You are on page 1of 6

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

UNANG MARKAHAN- UNANG LINGGO

Pamagat ng Gawain: Hangad Kong Kabutihan para sa Lahat

Learning Competency: 1.1 at 1.2 Code: EsP9PL-Ia-1.1 at EsP9PL-Ia-1.2

Panuto: Isusulat ang lahat ng mga sagot sa iyong sagutang papel.

Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

Simulan Natin

Panimula

Likas sa tao ang pagiging mabuti. Ito rin ang

pangunahing katangiang taglay niya sa kanyang pakikisa-

lamuha sa kanyang kapwa sa lipunan. Kabutihan para sa

sarili ang pangunahing hangad ng tao sa tuwing siya ay

nakikipagkapwa, ngunit ang layuning ito ay higit na magiging makabuluhan kung ito

ay hinahangad din ng tao para sa kanyang kapwa alinsunod ang mga elemento ng

kabutihang panlahat.

Layunin

1. Natutukoy ang mga elemento at pag – iral ng kabutihang panlahat sa iba’t

ibang yunit ng lipunan

2. Napahahalagahan ang mga kabutihang nagagawa sa pagsasaalang - alang

ng kabutihang panlahat sa lipunan

3. Nakabubuo ng isang plano tungo sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat

sa mga pangunahing yunit ng lipunan 1


Kasanayang Pampagkatuto

1.1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat

1.2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa

kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan

Alalahanin Natin

Isa sa mahalagang papel na nararapat isagawa ng pamilya ay ang

panlipunang gampanin nito. Isulat sa loob ng bawat larawan sa sagutang papel ang

mga pamamaraang ginagawa ng iyong pamilya upang magampanan ang papel na ito.

Paaralan Pamahalaan

Simbahan Pamilya

2
Unawain Natin

Ngayong natukoy mo na ang mga gampanin ng iyong pamilya kaugnay

sa lipunan, atin namang tuklasin ang iyong pansariling karanasan ng

kabutihan bilang bahagi ng isang lipunan. Suriin ang bawat pangungusap

at lagyan ng (✓) ang bawat bilang na nagsasaad ng kabutihang iyong

naranasan.

1. Mayroon kaming maayos na tirahan.

2. Pinag-aaral ako ng aking mga magulang.

3. Sapat ang mga pampublikong gusaling maaaring gamitin ng aming pamilya sa

pagpapagamot at iba pang sakuna.

4. Nakatatanggap ako ng tulong mula sa pamahalaan.

5. Mapayapa ang pamayanang aming tinitirhan.

6. Sapat na natutugunan ng aking mga magulang ang lahat ng aming

pangangailangan.

7. Maayos ang mga kagamitan sa aming paaralan.

8. Mayroong libreng mga pagamutan para sa mahihirap na mamamayan.

9. Mayroong mga pangrelihiyong samahang tumulong sa espiritwal na

pangangailangan ng aming pamilya.

10. Nakikisangkot ako sa mga gawaing makatutulong sa iba at sa lipunan tulad na

lamang ng pagsunod sa mga alituntuning pinaiiral kaugnay sa quarantine.

3
Tukuyin ang antas ng karanasan mo ng kabutihan sa lipunan gamit ang talaang ito.

0-4 5-8 9 – 10

Hindi sapat ang Sapat ang Ang kabutihang nararanasan

kabutihang iyong kabutihang iyong mo mula sa lipunan ay

nararanasan sa nararanasan sa katangi – tangi at nararapat

lipunan. lipunan ngunit na maibahagi sa iba.

maaari pa itong

paunlarin.

Mula sa resulta ng pagsusuri ng iyong mga sagot sa gawain sa itaas, sagutin

ang mga sumusunod na tanong: Isulat sa sagutang papel ang iyong tugon.

1. Ano ang iyong naramdaman kaugnay sa resulta ng gawain? Bakit?

2. Ano ang mga konkreto at personal na gawain ang iyong naisasagawa upang

maiparanas naman sa iba ang kabutihan?

3. Ano ang hamong isinasaad ng gawaing ito sa iyo bilang bahagi ng lipunan?

Paano mo ito magagampanan?

Gawin Natin

4
Gamit ang flow tsart sa ibaba, ilarawan kung paano nagkakaugnay-ugnay ang

mga yunit ng lipunan sa pagsasagawa at pagsasabuhay ng kabutihang panlahat.

Isulat ang sagot sa bawat arrow sa sagutang papel. (Tingnan ang halimbawa)

Kabutihang Panlahat, I Feel You!

Pamily Paaral

Sarili

Pamah
Lipuna

Suriin Natin
Ngayon suriin naman natin ang naunang gawain sa itaas. Buuin ang tsart
upang matukoy ang elemento ng kabutihang panlahat na umiiral sa mga ugnayang
nakapaloob sa flow chart na iyong sinagutan. Gamiting gabay ang ibinigay na
halimbawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Uri ng Ugnayan Elemento ng Kabutihang Tiyak na Gawain ng


Panlahat Pagsasabuhay

Sarili at Pamilya Paggalang sa indibidwal na Pagbibigay ng aking


tao magulang ng sapat at
angkop na pangangailangan
sa akin bilang anak

5
Tayain Natin
Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang matukoy ang mga tagaganap
sa pagsasabuhay ng kabutihang panlahat. Isulat naman sa katapat na kahon ang
pamamaraan ng pagsulong ng mga elemento ng kabutihang panlahat na isinasagawa
ng bawat isa. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa: amihpanil= Pamilihan
Naisasabuhay ang paggalang sa kapakanan ng pangkat sa
tuwing nagbibigay ng tamang presyo sa mga bilihin.

1. l a n a m a p a h a =

2. u n l a n i p =

3. b a s h a n I m =

4. l a p i y a m =

5. a r p a n a l a =

Buuin Natin
Gamit ang mga natutuhan mo mula sa mga gawain sa itaas,
gumawa ng poster o slogan upang mahikayat ang iyong mga kamag -
aral para sa aktibong pagsasabuhay ng mga kilos na magsusulong ng kabutihang
panlahat sa kasalukuyang panahon na umiiral ang pandemya sa buong mundo.
Gamitin ang iyong social media account upang maipalaganap ang iyong
naisagawang output. Isulat naman sa sagutang papel ang link ng iyong post.

Rubriks:
Ang output na iyong magagawa ay pupuntusan alinsunod sa krayterya na ito:
20% - orihinalidad
15% - linaw at pagkamalikhain
15%- kaangkupan ng mensahe sa kasalukuyan

You might also like