You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS Division of Oriental Mindoro
QUINABIGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAMALAYAN, ORIENTAL MINDORO

Pang-araw-araw na Banghay Aralin sa Filipino 10

Marso 17, 2021

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang mensahe ng larawan o ipinapakita ng larawan (picture analysis)
 Nasusuri ang mahahalagang impormasyon at pangyayari na nakapaloob sa akdang
pampanitikang tinalakay

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
mga bansang kanluranin

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media)

KASANAYAN SA PAGKATUTO
 F10PB-IIIa-80 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa dagli batay sa: suliranin ng may akda,
kilos at gawi ng tauhan, mahahalagang pangyayari

II. PAKSANG-ARALIN
Modyul 1: Mga Akdang Pampanitikan ng South Amerika at ng mga bansang Kanluranin
Panitikan: Ako Po’y Pitong Taong Gulang
Gramatika at Retorika: Mga Salitang Nagpapahayag ng Pangyayari at Damdamin
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
Kagamitang Panturo: Laptop, Yeso
Sanggunian: Modyul ng K-12 para sa ikasampung baiting mula sa Kagawaran ng Edukasyon

III. PAMAMARAAN

1. Pang-araw-araw na Gawain
a. Pagtatala ng liban
2. Pagbabalik-Aral
Mga Gabay na Tanong
1. Sa ating tinalakay ano ang pagkakaiba ng talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?

A. Tuklasin
Gawain 1: Pick and Tell!

Sa bahaging ito ang mga mag-aaral ay bubunot ng mga larawan na inihanda ng guro at
magbibigay ng pananaw o pahayag na ipinapakita ng larawan.

Tanong:
1. Sa inyong palagay, ano ang ipinapakita ng bawat larawan?
2. Ano-ano kaya ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng child labor?
3. Nararapat ba sa mga bata o kabataan ang mamulat agad sa maagang pagtatrabaho o sapilitang
pagtatrabaho? Bakit Oo? Bakit Hindi?

B. Linangin
Gawain 2: Akda’y Basahin/Panuorin
Sa bahaging ito babasahin/panunuorin ng mga mag-aaral ang akdang pampanitikan mula sa Isla
ng Caribbean na Ako Po’y Pitong Taong Gulang”
Pagkatapos basahin/panuorin ay magkakaroon ng pangkatang gawain upang mas lalong
maunawaan ang kabuuan ng akda.
Panuorin sa link na ito (AKO PO'Y PITONG TAONG GULANG - Dagli Mula Sa Caribbean, A Short
Film - YouTube)
Gabay na Tanong:

1. Nararapat bang maranasan ng isang pitong taong gulang ang mga naranasan ng ating
pangunahing tauhan sa akda?
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang dahilan kung bakit n’ya ito naranasan?

C. Unawain at Pagnilayan
Gawain 3: Unawain Mo!
Ngayon ay natitiyak kong handa na ninyong alamin ang mga mahahalagang pangyayari mula sa
akdang pampanitikan na Ako Po’y Pitong Taong Gulang, gagawin natin ito sa isang pangkatang gawain.

Unang Pangkat: Suriin ang tauhan at mga pangyayari sa binasang dagli sa tulong ng grapikong
representasyon.

Pangyayari
I Ako Po’y Tagpuan
Pangyayari 2
Pitong Taong Pangyayari 3
Tauhan 1
Gulang

Ikalawang Pangkat: Ipahayag ang iba’t ibang damdaming nakapaloob sa binasang dagli. (Maaaring iguhit
ito gamit ang mga emoji na makikita natin sa Facebook o di kaya naman ay bawat miyembro ang
magpapakita ng damdamin o emosyon)

Ikatlong Pangkat: Pag-usapan Natin!


Gamit ang hatirang pangmadla (social media) magpost ng isang adbokasiya na naglalayong
buksan ang kamalayan ng nakararami sa usaping Child Labor.

Magsasagawa ang inyong paaralan ng isang pagpupulong ng lahat ng pangulo ng klase sa


pagpili ng modelong kabataan para sa nalalapit na Youth Conference. Bilang kalahok sa
nasabing pulong, ikaw ay inaasahang bubuo ng isang adbokasiya na naglalayong buksan
ang kamalayan ng nakararami sa masamang epekto ng sapilitang pagtatrabaho ng mga
bata sa ating bansa. Ang adbokasiya ay ipopost sa inyong Facebook upang mabasa ng
mga kabataan at ang reactions (likes) sa inyong post ay 30% ng kabuuan ng inyong
marka. Bilang paglahok sa panawagang ito sundin ang sumusunod na hakbang.

1. Ikaw ay magpopost ng isang adbokasiya sa iyong facebook account, magtatagal lamang


ito ng isang linggo.
2. Iprint-screen (screenshot) ang post na tumagal ng isang linggo.
3. Ipasa sa group chat ng inyong klase ang kopya ng screenshot upang makuha ng guro
ang kabuuan ng likes na nakuha ninyo sa loob ng isang linggo.
4. Inaasahan ang adbakasiya ay magiging malalim at makabuluhan.
5. Ang tuntunin at facebook reactions (likes) ay tatayain sa sumusunod na pamantayan
Pamantayan
Pamantayan Bahagdan
Kaugnayan ng paksa sa binuong adbokasiya
20

Nagtataglay ng wholistic na dulog na saklaw ang Kabataan 20

Gumagamit ng mga payak na salita at madaling unawain 20

Nasunod ang pamantayan sa paggawa ng tuntunin 10


Kabuuan: 70%
Facebook post (likes, reactions) 30%
KABUUAN: 100%

Ikaapat na Pangkat: ReSOLVEbahin Natin!


Ang paggawa ng bata sa Pilipinas ay ang pagtatrabaho ng mga bata sa mapanganib na trabaho
na mas mababa sa edad na labingwalong (18), o walang mga wastong kondisyon at mga kinakailangan
na mas mababa sa edad na labing limang (15), kung saan ang mga bata ay pinilit na magtrabaho nang
regular upang kumita para sa kanilang sarili at kanilang mga pamilya, at bilang isang resulta ay hindi na
sila nakakapag-aral o naisasantabi na ang edukasyon at ang pakikihalubilo sa mga kapwa nila bata ay
nawawala na din.
Noong 2012, sinabi ng National Statistics Office (NSO) na kasalukuyang nasa 5.5 milyon ang mga
child laborer na may edad 5–17 sa bansa, halos 2.1 milyon sa kanila ay nahantad sa mga kapaligiran na
itinuturing na mapanganib. Ang Tinatantiya ng International Labor Organization na 55.3% ng mga batang
ito ang nagsasagawa ng mapanganib na gawain sa isang agrikultura.
Dahil sa nararanasang mahabang pandemya sa buong mundo ay nagpahayag ng pangamba si 
Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Director
Ma. Karen Trayvilla sa posibleng pagtaas sa datos ng ‘child labor’ sa Pilipinas na maaaring mapuwersa na
maghanap-buhay ang mga kabataan sa halip na mag-aral dahil sa nararanasang kahirapan.
Hindi naman umano nagpapabaya ang DOLE at patuloy na hinahanap ang mga batang
napupuwersang magtrabaho ngunit nagkakaroon sila ng balakid dahil sa mga panuntunan ukol sa
‘quarantine’.
Nitong 2017, tinatayang nasa 2.1 milyong bata ang sangkot sa ‘child labor’ at nasa 275,000 sa
kanila ang nai-profile na ng pamahalaan. Target ng ahensya na mabawasan sana ang ‘child labor’ ng 30
porsyento o 630,000 pagsapit ng taong 2022.
DOLE nangangamba sa pagtaas ng ‘child labor’ | Pang-Masa (philstar.com)
Ngayon kumpletuhin ang kahon sa ibaba ng mga datos upang makuha ang edad ng mga bata na
kadalasang nakararanas ng Child Labor o sapilitang pagtatrabaho sa ating bansa.

Ang Edad ng mga Bata na nakakaranas ng Child Labor o


Sapilitang Pagtatrabaho
Edad Bilang ng mga bata na Class Mark
Sapilitang fx
Nagtatrabaho
x
f
15-17 14 16 224
12-14 9 __ 117
9-11 8 10 _____
6-8 6 __ _____
3-5 3 4 `12
i=2

∑ f =¿-- ∑ fx=¿ --
ẍ=
∑ fx = −−¿ ¿ = --
∑f −−¿ ¿
Kaya naman, ang Edad na kadalasang nagtatrabaho ng maaga ay ____
Tanong:
 Ipaliwanag ang paraan kung paano nakuha ang mga sagot sa itaas.
 Sa tulong ng formula na nasa itaas, ano ang edad ng mga bata na kadalasang nakararanas
ng sapilitang pagtatrabaho o child labor sa ating bansa?

IV. Ebalwasyon

Tukuyin kung ang mga sitwasyon ay tama o mali na tumutukoy sa mga karapatan ng mga bata.

1. Si Amelia ay nagtatrabaho na sa murang edad dahil sa hirap ng buhay na kanilang


nararanasan.
2. Si Juan ay ipinagpapatuloy ang pag-aaral sa kabila ng kahirapan.
3. Dahil sa kawalan ng pera, hindi nakapagtapos si Mina ng kanyang pag-aaral kaya
napilitan itong lumuwas ng Maynila upang makipagsapalaran, at sa edad na labinglima
ay marami na siyang nasubukan na trabaho.
4. Ang mga magulang ni Paeng ay masayang-masaya nang malaman nilang nakakuha ng
mataas na puntos sa unang pagsusulit.
5. Upang mabayaran ang pagkakautang ng pamilya ni Linda ay nagtrabaho siya sa isang
mayamang pamilya at nagpaalila kahit siya ay sampung taong gulang pa lamang. Hindi
na kasi kayang magtrabaho ang mga magulang nito dahil sa katandaan.

V. Kasunduan

Manood ng balita o magbasa ng pahayagan pumili ng isang bahagi ng balita na may


kinalaman sa sapilitang pagtatrabaho ng mga bata/ kabataan na wala pa sa hustong
edad. Suriin ang sumusunod:

1. Paksa
2. Nilalaman ng balita
3. Kaugnayan sa tinalakay na akda

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa Sa 39 na mga mag-aaral 30 ang nakakuha ng 80% sa
pagtataya pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan 9 (Siyam) sa mga mag-aaral ang nangangailangan ng
ng iba pang gawain para sa remediation intervention at remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang na Ang ginamit na remedial ay nakatulong upang mas
nakaunawa sa aralin. maunawaan ang aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na nagpapatuloy sa 3 na lamang sa mga mag-aaral ang nagpapatuloy sa
remediation remediation.
E. Alin sa mga istratehiya ng pagtuturo ang Buddy system, kung saan ay ang mga mag-aaral ay
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? tutulangan ng kapwa mag-aaral upang maunawaan
ang aralin.
F. Anong suliranin ang aking naranasan na Ang suliranin na aking naranasan ay nasolusyunan sa
solusyunan sa tulong ng aking punongguro at pamamagitan ng LaC Session.
supervisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking Ang paggamit ng integrasyon na makatutulong sa
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko lubos na pang unawa ng mga mag-aaral sa mga
guro? aralin.

Inihanda ni:

Jaymark S. Julao
Guro sa Filipino

You might also like