You are on page 1of 4

COMMISSION ON DIOCESAN SCHOOLS

SAINT CHRISTOPHER ACADEMY


High School Department
Bangar, La Union

FILIPINO 7
Pangalan: ________________________________________ Petsa: _________________
Baitang at Seksyon: ______________________ Guro: Bb. Jonalyn D. Obina

MODYUL 13
PAKSA: Mga Pahayag sa Paghahambing at Iba Pang Kaantasan ng Pang-uri

Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-
sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan. bayan gamit ang wika ng kabataan.

Magandang araw sa iyo mag-aaral! Binabati kita dahil natapos


mo ng sagutin ang nakaraang modyul. Sa araling ito ay lilinangin
naman natin ang iyong kaalaman sa wika at gramatika hinggil sa mga
pahayag sa paghahambing at Iba pang Kaantasan ng Pang -uri.
Makatutulong ang mga ito upang malaman mo kung paano gamitin nang
maayos ang kaantasan ng pang -uri na maaari mong gamitin
sa paglalarawan o paghahambing ng mga pangngalan o
panghalip . Halina’t alamin natin at unawain ang mga ito.

Simulan natin ang ating aralin gamit ang iyong mata. Inaasahan na pagkatapos ng ating paglalakbay
patungo sa kaalaman ay matutuhan mo ang sumusunod:

 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-gaano,di-


gasino, at iba pa) F7WG-IIc-d-8

Magandang buhay!
Sa pagkatapos ng araling ito, matutunan mo at
magagamit nang maayos ang mga pahayag sa Paghahambing at
Iba pang kaantasan ng Pang- uri. Game ka na ba?

https://www.google.com/search?q=bitmoji+male+&tbm=isch&ved2ahUKEwiChYKGg_
_sAhVBfpQKHUbBDk
s
Q2cCegQIABAA&oq=bitmoji+male+&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAgg
A
MgIIADICCAA6BggAEAUQHjoGCAAQCBAeUL7UBVin2AVg79sFaABwAHgAgAGYAogB3gOSAQUwLjEuMZgBAKA B
AaoBC2d3cy13aXotaW1nwAE B&sclient=img&ei=OjmuX4KALcH80QTGgrvYBA&bih =657&biw=1349
&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=Ld0DFzVKISE7oM&imgdii=D9FKCGilJ_ALj
M
8/20/20

1
Tuklasin

2
PANIMULANG GAWAIN:

Panuto:Magtala ng dalawang lugar na iyong napuntahan na kailanma’y hinding hindi mo


makakalimutan at ilarawan ang mga ito sa tatlong pangungusap.

(pangalan ng lugar) (pangalan ng lugar)

1. 1.
2. 2.
3. 3.

Tanong:
 Ano ang pinakapaborito mo sa dalawang lugar na iyong napuntahan at bakit?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________.

Suriin

Ano ang iyong ginawang Gawain? Ano ang napansin mo sa mga salitang itinala?
ano ba ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan
o panghalip. Magaling! Ang tawag
dito ay Pang-uri.

ALAM MO BA?
Ang Pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigayturing sa
pangngalan panghalip. Naririto ang iba’tibang kaantasan ng panguri:

MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING AT IBA PANG KAANTASAN NG PANG-URI


1. Lantay

 Ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o


panghalip.

Halimbawa:

Malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki ng mga anak.

Mahirap ang tungkuling ito.

2. Pahambing

 Ang pang-uri kung ito ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o


panghalip. May dalawang uri ng pang-uring pahambing:

3
a.Pahambing na Pasahol o Palamang- nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian
ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang
higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.

halimbawa:

Mas mahirap ang hamon sa mga magulang ngayon kaysa noon.

Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbababad sa harap ng telebisyon.

Higit na mapadali ang gawain gamit ang makabagong teknolohiya ngayon kaysa noon.

Di gaanong mahusay si Loisa sa Math.

Di gasino ang kanyang paglakad.

b. Pahambing na Patulad- nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang


pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim,
magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.

Halimbawa:

Ang telebisyon at Internet ay parehong masama kapag nasobrahan.

Ang impluwensiyang dulot ng mga ito sa isipan ay magsindami

Magkasing tapang si Rhea at Nicole.

Ang buhok ni Issa ay kasing haba ng Buhok ni Lorna.


Ang mga bansang Pilipinas at Cambodia ay kapwa kabilang sa mga bansang makikita sa Asya.
Magkasimputi ang mga bata sa Isla ng Pitong Makasalanan
3. Pasukdol
 Ang pang-uri kung ito ay nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian sa
paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga
panlaping pinaka-, napaka, pagka- kasunod ng pag-uulit ng salitang-ugat o ng mga
salitang ubod ng, hari ng, sakdal, sobra.

Halimbawa:

Pinakamalaking hamon sa lahat ang magpalaki ng mabubuti at may magagandang asal na mga
anak sa panahong nagkalat ang masasamang impluwensiya sa lipunan.

Si Dennis ang pinakamatangkad sa kanilang magkakapatid.

Napakagandang panoorin ang mga batang sumasayaw sa entablado.

Ubod ng galing sa pagkanta si Arnel Pineda.

Sobrang galling ni Adrian sa pagtula.

Inihanda ni: Iniwasto at binigyang-pansin ni:


Jonalyn D. Obina Bb. Jennifer B. Galuz
Subject Teacher Principal

You might also like