You are on page 1of 9

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pampagkatuto
Ikaapat na Markahan – MELC 6
Mga Napapanahong Isyu sa
Sekswalidad

REGION VI – WESTERN VISAYAS

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa


Pagpapakatao 8

Manunulat: Mrs. Ma. Erma A. Duran


Editor: Mrs. Marie Paz A. Almalbis
Tagasuri: Mr. Alan Vincent B. Altamia

Tagaguhit:
Tagalapat: Mr. Richy Mark Dela Cruz
Division of Capiz Management Team: Dr. Salvador O. Ochavo, Jr.
Dr. Segundina F. Dollete
Mrs. Shirley A. De Juan
Mr. Alan Vincent B. Altamia

Regional Management Team: Ramir B. Uytico


Pedro T. Escobarte Jr.
Celestino Dalumpines IV
Mr. Donald T. Genine
Mrs. Miriam T. Lima
Elena P. Gonzaga

PAMBUNGAD NA MENSAHE
MABUHAY!

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo


sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang
kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon,
na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga
panuto ng bawat gawain

Gawaing Pagkatuto
Pangalan ng Mag-aaral:________________ Grado at Seksiyon:________ Petsa: _____
GAWAING PAMPAGKATUTO SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Mga Napapanahong Isyu sa Sekswalidad

l. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa


sekswalidad (EsP8IPIVa-13.2)

ll. Panimula (Susing Konsepto)

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo na ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng


kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Nangangahulugan ito na nagiging ganap at
bukod-tangi ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang pagkalalaki o pagkababae. Malaya
ang tao sa pagtanggap at pagganap sa kanyang sekswalidad ngunit nararapat na ito ay
naaayon sa tawag ng pagmamahal at batay sa kanyang pagkatao sa kabuuan niya - ang
pagkakaisa ng katawan at espiritu.

Bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang sekswalidad upang maging
ganap ang pagiging pagkababae o pagkalalaki. Kailangang mapag-isa ang sekswalidad at
ang pagkatao habang nagdadalaga o nagbibinata upang hindi magkaroon ng kakulangan sa
pagkatao sa pagsapit niya sa sapat na gulang o adulthood. Kapag nagkulang ang tao sa
aspektong ito, maari siyang magpakita ng mga manipestasyong magdadala sa kanya sa
mga isyung seksuwal.

Anu-ano nga ba ang mga isyung sekswal na palagi nating naririnig at nababalitaang
madalas ay kinasasangkutan ng kabataan?

Sa araling ito, ating alamin ang ilan sa mga napapanahong isyu na may kinalaman sa
sekswalidad gaya ng teenage pregnancy, pornograpiya, aborsiyon, homosekswalidad at pre-
marital sex at suriin ito nang may bukas na isip at tamang pananaw.

lll. Mga Sangunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 335-366, Regina Mignon


C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R.
Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras

MELC p. 108

1
IV. Mga Pagsasanay:

Pagsasanay 1: Hanap-Salita
Panuto: Suriin kung ano ang mga isyung may kinalaman sa sekswalidad. Ayusin ang mga
letrang nasa kahon upang makabuo ng tamang mga salita. Isulat ito sa guhit na nakalaan.
Q

1. Ito ay tumutukoy sa maagang pagbubuntis ng babae na may edad 12 hanggang 19


taong gulang.

TEGEANE NANPRECYG
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

2. Ito ay mga mahahalay na paglalarawan na layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa


ng nanonood o nagbabasa.

RAPORPIYAGON
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

3. Ito ay ang pagpapalaglag ng sanggol na ipinagbubuntis bago pa man ito isilang.

YONBORSA
__ __ __ __ __ __ __ __

4. Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa
edad na subalit hindi pa kasal.

REP LAMRITA EXS


__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

5. Ito ay romantikong atraksiyon o atraksiyong sekswal sa mga kasapi ng magkatulad na


kasarian.

EKSWADAHOLIMODS
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Bilang isang kabataan, paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili laban sa mga
napapanahong isyu sa sekswalidad? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Magbigay ng ilang mga paraan upang makaiwas sa mga hindi kaaya-ayang mga
pangyayari na may kinalaman sa isyu sa sekwalidad?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pagsasanay 2: Suri-Sitwasyon

Panuto: Basahin at suriin ang bawat sitwasyon sa unang hanay. Isulat ang iyong gagawin
sa ikalawang hanay at ang iyong paliwanag sa ikatlong hanay.

Mga Sitwasyon Ano ang gagawin mo? Paliwanag


Sinabihan ka ng kasintahan mo na
nawawalan na siya ng gana sa inyong
relasyon. Masyado ka raw mailap sa
kaniya. Sa pag-aalala mong iwan ka niya,
tinanong mo siya kung ano ang kailangan
upang mapatunayan mong talagang mahal
mo siya. Tinanong ka niya, “handa ka bang
ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa
tayo mag-asawa?” Bilang isang
mapanagutang lalaki o babae
Nagkasundo ang mga kaklase mo na
manonood ng pelikula. Halos lahat ng
malalapit mong kaibigan ay sasamang
manonood. Nalaman mo na ang mga
panonoorin ninyo ay may malalaswang
tema. Kailangan daw nilang gawin ito
upang hind maging mangmang tungkol sa
sex.
Nalaman mo na ang iyong matalik na
kaibigan ay tatlong buwan nang buntis.
Natatakot siya na sabihin ito sa kanyang
mga magulang dahil siguradong
papagalitan siya ng mga ito.
Napagdesisyunan nila ng kanyang
kasintahan na ipalaglag ang kanyang
dinadadala dahil hindi nila ito kayang
buhayin at sila ay napakabata pa.

3
Rubrik sa Paggawa mga Pagsasanay 1 at 2

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(10 Puntos) (8 Puntos) ng Pag-unlad (5
Puntos)
Nilalaman Nabigyan ng tamang Nabigyan ng tamang Hindi nabigyan ng
kasagutan ang bawat kasagutan ang bawat tamang kasagutan
tanong at sapat ang tanong ngunit hindi ang bawat tanong at
mga paliwanag. sapat ang mga walang sapat na
paliwanag paliwanag
Kabuuan

V. Repleksyon:

Natukoy natin at nasuri ang iba’t-ibang isyu tungkol sa sekswalidad. Nalaman natin
ang iba’t-ibang epekto sa mga taong sangkot sa mga ito gayundin ang iba’t-ibang pananaw
na kaugnay ng mga isyung ito. Mahihinuha rin natin sa mga paglalahad na ang mga isyung
sekswal na mga ito ay hindi nararapat gawin lalo na ng mga kabataan pa lamang.

Ang sekswalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa
sa atin sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang dahilan
kung bakit nilalang tayo ng Diyos. Ang paggamit sa mga kakayahang sekswal kabilang na
ang katawan bilang ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong gawin sa
tamang panahon.

Malaya tayo na gamitin ang ating mga kakayahang sekswal, ngunit ang ating
kalayaan ay mapanagutan at nauukol sa paggawa lamang ng mabuti. Upang magbunga ng
mabuti ang iyong pagpapasiya, dapat na maging bukas ang isang kabataang tulad mo
tungkol sa pinagdadaanan mo. Huwag mo itong itago o ilihim. Maghanap at paligiran mo
ang iyong sarili ng mga kapamilya at kaibigang iyong mapagkakatiwalaan. Sila ang
magbibigay sa iyo ng suporta at lakas upang labanan ang mga tukso.

Gamit ang tsart sa ibaba, punan ang mga sumusunod ng angkop na detalye na may
kaugnayan sa isyu ng sekswalidad.

Mga Bagay na Dapat Ipagpatuloy at


Mga Bagay na Dapat Ihinto
Linangin
Halimbawa: Halimbawa:
1. Panonood ng mga malalaswang panoorin 1. Malusog na relasyon sa ibang kasarian

2. 2.

3. 3.

4
Tanong:

1. Paano makaaapekto ang mga isyung tinalakay sa iyong pakikipagkapwa?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Sagot ng Mag-aaral sa pagsasanay 2 Sagot ng Mag-aaral sa Pagsasanay 1
VI. Susi sa Pagwawasto
5
6

You might also like