You are on page 1of 9

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pampagkatuto

Ikaapat na Markahan – MELC 5


Ang Kahulugan ng Sekswalidad

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa


Pagpapakatao 8

Manunulat: Mrs. Jessa Mae B. Andama


Editor: Mrs. Marie Paz A. Almalbis
Tagasuri: Mr. Alan Vincent B. Altamia

Tagaguhit:
Tagalapat: Mr. Richy Mark Dela Cruz
Division of Capiz Management Team: Dr. Salvador O. Ochavo, Jr.
Dr. Segundina F. Dollete
Mrs. Shirley A. De Juan
Mr. Alan Vincent B. Altamia

Regional Management Team: Ramir B. Uytico


Pedro T. Escobarte Jr.
Celestino Dalumpines IV
Mr. Donald T. Genine
Mrs. Miriam T. Lima
Elena P. Gonzaga

Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo
sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang
kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon,
na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon s a iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga
panuto ng bawat gawain.

Gawaing Pagkatuto
Pangalan ng Mag-aaral:________________ Grado at Seksiyon:________ Petsa: _____

GAWAING PAMPAGKATUTO SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Ang Kahulugan ng Sekswalidad

l. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natutukoy ang tamang pagpaqpakahulugan sa sekswalidad (EsP8IPIVa-13.1)

ll. Panimula (Susing Konsepto)

Sa iyong paglaki bilang isang nagbibinata o nagdadalaga, kapansin-pansin ang mga


pagbabago na nagaganap sa iyo sa iba’t ibang aspeto ng iyong pagkatao. Sa pangkaisipan
o intelektwal na aspeto, napapansin mo na nagbabago ang pamamaraan mo ng pag-iisip.
Mas madali mo nang natututunan ang mga aralin o mabilis ang magsagap ng impormasyon.
Sa panlipunang aspeto, nauunawaan mo na ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga
kasing-edad, sa kapareho o katapat na kasarian. Ngunit, ang pinaka-kapansin-pansin na
pagbabago ay sa pisikal na aspeto. Ang mga pisikal mong kakayahan bilang lalaki o babae
ay patuloy na lumalaki at nagiging ganap. Kasabay ng mga pagbabagong ito ay napupukaw
na rin ang iyong sekswal na interes. Hindi ito dapat na ikabahala o ikahiya. Bahagi ito ng
proseso upang maging ganap ang iyong pagkalalaki o pagkababae. Ang prosesong ito ay
mahaba at hindi dapat na madaliin. Katunayan magpapatuloy ang paglago mo bilang isang
lalaki o babae hanggang sa iyong pagtanda.

Ang pagiging lalaki o babae ang unang katangian na nagpapabukod-tangi sa tao nang
siya ay ipanganak. Subalit, ang pagiging lalaki o pagiging babae ng isang tao ay higit pa sa
nakikita sa pisikal o bayolohikal na kakayahan niya.

Ano nga ba ang sekswalidad? Sa araling ito, ating bibigyan-linaw ang iyong pan-
unawa sa kahulugan ng salitang sekswalidad, upang iyong mapabuti ang iyong
pakikipagkapwa at pakikipag-ugnayan sa kapareho o katapat na kasarian.

lll. Mga Sangunian


Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 335-366,
Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S. Lagarde,
Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras

MELC p. 108

https://www.google.com.ph/search?q=boy%20clipart%20black%20and%20white&tbm=isch&
hl=en&sa=X&ved=0CCEQtI8BKAFqFwoTCNjNisPH3u4CFQAAAAAdAAAAABAH&biw=1349
&bih=625#imgrc=7d7vpDoL-JDB4M&imgdii=4GiN2uTZojYqXM

https://www.google.com.ph/search?q=boy%20clipart%20black%20and%20white&tbm=isch&
hl=en&sa=X&ved=0CCEQtI8BKAFqFwoTCNjNisPH3u4CFQAAAAAdAAAAABAH&biw=1349
&bih=625#imgrc=4GiN2uTZojYqXM&imgdii=jBLaU_oarI4B1M

IV. Mga Pagsasanay:

Pagsasanay 1:

Panuto: Gamit ang graphic organizer, isulat ang sarili mong pagkaunawa sa salitang
“Sekswalidad”.

SEKSWALIDAD

Panuto: Gamit ang Rubrik sa ibaba sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit ito ang mga napili mong mga salita?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, tama ba ang pagpapakahulugan mo sa “sekswalidad”?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Rubrik sa Paggawa ng Pagsasanay 1

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng


(5 Puntos) (3 Puntos) Pag-unlad (1 Puntos)
Nilalaman Gumamit ng simple May 1-2 salita na hindi May 3 o higit pa na mga
ngunit malinaw na maunawaan ang tunay salita na hindi
mga salita na kahulugan. maunawaan ang tunay
na kahulugan.

Pagsasanay 2:

Panuto: Gamit ang dalawang (2) larawan, magbigay ng mga deskripyon sa bawat kasarian.
Pumili ng mga deskripsyon sa loob ng kahon. Isulat ang mga deksripyong napili na panlalaki
sa hanay A at ang mga napiling deskripyon sa pambabae sa hanay B.

Marikit Matikas Malakas

Mayumi Malalim ang boses Malumanay

Hanay A Hanay B
Lalaki: Babae:

3
Panuto: Gamit ang Rubrik sa ibaba sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Naging madali ba ang pagsasalarawan ng bawat kasarian? Bakit?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano ang naging batayan mo sa pagsasalarawan ng bawat kasarian? Ipaliawanag.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Batay sa naging gawain, ano ang nabuo mong kahulugan ng seksuwalidad?


___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Rubrik sa Paggawa ng Pagsasanay 2

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng


(5 Puntos) (3 Puntos) Pag-unlad (1 Puntos)
Nilalaman Nabigyan ng tamang Nabigyan ng tamang Hindi nabigyan ng
kasagutan ang bawat kasagutan ang bawat tamang kasagutan ang
tanong at sapat ang tanong ngunit hindi bawat tanong at walang
mga paliwanag. sapat ang mga sapat na paliwanag
paliwanag

V. Repleksyon:

Ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki.


Ito ay nangangahulugang magiging ganap kang tao at bukod tangi sa pamamagitan ng iyong
pagkalalaki o pagkababae. Bagama’t nalalaman ang kasarian ng tao mula pa sa kaniyang
pagsilang, malaya ang kaniyang pagtanggap at pagganap sa kaniyang sekswalidad. Ito ay
nararapat na naaayon sa tawag ng pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao sa kabuuan
niya - ang pagkakaisa ng katawan at espiritu.

Ang sekswalidad, samakatuwid, ay hindi pisikal o bayolohikal na kakayahan lamang,


ito ay malayang pinili at personal na tungkulin na iyong gagampanan habang buhay. Ang
iyong pagkalalaki o pagkababae ang mismong katauhan mo. Gayunpaman kailangang
tanggapin at igalang mo ang iyong katawan, dahil ito ang pisikal na manipestasyon ng iyong
pagkatao.

Ngayon naman ay gumawa ng pagninilay sa iyong mga natutunan sa mga


pagsasanay at gamiting gabay ang mga sumusunod na mga tanong: Bilang isang mag-aaral,
tukuyin ang tamang kahulugan ng Sekswalidad. Anu-ano ang mga paraan na handa mong
gawin upang mapangalagaan at mapaunlad ang sariling sekswalidad?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4
Rubric para sa Pagsulat ng Pagninilay

Kraytirya 10 Puntos 8 Puntos 6 Puntos 4 Puntos 2 Puntos


Komprehensi Gumamit ng Gumamit ng May 1-2 May 3-4 na May 5 o
bo simple ngunit simple ngunit salita na salita na mahigit
ang ginawang malinaw na malinaw na hindi hindi pang salita
pagninilay mga salita mga maunawaan maunawaan na hindi
salita. ang tunay na ang tunay maunawaan
Maiksi ngunit kahulugan. na ang tunay
sapat ang Maiksi ngunit kahulugan. na
ginawang sapat ang Masyadong kahulugan.
pagninilay ginawang mahaba at May
pagpapaliwan maligoy ang kakulangan Hindi
Bumanggit ng ag ginawang sa malinaw ang
mga natutuhan pagninilay ginagawang mensahe o
at mga pagninilay nilalaman
reyalisasyon ng
mula sa mga pagninilay.
gawing
naranasan sa
klase upang
mapagtibay
ang ginawang
pagninilay.

5
VI. Susi sa Pagwawasto
6
Sagot ng Mag-aaral sa pagsasanay 2 Sagot ng Mag-aaral sa Pagsasanay 1

You might also like