You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA

FILIPINO GRADO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.1
Panitikan : A. El Filibusterismo
: B. Kaligirang Pangkasaysayan
Teksto : Nagsasalaysay
Wika : Talasanggunian
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVa-b-83)
 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan
tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVa-b-86)


 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVa-b-82)


 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang
pangkasaysayan nito.

PANONOOD (PD) (F10PD-IVa-b-81)


 Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag ng kaligirang
pangkasaysayan ng pangkasaysayan ng pagkasulat ng El
Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang
timeline.

PAGSASALITA (PS) (F10PD-IVa-B-85)


 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkasulat
ng El Filibusterismo.

PAGSULAT (PS) (F10-PU-IVa-b-85)


 Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo batay sa ginawang timeline.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10-WG-IVa-b-78)


 Naipamamalas ang kahusayang magtala ng mahahalagang
impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian.
Ikaapat na Markahan |1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10 PN-IVa-b-83)


 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan
tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVa-b-86)


 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o
ilang bahagi ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda

II. PAKSA

Panitikan : A. El Filibusterismo
B. Kaligirang Pangkasaysayan
Kagamitan : Pantulong na biswal, Ispiker, Laptop,
Libro Sanggunian : Ang Batikan
nina Florian L. Ruiz et. al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: I-Full Mo, Name ni Hero!
Ipapanuod ng guro ang buod ng talambuhay ni Dr. Jose
Rizal sa mag-aaral pagkatapos ay isasaayos ang buong pangalan
ng bayani. https://www.youtube.com/watch?v=IvzlbAd2SUc

Sagot:

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso


Realonda
Ikaapat na Markahan |2
2. Pokus na Tanong
a. Paano nakatulong ang kaligirang pangkasaysayan sa lubos na pag-
unawa ng nobela?
b. Ano ang kahalagahan ng talasanggunian sa pananaliksik ng iba’t
ibang impormasyon?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: PICTURE-STORY

Gabay na Tanong:

Mungkahing Estratehiya: YOU SPEAK


a. Ano-anong mga katangian ni Jose Rizal ang masasalamin
sa inilahad na talambuhay?
b. Paano naipakita ang kanyang kabayanihan?
 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Buod ng Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan


ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang
mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at
Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag
noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si
Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang
Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang
pangalan ay Ines dela Rosa.
Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay
nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa
ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria
kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co
ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa
kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke.
Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan,
Laguna.
Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang
kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda
Dominicana sa Calamba, Laguna.
Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bisa ng
Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y
hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.
Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay
masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay
tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-
karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay
nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal
sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.
Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at
nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit
pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil
lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.
Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo
Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip
at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa
lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en
Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral
siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal
de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa
nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon
ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa
Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885.
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya
ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang
wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano
dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam
niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga
tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang
mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na
mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga
kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.
Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang
kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris
naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya.
Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000
sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng
pagpapalimbag sa halagang 300 piso.
Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na
ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng
Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon
ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng
mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.
Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit
noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit
ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa
Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.
Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral
Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang
kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa
paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng
isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang
tinuturuan.
Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa
pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya
na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang
liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya
nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos
ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.
Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap
sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo
Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at
damdamin.
At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na
ngayon ay tinatawag na Luneta.
http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026720649/buod-ng-talambuhay-ni-dr-jose-rizal

Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa Kaligiran nito

Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ng


ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda. Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa sa iba't ibang kaligiran?

Pamagat:
>Noli Me Tangere- "Huwag Mo Akong Salingin" na galing sa ebanghelyo
ni San Juan Bautista.
 Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa
"Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa
kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong
puting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at
pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang
sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
>El Filibusterismo- "Ang Subersibo" na isinulat niya para sa kaibigan
niyang si Ferdinand Blumentrit.
 Ang "El Filibusterismo" naman ay buong puso niyang inalay sa tatlong
pareng martir na lalong kilala sa bansag na GomBurZa.
Saan naisulat ang mga nobela?
>Noli- Sinimulan ito sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.
Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang
huling bahagi ng nobela.
>El FIli- Sinimulan niya ito sa Calamba, Laguna habang nagpapraktis ng
medisina. Itinuloy niya ito sa London at gumawa ng napakaraming
pagbabago sa plot at ipinagbuti pa ang ilang mga kabanata. I
pinagpatuloy niya ito sa Paris, Madrid, Brussel at natapos sa Biarritz.
Pagkalimbag ng Nobela:
>Noli- Sa Impentra Letre nailimbag ang Noli na ipinautang ni Dr. Maximo
Viola.
>El Fili- Isang Nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong
Setyembre 22, 1891.

Layunin:
Tulad ng Noli Me Tangere, ang El Filibusterismo ay may layuning
panlipunan. Ang dalawang nobelang ito ay kapwa bunga ng isang uri ng pag-
babangon sa katauhan ng bayani, na noong panahong iyon ay maituturing na
isang matapang na hakbang sapagkat alipin ang mga Pilipino.
Ngunit kakaiba sa Noli Me Tangere, ang paghahain ng katotohanan sa
El Filibusterismo ay naglalayong ang bayan ay magising at maghimagsik, at
hindi upang mangarap lamang ng pagbabago. Sa Noli ay may pangarap, may
ganda, may damdamin ng pag-ibig, may awa. Sa Fili ay walang madarama
kundi ibayong poot, kapaitan na tumitigid sa bawa't munting bahagi ng aklat,
na bahagi ng bawat karanasan ng mga mahahalagang tauhan ng nobela.
Sa unang bahagi pa lamang ng nobela ay madarama na ang
bumabasa ang tumutupok na damdamin ng pagbabangon. Ito ay kinakatawan
ng mayamang mag-aalahas na si Simoun na nilalason ang puso ng layuning
gisingin ang bayan upang makapagbangon laban sa pamahalaan. Muling
nabuhay si Crisostomo Ibarra ng Noli sa katauhan ni Simoun sa Fili hindi
upang mabuhay na muli ang kanyang sinasagisag na ideyalismo, ang
kanyang magagandang pangarap sa buhay at pag-ibig. Sa kanyang
pagkabuhay, namatay ang katauhan ng isang baguntaong matapos mag-aral
nang mahabang panahon sa Europa ay nagnasang magpunla ng pagbabago
sa bayan, hindi dahil sa pag-ibig sa bayang inaalipin kundi udyok ng mga
dahilang pansarili. Ayon nga sa mananalaysay na si Rafael Palma, "Si
Crisostomo Ibarra ng Noli ay hindi katulad ni Simoun ng Fili. Si Ibarra ay
nagtitiwala, naghihintay at umiibig. Si Simoun ay hindi na napapadaya, hindi
nagtitiwala at napopoot. Si Crisostomo Ibarra ay humihiling na pagbabago,
lumalapit sa katarungan at sa kabutihan ng pamahalaan. Si Simoun ay hindi
humihiling bagkus nagmamalupit, bumubulok, nagpapabangon sa karahasan,
sumisira at nagpapakamatay."
Madaling maunawaan kung bakit may malaking agwat ng pagbabago
sa pagitan nina Crisostomo Ibarra ng Noli at Simoun ng Fili. Ang kondisyon ng
isip ni Dr. Jose P. Rizal ang magpapaliwanag nito. Maraming malulungkot na
karanasan at mapapait na kabiguan ang dinadanas ng ating bayani
samantalang sinusulat niya ang El Filibusterismo, at ang mga iyon ay ang
mga sumusunod: 1) ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga
magsasaka ng Calamba at sa kanyang pamilya; 2) ang pagkamatay ng
dalawang Pilipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan
niyang si Jose Maria Panganiban; 3) ang away nina Dr. Jose Rizal at Antonio
Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; 4) ang tunggalian sa pagitan nina
Dr. Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng Samahan ng mga
Kastila at Pilipino; 5) at ang pinakamatindi, ang pagpapakasal ng kanyang
kasintahang si Leonor Rivera sa isang inhinyerong Inggles na si Henry C.
Kipping.Sa gitna ng mga ganitong kabiguan, kanino kayang puso ang hindi
magkakawindang-windang? Gayunman, natapos pa ring isulat ni Dr. Jose P.
Rizal ang El Filibusterismo at maluwalhating naipalimbag.

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/07/pagkakaiba-ng-noli-me-tangere-at-el.html

ANALISIS

1. Ano ang pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na


isinulat ni Dr. Jose Rizal?
2. Paano nakatulong ang dalawang akdang nilikha ni Rizal
upang mamulat sa katotohanan ang mga Pilipino?
3. Bakit dapat basahin ng mga Pilipino sa kasalukuyang
panahon ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo? Ano ba
ang mapapala natin sa dalawang aklat na ito?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: SUM IT UP!


Ang mga mag-aaral hahatiin sa limang pangkat at bawat pangkat ay
bubuo ng pangungusap na tatalakay sa kabuuang konsepto ng aralin sa tulong
ng mga susing salita.

Mga Susing Salita:


pangarap paghihimagsik pagmamahal karahasan kabiguan
hakbang pang-aalipin kalupitan pagmamalabis himagsikan
pagsulat pamilya bayan pag-aaral

Sagot:

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
A P L I K A S Y O N (Integrasyon sa Arts, Araling Panlipunan at ICT)

Mungkahing Estratehiya: ART-TEST

Ikaw ay binigyan ng pagkakataon na maging isang lay out artist at gamit ang
iyong angking talento ay gagawa ka ng sariling bersyon ng cover page ng
nobelang El Filibusterismo.
Iguhit ang sariling bersyon ng cover page ng nobelang El Filibusterismo sa
isang malinis na long bond paper. Gumamit ng 2 o higit pang simbolo ng ating
bansa na isasama sa pagguhit at sa isa pang malinis na bond paper ay ipaliwanag
kung ano ang ibig sabihin o nais iparating ng naguhit mong bersyon.
Ang larawang guhit at paliwanag tungkol sa ginuhit na larawan ay iupload sa
messenger via personal message sa aking account (Charlou Mae Sialsa Sarte)
para ito’y maipost ko sa facebook.

RUBRIKS SA PAGGUHIT

PAMANTAYAN PUNTOS

Nilalaman 30%

Pagkamalikhain 30%

Diwa at Ideya sa Paksa 30%

Kalinisan 10%

Kabuuan 100%
RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

PAMANTAYAN PUNTOS

Nilalaman 40%

Kakintalan 20%

Organisasyon 20%

Kawastuhang Gramatikal 20%

Kabuuan 100%

IV. KASUNDUAN

1. Magsagawa ng mas malalim na pananaliksik tungkol sa


kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo.
2. Isa-isahin ang mga mahahalagang tauhan sa El
Filibusterismo. Humanda sa minarkahang pagsagot.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro sa Filipino 10

Pinagtibay ni:

JERRY G. YACO
School In-Charge

You might also like