You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 9-Q4-W6


Mga Kaugaliang Makatutulong sa
6 Pagpapayaman ng Kulturang Asyano

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang ilan pang kabanata sa nobelang Noli Me


Tangere. Malalaman mo ang kaugalian ng mga tauhan na maaaring makatulong sa
pagpapaunlad ng Kulturang Asyano.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na
kasanayan:

1. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan


ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan (F9PN-IVe-f-59)
2. Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa
pagpapayaman ng kulturang Asyano (F9PB-IVe-f-59)
3. Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan
(F9PT-IVe-f-59)

Sasagutan mo ang mga pagsasanay sa nakalaang sagutang papel.


Bago tayo tuluyang dumako sa ating aralin ay subukan muna nating sagutan
ang paunang gawain sa ibaba.

Paunang Pagsubok

Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa tulong ng mga


pahiwatig.

1. Sa pamamagitang ng kasingkahulugan ng salita na nakapaloob din sa


pangungusap
Si Elias ay may matipunong pangangatawan, may nakakaakit na mukha at
bisig na malalakas.

2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita


Nais ni Elias na mabuhay sila ng matanda nang payapa upang malayo sa
magulong kapaligiran.

3. Sa pamamagitan ng sariling karanasan


Sadyang malupit ang mga Guwardiya Sibil. Sa katunayan hinuhuli nila ang
mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas.

4. Sa pamamagitan ng paglalarawan
Si Crisostomo ay galling sa mabuting angkan. Siya ay mayaman, matapat, may
pinag-aralan at nag-iisang anak.

5. Sa pamamagitan ng tono o damdamin


“Iniibig ko ang aking bayan pagkat utang ko sa kaniya ang aking kaligayahan,”
ani ni Crisostomo.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
2

Balik-tanaw

Kompletuhin ang (3) pangungusap na nagpapahayag ng matibay na paninindigan


tungkol sa mga pangyayaring naganap o nagaganap sa iyo bilang mag-aaral sa
ikasiyam na baitang. Gamitin ang sumusunod na eskpresyon:

1. Sa totoo lang ________________________________________________________________


2. Bilang patunay ______________________________________________________________
3. Sadyang _____________________________________________________________________

Pagpapakilala ng Aralin

Sa aralin ding ito’y iyong mababasa ang mga piling kabanata sa nobelang Noli
Me Tangere na nagpapakita ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan na
si Elias. Handa ka na bang malaman kung sino siya at kung ano-ano ang mga
katangian na mayroon siya na maari nating tularan?

Basahin ang paglalarawan ni Rizal sa tauhang si Elias. Ano ang mahihinuha mo


sa kaniyang pagkatao? Ipaliwanag.
Tanging isang tao – ang nagpapalakad ng bangka – ang noo‟y hindi umiimik at
di pansin ang gayong kasayahan. Isa siyang binatang may matipunong
pangangatawan at nakaaakit na pagmumukha gawa ng kaniyang mapapanglaw at
malalaking mata at saka mga labing may anyong kapita-pitagan. Ang maitim,
mahaba at gusot niyang buhok ay halos nakalugay sa kaniyang bilugang liig.
Nakasuot siya ng isang barong ang kayo‟y magaspang at ang bisig na malalakas.
Kung ikampay niya ang malapad at malaking sagwang siya ring ipinang-uugit, ay
para lamang isang patpat na nilalaro sa tubig upang mapalakad ang dalawang
bangka.

ELIAS

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Kabanata XLV: Ang Mga Pinag-uusig

Nagpunta sa kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Nang makita ni


Elias ang matandang Pablo, may tali ang ulo nito ng isang bigkis na kayong may
bahid ng dugo. Kaya, nagkakilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli
silang magkita. Noon, ayon kay Tandang Pablo, siya ay naaawa kay Elias. Subalit
ngayon nagkapalit sila ng puwesto. Si Elias ay malakas samantalang ang matanda ay
sugatan at lugami sa hirap ng katawan at kalooban.
Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga di-
binyagan upang doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon,
yaman din lamang na walang nangyari sa kaniyang paghahanap sa angkang
nagpahamak sa kaniyang pamilya. Binigyang-diin ni Elias na magturingan na lamang
silang dalawa bilang mag-ama yamang pareho na lang silang nag-iisa sa buhay.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
3

Umiling lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at sinabing wala siyang dahilan
para magpanibagong buhay sa ibang lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang
kalupitang sinapit o ang pagkamatay ng kaniyang dalawang anak na lalaki na
nagmula nang ipaghiganti nito ang kapatid na babae na pinagsamantalahan ng kura.
Ngayon wala nang nalalabi sa kaniya kundi ang bumaba ng bayan upang
maghimagsik at makapaghiganti. Hindi naman siya nag-iisa, marami siyang kaanib
na kapwa rin pinag-uusig ng awtoridad.
Ipinahayag ni Elias sa matanda na siya ay nagkapalad na makilala at
makatulong ang isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang
anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa
Madrid, kabilang na ang Kapitan Heneral. Tiniyak ni Elias sa matanda na
makatutulong ang binatang ito sa kanilang pagnanasang maipaabot sa heneral ang
mga hinaing ng bayan. Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na
malalaman ni Kapitan Pablo ang resulta ng kaniyang lakad sa binata sa loob ng apat
na araw. Kapag pumayag ang binata, may maaasahan sila at makapagtatamo sila ng
katarungan. Kung hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahandog ng
buhay.

Kabanata XLV: Ang Tinig ng Mga Pinag-uusig

Nakipagtipan nga si Ibarra kay Elias sa baybay-lawa sumakay sila sa isang


bangka upang walang sinomang makarinig sa kanilang mga maselang pinag-uusapan.
Hiniling ni Elias kay Ibarra na bawasan ang kapangyarihan ng mga prayle at mga
sibil. Tulad ng sinabi niya kay Kapitan Pablo ipinaabot niya ang mga suliranin at mga
kahilingan ng mga pinag-uusig kay Ibarra. Hindi naman napapayag ni Elias si Ibarra
sa mga nais niyang mangyari. Sinabi ni Ibarra na kung babawasan ang
kapangyarihan ng mga sibil, paano pa nila mahuhuli ang mga salarin? Itinulad ni
Ibarra ang mga sibil sa mapait na gamot na siyang lunas sa isang maysakit upang
gumaling. Tinugon naman ni Elias si Ibarra na dapat daw ay suriin muna ang
pinagmumulan ng sakit at bawasan ang tapang ng gamot upang matiyak ang tamang
lunas. Ayon pa kay Elias, walang naidudulot na kabutihan sa bayan ang mga sibil
sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil
lamang sa nakalimutan ang sedula, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga
kuwartel, nanghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas
tumutol. Tumugon naman si Ibarra na bago pa itinatag ang guwardiya sibil,
nanunulisan na ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyan diin naman ni
Elias na hinihingi ng mga sawimpalad ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle.
Pero sinagot naman ni Ibarra na “ang mga prayle naman ang nagbigay sa atin ng
pananalig at humango sa ating sa kamalian.” Hindi naman naniniwala si Elias dito
para sa kaniya ang sinabing pananalig ay pakitang tao lamang at napakamahal.
Sa kanilang pagpapalitan ng kuru-kuro, humanga si Ibarra kay Elias,
samantalang ang piloto‟y hindi rin makapaniwala sa mga ideya ni Ibarra.
Nang banggitin ni Ibarra na ang utang niya sa kaniyang bayan ang kaniyang
kaligayahan, sinagot din siya ni Elias na utang din niya sa bayang ang kaniyang mga
kasawian. Medyo nag-isip si Ibarra at hiniling na isalaysay kahit bahagi lamang ng
kaniyang buhay upang kahit paano’y maunawaan niya ang mga pangangatwiran ng
piloto.

Kabanata LXI: Ang Barilan sa Lawa

Habang sakay ng bangka ay nagpalitan ng kuru-kuro sina Ibarra at Elias


tungkol sa kung paano makatatakas. Balak ni Elias na dalhin si Ibarra sa kaibigan sa
Mandaluyong upang pansamantalang itago. Dadalhin niya roon ang kayamanan ni
Ibarra na magagamit niya upang mangibang bansa. Iminungkahi ni Ibarra na
sumama si Elias sa kaniya at magturingan silang magkapatid. Dito‟y tumutol si Elias

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
4

dahil baka kailanganin daw siya ng kaniyang bayan. Hindi na rin mangingibang
bansa si Ibarra at maging pilibustero at maghimagsik nang totoo.
May napuna silang pagkakagulo sa bahay ng Kapitan Heneral na Malacanang
na ngayon. Tila nalaman na ang kanilang pagtakas. Pinahiga ni Elias si Ibarra at
tinabunan ng damo. Nakaraan sila sa tanod at muling nag-usap. Tutol si Elias sa
paghihimagsik ni Ibarra dahil hindi pa raw nakahanda ang bayan at tiyak ang
mabibiktima ay mahihirap lamang.
Nakalabas sila ng lawa ng Laguna ngunit hinabol sila ng palwa. Napansin ni
Elias na isa pang bangka ng sibil mula sa Pasig ang dumating. Upang mailayo sa mga
humahabol ay tumalon si Elias at sumisid. Hinabol si Elias ng mga palwa ng sibil.
Sisid at litaw ang ginawa ni Elias. Tumagal ang habulan at pagpapaulan ng putok.
Pagkaraan ng ilang sandaling tumahimik ang lawa.

Kabanata LXIII: Noche Buena

Mula sa malayong San Diego nakarating si Basilio na halos wala nang ulirat sa
isang gubat sa libis ng bundok. Doon ay may isang mag-anak na ang ikinabubuhay ay
pangangaso at pangangahoy. Maraming halamang gulay sa paligid ng kubo. Ang
pamilyang nakatira rito ay isang matanda, isang dalaga at dalawang bata. Sila ang
kumupkop kay Basilio mga dalawang buwan na marahil ang nakararaan. Nagpaalam
si Basilio sa matanda. Nais niyang makita ang ina at kapatid sa mahalagang araw
na ito. Ibig niyang mahandugan ng pamasko ang kaniyang ina, ang kaniyang sarili,
isang anak na magpapasaya sa isang ina.
Ayaw pa sanang payagan ni Tandang Selo ang nagpupumilit na si Basilio dahil
mahina pa ito ngunit naantig ang kaniyang kalooban sa kaniyang narinig. Ipinahatid
sa apong si Lucia. Nalungkot ang dalawang bata sina Huli at Tano.
Pinuntahan ni Basilio ang kanilang kubo ngunit wala itong tao. Nagtanung-
tanong at nalamang palabuy-laboy ang ina at si Crispin ay walang balita. Hanggang
sa marinig niya ang awit ng ina. Sinundan niya ang tinig. Hindi makalapit si Basilio
dahil nasa tapat ng bahay ng alperes ang ina. Bago na ang alperes at mabait ang
asawa nito. Iniutos ng babae sa kawal na papasukin si Sisa ngunit nang makita ni
Sisa ang kawal ay nagtatakbo. Hinabol ni Basilio ang ina. Nakarating sila sa gubat.
Nakita ni Basilio na pumasok ang ina sa libingan ng mga nuno ni Ibarra. Hindi siya
makapasok dahil isinara ng baliw ang pinto. Nakakita si Basilio ng puno at kaniyang
inakyat at pagkatapos ay nagpatihulog sa kaniyang ina. Niyapos at pinaghahagkan
niya ang ina hanggang mawalan ng ulirat. Nakita ni Sisa na may bahid ng dugo ang
sugat ni basilio sa noo at bigla itong nagbalik sa katinuan ng isip. Niyapos din at
pinaghahagkan nang makilala ang kaniyang anak at nawalan din ng malay.
Nagkamalay si Basilio na yakap-yakap ng ina. Nang maramdaman niyang wala nang
buhay ang ina siya‟y nanaghoy. Isang lalaking duguan ang dumating. Siya si Elias.
Sinabi ni Elias na malapit na siyang mamatay. Iminungkahi niya na kumuha ng mga
kahoy at pagsama-samahin. Pagkatapos ay sunugin ang kanilang bangkay ni Sisa
hanggang sa maging abo. Ipinagbilin ni Elias na kung walang taong darating ay
humukay sa paanan ng punong baliti at ang kayamanang makukuha ay gamitin sa
pag-aaral. Nang umalis si Basilio upang kumuha ng mga kahoy ay bumangong
paluhod si Elias at humarap sa Silangan at nagsabi: Mamamatay ako na di nakikita
ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong makamamalas sa kaniya, batiin
ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.”
Modyul ng Pag-aaral ng Nobela – Noli Me Tangere – Sheila C. Molina

Malinaw ba sa iyo ang mga nabasang kabanata sa nobela? Ngayon naman ay


iyong sasagutan ang mga gawain sa ibaba upang lubos natin masubok ang iyong
kaalaman patungkol sa araling ito.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
5

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Ang palatandaan o pahiwatig ay makikita sa pamamagitan ng pagsusuri at
pag-uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-kilalang salita. Nasa
ibaba ang iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan ng mga salita sa tulong ng mga
pahiwatig. Pag-aralan ito at pagkatapos ay ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit.

1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na nakapaloob din sa


pangungusap.
Nakipagtipan si Ibarra kay Elias noong huling araw ng Oktubre. Sila ay nagkita sa
may pampang.
Kahulugan: _______________________________________________________________

2. Sa pamamagitan ng kasalungat ng mga salita.


Isiniwalat lahat ni Elias ang mga pangyayari sa kaniyang buhay samantalang pilit
naming itinatago ni Ibarra ang kuwento ng kaniyang angkan.
Kahulugan: _______________________________________________________________

3. Sa pamamagitan pag-uugnay sa sariling karanasan


Nakaramdam ako ng hilo matapos kong inumin ang gamot. Hindi ko
namamalayan na nawalan na ako ng ulirat.
Kahulugan: _______________________________________________________________

4. Sa pamamagitan ng paglalarawan
Makikita sa kaniyang luma at kupas na kasuotan, sa kaniyang kunot na noo at
mabagal na pagkilos na siya ay lugami sa hirap.
Kahulugan: _______________________________________________________________
5. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin
Nagitla ang lahat nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril.
Kahulugan: _______________________________________________________________

Gawain 2 Gabay na Tanong


Sagutin nang mabuti ang mga tanong:
1. Ipakilala si Elias batay sa sumusunod:

pisikal na anyo: gawain:

_____________________________ _____________________________

ELIAS
pag-uugali: mga paniniwala:

_____________________________ _____________________________

2. Batay sa mga kapasyahan na ginawa ni Elias sa mga pangyayaring kaniyang


kinasangkutan, ano kaya ang uri ng pagkataong pinalulutang dito. Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Isa-isahin ang paninindigan ni Elias batay sa mga kabanatang iyong binasa.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
6

Paninindigan
ni Elias

Rubrik sa Pagwawasto Puntos:


Mga katangian ng sagot:
a. Naibigay ang mga hinihinging 10 – kung taglay ang 3 katangian ng sagot
punto ng sagot. 7 – kung dalawang katangian
b. Kumpleto at malinaw ang 4 – kung isang katangian lamang
pagpapaliwanag.
c. Maayos ang pagkakabuo ng mga
pangungusap.

Tandaan

• Ang palatandaan o pahiwatig ay makikita sa pamamagitan ng pagsusuri at


pag-uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-kilalang salita.
• May mga pangyayari sa isang kuwento na maaaring maging salamin sa mga
isyung kinakaharap ng ating lipunan.
• May mga kaugalian ang mga tao noon na tinutulan ni Dr. Rizal at mayroon din
naman mga kaugalian na maaari nating tularan at ipagpatuloy hanggang sa
panahon ngayon upang higit na mapaunlad ang sariling kultura.

Ilang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa Natutuhan

A. Nakatala sa ibaba ang kaugaliang ipinakita ng mga tauhan sa mga piling


kabanata. Basahin ito at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Mangyaring
panoorin mo muna ang usapan nina Elias at Ibarra tungkol sa mga hinaing ng
mga tulisan sa YouTube “Gerry De Leon: Noli Me Tangere (1961) Film Clip 2”
upang mas madagdagan ang iyong ideya.
https://www.youtube.com/watch?v=iXCQSLbfm5s

Kabanata Kaugalian Paano ito Paano ito makatutulong


ipinakita ng mga sa pagpapaunlad ng
tauhan? Kulturang Asyano?

Kab.XLV: Pagtulong sa mga


Ang Mga Pinag-uusig nangangailangan

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
7

Kab. XLV: Pagiging boses ng


Ang Tinig ng Mga sawimpalad upang
Pinag-uusig iparating sa kinauukulan
ang kanilang hinaing
Kab. LXI: Pagtanaw ng utang na
Ang Barilan sa Lawa loob
Kab. LXIII: Noche Paghahangad ng
Buena magandang bukas para
sa kabataan

B. Suriin ang bahaging nagsasaad ng pagkamakatotohanan batay sa nangyari


sa panahon ng Kastila at pagkatapos ay iugnay ito sa kasalukuyan.

Makatotohanang Pangyayari:
1. Hinuhuli ng awtoridad ang mga Indyo na nakalimot magdala
Kabanata XLV: ng sedula at pagkatapos ay pinapahirapan ito.
Ang Mga Pinag- Pag-uugnay sa Kasalukuyan:
uusig
hinuhuli ng mga pulis ang mga nagmamaneho ng sasakyan
na walang lisensiya at ito may kaukulang bayad bilang
kaparusahan.

Makatotohanang Pangyayari:
2.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan:

Makatotohanang Pangyayari:
3.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan:

Makatotohanang Pangyayari:
4.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan:

Makatotohanang Pangyayari:
5.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan:

Rubrik sa Pagwawasto Puntos:


Mga katangian ng sagot:
a. Naibigay ang mga hinihinging punto 10 – kung taglay ang 3 katangian ng sagot
ng sagot. 7 – kung dalawang katangian
b. Kumpleto at malinaw ang 4 – kung isang katangian lamang
pagpapaliwanag.
c. Maayos ang pagkakabuo ng mga
pangungusap.

Pangwakas na Pagsusulit

A. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa tulong ng


ibinigay na kontekstwal na pahiwatig sa loob ng pangungusap.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
8

_____ 1. Pawang masalimuot at walang kapayapaan ang buhay noong


panahong ng kastila.
A. nakalilito B. magulo C. maingay D. nakaiinis
_____ 2. Kapurit nga ang natirang pagkain nina Crispin at Basilio ngunit
pinaghatian pa rin nila ito upang maibsan ang kanilang gutom.
A. mapait B. kaunti C. malansa D. marami
_____ 3. Ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa Kastila ay nagbigay-daan
upang makuha ng mga mamamayan ang ganap na Kalayaan.
A. pagkagalit C. pagtutol
B. paghihimagsik D. pakikipagsapalaran
_____ 4. Isang huwad na paglilitis ang naganap sapagkat ang mga hinarap na
testigo ay binayaran upang idiin ang tatlong alipin.
A. dalisay B. patas C. masalimuot D. peke
_____ 5. Hindi makayanan ang hilahil ng kalooban dahil sa sobrang kahirapan.
A. kaginhawaan C. kabigatan
B. kasakiman D. kaalwan

B. Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang letrang T kung tama,
at M naman kung mali.

_____ 6. Upang mapaunlad ang Kulturang Asyano kinakailangan muna natin


itong tangkilikin at ipagmalaki.
_____ 7. Ang mga pangyayari sa ating kasaysayan na hindi na maaring maulit
pa sa kasalukuyan o hinaharap.
_____ 8. Ang palatandaan o pahiwatig ay makikita sa pamamagitan ng
pagsusuri at pag-uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-
kilalang salita.
_____ 9. Si Elias ang nagsilbing boses ng sawimpalad upang iparating sa
kinauukulan ang kanilang hinaing
_____ 10. Isa si Elias sa makapagpapatunay na ang pekeng kaibigan ay
mahirap lapitan sa oras ng kagipitan ngunit nariyan agad sa oras ng
kasiyahan.

Pagninilay

Isalaysay ang iyong naging karanasan patungkol sa mga problema ng ating


lipunan. Ano ang iyong naging asal sa pagharap ng karanasan na ito na maaari
mong ipagmalaki sa iba para na rin sa ikauunlad ng Kulturang Asyano? Sumulat
ng talata ukol rito.

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga katangian ng binuong sanaysay: puntos:
a. Naisalaysay ang sariling karanasan 5 – taglay ang 3 pamantayan
b. Kumpleto at malinaw ang pagpapaliwanag 3 – dalawang pamantayan lamang
c. Maayos ang pagkakabuo ng mga 1 – isang pamantayan lamang
pangungusap.

Binabati kita sa ipinakita mong galing, tiyaga, at kahusayan upang maluwalhati


mong matapos ang iyong gawain. Kung mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo
naunawaan maaari kang magtanong sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
9

FILIPINO 9
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikaanim na Linggo

Pangalan: _______________________________________ Guro: ___________________________


Baitang at Seksyon: _____________________________ Iskor: ___________________________

Paunang Pagsubok:

1.
2.
3.
4.
5.
Balik Tanaw: Gawain 1 – Talasalitaan:

1. Sa totoo lang __________________________ 1. ___________________________________


2. ___________________________________
2. Bilang Patunay ________________________ 3. ___________________________________
4. ___________________________________
3. Sadyang _______________________________ 5. ___________________________________

Gawain 2 Gabay na tanong:

1.

2. ____________________________________________________________________________

3.

Pag-alam sa Natutunan:
A.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
10

B.
1.

2.

3.

4.

5.

Pangwakas na Pagsusulit:

1. _________ 6. _________
2. _________ 7. _________
3. _________ 8. _________
4. _________ 9. _________
5. _________ 10. _________

Pagninilay:

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo

You might also like