You are on page 1of 9

lOMoARcPSD|18886506

Filipino 5 LAS Q2 MELC 8 - ..........................................

Bs education (Partido State University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by SHEILA ELLAINE PAGLICAWAN (sheilaellaine.paglicawan@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|18886506

5
Activity Sheet sa Filipino
Kuwarter 2 - MELC 8
Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa
Pagsasabi ng Hinaing o Reklamo, sa
Pagsasabi ng Idea sa Isang Isyu at sa
Pagtanggi

REHIYON VI-KANLURANG
VISAYAS

Downloaded by SHEILA ELLAINE PAGLICAWAN (sheilaellaine.paglicawan@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|18886506

Filipino 5
Learning Activity Sheet
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 6- Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng ng Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176


na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6-Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Eduklasyon,
Rehiyon 6- Kanlurang Visayas.

Mga Bumuo ng Filipino 5 Learning Activity Sheet

Manunulat: Sheila H. Arcolas


Editor: Jerelyn P. Placer
Tagasuri: Aldrin G. Vingno
Tagalapat: Lorenzo C. Magsipoc

Division of Bacolod City Management Team


Gladys Amylaine D. Sales
Michell L. Acoyong
Janalyn B. Navarro
Ellen G. Dela Cruz
Aldrin G. Vingno

Regional Management Team


Ma. Gemma M, Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii

Downloaded by SHEILA ELLAINE PAGLICAWAN (sheilaellaine.paglicawan@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|18886506

MABUHAY!

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng
Bacolod at Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas at sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division.
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan
ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi
na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan
at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon
sa iyong paaralan, pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto nga bawat gawain.

iii

Downloaded by SHEILA ELLAINE PAGLICAWAN (sheilaellaine.paglicawan@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|18886506

Kuwarter 2, Linggo 5

Learning Activity Sheet Blg. 8


Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksiyon:
_____________
Petsa: __________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 5


Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Hinaing o
Reklamo, sa Pagsasabi ng Idea sa Isang Isyu at sa Pagtanggi

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa pagsasabi ng
hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng idea sa isang isyu, at sa
pagtanggi. F5PS-Ig-12.18; F5PS-IIf-12.12; F5PS-Iij-12.10

II. Panimula
Isa sa mahahalagang bagay na dapat nating matutuhan ay ang
paggamit ng magagalang na pananalita lalo na sa pagsasabi ng
hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng idea sa isang isyu, at sa
pagtanggi. Karapatan ng bawat tao, bata man o matanda, na
magpahayag ng kaniyang mga kaisipan, opinyon at pananaw.
Kailangan nating maging magalang sa lahat ng pagkakataon. Ito
ay isa sa mga katangian ng mga Pilipino na ipinagmamalaki natin
saanmang panig ng mundo.

III. Mga Sanggunian


Most Essential Learning Competencies 2020, DepEd
Agarrado, Patricia Jo C., et al., Alab Filipino 5 Batayang Aklat,
Quezon City, Vibal Group, Inc., 2016.
Lalunio, Lydia P. et. al. (2010). Hiyas sa Pagbasa 5, Binagong
Edisyon.
Filipino 5 Teachers’ Guide (Ikalawang Markahan), Dibisyon ng
Bacolod.

IV. Mga Gawain


1. Mga Panuto
Basahin nang tahimik ang kuwento. Sikaping maibigay ang
tamang sagot sa mga tanong pagkatapos magbasa.

Ang Matulunging Bata

Sa isang maralitang pamilya lumaki si Ferlyn. Pinalaki


siyang may pagmamahal at takot sa Diyos. Kaugalian na
nilang mag-anak na sama-samang magsimba tuwing Linggo.

Isang araw, habang papunta na sila sa simbahan, may


nakita si Ferlyn na isang matandang uugod-ugod sa paglakad
at marami pa itong dala. Agad tinulungan ito ni Ferlyn,

Downloaded by SHEILA ELLAINE PAGLICAWAN (sheilaellaine.paglicawan@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|18886506

kasama ang kapatid niyang si Estong.

“Magandang umaga po lola, tulungan na po namin


kayo”, ang sabi ng dalawang bata. “Salamat, mga anak,”
sagot naman ng matanda. “Pagpalain nawa kayo ng Diyos,”
dagdag nito.

Ito na ang nakagawian ng magkapatid. Kapag may


nakita silang dapat tulungan, ibinibigay nila ito.

Lunes, araw ng pasok sa paaralan, masiglang pumasok


ang magkapatid. Naunang pumasok si Estong sa kanpyang
silid-aralan. Si Ferlyn naman nang papasok, nabundol niya
ang kaklase niya na papasok rin sa loob. “Patawad, Joy, hindi
ko sinasadya,” paumanhin ni Ferlyn. “Ok lang, Ferlyn,” sagot
nito.

Sa kanilang leksiyon, napag-usapan ang diskriminasyon


ng mga mahihirap at mayaman. Pinabigay sila ng idea nito.

“Sa palagay ko po, hindi dapat na pagmamalupitan ng


mayayaman ang mahihirap, bagkus dapat natin silang
tulungan,” sagot ni Ferlyn. “Magaling,” ani ng guro. “Ang
pagtulong sa kapwa ay isang ugaling dapat isapuso nating
lahat,” dagdag nito.

Mga Tanong:
a. Anong kaugalian meron si Ferlyn at ang kapatid niya?
b. Bakit tinulungan nina Ferlyn ang matanda?
c. Anong sinabi ni Ferlyn nang nabundol niya ang kaklase niya?
d. Anong sinabi ni Ferlyn tungkol sa diskriminasyon ng mahihirap
sa mayaman?
e. Kung ikaw si Ferlyn, tutulungan mo rin ba ang matanda?
Bakit?
f. Paano ipinakita ni Ferlyn na siya ay magalang?
g. Ano-ano ang magagalang na pananalita ang kaniyang ginamit?

2. Pagsasanay
I. Piliin ang angkop na paggamit ng magagalang na
pananalita sa pagbibigay ng idea sa isang isyu.
1. Pinabigay kayo ng idea tungkol sa paggalang sa kapwa.
Paano mo sasabihin ang magagalang na pananalita?
A. Ang sa akin ay dapat igalang ang kapwa.
B. Sa akin pong pananaw, dapat pong igalang ang kapwa
natin.

Downloaded by SHEILA ELLAINE PAGLICAWAN (sheilaellaine.paglicawan@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|18886506

C. Ang dapat ko pong sabihin ay dapat igalang ang kapwa


tao.
D. Ang dapat ko pong sabihin ay hindi dapat igalang ang
kapwa tao.

2. Magbibigay ka ng idea tungkol sa kahalagahan ng pag-


eehersisyo. Paano ito sasabihin?
A. Ang gusto kong sabihin ay mahalaga na mag-ehersisyo
tayo para . . .
B. Ang idea ko po nito ay mahalaga na mag-ehersisyo tayo
para …
C. Ang sa akin ay mahalaga na mag-ehersisyo tayo
para . . .
D. Para sa akin, mahalaga na mag-ehersisyo para . . .

II. Tukuyin kung gumagamit ng magagalang na pananalita ang


sumusunod na mga pangungusap tungkol sa pagrereklamo.
Isulat ang Oo kung may paggalang at Hindi kung wala.

______ 1. Gusto ko po sanang magreklamo dahil isang linggo


na
pong nangangamoy ang nakatambak na basura sa
bakanteng lote.
______ 2. Ipagpaumanhin po ninyo ngunit dapat niyo pong
malaman na nasisira ng aso ninyo ang bakod namin,
puwede niyo po bang maitali ito nang maayos?
PT: Bigkasin ng wasto ang tula nang may wastong tono, diin,
antala at damdamin. Kunan ng video at isumite sa
Feb 5, 10 PM

III. Isulat ang iyong sagot sa sumusunod na mga sitwasyon


gamit ang magagalang na pananalita sa pagtanggi.
1. Gusto ng mga kaibigan mo na i-upload sa facebook ang
pangit na litrato ng isa ninyong kaibigan. Alam mong
magagalit ang kaibigan mo lalo na at stolen shot lamang ito.
Ano ang sasabihin at gagawin mo sa iyong mga kaibigan?
_____________________________________________________________

2. Nais hiramin ng iyong kaibigan ang iyong cellphone


dahil
maganda ang camera nito. May proyekto kasi sila na
gagawa ng video clip. Alam mong magagalit ang nanay mo
dahil alam niyang nasira ng kaibigan mo ang cellphone ng
isa mo ring kaibigan. Paano mo ito sasabihin ang iyong
pagtanggi?

Downloaded by SHEILA ELLAINE PAGLICAWAN (sheilaellaine.paglicawan@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|18886506

___________________________________________________________________

V. Mga Batayang Tanong

1. Bakit mahalaga ang paggamit ng magagalang na pananalita sa


pagbibigay ng idea, hinaing o reklamo at pagtanggi?

2. Ano-ano ang mga magagalang na pananalita sa pagsabi ng mga


ito?

Narito ang ilang mga magagalang na salita/parirala na maaaring


gamitin sa pagsasabi ng hinaing o reklamo, idea sa isang isyu,
at sa pagtanggi:
 Sa akin pong palagay……
 Sa akin pong pananaw……
 Ang idea ko po sa bagay na ito ay …….
 Naniniwala po ako………….
 Ipagpaumanhin po ninyo ngunit…….
 Pwede po bang …………
 Mawalang galang na po, ngunit………..
 Gusto ko po sanang magreklamo ………..
 Nag-aalinlangan po ako, ngunit ……….
 Hindi po ako sumasang-ayon dahil …………..
 Maaaring tama po kayo, pero hindi po kaya….
 Salamat po sa inyong mungkahi/opinyon, ngunit…….

VI. Repleksiyon
a. Nakakagaan ba ng pakiramdam ang pagsabi ng magagalang
na pananalita sa pagtanggi, pagbibigay ng idea at reklamo?
b. Mahalaga ba ang pagsasabi ng magagalang na pananalita?
Bakit?

Repleksiyon

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
4
__________________________________________________

Downloaded by SHEILA ELLAINE PAGLICAWAN (sheilaellaine.paglicawan@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|18886506

VII. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1
1. B
2. B

Pagsasanay 2
1. Oo
2. Oo

Pagsasanay 3
Depende sa sagot
ng mga bata.

Downloaded by SHEILA ELLAINE PAGLICAWAN (sheilaellaine.paglicawan@deped.gov.ph)

You might also like