You are on page 1of 21

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.1
Panitikan : A. El Filibusterismo
: B. Kaligirang Pangkasaysayan
Teksto : Nagsasalaysay
Wika : Talasanggunian
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVa-b-83)
 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan
tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVa-b-86)


 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVa-b-82)


 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang
pangkasaysayan nito.

PANONOOD (PD) (F10PD-IVa-b-81)


 Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag ng kaligirang
pangkasaysayan ng pangkasaysayan ng pagkasulat ng El
Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang
timeline.

PAGSASALITA (PS) (F10PD-IVa-B-85)


 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkasulat
ng El Filibusterismo.

PAGSULAT (PS) (F10-PU-IVa-b-85)


 Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo batay sa ginawang timeline.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10-WG-IVa-b-78)


 Naipamamalas ang kahusayang magtala ng mahahalagang
impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian.

Ikaapat na Markahan |1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10 PN-IVa-b-83)


 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVa-b-86)


 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o
ilang bahagi ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda

II. PAKSA

Panitikan : A. El Filibusterismo
B. Kaligirang Pangkasaysayan
Kagamitan : Pantulong na biswal, Ispiker, Laptop, Libro
Sanggunian : Ang Batikan
nina Florian L. Ruiz et. al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: I-Full Mo, Name ni Hero!
Ipapanuod ng guro ang buod ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal sa
mag-aaral pagkatapos ay isasaayos ang buong pangalan ng bayani.
https://www.youtube.com/watch?v=IvzlbAd2SUc

Sagot:

Jose Rizal Protacio y Alonso Realonda


Mercado

Ikaapat na Markahan |2
2. Pokus na Tanong

a. Paano nakatulong ang kaligirang pangkasaysayan sa lubos na pag-


unawa ng nobela?
b. Ano ang kahalagahan ng talasanggunian sa pananaliksik ng
iba’t ibang impormasyon?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: PICTURE-STORY

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: YOU SPEAK
a. Ano-anong mga katangian ni Jose Rizal ang masasalamin sa
inilahad na talambuhay?
b. Paano naipakita ang kanyang kabayanihan?

ANALISIS

1. Ano ang pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na isinulat


ni Dr. Jose Rizal?
2. Paano nakatulong ang dalawang akdang nilikha ni Rizal upang
mamulat sa katotohanan ang mga Pilipino?

Ikaapat na Markahan |3
3. Bakit dapat basahin ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon ang Noli
Me Tangere at El Filibusterismo? Ano ba ang mapapala natin sa
dalawang aklat na ito?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Buod ng Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan


ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang
mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at
Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag
noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si
Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang
Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang
pangalan ay Ines dela Rosa.
Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay
nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa
ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria
kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co
ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa
kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke.
Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan,
Laguna.
Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang
kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda
Dominicana sa Calamba, Laguna.
Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bisa ng
Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y
hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.
Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay
masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay
tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-
karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay
nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal
sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.
Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at
nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit
pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil
lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.

Ikaapat na Markahan |4
Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal
de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha
ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng
asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at
notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral
siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal
de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa
nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon
ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa
Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885.
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya
ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang
wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano
dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam
niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga
tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang
mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na
mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga
kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.
Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang
kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris
naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag
ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr.
Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag
sa halagang 300 piso.
Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na
ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng
Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng
pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng
mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.
Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit
noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit
ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa
Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.
Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral
Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang
kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa
paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng
isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang
tinuturuan.

Ikaapat na Markahan |5
Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa
pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya
na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang
liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya
nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos
ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.
Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap
sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo
Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan
atdamdamin.
At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na
ngayon ay tinatawag na Luneta.
http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026720649/buod-ng-talambuhay-ni-dr-jose-rizal

Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa Kaligiran nito

Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ng


ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda. Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa sa iba't ibang kaligiran?

Pamagat:
>Noli Me Tangere- "Huwag Mo Akong Salingin" na galing sa ebanghelyo
ni San Juan Bautista.
 Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal
sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa
kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong
puting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at
pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang
sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
>El Filibusterismo- "Ang Subersibo" na isinulat niya para sa kaibigan
niyang si Ferdinand Blumentrit.
 Ang "El Filibusterismo" naman ay buong puso niyang inalay sa tatlong
pareng martir na lalong kilala sa bansag na GomBurZa.
Saan naisulat ang mga nobela?
>Noli- Sinimulan ito sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.
Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang
huling bahagi ng nobela.
>El FIli- Sinimulan niya ito sa Calamba, Laguna habang nagpapraktis ng
medisina. Itinuloy niya ito sa London at gumawa ng napakaraming
pagbabago sa plot at ipinagbuti pa ang ilang mga kabanata. I
pinagpatuloy niya ito sa Paris, Madrid, Brussel at natapos sa Biarritz.
Pagkalimbag ng Nobela:
>Noli-
Ikaapat Sa Impentra
na Markahan |6 Letre nailimbag ang Noli na ipinautang ni Dr. Maximo
Viola.
>El Fili- Isang Nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong
Setyembre 22, 1891.
niyang si Jose Maria Panganiban; 3) ang away nina Dr. Jose Rizal at Antonio
Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; 4) ang tunggalian sa pagitan nina
Dr. Jose
Ikaapat Rizal at Marcelo
na Markahan |7 H. del Pilar sa pamumuno ng Samahan ng mga
Kastila at Pilipino; 5) at ang pinakamatindi, ang pagpapakasal ng kanyang
kasintahang si Leonor Rivera sa isang inhinyerong Inggles na si Henry C.
Kipping.Sa gitna ng mga ganitong kabiguan, kanino kayang puso ang hindi
magkakawindang-windang? Gayunman, natapos pa ring isulat ni Dr. Jose P.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: SUM IT UP!


Ang mga mag-aaral ay bubuo ng pangungusap na tatalakay sa kabuuang
konsepto ng aralin sa tulong ng mga susing salita.

Mga Susing Salita:

Halaga pag-unawa pinagmulan kaligiran


akda kaalaman Pangkasaysayan pagkakasulat

Sagot:

Nakatutulong ang kaalaman sa kaligirang pangkasaysayan ng isang


akda sa pamamagitan ng pag-unawa sa pinagmulan nito lalo’t higit sa
pagpapahalaga sa dahilan ng pagkakasulat nito.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DO IT YOURSELF

Ibubuod ng mga mag-aaral ang buhay ni Dr. Jose Rizal sa pamamagitan ng


paggawa ng timeline.

IV. KASUNDUAN

1. Magsagawa ng mas malalim na pananaliksik tungkol sa kaligirang


kasaysayan ng El Filibusterismo.
2. Isa-isahin ang mga mahahalagang tauhan sa El Filibusterismo.
Humanda sa minarkahang pagsagot.
.

Ikaapat na Markahan |8
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F10PD-IVa-B-85)


 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkasulat ng El
Filibusterismo.
PANONOOD (PD) (F10PD-IVa-b-81)
 Napahahalagahan ang napanood na pagpapaliwanag ng pangkasaysayan
ng pagkasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito
gamit ang timeline.
II. PAKSA

Panitikan : A. El Filibusterismo
B. Kaligirang Pangkasaysayan
Kagamitan : Pantulong na biswal, Ispiker, Laptop, Libro
Sanggunian : Ang Batikan
nina Florian L. Ruiz et. al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: MORE PICS 1 WORD
Sa pamamagitan ng mga larawang ipakikita, bubuo ang mga mag-
aaral ng salita na may kaugnayan sa tatalakaying aralin.

Ikaapat na Markahan |9
L L U T R M

A U N
Sagot:
1. El Filibusterismo 2. Tauhan
Gabay na Tanong:

Mungkahing Estratehiya: TAO O AKLAT?


a. Anong kaisipan ang maiuugnay mo kapag narinig mo ang
salitang El Filibusterismo?
b. Bakit mahalagang magkaroon ng tauhan sa isang nobela at iba
pang akdang pampanitikan??

2. Presentasyon

 Panonood ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

 Buod ng El Filibusterismo/Kasaysayan
https://www.youtube.com/watch?v=N-k7YSUsBrs
https://www.youtube.com/watch?v=Q2_3dXkKT6w

 Pag-iisa-isa ng mga tauhan sa nobela.

 Tauhan sa El Filibusterismo
https://www.youtube.com/watch?v=Wd4MqgeYAyM

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: CHOOSE YOUR FAVORITE NUMBER
a. Ano ang layunin ng may akda kaya’t naisipan niyang isulat ang
El Filibusterismo?
b. Paano nakatulong ang mga tauhan sa pagkakaroon ng
kaganapan sa akda?
3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: FREEZE FOR A MOMENT!

Ikaapat na Markahan |10


Sa pamamagitan ng tableau, naipakikita ang dahilan kung bakit sinulat ni
Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo.

Pangkat II. Mungkahing Istratehiya: MINUTE TO WIN IT!


Gamit ang tsart, tukuyin ang kalakasan at kahinaan ng mga piling tauhan
sa ibaba. Pagkatapos bigyang-hinuha ang posibleng mangyari kung aalisin ang
papel ng mga naturang tauhan sa nobela.

TAUHAN KALAKASAN KAHINAAN POSIBLENG


MANGYARI
Simoun
Basilio
Kabesang Tales
Padre Florentino
Padre Irene
Don Custodio

Pangkat III. Mungkahing Istratehiya: STEP UP!


Sa tulong ng story ladder, ilahad ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa nobelang El Filibusterismo.
Pangkat IV. Mungkahing Istratehiya: SINE MO ‘TO!
Nakapagsasadula ng ilang bahagi sa nobela ukol sa kalagayang
politikal at suliraning panlipunan ng ating bansa.

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Mga Napakahusay Mahusay pang
Husay
Kategorya 10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
May mga Lahat ng
Ang mga datos /gawain inilahad ay
Kaangkupan datos/gawain ay Angkop ang na hindi higit na
sa inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ngan ng
kaangkupan . ng kaangkupan
kaangkupan. sa gawain.

Ikaapat na Markahan |11


Maliwanag Hindi  P
Napakahusay ng Mahusay ang
ang ginawang malinaw ang a
ginawang ginawang
pagpapaliwan ginawang g
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwana
ag/ pagpapakita t
Presentasyon pagkakabuo ng g/ pagkakabuo
pagkakabuo ng a
mensaheng ng mensaheng
ng mensaheng mensaheng t
ipinababatid. ipinababatid
ipinababatid. nais ipabatid.
a
Halos lahat
n
ng miyembro
Ang lahat ng ng pangkat g
miyembro ng ay walang h
Dalawa sa a
pangkat ay disiplina.
miyembro ng l
nagkakaisa at Hindi maayos
May pangkat ay
may respeto sa ang
pagkakaisa at hindi maayos
isa’t isa. presentasyon
pagtutulungan na nakikilahok
Napakaayos ng .
ang bawat sa
kanilang Nangangaila-
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayo
ipinakitang ngan ng
Maayos ang s ang ipinakita
presentasyon disiplina at
ipinakitang nilang
dahil lahat ng respeto sa
presentasyon presentasyon
miyembro ay bawat
ng bawat isa. at may
kumikilos sa isa.Kailangan
respesto sa
gawaing lahat ng
bawat isa.
nakaatang sa miyembro ay
bawat isa. nakikipagtulu
-ngan sa
gawain.
Malikhain at Walang
Napakamalikhain
mahusay ang buhay ang
at napakahusay Maayos na
pagpapalutang ipinakitang
Pagkamalikha ng pagpapalutang napalutang
sa nais pagpapalutan
in/ Kasiningan sa nais ipabatid ang ideya na
ipabatid na g ng
na mensahe/ nais ipabatid.
mensahe/ mensahe /
impormasyon
impormasyon. ideya.
ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita
ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng
guro.

ANALISIS

1. Bakit kailangan nating alamin ang kaligirang kasaysayan ng isang akdang


nalimbag?
2. Ano-ano ang mga kondisyong napuna mo sa panahong ang akda ay
naisulat?
3. Alin sa mga tauhan ang pinakagusto mo? Bakit?
4. Paano napukaw ang iyong damdamin sa pagsisimula ng pag-aaral ng
nobela?

Ikaapat na Markahan |12


 Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Buod ng El Filibusterismo

Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor


Tabo. Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, at
Basilio. Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa
Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang
Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa
kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang
pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang
tauhan sa nobela, kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang manghimagsik
at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng
Santa Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong
ito sapagkat namatay nang hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa,
nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito
Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan.
Niregaluhan ni Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis
granada na kasinlaki ng ulo ng tao.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ilawang
ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin
ay sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi
natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim
na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan sa ilog.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga
alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at
pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng
mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang
kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit
para sa kabutihan ng taumbayan.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo

Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay umano'y


tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Crisostomo Ibarra na
nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng
Ikaapat na Markahanlupang
|13 sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Senyor Pasta - ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Quiroga – isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa
Pilipinas.
Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran
ni Juli

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: THINK AND REACT

Paano naging mabisa ang kaligirang kasaysayan sa paglalahad ng


kahalagahan ng nobela?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: WHAT IF?

Kung ako si Rizal _______________________________________________.

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX


IV.

KASUNDUAN

Ikaapat na Markahan |14


1. Magsaliksik ng mahahalagang impormasyon tungkol sa El Filibusterismo na
may iba’t ibang sanggunian.
2. Ibigay ang iba’t ibang bahagi ng aklat.
3. Magdala ng ilang halimbawa ng aklat, magasin at pahayagan.
4. Ano ang talasanggunian?

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10-WG-IVa-b-7)


 Naipamamalas ang kahusayang magtala ng mahahalagang impormasyon
mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian.

II. PAKSA

Panitikan : A. El Filibusterismo
B. Kaligirang Pangkasaysayan
Kagamitan : Pantulong na biswal, Ispiker, Laptop, Libro
Sanggunian : Ang Batikan
nina Florian L. Ruiz et. al.
: Wikipedia/Wikifilipino
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: FILL IN


Pupunan ng mga mag-aaral ng tamang titik ang puwang sa bawat
salita.

T__L__ __N NG __I__A__ __M__N

Ikaapat na Markahan |15


__ A__ __GA__

__A__ASA__ __G__N __A__

P __ __ IM __ __A

2. Presentasyon

 El Filibusterismo sa iba’t ibang sanggunian.


 Iba pang aklat, magasin, pahayagan.
 Hakbang sa pagkuha ng iba’t ibang sanggunian

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: FISH BOWL TECHNIQUE
a. Bakit mahalagang malaman ng mga mambabasa ang
pinagkuhanan ng mga datos o impormasyon ng isang babasahin o
libro?
b. Paano pagsusunod-sunurin ang mga impormasyon o pinagkuhanan
ng mga datos sa paksa upang makabuo ng isang talasanggunian?

ANALISIS

1. Paano nakatutulong sa mga mag-aaral ang pagkuha ng impormasyon o


datos batay sa iba’t ibang sanggunian?
2. Paano pagsusunod-sunurin ang mga impormasyon o pinagkuhanan ng
mga datos sa paksa upang makabuo ng isang talasanggunian?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)
Ikaapat na Markahan |16
Ang Talasanggunian o biblography ay ang bahagi ng isang
pananaliksik o maging ng aklat na nagpapakita ng talaan ng mga aklat,
journal,pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pingakunan ng
Mahalagang magkaroon ng isang talasanggunian ng isang aklat o
pananaliksik sapagkat ito ay isa sa mga katibayan ng katotohanang taglay ng
binubuong pananaliksik o aklat. Ipinakita nito na ang nilalaman ng
pananaliksik o aklat ay hindi lamang mga pansariling opinyon o gawa-gawa ng
mananaliksik kundi mayroon talagang iba't-ibang basehang nagpapatunay ng
katumpakan o katiyakan ng mga impormasyong nilalaman nito. Sa pagsulat
ng talasanggunian mahalagang makuha ang may-akda, pamagat ng aklat o
artikulo, lugar ng publikasyon,tagapaglathala, at taon kung kailan ito nilathala.

Sa pagsulat ng isang talasanggunian ay isaalang-alang ang sumusunod:

 Nakaayos ang mga ito nang paalpabeto.


 Matatagpuan ito sa hulihang bahagi ng aklat o gawaing pananaliksik.
 Sa pagsulat, kinakailangang nakapasok ang ikalawa o sumusunod na
linya ng sanggunian.
 Sa pagsulat ng pangalan ng may-akda, unang isulat ang apelyido at
lagyan ng tuldok sa dulo.
 Isaalang-alang ang paggamit ng tamang bantas sa bawat bahagi.
Ginagamit ang tuldok para sa pangalan at pamagat. Tutuldok
pagkatapos ng lugar na pinaglathalaan. Kuwit pagkatapos ng
tagapaglathala at tuldok pagkatapos ng taon.

Halimbawa:

 Kung isa lamang ang may-akda

Dayag, Alma M. PLUMA 4 Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino.


Quezon City: Phoenix Publishing House, 2002.

 Kung dalawa ang may-akda

Lontoc, Nestro S. at Ailene G. Baisa. Pluma II Wika at Panitikan


Para sa Mataas na Paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House,
2004.
(Paalala: Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang pangalan ay isinusulat
nang buo at nauuna na ang unang pangalan kaysa sa apelyido.)

 Kung higit sa dalawa ang may-akda

Dayag, Alma M. et al. PLUma III Wika at Panitikan Para sa Mataas na


Paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2004.
Ikaapat na Markahan |17
http://filipinowikapanitikan-smcc.weebly.com/pagsulat-ng-talansangunian.html
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: SHOW ME THE BOARD


Sa tulong ng mga salita, bubuo ang mga mag-aaral ng pangkalahatang
konsepto batay sa paksang tinalakay.

makatotohanan datos batayan pagsusuri


akda iba’t ibang napili

Sagot: Nagiging makatotohanan ang mga nakalap na datos at


nagkakaroon ng iba’t ibang batayan sa pagsusuri ng napiling akda.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: RUMBLED FACTS

 Ruiz, Florian L. et.al Ang Batikan ng Educational Resources Corporation:


Cubao, Quezon City
 Manansala, Francisco Jr. (1987) Introduksyon sa Istadistika. Quezon City ,
Philippines Phoenix Publishing House Inc.
 Balitao, Brian C., Ong Justine C. (2004), Ekonomiks: Pagsulong at Pag
unlad Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX IV.

KASUNDUAN

1. Magtala ng ilang talasanggunian para sa na pagsulat ng isang malawak


na pag-aaral sa nobelang El Filibusterismo.
2. Humanda sa pagsulat ng awtput 4.1.

Ikaapat na Markahan |18


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) ((F10-PU-IVa-b-85)


 Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
batay sa ginawang timeline.
II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.1


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ang Batikan
nina Florian L. Ruiz et. al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapakita ng halimbawa ng isang timeline.
Ang Kasaysayan ni Reymundo Poblacion

Isinilang sa Abra Nagtapos ng Nagtapos ng Nagtapos ng


Elementarya sa Hayskul sa Kolehiyo sa
7/21/2001 Ramon Manila Science Unibersidad ng
Magsaysay ES HS Pilipinas

2005 2010 2015 2016


2000

Lumipat ng Naging Yumao ang Ama Nagtrabaho sa


tirahan sa Sta. pamabansang Jollibee bilang
Cruz, Maynila Kampeon sa 5/20/2014 service crew
Tagisang ng
Talino

Ikaapat na Markahan |19


ANALISIS

. 1. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang timeline?


2. Paano nakatutulong sa mga mag-aaral ang pagsasagawa nito?
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: NOW I KNOW

Nakatutulong ang paggamit ng timeline sapagkat ______________________.

APLIKASYON

GOAL - Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El


Filibusterismo batay sa ginawang timeline

ROLE - Isa kang manunulat

SITUATION - Ikaw ay naatasan upang mag-ulat ng sunod-sunod na


pangyayari ng kabuuan ng El Filibusterismo sa pamamagitan
ng timeline

PRODUCT - Timeline

AUDIENCE - Mga mamamayang Pilipino

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Maayos at organisado
B. May pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan
C. Wastong gamit ng mga salita
D. Makatotohanan
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

Ikaapat na Markahan |20


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa
pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN
1. Iguhit ang konsepto na nangibabaw sa nobelang El Filibusterismo.
2. Kilalanin ang tauhang si Basilio. Basahin ang kabanata 6, 7, 23, 26,31,
33, 34.

Ikaapat na Markahan |21

You might also like