You are on page 1of 4

Alam mo ba na…

ang Cohesive Device na Reference o Kohesiyong Gramatikal na Pagpapatungkol ay mga salitang


nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.

Halimbawa: Ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop)


Sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)

Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa, ang Anapora at Katapora.

1. Anapora- ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangangalan sa unahan.

Halimbawa:

1. Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.

2. Si Rita’y nakapagturo sa paaralang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.

3. Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit.

2. Katapora- Ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.

Halimbawa:

1. Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido, si Manoling ay kahiya-hiya!

2. Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga tao?

GAWAIN____ Suriin Mo!


Suriin ang mga pahayag. Bilugan ang kohesiyong gramatikal na ginamit at kilalanin kung ito ay
Anapora o Katapora.
A – Anapora K – Katapora

_____ 1. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
_____ 2. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng Lourdes.
_____3. Ang mga kababaihan ngayon ay hindi pahuhuli sa pagsabay sa pagbabagong bunsod ng
modernisasyon, sila’y namamayagpag sa iba’t ibang karera katulad ng mga kalalakihan.
_____4. Iyan ang mga kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay, sipag at tiyaga talaga ang
karaniwang susi sa pagtatagumpay.
_____5. Mamamayan ang buhay ng isang bansa kayat tayo’y nagsisipag sa paghahanap-buhay.

GAWAIN___ Subukin Mo!


Basahin ang mga pahayag. Punan ng wastong kohesiyong gramatikal ang patlang. Tukuyin kung ito ay
Anapora o Katapora.
A – Anapora K – Katapora

____1. Matutuwa ______ dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-aaral.
____2. Nagwika _____ na “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”, ipinaliwang ni Jose Rizal ang
tungkuling ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.
____3. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian, ____ay taglay
niya hanggang kamatayan.
____4. Maraming natutuhan ang mga kabataan gamit ang ICT, _____ nila nakukuha ang mga mahahalagang
impormasyon kailangan sa pag-aaral.
____5. Sa panahon ng ________ pag-aaral, matinding pagsusunog ng kilay ang kailangan upang makamit
ng mga mag-aaral ang inaasam na diploma.

Alam mo ba na...
para kay Badayos, multidimensyonal na proseso ang pagsulat na binubuo ng sumusunod na proseso:
 Bago sumulat
- Binubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga ideya at pagbuo ng mga ideya
 Pagsulat
- Pagbuo ng draft, pagtanggap ng feedback, pagsangguni at pagrerebisa
 Paglalathala
- Sangkot dito ang pagdidisplay ng komposisyon o sulatin sa bulletin board o kaya’y paglilimbag
Mga Hakbang sa Pagsulat
 Pre-writing- Dito ang pamimili ng paksa at pangangalap ng impormasyon para sa susulatin.
 Actual Writing-Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador/draft.
 Rewriting- Nagaganap dito ang pagrerebisa, pagwawasto at paghahanay ng ideya o lohika.

Mga Mungkahing Tanong Sa Pagsulat


 Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
 Ano ang layunin sa pagsulat nito?
 Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
 Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking
paksa?
 Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
 Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?
 Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan ko ito dapat ipasa?
 Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?

Mga Tanong sa Pagrerebisa ng Sinulat

 Tama ba ang aking pangungusap?


 Maayos at malinaw ba ang pagkakalahad?
 May pagkakaugnay ba ang aking mga ideya?
 May malabo bang ideya?
 Angkop ba ang ginamit kong salita?
 May kaisahan ba ang bawat talataan ?
 Malinaw ba ang pangkalahatang mensahe?
MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING

1.Pahambing o Komparatibo ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o lebel ng katangian ng tao,
bagay, ideya , pangyayari at iba pa.May dalawang uri ang kaantasang pahambing:

a. Paghahambing na magkatulad- Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas
na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, magka- ,ga’ ,sing’, kasing’, magsing’,
magkasing’ ,at mga salitang paris, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/
kamukha.

Ka- :nangangahulugan ng kaisa o katulad


Halimbawa:
Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.

Magka- :nangangahulugang patas na o pagkakatulad.


Halimbawa:
Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.

Sing’ -( sin’- /sim’): gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.
Halimbawa:
Singganda ng India ang Singapore.
Magkasingganda ang India at Singapore.

Kasing’ (kasin’/kasim’) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing’,(sin’/sim’). Pansining kapag ginamit
sa pangungusap, ganito ang pattern ng pagkabuo: kasing + s.u + ng/ni +pangngalan + si/ang+png.
Halimbawa:
Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya

Magsing( magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng pangungusap.


Halimbawa:
Ang dalawang bansa ay magsingyaman.

Ga-/gangga-: nangangahulugan ng gaya, tulad, para,paris


Halimbawa:
Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang magkaroon ng
pagkakaisa.

I. Paghahambing na Di-Magkatulad kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa


pinatutunayang pangungusap.

May dalawang uri ang hambingang di magkatulad:

1.Hambingang Pasahol- May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.


Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing.

Lalo- (ginagamit rin sa palamang kung kaya’t idiin at bigyang-halimbawa ang pagkakaiba sa
gamit)nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sakulang na katangian. Sinusundan ito ng katuwang
na panghambing na kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa / kaysa sa kung ngalang
bagay / pangyayari.

Di-gasino_tulad ng.ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman
sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya,tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni.
Halimbawa:
Di-gaano_tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang ginagamit.

Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa di-
gasino at di-gaano.

2. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.


Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:
Lalo- Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-
uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa
sa/kay.

 Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.


Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
 Higit na malinis ang isa sa isa.
Labis-tulad din ng higit o mas
 Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri
 Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu.

Moderasyon/Katamtaman: Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng


salitang medyo na sinusundan ng pang-uri sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo
sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han

Di-gasino_tulad ng.ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman
sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya,tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni.
Halimbawa:
Di-gaano_tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang ginagamit.

Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa di-
gasino at di-gaano.

2. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.


Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:
Lalo- Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-
uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa
sa/kay.

 Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.


Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
 Higit na malinis ang isa sa isa.
Labis-tulad din ng higit o mas
 Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri
 Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu.

Moderasyon/Katamtaman: Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng


salitang medyo na sinusundan ng pang-uri sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo
sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han

You might also like