You are on page 1of 4

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque

FILIPINO 9 IKAANIM NA LINGGO


KWARTER 4
Kabanata 49
NOLI ME TANGERE

Unawain Natin

Sa araling ito ay matutunghayan mo ang pagbabalik ni Ibarra dala ang balitang pinatawad siya
ng arsobispo sa pagiging ekskomulgado. Una niyang dinalaw si Maria Clara ngunit tila nabigla
siya nang madatnan niya sa bahay ni Kapitan Tiago si Linares. Isa pa niyang ipinagtaka ang
pagtatrabaho ni Elias kay Maestro Juan kahit hindi ito kasali sa listahan ng mga manggagawa.
Gayunpaman, nakipagtipan siya kay Elias upang pakinggan kung ano ang talagang pakay nito.
Sinabi ni Elias kay Ibarra ang mga hinaing ng mga manghihimagsik. Napagtanto ni Elias na
magkaiba pala ang kanilang pananaw tungkol sa guardia civil at korporasyon ng mga prayle.
Sa huli, hiniling ni Ibarra ang kuwento ng buhay ni Elias sa paniniwalang makatutulong ito
upang higit niyang maunawaan ang mga hinaing na idinulog sa kanya.

Ang buod na ito ay mula sa aklat na Pluma 9.


Paalala : Para sa lubusang pagkatuto ng nilalaman ng nobela ay basahin ang kabuoang
pangyayari ng kabanata 49 ng alinmang iniakdang aklat ng Noli Me Tangere.

Karagdagang kaalaman:

Mga di-pamilyar mula sa Kabanata 49.

abaniko- pamaypay
anyaya- imbita
balkonahe- balkoni
daluyan- daanan
garing- galing sa ngipin o pangil ng elepante
ginulpi- binugbog
mapagwari- maunawaain

Ilapat Natin

Gawain 1

Panuto: Sagutin ayon sa inyong sariling pagkukuro ang mga katanungan.

1.Kung ikaw si Ibarra, paano mo pakikitunguhan si Linares na karibal mo sa puso ng iyong


minamahal?

1|
2. Kung ikaw si Ibarra, ano ang iyong gagawing proseso matapos mong malaman na
magkaiba kayo ng pananaw ni Elias?

3. Kung ikaw si Elias, ano ang iyong gagawin upang mabigyang-solusyon ang mga
paghihirap na nararanasan ng mga api?

Suriin Natin
Gawain 2
Suriin ang katangiang nakapaloob sa unang hanay. Matapos, ibigay ang maaaring maging
epekto nito sa iyo bilang Pilipino at ang maitutulong nito sa pagpapayaman ng Kulturang
Asyano.
Kaugalian Epekto sa iyo bilang Tulong sa pagpapayaman ng Kulturang
Pilipino Asyano
- Pakikinig sa mga
hinaing mga inaapi

- Paglalaan ng oras
upang pakinggan at
timbangin ang
pananaw / opinyon
ng iba

Gawain 3
Ipaliwanag ang maganda at masamang epekto ng kapangyarihang taglay ng isang tao sa
trabaho, lipunan, o maging sa silid-aralan.

Magandang epekto ng Masamang epekto ng


kapangyarihan kapangyarihan kapangyarihan

2|
Tayain Natin

Pagsasanay 1 : Talasalitaan

Panuto: Basahin at unawain ang buong pangungusap. Tukuyin ang kasingkahulugan ng


salitang nakasalungguhit sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot

1. Nakita ko sa pamilihan ang abanikong gamit ni Maria Clara.


a. alkansiya b. bayan c. pamaypay d. panyo

2. Nasaksihan kong nag-usap sa madilim na daluyan si Ibarra at Elias.


a. daanan b. ilog c. parke d. bayan

3. Ginugulpi ng mga makapangyarihan ang mga ordinaryong mamamayan.


a. niloloko b. ginagabayan c. binubugbog d. pinapahiya

4. Pinakinggan ni Ibarra ang bawat panig. Tunay ngang siya’y mapagwari.


a. masiyahin b. maunawain c. mainipin d. mapagpasya

5. Tandang-tanda pa ni Ibarra ang mga oras na nag-uusap sila ni Maria Clara sa


balkonahe.
a. balkoni b. hagdan c. sala d. bakuran

Pagsasanay 2 : Tama o Mali

Panuto: Suriin ang mga pangyayaring mababasa sa bawat bilang. Isulat ang salitang tama
kung wasto ang pangyayari at mali naman kung hindi ito ang tunay na nangyari sa
Kabanata 49.

6. Nasuri ni Ibarra na wala sa listahan ng mga manggagawa si Elias.


7. Nang malaman ni Ibarra na wala sa listahan ng mga manggagawa si Elias ay
iniwasan niya ito.
8. Bumalik si Ibarra dala ang balitang pinatawad siya ng arsobispo sa pagiging
ekskomulgado.
9. Una niyang dinalaw si Maria Clara ngunit tila nabigla siya nang madatnan niya sa
bahay ni Kapitan Tiago si Linares.
10. Hindi na binigyan ng pagkakataon ni Ibarra si Elias na ibahagi ang kuwento nito sa
kanya.

3|
Likhain Natin

Pagsulat ng Iskrip:
Panuto: Bumuo ng isang iskrip tungkol magandang katangian/kaugalian ng mga Pilipinong
ipinakita sa kabanata/araling ito. Ipakita rin sa iskrip kung paano nakatutulong ang
kaugaliang iyong mapipili sa pagpapayaman ng Kulturang Asyano. Isulat ito sa isang malinis
na papel.

Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip

Pagkakalatag at Pagpapalutang ng Mensahe 5 puntos

Wastong gamit ng Wika at Bantas


5 puntos

Pagkakabuo ng mga Ideya


5 puntos

Kabuoan: 15 puntos

4|

You might also like