan kung paano nila haharapin at mga hakbang kung paano nila malalampasan ang mga
stress na darating sa kanilang buhay.

I. Layunin/mga layunin ng may akda

Makikitang inilahad ng may akda na ang stress ay isa sa dahilan kung bakit hindi nakararanas ng
masasayang pangyayari ang mga kabataan. Bagkus, may mga paraan din kung paano ito malalagpasan at
kung ano ang mga rason kung bakit nila ito nararanasan. Nilalayon ng may akda na magbigay ng mga
impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay liwanag ukol sa paksang "Stress sa
Makabagong Kabataan.

II. Presentasyon ng nilalaman ng teksto

Matutunghayan sa unang talata na ipinaliwanag muna ng may akda ang naidudulot ng stress sa
buhay ng kabataan bago niya ibinahaging maraming mga pag aaral ang isinagawa ng mga propesyonal
tungkol sa usapang ito. Pagkatapos ay inisa-isang iprinisinta ang mga datos o impormasyon na galing sa
mga propesyonal tungkol sa mga rason at dahilan kung bakit nararanasan ng mga kabataan ang stress at
kung paano nila ito malalampasan.

III. Estilo ng may akda sa pagsulat

Karaniwan na pamamaraan ang ginamit na estilo ng may akda sa paghahatid ng datos o


impormasyon sa mga mambabasa. Umayon ang wikang ginamit sa mga kabataang mambabasa.
Gumamit rin ang may akda ng mga Ingles na salita gaya ng stress, stressor, stress level, stress free, at
suicide attempt.

IV. Paggamit ng wika

Epektibo ang wikang ginamit ng may akda sa kanyang teksto dahil umangkop ito sa kanyang
targeted reader na kung saan ay ang mga kabataan. Mas madaling intindihin at unawain ang teksto dahil
sa pamamaraang ginamit ng may akda.
V. Nilalaman ng teksto

Ang mensaheng nais ipahatid ng may akda na ang stress ay parte na ng buhay natin. May mga
bagay na hindi natin kayang kontrolin, gustuhin man natin o hindi, ang mahalaga malampasan natin ito
at hindi na makapag-dulot ng masama sa buhay mo. At nais rin ipararing ng teksto sa mga kabataan na
maraming paraan para maging masaya at maging stress free tayo sa buhay.

VI. Konklusyon

Ang tekstong "STRESS sa Modernong Kabataan ay isang halimbawa ng tekstong impormatibo.


Layunin nitong magpahayag ng mga datos o impormasyon tungkol sa mga rason o dahilan kung bakit ito
nararanasan ng kabataan at paano nila malalampasan ito. Nakasaad rin na gustuhin man natin o hindi na
magkaroon ng stress sa ating buhay, ang mahalaga ay matuto tayo sa bawat hakbang gagawin natin
patungo sa pangarap at pag-aaral natin.

VII. Sanggunian

Rodriguez, C. K. (2016). STRESS sa Makabagong Kabataan. Nakuha mula sa http://abm-


a.blogspot.com/2016/11/stress-ni-mary-grace-concina-source.html

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT

"Joy Cologne"
ni: Ruthcel

Ito ang produkto ko na sa inyo ay magbibigay aliwalas at bangong walang kapantay. Gamit ito sa araw-
araw at sa paggamit nito'y tunay na nakakaakit ang amoy na sa mga tao sa iyong paligid ay
mapapasunod at maakit ng husto. Sa mga kabataan lalo sa mga kababaihan, ito'y angkop na pabangong
dapat gamitin, para sa araw-araw ay may amoy na walang kapantay. Kasiyahan ay mapapasayo,
kompyansa sa pakikipaghalubilo at walang kapantay na bango. Sa bango ay walang pagsisisi maging sa
presyo ay sulit din, nagkakahalaga lang ng apat na pung piso (40), kaya san ka pa? sulit na, mabango pa.
Bili na dahil masisiguro ko sa inyo na ang "Joy Cologne" tunay na mabango, ligtas at higit sa lahat sulit sa
presyo.

Ang tekstong “Joy Cologne” ay isang halimbawa ng tekstong nanghihikayat. Masasalamin dito na
ito’y nakakaakit sa damdamin at isipan ng mambabasa dahil sa mabubulaklak nitong mga salita.
Nagtataglay ito ng propaganda device na gliterring generalities na nagsasaad ng magaganda at
nakakasilaw na pahayag at ang card stacking na ipinapahayag ang lahat ng magandang katangian ng
produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. Taglay rin nito ang isa sa paraan ng
panghihikayat ayon kay Aristotle na pathos dahil ginamit ang emosyon o damdamin upang makahikayat
ang mambabasa lalong lalo na ang mga kababaihan dahil sa pahayag nito tungkol sa taglay nitong bango
at ang kompyansa sa pakikipaghalubilo.

Ang may akda na si Ruthcel ay isang blogger sa isang Blogging Site na nagngangalang Blogger.
Siya ay miyembro ng Blogger simula pa noong Nobyembre 2011. Wala ng ibang nakalakip na
impormasyon tungkol sa kanya.

You might also like