You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
10
PAMAGAT NG ARALIN:

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG EL FILIBUSTERISMO

QUARTER: 4 MELC NO. 2

MELC: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
F10PB-IVa-b-86

Pangalan ng Guro: REGIELYN R. GALLETO


Paaralan: SAN SEBASTIAN NATIONAL HIGH SCHOOL

1
KUWARTER 4
SARILING LINANGAN KIT
2
MELC #

PAUNANG SALITA

Tungkol sa Sariling Linangan Kit

Isang magandang araw kaibigan!

Bilang pagtugon sa pangangailangan ng edukasyon dahil sa umiiral na


pandemya, narito ang panibagong Sariling Linangan Kit (SLK) na inihanda ko
para sa iyo. Tulad ng ibang SLK, madali lamang ito. Mahalaga lamang na
magpokus at maglaan ka ng kaunting oras upang matagumpay mong
matugunan ang pangangailangan ng SLK na ito. Pakatandaan lamang na
huwag mo itong susulatan. Gumamit ng kwaderno para sa iyong mga
kasagutan.

Handa ka na ba? Halina at lakbayin ang nakatagong yaman ng gabay na


ito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
MELC: F10PB-IVa-b-86
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng kastila
2. Nabibigyang halaga ang pagkakasulat ng El Filibusterismo
3. Napaghahambing ang kalagayang ng bansa ngayon at sa panahong
nasulat ang El Filibusterismo.

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

PAGGANYAK

Natalakay natin sa nakaraang SLK ang tungkol sa mga


pangyayaring naganap sa pagkakasulat ng El Filibusterismo.
Tingnan natin ngayon kung may naalala ka pa sa nakaraang
talakayan.

PANUTO: Piliin sa kahon at isulat sa sagutang papel ang tinutukoy ng


bawat bilang.

GOMBURZA Oktubre 1887


Noli Me Tangere Setyembre 1891
Valentin Ventura Maximo Viola
Inang Bayan Marso 1891

1. Ang nobelang unang sinulat ni Rizal bago ang El Filibusterismo.

2. Sila ang pinag-alayan ni Rizal ng kanyang pangalawang nobela.

3. Siya ang tinawag na tagapagligtas ng nobelang El Filibusterismo

4. Kailan sinimulang sulatin ni Rizal ang kanyang akda?

5. Kailan natapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?

Binabati kita at nasagot mo ito ayon sa iyong


nalalaman. Kung hindi mo man nakuha lahat, okay
lang ‘yan… panimulang pagtataya lamang ito.
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa SLK na ito.
Marami ka pang dapat maunawaan at matututuhan.

3
MAIKLING PAGTALAKAY

Ang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay isang akdang


pampanitikan n abunga ng pagpupunyagi na gisingin ang
damdaming makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
panulat. Nauukol ang mga kabanata sa kalagayang political at
panlipunang pangyayari na maiuugnay sa kasalukuyang
kalagayan ng ating bayan. Nakatutulong ang nobelang ito
upang malinaw na maunawaan an gating kasaysayan maging
kung paano harapin ang mga suliraning panlipunan at bigyang
solusyon.
Halina’t matuto pa nang mas malalim.

PAGTUKOY SA LAYUNIN NG MAY-AKDA SA


PAGSULAT NG NOBELA

Ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo ay upang mamulat ang mga


kababayan nating Pilipino sa mga kaapihang ginagawa noon ng mga Espanyol sa mga
Pilipino, upang magising ang puso at diwa sa mga maling ginagawa ng mga Espanyol sa
kanila. Sinasabing ang El Filibusterismo ay isinulat ni Rizal para ihandog sa tatlong paring
martir, ang Gom-Bur-Za na walang iba kundi sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre
Zamora. Hinding hindi niya malilimutan ang kabayanihan ng tatlong paring ito na
naikuwento sa kanya ni Paciano noong siya ay musmos pa lamang. Isinulat ng ating bayani
ang nobelang El Filibusterismo upang maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng
pamumuhay, mga paniniwala, pag-asa, mithiin o adhikain, karaingan at ayon sa liham ni Dr.
Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang mga layunin niya ay ang matugon ang
paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
Sinasabing ang orihinal na manuskrito ng aklat na El Filibusterismo na sulat kamay
ni Doktor Jose Rizal ay nasa pag iingat ng Filipiniana Division ng Beauro of Public
Libriaries sa Maynila sinasabing ito ay binubuo ng 279 na pahina sa mahabang piraso ng
papel. Binili ito kay Valentin Ventura sa halagang P 10,000.00 na siya naming sinasabing
tagapagligtas ng nasabing nobela sapagkat siya ang nagpahiram noon kay Rizal ng perang
gagamitin sa pagpapalimbag ng manuskrito.

4
KONDISYON NG BANSA SA PANAHONG
NASULAT ANG AKDA

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami
ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat
niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa
ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng
tulong ang pagdinig sa kaso ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni
Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang
pamilya ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Matinding hirap ang dinanas ng karamihan sa mga Pilipino tulad ng sapilitang
pagtatrabaho, pagtitinda ng mga ani sa napakamurang halaga at pagbabayad ng mataas
na buwis. Sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.
Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyang
pamilya at nang buong Pilipinas. Bagaman may mga pagpapalagay na may plano si Rizal
para sa ikalawang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na
buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng
“pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo,
pagliligpit sa mga kaaway atbp.”

PAGPAPATUNAY NG PAG-IRAL NG MGA KONDISYONG ITO SA


KABUUAN O BAHAGI NG ILANG KABANATA

Malinaw na ipinakita ni Rizal ang mga umiiral na problemang ito sa mga kabanata
ng El Filibusterismo. Sa unang kabanata pa lang makikita na ang matinding kahirapan at
mabagal na pag-unlad sa paglalarawan sa bapor Tabo. Na bagamat nahati ito sa dalawang
bahagi mas marami pa rin ang nasa ibaba na kinabibilangan ng mga mahihirap na Pilipino.
Sa ilalim ng bapor, masikip at mainit dahil marami ang mga tao dito habang ang kalagayan
ng ibabaw ng bapor ay kasalungat sa ilalim.
Ang usapin sa lupain at korapsyon ay malinaw naman na binigyang buhay ni
Kabesang Tales sa kabanata 4. Ipinamalas dito ang korapsiyon sa ginawa ng mga prayle,
at ito ay ang pagtaas ng buwis taon-taon dahil sa kagustuhan nilang maangkin ang lupang
pinaunlad ni Kabesang Tales.

5
PAGSASANAY

Mula sa iyong mga nabasa, batid kong marami kang natutuhan


at natitiyak kong handa ka na sa mga pagsasanay. Basahing
mabuti ang mga panuto at sagutin ang mga ito.

PAGSASANAY 1

Panuto: TAMA o MALI. Isulat sa kuwaderno ang Tama kung


makatotohanan ang pahayag at Mali kung hindi makatotohanan.
_____1. Sinulat ni Rizal ang El Filibusterismo upang imulat sa mga kababayan
niya ang pang-aaping ginagawa ng mga Kastila.
_____2. Binanggit ni Rizal mula sa kanyang liham kay Maximo Viola na isa sa
layunin niya sa pagsulat ng El Fili ay upang matugunan ang maling
paratang ng mga Kastila sa mga Pilipino.
_____3. Ang orihinal na sipi ni El Filibusterismo ay nasa pag-iingat ngayon ng
National Museum.
_____4. Nagsilbi noon si Rizal sa isa sa tatlong paring martir na pinag-alayan
niya ng El Fili.
_____5. Isa pa sa layunin ni Rizal sa pagsulat ng El Fili na ibunyag ang
kabuktutan ng mga Pilipinong namamahala sa ating bansa.

PAGSASANAY 2
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at ayusin ang mga titik upang
mabuo ang salitang tumutukoy sa isyung panlipunan na nabanggit sa
binasa.

(PAHIRANAK) (PUSONGAABA)
_____________________ ________________________

6
(PROAKSYON)
________________________
PAGSASANAY 3
Panuto: Paghambingin ang kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng
Kastila at sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng Venn Diagram.

PAGLALAGOM

Ang nobelang El Filibusterismo ay tumatalakay sa


mga problema ng mga Pilipino sa nakaraan. Nais ipakita
ni Rizal sa kanyang nobela ang matinding sakit sa lipunan
at bakit nangangailangan ng pagbabago ang bansa. Sa
ganitong paraan, nagsindi siya ng apoy sa puso ng bawat
Pilipino at tumulong sa pag-aangat ng bansang Pilipinas.

7
APLIKASYON

PANUTO: Umiiral pa rin hanggang ngayon ang mga isyung


panlipunan na nagpahirap sa kalagayan ng Pilipinas noong
panahon ng Kastila. Bilang kabataang pag-asa ng bayan, paano
mo sosolusyunan ang mga hamong kinakaharap natin sa
kasalukuyan. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAGTATAYA

I.PANUTO. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Sa halagang ito binili kay Valentin Ventura ang orihinal na sipi ng El
Filibusterismo.
a. 1,000 c. 100,000
b. 10,000 d. 100
2. Ano ang kahulugan ng "El Filibusterismo".
a. Huwag Mo Akong Salingin c. Huwag Mo Akong Talikuran
b. Ang Paghahari ng Kasakiman d. Ang Pagpapakasakit
3. Ang El Filibusterismo ay pumapaksa sa ______________.
a. Pulitika at Rebolusyon c. Kasiyahan at Kaginhawaan
b. Pagmamahal at Pagkamakabayan d. Kapayapaan at Kayamanan
4. Tulad ng Noli Me Tangere, ang orihinal na manuskrito ng El
Filibusterismo ay nakasulat sa wikang _________________.
a. Ingles c. Pranses
b. Kastila d. Mandarin
5. Ang tatlong paring martir na pinag-alayan ng buong puso ni Jose Rizal
ng kanyang El Filibustersimo.
a. Mariano Zamora,Jose Gomez, Jacinto Burgos
b. Jose Burgos, Mariano Gomez, Jacinto Zamora

8
c. Jacinto Gomez, Mariano Gomez, Jose Zamora
d. Damaso, Camorra, Sibyla
II. PANUTO: Patunayan na ang mga sumusunod na kondisyon ay
matatagpuan sa mga kabanata sa El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagtukoy/pagsasalaysay ng tiyak na mga pangyayari.

KONDISYON NG LIPUNAN TIYAK NA PANGYAYARI SA KABANATA

1. KORAPSIYON (Kab. 4)

2. KAHIRAPAN (Kab. 1)

SANGGUNIAN

Most Essential Learning Competencies. Filipino 10


Bucu, Amelia V., et al.Obra Maestra IV (El Filibusterismo).Quezon City:Rex
Publishing Company, Inc,2012.

9
SUSI SA PAGWAWASTO

PAGGANYAK
1. Noli Me Tangere
2. GOMBURZA
3. Valentin Ventura
4. Oktubre, 1887
5. Marso, 1891
PAGSASANAY 1
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Mali
PAGSASANAY 2
1. KAHIRAPAN
2. PANG-AABUSO
3. KORAPSIYON
PAGSASANAY 3
1. Maaring magkaroon ng iba-ibang sagot
APLIKASYON
1. Maaring magkaroon ng iba-ibang sagot
PAGTATAYA I
1. B
2. B
3. A
4. B
5. b
PAGTATAYA II
1. Sa unang kabanata, nahati ang bapor Tabo sa dalawang bahagi mas
marami pa rin ang nasa ibaba na kinabibilangan ng mga mahihirap na
Pilipino. Sa ilalim ng bapor, masikip at mainit dahil marami ang mga tao
dito habang ang kalagayan ng ibabaw ng bapor ay kasalungat sa ilalim.
2. Ang dating lupang pag-aari ni Kabesang Tales ay inari ng mga prayleng
kastila dahil wala siyang maipakitang kasulatan. Upang makaiwas sa
gulo nakiusap si Kabesang Tales na buwisan na lamang. Ngunit taun-
taon na itinataas ang interes hanggang sa hindi na makayanan ni
kabesang Tales.

10

You might also like