You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG ANTIPOLO

LEARNERS ACTIVITY SHEET IN FILIPINO BAITANG 10


IKAAPAT NA MARKAHAN – UNANG LINGGO
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Pangalan ng Mag-aaral:_____________________________ Baitang at Pangkat:_______________ _Petsa:_______

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


• Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan na
El Filibusterismo F10PN-Iva-b-83
• Natitiyak ang kaliging pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:\
- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
- pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
- pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda F10PB-Iva-b-86
• Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito F10PT-Iva-b-81
• Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag ng kaligirang pagkasaysayan ng pagkakasulat ng El
Filibustiresmo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline F10PD-Iva-b-85

Alam mo ba…?

Ang El Filibusterismo ay isang nobelang politikal na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Ayon sa kasaysayan kung
ikukumpara ito sa naunang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere, mas malaki ang naitutulong ng El Filibuterismo sa mga
Pilipino, partikular sa mga katipunero sapagkat ang akdang ito ang nag-udyok at nagbigay ng lakas ng loob sa mga
Pilipino upang lumaban sa mga Kastila. Ito rin ang nagturo sa mga Pilipino na maging bihasa sa pagkamit ng tagumpay
at matamo ang kaligtasan sa sariling pagsisikap.

Kasaysayan

Taong 1891 nang unang mailimbag ang El Filibusterismo, ngunit bago ito mangyari ay maraming pagsubok na
dinanas si Rizal. Marami sa mga paghihirap na ito ay dahilan ng pagkakalathala ng Noli Me Tangere noong Marso
1887. Katakot- takot na pagbabanta ang natanggap ni Rizal mula sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas nang unang
lumabas ang naturang nobela. Maging ang kanyang naiwang pamilya, kaibigan, at kababayan ay giniyagis ng
panggigipit. Kahit na anim na buwan pa lamang niyang muling nakakasama ang pamilya matapos ang ilang taong
pagkakawalay, nagpasiya si Rizal na muling mangibang-bansa upang mailayo ang mga mahal sa buhay sa
kapahamakan.

Tumulak si Rizal patungong Hong Kong noong Pebrero 1888, at mula roon ay naglakbay siya patungong
Japan, Estados Unidos at Inglatera hanggang marating niya ang Europa. Subalit kahit na malayo na siya sa Pilipinas
ay hindi lingid sa kanya ang tunay na kalagayan ng pamilya at mga kababayan. Habang naglalakbay ay nakatanggap
si Rizal ng mga ulat tungkol sa pag-uusig at matinding pagpapahirap na dinanas ng kanyang pamilya sa kamay ng mga
Kastila ipinakita it ni Rizal sa kanyang akda sa katauhan ni Kabesang Tales na binawi ng mga kastila ang kanyang
lupang pinagyaman. Ang mga ganitong balita ay lubhang nagpahirap sa kalooban ni Rizal. Nadagdagan pa ang
kanyang kalungkutan nang mabalitaang ikinasal sa iba ang kanyang minamahal, dahil ayaw ng mga magulang nito kay
Rizal, na binansagang subersibo at kalaban ng Espanya ng pamahalaang Kastila.Ang ganitong kalagayan ni Rizal ay
inilahad niya ng magpakasal si Paulita Gomez na kasintahan ni Isagani sa mayamang si Juanito. Ang mga
pangyayaring ito ang nagpagupo sa diwa at damdamin ni Rizal kung kaya’t tuwing may pagtitipon ang mga Pilipino sa
Madrid, ang kalimitang paksa niya ay tungkol sa paghihimagsik sa isang mapayapang paraan. Dahil sa layunin ni Rizal
na maimulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng
pamahalaang Espanyol ay pinagtibay niya ang kalooban na tapusin ang nobela kahit kulang ang panustos mula sa
pamilya.

4th Q-WEEK -1 page 1


Sa kabila ng mga kasawian sa buhay ay ipinagpatuloy pa rin ni Rizal ang pagsulat sa ikalawang nobela,
na kanyang sinimulang buoin sa tahanan ng kanyang pamilya sa Calamba, Laguna. Sa London, kung saan siya
nanirahan mula Mayo hanggang Setyembre 1888, pinagpatuloy niya ang pagsusulat, pagrerebisa, at pagwawasto
sa manuskrito. Gayon din ang ginawa niya sa Paris, Madrid at Bruselas, Belgica, kung saan niya isinulat ang
malaking bahagi ng akda. Natapos ni Rizal ang kabuuan ng nobela noong Marso 21, 1891. Ayon sa talambuhay ni
Rizal na isinulat nina Russel at Rodriguez, naisip nang ipalimbag ni Rizal ang El Filibusterismo sa pag-asang may
sapat na salaping igugugol dito, subalit nabigo siya nang hindi dumating ang inaasahang pondo. Maging ang mga
mayayamang Pilipinong nangako ng suportang pinansyal ay nangagkalimot sa kanilang salita. Nagsanla si Rizal
ng mga alahas, ngunit hindi rin sapat ang perang kanyang nakuha mula rito. Dahil sa kawalan ng salapi, napilitan
si Rizal na ipatigil ang pagpapalimbag sa aklat, na noo’y mayroon nang 112 pahinang naiimprenta.Ipinakita ni Rizal
sa kanyang akda ang ganitong pangyayari ng muntik ng hindi isakatuparan ni Simoun ang kanyang planong
paglaban sa mga kastila

Kalagitnaan ng Setyembre 1891 nang maganap ang isang hindi inaasahang pangyayari. Dumating buhat
sa Paris ang perang padala ng matalik na kaibigan ni Rizal na si Valentin Ventura. Sa pangyayaring ito, naligtas si
Rizal sa pagkakagipit at ang El Filibusterismo, ay natapos ipalimbag noong Setyembre 22, 1891. Bilang pagtanaw
ng utang-na-loob, inialay ni Rizal kay Ventura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo, at ipinadala ito sa
huli kalakip ng isang nilimbag at nilagdaang sipi ng nobela. Nagpadala rin si Rizal ng mga sipi ng nobela sa
matatalik na kaibigan gaya nina Ferdinand Blumentritt, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Juan Luna.
Ang karamihan ng mga nailimbag na kopya ng aklat ay kanyang ipinadala sa Hong Kong, samantalang ang
natitirang bahagi naman ay sa Pilipinas. Ang pagpapadala ni Rizal sa Pilipinas ng mga sipi ng nobela ay
nagpapatunay na sinulat niya ang El Filibusterismo upang basahin ng mga kababayan at di lamang ng mga taga-
Europa.

Sa kasamaaang-palad, nasamsam ang halos lahat ng sipi ng El Fiibusterismo na ipinadala ni Rizal sa Hong
Kong. Maging ang ilang kopyang nakarating sa Iloiloay ipinasira ng pamahalaang Kastila. Gayon pa man, may ilang
kopya pa rin ng nobela na nakarating at nabasa sa ilang bahagi ng Pilipinas, at lumikha ng malaking kasiglahan sa
kilusang nauukol sa paghihimagsik.

GAWAIN A
PANUTO: Suriin ang pagkakaugnay ng pangyayari tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo sa
pagtukoy sa sanhi o bunga ng pangyayari. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

___1. Nakatulong nang malaki ang El Filibusterismo sa mga katipunero, sapagkat_________________ .


A. ito ang naging dahilan upang matutong magbasa ang mga Pilipino
B. ito ang naging dahilan upang matakot ang mga Kastila sa mga Pilipino
C. ito ang naging dahilan upang maging maayos ang buhay ng mga Pilipino
D. ito ang nag-udyok at nagbigay ng lakas ng loob sa mga Pilipino upang lumaban sa mga kastila
__2. Iniwang muli ni Dr. Jose Rizal ang kanyang pamilya kahit anim na buwan pa lang niyang nakakasama, matapos
ang matagal na pagkakawalay upang_______________.
A. mailayo ang mga mahal sa buhay sa kapahamakan
B. balikan ang kasintahang iniwan sa ibang bansa
C. sumulat na muli ng isa pang nobela
D. pasyalan ang iba pang magagandnag bansa

__3. Ang pangyayaring nakapagpagupo sa diwa at damdamin ni Dr. Jose Rizal ay ang balitang _
A. ikinasal sa iba ang kanyang minamahal
B. pinag-uusig ng mga Kastila ang kanyang pamilya
C. matinding pagpapahirap ang dinanas ng kanyang pamilya sa kamay ng mga Kastila.
D. lahat nang nabanggit

__4. Ang pagpadala ng pondo ng kaibigang si Valentin Ventura ay siyang naging daan upang __________
A. makumpiska ang mga sipi
B. matapos ang paglilimbag ng El Filibusterismo
C. maipamigay ang sipi ng nobela
D. nakapaglakbay si Rizal

4th Q-WEEK -1 page 2


__5. Ang pagpapadala ni Dr. Jose Rizal ng mga sipi ng nobela sa Pilipinas ay nagpapatunay na sinulat niya ang El
Filibusterismo upang________
A. kumita nang malaki sa mapagbibintahan ng nobela
B. makilala siya bilang mahusay na manunulat
C. basahin ng mga kababayan at di lamang ng mga taga Europa (lagyan ng kudlit)
D. upang humanga ang lahat sa kanya

GAWAIN B
Panuto: Punan ang talahanayan ayon sa hinihingi nito
.
Pangyayari sa Kaligirang Pangyayari sa Nobela Layunin ni Rizal sa Pagsulat
Pangkasaysayan ng El Fibusterismo

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa mga parirala. Pagkatapos gamitin ang mga salita
kaugnay ng isyung kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

Parirala Kahulugan ng salitang Pag-uugnay sa isyung


nakasalungguhit sa kinakaharap ng ating bansa
parirala
1. nanganib sa mga prayle
2. pamilya’y pinag-uusig
3. balakid sa pagsulat
4. nasamsam na mga kopya
5. hinimok na umalis
GAWAIN C
PANUTO: Gamit ang link na ito https://www.youtube.com/watch?v=pq50Rzc0q8c panoorin ang pagpapaliwanag sa
kaligirang pangkasaysayan ng pagsulat ng El Filibusterismo o muling balikan ang binasang bahagi sa Alam mo
ba. Pagkatapos, ibuod ang kaligirang pangkasaysayan gamit ang timeline.

RUBRIKS SA PAGBUO NG TIMELINE

Pamantayan 5 3 1
Nilalaman
- impormasyon tungkol sa mga Lubusang
May isang May 2 o higit pang
pangyayari sa kaligirang nailahad ang lahat
pamantayan na sa pamantayan sa
pangkasaysayan ng mga
nilalaman ang hindi nilalaman ang hindi
- kawastuhan ng mga petsa at lugar ng pamantayan sa
nailahad ng malinaw malinaw nailahad
mga pangyayari nilalaman
- Wasto ang mga tauhang kasangkot
Pagkakabuo Lubusang May isang
May 2 o higit pang
- Kaangkupan ng timeline na ginamit. nailahad ang lahat pamantayan na sa
pamantayan sa
- Malinaw na pagkakasunod-sunod ng ng mga pagkakabuo ang
pagkakabuo ang hindi
mga pangyayari pamantayan sa hindi nailahad ng
malinaw nailahad
- Kasiningan pagkakabuo malinaw
Kasiningan Lubusang May isang May 2 o higit pang
Kalinisang ng pagbuo ng timeline nailahad ang mga pamantayan na sa pamantayan na sa
Kaayusan ng bawat bahagi ng timeline pamantayan sa nilalaman ang hindi nilalaman ang hindi
Kaayusan ng pagkakasulat ng bawat nilalaman malinaw at malinaw at hindi
baybay ng salita kumpletong na kumpletong nailahad
ilahad

4th Q-WEEK -1 page 3


LEARNER’S ACTIVITY SHEET IN FILIPINO BAITANG 10
IKAAPAT NA MARKAHAN – UNANG LINGGO
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Pangalan ng Mag-aaral:_____________________________ Baitang at Pangkat:_______________ Petsa:_______

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:


• Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo F10PS-IVa-b-
85
• Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang timeline
F10PU-IVa-b-85
• Nagagamit ang iba’t ibang reperensya/batis ng impormasyon sa pananaliksik F10EP-IIf-33

Alam mo ba…?

Ang El Filibusterismo ay binigyan ng iba’t ibang saling-pamagat. Sa wikang Ingles, ito ay isinalin bilang
―The Filibustering. May salin din ito sa wikang Ingles na ang pamagat ay ―The Reign of Greed na tinumbasan
naman sa wikang Tagalog ng ―Ang Paghahari ng Kasakiman. Sa ibang aklat sa wikang Ingles, ito ay ―The
Subversive na ang salin naman sa wikang Filipino ay ―Ang Subersibo. Anuman ang pamagat, ang salitang
filibusterismo ay nanggaling sa salitang Kastila na ―filibustero na hiniram naman sa salitang Pranses na
―flibustier na tumutukoy sa sumusunod na mga kahulugan: pirata (pirate), isang taong mangingikil ng buwis o
pag-aari ng iba (plunderer), at isang taong may kinalaman sa rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayan para
suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter).

Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang introduksiyon ng kaibigan niyang si
Ferdinand Blumentritt para sa kaniyang ikalawang nobela, ang filibuster ay nangangahulugang ―mapanganib na
taong (makabayan) mamamatay kahit na anong oras.

Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli Me Tangere,
ay sinimulan niyang isulat sa kaniyang sinilangang bayan na Calamba noong Oktubre, 1887, sa kaparehong taon
kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang nobela. Makalipas ang halos isang
taon, 1888, nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela.

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas
ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong
yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na
humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kaso ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal
ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at
pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay natakot sa panggigipit.

Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang nararamdaman sa isang babae―ang kaniyang personal na pangangailangan
dahil higit na kailangan siya ng kaniyang mga kababayang patuloy na nagtitiis sa panlalapastangan ng mga
Espanyol. Dahil na rin sa nagsilbing aral para sa kaniya ang masaklap na mga karanasan sa pagpalalathala ng
Noli Me Tangere, nanirahan siya sa masikip na kuwarto ng kaniyang kaibigang si Jose Alejandrino ang tinutuluyan
nilang apartment ay may sariling canteen pero sa halip na kumain doon, dahil sa mas mapapamahal sila, ay bumili
na lamang si Rizal ng isang latang biskuwit at ilang kape para sa mga almusal nilang dalawa sa loob ng isang
buwan, Nagawa ni Dr. Rizal na tipirin ang sarili sa pagkain para lamang maipalimbag ang kaniyang nobela. Subalit
sa hindi magandang palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya habang ipinapalathala ang unang nobela, muli na
namang kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang nakuha mula sa pagsangla niya sa kaniyang mga
alahas, Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela
sa alaala ng mga paring sina Gomez,Burgos at Zamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang pangunahing dahilan
kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang politikal. Inilalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay
ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala,
pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait
na karanasang nagdulot ng takot kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.

4th Q-WEEK -1 page 4


Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa
lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataas-taasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang
namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibing sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang
ito, natatakot si Rizal sa mga personal at politikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring
walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng panliligaw kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang
tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkilalang
iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa
pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:

Ang batis ng impormasyon o reperensya ay mga sources ng mga impormasyon na nakukuha ng mga nagbabasa
at nakikinig. May iba’t ibang batis ng impormasyon na maaaring gamitin, gaya ng sumusunod:
 Primaryang batis-naglalaman ng mga impormasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag-uusapan sa
kasaysayan.

Mga halimbawa:
biktima at salarin, saksi, manonood, tagapakinig,
talaarawan, awtobiograpiya, at liham.
 Sekondaryang batis-batay ang impormasyon mula sa pangunahing batis ng kasaysayan.
Mga halimbawa:
diyaryo, aklat, radio, pinagkwentuhan, at internet.
 Pasalitang kasaysayan-ito ay kasaysayang sinambit ng bibig.

Mga halimbawa:
interbyu/panayam, at pagsasadula.
-Mula sa https://www.coursehero.com

GAWAIN A
Panuto: Isalaysay ang mga magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El Fililibusterismo sa
pamamagitan ng pagsulat ng letrang A-E sa patlang.

____1. Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang nararamdaman sa isang babae, dahil higit na kailangan siya ng kaniyang
mga kababayang patuloy na nagtitiis sa panlalapastangan ng mga Espanyol.
____2. Nagawa ni Dr. Rizal na tipirin ang sarili sa pagkain para lamang maipalimbag ang kaniyang nobela.
____3. Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang
dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere.
____4. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,Burgos at Zamora.
____5. Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium.

GAWAIN B
Panuto: Gawan ng buod ang kaligirang pangkasaysayan batay sa timeline.

TIMELINE NG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTIRESMO

PAGKABUO NG NOBELA NI RIZAL


Nilisan ni Rizal ang Pilipinas
Noong Pebrero 3,1888 Mga Nangyari sa Kamag-anak
ni Rizal Pagkatapos ng
1 kanyang Paglisan
Pebrero 1888
2

Sinimulan isulat ang El Filibustiresmo Inihandog ni Rizal ang nobela


sa London 1890 sa alaala ng paring martir

3 Setyembre 18,1891 4

4th Q-WEEK -1 page 5


Pagsulat ng Buod

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG BUOD

Pamantayan 5 3 1
NILALAMAN
- Nailahad ang lahat ng May 2 o higit pang
May isang pamantayan na
impormasyon. Lubusang nailahad ang pamantayan na sa
sa nilalaman ang hindi
- Kalinawan ng paglalahad ng mga pamantayan sa nilalaman ang hindi
malinaw at kumpletong na
mga impormasyon nilalaman malinaw at hindi
ilahad
- Magkakaugnay ang mga kumpletong nailahad
kaisipan
PAGKAKABUO
- Kaangkupan ng grapikong May 2 o higit pang
May isang pamantayan na
ginamit. Lubusang nailahad ang pamantayan na sa
sa pagkakabuo ang hindi
- Kaayusan ng paraan ng mga pamantayan sa pagkakabuo ang hindi
malinaw at kumpletong na
paglalahad ng ideya pagkakabuo malinaw at hindi
ilahad
- Malinaw na pagkakasunod- kumpletong nailahad
sunod ng mga pangyayari
Mekaniks
- Wastong pagbabaybay at May isang pamantayan sa May dalawa o higit pa na
Lubusang nasunod ang
pagbabantas mekaniks ang hindi pamantayan sa mekaniks
lahat ng pamantayan sa
- Kapitalisasyon nasunod ang hindi nasunod
mekaniks
- Gamit ng salita

GAWAIN C
Panuto: Magsaliksik tungkol sa naging epekto o nagawa ng nobela para sa Pilipino sa panahon ng himagsikan.
Pumili ng isa sa mga batis ng impormasyon na gagamitin. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.

Epekto ng nobela ni Rizal sa mga Pilipino Ginamit na batis ng impormasyon sa pananaliksik

4th Q-WEEK -1 page 6


SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO
UNANG LINGGO

Pangalan:__________________________ Seksyon:__________________ Petsa:__________________

I. PAGLINANG SA TALASALITAAN
Panuto: Ibigay ang kahuluggan ng salitang nakasalungguhit. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Hindi inisip ni Dr.Jose Rizal ang gabundok na balakid sa kanyang mga plano.
A. problema B. sagabal C. harang
2. Hinimok ni Gobernador Heneral Emilio Terrero si Rizal na lumisan muna ng bansa.
A. inimbitahan B. hinikayat C. kinumbense
3. Ginawa ni Rizal ang lahat ng klase ng pagtitipid pati ang pagliban nito ng pagkain upang maipalimbag lang
kanyang akda.
A. kakulangan B. pagkawala C. kawalan
4. Ang ilang sipi ng El Filibueterismo ay nasamsam ng mga prayle.
A. bahagi ng akda B. buong kopya ng akda C. paggaya sa akda
5.Ang mariwasang si Valintine Ventura ang nagligtas sa kanyang kagipitan.
A. mahusay B. maayos C. marangya

II. PAG-UNAWA SA BINASA

A. Panuto: Lagyang ng tsek (/) ang linya kung ang pangyayari ay tumutukoy sa panahonng isinulat ang El
Filibustersmo. at ekis (X) kung hindi. (Para sa bilang 6-10)

__6. Ipinagbawal ng mga Espanyol sa Pilipinas ang pag-aangkat, paglilimbag at pagpapakalat ng nobela
kaya higit na naging mapanganib kay Rizal.
__7. May sapat na pondo si Rizal upang maipalimbag niya ang kayang ikalwang obra na El Filibusterismo.
__8. Hindi naging madali para kay Rizal kanyang mga naranasan habang sinusulat niya ang El Fili.
__9. Binigyan ng proteksyon ng mga prayle ang kanyang mga magulang, kaibigan at mga mahal sa buhay
upang maligtas sa pamahalang Espanyol.
__10. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo kay sa Noli Me Tangere.

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng mga pangyayari sa akda na naganap sa kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo. (Para sa bilang 11-14)

11. Ang kanyang iniibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang sa ibang lalaki.
12. Ang kanyang mga magulang at kapatid ay pinag-uusig ng mga Espanyol.
13. Nanaginip si Rizal at nakakita ng mga pangitain tungkol sa kasawian ng kanyang mga magulang at
kaibigan.
14. Lumayo kay Rizal ang kanyang mga kasama sa La Solidaridad.

C. Panuto: Piliin ang titik kung ang mga pangyayari ay tumutukoy sa…
A. Mga balakid na naranasan ni Rizal sa Pagsulat ng El El Filibusterismo
B. Mga hakbang na Ginawa ng mga Espanyol upang mapigilan ang pagsulat,paglathala at pagdating ng
Nobela sa kamay ng mga Pilipino.
C. Mga Ginawa ni Rizal upang mapagtagumpayan niya na matapos ang nobela.

_____15. Kawalan ng pondo sa pagpapalimbag.


_____16. Nakapag sanla ng mga alahas si Rizal.
_____17. Ipinakasal ang kanyanang pinakamamahal na si Leonor Rivera sa ibang lalaki.
_____18. Ang kanyang mga kapatid at magulang ay pinapasakitan ng mga kastila.
_____19. Naghigpit ng sinturon si Rizal kayat lumiban siya ng pagkain.
_____20. Lumayo ang mga kaibigan ni Rizal sa kanya ,na walan ng pagkakaisa ang mga Pilipinong Ilustrado.

III. PAGSULAT
A.Panuto: Isulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan batay sa timeline. (Para sa bilang 21-30)
Agosto 1887 ---- Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas
Pebrero 1888 ---- Nilisan ni Rizal ang Pilipinas
1890 ---- Londo England, sinimulan ang pagsulat ng EL Filibusterismo
Setyembre 1891 – Naipalimbag ang sulat -kamay na nobelang El Filibusterismo

4th Q-WEEK -1 page 7

You might also like