You are on page 1of 105

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

(8:40-9:40 Narra / 10:00-11:00 Molave)


_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba
pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan

Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang


banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Pag-unawa Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa
sa Napakinggan kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang
akda
Pag-unawa Nakabubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa
sa Binasa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga
pamantayang internal na taglay ng mambabasa /
manonood
Paglinang Nabibigyang- kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit
ng Talasalitaan sa binasang mga akda
Pagsasalita Naisasalaysay nang may pagkakasunod ang mga
pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay

II. NILALAMAN

A. Panitikan: Ang Ama


Maikling Kuwento – Singapore
Isinalin sa Filipino ni M. R. Avena

B. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak
Itatanong ng guro ang mga sumusunod na katanungan:
 Ano ang gampanin ng isang ama sa pamilya?
 Ano ang relasyon ninyo sa inyong ama? Kayo ba ay magkasundo o
hindi? Ipaliwanag.
 Maglahad ng isang masayang pangyayari na naranasan ninyo kasama
ang inyong ama.
 maglahad ng malungkot//mapait na pangyayari na naranasan ninyo sa
inyong ama.

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa katanungan sa itaas.
Ilalahad ng mga mag-aaral ang gampanin ng kani-kanilang mga ama sa
kanilang pamilya sa usaping pinansyal, emosyonal at mental.

Pagkatapos ng malayang talakayan, papangkatin sa 5 ang mga mag-


aaral. Pipili ng isang kuwento ng buhay ng kanilang kasamahan at gagawin
ang Gawain sa ibaba.

Tuklasin

GAWAIN 1. Episodic Organizer


1. Ilalahad ng mga mag-aaral ang kuwentong napakinggan gamit ang episodic
organizer.
2. Hayaan silang buuin ang episodic organizer sa loob ng 10 minuto.
3. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawa.

Kaugnay na mga pangyayari

4. Simula
5.

Kaugnay na mga pangyayari

6. Gitna
7.
8.
Kaugnay na mga pangyayari

3. Wakas
Kasunduan

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 Narra / 10:00-11:00 Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba
pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan

Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang


banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa
sa Napakinggan kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang
akda
Pag-unawa Nakabubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa
sa Binasa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga
pamantayang internal na taglay ng mambabasa /
manonood
Paglinang Nabibigyang- kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit
ng Talasalitaan sa binasang mga akda

II. NILALAMAN

A. Panitikan: Ang Ama


Maikling Kuwento – Singapore
Isinalin sa Filipino ni M. R. Avena

B. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

2. Paglinang sa Aralin

Gawin ang Gawain 1.b sa LM at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Sino ang pangunahing tauhan? Pantulong na tauhan?


b. Saan ang tagpuan ng kuwento?
c. Paano nagsimula ang kuwento?
d. Ano ang naging suliranin / tunggalian ng kuwento?
e. Saang bahagi ang kasukdulan?
f. Paano nagtapos ang kuwento?
g. Kung may bahagi ang kuwento na nais mong baguhin, ano iyon at bakit?
Ano naman ang iyong ipapalit?

IV. KASUNDUAN
-Ipabasa mo sa mga mag-aaral ang kuwentong “Nang Minsang Naligaw
si Adrian” na nasa Modyul ng Mag-aaral: Paniyikang Asyano 9 pahina 14-15.
-Ipagawa ang Gawain 1.b

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 Narra / 10:00-11:00 9- Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba
pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan

Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang


banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Pag-unawa Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa
sa Napakinggan kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang
akda
Pag-unawa Nakabubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa
sa Binasa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga
pamantayang internal na taglay ng mambabasa /
manonood

II. NILALAMAN

A. Panitikan: Nang Minsang Naligaw si Adrian


Maikling Kuwento – mula sa text message
kay Dr. Romulo N. Peralta

B. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

2. Paglinang sa Aralin

GAWAIN 3. Fist of Five


 Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 3 na nasa kanilang LM.
 MUNGKAHI: Mas maiging babasahin mo nang malakas ang panuto paano
at ang bawat pulso.

Panuto:
 Ipakita ang bilang ng mga daliri ayon sa katumbas nitong antas ng pagkaunawa o
pagkatuto – 5 daliri kung alam na alam mo na at kaya mong ipaliwanag sa iba; 4
daliri kung nagagawa mo nang mag-isang ipaliwanag; 3 daliri kung kailangan mo
pa ng tulong sa pagpapaliwanag; 2 daliri kung kailangan mo pang magpraktis, at 1
daliri kung nagsisimula ka pa lamang.

Ang iyong pulso sa:


 naipaliliwanag ko ang katuturan ng maikling kuwento
 napag-iiba-iba ko ang iba’t ibang uri ng kuwento
 naiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling kuwento
 napagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa isang kuwento
 nasusuri ko ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan
 nakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda
 nabibigyang-kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa maikling kuwento
 napaghahambing ko ang mga piling pangyayari sa napanood na dula
o telenobela sa kasalukuyang lipunan at sa kuwentong tinalakay,
 nasusuri ang isang kuwentong makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha
nito
 naisasalaysay ko nang may pagkakasunod ng mga pangyayari ng isang maikling
kuwentong makabanghay
 at nagagamit ko nang wasto ang mga kataga o pahayag na nagpapakita
ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

3. Kasunduan

Sumulat ng ilang karanasan sa buhay na masasaya at malulungkot na naranasan


ninyo sa inyong ama/kinikilalang ama. Isulat ito sa isang buong papel

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9- Narra / 11:00-12:00 9- Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba
pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan

Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang


banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa Nakabubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa
sa Napakinggan mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga
pamantayang internal na taglay ng mambabasa /
tagapakinig
Paglinang Nabibigyang- kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit
ng Talasalitaan sa binasang mga akda
Pagsasalita Naisasalaysay nang may pagkakasunod ang mga
pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay

Pagsulat Naisusulat ang pagsusuri ng isang kuwentong


makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nito
tulad ng: isang mahalagang desisyon o isang mahalagang
pagbabago sa sarili

II. NILALAMAN

A. Panitikan: Mga Piling Kuwento Tungkol sa Ama


(Kuwento Batay sa Sariling Karanasan)
Pangkatang Gawain

B. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

2. Paglinang sa Aralin

GAWAIN 2. Paghahanay ng mga Pangyayari

Ihanay ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod. Isulat sa sagutang


papel ang iyong sagot.
___ Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina.
___ Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang
aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng Amerikana ni
Ama.
___ Idinaraing ngayon ni Ama ang kaniyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang
mabuti.
___ Nakaratay nang may ilang araw si Ama.
___ Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nananahan sa mga labi
ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa
isang buhay na wala ng luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang
kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa.
___ Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina.
___ Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang
nais tumakas na damdamin sa kaniyang dibdib ay tinimpi ng pagdaraop ng
kaniyang ngipin sa labi.
___ Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kaniya
at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.

KASUNDUAN

GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan


Bigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig nito
sa pangungusap.

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng


dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng
ama ng kaluwagang-palad nito.
3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain,
at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay
makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na
dumapo sa kanilang mukha.
4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa
nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon
huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas.
5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating
sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y
nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga
anak.
6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa
patay na bata.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9- Narra / 11:00-12:00 9- Molave)
_____________________
I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba
pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan

Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang


banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Panonood Napaghahambing ang mga piling pangyayari
sa napanood na dula / telenobela sa kasalukuyang
lipunang Asyano
Pagsasalita Naisasalaysay nang may pagkakasunod ang mga
pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay

Pagsulat Naisusulat ang pagsusuri ng isang kuwentong


makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nito
tulad ng: isang mahalagang desisyon o isang mahalagang
pagbabago sa sarili
Gramatika/Retorik Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig o kataga na
a nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

II. NILALAMAN

A. Panitikan: Ang Ama


Maikling Kuwentong Makabanghay
-Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak
D. Paalala tungkol sa Proyekto

2. Paglinang sa Aralin

GAWAIN 5. Fan Fact-Analyzer

 Pagkatapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain 5, tumawag ng ilang


mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawa.
 Pagkatapos ng bahaginan, ang Gawain 6 ay magsisilbing gabay sa talakayan
upang malaman ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral.

3 4 5

2 6
Pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari
1 7

Tagpuan at Tauhan Kahalagahang pangkatauhan

GAWAIN 6. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga tanong.

1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?


2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Anong mga katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong bahagi o
pangyayari sa kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian?
Sagutin sa kasunod na pormat.

Katangian ng ama Bahagi/Pangyayaring nagpapatunay

4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali


ng ama? Isalaysay.
5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?
6. Paano nagwakas ang kuwento?
7. “Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa
yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang
nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang ‘di nila
mararanasang muli.” Ano ang nais ipahiwatig ng panghuling pangungusap na
ito? Bakit ganito ang saloobin ng mga bata? Patunayan.
8. Anong kultura ng mga Tsino ang masasalamin sa kuwentong ito?
9. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay na
mahal sa buhay? Sa ibang bansa sa Asya?
10. Bakit sinasabing ang kuwento ay makabanghay?

Upang higit mong maihambing ang kuwentong makabanghay, isa pang


kuwentong may ganitong uri ang ipababasa ko sa iyo. Marahil, pagkatapos mo itong
basahin ay makabubuo ka na ng sarili mong kongklusyon o paglalahat kung paano
nga ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento.
PAALALA: Kung may mga konseptong hindi naaayon sa tinatalakay, ipawasto
sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggabay mo.

 Ipabasa sa mga mag-aaral ang isa pang kuwentong makabanghay na


“Anim na Sabado ng Beyblade” ni Ferdinand Pisigan Jarin.
 Ipaalala sa mga mag-aaral na ang babasahing kuwento ay bahagi lamang.
 Pagkatapos mabasa ng mga mag-aaral, ipagawa ang Gawain 7.
 Ipaliwanag mo paano gagawin ang isang timeline.
 Tumawag ng ilang mag-aaral na magbahagi ng kanilang ginawa pagkatapos
makagawa ng timeline.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9- Narra / 11:00-12:00 9- Molave)
_____________________

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba
pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan

Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang


banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa Nakabubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa
sa Binasa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga
pamantayang internal na taglay ng mambabasa /
manonood
Paglinang Nabibigyang- kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit
ng Talasalitaan sa binasang mga akda
Pagsasalita Naisasalaysay nang may pagkakasunod ang mga
pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay

Pagsulat Naisusulat ang pagsusuri ng isang kuwentong


makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nito
tulad ng: isang mahalagang desisyon o isang mahalagang
pagbabago sa sarili

II. NILALAMAN
A. Panitikan: Anim na Sabado ng Beyblade
Kuwentong Makabanghay- Pilipinas
(Bahagi Lamang)
ni Ferdinand Pisigan Jarin

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

2. Paglinang sa Aralin

PAALALA: Bahagi ng talakayan ang Gawain 7. Tiyaking maproseso ito.


 Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 8 pagkatapos ng talakayan.

GAWAIN 7. Timeline
TIMELINE

Sabado 1
Sabado 2
Sabado 3
Sabado 4
Sabado 5
Sabado 6

Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Bakit pinamagatang beyblade ang kuwento?
2. Paano nagwakas ang kuwento?
3. Kung ikaw ang may-akda, ganito rin ba ang iyong gagawing wakas? Bakit?
4. Sumulat ng sariling wakas ng kuwento na may uring makabanghay. Ilahad mo
ito sa pamamagitan ng isang grapikong presentasyon.
5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng
teksto?

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9- Narra / 11:00-12:00 9- Molave)
_____________________

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba
pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan

Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang


banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Gramatika/Retorik Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig o kataga na
a nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

II. NILALAMAN

A. Gramatika/Retorika: Mga Pangatnig at Transitional Devices na


Gamit sa Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari (subalit, ngunit, sa wakas, dahil sa,
saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito)

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

GAWAIN 8. Pagsasanib ng Gramatika / Retorika - Kuwento Mo, Isalaysay Mo

Batay sa kuwentong iyong binasa, bumuo ng ilang mga pahayag na may


kinalaman sa kuwento ayon sa tamang pagkakasunod-sunod gamit ang sumusunod
na salita upang malaman mo kung nakatutulong ang paggamit ng transitional devices
sa pagsasalaysay. Isulat ang iyong sagot sa papel.

subalit datapwat ngunit samantala saka


kaya dahil sa sa wakas sa lahat ng ito kung gayon

Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa pag-


uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito,
napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon
sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala o sugnay. Samantala transitional devices naman
ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari at paglilista ng mga ideya, at iba pang paglalahad.
Narito ang ilang transitional devices na karaniwang ginagamit
sa Filipino:

1. subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa


unahan ng pangungusap

Mga Halimbawa:
a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.
c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.

2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang

Mga Halimbawa:
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.

3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi

Halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.

4. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos

Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal
ng kanilang ama.

5. kung gayon – panlinaw

Halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang
pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.

GAWAIN 9
 Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang tungkol sa pangatnig at transitional devices.
 Ipagawa ang sumusunod na gawain sa pisara.

Panuto: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.


1. Naghahabulan sa bakuran ang aso at pusa ni Hannah.

2. Maraming kaibigan si Dianne dahil lagi mong maaasahan ang tulong niya.

3. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom ngunit hindi pa luto ang paborito kong ulam.

4. Kakain ka pa ba ng tsampurado o busog ka na?

5. Gusto ko nang umuwi pero hindi pa dumarating ang sundo ko.

6. Maganda ang bestidang suot mo subalit hindi bagay ang sapatos na iyan sa
bestida.

7. Gigising ako nang maaga bukas para maumpisahan ko na ang labada.

8. Dinala namin si Tricia sa klinika at pinatingin namin siya sa doktor.

9. Nagluluto ng adobong baboy si Ate Rowena habang nagsasaing si Nanay.

10. Mas mainam na tumawag ka ulit mamayang alas-otso kung nais mo siyang
makausap.

11. Hindi matutuloy ang lakbay-aral natin sa Biyernes sapagka’t may parating na
malakas na bagyo sa ating lalawigan.

12. Ano ang gustong inumin ni Lolo Pedro, mainit na kape o tsaa?

13. Nais kong sumama sa inyo sa mall subalit kailangan kong tapusin ang proyekto
ko.

14. Mataas ang lagnat ni Maria kaya tinawagan ni Bb. Garcia ang kanyang mga
magulang.

15. Si Gemma ay nag-aaral nang mabuti upang siya ang maging unang miyembro sa
kanyang pamilya na makatapos ng kolehiyo.

Ipaliwanag ang tamang sagot upang maintindihan ng mga bata ang konsepto
ng pangatnig at transitional devices na ginagamit sa pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari.

KASUNDUAN
Sagutin ang mga sumusunod sa isang uong papel. Panuto: Salungguhitan ang
tamang pangatnig sa loob ng panaklong.

1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan
masira ang mga ngipin.

2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.

3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.

4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” (hanggang, habang, parang) itinataas ang


watawat ng Pilipinas.

5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.

6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.

7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?

9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling


kuwento.

10. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang, habang, samantalang) nakarating ito
sa gitna ng gubat.

11. Naglalaro ang anak niya sa labas (pero, para, habang) may kinakausap siya sa
telepono.

12. Tumigil ang pag-iyak ng bata (nang, bagama’t, subalit) bumalik ang kanyang ina.

13. Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang, ngunit, kapag) hindi pa raw siya umuuwi
galing eskuwelahan.

14. Tatawag muli si Alma (kasi, bago, para) makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.

15. Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol (dahil, kahit, para) gumagabi na.

16. Alin ang mas gusto mong gawin, manoood ng sine (habang, o, kung) kumain sa
labas?

17. (Sapagkat, Ngunit, Bagama’t) mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng
guro.

18. Matalinong bata si Jaime (subalit, upang, kaya) hindi mataas ang marka niya sa
nakaraang pagsusulit.

19. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo (kasi, hanggang, samantalang)


inaaksaya mo lang ang perang bigay nila sa iyo.

20. (Subalit, Bagama’t, Dahil) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng
trabaho upang makatulong sa pamilya.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9- Narra / 11:00-12:00 9- Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba
pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan
Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang
banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Gramatika/Retorik Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig o kataga na
a nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

II. NILALAMAN

A. Gramatika/Retorika: Mga Pangatnig at Transitional Devices na


Gamit sa Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari (subalit, ngunit, sa wakas, dahil sa,
saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito)

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak
D. Balik Aral
Sagutiin ang mga sumusunod sa pisara. Punan ng angkop na pangatnig ang
salungguhit para mabuo ang pangungusap.

1. Magaling umawit si Joey ____ mahusay tumugtog ng gitara si Dean.

2. Tawagan mo ako sa opisina ____ may dumating na sulat mula kay Ernesto.

3. Si Tita Mia ____ si Ate Lisa ang sasama sa aming klase sa lakbay-aral?

4. Wala akong tiwala kay Raul _____ madalas siyang magsinungaling sa akin.

5. Uminom na ako ng gamot kaninang umaga ________ masakit pa rin ang ulo ko
hanggang ngayon.

6. Dadalhin ko ang itim na maleta _____ ang pulang bag sa eroplano.

7. Nakaluto na ako ng pinakbet dati _____ nakalimutan ko na ang ibang sangkap.

8. Salamat sa regalo mo _____ sa Disyembre pa ang kaarawan ko.

9. Manonood ka ba ng balita sa telebisyon ____ pakikinggan mo na lang ang balita sa


radyo?

10. Magbaon ka ng payong _____ baka umulan mamayang hapon.

11. Napakalakas ng tunog ng kidlat ______ napasigaw ang magkakapatid.

12. Ipapakita ko kina Tatay ____ Nanay ang marka ko sa pagsusulit _______ makita
nila na nagsisikap ako sa pag-aaral.
13. Naghuhugas ng mga bote _____ tsupon si Martha ________ natutulog nang
mahimbing ang kanyang sanggol.

14. Inihain ng mga sundalong Pilipino ang kanilang buhay ________ ipagtanggol ang
Pilipinas sa mga bagong mananakop.

15. Si Janice ang nahirang na maging kalahok sa paligsahan _________ siya ang
pinakamagaling na manunulat sa ating klase.

GAWAIN 9. Pag-alam sa Natutuhan

PAGSASANAY 1
Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo
ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu,


(kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.

2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, (subalit,


kaya) hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.

3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang


magpatuloy sa buhay.

4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito),


hindi na niya alintana ang mga darating pa.

5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon,
kaya) mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang
pamilya.

PAGSASANAY 2
Punan ng angkop na transitional device ang mga patlang upang mabuo ang
kaisipan ng kuwento. Isulat sa papel ang iyong sagot.
Krus
(Ito’y kuwentong ginamit ng isang pari sa kaniyang
homiliya. Ang mga pangalan at ilang pangyayari ay pawang
kathang-isip lamang ni Dr. Romulo N. Peralta sa kaniyang muling
pagsasalaysay.)

Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na


mag-ensayo ng diving para sa isang tryout bilang paghahanda sa
Sea Games. ____ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa
anumang gustuhin niya. ____ kakulangan ng oras sa umaga
dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam
niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya ____ matalik na kaibigan
ng kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa
buong araw na pag-aaral ____ pursigido siyang dapat mapanalunan ang
kampeonato.
Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw
lamang ay ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan.

____, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na


tatlumpung talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang
kamay, ____ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon. ____ biglang
nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging
tumatanglaw sa kaniya. ____ na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang
makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang
springboard at umusal.

“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking


kapalaluan, patawarin N’yo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong
harapan at nagsusumamo na patawarin N’yo po sana ako.”

Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang kuryente. Siya


pa rin ay nakaluhod at nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.

Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang
tubig ang pool kung saan siya dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.

Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, “Salamat po, Panginoon.”

Mula noon ay hindi na siya bumalik sa springboard na ‘yun.

Pagsasanay 1

A. Panuto: Isulat sa patlang ang pangatnig na bubuo sa pangungusap. Hanapin


sa loob ng kahon ang pangatnig na angkop para mabuo ang pangungusap

datapwat dahil dahil sa kung gayon para


ni samantala kaya sa wakas sa lahat ng ito
subalit upang at habang pero ni
hindi gayon pa man saka o ngunit

1. Aling kamiseta ang isusuot mo, ang puti ____________ ang asul?

2. Mahusay gumuhit ____________ magpinta si Tom.

3. Maganda nga ang dalaga ____________ masungit naman siya.

4. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit ____________ nag-aaral


siya gabi-gabi.

5. Mag-iipon ako ng pera ____________ makabili ako ng mga bagong aklat para sa
pasukan.

6. Kumakanta ang babae ____________ pinapaliguan niya ang kanyang sanggol.

7. Sasama ako sa inyo manood ng sine ____________ papayagan ako ng aking mga
magulang.
8. Gusto ni Ben matutong lumangoy ____________ natatakot siya sa malalakas na
alon ng dagat.

9. Maliligo ka na ba ____________ magsisipilyo ka muna?

10. Bibisitahin natin si Lola sa Sabado ____________ ipagdiriwang natin ang kanyang
ika-siyamnapu’t na kaarawan.

11. Magtitimpla ako ng kape para kay Tatay ____________ walang mainit na tubig.

12. Maputi ang kanyang kutis ____________ singkit ang kaniyang mga mata.

13. Pupunta lang ako sa party ____________ sasama ka sa akin.

14. Tumigil ang mga sasakyan ____________ makatawid ang mga tao sa lansangan.

15. Itinaas ni Mary ang kanyang kamay ____________ alam niya ang sagot sa
tanong ng guro.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9- Narra / 11:00-12:00 9- Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba
pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan

Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang


banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Pag-unawa Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa
sa Napakinggan kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang
akda
Pag-unawa Nakabubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa
sa Binasa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga
pamantayang internal na taglay ng mambabasa /
manonood
Paglinang Nabibigyang- kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit
ng Talasalitaan sa binasang mga akda
Estratehiya Nakapagsasaliksik nang pahapyaw sa iba’t ibang uri ng
sa Pananaliksik maikling kuwento

II. NILALAMAN

A. Gramatika/Retorika: Presentasyong Gramatikal sa Sariling


Gawang Maikling Kuwento

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

Pagnilayan at Unawain

 Ipasagot sa mga mag-aaral ang mahahalagang tanong upang malaman mo


ang antas ng kanilang pag-unawa sa aralin.
 Tiyaking maiwasto ang mga konsepto na hindi naaayon sa araling tinalakay.

Ilipat

 Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang Gawain 10, kung paano nila ito paghahandaan
at ang pamantayan sa pagmamarka.
 Maaari kang mag-anyaya ng mga guro na tutulong sa iyo sa pagbibigay
ng marka.

GAWAIN 10. Masubukan nga.


Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa
mga nagdaang araw, magsalaysay ka ng isang kuwento gamit ang graphic organizer
sa masining na paraan.

Isa kang illustrator at layout artist. Kinausap ka ng isang manunulat na


gawan ng grapikong presentasyon (graphical presentation) na ilalagay sa
unang pahina ng kaniyang kuwentong isinulat. Ito ang paraan niya upang
mahikayat ang mga mambabasa na bilhin at basahin ang kaniyang
Magsasalaysay ang mga mag-aaral ng isang kuwento gamit ang graphic
organizer sa masining na paraan. Tandaang ang pagganap ay batay sa GRASPS

Role- illustrator / layout artist


Audience- Manunulat (writer) ng maikling kuwento
Situation- Kailangan ng manunulat ng isang illustrator
/graphic artist na gagawa ng graphical
presentation para sa isang pahina ng kuwento

Performance- Graphical presentation ng kuwento


Standards-  Hikayat sa unang tingin (40 puntos)
 Kumpleto ang mga elemento (30 puntos)
(tagpuan, tauhan, banghay)
 Pagkamasining (30 puntos)
Kabuuan……….100 puntos

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9-Narra / 10:00-11:00 9-Molave)
_____________________
I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa alamat sa tulong ng teknolohiya at mga
pang-abay na pamanahon

Pamantayan sa Pagganap: Nakapasasalaysay nang masining ang


mag-aaral ang isang sariling kathang alamat gamit

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Pag-unawa Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/
sa Binasa di–makatotohanan ng akda
Pagsasalita Nakapagbibigay ng ilang halimbawa ng mga kilalang
alamat sa bansa
Pagsulat Nakasusulat ng sariniling kuwento batay sa mga
ipinakitang larawan

II. NILALAMAN

Panitikan: Alamat

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak
-Ano ang alamat?
-Magbigay ng ilang mga alamat ng ating bansa na alam ninyo.

Tuklasin

1. Papiliin ang mga mag-aaral ng isa sa mga larawang nasa kanilang LM


at pagawaan ito ng kuwento ng maaaring pinagmulan ng kanilang napiling
bagay gamit ang web organizer.
2. Ihanda ang mga mag-aaral para sa pagbabahagi ng kanilang ginawa.
3. Ipasagot ang mga gabay na tanong bilang bahagi ng talakayan.

Pumili ng isa sa mga larawan na nasa ibaba at ilahad ang maaaring


pinagmulan nito gamit ang web organizer upang maunawaan mo kung paano naiiba
ang alamat sa maikling kuwento at sa iba pang uri ng panitikan. Ibahagi ito sa klase.
pamaypay samurai

bulakla
k
kuwinta
s
templo

2.
Paglinang sa Aralin

GAWAIN 1. Web Organizer

Kilos, gawi,
karakter ng mga
tauhan

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Paano mo sinimulan ang pagsasalaysay ng alamat?


2. Ano ang nakatulong sa iyo upang mabuo mo ang iyong alamat?
3. May pagkakaiba ba ito sa iba pang uri ng panitikan na iyong naisulat na o
nabasa? Ipaliwanag.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa alamat sa tulong ng teknolohiya at mga
pang-abay na pamanahon
Pamantayan sa Pagganap: Nakapasasalaysay nang masining ang
mag-aaral ang isang sariling kathang alamat gamit

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa Nabibigyang kahulugan ang kilos, gawi, karakter ng mga
sa Napakinggan tauhan batay sa usapang napakinggan
Pag-unawa Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/
sa Binasa di–makatotohanan ng akda
Paglinang Naipaliliwanag ang pagbabagong nagaganap sa salita
ng Talasalitaan at kahulugan nito dahil sa paglalapi
Panonood Nabubuo ang balangkas ng isa sa pinanood na mga
alamat
Pagsasalita Naitatanghal sa pamamagitan ng pagbabalita binuong
sariling wakas
Pagsulat Naisusulat ang sariling wakas batay sa huling pangyayari
o sa naging wakas ng alamat
Gramatika/Retorik Nagagamit nang wasto ang pang-abay na pamanahon
a sa alamat

II. NILALAMAN

Panitikan: Ang Alamat ni Prinsesa Manorah


Alamat –Thailand
Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta

Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

2. Paglinang sa Aralin

Linangin

Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Alamat ni Prinsesa Manorah”.

1. Talakayin ang bahaging Alam mo ba na upang maintindihan ng mga mag-


aaral ang uri ng genre na tatalakayin.
2. Ipagawa ang bahaging Gawain 2 at ipagamit ang mga salita sa kanilang
sariling pangungusap.

3. Ipagawa ang Gawain 3 bilang bahagi ng talakayan. Tiyakin na ito’y maayos na


maproseso/maipaliwanag.

GAWAIN 2. Paglinang ng Talasalitaan


Pag-aralan ang mga salitang hiram na ginamit sa alamat at gamitin ito sa
sariling pangungusap.

1. Ayutthaya - kahariang Siamese na natanyag sa kalagitnaan ng mga taong


1351- 1767 at naging sentro ng pangangalakal ng mga Chinese, Vietnamese,
Indians, Japanese at Persians at kalauna’y Portuguese, Spanish, Dutch at
French.

2. kinnaree – babaing kalahating sisne, kalahating tao ng Timog-Silangang Asya.

3. sisne – gansa o swan sa Ingles; ganso ang tawag sa lalaking gansa; kapamilya
ng bibe.

4. panarasi – kabilugan o kalakihan ng buwan

GAWAIN 3. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?


2. Ilarawan ang tagpuan ng alamat.
3. Paano sinimulan ang paglalahad ng alamat?
4. Paano ito nagwakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito wawakasan?
5. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan?
6. Masasalamin ba ang kultura ng Thailand sa alamat na iyong binasa?
Ipaliwanag.
7. Paano ipinakita ng akda ang kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan
sa alamat?
8. Paano naiiba o nagkakatulad ang alamat at maikling kuwento
ayon sa kilos, gawi at karakter?
9. Kapani-paniwala ba ang mga tagpo sa alamat? Sa maikling kuwento?
10. Paano isinasalaysay ng manunulat ang isang alamat?
11. Paano naiiba ang alamat sa iba pang uri ng panitikan?

Upang matiyak kung alam mo na kung paano naiiba ang alamat sa iba pang uri ng
panitikan, basahin mo ang isa pang halimbawa ng alamat mula sa Laos ng Timog-
Silangang Asya.
Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa alamat sa tulong ng teknolohiya at mga
pang-abay na pamanahon
Pamantayan sa Pagganap: Nakapasasalaysay nang masining ang
mag-aaral ang isang sariling kathang alamat gamit

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Pag-unawa Nabibigyang kahulugan ang kilos, gawi, karakter ng mga
sa Napakinggan tauhan batay sa usapang napakinggan
Pag-unawa Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/
sa Binasa di–makatotohanan ng akda
Pagsasalita Naitatanghal ang dalawang alamat sa pamamagitan ng
Reader’s Theater

II. NILALAMAN

Panitikan: Ang Buwang Hugis Suklay


Alamat –Thailand
Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta

Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

2. Paglinang sa Aralin

GAWAIN 4. Wakas Mo, Ibalita Mo

Upang higit mong maunawaan ang alamat, bumuo ng gusto mong maging
wakas at isalaysay mo ito sa pamamagitan ng pagbabalita gamit ang kasunod na
graphic organizer. Kopyahin sa sagutang papel ang kasunod na graphic organizer.
GAWAIN 5. Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Paano nagsimula ang kuwento?


2. Bakit tinawag na hugis-suklay ang buwan?
3. Anong dahilan ang pagkakagulo ng mag-anak?
4. Paano nagwakas ang kuwento?
5. Anong uri ng teksto ang binasang alamat? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng
teksto?

IV. KASUNDUAN

Papangkatin sa dalawa ang mga mag-aaral at magtatanghal sila ng Reader’s


Theater. Ang isang pangkat ay “Ang Alamat ni Prinsesa Manorah samantalang ang
isa naman ay “Ang Buwang Hugis Suklay”. Ang kanilang pagsasanay ay gagawin
tuwing bakanteng oras nila o sa ICL. Itatanghal nila ito sa mga susunod na araw.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa alamat sa tulong ng teknolohiya at mga
pang-abay na pamanahon

Pamantayan sa Pagganap: Nakapasasalaysay nang masining ang


mag-aaral ang isang sariling kathang alamat gamit

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Gramatika/Retorik Nagagamit nang wasto ang pang-abay na pamanahon
a sa alamat

II. NILALAMAN

Gramatika / Retorika: Pang-abay na Pamanahon


 Pang-abay na may pananda (nang, sa, noon, kung, kapag,
tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang)
 Pang-abay na walang pananda (kahapon, kangina,
ngayon, mamaya, bukas, sandali)
 Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing,
taon-taon, buwan-buwan)

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad

GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika / Retorika-Kuwento Mo, Isalaysay Mo


Batay sa alamat na iyong binasa, bumuo ng mga pangungusap gamit ang
sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatutulong ba ang mga salitang ito
sa pagsasalaysay ng alamat.

noon noong araw araw-araw


sa araw ngayon

  Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan


ginanap, ginaganap, o gaganapin ang pangyayari o kilos. Maaaring may
pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas ang mga ito.

Mga Pang-abay na Pamanahon

1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)

Mga Halimbawa:
a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa
daan.
b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.
c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos
makapagtampisaw sa lawa.
d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan.
e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang
mga kinnaree.
f. Mula noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at
Prinsesa Manorah.
g. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang nilakbay
ang daan patungo sa kabayanan.

2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)

Mga Halimbawa:
a. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng tulong.
b. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
c. Ngayon darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw.
d. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kaniyang
asawa.
e. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton.

3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)

Mga Halimbawa:
a. Ang mga kinnaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa loob ng
kagubatan upang magtampisaw.
b. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang
nagtatayugang mga puno.
c. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa kaharian ng
Bundok Grairat.
d. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili ng
mga kagamitan.
Natukoy mo na rin ang gamit at kahalagahan ng mga pang-abay na pamanahon sa
pagsasalaysay ng alamat. Ngayon ay kailangan nating matiyak ang lawak ng inyong
natutuhan.

Gawain 3: Pagtukoy sa Pang-abay na Pamanahon

Salungguhitan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap. Bilugan ang


pandiwa na inilalarawan ng pang-abay na ito. Suriin ang mga pangungusap at
kilalanin din kung ito ay pang-abay na pamanahon na may pananda, walang pananda
o nagsasaad ng dalas. Isulat lamang ang sumusunod na code sa patlang na inilaan
bago ang bilang.

MP – may pananda WP – walang pananda ND – nagsasaad ng dalas

______1. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.

______2. Manonood kami ng sine sa darating na Linggo.

______3. Si Jose ay darating mula sa Cavite samakalawa.

______4. Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.

______5. Aalis mayamaya ang bus na papuntang Bikol.

______6. Nagkita kami ni Marie noong kaarawan ni Justine sa Jollibee.

______7. Namalengke kami ni Ate Daria kanina.

______8. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang Spider-Man.

______9. Magsisimula bukas ang aming pagsusulit sa paaralan.

______10. Hindi ka kasi nakikinig sa mga magulang mo kaya parati kang


sinasabihan.

______11. Hiniram ni Mang Berting ang diyaryo natin kahapon.

______12. Tuwing madaling-araw tumitilaok ang mga tandang ni Lolo.

______13. Sa Lunes gaganapin ang pulong ng mga guro.

______14. Nagtitipun-tipon ang buong mag-anak sa bahay nina Lolo at Lola tuwing
Noche Buena.

______15. Tuwing bisperas ng Bagong Taon, marami ang napipinsala ng mga


paputok.

Pagsasanay 2: Pang-abay na Pamanahon

Salungguhitan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap at ikahon ang


oras kung kalian naganap ang pandiwa (kung ito ay mauri sa pang-abay na
pamanahon na may pananda). Bilugan din ang pandiwa na inilalarawan ng pang-abay
na ito. Suriin ang mga pangungusap at kilalanin din kung ito ay pang-abay na
pamanahon na may pananda, walang pananda o nagsasaad ng dalas. Isulat lamang
ang sumusunod na code sa patlang na inilaan bago ang bilang.

MP – may pananda
WP – walang pananda
ND – nagsasaad ng dalas

1. Oras-oras niya akong tinatawagan sa opisina.

2. Nakikita ko paminsan-minsan ang mga dati kong kaklase.

3. Ang mga bumbero ay darating sa lugar ng sunog sa lalong madaling panahon.

4. Tuwing Sabado, nagluluto ng espesyal na meryenda si Nanay.

5. Laging naka-abang sa gate ang alagang aso ni Terry.

6. Ang presyo ng langis ay tumataas linggu-linggo.

7. Kani-kanina lang ay hinahanap ka ni Ginoong Ramos.

8. Madalas magsinungaling ang batang iyan.

9. Ipinanganak si Sarah noong ika-15 ng Setyembre.

10. Ang mga senador ay nagpupulong sa Malacañang sa kasalukuyan.

11. Si Henry ay nagtapos sa kolehiyo kamakailan lamang.

12. Kailanma’y hindi tayo pababayaan ng ating mga magulang.

13. Magtatrabaho ba si Tatay sa opisina ngayon?

14. Nagbiyahe papuntang Australya ang kaibigan ko noong nakaraang taon.

15. Noong unang panahon, may alpabetong nilikha ang ating mga ninuno.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa alamat sa tulong ng teknolohiya at mga
pang-abay na pamanahon

Pamantayan sa Pagganap: Nakapasasalaysay nang masining ang


mag-aaral ang isang sariling kathang alamat gamit

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa Nabibigyang kahulugan ang kilos, gawi, karakter ng mga
sa Napakinggan tauhan batay sa usapang napakinggan
Pag-unawa Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/
sa Binasa di–makatotohanan ng akda
Paglinang Naipaliliwanag ang pagbabagong nagaganap sa salita
ng Talasalitaan at kahulugan nito dahil sa paglalapi
Panonood Nabubuo ang balangkas ng isa sa pinanood na mga
alamat
Pagsasalita Naitatanghal sa pamamagitan ng pagbabalita binuong
sariling wakas
Pagsulat Naisusulat ang sariling wakas batay sa huling pangyayari
o sa naging wakas ng alamat
Gramatika/Retorik Nagagamit nang wasto ang pang-abay na pamanahon
a sa alamat

II. NILALAMAN

Panitikan: Ilang Mga Alamat

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak

2. Paglinang sa Aralin

Pagnilayan at Unawain

1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga mga gabay na tanong.


2. Gamit ang sagot ng mga mag-aaral, alamin kung ang mga konseptong
naintindihan nila ay naaayon sa dapat malinang sa araling ito.
3. Tiyakin na maproseso ang lahat na konseptong ibibigay ng mag-aaral
upang maituwid ang mga maling konsepto ng mga mag-aaral.

Ilipat

GAWAIN:

Magsasalaysay ang mga mag-aaral ng sariling likha na alamat sa isang


masining na paraan. Tandaang ang pagganap ay batay sa GRASPS.

Goal- Magsasalaysay ang mag-aaral ng sariling


likha na alamat sa isang masining na
paraan.
Role- Tagapagkuwento
Audience- Mga panauhin sa isang kaarawan
Situation- Magdiriwang ng kaarawan ang iyong
pamangking at nahilingan kang
magkuwento para sa mga panauhin.
Performance- Pagsasalaysay ng isang alamat
Standards-  Malikhaing pagsasalaysay (50 puntos)
 Paraan ng pagsasalaysay (30 puntos)
(tono at lakas ng tinig, wastong bigkas ng
mga salita)
 Hikayat sa manonood (20 puntos)
Kabuuan……….100 puntos

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 Narra / 11:00-12:00 Molave)
________________________

I. LAYUNIN

a. Nabibigyang puna ang mga ipapakitang larawan base sa itsura nito (e.g. kulay,
kilos, uri atbp.)
b. Nabibigyang kahulugan ang Pangngalan, Pandiwa at Pang-abay.
c. Nakikilala ang pagkakaiba ng Pang-abay na Pamanahon na May Pananda,
Walang Pananda at Nagsasaad ng Dalas.
d. Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga Pang-abay na Pamanahon na May
Pananda, Walang Pananda at Nagsasaad ng Dalas.
e. Nakasusuri ng pangungusap na may Pang-abay na Pamanahon na May
Pananda, Walang Pananda at Nagsasaad ng Dalas

II. NILALAMAN

a. Paksa
 Pang-abay na Pamanahon na May Pananda, Walang Pananda at
Nagsasaad ng Dalas
 Pang-abay na may pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing,
buhat, mula, umpisa, hanggang)
 Pang-abay na walang pananda (kahapon, kangina, ngayon, mamaya,
bukas, sandali)
 Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon,
buwan-buwan)
 Pangngalan (Pantangi at Pambalana)
 Pandiwa

b. Sanggunian
 Grade 9 Learning Module sa Filipino
 www.googlimages.com

c. Kagamitan
 Print out ng Modyul 1 sa Filipino 8
 Laptop
 Powepoint ng iba’t ibang larawan

III. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Tatanungin ng guro ang progreso ng pinal na proyekto ng mga mag-
aaral pati na ang hindi pa nakakasumite sa sanayang kuwaderno.

D. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan gamit ang powerpoint
presentation na nagsasaad ng kilos at susuriin ito ng mga mag-aaral depende
sa kung ano ang napansin/napuna nila sa larawan.

Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa pandiwa, pang-abay at
pangngalan kung saan bibigyang kahulugan ito ng mga mag-aaral base sa
kanilang sariling pagpapakahulugan. Magbibigay sila ng mga halimbawa sa
bawat Anyo ng Salita. Hihimay-himayin di ang nasuring larawan na ipinakita ng
guro sa pagganyak.

B. Paglalapat
Magkakaroon ng malayang talakayan base sa totoong kahulugan ng
pandiwa, pangngalan at pang-abay na pamanahon at panlunan. Iisa-isahin ang
mga Anyo ng Salita at bibigyan ng halimbawa ang bawat salita

Pang-abay na Pamanahon na May Pananda

1. Kailangan bang pumasok nang araw-araw?

pandiwa pang-abay pananda

2. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang trabaho

pang-abay pananda pandiwa

Pang-abay na Pamanahon na Walang Pananda

1. Nakita ko kahapon si Ron sa mall.

pandiwa pang-abay

2. Magkikita kami sa palengke mamaya.

Pandiwa pang-abay
Pang-abay na Pamanahon na Nagsasaad ng Dalas

1. Araw-araw pumapasok sa paaralan si Jose.

pangngalang pambalana pandiwa

2. Ang pampaaralang eksaminasyon ay ginaganap buwan-buwan.


pandiwa
pangngalang pambalana

C. Paglalahat
Magbibigay ng halimbawa ang guro at susuriin ang bawat pangungusap
para makilala/matukoy kung saan bahagi ng pangungusap ang pandiwa,
pangngalan at pang-abay. Bibilugan ang salitang kilos o pandiwa,
sasalungguhitan _____ ang pananda at ikakahon ang pang-abay na
pamanahon. Kikilalanin din kung ito ba ay pang-abay na pamanahon na may
pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas. Isusulat lamang ang code sa
patlang na inilaan.
MP – May Pananda
WP – Walang Pananda
ND – Nagsasaad ng Dalas

Mga Pang-abay na Pamanahon

a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim


sa daan.

b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.

c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos


makapagtampisaw sa lawa.

d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa


kagubatan.

e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa


ang mga kinnaree.

f. Mula noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at


Prinsesa Manorah.

g. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang


nilakbay ang daan patungo sa kabayanan.

h. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng


tulong.
i. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.

j. Ngayon darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw.

k. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng


kaniyang asawa.

l. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton.

m. Ang mga kinnaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa loob ng


kagubatan upang magtampisaw.

n. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw


ang nagtatayugang mga puno.

o. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa


kaharian ng Bundok Grairat.

p. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili


ng mga kagamitan.

D. Pagtataya

Matapos ang gawaing pampisara, magkakaroon ng pagsusulit ang mga


mag-aaral at ito’y sasagutan nila sa kanilang sanayang kuwaderno.

Panuto: Bilugan ang salitang kilos o pandiwa, salungguhitan _____ ang pananda at
ikahon ang pang-abay na pamanahon. Kikilalanin din kung ito ba ay pang-abay na
pamanahon na may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas. Isusulat
lamang ang code sa patlang na inilaan.

MP – May Pananda WP – Walang Pananda ND – Nagsasaad ng Dalas

_____1. Ang kendi ay kinain niya kahapon.

_____2. Nagsimulang mag-amok si Don dulot ng kalasingan mula pa kaninang


umaga.

_____3. Binaklas kahapon ang mga billboard.

_____4. Tatakbo bilang presidente si Binay sa darating na 2016 Election.

_____5. Liliban ako bukas.

_____6. Ipinagdiriwang taon-taon ang Araw ng Brgy. Del Monte.

_____7. Sa ilang sandali ay magsisimula na ang ating palabas.

_____8. Tuwing Bagong Taon ay nagsasalo-salo kaming pamilya.

_____9. Nagpupunta sa bayan si Inang tuwing umaga para mamalengke.


_____10. Mula kahapon hanggang ngayon ay wala pa ring tigil ang paghampas ng
malalaking alon sa dalampasigan.

_____11. Nangingisda araw-araw si Mang Islaw.

_____12. Nakita ko kanina ang aking guro.

_____13. Nalaman ko kahapon na may mahaba kaming pagsusulit.

_____14. Ipinagdiriwang taun-taon ang kapistahan ni San Agustin.

_____15. Pupuntahan ko mamaya ang sinasabi niyang bagong bukas na tindahan.

_____16. Masayang umuuwi tuwing hapon ang aking ama lalo na’t nakikita niya kami.

_____17. Dumarating siya ng gabi palagi.

_____18. Minu-minuto kung surrin ng mga doktor si Tita Ana dulot ng kaniyang
lumalalang kondisyon.

_____19. Umuuwi ang aming kamag-anak mula sa ibang bansa tuwing Pasko.

_____20. Tuwing hapon ay nagsisibak ng kahoy at nag-iigib ng tubig si Willie.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa tulang


naglalarawan (uri ng tula ayon sa layon) sa tulong ng ilustrasyon/drawing at iba
pang mga salitang naglalarawan upang makapaglarawan sa isang pangyayari,
tao o lugar.

b. Naiuulat ng mga mag-aaral ang kanilang ilustrasyon.

c. Nakapapanood ng video tungkol sa halimbawa ng pagbigkas ng tula.

II. NILALAMAN

a. Paksa

Panitikan: Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng


Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan
Tulang naglalarawan - Pilipinas
Ni Pat V. Villafuerte

Gramatika/Retorika: Mga Salitang Naglalarawan ng mga


Pangyayari, Tao, at Lugar

Uri ng Teksto: Naglalarawan

b. Saggunian
 Batayang Aklat Filipino 9
 www.youtube.com

c. Kagamitan
 Laptop
 Speaker
 Aklat
 Video ng halimbawa ng tula

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak
Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad

GAWAIN 1. Ang Malalabay na Sanga


Kung ang ugat ay tulang naglalarawan, ano kaya ang magiging mga
sanga? Tukuyin batay sa babasahing bahagi ng tula na pinamagatang Elihiya
para kay Ram na isinulat ni Pat V. Villafuerte, ang mga katangian ng mga
salita ayon sa pagkakagamit at pagkakabuo ng bawat taludtod. Itala ang mga
katangiang iyong mapupuna kaugnay ng tula sa mga sanga ng mga puno
upang unti-unting yumabong ang kaalaman natin kaugnay nito.

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay


Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo

Habang nakamasid lamang


Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.

Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo


Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano

Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw’y tao


At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.

B. Pagsusuri

Note to the Artist

Dito sa bahaging ito magdrowing ng ISANG PUNO NA SA BAHAGING UGAT AY


NAKASULAT ANG SALITANG “TULANG NAGLALARAWAN”. Gawing mataba ng
kaunti ang mga sanga.
C. Paglalahat

GAWAIN 2. Balde ng Kaalaman

Magbigay ng mga ideyang maiuugnay sa tulang naglalarawan. Isulat sa


loob ng balde ("bucket") ang iyong mga maiisip na salita hanggang sa ang mga
ito ay umapaw sa mga kaalaman na ibabahagi sa klase sa oras ng talakayan.

Note to the artist: Drowing ng isang balde na may mga nahuhulog na


salitang “salita” sa loob nito.

D. Paglalapat

GAWAIN 3. Tula ko iparinig mo at huhusgahan ko


Makinig at manood sa ilang halimbawa ng pagbigkas ng tula sa youtube
at suriin kung paano bigkasin ang mga tula. Itala ang mga nasuring salita sa
iyong papel.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa tulang


naglalarawan (uri ng tula ayon sa layon) sa tulong ng ilustrasyon/drawing at iba
pang mga salitang naglalarawan upang makapaglarawan sa isang pangyayari,
tao o lugar.

b. Naiuulat ng mga mag-aaral ang kanilang ilustrasyon.

II. NILALAMAN

A. Panitikan: Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng


Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan
Tulang naglalarawan - Pilipinas
Ni Pat V. Villafuerte

Ang Pagbabalik
Tulang nagsasalaysay
Ni Jose Corazon de Jesus

B. Gramatika/Retorika: Mga Salitang Naglalarawan at Nagsasalaysay ng mga


Pangyayari, Tao, at Lugar

C. Uri ng Teksto: Naglalarawan at Nagsasalaysay

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Kukumustahin ng guro ang proyekto ng mga mag-aaral
D. Pagganyak

A. PAGLALAHAD

Linangin

Pagpapabasa ng tulang mapaglarawan na pinamagatang “Kultura:Pamana ng


Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan” ni Pat V. Villafuerte.
Paalala sa Guro: Ang akda ay maaaring mapalitan o ito ay negotiable.
Mahalaga lamang na ang pipiliing akda ay isa pa ring halimbawa ng tulang
naglalarawan.

B. PAGSUSURI

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan

Magbigay ng katumbas na pahayag ng mga sinalungguhitang salita mula sa


taludturan ng tulang binasa.

1. Sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang


maraming kultura.
2. Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton.
3. Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin
ng kinabukasan.
4. Binhing nakatanim ang maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa.
5. Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam.

C. PAGLALAPAT

GAWAIN 4. Noon, Ngayon at Bukas

Gamit ang kasunod na grapikong pantulong, ilarawan ang kultura batay sa


tatlong panahong binanggit sa tula.

Kultura

Noon Ngayon Bukas

Sagutin ang mga tanong

1. Ano ang mga panahong binanggit sa tula?


2. Isa-isahin ang mga salitang naglalarawan sa kultura batay sa bawat panahon.
3. Sa iyong palagay, naging mabisa ba ang ginawang paglalarawan? Bakit?
4. Isa-isahin ang mga kulturang Pilipino na nabanggit ng may-akda sa tula. Iugnay
ito sa iba pang mga kultura sa Timog-Silangang Asya.
5. Ano ang nais iparating ng mga pahayag mula sa taludturan ayon sa:
a. panahon ng kawalang malay;
b. tangis ng pamamaalam;
c. sinubok ng maraming taon;
d. kultura ay regalo ng kasalukuyan; at
e. sinasalamin ang Pasko’t Pistang Bayan?
6. Suriin mo ang uri ng tula ayon sa layon. Paano ito nabuo?

D. PAGLALAHAT

GAWAIN 5. Ihambing mo.


Basahin mo ang isa pang halimbawang tula. Suriin ang pagkakabuo nito at
ihambing sa tulang naglalarawan.

Pagpapasagot sa mga tanong tungkol sa nilalaman ng tula. Ipahahambing ang


tulang nagsasalaysay sa tulang naglalarawan. Iisa-isahin ang katangian ng bawat
isa.

Sagutin ang mga tanong

1. Ano ang isinasalaysay ng may-akda sa tulang binasa?


2. Paano isinalaysay ng may-akda ang kaniyang pagbabalik?
3. Ano ang paksa ng tula?
4. Ihambing ang tulang nagsasalaysay sa tulang naglalarawan. Isa-isahin ang mga
katangian ng bawat isa.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sanaysay


na binasa.

b. Natutukoy ang mga salitang naglalarawan sa mga katangian ng persona sa


binasang sanaysay sa pamamagitan ng pagbuo ng character map.

c. Nakapaglalahad ng ilang mga katangiang matatagpuan sa piniling


tao/personalidad na makikita kay Sitti Nurhaliza sa pamamagitan ng pagsulat
ng isang sanaysay.

d. Nakikilala ang mga salitang naglalarawan ayon sa wastong gamit nito.

II. NILALAMAN

A. Panitikan: Sitti Nurhaliza:


Ginintuang Tinig ng Asya
Sanaysay - Malaysia
Ni Jan Henry M. Choa Jr.

B. Gramatika/Retorika: Mga Salitang Naglalarawan ng mga Pangyayari, Tao, at


Lugar

C. Uri ng Teksto: Naglalarawan

A. PAGLALAHAD

Papangkatin ng guro ang klase sa limang pangkat at ipababasa ang isang


sanaysay na pinamagatang Sitti Nurhaliza ni Jan Henry M. Choa Jr. at pabibigyang
pansin ng guro ang mga katangian ni Sitti Nurhaliza.

B. PAGSUSURI

GAWAIN 6. Character Mapping

Matapos mong mabasa ang sanaysay, isa-isahin ang mga katangian ni Sitti
Nhuraliza sa tulong ng character mapping. Gagawin ito ng pangkatan. Ilalagay ng
bawatpangkat sa manila paper.
NOTE TO THE ARTIST: DROWING NG
ISANG BATANG BABAE NA MAY LABEL
SA SUMUSUNOD NA BAHAGI

MATA- Paglalarawan sa babaing moderno

ILONG - Paglalarawan sa nakagisnang

pamumuhay

KAMAY- Paglalarawan sa hakbang na

ginawa ni Sitti upang lumaya

PAA- Paglalarawan sa bagong mundo na

tinahak ni Sitti

C. PAGLALAPAT

GAWAIN 7. Talaan ng mga Katangian

Itala ang mga katangian ng taong nakaimpluwensiya sa iyo nang lubos. Ilista
sa iyong papel.

D. PAGLALAHAT

GAWAIN 9. Pagsasanib ng Gramatika / Retorika

Batay sa sanaysay na iyong binasa, bumuo ng isang komentaryong


maglalaman ng mga pahayag na may kinalaman sa paglalarawan sa mga pangyayari
sa buhay ni Sitti Nhuraliza. Gumamit ng mga angkop na salitang naglalarawan. Isulat
ang sagot sa papel.

Ang wastong gamit ng mga salitang naglalarawan ay nakapagpapatingkad


sa mga pahayag na bumubuo sa pagbibigay ng komentaryo, blog, o sa mga
taludturan.

May mga salitang naglalarawan na maaaring gamitin sa tao na hindi naman


maaari sa bagay. May mga pangyayari rin naman na kapag ginamit na ang salita sa
pagbuo ng taludtod ay nababago ang kahulugan o hindi gaanong napalilitaw ang nais
ipakahulugan at hindi nagiging matimyas ang salita.

Mga Halimbawa:

1. Nakatatakot ang magpatayo ng mga matatayog na gusali sa lugar na may


malambot na lupa tulad ng sa Baguio.

2. Hindi mapasusubalian na matataas na tao ang nakasasalamuha ni Sitti


Nhuraliza simula nang siya ay hiranging Voice of Asia 2012.
E. PAGTATAYA

GAWAIN 4

Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang naglalarawan upang mabuo


ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Napakasakit sa balat ang (maliwanag, matingkad) na sikat ng araw.


2. Nakasisilaw ang (maliwanag, matingkad) na ilaw na ikinabit ko sa entablado.
3. Hindi naging (makupad, mabagal) ang pagkilos ni Sitti Nhuraliza sa pagbibigay
ng tulong sa mga mamamayan bilang balik-biyaya sa kaniyang mga
natanggap.
4. Hindi masamang magkaroon ng (matayog,matangkad ) na pangarap katulad ng
ginawa ni Sitti Nurhaliza.
5. Ang kultura natin ay hindi naman (huminto, tumigil) sa pag-inog.

PAGSASANAY 4

Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang naglalarawan upang mabuo


ang pahayag. Salungguhitan ang napiling salitag naglalarawan.

1. Masyadong ( malawak, malaki ) ang karagatan, maraming isda ang pwede


mong pagpilian.
2. Si Jose ay ( mabagal, mahina ) sa asignaturang Math.
3. Sadyang ( mahaba, mataas ) ang pasensiya ni Roy dahil nakakaya niyang
magtimpi sa kanyang palaaway na asawa.
4. Simula na ng tagsibol, banaag na ang ( malalagong, maraming ) dahon ng mga
puno at bulaklak.
5. ( Maliit, Makipot ) ang daan papasok sa aming bahay.
6. Sa kaniyang batang edad, kitang-kita na talagang ( matangkad, matayog ) si
Alvin.
7. Mabilis ( bumulusok, kumaripas ) ng takbo ang natatakot na kabayo.
8. Ang aming munting bahay ay napapalibutan ng ( malalago, malalabay ) na
halaman.
9. ( Matayog, Mataas ) ang lipad ng saranggola.
10. Ang kinita ko ngayong araw ay P100.00 lamang dahil ( matumal, mahina ) ang
benta.

KASUNDUAN

C. Pagnilayan at Unawain
1. Paano naiiba ang tulang naglalarawan sa iba pang uri ng tula?
2. Paano nakatutulong ang mga salitang naglalarawan sa pagbibigay ng
komentaryo hinggil sa isang isyu
Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sanaysay


na binasa.

b. Natutukoy ang mga salitang naglalarawan sa mga katangian ng persona sa


binasang sanaysay sa pamamagitan ng pagbuo ng character map.

c. Nakapaglalahad ng ilang mga katangiang matatagpuan sa piniling


tao/personalidad na makikita kay Sitti Nurhaliza sa pamamagitan ng pagsulat
ng isang sanaysay.

d. Nakikilala ang mga salitang naglalarawan ayon sa wastong gamit nito.

II. NILALAMAN

A. Panitikan: Sitti Nurhaliza:


Ginintuang Tinig ng Asya
Sanaysay - Malaysia
Ni Jan Henry M. Choa Jr.

B. Gramatika/Retorika: Mga Salitang Naglalarawan ng mga Pangyayari, Tao, at


Lugar

C. Uri ng Teksto: Naglalarawan

D. Ilipat

Ngayong sapat na ang kaalaman mo sa pagpapatingkad ng mga pahayag na


gamit ang mga salitang naglalarawan.

Ikaw ay bumuo ng isang komentaryo. Ipakita mo ang pagka-Pilipino. Isulat


ang komentaryo sa paraang patula na mapaglarawan. Bigyang pansin mo ang
angkop na gamit ng mga naglalarawang salita upang mapalutang ang uri ng tulang
ito sa isang taong nakaimpluwensiya ng lubos sa iyong pagkatao.

Nagbukas ka ng iyong facebook at nakita mong binabati siya ng mga kaibigan


sa nasabing site upang maiparamdam mo ang kahalagahan niya sa buhay mo ay
gagawan mo siya ng isang tulang mapaglarawan bilang isang handog Irerekord ang
pagtula at i-upload mo kasama ng iyong komentaryo ang video ng iyong pagtula.
Pagnilayan at Unawain

Ang bahaging ito ay magsisilbing paglalahat o generalization na ng mga mag-


aaral sa aralin. Dito na ipabubuod ng guro ang kanilang natutuhan sa panitikan at
gramatika/retorika. Maaaring gamitin ang pagbuo ng sintesis na pagdurugtong sa
pahayag na nasa LM. Maaari din namang magpagawa ng iba pang gawain ang guro
ngunit tiyaking ito ay lalabas na pagbibigay sintesis sa araling tinalakay.

Ilipat

Goal - Maibahagi sa alinmang social network ang personal na pagbati


Role- blogger/ komentarista
Audience- Mga kaibigan sa ibang bansa at mga nasa friends’ list sa naturang social
media na gagamitin sa pagpo-post ng komentaryo ng mag-aaral
Situation- Nang magbukas ang mag-aaral ng kaniyang account sa isang social media
ay nakita niyang ang taong kaniyang pinahahalagahan ay binabati na ng
mga kaibigan nito sa kaniyang kaarawan.
Performance- Babatiin din ng mag-aaral ang taong iyon sa pamamagitan ng
paghahandog ng isang tulang mapaglarawan, gamit ang mga salitang
naglalarawan sa taludutrang mabubuo. Pagkatapos ay bibigkasin ng mag-
aaral ang ginawang tula at irerekord ito upang mapanood ng kaniyang
mahal sa buhay na nasa malayo.
Standard: Sa bahaging ito ng aralin ay ipakikita na ng guro ang pamantayang
kanilang nabuo sa pagmamarka ng ginawang komentaryo o blog.

Maaaring gamitin ang kasunod na mga pamantayan, at malayang


makapagbibigay ng katumbas na bahagdan o puntos ang guro.

1. Maraming sumubaybay (bilang patunay na maganda ang ginawang pagsulat at


pagbigkas ng tula)
2. Makatotohanan ang ginawang tula
3. Taglay ang elemento ng tula
4. May kaangkupan ng mga salita

KASUNDUAN

GAWAIN 8. Blog ko.


Kung ikaw ay gagawa ng isang blog tungkol sa ating pagka-Pilipino paano ka
magbibigay komentaryo sa ating kultura, paniniwala, at pagpapahalaga sa pagiging
mamayan ng bansang Asya?

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Molave / 11:00-12:00 9-Narra)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Nakapagtatala ng mga katotohanan sa pamumuhay noong sinaunang panahon


at pamumuhay ngayon sa kasalukuyan at napaghahambing ang mga ito upang
malaman ang kanilang pagkakapareo at pagkakaiba.

b. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sanaysay


na binasa.

c. Nailalahad ang kaugaliang Javanese sa pamamagitan ng concept webbing.

d. Nakikilala ang kaibahan ng sanaysa na pormal at d-pormal.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa Nailalahad nang may panunuri ang sariling ideya
sa Napakinggan at ang napakinggang ideya kapag ang sarili ay nakita sa
katauhan ng nagsasalita
Pag-unawa Nasusuri ang proseso ng padron ng pag-iisip (thinking
sa Binasa pattern) sa mga ideya at opinyong inilahad sa binasang
sanaysay
Paglinang Naipaliliwanag ang salitang may mahigit sa isang kahulugan
ng Talasalitaan

II. NILALAMAN

A. Panitikan: Kay Estella Zeehandelaar


Sanaysay - Indonesia
Salin ni Elynia Ruth S. Mabanglo

B. Gramatika/Retorika: Gamit ng mga Salitang Pang-ugnay sa


Pagpapahayag ng Opinyon

C. Uri ng Teksto: Naglalahad

Yugto ng Pagkatuto
A. PAGLALAHAD

Tuklasin

Narito ang ilang gawaing susukat kung ano ang alam mo na tungkol sa kultura ng
Indonesia na panggagalingan ng sanaysay na pag-aaralan natin. Papangkatin ang
mga mag-aaral sa 5 pangkat at ipagagawa ang mga sumusunod na Gawain.
GAWAIN 1. Ilista mo
Itala mo nga ang alam mo nang mga paraan ng pamumuhay noon
at ngayon ng Indonesia.

B. PAGSUSURI

GAWAIN 2. Paghambingin mo
Mula sa naitala mong uri ng pamumuhay, paghambingin mo ang dalawang uri
ng pamumuhay ayon sa kanilang pagkakaiba at pagkakatulad gamit ang Venn
Diagram. Gayahin ang pormat sa papel.

Sinaunang Pamumuhay Modernong Pamumuhay

Pagkakaiba Pagkakaiba

C. PAGLALAPAT

GAWAIN 4. Indonesia vs. Pilipinas


Paghambingin mo ang pamamahala sa Indonesia at sa Pilipinas. Gayahin ang
pormat sa papel.

Indonesia Pilipinas

Paraan ng
Pamamahala

D. PAGLALAHAT

GAWAIN 5. Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang kahulugan ng mga nasalungguhitang salita
sa pangungusap mula sa akda.

1. Ibig na ibig kong makakilala ng isang babaing moderno, iyong babaing Malaya,
iyong masayahin.
2. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa pagkakaalipin.
3. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay.
4. Puso ko’y sinugatan, makailang ulit na nabigo at nasaktan.
5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa pagpapahalaga o
pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam.

E. PAGTATAYA

GAWAIN 6. Concept Webbing


Ano ang mga kaugaliang Javanese ang natuklasan mo sa iyong binasa? Itala
mo ito gamit ang concept web. Gayahin ang pormat sa papel.

Kaugaliang Javanese

Sagutin ang mga gabay na tanong

1. Sino si Estela Zeehandelar?


2. Paano ipinakilala ng prinsesa ang kaniyang sarili?
3. Ano ang mga nais ng prinsesa na gusto niyang mabago sa kaugaliang
Javanese para sa kababaihan?
4. Anong uri ito ng sanaysay? Patunayan.
5. Bakit mahalagang ang mga salita o pahayag ay maging magaan para sa isang
sanaysay na di-pormal?
6. Ano-ano ang katangian ng isang sanaysay na pormal na naiiba sa sanaysay na
di-pormal?

KASUNDUAN

Suriin ang dalawang halimbawa ng sanaysay sa pahina 57 at sagutin ang mga


sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa ½ pahalang na papel.

1. Alin sa dalawang sanaysay ang pormal at di pormal na sanaysay?


2. Ano ang mga batayan mo sa panghuhusga na ang naturang sanaysay
ay halimbawa ng pormal? Ng di pormal? Patunayan ang sagot.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Nakikilala ang mga pang-ugnay at mga uri nito.

b. Nasusuri ang mga pangungusap na may pang-ugnay

c. Nakabubuo ng mga pangungusap na may pang-ugnay at mga uri nito.

II. NILALAMAN

A. Paksa
 Gamit ng mga Salitang Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Opinyon
(pahina 58 LM)

B. Sanggunian
 Panitikang Asyano
 Grade 9 Filipino TG

C. Kagamitan
 Panitikang Asyano (LM)
 Laptop (powerpoint presentation)

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Pagganyak
Gagawa ng pangungusap ang mga mag-aaral gamit ang mga salita sa
ibaba.
-kahit na -na -para kay
-at -ng -ayon kay
-pero -kasi -para sa

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Ipapakilala ng guro ang mga sumusunod na pang-ugnay sa
pamamagitan ng malayang paglalahad sa kahulugan at halimbawa nito.

1. Pangatnig - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay


halimbawa: tulad ng at, kahit na, kasi, pero, palibhasa, bukod-tangi at
iba pa.
2. Pang-angkop - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan tulad ng na at ng.
3. Pang-ukol - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
tulad n ayon sa/ayon kay, para sa/ para kay/ hinggil sa/ hinggil kay at
iba pa.

B. Paglalapat
Magkakaroon ng malayang talakayan gamit ang mga nabuong mga
pangungusap ng mga mag-aaral sa naunang gawain. Kikilalanin at susuriin ng
mga mag-aaral ang mga nabuo nilang mga pangungusap at kikilalanin nila
kung sa anong uri ito ng pang-ugnay nabibilang.

C. Paglalahat
Magbibigay ng halimbawa ang guro at susuriin ang bawat pangungusap
para makilala/matukoy kung saan bahagi ng pangungusap ang pangatnig,
pang-ukol at pang-angkop. Sasalungguhitan ng mga mag-aaral ang salitang
halimbawa ng ang pangatnig, pang-ukol o pang-angkop.

D. Pagtataya
Sasagutan ng mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno ang sumusunod.

GAWAIN 9. Pag-ugnayin mo
Pag-ugnayin mo nga ang dalawang kaisipan upang makabuo ng isang
pangungusap gamit ang mga pangatnig.

1. a. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan.

b. Malayo pa ang panahong iyon.

2. a. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga
ito.

b. May mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil


sa akin.

3. a. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba
nama’y pilit at bahagya lamang.

b. Bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.

4. a. Wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga
nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe

b. Pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan

5. a. Paano nga ba hindi magkakaganoon?

b. Ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas


IV. KASUNDUAN
Maglahad ng mga opinyon batay sa isang napapanahong balita sa radio
o telebisyon na pumukaw sa iyong interes. Tukuyin ang mga pang-ugnay dito.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________
I. LAYUNIN

a. Nasusuri ang komentaryo at debate at ang mga pangungusap nito na may


pang-ugnay.

b. Makapaglalahad ng sariling opinyon ukol sa ibibigay na isyu.

II. NILALAMAN

A. Paksa
 Gamit ng mga Salitang Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Opinyon
(pahina 59 LM)

B. Sanggunian
 Panitikang Asyano
 Grade 9 Filipino TG

C. Kagamitan
 Panitikang Asyano (LM)

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala/Pagpapabatid

2. Paglinang sa Aralin

GAWAIN 10. Komentaryo mo, Susuriin ko

Basahin mo ang isang komentaryo at isa-isahin ang mga pang-ugnay na


ginamit dito. Itala ang mga nakitang pang-ugnay sa isang-kaapat na papel (1/4)

GAWAIN 11. Opinyon Mo.


Maglahad ng mga opinyon mula sa mga napapanahong isyu ngayon.
Papangkatin sa 5 ang mga mag-aaral at bibigyan lamang ng 15 minuto ang bawat
grupo para sa kanilang preparasyon at 3 minuto para sa kanilang paglalahad.

Pangkat 1 – “Martial Law sa Mindanao”


Pangkat 2 – “SONA 2018”
Pangkat 3 – “Kampanya Kontra Droga”
Pangkat 4 – “National Smoking Ban”
Pangkat 5 – “Death Penalty sa Kasong Rape”

Rubrics para sa paglalahad.

Nilalaman 50%

Paglalahad 30%

Kaangkupan ng mga ginamit na salita 20%


sa isyung ibinigay.

Kabuuan 100%

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________
I. LAYUNIN

a. Nakapagbibigay ng ilang katangian tungkol sa amain/tiyuhin.

b. Nakapaglalahad ng sariling karanasan tungkol sa pagbabagong buhay.

c. Nakababasa ng dulang “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio

II. NILALAMAN

A. Paksa
Panitikan: Tiyo Simon
Dula - Pilipinas
ni N.P.S. Toribio
B. Sanggunian
 Panitikang Asyano (pahina 62-67 LM)
 Grade 9 Filipino TG

C. Kagamitan
 Panitikang Asyano (LM)

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala/Pagpapabatid
D. Pagganyak
Itatanong ng guro ang mga sumusunod:

1. Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng amain?


2. Ilan ang inyung amain/tiyuhin?

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad

a. Tuklasin

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang


ating tatalakayin. Subukin mong sagutin ang gawain sa ibaba:

Gawain 1. Amain ko, Kilalanin mo (pahina 62)


Magbigay ng ilang katangian ng iyong amain/tiyuhin ( uncle) na labis
mong hinahangaan. Magsalaysay ng ilang patunay. Ilagay ito sa isang buong
papel at sundin ang ilustrasyon na nasa baba.

Ang aking Amain

B. Paglalapat

GAWAIN 2. Ikuwento mo … (pahina 62)

Magsalaysay ng sariling karanasan at karanasan ng iba na may


kaugnayan sa salitang nasa bilohaba. Isalaysay kung anong pangyayari o
pagkakataon ang nagtulak sa iyo/sa iba na magbagong buhay.

Pagbabagong buhay

GAWAIN 3. Pagbasa ng may Pag-unawa


Matapos ang paglalahad ay babasahin ng tahimik ng mga mag-aaral ang
dulang “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio sa pahina 63-67.

IV. Kasunduan
Magtala ng 10 mga salitang hindi lubos na maunawaan na matatagpuan
sa dulang Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio. Isulat ito sa inyong kwaderno at bigyan ng
kahulugan.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Nabibigyang kahulugan ang ilang mga salita na matatagpuan sa dulang Tiyo


Simon.

b. Nasusuri ang akdang Tiyo Simon base sa pag-unawa ng mga mag-aaral.

II. NILALAMAN

A. Paksa
Panitikan: Tiyo Simon
Dula - Pilipinas
ni N.P.S. Toribio
B. Sanggunian
 Panitikang Asyano
 Grade 9 Filipino TG

C. Kagamitan
 Panitikang Asyano (LM)

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala/Pagpapabatid
D. Pagwawasto ng Kasunduan
Isusulat ng mga mag-aaral sa pisara ang mga salitang natagpuan nila sa
dulang “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio na hindi nila naunawaan at binigyan
nila ng kahulugan. Matapos ang pagwawasto, gawin ang mga sumusunod
na gawain sa Gawaing Kwaderno.

GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan (pahina 67-68)


Ibigay ang pahiwatig na kahulugan ng sumusunod na mga pahayag.
Punan ng titik ang kahon upang mabuo ang kahulugan nito. Pagkatapos,
gamitin ito sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap. Gayahin ang pormat sa
kwaderno.

1. Araw ng pangingilin

P G M

2. Namatay na hindi nakapagpa-Hesus


N B D S Y N

3. Sumakabilang-buhay

N T Y

4. Naulinigan kong may itinututol siya

N R G

5. Matibay at mataos na pananalig

M T B

6. Kailangan ng pananalig

P N M L T

C. PAGLALAHAT
Papangkatin sa 2 ang mga mag-aaral at itatanghal nila ang dulang “Tiyo
Simon” ni N.P.S. Toribio sa pamamagitan ng Masining na Pagbasa na kung
saan may Tagaganap o mga Aktor, Narrator at Dubbers.

Rubrics para sa paglalahad.

Paglalahad 30%

Tono, Intonasyon at Katatasan sa 30%


Pagbigkas

Damdamin at Emosyon sa Pagbigkas 30%

Props at Costume 10%

Kabuuan 100%

D. PAGTATAYA
GAWAIN 5. Sa Antas ng iyong Pag-unawa
Matapos ang pagtatanghal, hahatiin sa limang pangkat ang buong klase at
sasagutin nila ang sumusunod na mga katanungan at ibabahagi ito sa klase.

Pangkat 1 – Tanong 1 at 2
Pangkat 2 – Tanong 3 at 4
Pangkat 3 – Tanong 5 at 6
Pangkat 4 – Tanong 7 at 8
Pangkat 5 – Tanong 9 at 10

1. Ano ang malaking impluwensiya ng pangunahing tauhan kay Boy? Patunayan.

2. Bakit naisipan ni Tiyo Simon na sumama sa mag-ina sa simbahan?

3. Anong damdamin ang namayani sa hipag ni Tiyo Simon sa pagbabalik-loob niya


sa Diyos? Kung ikaw ang hipag ni Tiyo Simon, ganoon din ba ang iyong
mararamdaman? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

4. Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang isang tao?

5. Dapat bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga pagkakataong dumaranas siya ng
mga kabiguan sa buhay? Pangatuwiranan.

6. Kapani-paniwala ba ang mga pangyayaring inilahad sa dula? Tukuyin ang mga


pangyayaring makatotohanan at hindi makatotohanan sa akda. Patunayan.

7. Matapos mong mabasa at masuri ang akda...

Ano ang iyong


nadama?

Ano ang binago nito sa


iyong pag-uugali?

Bakit mo ibabahagi sa
iba na basahin ito?

8. Bakit isang melodrama ang akdang iyong binasa? Patunayan.


9. Anong kulturang Pilipino ang inilarawan sa akda? Ihambing ito sa kultura ng alin
man sa mga bansang Asyano.

10. Pumili ng dalawa o tatlong madudulang pangyayari sa akda na naibigan.


Ipaliwanag kung bakit ito ang inyong napili. Isadula sa klase ang naibigang
pangyayari sa dula.

IV. KASUNDUAN
Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa hinihinging Gawain sa baba.

GAWAIN 3. Naisip mo ba?

Paano naiiba ang melodrama sa iba pang anyo ng dula. Ipakita ito sa
pamamagitan ng comparison organizer. Gayahin ang pormat sa papel

Pagkakatulad

Iba Pang
Melodrama Anyo ng
Dula

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Nalalaman ang kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku.


b. Nakikilala ang kaibahan ng tanka at haiku.
c. Nakagagawa ng sariling halimbawa ng tanka at haiku.

II. NILALAMAN

a. Paksa
 Tanka at Haiku
Panitikan

b. Sanggunian
 Aklat na Panitikang Asyano
(pahina 93-97)

c. Kagamitan
 Aklat

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Tatanungin ng guro kung saan banda na sila sa kanilang proyekto, kung
ano na ang sitwasyon at kung malapit na bai tong matapos.

D. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung ano ang paborito nilang
tula at kung bakit ito ang kanilang naging paborito.

A. PAGLALAHAD
Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng tanka at haiku. Ilalahad ng guro ang kibahan ng tanka at
haiku pati na ang kasaysayan ng pagkakabuo nito at mga halimbawa nito.

Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Japanese English Filipino
Hi-sa-ka-ta no This perfectly still Payapa at tahimik
Hi-ka-ri no-do-ke- Spring day bathed in soft light Ang araw ng tagsibol
ki From the spread-out sky Maaliwalas
Ha-ru no hi ri Why do the cherry blossoms Bakit ang Cherry
Shi-zu ko-ko-ro So restlessly scatter down? Blossoms
na-ku Naging mabuway.
Ha-na no chi-ru-
ra-mu

Haiku ni Bashō
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Japanese English Filipino
ha-tsu shi-gu-re An old silent pond... Matandang sapa
sa-ru mo ko-mi- A frog jumps into the pond, Ang palaka’y tumalon
no wo
ho-shi-ge na-ri splash! Silence again. Lumalagaslas

B. PAGSUSURI
Matapos ang talakayan, susuriin ng mga mag-aaral ang kaibahan ng tanka at
haiku sa pamamagitan ng gawain sa ibaba mula sa pahina 96-97 ng aklat na
Panitikang Asyano 9.

GAWAIN 1. Suriin Mo
Basahin ang bawat Tanka at Haiku. Suriin ayon sa paksa at mensaheng nais
ipabatid nito.

Tanka Haiku
Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi
ni Oshikochi Mitsune ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Hila mo’y tabak
Napakalayo pa nga Ang bulaklak nanginig
Wakas ng paglalakbay Sa paglapit mo.
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
Naghihintay Ako Anyaya
ni Prinsesa Nukada ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Ulilang damo
Naghintay ako, oo Sa tahimik na ilog
Nanabik ako sa ‘yo. Halika, sinta
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

Pamagat Paksa Menahe


Tanka
Naghihintay Ako
Katapusan ng
Aking Paglalakbay
Haiku
Tutubi

Anyaya

GAWAIN 2. Paghambingin Mo
Mula sa binasang Tanka at Haiku, isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
ito batay sa kayarian. Kopyahin sa iyong sagutang papel ang graphic organizer.

Tanka at Haiku Haiku


Tanka Pagkakaiba
Pagkakaiba
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________
_______________

Pagkakatulad
_______________________________
______________________________

Sagutin ang mga gabay na tanong

1. Masasalamin ba sa mga akda ang kultura ng bansang pinagmulan nito?Ipaliwanag.


2. Bakit kinahiligan ng mga Japanese ang pagsulat ng maiikling tula?

C. PAGLALAPAT
Matapos masagot ang Gawain 1 at Gawain 2, magkakaroon ulit ng malayang
talakayan tungkol sa nasabing gawain para maliwanagan ang bawat isa tungkol sa
kaibahan ng tanka at haiku. Sasagutin din ng mga mag-aaral ang mga sumusunod
na gawain sa pahina 100.

GAWAIN 3. Paglinang ng talasalitaan


Batay sa kultura ng Japanese, isulat sa loob ng kahon ang mga salitang
kaugnay ng kahulugan o ipinahihiwatig ng mga salitang nasa biluhaba. Gayahin ang
pormat sa sagutang papel.

Cherry
palaka Blossoms taglagas

Kahulugan Kahulugan
kahulugan

kaugnay o
konotasyong kaugnay o kaugnay o
kahulugan konotasyong konotasyong
kahulugan kahulugan
GAWAIN 4. Kahon ng kaalaman
Itala sa loob ng kahon ang mahahalagang impormasyon na nakalap mula sa
binasang kaligirang pangkasaysayan ng Tanka at Haiku. Hanguin ang pormat sa
papel.
Tanka

panahon kung kailan paksa at tema sukat


naisulat
________________ ___________________ ____________________
________________ Haiku
__________________ ____________________

panahon kung kailan paksa at tema sukat


naisulat
________________ ___________________ ____________________
________________ __________________ ____________________

D. PAGLALAHAT
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na gawain sa pahina 101-
102

GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga tanong.

1. Anong damdamin ang nangibabaw sa ilang halimbawa ng Tanka at Haiku na


tinalakay?
2. Ganito rin ba ang iyong naramdaman? Bakit?
3. Ano ang karaniwang paksa ng Tanka at Haiku? Ano ang nais ipahiwatig nito?
4. Paano nakatutulong ang Tanka at Haiku sa pagpapakilala ng kultura ng
bansang pinagmulan nito?
5. May pagkakaiba ba ang pagbigkas ng Tanka at Haiku? Sa paanong paraan?
6. Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula ano ang paksang nais mong
talakayin? Ipaliwanag.

GAWAIN 6. Pagpapaunlad ng Kaalaman


Basahin at unawain ang halimbawa ng Haiku, Tanka at Tanaga. Sagutin ang
kasunod na mga tanong.

Haiku Tanaga
Haiku Tag-init
ni Natsume Soseki ni Ildefonso Santos
Isinalin sa Filipino ni Vilma C.
Ambat Alipatong lumapag
Sa lupa, nagkabitak
Sa kagubatan Sa kahoy, nalugayak
Hangi’y umaalulong Sa puso, nagagablab
Walang matangay

Haiku Kabibe
ni Bashō ni Ildefonso Santos
Isinalin sa Filipino ni Vilma C.
Ambat Kabibe ano ka ba
May perlas maganda ka
Ambong kay lamig Kung idiit sa tainga
Maging matsing ay nais Nagbubuntong hininga
ng kapang damo

Tanka
Hindi Ko Masabi Katapusan ng Aking
ni Ki Tsurayuki Paglalakbay
Isinalin sa Filipino ni M.O. ni Oshikochi Mitsune
Jocson Isinalin ni M.O. Jocson

Hindi ko masasabi Napakalayo pa nga


Iniisip mo Wakas ng paglalakbay
O aking kaibigan Sa lilim ng puno
Sa dating lugar Tag-init noon
Bakas pa ang ligaya Gulo ang isip.

Sagutin ng mga gabay na tanong

1. Ipaliwanag ang konotasyon at denotasyong kahulugan ng salitang na


salungguhitan sa bawat tula. Kopyahin ang halimbawang graphic organizer sa
sagutang papel.

Denotasyon Konotasyon
Umaalulong

Damo

Alipatong

Kabibe

Ligaya

Palalakbay

2. Paghambingin ang ilang halimbawa ng Tanka, Haiku at Tanaga batay sa sukat,


tugma at pagbigkas.
3. May pagkakatulad ba ang pagsulat ng mga Pilipino ng Tanaga sa pagsulat ng
Tanka at Haiku ng mga Japanese ? Patunayan.
4. Masasalamin ba sa halimbawang Haiku, Tanka at Tanagang naibigay ang
kultura ng bansang pinagmulan nito? Ipaliwanag.
5. Batay sa mga nabasang halimbawa ng tula, anong mga isyung panlipunan ang
maaaring maiugnay sa mga ito ?

E. PAGTATAYA
Magkakaroon ng mahabang pagsusulit tungkol sa tanka at haiku.

F. KASUNDUAN
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng sarili nilang komposisyon ng tanka at haiku.
Ilalagay nila ito sa isang long bond paper o construction paper.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro sa Filipino

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN
a. Nakikilala ang mga uri ng ponemang suprasegmental.
b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng ponemang suprasegmental
c. Nasusuri ang mga parirala ayon sa wastong tono/intonasyon at antala/hinto.

II. NILALAMAN

a. Paksa
 Ponemang Suprasegmental
-Diin
-Tono/Intonasyon
-Antala/Hinto

b. Sanggunian
 Aklat na Panitikang Asyano
(pahina 103-105)

c. Kagamitan
 Aklat

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Tatanungin ng guro kung saan banda na sila sa kanilang proyekto, kung
ano na ang sitwasyon at kung malapit na bai tong matapos.

D. Pagganyak
Hahatiin ang klase sa limang (5) pangkat. Pasusulatin sila ng mga
salitang pareho ang baybay ngunit magkaiba ng kahulugan. Paramihan ang
bawat pangkat sa pagsulat ng mga salita kasama ng kahulugan dahil ang
pinakamaraming tamang salita ang naisulat ay magkakamit ng gantimpala.

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang mga ponemang suprasegmental at ang mga uri nito at
kahulugan. Magkakaroon ng malakayang talakayan ukol ditto.

B. Pagsusuri
Matapos mailahad ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay susuriin
ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga salita at parirala at sabay sabay
na bibigkasin nila ang mga sumusunod:
a. Diin – Ang diin ay ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga
salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago
ng kahulugan nito.

Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.


Mga Halimbawa:
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa

LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna

b. Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring


makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-
kahulugan at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap sa kapwa. Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid
sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa
katamtaman at bilang 3 sa mataas.

Mga Halimbawa:

Kahapon = 213, pag-aalinlangan


Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahyag
talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

c. Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng
simbolo kuwit ( , ),dalawang guhit na pahilis (//) o gitling ( - )

1. Hindi/ ako si Joshua.


(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng
kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y
napagkamalan lamang na si Arvyl.)

2. Hindi ako, si Joshua.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang


kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya
sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua)

3. Hindi ako si Joshua

( Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na


ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)

C. PAGLALAPAT
Ang mga mag-aaral ang magbibigay ng sarili nilang hamilmbawa tungkol
sa diin, tono/intonasyon at antala/hinto. Magkakaroon din ng gawain sa
panayamang kuwaderno sa mga sumusunod na mga gawain sa pahina 104-
105at sa panahon ng pagwawasto ay gagawin ito ng mag-aaral bilang
boardwork

Gawain 1. Bigkasin Mo
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay
subalit magkaiba ang bigkas.

1. / SA:ka/ - _______________ /sa:KA/- ________________


2. /BU:hay/- _______________ /bu:HAY/- ________________
3. /ta:LA/ - _______________ /TA:la/ - ________________
4. /ba:KA/ - _______________ /BA:ka/- ________________

Gawain 2. Tono
Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring
gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas .
Isulat sa sagutang papel.

1. kanina = _________ pag-aalinlangan


kanina = _________ pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman = _________ pagtatanong
mayaman = _________ pagpapahayag
3. magaling = _________ pagpupuri
magaling = _________ pag-aalinlangan
4. kumusta = _________ pagtatanong na masaya
kumusta = _________ pag-aalala
5. Ayaw mo = _________ paghahamon
Ayaw mo = _________ pagtatanong

Gawain. Diin
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang pagbabago ng
kahulugan batay sa diin.

Halimbawa: /SA:ka/ - bukid, /saKA/ - at saka (also)

1. /BA:ba/ - ________________ /ba:BA/ - ________________


2. /BA: ta/ - ________________ /ba:TA/ - ________________
3. /BA: ga/ - ________________ /ba:GA/ - ________________
4. /LA:bi/ - ________________ /la:BI/ - ________________
5. /BA:sa/ - ________________ /ba:SA/ - ________________

Gawain 4. Hinto/ Antala


Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng
kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.

1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.


Pangungusap
1_________________________________________________________
Paliwanag:___________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pangungusap
2_________________________________________________________
Paliwanag:___________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pangungusap
3:_________________________________________________________
Paliwanag:___________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

D. PAGLALAHAT
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod sa kanilang sanayang
kuwaderno.

Pagsasanay___ (Diin)

a.) Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita ayon sa diin nito.

1. /SA:ya/________________________ /sa:YA/__________________________

2. /pu:GOT/_______________________/PU:got/__________________________

3. /BU:rol/_________________________/bu:ROL/_________________________

4. /SA:ma/_________________________/sa:MA/_________________________

5. /ka:YA/__________________________/KA:ya/_________________________

6. /BA:lat/__________________________/ba:LAT/________________________

7. /ta:SA/__________________________/TA:sa/__________________________

8. /si:KAT/_________________________/SI:kat/__________________________

9. /i:NA:kay/________________________/i:na:KAY/_______________________

10. /BU:ko/__________________________/bu:KO/________________________

b.) Ibigay ang tamang diin ng mga sumusunod na salitang may kahulugan

1. upo – gulay; tabayag _________________


upo – pagsayad ng puwet sa silya _________________

2. pito – numero _________________


pito – bagay na hinihipan para makalikha ng tunog _________________
3. tayo – ikaw, ako at sila _________________
tayo – tumindig _________________

4. tungo – pupuntahan _________________


tungo – nakayuko; hindi makatingin _________________

5. sawa – ahas _________________


sawa – hindi na gusto _________________

6. pala = panghukay ng lupa _________________


pala = nahita; nakuha _________________

7. nasa = kung saan naroon _________________


nasa = nais; hangad _________________

8. burol = maliit na bundok; gulod _________________


burol = pinaglalamayang patay _________________

9. siga = ningas mula sa apoy _________________


siga = astig; kinakatakutang tao _________________

10. tubo = dinadaluyan ng tubig _________________


tubo = halaman na ginagawang asukal _________________

Pagsasanay___ (Tono/Intonasyon)
Ibigay ang wasrong tono/intonasyon ayon sa damdamin

1. lusubin = pag-aatubili ____________


lusubin = paghihimagsik ____________

2. bakasyon = galak na galak ____________


bakasyon = humihingi ng kompirmasyon ____________

3. pakinggan = gulong-gulo ____________


pakinggan = siguradong-sigurado ____________

4. bantayan = nag-uutos ____________


bantayan = pagbabantulot ____________

5. suyuin = paggagad ____________


suyuin = pag-aatubili ____________

Pagsasanay___ (Hinto/Antala)
Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa
paggamit ng hinto/antala.

1. Mona, Susan, Carrie ang kaklase ko.


Pangungusap 1_________________________________________________.
Paliwanag_______________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Pangungusap 2_________________________________________________.
Paliwanag_______________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pangungusap 3_________________________________________________.
Paliwanag_______________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Hindi ako ang gumawa.


Pangungusap 1_________________________________________________.
Paliwanag_______________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Pangungusap 2_________________________________________________.
Paliwanag_______________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pangungusap 3_________________________________________________.
Paliwanag_______________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro sa Filipino

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________
I. LAYUNIN

a. Nababasa at nasusuri ang pabula mula Korea na Ang Hatol ng Kuneho at


pabula mula sa ating bansa na Nagkamali ng Utos.
b. Nakagagawa ng puppet sa mga tauhan at tagpuan sa pabulan Ang Hatol ng
Kuneho at Nagkamali ng Utos.
c. Nakapagtatanghal ng puppet show tungkol sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho
at Nagkamali ng Utos.
d. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng modal.
e. Nakapagbibigay ng halimbawa ng modal.

II. NILALAMAN

a. Paksa
 Ang Hatol ng Kuneho
Pabula - Korea
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
 Nagkamali ng Utos
Pabula- Pilipinas

Gramatika/ Retorika:
 Modal
(Gamit bilang Malapandiwa, bilang Panuring, mga Uri nito: nagsasaad
ng
pagnanasa, paghahangad at pagkagusto, sapilitang pagpapatupad,
hinihinging mangyari, at nagsasaad ng posibilidad)

b. Sanggunian
 Aklat na Panitikang Asyano
(pahina 107-105)
 www.googleimages.com

c. Kagamitan
 Aklat
 Laptop
 Mga larawan ng tauhan sa dalawang pabula

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Tatanungin ng guro kung saan banda na sila sa kanilang proyekto, kung
ano na ang sitwasyon at kung malapit na bai tong matapos.

D. Pagganyak
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang paborito ninyong pabula?
2. Bakit ito ang inyong paborito?

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na gawain sa pahina
108.

GAWAIN 1. Iguhit Mo
Mula sa mga tauhan ng mga pabulang nabasa mo gumuhit ng isang hayop na
sumisimbolo sa iyong pagkatao. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong hayop.
Gawin ito sa sagutang papel.

GAWAIN 2. Iugnay Mo
Pakinggan ang pabulang babasahin ng iyong guro na pinamagatang
Ang Pasaway na Palaka na isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat mula sa Korea at
isagawa ang mga sumusunod na gawain.

1. Isulat ang mga kaisipang may kaugnayan sa salitang pabula batay sa pabulang
napakinggan. Kopyahin ang pormat sa sagutang papel.

Pabula

2. Bakit hayop ang ginamit na tauhan sa kuwento?

B. Pagsusuri
Ipababasa sa mga mag-aaral ang pabula mula sa Korea na pinamagatang
“Ang Hatol ng Kuneho” na isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat sa pahina 109-111.
Sagutin ang sumusunod na gawain.

GAWAIN 3. Tukuyin ang Ipinahihiwatig


Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng mga sumusunod na pahayag batay sa
pagkakagamit sa binasang pabula. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Kinabukasan ipinagpatuloy ng tigre ang paghingi ng tulong hanggang siya’y
mapagaw. Nang walang tulong na dumarating lumupasay siya sa lupa.
2. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
3. Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre subalit nangibabaw ang kaniyang
pangamba.
4. “Mga taon ang binibilang namin upang lumaki pagkatapos puputulin lang ng mga
tao!” sumbat ng puno ng Pino.
5. “Dapat kainin ng tigre ang tao” ang hatol ng punong Pino at baka.

C. PAGLALAPAT
Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa sumusunod na gawain sa pahina 113-
114.

GAWAIN 4. Ikuwento Mong Muli


a. Ayusin ang mga larawan batay sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa pabula. Gamitin ang bilang 1-5. Isulat sa sagutang papel ang
iyong mga sagot.

* Paalala sa ArtistIguhit muli ang mga larawan

Kuneho puno ng Pino


Tigre Baka Lalaki

____ ____ ____ ____ ____

b. Ilarawan ang katangian at ginampanan ng bawat tauhan sa pabula. Kopyahin


ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Pangalan ng Tauhan Katangian Ginampanan


D. PAGLALAHAT
Sasagutin ng mga mag-aaral ang Gawain 5 sa pahina 114

GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga tanong.

1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki? Bakit?


2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon gagawin mo rin ba ang ginawa ng
kuneho? Ipaliwanag.
3. Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang nabasa.
Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa kalikasan
natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao? Bakit?
5. Bilang kabataan na pag-asa ng bayan ano ang maimumungkahi mo upang
maiwasan ang pang-aabuso sa mga sumusunod:
a. Hayop
b. Kalikasan
6. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga-
Korea?
7. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro sa Filipino

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Nababasa at nasusuri ang pabula mula Korea na Ang Hatol ng Kuneho at


pabula mula sa ating bansa na Nagkamali ng Utos.
b. Nakagagawa ng puppet sa mga tauhan at tagpuan sa pabulan Ang Hatol ng
Kuneho at Nagkamali ng Utos.
c. Nakapagtatanghal ng puppet show tungkol sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho
at Nagkamali ng Utos.
d. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng modal.
e. Nakapagbibigay ng halimbawa ng modal.

II. NILALAMAN

a. Paksa
 Ang Hatol ng Kuneho
Pabula - Korea
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
 Nagkamali ng Utos
Pabula- Pilipinas

Gramatika/ Retorika:
 Modal
(Gamit bilang Malapandiwa, bilang Panuring, mga Uri nito: nagsasaad
ng
pagnanasa, paghahangad at pagkagusto, sapilitang pagpapatupad,
hinihinging mangyari, at nagsasaad ng posibilidad)

b. Sanggunian
 Aklat na Panitikang Asyano
(pahina 107-105)
 www.googleimages.com

c. Kagamitan
 Aklat
 Laptop
 Mga larawan ng tauhan sa dalawang pabula

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Tatanungin ng guro kung saan banda na sila sa kanilang proyekto, kung
ano na ang sitwasyon at kung malapit na ba itong matapos.

D. Balik Aral
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral para ibigay ang buod ng
pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Tatalakayin ang mga sumusunod:

Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea

Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at


kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga
mamamayan nito. Sa Korea mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang
mitolohiya at kuwentong bayan. Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon
daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang
kanilang diyos na si Hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at oso
na maging isang tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa
loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa
ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang
tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may
isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa
kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamat siya sa diyos at muling
humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang
kaniyang anak na si Hwanung (anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae.
Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari.
Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang
dynasty sa Korea.

Ano ang pabula?

Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ika-5 at ika-6
na siglo bago si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-India. Ang
karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao
ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.

Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang


tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang
Aesop’s Fable.
Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang
isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang
mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o
sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay
karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang
kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso. Ang
aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay
naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang
mapaglarong manliligaw.

Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at


pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang
aral sa buhay na ibinibigay nito.

B. PAGSUSURI
Babasasahin ng mga mag-aaral ang pabula mula sa ating bansa na
pinamagatang “Nagkamali ng Utos” sa pahina 114-116 at sasagutin ang Gawain 7 at
Gawain 8 sa pahina 117.

GAWAIN 7. Story Ladder


Isulat ang mahahalagang pangyayari sa pabulang Nagkamali Ang Utos.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

wakas

kakalasan

kasukdulan

tunggalian

Simula

GAWAIN 8. Mga Gabay na Tanong

1. Paano nagapi ng mga tutubi ang mga matsing sa labanan?

2. Nasasalamin ba sa pabulang Nagkamali ng Utos ang kultura nating mga


Pilipino? Ipaliwanag.

3. Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng hari ng tutubi


sa pabulang Nagkamali ng Utos at ang kuneho sa Ang Hatol ng Kuneho?

C. PAGLALAPAT
Ilalahad ng guro ang tungkol sa modal.

Modal

Ang modal ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ang mga ito na pantulong


sa pandiwang na nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang
panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang
hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o walang aspekto.
Mga Halimbawa: ibig, nais, gusto, kailangan

Gamit ng modal

1. Bilang malapandiwa
Gusto niyang makaahon sa hukay.
Ibig ng puno at ng baka na kainin ng tigre ang tao.

(Ang gusto at ibig sa mga pangungusap na ito ay ginamit bilang malapandiwa


subalit di tulad ng ganap na pandiwa, at wala itong aspekto dahil kapag ito ang
mismong pandiwa, may aspekto ito (bagamat limitado ang mga banghay nito).

2. Bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa

Gusto niyang maglakbay muli.

( Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa salitang maglakbay


na isang pandiwang nasa anyong pawatas. )

Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog ang tigre.

( Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay turing sa salitang


makita na isang pawatas.)

Narito ang mga uri:

1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto


Halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas.
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.

2. Sapilitang pagpapatupad
Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.

3. Hinihinging mangyari
Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.

4. Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa: Maaari ka bang makausap mamaya?
Pwede kang umasenso sa buhay.

D. PAGLALAHAT

GAWAIN 1
Halawin mula sa pabulang Nagkamali ng Utos ang mga pangungusap na
nagtataglay ng modal at tukuyin kung paano ginamit ito. Isulat ang A kung ito ay
ginamit bilang malapandiwa at B kung ito ay ginamit bilang panuring.

PAGTATANGHAL
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang pangkat na papangalanang
Pangkat Ang Hatol ng Kuneho at Pangkat Nagkamali ng Utos. Ang dalawang pangkat
ay gagawa ng puppet base sa pamagat ng pabula na nakaatas sa kanila at ang mga
nagawa nilang puppet ay itatanghal nila sa puppet show. Ang mga sumusunod ay ang
rubriks o krayterya para sa Paggawa ng Puppet at Puppet Show.

Rubriks sa Paggawa ng Puppet

Kalinisan (Neatness) 20%

Masining na Paghahalo ng Kulay 30%

Durability 20%

Pangkalahatang Dating 30%

Kabuuan 100%

Rubriks sa Pagtatanghal

Paglalahad 30%

Tono/Intonasyon 20%

Damdamin 25%

Kaisahan at Kawastuhan sa Pagbigkas ng Mga Salita 25%

Kabuuan 100%

E. PAGTATAYA
Sagutin ang mga sumusunod na gawain sa panayamang kuwaderno.

GAWAIN 2
Dugtungan ang mga pangungusap upang mapalawak ang kaisipang nais
ipabatid.

_____1. Dapat nating alagaan ang kalikasan.


_____2. Ibig kong umahon sa kahirapan.
_____3. Kailangan natin ng pagbabago.
_____4. Gusto kong marating ang magagandang tanawin sa ating bansa.
_____5. Maaari pa kaya ito?

GAWAIN 3
Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Letra lamang
ang isulat sa iyong sagutang papel.

Pagpipilian:
a - Nagsasaad ng posibilidad c – Hinihinging mangyari
b - Nagsasaad ng pagnanasa d – Sapilitang mangyari

______1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula


______2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
______3. Kailangan mong magkontento at magpasalamat sa kung
ano ang meron ka ngayon..
______4. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
______5. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
______6. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng pagpapahalagang
ginagawa ng mga taga-Korea.
______7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka ng
mabubuting asal.
______8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipinas at
Korea.
______9. Maaari kang maging manunulat ng pabula tulad ni Aesop.
______10. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

PAGSASANAY 5 (MODAL)

Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Salungguhitan ang modal at


bilugan ang pandiwa. Kilalanin din kung anong uri ng modal ito at isulat ang code sa
patlang na inilaan bago ang bilang.

NP – Nagsasaad ng Pagnanasa HM – Hinihinging Mangyari


SP – Sapilitang Pagpapatupad NNP – Nagsasaad ng Posibilidad

____1. Maaari kang manalo ng papremyo sa perya.


____2. Gusto kong mamitas ng mga bulaklak.
____3. Dapat mong ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.
____4. Puwede kang mamili ng iyong mga kagrupo.
____5. Magtatrabaho ako ng maigi at mag-iipon sapagkat ibig kong makapunta sa
Amerika.
____6. Kailangan mong pagbayaran ang iyong mga kasalanan.
____7. Dapat ay maipasa ko na agad ang aking proyekto.
____8. Inaya kitang magkape dahil gusto kitang makausap ng masinsinan.
____9. Puwede pa lang makisali sa kasiyahan na nagaganap kasalukuyan sa ating
barangay.
____10. Maaari mong sabihin sa kaniya ang aking sekreto.
____11. Hilong talilong na ako sa paghahanap, kailangan ko na talagang makita ang
aking kuwaderno.
____12. Pumunta ako sa silid-aklatan dahil ibig kong mabasa ang nobelang Noli Me
Tangere.
____13. Anumang nabitiwang matatalim na salita ay nakasusugat ng puso, dapat
maging maingat at mapili sa mga salitang gagamitin.
____14. Bukas na ang aming pagtatanghal at kailangan ko na talagang maisaulo ang
aking linya sa dula.
____15. Nagutom ako ng sobra at gusto kong kumain sa Jollibee.
____16. Nabanggit sa akin ni Jomar na dapat na nating matapos ang ating proyekto
bago magtanghali.
____17. Sinabi ni Mona sa akin na maaari kong hiramin ang kaniyang kuwaderno
mamayang uwian.
____18. Sinundo ako ni nanay nang maaga dahil kailangan naming maghanda sa
pagdating ng aking tita mula
sa ibang bansa.
____19. Abalang-abala si Gng. Ruiz sa pagsasanay sa kaniyang mga kalahok dahil
ibig niyang magkampeon sa Tagisan ng Talino.
____20. Nasa sa iyo kung gagawin mo o hindi, maaari mo namang ibigay ang iyong
desisyon mamaya.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro sa Filipino

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 11:00-12:00 9-Molave)
___________________________

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


kwentong pangkatutubong-kulay gamit ang teknolohiya at pagpapalawak ng
pangungusap upang mailarawan ang kaugalian at uri ng pamumuhay ng bansang
pinanggalingan nito

Pamantayan sa Pagganap: Nailalarawan ng mag-aaral nang may kasiningan ang


mga kaugalian at uri ng pamumuhay sa alinmang bansa na pinanggalingan nito

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto


Pag-unawa Nasusuri kung anong uri ng maikling kuwento batay sa mga
sa Napakinggan pangungusap
Pag-unawa Nailalahad ang kulturang nakapaloob sa binasang halimbawa
sa Binasa ng isang kuwentong pangkatutubong kulay
Paglinang Nabibigyang-kahulugan ang mga kaisipan mula sa maikling
ng Talasalitaan kuwento
Panonood Napaghahambing ang mga bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula
Pagsasalita Naikukuwento ang sariling karanasan na may kaugnayan
sa kulturang nabanggit sa alinmang nabasang maiklin kuwento
Pagsulat Nailalarawan ang sariling kultura batay sa sariling maikling
kuwento na may uring pangkatutubong-kulay
Gramatika/ Napapalawak ang mga pangungusap
Retorika
Estratehiya Nasasaliksik ang mga tradisyon, paniniwala at kaugalian
sa Pananaliksik ng mga Asyano batay sa maikling kwento ng mga ito

I. LAYUNIN

a. Nakikilala ang damdamin at pag-uugali ng tauhan sa isang komik istrip


b. Nasusuri ang akdang Niyebeng itim base sa pag-unawa ng mga mag-aaral.
c. Nalalaman ang pagkakapareho at pagkakaiba ng ugali at tradisyon Tsino sa
ating mga Pilipino.
d. Nakasasagawa ng survey tungkol sa impluwensiya ng mga Tsino sa ating
bansa.

II. NILALAMAN

A. Paksa
Panitikan: Niyebeng Itim
Maikling Kwento – Tsina ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
B. Sanggunian
 Panitikang Asyano
 Grade 9 Filipino TG

C. Kagamitan
 Panitikang Asyano (LM)

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala/Pagpapabatid
D. Pagwawasto ng Kasunduan/Balik Aral
Isusulat ng mga mag-aaral sa pisara ang mga pangungusap na may modal
at tutukuyin nila kung anonguri ng modal ito, saan ang pandiwa at ang modal
mismo.

E. Pagganyak
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa 6 na pangkat, bawat pangkat ay
bibigyan ng komik istrip. Babasahin nila ang mga komik istrip at pipili ng mga
tauhan na magbabasa at magbibigay buhay nito sa harapan. Pipili rin ng isang
representante na siyang kikilala sa damdamin at ugali ng tauhang kanilang
isinabuhay base sa komiks.

2. Paglinang sa Aralin

A. PAGLALAHAD

Tuklasin

Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang akda na


Niyebeng itim. Ilalahad ng guro ang buod ng kuwentong nabasa.

Bilang panimulang gawain ay tatayain ng guro ang kaalaman ng mga mag-


aaral sa maikling kuwento. Tutukuyin ng mag-aaral kung ano ang binibigyang-
pansin sa kuwento. Tauhan, lugar ba o pangyayari. Ito ay isahang gawain na
isusulat sa papel ang sagot.

GAWAIN 1. Kuwento ay Suriin


Sagot :
1.
Lugar

2. Tauhan

Tauhan
3.

Lugar
4.

5. Pangyayari

PAGLALAPAT
Susuriin ang akda at sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod
na katanungan:

1. Sino ang mga tauhan sa kuwento? Ipakilala.


2. Ilarawan ang tagpuan ng kuwento. Sa iyong palagay, anong panahon naganap
ito? Patunayan.
3. Ano ang tema ng kuwentong binasa?
4. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?
5. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan?
6. Paano hinarap ni Hiuquan ang kaniyang problema?
7. Paano sinikap ni Huiquan na malutas ang kanyang suliranin?
8. Ano ang mga hakbang na kanyang isinagawa?
9. Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito?
10. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento?

GAWAIN 2. Paglalarawan ng Tauhan


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang katangiang taglay ng tauhan, ikukuwento
ang buhay nito at pagkatapos ay magbibigay sila ng opinyon kaugnay ng ibinigay na
kaisipan. Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral.

GAWAIN 3. Makikilala Mo Ba?


Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga tradisyon at kaugalian ng mga Tsino.
Isusulat sa papel ang sagot.

Linangin

B. PAGLALAPAT
Magkakaroon ng malayang talakayan base sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ang inyong ginawa kanina sa komik istrip ay pagpapakilala ng damdamin at


pag-uugali ng tauhan, paano ninyo maihahambing ang pag-uugali ng
tauhan ninyo sa komiks kay Huiquan? Ano baa ng ugali ni Huiquan?
2. Anong pag-uugaling Tsino ang nabanaag ninyo sa akdang binasa?
3. Paano nagkakaiba ang ugali o tradisyon ng Tsino sa ating mga Pilipino?
4. Paano naman nagkakapareho ng ugali o tradisyon ang mga Tsino at
Pilipino?

Bago ipabasa ng guro ang kuwento ng China, mag-isip ng gawain bilang


pangganyak o pagbibigay ng paunang kaalaman tungkol sa akda. Maaaring ipabasa
nang tahimik ng guro ang kwento o maaaring pangkatan (jigsaw reading) .

Pag-usapan :
Tatanungin ng guro kung may alam ang mga mag-aaral tungkol sa uri ng
maikling kuwento. Ipaliliwanag ng mag-aaral ang pagkakaiba ng kuwento ng tauhan,
kuwento ng banghay at kuwento ng katutubong kulay. Ang konsepto ng mga mag-
aaral tungkol sa pagkakaiba-iba ng mga uri ng maikling kuwento ay higit na lilinawin
ng guro sa kaniyang pagpapaliwanag. Matapos ang talakayan ay pasasagutan na ng
guro ang mga gawain.
GAWAIN 3. Pagpapalawak ng Kaisipan
Ipaliliwanag ng mga mag-aaral ang pagkaunawa sa mga piling kaisipang
hango sa kuwentong binasa.

GAWAIN 4. Kayarian ng Kuwento


Tatalakayin ang kuwento sa tulong ng Story Grammar. Sinasabi ng
pananaliksik na higit na mauunawaan ang kuwento kung may kaalaman ang
bumabasa sa kayarian nito. Kung alam ng mga mag-aaral ang bahagi ng kuwentong
pasalaysay madali silang makapagbibigay ng hinuha. Maaaring isagawa ito nang
pangkatan. Ibibigay ang mga gabay na tanong upang masundan ng mga mag-aaral.

GAWAIN 5. Mailalarawan Mo Ba?


Sa bahaging ito susuriin ang mga patunay na ang binasang kwento ay
pangkatutubong-kulay. Gabayan ang mga mag-aaral na mailarawan ang lugar na
kinabilangan ng tauhan maging ang kilos, gawi at paniniwala nito. Maaaring ipagawa
ito ng isang pangkat. Maaari rin silang atasan na magdrowing ng lugar na
kinabilangan ng tauhan batay sa paglalarawan ng
may-akda. Ipababasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang ikalawang teksto.
Pagkatapos ay sasagutin ang gawain 6

GAWAIN 6. Ilarawan Mo
May nakahandang larawan ang guro ng dating anyo ng Maynila partikular na
ang Avenida. Mula sa tekstong binasa ay ilalarawan ng mga mag-aaral ang lugar,
kilos/gawi at uri ng pamumuhay sa Maynila. Maaari itong isagawa bilang isahan o
pangkatan.

Ang susunod na gawain ay ibibigay bilang takdang-aralin. Ito ay ang panonood


ng teleserye ng mapipiling bansa.

GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika


Makatutulong sa isasagawang pagganap ang pagtalakay ng guro sa mga
panuring bilang pampalawak ng pangungusap. Ipaliliwanag nang mabuti ng guro
paano mapapalawak ang pangungusap gamit ang mga panuring na pang-uri at pang-
abay. Kapag naunawaan na ng mga mag-aaral ang aralin, pasagutan na ang
inihandang pagsasanay.

Pagnilayan at Unawain

C. PAGTATAYA
Magsasagawa ng survey at research ang anim na pangkat batay sa
impluwensiya sa atin ng mga Tsino. Ang mga sumusunod ay gagawin batayan.

1. Pagkain
2. Kagamitan
3. Paniniwala
4. Pag-uugali
5. Salita
Sa survey, magtatanong ang bawat pangkat sa 50 tao kung ano ang kanilang
maibabahagi o nalalaman tungkol sa impluwensiya sa atin ng mga Tsino
samantalang sa research naman, makikita ng mga mag-aaral ang mga patunay
kung ano ang mga naging impluwensiya talaga sa atin ng mga Tsino.
Sa bahaging ito, aalamin ng guro kung malinaw na ang mga konsepto ng mga
mag-aaral tungkol sa pagkakaiba ng kuwento ng katutubong-kulay sa iba pang uri ng
kwento at kung paano nakatutulong ang pagpapalawak ng pangungusap sa
paglalarawan ng kultura.

1. Paano naiiba ang maiking kwento ng katutubong kulay sa iba pang uri ng
kuwento?

Sa kuwento ng banghay, ang binibigyang-diin ng sumulat ay ang


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang pangyayari. Sa
kuwento naman ng tauhan,nakapokus naman ang mga pangyayari sa tauhan
upang mabigyan ng kabuuang pag-unawa ang mga mambabasatungkol sa
kanila. Pinapahalagahan naman sa kuwento ng katutubong-kulay ang tagpuan
- ang pook/lugar na pinangyarihan ng kuwento. Karaniwan ay maraming
paglalarawan tungkol sa pook - hindi lamang pisikal kundi pati na rin ang
pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang mga kilos/gawi,
mga paniniwala,pamahiin at pananaw sa buhay.

2. Paano nakatutulong ang pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan ng


kultura?

Ang sapat na kaalaman sa pagpapalawak ng mga pangungusap ay


makatutulong upang mailalarawan nang mabuti ang kultura ng isang bansa. Sa
pagbibigay ng isang payak na pangungusap na naglalarawan sa kultura ng isang
bansa, ito ay mapapalawak pa gamit ang mga panuring na pang-uri at pang-abay.
Mapapansin na lalong nagiging malinaw sa tagapakinig ang kulturang nais ilarawansa
tulong ng pagpapalawak ng pangungusap.

Ilipat

D. PAGTATAYA

GAWAIN 8. Masubok Nga


Ang mga mag-aaral ay isahang maglalarawan nang may kasiningan sa mga
kaugalian at uri ng pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang Asya. Tandaang
ang pagganap ay batay sa GRASP.

G-oal: Makapaglarawan ng kaugalian at uri ng pamumuhay ng alinmang


bansa sa Silangang Asya
R- ole: Ikaw ay isang Tourist Guide
A-udience: Ang Kamag-aral ay mga turista
S-ituation: Sila ay iyong hihikayatin na magustuhan ang bansang binisita
P-erformance: Pasalitang Paglalarawan
S-tandard: (nasa ibaba ang pamantayang kung paano tatayain ang performance ng
mag-aaral)

A. Tiyak ang mga Datos na Ginamit sa Paglalarawan …….. 50 %


B. Wastong Bigkas at Intonasyon ……... 30 %
C.Tiwala sa Sarili, Panghikayat at Presentasyon .. …… 20 %

Kabuuan ..……100 %
Pagsasanay 1. Isip… Isip…
Magbibigay ang guro ng mga batayang pangungusap na hinango sa mga
akdang binasa. Maaaring isagawa bilang paligsahan.

Pagsasanay 2. Saliksik… Dunong…


Ibibigay bilang takdang-aralin ang pananaliksik tungkol sa kaugalian at uri ng
pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang Asya. Itatala sa papel ang kinalabasan
ng pananaliksik at bilinan ang mga mag-aaral na sikaping gumamit ng mga panuring
sa pagpapalawak ng pangungusap. Isasagawa ng dalawahan.

Mga Kagamitan: tsart ng talasalitaan; grapiko ng kayarian ng kwento; mga larawan;


tsart ng gramatika; Maaaring gumamit ng overhead projector.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro sa Filipino 9

Pinagtibay ni:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 10:00-11:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa dula gamit ang teknolohiya at paglalapi upang mailarawan ang
karaniwang pamumuhay ng mamamayan ng bansang pinagmulan nito

Pamantayan sa Pagganap: Naitatanghal ang isang dula na naglalarawan ng


karaniwang pamumuhay ng mga mamamayan.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


Domain Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa sa Nauuri ang mga tiyak na bahagi ng dula na
Napakinggan nagpapakita
ng karaniwang pamumuhay batay sa napakinggang
diyalogo/pag-uusap
Pag-unawa Nasusuri ang dula batay sa pagkakabuo at mga
sa Binasa elemento nito
Paglinang Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang ginamit
ng Talasalitaan sa dula
Panonood Naipaghahambing ang mga napanood na dula batay
sa mga katangian at elemento ng mga ito
Pagsasalita Naibabahagi ang mga pangyayari sa sariling buhay
at natutukoy ang elemento ng dula na litaw rito
Pagsulat Naisusulat ang isang iskrip/banghay tungkol sa
karaniwang buhay ng isang Asyano
Gramatika/Retorika Nagagamit ang kohesiyong gramatikal na
pagpapatungkol sa pagsulat ng diyalogo ng dula

II. NILALAMAN

A. Paksa
Panitikan Ang Munting Pagsinta
Dula- Mongolia
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora

Gramatika/retorika: Cohesive Devices o Kohesiyong Gramatikal


na Pagpapatungkol

B. Sanggunian
 LM 9 (pahina 151-154)

C. Kagamitan
 Aklat

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Balik Aral

2. Paglinang sa Aralin

A. PAGLALAHAD

Tuklasin

1. Umisip ng isang mahusay na pagganyak na may kaugnayan sa dula, maaaring


maghanap sa youtube ng isang dula o bahagi lamang nito at ipapanood ito sa
klase. Pagkatapos ay pag-usapan ang napanood.
2. Ilahad ang mga inaasahan sa kanila, ang pamantayang pangnilalaman at
pamantayang pagganap, linawin din ang rubric sa pagganap. Bigyang-diing ang
mga ito ay isasakatuparan sa pagtatapos ng aralin at binanggit lamang ito upang
mabatid nila ang direksiyong kanilang tutunguhin.
3. Itanong ang mahalagang tanong sa panitikan at gramatika sa mga mag-aaral sa
pagsisimula ng aralin, makabubuting ipaskil ito. Basahin ito nang malakas sa
klase at pagkatapos ay ipabasa sa mga mag-aaral. Hayaan ang mga mag-aaral
ng ilang minuto na limiin ang mga tanong. Pagkatapos ay ipasagot ito sa papel,
ipatupi at ihulog sa isang Drop Box.Tawagin ang ilang mag-aaral at ipalahad sa
klase ang kanilang sagot ngunit huwag itong wastuhin, sabihin lamang na sila
ang makatutuklas ng tamang sagot/konsepto sa pagtatapos ng aralin.
4. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga Gawain 1 hanggang Gawain 3, tandaan na
hindi kailangang maging wasto ang kanilang sagot at hindi rin sa bahaging ito
tatalakayin ang aralin, iwasan ang pagpapaliwanag. Ito ay magsisilbing gabay
lamang sa guro kung ano ang eskima ng mga mag-aaral tungkol sa elemento ng
dula at kohesiyong gramatikal. Batay sa kinalabasan ng panimulang pagtataya
ay makapaghanda ang guro ng angkop na mga estratehiya.
5. Kung maaari’y isagawa ang yugtong ito sa loob ng isang sesyon.

B. PAGLALAPAT

Linangin

1. Mabuting simulan mo ang yugto sa isang payak na pagganyak na may


kaugnayan sa Mongolia o sa pamumuhay ng mga tagarito. Kasunod nito ang
maunawang pagbasa sa dulang “Munting Pagsinta”.
2. Matapos basahin ang dula, ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain 4 na
susundan ng Gawain 5. Isunod ang pagtalakay sa elemento ng dula na at
mapagtitibay ito sa pagsagot sa Gawain 6.
3. Naririto ang mga sagot sa mga gawain:

GAWAIN 4. Ayusin Mo!


1. kulungan
2. nakasalalay
3. magiliw
4. libutin
5. mabagal

GAWAIN 5. Unawain Mo!


1. Bahagi ng dula na naglalarawan ng karaniwang pamumuhay:
 Paggawa ng paraan ni Yesügei upang makasundo ang kaalitang tribo
 Pagsunod ni Tamujin sa utos ng kanyang ama na mamili ng
mapapangasawa
 Pagpili ni Tamujin ng babaeng kaniyang pakakasalan ayon sa sariling
kagustuhan
 Pagdadalawang-isip ni Borte sa pakikipagkasundo ng kasal kay Tamujin
 Pghingi ng bendisyon sa mga magulang ni Borte tungkol sa kasunduang
naganap
 Pag-unawa ni Yesügei sa pagpapasya ng kanyang anak na si Tamujin.

2-7. Ang sagot sa bilang ay nasa pamamatnubay ng guro.

GAWAIN 6. Sagutin Mo!


1. Ang sagot ng mga mag-aaral dito ay hindi magkakapareho batay na rin sa
kanilang pagtingin, kaya ang guro ang titimbang sa kawastuhan ng kanilang
sagot.
2. Samantala, bago suriin ang ikalawang teksto marapat na mailahad ng guro ang
koneksyon ng dalawang akda.
3. Aalamin ng guro ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa binasang dula sa
pamamagitan ng mga tanong na:

a. Bakit nagtatalo ang dalawang tauhan sa dula?


b. Bakit kaya mahalaga ang payo ng isang kaibigan batay sa ipinakita sa
dula?
c. Sino sa mga tauhan ang nauunawaan mo/ di mo nauunawaan? Bakit?
d. Anong uri ng teksto ang binasa? Patunayan.(Naglalarawan sapagkat
ipakita sa dula ang relasyong namamagitan sa mag-ama at ang mga
kaakibat nitong mga damdamin batay sa mga kaganapan.)
e. Sa iyong pananaw, dapat bang pakialaman ng magulang ang
pagpapasya ng kanyang anak? Ipaliwanag.
f. Ano ang damdaming nangibabaw sa iyo matapos mong mabasa ang
dula? Ipaliwanag.
4. Matapos nito, isagawa ang Gawain 7, hindi na rin inilagay ang sagot
sa paghahambing sapagkat nasa patnubay na ito ng guro.
5. Sa puntong ito, ipasuri ang mga pahayag at diyalogong may salunggguhit.
Itanong sa mga mag-aaral, ano ang napansin nila rito? Mula rito, igiya ang mga
mag-aaral tungo sa aralin sa gramatika.
6. Ipaliwanag nang komprehensibo ang kohesiyong gramatikal na
7. pagpapatungkol, ang anapora at katapora.
8. Isunod ang pagsasakatuparan sa mga isinuhestiyong gawain.
9. Naririto ang sagot sa mga gawain sa gramatika/retorika:
10. Pagsapit sa Pagsasanay 4, ang kawastuhan ng sinulat ng mga mag-aaral ay
nasa pagkilatis na ng guro.
11. Upang hindi gaanong mahirapan ang mga mag-aaral sa bahaging ito,
iminumungkahi na ang pagtalakay sa unang teksto ay isang sesyon, isang sesyon
rin para sa ikalawang teksto at isang sesyon sa gramatika/retorika.

C. PAGTATAYA

Pagnilayan at Unawain

1. Magbalik-aral sa mga natalakay. Mainam gamitin ang larong Quiz Bee.


2. Ilabas ang Drop Box, ibalik sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa mga
mahalagang tanong. Tahimik na ipabasa sa mga mag-aaral ang kanilang
naging sagot sa unang araw nang pagtalakay. Matapos nito, ipasagot ang
organizer ng kaliwanagan.
3. Ang inaasahang sagot sa mga mahalagang tanong ay:
Sagot sa Mahalagang Sagot sa Mahalagang
Tanong sa Panitikan Tanong sa
Gramatika/Retorika
Ang dula ay hango sa Gamit ang mga
kasaysayan ng buhay ng kohesiyong gramatikal
tao, mayaman ito sa mga na pagpapatungkol na
makatotohanang anapora at katapora
pangyayari na ating maiiwasan ang pag-uulit
nasaksaksihan sa pang- ng mga salita na
araw-araw na makatutulong sa
pamumuhay. mabisang pagsulat ng
diyalogo. Paalala: Tanggapin ang ibang
paraan ng pagpapahayag ng
sagot ng mga
mag-aaral kung nasa loob ng konteksto ng mga konsepto sa itaas.

D. PAGLALAHAT

Ilipat

GAWAIN____ Suriin Mo!


Suriin ang mga pahayag. Bilugan ang kohesiyong gramatikal na ginamit at
kilalanin kung ito ay Anapora o Katapora.
A – Anapora K – Katapora

_____1. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
_____2. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng
Lourdes.
_____3. Ang mga kababaihan ngayon ay hindi pahuhuli sa pagsabay sa
pagbabagong bunsod ng modernisasyon, sila’y namamayagpag sa iba’t
ibang karera katulad ng mga kalalakihan.
_____4. Iyan ang mga kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay, sipag at tiyaga
talaga ang karaniwang susi sa pagtatagumpay.
_____5. Mamamayan ang buhay ng isang bansa kayat tayo’y nagsisipag sa
paghahanap-buhay.

GAWAIN___ Subukin Mo!


Basahin ang mga pahayag. Punan ng wastong kohesiyong gramatikal ang
patlang. Tukuyin kung ito ay Anapora o Katapora.
A – Anapora K – Katapora

____1. Matutuwa ______ dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-
aaral.
____2. Nagwika _____ na “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”, ipinaliwang ni Jose
Rizal ang
tungkuling ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.
____3. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian,
_________ay taglay niya hanggang kamatayan.
____4. Maraming natutuhan ang mga kabataan gamit ang ICT, _____ nila nakukuha
ang mga mahahalagang impormasyon kailangan sa pag-aaral.
____5. Sa panahon ng ________ pag-aaral, matinding pagsusunog ng kilay ang
kailangan upang makamit ng mga mag-aaral ang inaasam na diploma.

1. Pag-usapan ang kulturang Mongolia na lumitaw sa unang dulang pinag-aralan


o iba pang kultura ng Silangang Asya. Maaaring magpalaro ng paramihan ng
maitatalang kultura ng Silangang Asya. (Makabubuti rin na bago ang yugtong
ilipat ay ibigay na takdang-aralin sa mag-aaral ang pagsasaliksik sa kultura ng
Silangang Asya.)
2. Pagkatapos, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang inaasahan sa kanila sa
pagganap. Ihayag ang GRASPS:

G- Makapagtanghal ng isang dula na nagpapakita ng karaniwang


pamumuhay at kultura ng Silangang Asya
R- Miyembro ng Performing Arts/Manananghal
A- Dignitaryo mula sa Silangang Asya
S- Aliwin ang mga dignitaryo sa unang gabi ng kanilang pagbisita sa bansa
P- Magtanghal ng isang dula sa Silangang Asya
S- Ang pamantayan ay:

Pamantayan Bahagdan
Kahusayan Sa Pagganap 30%
Orihinalidad 30%
Kabuuang Pagtatanghal 30%
Pagkamakatotohanan 10%
Kabuuang Marka 100%
Marka:
Napakahusay- 100-91%
Mahusay- 90-81%
Mahusay-husay- 80-75%
Nagsisimula- 74%-pababa

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro sa Filipino

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
(8:40-9:40 9-Narra / 10:00-11:00 9-Molave)
_____________________

I. LAYUNIN

a. Nakikilala ang ilang mga tauhan na kasali sa Kabanata XIII at XIV ng nobelang
Noli Me Tangere.
b. Nabibigyang kahulugan ang ilang mga sagabal na salita sa kabanata.
c. Nailalahad ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa kabanata.

II. NILALAMAN

a. Paksa
b. Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal
-Kabanata XIII “Ang Badya ng Unos”
-Kabanata XIV “Si Pilosopo Tasyo”
D. Sanggunian
 Aklat ng Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal

E. Kagamitan
 Manila paper
 Aklat

III. PAMAMARAAN

F. Panimulang Gawain

D. Panalangin
E. Pagkuha ng Liban sa Klase
F. Balik Aral
Tatawag ang guro ng mag-aaral na makakapagbigay buod sa kabanata
XI at XII ng Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal.

G. Pagganyak
Hahatiin ang klase sa dalawang na pangkat, bibigyan sila ng manila paper
at sasagutan ang unang kolum ng chart na “ALAM KO NA” sa ibaba base sa
mga sumusunod na katanungan:
 Kapag naririnig ninyo ang salitang unos, ano ang pumapasok sa inyong
isipan?
 Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na bigyan ng sariling
pagpapakahulugan ang salitang pilosopo, ano ang magiging kahulugan
nito?
NALAMAN KO
MGA SALITA ALAM KO NA (base sa nabasang
kabanata sa Noli Me
Tangere)

Unos

Pilosopo

Pagkatapos sagutan ang mga katanungan sa loob ng limanng minuto ay


sisimulan na ang paglalahad ng mga bagong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere.

G. Paglinang sa Aralin

H. Paglalahad
Ilalahad ng mga tagapag-ulat ang iniatas sa kanilang kabanata sa nobelang
Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal na Kabanata XIII “Ang Badya ng Unos” at
Kabanata XIV “Si Pilosopo Tasyo”

I. Paglalapat
Base sa natalakay na mga mga kabanata, kukunin ulit ng ng bawat
pangkat ang kanilang manila paper upang sagutin ang pangalawang kolum ng
chart sa loob ng limang minuto. Pipili sila ng isang tagapag-ulat na magbibigay
katuwiran sa kanilang mga kasagutan sa harapan. Bibigyan lamang ng
dalawang minuto ang mga tagapag-ulat upang maipaliwanag ang sagot.

J. Paglalahat
Base sa naiulat na mga kabanata, ilalahad ng guro ang mga sumusunod
na katanungan:

KABANATA XIII
1. Ano ang layon ni Crisostomo sa kanyang pagdalaw sa libingan?
2. Sa inyong palagay, makatwiran ba ng ginawang pagpapalipat ng
libingan ng bangkay ng ama ni Crisostomo? Bakit? Kung ikaw ang
tagapaglibing, susundin mo ba ang utos ng kura? Pangatwiranan.
3. Paano ipinahayag ni Crisostomo ang kanyang damdamin sa
tagapaglibing?
4. Bakit hindi kasiya-siya ang pagpapalibing noon sa libingan ng mga
Intsik?

KABANATA XIV
1. Ano-anong mga pangyayari ang nagtulak kay Don Anastacio upang
magpakabihasa sa pagbabasa ng mga aklat?
2. Sang-ayon ba kayo sa palagay ng mga tao kay Don Anastacio na siya
ay pilosopo o baliw?
3. Sa nailahad na mga kabanata, ano-anong mga pamimilosopo ni
Pilosopo Tasyo ang hindi mo sinang-ayunan? Bakit? Alin naman doon
ang iyong sinang-ayunan? Bakit?
4. Sa iyong palagay, kampi ba o hindi si Pilosopo Tasyo sa mga
patakaran ng simbahan? Bakit? Maglahad ng patunay.
5. Dapat bang kaawaan o pamarisan si Pilosopo Tasyo? Pangatwiranan
ang sagot.

K. Pagtataya
Magbibigay ng maikling pagsusulit ang mga naatasang tagapag-ulat
base sa Kabanata XIII at XIV ng nobelang Noli Me Tangere.

TALASALITAAN

1. Namangha si Crisostomo ng matuklasang ipinalipat ng libingan ang


bangkay ng kanyang ama. Ibigay ang kahulugan ng salitang namangha.
2. Halatang ang ibang nitso ay hindi na nadadalaw ng kanilang mga kamag-
anak dahil napapaligiran na ito ng mga damong ligaw. Ibigay ang
kahulugan ng salitang nitso.
3. Halatang ang ibang nitso ay hindi na nadadalaw ng kanilang mga kamag-
anak dahil napapaligiran na ito ng mga damong ligaw. Ibigay ang
kahulugan ng salitang napapaligiran
4. Kilala siyang Pilosopo Tasyo ngunit tinagunyaan din siyang baliw. Ibigay
ang kahulugan ng salitang tinagunyaan
5. Ipinagsawalang bahala na lang ni Mang Tasyo ang mga panlalait sa kanya
at paglapastangan sa katauhan niya. Ibigay ang kahulugan ng salitang
panlalait.
6. Ipinagsawalang bahala na lang ni Mang Tasyo ang mga panlalait sa kanya
at paglapastangan sa katauhan niya. Ibigay ang kahulugan ng salitang
paglapastangan.
7. Nabuwal na ang malaking krus na magsisilbi sanang palatandan ni
Crisostomo sa libingan ng kanyang ama. Ibigay ang kahulugan ng salitang
nabuwal
8. Inisip ni Crisostomo na ganid si Padre Damaso dahil sa ginawa nito sa
bangkay ng kanyang ama. Ibigay ang kahulugan ng salitang ganid.
9. Kinuha niya ang garapon at inalog ito. Pinakinggan niya ang mga kalansing
ng barya sa loob nito. Ibigay ang kahulugan ng salitang inalog.
10.Malayo pa lang ay nanunuot na ang humahalimuyak na amoy ng
sampaguita na naroong nakatanaw sa tahimik na himlayan ng mga
namayapa.

PAGKILALA SA TAUHAN

1. Siya ang itinuturing na pinakamatalinong tao sa San Diego.


2. Ang kanyang bangkay ay ipinalipat sa libingan ng mga Intsik dahil
pinaratangan siyang pilibustero.
3. Ang kurang nag-utos na ipahukay at ipalipat ang bangkay ni Don Rafael sa
libingan ng mga Intsik.
4. Ang pinagbuntunan ni Crisostomo ng galit niya sap ag-aakalang ito ang
nagpalipat sa bangkay ng kanyang ama.
5. Sino ang hindi naniniwala sa purgatoryo?

3. Kasunduan
Pumili ng isa sa mga sumusunod na pilosopiya. Sumulat ng maikling sanaysay
ukol dito na nagpapaliwanag ng inyong oipnyon at saloobin. Isulat ito sa isang
buong papel

a. “Marapat papurihan ang mabuting tao habang siya ay nabubuhay at hindi


kung patay na.
b. “Hindi n asana nilalang ng Diyos ang tao kung sa pagpapaligaya sa isa’y
papaghirapin naman ang marami”

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro sa Filipino

Noted by:

STEPHEN D. MAYOR
School Head

Observed by:

LOURDES C. MANLAPUS
Education Program Supervisor-Filipino

You might also like