You are on page 1of 6

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS

Araling Panlipunan 10
Ikatlong Markahan, Ikawalong Linggo

MGA ISYU AT HAMONG PANGKASARIAN


(Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay)

Pangalan: ___________________________________ Seksyon: _________________

Kasanayang Pagkatuto:

Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa


kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan. (MELC- Week 7-8)

Layunin:(Unang Araw)

Nakakapagpapakita ng paggalang sa kasarian at nagtataguyod ng


pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. (Budget of Works-
4)

Pangunahing Konsepto:
Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian

Noong unang panahon ang sangkatauhan ay mayroong lamang


dalawang pakakakilanlan ng ito ay ang lalaki at babae, na tinatawag ng seks.
Ngunit sa paglipas ng panahon naimbento o lumabas ang salitang kasarian, na
kung saang mayroong iba’t ibang uri nito, tulad ng gay,lesbian,queer at iba pa.
Nagsimula ang salitang kasarian sa mga kanluraning bansa tulad ng Estados
Unidos o Amerika. Sa kasalukuyang panahon ngayon ay mas dumarami pa ang
iba’t ibang uri ng kasarian ngunit karamihan sa ating lipunan ay hindi pa din
matanggap-tanggap ito. Ang mga miyembro ng LGBTQ+ ay minsang hinaharap
ang mga diskriminasyon at pang-aapi ng bawat taong hindi sumasang-ayon sa
LGBTQ+ Community.

Isa sa maganda maidudulot ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay


ang pagkapantay-pantay na tingin ng bawat tao sa isa’t isa na makakatulong sa
pag-iisip ng bawat tao o sa terminong ingles ay mental health. Mas
nakakatulong ito sa mga tao na mas makapag-isip ng mabuti dahil sila ay
walang hinaharap na problema sa pakikisalamuha sa ating lipunan.Kung ito
nga ay maipapatupad matutulungan din nila ang ating bansa na umunlad
dahil sa aking pananaw ay karamihan ng mahuhusay at talentadong indibidwal
ay kasapi ng LGBTQ+, dahil wala silang masyadong iisipin sa pakikisalamuha
sa bawat isa, mas magiging kalmado ang kanilang isipan at maari sila ay
maging produktibo sa kanilang ginagawa na maaring maka-tulong sa pagtaas
ng ekonomiya ng ating bansa.

Sa paksang ito maaari ding maging sangkap ang women empowerment


o pag-bibigay kapangyarihan sa mga babae, dahil isa din ito sa malaking isyu
ng ating kinakaharap sa kasulukuyang panahon. Kagaya ng sa LGBTQ+
Community ang mga babae ay nangangailangan din ng mga karagdagang
karapatan upang magkaroon pa sila ng daan na mabibigay sa kanila ng mas
malayang pagkilos tulad ng mga lalaki sa ating lipunan. Dahil noong unang
panahon ating nakasanayan na ang babae ay dapat nasa bahay lamang dahil
sa wala itong lakas bumuhay ng pamilya, samantala ang lalaki ay dapat mag
hanap buhay para kaniyang mabuhay ang sariling pamilya.

Ang ating paligid at kinagagalawan ay nagbabago sa paglipas ng


panahon, kaya dapat tayo ay magbago din at umayon sa ating kinagisnang
panahon dahil kung ito ay ating gagawin ay magkakaroon tayo ng kapayapaan
sa ating lipunan at sa ating mga sarili.

Gawain 1: MALIKHAIN AKO!

Bilang isang mag-aaral guwawa ng malikhaing obra na nagpapakita ng


paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang paggalang at
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Maari itong gawin
sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon tulad halimbawa ng paggawa ng
komiks, islogan, o poster na naipapakita ang paggalang sa iba’t ibang
kasarian. Ito ay tatayain sa pamamagitan ng pamantayan sa ibaba. Ilagay ang
inyong malikhaing gawa sa bond paper.

Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng


(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) dagdag na
pagsasanay
(2puntos)
Malinaw na Hindi gaanong May kalabuan Malabo ang
nailahad ang malinaw ang ang mensahe. mensahe
mensahe. mensahe.
Wasto at Wasto ngunit May ilang mga Mali ang
kumpleto sa hindi sapat ang mali sa detalye mensahe.
detalye ang detalye ng ng mensahe.
mensahe. mensahe.
Napakamasining Masining ang Ordinaryo ang Magulo ang
ang pagkakagawa. pagkakagawa. pagkakagawa.
pagkakagawa.

Puntos Kahulugan
14-15 Napakahusay
11-13 Mahusay
8-10 Katamtaman
6-7 Kailangan pa ng dagdag na
pagsasanay

Layunin: (Ikalawang Araw)


Nakapagpapagawa ng proyekto na video clip tungkol sa pagtataguyod ng
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. (Budget of Works-
5)
Pangunahing Konsepto:

Pagkakapantay Pantay Ng Tao Sa Lipunan – Kahalagahan at


Paliwanag
PAGKAKAPANTAY PANTAY NG TAO – Ang mga tao ang
pinakamahalagang bahagi ng isang lipunan. Kaya nga tinawag ito na lipunan
kasi ito’y isang malaking “lupon” o grupo ng mga tao. Kaya naman, dapat
nating tanungin kung bakit mahalaga ang pagkakapantay ng mga miyembro
ng isang lipunan. Maaari nating sabihin na sa luob ng isang lipunan,
mayroong mayaman at mga mahihirap. Pero, kahit na ganito, dapat pa ring
pantay pantay ang kanilang mga karapatan sa isang lipunan. Paano naman ito
mangyayari?

Ang tinatawag na “Pagkakapantay pantay sa lipunan” ay ang pagbigay ng


parehong oportunidad para sa lahat ng tao na maabot ang pinakamabuti sa
pamumuhay ng isang tao sa lipunan. Ito ay nagsisimula sa pagbibigay ng
magandang edukasyon para sa lahat. Kapag nabigyan ng oportunidad ng
edukasyon ang isang tao, malaki na ang tulong nito sa pagpapalaganap ng
pagkakapantay sa isang lipunan. Mahalaga rin ang pagkakapantay pantay ng
mga miyembro ng lipunan upang mawala na ang diskriminasyon.
Kapag pantay pantay ang oportunidad ng mga tao sa isang lipunan, hindi
na magiging hadlang ang iyong kasarian, pamilya, o pinangalingan upang
makapasok sa isang mabuting trabaho. Kung tunay na pantay pantay ang mga
tao sa lipunan, lalaki ang tiwala sa sarili ng mga tao na ipagpatuloy ang
kanilang mga pangarap sa buhay.

Bukod rito, kung mabuti ang pagtrato sa lahat ng tao, mas magiging
produktibo silang miyembro ng lipunan. Higit sa lahat, kung tunay na pantay
pantay ang mga tao sa lipunan, ang estado ng buhay ng mga tao ay magiging
maganda. Ito ang buhay na hindi lamang mga bayarin, o kung saan kukuha
ng pera para sa pagkain ang iniintindi, kundi ang mga posibleng oportunidad
na makukuha.

Gawain 2: BIDYO KLIP PARA SA’YO! / KASARI(AN)PLEKSYON!


(Pumili lamang ng isang aktibidad)

• Gumawa ng isang video clip patungkol sa pagtataguyod ng


pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan na hindi
hihigit sa isang minuto, maaring mong kunan ang iyong sarili sa
paglalahad ng iyong ideya patungkol sa nasabing paksa, maari itong
ipasa sa pamamagitan ng messenger o electronic mail.

• Pumili ng isang sikat na personalidad, maari itong sa larangan ng


politika, pagbabalita, entertainment, o sports sa Pilipinas man o
personalidad sa ibang bansa. Pagnilayan ang kanilang mga gawa sa
kanilang larangan at buhay, at magsulat ng repliksiyon, gawing gabay
ang mga tanong na ito… Sa iyong palagay bunga ba ng pagkakapantay-
pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan ang kanilang naging
tagumpay? Sila ba ay ehemplo sa pagtataguyod ng pagkakapantay-
pantay ng tao sa lipunan? Naging hadlang ba ang kanilang kasarian,
estado sa buhay, o edad sa kanilang tagumpay? Isulat ang iyong
gagawing repliksiyon sa papel o activity notebook.
Ang iyong gagawin video clip man o repleksiyon ay mamarkahan sa
pamamagitan ng pamantayan sa ibaba.

Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng


(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) dagdag
pagsasanay.
(2 puntos)
Nakapokus sa Nakapokus sa Sa kalahatan, Hindi nakapokus
paksa ang lahat paksa ang nakapokus sa sa paksa ang
ng naipakita o karamihan sa paksa ang mga sinabi.
sinabi. mga pahayag o sinabi.
sinabi.
Nakahihikayat at Gumamit ng May Simple at
kawili-wili ang ilang pagtatangkang limitado ang mga
mga salitang nakahihikayat makagamit ng salita.
ginamit. na salita. nakakahukayat
na salita.
Nakakaantig ng Bhagyang Walang ganoong Walang kahit
damdamin ang nakakanatig ng damdamin ang anong
mga pahayag. damdamin ang mga pahayag. damdamin ang
mga pahayag. pahayag.

Puntos Kahulugan

14-15 Napakahusay
11-13 Mahusay
8-10 Katamtaman
6-7 Kailangan pa ng dagdag na
pagsasanay

Layunin: (Ikatlong Araw)

Nakapagsusulong ng programa o aktibidad para mag-aangat sa


paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan. (Budget of Works-6)

Gawain 3: PROGRAMA NATIN ‘TO!

Mula sa mga pangunahing konseptong iyong napag-aralan sa


nakalipas na dalawang araw patungkol sa pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan. Mag-isip ng isang programa o aktibidad na kaya mong gawin
bilang isang mag-aaral na makakatulong upang maisulong, at mapalakas pang
lalo ang adbokasiya ng paggalang at pagkakapantay ng tao ano man ang
kanyang kasarian, isulat ito sa malinis na sulatang papel o activity notebook.
Ang iyong gagawin ay mamarkahan sa pamamagitan ng pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa


(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) ng dagdag
pagsasanay.
(2 puntos)
Angkop ang
tema ng
aktibidad o
proyektong
nalikha.
Maliwanag
ang
mensaheng
nais iparating
ng programa
o aktibidad
na nalikha.
Makabuluhan
ang
mensaheng
nais iparating
ng programa
o aktibidad
na nalikha.

Puntos Kahulugan

14-15 Napakahusay
11-13 Mahusay
8-10 Katamtaman
6-7 Kailangan pa ng dagdag na
pagsasanay

Sanggunian:

K-12 Modyul ng Mag-aaral, Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu at


Hamong Panlipunan) 2017. Kagawaran ng Edukasyon. Ground Floor, Bonifacio Bldg.,
DepEd Complex.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagkakapantay-pantay_ng_mga_kasarian

https://medium.com/@jmcaparroso/pagkakapantay-pantay-ng-mga-kasarian-
d36f674e3172

https://newsfeed.ph/facts/86974/pagkakapantay-pantay-ng-tao-sa-lipunan-
kahalagahan-at-paliwanag/

Answer Key:

Gawain 1: Malikhain Ako!


(Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 2: BIDYO KLIP PARA SA’YO! /KASARI(AN)PLEKSYON!


(Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 3: PROGRAMA NATIN ‘TO!


(Magkakaiba ang mga sagot)
___________________________________________________________________________

Tagasulat: JERIC A. REBULLOS


School: Amparo National High School
Division: Butuan City
Email Address: jeric.rebullos@deped.gov.ph

Tagasuri:
1. CRISTINA J. SOCNOBEN
SST- III Social Studies Department
Amparo National High School

2. CLEO C. CONCHA
SST- III Social Studies Department
South 1-Butuan City Comp. High School

3. MARILYN ORONGAN
MT-I Butuan City Comprehensive High School
South-1 Araling Panlipunan Coordinator

4. CARLOS C. CATALAN JR., PhDM


Division Aral Pan Coordinator
Butuan City Division

You might also like