You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Mga Pahayag sa Paghahambing at Iba Pang
Kaantasan ng Pang-uri

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikapitong Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Mga Pahayag sa Paghahambing at Iba Pang
Kaantasan ng Pang-uri
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joel M. Salonoy Jr.
Editor: Sandra S. Dimasuhid, Arnie P. Taclap, Shyrl Z. Tano
Tagasuri: Riela Angela C. Josol
Tagalapat: Dave D. Cubero
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboaga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipapamalas ng mga mag-aaral ang Naisusulat ng mag-aaral ang sariling


pag-unawa sa mga akdang awiting-bayan gamit ang wika ng
pampanitikan ng Kabisayaan. kabataan.

Magandang araw sa iyo mag-aaral! Binabati kita


dahil natapos mo ng sagutin ang nakaraang modyul. Sa
araling ito ay lilinangin naman natin ang iyong
kaalaman sa wika at gramatika hinggil sa mga pahayag
sa paghahambing at Iba pang Kaantasan ng Pang-uri.
Makatutulong ang mga ito upang malaman mo kung
paano gamitin nang maayos ang kaantasan ng pang-uri
na maaari mong gamitin sa paglalarawan o
paghahambing ng mga pangngalan o panghalip . Halina’t
alamin natin at unawain ang mga ito.

https://www.google.com/search?q=bitmoji+male+&tbm=isch&ved=2ahUKEwiChYKGg__sAhVBfpQKHUbBDks
Q2cCegQIABAA&oq=bitmoji+male+&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggA
MgIIADICCAA6BggAEAUQHjoGCAAQCBAeUL7UBVin2AVg79sFaABwAHgAgAGYAogB3gOSAQUwLjEuMZgBAKAB
AaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=OjmuX4KALcH80QTGgrvYBA&bih=657&biw=1349
&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=Ld0DFzVKISE7oM&imgdii=D9FKCGilJ_ALjM
8/20/20

Simulan natin ang ating aralin gamit ang iyong mata. Inaasahan na pagkatapos ng
ating paglalakbay patungo sa kaalaman ay matutuhan mo ang sumusunod:

 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing


(higit/mas, di-gaano,di-gasino, at iba pa) F7WG-IIc-d-8

Balikan

Batid kong lubos niyo ng naunawaan ang nakaraang aralin. Para mas
mapalalim pa natin ang iyong pang-unawa ay nais kong sagutin mo muna
ang Gawain sa ibaba. Ihanda na ang iyong sarili!

1
Gawain A.
Panuto: Paghambingin ang alamat na tinalakay ng iyong guro at ang
alamat na paborito mo batay sa mga elemento nito.
Alamat ng Isla ng Elemento
Pitong Makasalanan Pamagat ng isa pang
Alamat
Tauhan:

Tagpuan:

Banghay:

Simula

Tunggalian

Kasukdulan

kakalasan

wakas

Mahalagang aral na
taglay ng Alamat

Modyul Mga Pahayag sa Paghahambing at Iba pang


6 Kaantasan ng Pang-uri

Magandang buhay!
Sa pagkatapos ng araling ito, matutunan mo at
magagamit nang maayos ang mga pahayag sa Paghahambing at
Iba pang kaantasan ng Pang-uri. Game ka na ba?

https://www.google.com/search?q=bitmoji+male+&tbm=isch&ved=2ahUKEwiChYKGg__sAhVBfpQKHUbBDks
Q2cCegQIABAA&oq=bitmoji+male+&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggA
MgIIADICCAA6BggAEAUQHjoGCAAQCBAeUL7UBVin2AVg79sFaABwAHgAgAGYAogB3gOSAQUwLjEuMZgBAKAB
AaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=OjmuX4KALcH80QTGgrvYBA&bih=657&biw=1349
&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=Ld0DFzVKISE7oM&imgdii=D9FKCGilJ_ALjM
8/20/20
2
Tuklasin
PANIMULANG GAWAIN:

Panuto:Magtala ng dalawang lugar na iyong napuntahan na kailanma’y hinding


hindi mo makakalimutan at ilarawan ang mga ito sa tatlong pangungusap.

(pangalan ng lugar) (pangalan ng lugar)

1. 1.
2. 2.
3. 3.

Tanong:
 Ano ang pinakapaborito mo sa dalawang lugar na iyong napuntahan at bakit?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________.

Suriin

Ano ang iyong ginawang Gawain? Ano ang napansin mo sa mga


salitang itinala?ano ba ang tawag sa mga salitang naglalarawan o
ALAM MO sa
nagbibigay-turing BA?pangngalan o panghalip. Magaling! Ang tawag
dito ay Pang-uri.

https://www.google.com/search?q=male%20bitmoji&tbm=isch&hl=en&rlz=1C1CHBD_enPH
877PH878&sa=X&ved=0CB8QtI8BKAFqFwoTCMjygv6E_wCFQAAAAAdAAAAABAH&biw=1349
&bih=657#imgrc=cd6e7RNVRWG4BM 8/20/20

3
Ang Pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-
turing sa pangngalan panghalip. Naririto ang iba’tibang kaantasan ng pang-
uri:

MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING AT IBA PANG


KAANTASAN NG PANG-URI

1. Lantay
 Ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang
pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

Malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki ng mga


anak.

Mahirap ang tungkuling ito.

2. Pahambing
 Ang pang-uri kung ito ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pang-uring pahambing:

a.Pahambing na Pasahol o Palamang- nagsasaad ng nakahihigit o


nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o
panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit,
mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.

halimbawa:

Mas mahirap ang hamon sa mga magulang ngayon kaysa noon.

Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbababad sa


harap ng telebisyon.

Higit na mapadali ang gawain gamit ang makabagong teknolohiya


ngayon kaysa noon.

Di gaanong mahusay si Loisa sa Math.

Di gasino ang kanyang paglakad.

4
b. Pahambing na Patulad- nagsasaad ng magkatulad o
magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na
pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng
sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.

Halimbawa:

Ang telebisyon at Internet ay parehong masama kapag nasobrahan.

Ang impluwensiyang dulot ng mga ito sa isipan ay magsindami

Magkasing tapang si Rhea at Nicole.

Ang buhok ni Issa ay kasing haba ng Buhok ni Lorna.


Ang mga bansang Pilipinas at Cambodia ay kapwa kabilang sa mga
bansang makikita sa Asya.
Magkasimputi ang mga bata sa Isla ng Pitong Makasalanan
3. Pasukdol
 Ang pang-uri kung ito ay nagpapakita ng pinakamatindi o
pinakasukdulang katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang
pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pinaka-,
napaka, pagka- kasunod ng pag-uulit ng salitang-ugat o ng mga
salitang ubod ng, hari ng, sakdal, sobra.

Halimbawa:

Pinakamalaking hamon sa lahat ang magpalaki ng mabubuti at may


magagandang asal na mga anak sa panahong nagkalat ang
masasamang impluwensiya sa lipunan.

Si Dennis ang pinakamatangkad sa kanilang magkakapatid.

Napakagandang panoorin ang mga batang sumasayaw sa entablado.

Ubod ng galing sa pagkanta si Arnel Pineda.

Sobrang galling ni Adrian sa pagtula.


Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S., Esguera-Jose, Carmela, Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 7. 927 Quezon City Ave., Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc. 2017 8/19/20

5
Pagyamanin

At dahil tapos na nating talakayin ang iba’t ibang kaantasan ng pang-uri,


ngayon ay magkakaroon tayo ng Gawain para mas masukat natin ang lawak ng iyong
kaalaman tungkol sa ating tinalakay. Handa ka naba?
Gawain A

Panuto: salungguhitan ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap at suriin


ang kaantasan nito. Isulat sa kahon ang L kung ito ay Lantay, PT kung pahambing
na patulad at PL kung pahambing na palamang at P kung Pasukdol.

Ww 1. Mahirap makahanap ng trabaho kapag walang pinag-aralan.


2. Mas mataba si Alex kay sa ni Jonas.
3. Si Cris at Allen ay magkasingtalino.
4. Ubod ng bilis kung tumakbo si Niko kaya siya ang nanalo sa paligsahan.
5. Napakalakas nang ulan ang bumagsak kaninang madaling araw.

Gawain B
Panuto: Punan ng wastong kaantasan ng pang-uri ang bawat pangungusap. Gawing
gabay ang salitang ugat sa loob ng panaklong gayundin ang diwang taglay ng
pangungusap.
1. Sa ngayon (unlad) ___________ na ang ating ekonomiya kaysa noon.
2. Ang tamang paggabay sa mga anak ay (mainam) _____________ pa ring paraan ng
pagtuturo kaysa sa labis na pamamalo at pananakit ng bata.
3. Ang batang (bait) ______________ay labis na kinagigiliwan ng mgamagulang.
4. (bagsik) _________________ ang bagyong Yolanda ng bagyong Ondoy.

5. (malaki) ____________________ hamon nating mga Pilipino ngayon ang pagsugpo sa


Covid19 na kumikitil ng maramingbuhay.

6
Isaisip

Magaling! Kinaya mo ang lahat ng mga Gawain at


pagsagot sa modyul na ito. Batid ko’y natutunan mo na
kung paano gamitin ang mga kaantasan ng pang-uri .
handa ka na ba sa iba pang Gawain? Halina’t alamin
natin.

https://www.google.com/search?q=male%20bitmoji&tbm=isch&hl=en&rlz=1C1CHBD_enPH
877PH878&sa=X&ved=0CB8QtI8BKAFqFwoTCMjygv6E_wCFQAAAAAdAAAAABAH&biw=1349
&bih=657#imgrc=cd6e7RNVRWG4BM 8/20/20

Gawain A
Panuto: Gamitin nang maayos sa mga pangungusap ang sumunod na mga pahayag
sa paghahambing.

1. Kasing tangkad ______________________________________________________.


2. Magkapareho ________________________________________________________.
3. Sobrang taas _________________________________________________________.
4. Di-hamak na magaan _________________________________________________.
5. Lubhang masama______________________________________________________.

Gawain B
Panuto: Punan ng wastong sagot ang sumusunod na puwang sa bawat
pangungusap.

1. Ang ____________________ ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-


turing sa pangngalan o panghalip.

2. Ang _____________ ay anyo ng Pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang


pangngalan o panghalip.

3. Ang _____________ ay anyo ng Pang-uri kung ito ay naghahambing o nagtutulad


ng dalawang pangngalan o panghalip.

4. _______________________________ ito ay nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang


na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
5. _______________________________ ito ay nagsasaad ng magkatulad o magkapantay
na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.

7
Tayahin
Panuto: Tukuyin ang tamang pang-uri na pupuno sa diwa ng pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. (sakit) sa isang magulang ang makitang naghihirap ang mg aanak.


a. mas masakit b. pinakamasakit c. masakit d. malubhang sakit

2. Si Anabelle at Marga ay (talino) _________________ sa kanilang klase sa


asignaturang Filipino.
a. matalino b. magkasingtalino c. pinakamatalino d. lubhang matalino
3. Ang batang si Ernie ay (bilis) lumangoy sa amin.
a. pinakamabilis b. ubod ng bilis c. kasingbilis d. mabilis
4. (dakila)_________________ pag-ibig ang pag-aalay ng buhay ng mgasundalo para
sa bayan.
a. mas dakila b. magkasingdakila c. pinakadakila d. sindakila
5. (maganda) si Isabel sa kanilang magkakaibigan.
a. maganda b. mas maganda c. napakaganda d. ubod ng ganda
Para sabilang 6-10
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang
antas ng pang-uri kung ito’y lantay, pahambing o pasukdol.

_______________ 6. Si Kyla ang pinakapaborito na apo niAlingNeneng.


______________ 7. Maganda ang ginawang tula ni Sandra.
______________ 8. Mas masipag mag aral si Diana kaysa kay Jona.
_______________ 9. Napakagandang akyatin ang tuktuk ng Mt. Danao.
_______________ 10. Di gaanong mabilis ang kanyang pagtakbo kanina.

Para sa bilang 11-15

Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri. Gawing


gabay ang mga nakahandang salita sa ibaba.
Halimbawa: matalino)
(Lantay - Matalino si Kyle sa aming klase.
Pahambing - Mas matalino si Kyle kumpara kay Nika.

8
Pasukdol - Pinakamatalino si Kyle sa aming klase.

11. (Matibay)
Lantay - _____________________________________________________________
Pahambing - _____________________________________________________________
Pasukdol - _____________________________________________________________

12. ( Mayabong)
Lantay - _____________________________________________________________
Pahambing - _____________________________________________________________
Pasukdol - _____________________________________________________________

13. (mabagal)
Lantay - _____________________________________________________________
Pahambing - _____________________________________________________________
Pasukdol - ____________________________________________________________

14. ( mahirap )
Lantay - _____________________________________________________________
Pahambing - _____________________________________________________________
Pasukdol - _____________________________________________________________

15. ( madali )
Lantay - _____________________________________________________________
Pahambing - _____________________________________________________________
Pasukdol - _____________________________________________________________

9
Karagdagang Gawain

Mahusay! Dahil natapos mong sagutin ang mga tanong na


nakahanda para sa iyo. Malapit na nating marating ang ruruk ng
tagumpay at para marating mo ito kinakailangan mo pang sagutin
ang mga Gawain na nasa ibaba.

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata. Tukuyin ang mga
kaantasan ng pang-uri at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sa panahong ito ng digital age kung saan bahagi na ng buhay ang Internet, cable,
television, video games, smart phones, tablet, at iba pang modernisasyon sa
komunikasyon at sa pamumuhay, nagiging mas mabigat ang hamong kinahaharap
ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak na may mabubuting pagpapahalaga
at magagandang asal kaysa sa nakalipas na limampung taon. Ayon sa pag-aaral,
halos 75% ng mga sanggol mula 0-1 taon ay nakapanonood ng telebisyon at 37% sa
mga ito ay nakapanonood araw-araw. Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ng
Kaiser Family Foundation noong 2010, ang mga kabataang may edad 8 hanggang
18 ay gumugugol daw ng 7 oras at 38 minuto araw-araw sa paggamit ng iba’t ibang
uri ng media. Ayon pa rin sa nasabing pag-aaral, ang 7 oras at 38 minuto na ito ay
napapalawig pa nang hanggang 10 oras at 45 minuto dahil sa tinatawag na media
multitasking kung saan sabay-sabay na binubuksan at ginagamit ng isang kabataan
ang iba’tibang media o applications. Napakalaki ng epekto nito sa nabubuong pag-
uugali, pagpapahalaga, pag-iisip, at pamumuhay ng mga kabatanan.
Kaya naman, sa ganitong kalagayan ay lalongmahalaga ang presensiya ng
magulang upang magabayan ang kani-kanilang mga anak sa pagharap sa mga
impluwensiyang dala ng digital age. Ang matiyagang pagtuturo at paggabay ng
magulang pa rin ang pinakamahalaga sa panahong ito. Subalit mahalaga rin ang
pagtanggap at pagsunod ng mga anak sa payo o pangaral ng magulang.
Sanggunian: Generation M2:Media in the lives of 8-to-18-year-Olds
http://kff.org/other/event/generation-m2-media-in-the-lives-of/
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.
Mga sagot:
1._______________________
2. ______________________
3.______________________
4.______________________

10
Gawain B

Panuto: Gumawa ng isang talata at gamitin ang mga kaantasan ng Pang-uri sa


pagbuo nito. Gawing paksa sa bubuoing talata ang pagiging mabuting anak,
kapatid o kapamilya.
_______________________________________
(Pamagat)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

KRAYTERYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI-GAANONG


(5) (4) MAHUSAY
(3)
Nagagamit nang di masyadong Hindi nagagamit
maayos ang mga nagagamit nang ang mga
NILALAMAN kaantasan ng maayos ang mga kaantasan ng
pang-uri sa kaantasan ng pang-uri sa
pagbuo ng talata pang-uri sa pagbuo ng talata
pagbuo ng talata
Angkop na angkop Di masyadong Hindi angkop ang
PAKSA ang paksa sa angkop ang paksa paksa sa
ginawang talata sa ginawang ginawang talata
talata
Malinis,maayos at Di masyadong Hindi malinis,
PRESENTASYON organisado ang malinis, maayos may kahirapang
pagkakasulat sa at organisado ang unawain ang
ginawang talata pagkakasulat sa pagkakasulat sa
ginawang talata ginawang talata

11
Susi sa Pagwawasto

12
SANGGUNIAN

AKLAT
FILIPINO MELCS
Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S., Esguera-Jose, Carmela, Dayag, Alma M.
Pinagyamang Pluma 7. 927 Quezon City Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
2017 Pahina 180-181 8/19/20

Generation M2:Media in the lives of 8-to-18-year-Olds


http://kff.org/other/event/generation-m2-media-in-the-lives-of/
PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al .

INTERNET
Sanggunian:
https://www.google.com/search?q=jolo+bombing&tbm=isch&ved=2ahUKEwicyJ_Tg8DrAhWkJqYKHb
niDHYQ2cCegQIABAA&oq=jolo+bombing&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzIGCAAQBxAeMgYIABAHEB
4yBggAEAgQHjIECAAQGDIECAAQGDoECAAQQzoCCAA6CAgAEAcQBRAeUNxnWPF5YPOBAWgAcAB4
AIABsAGIAYsNkgEEMC4xMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=RhZKX5yNKaT
NmAW5xbOwBw&bih=591&biw=1350#imgrc=5Ep6q11Ff4S9IM 8/20/20

https://www.google.com/search?q=bitmoji+male+&tbm=isch&ved=2ahUKEwiChYKGg__sAhVBfpQKH
UbBDksQ2cCegQIABAA&oq=bitmoji+male+&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgI
IADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BggAEAUQHjoGCAAQCBAeUL7UBVin2AVg79sFaABwAHgAgAGYAogB
3gOSAQUwLjEuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=OjmuX4KALcH80QTGgrv
YBA&bih=657&biw=1349&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&hl=en#imgrc=Ld0DFzVKISE7oM&imgdii=D
9FKCGilJ_ALjM 8/20/20

https://www.google.com/search?q=male%20bitmoji&tbm=isch&hl=en&rlz=1C1CHBD_enPH877PH878&sa=X&ved=0CB8Qt
I8BKAFqFwoTCMjygv6E_wCFQAAAAAdAAAAABAH&biw=1349&bih=657#imgrc=cd6e7RNVRWG4BM 8/20/20

Sanggunian:
https://www.google.com/search?q=corona+virus+patient&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2lfHLgMDrAhWOApQKHYAS
CIsQ2-
cCegQIABAA&oq&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAh
AnMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnMgcIIxDqAhAnOgQIIxAnOgIIAFDKoQFYpqwBYP2KL
WgDcAB4BIABvwGIAdoJkgEDMC44mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQrAAQE&sclient=img&ei=ERNKX7bJOI
6F0ASApaDYCA&bih=591&biw=1350#imgrc=oqloEhHKJFv-KM 8/22/20

Sanggunian:
https://www.google.com/search?q=new+normal+in+education&tbm=isch&ved=2ahUKEwizwpmygMDrAhUF3JQK
HULAB1UQ2-
cCegQIABAA&oq=new+normal&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgUIABCxAzICCAAyBAgAEEM
yAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoGCAAQBRAeOgYIABAIEB46BwgjEOoCECdQ3ckCWLjyAmDjiQNoAX
AAeAOAAcgCiAGFGZIBCDAuMTcuMC4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQrAAQE&sclient=img&ei=3BJKX7P
kA4W40wTCgJ-oBQ&bih=591&biw=1350#imgrc=zyeBpEShYsBp4M

13
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And whe n the dark ni ght wraps the grave yard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the de ad in the ir vi gil to se e
And if color is lacking my blood thou shalt take, Bre ak not my re pose or the myste ry profound
Pour'd out at need for thy dear sake And pe rchance thou mays t he ar a sad hym n re sound
To dye with its crimson the waking ray. 'T is I, O my country, rais ing a song unto the e .

My dreams, when life first opened to me, And e ve n my grave is re me mbe red no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark'd by ne ve r a cros s nor a s tone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Le t the plow swe e p through i t, the spade turn it o'e r
From gloom and grief, from care and sorrow free; That my ashe s may carpe t e arthly floor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Be fore into nothing ne ss at last the y are blown.

Dream of my life, my living and burning desire, The n wil l oblivion b ring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As ove r thy vale s and plai ns I swe e p;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cle anse d in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color a nd lig ht, wi th song and lame nt I fa re ,
And sleep in thy bosom eternity's long night. Eve r re pe ating the fai th that I kee p.

If over my grave some day thou seest grow, My Fathe rland ador'd, tha t sadne ss to my sorrow le nds
In the grassy sod, a humble flower, Be love d Filipinas, he ar now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give the e all: pare nts and kindre d and frie nds
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go whe re no slave before the oppre ssor be nds,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Whe re faith can ne ve r kill , and God re igns e 'e r on high!

Let the moon beam over me soft and serene, Fare we ll to you all, from my soul torn awa y,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Frie nds of my childhood i n the home disposse sse d!
Let the wind with sad lament over me keen ; Give thanks tha t I re st fro m the we arisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Fare we ll to thee , too, swee t frie nd that lighte ne d my way;
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. Be love d cre ature s all, fare we ll! In de ath the re is re st!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and “I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.”
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
14
insignia of my race, and my generation is but a stage in the
unending search of my people for freedom and happiness.

You might also like