You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
10
PAMAGAT NG ARALIN
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

KUWARTER: 4 MELC NO. 5


MELC: Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa
pagkakasulat ng El Filibusterismo. (F10PS-IVa-b-85)

Pangalan ng Guro: FRANCES P. RABOY


Paaralan: CABITTAOGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

1
PAMANAHUNAN BILANG 4
GABAY NG MAG-AARAL
5
SA PAGKATUTO BILANG

PAUNANG SALITA

Tungkol Sa SLK o Sariling Linangan Kit

Ang SLK o Sariling Linangan Kit ay isang uri ng kagamitan sa pagkatuto na sadyang
inihanda para sa mag-aaral upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa panahon o sitwasyong
hindi posible ang paghaharap ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum.Sa pamamagitan
nito inaasahang makamit ng mag-aaral ang buo at ganap na pagkatuto sa nakapaloob na
mga gawain.

Para sa Magulang o Tagapag-alaga

Malaking hamon para sa magulang ang maibigay ang sariling panahon para
magabayan at matulungan ang anak sa pagharap ng tinatawag makabagong paraan ng
edukasyon bunsod ng pandemya.Gayunpaman lalong kailangan ang pagpapahalaga sa
pagkakataon upang hindi masayang ang panahon at maipagpatuloy ang pagkatuto ng mag-
aaral sa anumang paraaan gaya ng tinatawag na New Normal in Edukasyon.

Bilang mapanagutang magulang,tungkuling ninyong gampanan ang paggabay sa inyong


mga anak upang matagumpay na maisakatuparan ang pangangailangan ng sariling
linangang kit na ito.

Maraming Salamat.Hangad namin ang inyong pag-unawa at pakikipagtulungan upang


maitawid natin ang inyong anak sa larangan ng edukasyon.

Para sa mag-aaral

Isang masayang araw sa iyo my fren!


Kumusta ka na? Heto, magkakasama na naman tayo.Hangad ko ang iyong pag-
unlad kaya kaya kahit sa panahon ng pandemya ay isusulong natin na maipagpatuloy mo
ang iyong pag-unlad.Walang imposible sa katulad mong alam kong may pangarap sa
buhay-ang makapagtapos at balang araw ay magamit ito sa magandang hinaharap.
Alam mo ba na sa SLK na ito ay nakatitiyak kang mapalalim pa ang iyong pag-
unawa kung bakit naisulat ang ganitong akda? Mababakas mo rin ang pagkakasunud sunod
ng mga pangyayari at,mapag-ugnay-ugnay ang mga ito sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo.Inaasahang matutukoy mo rin ang mga pangyayari na nakaimpluensya sa
isipan ng awtor at ang kinaharap na suliranin noong sinusulat ang nobela.
Kailangan lamang my fren na magtiyaga ka sa pagbabasa at pagsagot sa mga
gawain.Pasasaan at matatapos din ang nasimulan mo ,magtiwala ka lang. O, Handa Ka na
ba?

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
2
Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa
pagkakasulat ng El Filibusterismo
1.Napapansin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
2.Natutukoy at napagtitimbang ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari
3.Maayos na naitatala ang mga mahahalagang pangyayari

PAGTALAKAY SA ARALIN

BALIK-ARAL

Ang ating buhay ay katulad ng isang awit na may simula at


katapusan. Bilang simula tayo ay isinilang at mabuhay
hanggang sa masapit ang takdang tuldok nito.Sa pagitan ng
simula at katapusan ay ang mga magkakasunud sunod at
magkakaugnay ng mga pangyayaring humabi at nagbigay
kulay sa ating buhay.Ganyan din ang nangyari sa buhay ni
Dr. Jose Rizal.Maalala mo pa ba ang kanyang talambuhay?
Halika balikan natin ang ilang bahagi ng buhay ng ating
dakilang bayani.

Panuto:Alin ang hindi kasama sa pangkat?Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang
bilang.Sagutin mo ito sa iyong sagutang kwaderno.
____1.Sa pag-aaral ni Rizal
A. Colegio de La Concordia
B. Ateneo Municipal de Manila
C. Universidad De Sto. Tomas
D. Universidad Central de Madrid

2.Sa kapanganakan ng bayani


A. Tag-araw
B.Miyerkules,hatinggabi
C.Ika-19 ng Hunyo,1861
D.Araw ni San Jose sa Kalendaryo Katoliko

3.Sa pag-ibig ng bayani


A.Seiko Usui
B.Nelly Bousted
C.Leonor Rivera
D.Segundina Katigbak

4.Sa pamilya ng bayani

3
A.Lucia
B.Olympia
C.Soledad
D.Josephine

5.Ilan sa mga akda ng bayani


A.A mi Pueblo
B. La Solidaridad
C. Huling Paalam
D. Sa Aking mga Kababata

Binabati kita sa pagpapakita mo ng interes sa inisyal na gawain.


Gusto mo bang makita kung ilan ang nasagot mong tama?Tignan
Sa likod ng SLK na ito. Kung nakuha mong lahat ay bigyan mo
Ang iyong sarili ng limang bagsak.Kung hindi naman ay
magpatuloy lamang, Ang mahalaga ay maipagpatuloy mo ang
iyong nasimulan.Hawak kamay ,tara na anak.maglakbay sa
pag-aaral!

MAIKLING PAGTALAKAY

Gaya ng mga natalakay na tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng El Fili nalaman mo ang kalagayang
panlipunan noong sulatin ito ng bayani.Gayunpaman mahalaga
ring malaman kung anu-ano nga ba ang mga iba pang bagay
tungkol sa pagkakasulat nito.Ano ba ang kaugnayan ng mga
tunay na pangyayari sa naging takbo ng El Filibusterismo mula
sa pagsisimula hanggang sa matapos ito.
Ngayon ay malalaman mo na may dahilan at bunga ang mga
pangyayari na di-inaasahan ng awtor.
Mahihinuha mo rin kung ano ang naging epekto ng ilang
pangyayari na nakaimpluensya sa ginawang pagbabago ng
awtor sa banghay ng kanyang akda.
Heto tunghayan ang mga magkakaugnay na pangyayari sa
pagkakasulat ng nobela.Kung kailangang magtala ka mas
mainam para mas madaling matandaan ang mga detalye . o
pangyayari.Isa-isahin natin:

MAGKAKAUGNAY NA MGA PANGYAYARI SA PAGKAKASULAT NG

4
NOBELANG EL FILIBUSTERISMO

Paano nga ba nagsimula ang El Filibusterismo?


Habang ginagawa pa ang Noli Me Tangere ay binabalangkas na ng bayani
ang isa na namang nobelang isusunod dito ngunit hanggang sa banghay o plot lang
muna.Nangyari ito,Oktubre 1887sa ika-2 buwan ng kanyang pagbabakasyon sa
Pilipinas matapos ang limang taong pamamalagi at pag-aaral sa Europa.Nang
mailathala at makarating sa Pilipinas ang Noli Me Tangere ay saka lamang
sinimulan ang pagsulat sa ikalawang nobela-ang El Fili.At pagkaraan pa ng 4 na
buwan ay muli na namang nangibang-bansa ang bayani.

Bakit umalis muli ang bayani sa Pilipinas?


Sapilitang umalis sa Pilipinas si Rizal dahil tinutugis na siya ng kanyang mga
kaaway dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere.

Paano na naipagpatuloy ng bayani ang pagsusulat ng nobela?


Pebrero 2,1888 noong sumakay ng barko patungong InglateraTumigil siya sa
Hongkong ,Japan at Amerika bago nakarating sa London noong May
25,1888.Nangupahan siya sa Pamilya Beckett.
Sa London ay ipinagpatuloy ang inumpisahan sa El Filibusterismo noong nasa
Pilipinas ngunit may ginawang pagbabago sa banghay nito bunga ng mga
nasaksihan at karanasang pang-aapi sa lipunan kasama ang pamilya bago pa
mang simulan ang nobela.

Saan-saan pang lugal ipinagpatuloy ng bayani ang pagsusulat ng El Fili?


Marami pa siyang inatupag na gawin sa London,England at
Paris,France.ngunit noong Marso 19,1889 ay nagtungo siya sa Brussels,kapitolyo
ng Belgium sa dalawang kadahilanan:Mataas na halaga ng pamumuhay sa Paris at
kailangan niya talagang magtipid at higit pa dito, ang mga kasiyahan sa lungsod ay
nagiging balakid sa pagsusulat niya.
Sa Brussels ay naging abala siya sa pagsusulat ng malaking bahagi ng nobela
bukod pa sa pagsusulat ng mga artikulo para sa La Solidaridad, pakikipaglihaman
bilang ugnayan niya sa kanyang pamilyang nasa Pilipinas at mga kaibigang nasa
ibang bayan din.
Hulyo 1890 lumipat si Rizal mula Brussels,Belgium patungong Madrid,Spain
pagkatapos ng anim na buwan.Dito nakaranas ang bayani ng mga kabiguan at mga
kasawian na nagkaroon ng epekto sa kanyang isinusulat na nobela.Kalaunan ay
malungkot na nilisan ang lugal.
Pebrero 1891,dumating siya sa Biarritz-isang bakasyunang lungsod ng
French Riviera.Dito niya sinulat ang mga huling bahagi ng nobela na ginawan pa ng
ilang pagbabago sa banghay nito.Marahil ito ay bunga ng mga karanasan ng
pamilya at iba pang di-magagandang pangyayari noong nasa Madrid at ang mga
nakararating na mga balitang hindi maganda tungkol sa kanyang pamilya sa
Pilipinas.

5
Kailan at saan tinapos ng awtor ang manuskrito?
March 29,1891 nang matapos na ang manuskrito sa Biaritts,France. Sa kabila
ng kabiguan sa pag-ibig ay pinagtuunan niyang tapusin ito.Sa kabuuan ay inabot ng
tatlong taon ang pagsulat,
Ano ang nangyari sa manuskrito?
Umalis sa Biaritts si Rizal patungong Brussels.Sa pagbabalik Brussels
matapos ang walong buwan ay naging abala si Rizal sa pagpapabuti ng
nobela.Araw-araw ay inayos at nirebisa niya ito upang ihanda na sa
pagpapalimbag.May 30,1891 natapos ang karamihang rebisyong ginawa,

Saan at paano inilimbag ang nobela?


July 5,1891 mula Brussels,Belgium ay nagtungo sa Ghent,Belgium ang
awtor sa dahilan,mas mura ang pagpapalimbag sa doon.Sa panahong iyon ay
naghihirap ang bayani at kailangang magtipid.Kailangan ding mangutang sa iba
upang may gastusindahil hindi dumarating ang inaasahang mga padala.
Ang F.Meyer-Van Loo Press,Blg.66 Viaanderen ay pumayag na ilimbag
nang patingitingi ang nobela.At upang may maipaunang bayad ay nagsanla ng
alahas si Rizal ngunit kinulang pa rin.Nasa pahina 112 nang matigil ang paglilimbag
noong Agosto 6,1891 dahil sa kawalan talaga ng sapat na pera
Noong nais na niyang sunugin ang manuskrito dahil sa kawalan ng pag-asa,
dumating na di-inaasahan ang perang padala ni Valentin Ventura.kaya
naipagpatuloy muli ang paglilimbag.Bilang pagtanaw ng utang na loob ang
manuskrito na may lagda ng awtor ay ibinigay kay Valentin Ventura.
Setyembre 18,1891.Sa wakas nailabas na sa imprenta ang aklat.

MGA PANGYAYARING NAKAAPEKTO SA PAGKAKASULAT NG NOBELA

May mga bagay at pangyayaring dumating sa buhay ng awtor na labis nakaapekto


sa kanya upang gawan ng pagbabago ang orihinal na banghay ng El Filibusterismo.
a. Ang naranasang panggigipit sa kanyang pamilya ng mga makapangyarihang
orden at militar sa Pilipinas dahil sa usaping lupa ay nasaksihan niya noong
magbakasyon mula sa pag-aaral sa Europa.At kahit na noong muling
makapangibang bayan at nasa ibat-ibang lugal ay nakararating pa rin sa kanya ang
mga balita ng kawalan ng katarungan sa bansa kabilang na ang pamilya.Ang
pangyayaring ito ay nabigay ng himig panghihimagsik sa kanyang akda.
b. Ang mga nasaksihang mga pangyayari sa Madrid kahit noong nag-aaral pa
siya at maging noong dalawin niya ang lugal sa muli niyang pangingibang-bansa ay
naghatid sa kanyang diwa ng hindi Mabuti.Ang mga kapwa Pilipino roon ay hindi
nagkakaisa sa isang layunin,bukod sa bantulot sa sama-samang paggawa para sa
reporma.Higit na nakasakit sa kanyang kalooban ang mga inggitan, iringan.at
pagiging makasarili kahit na sila ay may pinag-aralan.Dahil sa di-pagkakaisa,nabuo
sa isip niya na hindi pa handa para sa isang rebolusyon-kaya sa nobela ay pinatay
niya si Simoun upang hindi magtagumpay ang himagsikan.
c. Ang pagtanggap niya sa balitang pagpapakasal ni Leonor Rivera (na
kasintahan niya ng labing-isang taon) kay Charkes Henry Kipping ay isa ring bagay
na nakapagpabago ng kanyang dating paglalarawan kay Paulita Gomez.Ang
kabiguang ito ay naipadama niya nang malinaw sa nobela.

6
d. Naging mahirap ang kalagayan ng awtor.Ang gugulin mula sa propaganda,ang
samahang sibiko sa Maynila na nagbibigay tulong sa mga nangangampanyang
Pilipino sa Madrid ay hindi dumarating nang madalas.Ang kaukulang bayad ng Noli
Me Tangere ay hindi pa nalilikom at ang salaping ipadadala ng kanyang pamilya ay
madalang dumating kaya kailangang mangupahan sa mumurahing kwarto at
magtipid sa pagkain at maging sa pagpapalimbag ay kailangan na makahanap ng
murang palimbagan.Ang ganitong kalagayan ay nakatulong sa pagkakaroon ng
miserableng tema sa El Filibusterismo.

ANG KASUKDULAN NG MGA PANGYAYARI SA PAGKAKASULAT NG NOBELANG


EL FILIBUSTERISMO

Bagamat nasimulan na ang patingitinging paglilimbag ng F. Meyer-Von Loo


Press sa akda ay dumating ang pagkakataon na kailangang ihinto na sa pahina 112
ang paglilimbag dahil sa kasalatan sa pera.Ang naipong P5,200.00 mula sa pagbili
ng kanyang sinulat sa pagbabago sa Los Sucesos de las Islas Filipinas ni Dr.
Antonio de Morga ay nagamit na at kailangan pa ng pambayad sa
palimbagan.Nangungutang at nakapagsanla na rin siya ng kanyang mga alahas.
Sa kawalan ng pag-asa noong mga sandaling iyon ay nais na niyang sunugin
ang manuskritong pinaghirapan ng tatlong taon.Ngunit sa di-inaasahan ay dumating
ang perang padala ni Valentin Ventura buhat sa Paris.Nailigtas sa pagkakasunog
sana ng manuskrito at naipagpatuloy ang paglilimbag.Ang nasabing orihinal na
manuskritong sulat kamay na may lagda ng may-akda ay ibinigay sa itinuring na
tagapagligtas ng kanyang nobela.
Setyembre 18,1891-sa wakas ay inilabas na sa imprenta ang El
Filibusterismo.

PAGSASANAY

Fren Batid kong nasundan mo ang mga pangyayaring


magkakaugnay-ugnay sa pagkakasulat ng nobela kaya may
inihanda ako pagsasanay na susubok sa iyong pang-
unawa.Sige ilabas na ang iyong sagutang papel at gawin ang
nasa ibaba. Paalala lang:basahing mabuti ang mga panuto.

PAGSASANAY 1: Fill Box

7
Panuto: Punan ang mga kahon ng tamang titik na tutukoy sa mahahalagang lugal na
may kinalaman sa pagkakasulat ng El Filibusterismo: Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. (Lugar kung saan naimprenta ang El Filibusterismo)

2. (Lugar kung saan nagtapos ng pag-aaral na muling dinalaw sa


ikalawang pagbiyahe)

3. (Dito niya sinulat ang mga sinulat ang mga huling bahagi ng
manuskrito)

4. (Sa lugal na ito sinulat ang pinakamalaking bahagi ng


nobela)

5. (Dito binalangkas at nagsimula ang lahat tungkol sa El


filibusterismo)

PAGSASANAY 2: El Feelings
Panuto: Maghinuha ng sanhi at bunga sa damdamin at ikinilos ng may-akda.Isulat
lamang ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel

_____1.Habang nasa Brussels ay araw-araw na binago at inayos ng may-akda ang


kanyang manuskrito.
A.Desidido talaga siya na tapusin na ito.
B.Tiyak dadalhin na niya ito sa palimbagan.
C.Siguradong hinihintay na ni Valentin Ventura.

_____2.Nabalitaan niya na ikakasal na sa iba si Leonor Rivera na kasintahan niya


ng labing-isang taon.
A. Nagluksa siya
B. Nagdamdam siya.
C. Nagparamdam siya.

_____3.Nakita niyang hindi magkaisa ang mga Pilipino maging sa ibang bansa.
A. Ikinalungkot niya ang bagay na ito.
B. Ikinagulat niya ang kalagayang ito.
C.Pinagsisihan niya ang pangyayaring ito.

_____4.Nang hindi dumating ang mga inaasahan niyang mga padalang tulong at
sustento mula sa pamilya ay nahinto ang paglilimbag.
A. Siya ay nawalan ng pag-asa.
B. Siya ay nawalan ng ganang mabuhay.
C. Siya ay tuluyan nang sumuko sa buhay.

_____5.Dumating ang tulong pinansyal mula kay Valentine Ventura.


A. Natuwa siya dahil hindi niya ito hiningi.
B. Nagulat siya dahil matutubos na ang mga isinanla.
C. Nabuhayan siya ng loob dahil matutuloy na ang imprentasyon.

8
PAGSASANAY 3: Fill the Moments
Piliin ang titik ng tamang impormasyon (tao,petsa,pook o pangyayari) na bubuo sa
magkakasunod na kaisipan tungkol sa pagkakaugnay-ugnay na pangyayari sa
pagkakasulat ng nobela
_____1. Habang nagbabakasyon sa sariling bayan,ay binalangkas na niya ang El
Filibusterismo na kanyang isusunod sa _________na isa ring nobela.
A.Noli Me Tangere
B.Mi Ultimo Adios
C.A Mi Pueblo
_____2. Sa __________ pagkakataon,bumalik siya sa ibang bayan dulot ng pag-
iwas sa mga lihim na kaaway at para na rin sa kaligtasan ng pamilya.
A.una
B.ika-2
C.ika-3
_____3. Sa London niya sinimulan ang pagsusulat sa binalangkas na nobela ngunit
__________dulot ng ilang pangyayari na nagkaroon ng impluensya sa isip ng awtor.
A.nagkaroon ng repetisyon
B.nagkaroon ng desisyon
C.nagkaroon ng rebisyon
_____4.Ang pinakamalaking bahagi ng akda ay sinulat sa __________.
A.Brussels
B.London
C.Spain
_____5.Nais niyang tapusin ang manuskrito,siya ay lumipat sa Biarritz, isang
bakasyunang lungsod ng French Riviera __________ .Dito na niya sinulat ang mga
huling bahagi ng nobela.March 29,1891 nqng matapos ito.
A.nang makaiwas sa mga hadlang sa pagsusulat
B.nang matugunan ang kanyang mga problema
C.nang sa ganun ay makapaghanapbuhay muli.
_____6.Bumalik siya sa Brussels noong __________upang ayusing mabuti ang
manuskrito bilang paghahanda sa paglilimbag nito.
A.Abril 1891
B.May 1891
C.June 1891
_____7.Sa mga panahong iyon siya ay__________ kaya naghanap ng mas murang
palimbagan para makatipid.Nagsanla rin siya ng mga alahas.
A. kapos sa hininga
B. kulang-palad
C.gipit sa pera
_____8.Sa_________ ay natagpuan niya ang isang palimbagan na pumayag
iimprenta ang manuskrito sa patingi-tinging paraan.
A.London England
B.Ghent,Belgium
C.Paris,France

_____9.Nasa pahina __________nang mahinto ang paglilimbag dahil sa kakapusan


ng awtor sa pera dulot ng hindi pagkakatanggap ng mga inaasahang padala ng
pamilya at mga kaibigan.

9
A. 112
B. 113
C. 114

____10.Desperado siya at muntik na niyang sunugin ang manuskrito ngunit


dumating ang perang padala ni __________,Natuloy ang paglilimbag.Sa wakas
pagkatapos ng tatlong taon ay naisalibro na ang akda
A.Valeriano Venturanza
B.Val Dizon Vergara
C.Valentin Ventura

PAGLALAGOM

Hindi lang pangyayari ang dapat mong tandaan kungdi ay mga


salita na ginamit sa akda gaya ng mga sumusunod
1.manuskrito-mga orihinal na akdang nasulat ,gaya ng
dula,nobela o maikling kwento na nasa sulat kamay pa lamang
ng may-akda o awtor.
2.palimbagan-imprenta o printing press
3.rebisyon-pagbabago sa orihinal na anyo o nilalaman ng
isang teksto
4.tinutugis-pinaghahanap o hinahabol na tao para sa isang
kaso
5.patingi-tingi-pakonti-konti
Paalala:Kung nais mong tunghayan ang tungkol sa araling ito
pwede mong gamitin ang iyong cellphone sa You Tube.Just
search Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.Alam
kong kayang-kaya mo iyan.

APLIKASYON

Sa buhay ng tao, hindi nawawala ang mga problema o


pagsubok gaya ng 10nangyari sa buhay ng bayani noong
sinulat niya ang El Filibusterismo. Ngunit sa gitna ng mga
pagsubok ay may mga pangyayari na makapagbibigay sa
atin ng lakas upang magpatuloy sa buhay.Mayroon at
Ako ay naniniwala na sa gitna ng pagsubok ay kailangan ang tatag ng
loob
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

PAGTATAYA

I.Panuto: Tama o Mali.Isulat ang Tama kung may katotohanan ang pahayag at Mali
kung hindi sa sagutang papel.

________1.Ibinigay ng may-akda ang manuskrito kay Valentino Ventura.


________2.Inabot ng labing-isang taon ang pagsusulat sa El Filibusterismo.
________3.Sariling kagustuhan ni Rizal ang umalis muli sa bansa noong Peb.1887
________4.Ang Paris ay kapitolyo ng London.
________5.Sa ibat-ibang lugal nalathala ang nobelang El Filibusterismo.

II.Piliin ang tamang sanhi o dahilan ng mga naganap pangyayari sa pagkakasulat ng


nobela.Titik ng napiling sagot ang isulat sa sagutang papel.
_____1.Sa unang pagkakataon ay nangibang bansa ang bayani, na noon ay upang
A. Mangalakal sa Espanya
B. Manirahan doon
C. Mag-aral doon

_____2.Ang ikalawang pagpunta niya sa ibang bayan ay payo ng Governador


Heneral Terrero nang sa ganun ay
A. Maligtas siya at ng pamilya sa mga lihim niyang kaaway

11
B. Magliwaliw at maghanap buhay sa ibang bayan
C. Balanga raw ay makuha ang pamilya doon
_____3.May mga panahon na hindi siya makasulat nang maayos dahil
A. Marami siyang gustong gawin.
B. KiInukulang na siya ng pera
C. Tinatamad na siya.
_____4.Pangunahing dahilan ng pagpapalimbag niya sa Ghent Belgium ay
A. Napakamaraming palimbagan ang matatagpuan doon.
B. Mas makakamura ang awtor sa pagpapalimbag doon.
C. Magkakaroon ng libreng pagpapalimbag doon.
_____5.Kung hindi sa kagandahang loob ni Valentin Ventura marahil ay
A. Naipamigay na siguro niya ang manuskrito sa ibang kaibigan
B. Baka iniwan na lamang ang manuskrito sa palimbagan.
C. Sinunog na niya marahil ang manuskrito

III.Ayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaring nakaapekto sa


pagsulat ng awtor sa nobela.Gamitin ang mga titik a-e sa pagsusunud-sunod.Isulat
ito sa sagutang papel

____1.Nasaksihan ni Rizal sa pagbisita niya sa Madrid ang mga pangyayaring di-


pagkakaisa ng mga Pilipino para sa isang layunin.
____2.Natanggap niya ang balitang ikakasal na kay Charles Henry Kipping si Leonor
Rivera na kasintahan niya ng labing-isang na taon.
____3.Naranasan ng pamilya ang panggigipit sa kanila ng mga makapangyarihan
dahil sa lupa.
____4.Patuloy na nababalitaan niya ang kawalan ng katarungan sa Pilipinas.
____5.Naranasan niyang magtipid habang iniimprenta ang kanyang nobela

SANGGUNIAN

Includes all third party materials or sources of information used in developing


the SLK following the Chicago Manual of Style (CMOS).
Department of Education,2016 K to 12 Curriculum Guide
Arturo Sebastian Cabuhat, 1996 El Filibusterismo,Pampanitikang Talakay,LJF
Publications 10999 Palm Drive Faculty Village,U.P. Los Banos Laguna
Gregorio F. Zaide,Sonia M Zaide,1999 Jose Rizal,Buhay ,mga Ginawa at Mga
Sinulat ng Isang Henyo,Manunulat,Siyentipiko at Pambansang Bayani,All Nations
Publishing Co. Inc. 935 Aurora Blvd. corner Pittsburgh St. Room 204 Alforge
Bldg.,Cubao,Quezon City
Maria Odulio De Guzman, First Revised Edition Ang Filibusterismo ni
Rizal,Ika-16 na Pagpapalimbag,Cacho Hermanos,Inc.PinesCor Union
Sts.Mandaluyong City

MGA SAGOT

12
Paunang pagtataya
1.A
2.A
3.D
4.D
5.B

Mga Pagsasanay
I. Fill Box
1.GHENT
2.MADRID
3.BRUSSELS
4.BIARRITZ
5.PILIPINAS

II.El Feelings
1.A
2.B
3.A
4.A
5.C

III.Fill the Moments


1.A
2,B
3.C
4.A
5.A
6.A
7.C
8.B
9.A
10.C

PAGTATAYA
I. Tama o Mali
1.TAMA
2.MALI
3.MALI
4.MALI
5.MALI

II. 1.C
2.A
3.A
4.B
5.C

III. 1.C
2.B

13
3.A
4.D
5.E

Posibleng sagot sa Aplikasyon:


Ako ay naniniwala na sa panahon ng pagsubok,kailangan ang matatag
na loob.Kailangang maging matapang sa pagharap sa buhay dahil kapag
nagdarasal ka parati,hindi ka pababayaan ni Lord.Ibibigay niya ang paraan upang
malampasan ang pagsubok. Sa panahong ito nasusubok ang ating lakas ng loob
kaya huwag manghina dahil ang Panginoon ay ibibigay ang ating kahilingan Basta
magtiis at maghintay lamang.

14

You might also like