You are on page 1of 13

TALAKAYAN

DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING

1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang


pinaghahambing ay may patas o pantay na katangian. Ginagamitan ito ng
mga panlaping:
1. -kasing 3. Sing-
2. -magsing 4. magkasing-

O mga salitang:
1. gaya 3. kapwa 5. paris
2. katulad 4. Pareho

magkasing - nangangahulugan ng kaisahan o pagkakatulad


Halimbawa:
Magkasing haba ang kasabihan at salawikain.
magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad
Halimbawa: Magkamukha ang kanyang mag-ina.
sing- (sim-/sin-) nagagamit sa lahat ng uri ng paghahambing na magkatulad
Halimbawa: Sing-ugali ni ama ang anak. (Kung ano ang puno, siya ang
bunga)
kasing- (kasin-/kasim-) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng
sing, (sin/sim). Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito ang
huwaran ng pagkabuo: kasing + salitang ugat + ng/ni + pangngalan +
si/ang + pangngalan.
Halimbawa: Kasimpusong bakal ni Edward si Mark. (di-marunong
magpatawad)
magsing- (magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa
ng pangungusap.
Halimbawa: Ang dalawang magkapatid ay magsing-usad-pagong sa
paglalakad. (Mabagal)
ga-(gangga-)-nangangahulugan ng gaya, tulad, paris
Halimbawa: Ganggabutas ang bulsa ang mag-amang Cruz.
2. Paghahambing na Di-magkatulad

a. Pasahol - Pasahol ang pang-uri kung ang inihahahambing ay may mas


maliit o mas mababang katangian. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng:
1. di-gaaano 3. di-lubha 5. lalo
2. di-totoo 4. di-gasino.
Lalo – nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa sa kulang na
katangian. Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na
kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa/ kaysa sa
kung ngalan ng bagay at pangyayari
Halimbawa: Lalong nagsusunog ng kilay si Anne para sa kanyang
magandang kinabukasan.
Di-gasino – tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangina ng
mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang
naghahambing kabilang ang gaya, tulad, para o paris na sinusundan
ng panandang ni.

Halimbawa: Di-gasinong madulas ang dila (nasasabi ang hindi


dapat sabihin) ni Ama tulad ni ina.

Di-gaano – tulad ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang


ginagamit.
Halimbawa: Di-gaanong madali ang pagsusuri sa Matematika kaysa
sa Science
Di-totoo – nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang
uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at-di-gaano.
Halimbawa: Di-totoong wala ng mga taong pusong-mamon sa
panahon ngayon
b. Palamang- Ginagamit ang pahambing na palamang kung ang ikinukumpara
ay may mas mataas o nakahihigit na katangian. Gumagamit ito ng mga
salitang higit, lalo, mas, labis at di-hamak.

Lalo – Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at hindi kung


ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan,
kalabisan o kahigitan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.
Halimbawa: Lalo nang basa na ang papel (di- mapagkatiwalaan) sa akin ni
Victor dahil sa dami ng kasinungalingan.

Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili nagsasaad ng kalamangan kung


ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa: Higit na nagtataglay ng talinghaga ang salawikain kaysa sa
kasabihan.

Labis- tulad din ng higit o mas


Halimbawa :
Labis na halagang-ginto (napakamahal) ang bibilhin ngayong
pandemya kaysa noon .

Di-hamak – kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri.


Halimbawa:
Mabuting di-hamak ang isang ibong nasa palad kaysa sandaang
ibong nasa papawirin at lumilipad.

Talinghaga- ay mga lipon ng salita na may ibang kahulugan. Ito ay di-tuwirang


pagbibigay ng kahulugan. Ang mga salitang ginamit ay hindi pangkaraniwan
at may malalim na kahulugan. Kadalasan ang kahulugan ng pahayag ay

hango sa karanasan ng tao gaya ng mga bagay-bagay sa paligid o


pangyayari sa buhay.

Halimbawa:
1.Umiral na naman ang taingang kawali ( nagbingibingihan) ni Anna nang
tawagin siya ng kanyang ina para hindi labas nang labas lalo ngayong
pandemya.
2. Ilang buwan na ring nagbibilang ng poste (walang trabaho)si Rose mula
nang matapos ang kanyang kontrata sa bentahan ng sapatos pagkaroon
ng pandemya.
3. Gusto nating malampasan lahat ang basang sisiw ( kahirapan/
mahirap)sa ating pamumuhay kaya tayo ay nagsisikap lalo ngayong
pandemya.
Banghay- Tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento o paksa. Nakalahad dito nang maayos ang mga pasalaysay na pangyayari sa binasang akda.

Ang Banghay, Ang Mga Bahagi, At Element Nito.

1. Mga Bahagi

A. Simula – Dito pa lamang ay mababanggit na ang kilos, paglinang sa tao, mga hadlang o suliranin
B. Gitna – Naglalaman ito ng mga kawi-kawing maayos, sunod-sunod at magkakaugnay ugnay na
mga pangyayari.
C. Wakas – Dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.

2. Mga Elemento

A. Panimulang Pangyayari – Sa bahaging ito pinakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at
tagpuan. Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat na mapukaw sa interes ng mga
mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa ng akda.
B. Pataas na Aksyon – Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan na
humahantong sa sukdulan. Nahahati ito sa saglit na kasiglahan at tunggalian na may suliraning
lulunasan o lulutasin ng tauhan.
C. Kasukdulan – Dito sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng
damdamin o maaksyong pangyayari sa buhay ng mga tauhan.
D. Pababang Aksyon – Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa mga
pangyayari sa akda. Ditto inihuhudyat ang pababang aksyon na nagbibigay-daan sa nalalapit na
katapusan ng akda.
E. Wakas at Katapusan – Ang kahihinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa akda ang
inilalahad nito.
Pakikinig – Ang pakikinig sa makatuwid ay ang pag-unawa sa kahulugan ng mga tunog.
Pag-unawa – Ito ay ang pag-intindi sa kahulugan ng tektso o sa mga susing salita nito
napakinggan man o nabasa.
Paghihinala – Pagbibigay ng saloobin sa binasa o pagbubuo ng sarling palagay, pasiya o resulta
ng pangyayari ayon sa mga detalyeng inilahad o binasa.

Uri ng Epektibong Pakikinig

1. Pakikinig na mardyinal o pasib – Habang nagsasalita, ang tagapakinig ay may ginawang bagay.
Halimbawa: nananahi, nagdidilig ng halaman.

2. Pakikinig sa Kritikal/Analitikal – Sa uring ito, pinapakinggang mabuti at ng tagapakinig ang


sinasabi ng nagsasalita upang kanyang masuri ang mga salita, pangungusap at buog ideyang
sinasabi ng nagsasalita.

3. Pakikinig na Kritikal/Judgmental – Sa uring ito, nag-iisip at nag dedesisyon ang tagapakinig kung
tama o mali, kung sang-ayon o di sang-ayon sa ideya o konseptong kanyang pinapakinggan.
Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na dapat malinang at mahasa sa mga
mag-aaral na tulad mo. Sa pagsulat ay kailangang mayroong kakayahang naglalaman
ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan at retorika. Walang manunulat
ang bigla na lang susulat may mga proseso na dapat isaalang-alang upang maging
epektibo ang pagtatalata. Ano ba ang Talata? Naranasan mo na bang sumulat ng
inyong sariling komposisyon? Halina’t tuklasin natin ang mga hakbang o proseso ng
pagtatalata.

Kahulugan at Kalikasan

Pagsulat- isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t-ibang layunin.


Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit natin ang ating mga kamay sa pagsulat o
pagpindot ng keyboard ng kompyuter. Mental na aktibiti naman sapagkat ito ay isang
eherisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang isang tiyak na metodo ng
debelopment ng pagorganisa ayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.

Talata- binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng


isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.

Proseso ng Pagsulat
Ang isang mabisang sulatin ay dumadaan sa iba’t ibang hakbang. Ito ang
mga sumusunod:

1. Paghahanda sa Pagsulat
Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impromasyon at
ideya para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na binubuo ng paglikha,
pagtuklas, pagdepelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang
hakbang na maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang kanyang burador.
2. Aktwal na Pagsulat
Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga ideya sa mga
pangungusap at talata. Nageeksperimento na ang manunulat sa pagbuo ng
kanyang sulatin. Malaya siyang gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan o istilo sa
paglalahad ng kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito Malaya niyang inaalis,
dinadagdagan o isinasaayos muli ang mga detalye. Gayunpaman, hindi parin
siya binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa
gramatika, sa paggamit ng wika at mekaniks.

3. Muling Pagsulat
Sa hakbang na ito nagaganap ang paglilimi o pagbasang muli sa teksto upang
Makita ng manunulat ang kasapatan o kakulangan ng pagkakasulat .
Pagtatanong sa sarili kung nasagot na ng sulatin ang kailangang masagot sa
paksa. At dito makikita ng manunulat kung nagawa ba ang lohikal na
presentasyon- ang simula, gitna at wakas.

4. Pagrerebisa o Pag-eedit
Ang pagreresiba o pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling
pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin
upang tumugma sa iniisip ng manunulat. Ang hakbang na ito ay nasasangkot sa
maraming pagbabago sa nilalaman, sa organisasyon ng mga ideya at sa
istraktura ng mga pangungusap at talata kung nasusunod ang talataan, sintaks,
pagpili ng mga salita, ispelling, bantas at gamit ng malaking titik at kaabuuan.
Maari paring baguhin ang paksa,magdagdag ng mga detalye at muling isaayos
ang buong sulatin.

Mga Bahagi ng Talata


1. Simula- dito nakikita o nahihiwatigan ang paksa at layunin ng may-akda sa
pagtalakay na maaring pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o
pagmamatuwid. Kailangang makatawag pansin ang bahaging ito. Maaring
simulan ito ng patanong, anekdota o kasabihan na nauugnay sa paksa.
2. Gitna- pinakakatawan ng pangungusap. Sa bahaging ito pinapaunlad ng
manunulat ang paksa.

3. Wakas- inihahayag ng manunulat ang isang mabisang konklusyon o


pagbubuod sa mga detaye na inilahad tungkol sa paksa na mag-iiwan sa
mga mambabasa ng matingding epekto na magpapa-isip sa kanila tungkol sa
paksa.

Mga Kailangang Taglayin ng


Epektibong Talata
1. Kaisahan- pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata. May iisang direksyong
tinutunton ng bawat pangungusap.Tukuyin ang paksang gustong idebelop at
ipahayag sa isang pamaksang pangungusapna maari pang idebelop ayon sa
layunin at suportahan ang pamaksang pangungusap ng mga detalyeng
makadebelop sa ideya.

2. Kohirens- tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng isang


talataan. Tumutukoy ito sa lebel ng pangungusap sa pagkakasundo ng paksa at
panaguri; sa talata tumutukoy ito sa daloy ng mga pangungusap sa talataan.

3. Empasis- tumutukoy naman ito sa pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa


bahagi ng komposisyong nangangailangan ng pagbibigay-diin.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng


Talata
1. Simulan ng makatawag- pansin na pangungusap ang talata.
2. May isang paksang pangungusap sa bawat talata.
3. Bawat pangungusap sa talata ay tumutulong sa pagpapaliwanag sa paksang
pangungusap.
4. Ayusin sa lohikal na pagkakasunod-sunod ang mga pangungusap.
5. Mabisang iklian lamang ang mga pangungusap upang madaling maunawaan.
6. Gumamit ng wastong bantas sa mga pangungusap sa loob ng talataan.
7. Ipasok ang unang salita sa bawat talata.
8. Tapusin ang talata sa epektibong pamamaraan.
9. Walang lumilihis na pangungusap bagkus umaagapay sa pagbuo ng malinaw na
diwa.
May wastong paglilipat-diwa.

Paksa ang tawag sa pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa teksto at ang mga


detalyeng nakalahad sa teksto ay nauugnay sa paksa.

Pagpapalawak ng Paksa- dito tatalakayin kung ano ang mga teknik o paraan ng
pagpapalawak ng isang paksa at ang mga halimbawa nito.

Kapag ika’y sumusulat tungkol sa isang paksa, palagi nating itanong kung paano pa ito
palalawakin. Pero, dapat tandaan na ang pagpapalawak nito ay laging nakasentro o
nakapokus sa pangunahing paksa.

Isa sa mga paraan upang palawakin ito ay ang pag-iisip ng mga salita o ideya na
magkakaugnay sa ating pangunahing paksa. Halimbawa kung ang ating paksa ay
tungkol sa mga “Bayani ng Pilipinas”, maari tayong magsimula sa mga sikat na bayani
katulad ni Dr. Jose P. Rizal o Andres Bonifacio

Pagkatapos nito ay maari tayong sumulat ng kaunting detalye o impormasyon kaugnay


sa buhay nila, ang kanilang naging kontribusyon para sa bansa. Maari rin nating
tangkilikin ang mga makabagong bayani tulad ng mga guro, police, doctor, OFW at iba
pang may malaking ambag sa pag-unlad ng ibang tao o sa bansa.
Bukod dito, maari din tayong kumuha ng datos mula sa mga lehitimong mapagkukunan.
Sa paraang ito magkakaroon tayo ng perspektibo at matibay na batayan sa
pagpapalawak ng paksa.

Mga Iba’t ibang Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa

1. PAGBIBIGAY KATUTURAN O DEPINISYON


Ang mga salitang hindi agad-agad naiintindihan ay kailangang bigyan ng
kahulugan o depinisyon . Ito ay mga bagay o kaisipan na kailangang higit na
masaklaw ang pagpapaliwanag. Ang Kaurian , kaantasan at kaibahan ng mga
salitang ito ay binibigyang-diin sa pagbibigay depinisyon.

Halimbawa:
Ano ang Coronavirus?
Ang Coronavirus ay mga pamilya ng mga virus na nagdudulot ng
sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad
ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS)
Ang Novel Coronavirus ay panibagong uri ng coronavirus na hindi pa
nakikita sa tao noon.

MGA PARAAN SA PAGBIBIGAY KATUTURAN O DEPINISYON


a) Nilalagay sa loob o katawan ng teksto ang depinisyon upang liwanagin
ang kahulugan

Halimbawa:
Sa salitang kalinangan ay nabibilang ang mga materyal at
ispiritwal na katuparan ng isang lahi- ang kanilang pananamit, pagkain,
tirahan, pamahalaan, batasan, pananampalataya, kasalan, pananalita,
panitikan, sining, agham at kaugalian. Sa salita ni Dr. Edward B.
Tayler, isang tanyag na antropolohistang Ingles. Ang Kabhasnan o
kalinangan ay isang malawak na kabuuan na sumasaklaw sa
karunungan, paniniwala at iba pang kakayahan at kaugalian na
nakamit ng tao bilang kasapi ng isang lipunan. Sa ganitong konsepto
ng kalinagan bilang ating pansukat ay matiwasay nating maipalalagay
na tayo’y may angking sariling kalinangan

 Ang nakasulat ng madiin ang paksa sa talata. Samantala ang


katuturan at depinsyon ay ang nasalungguhitang pangungusap
na makikita sa bahaging gitna ng talata.

b) Pagbibigay halimbawa

Halimbawa:
Ang Panitikang Pilipino ay ang nakasulat na isang akda ng mga
manunulat na Pilipino.sa Kastila Ingles at Filipino. Halimbawa; Ilokano,
Pangasinense, Pampango, Bicol, Cebuano,Hiligaynon, Waray,
Tausug, Maranao atbp. Kasama rin nito ang 5 nakasulat na panitikang-
bayan gaya ng mga epiko, kuwentong-bayan,awiting-bayan, bugtong,
alamat pabula at iba pa.

 Upang mapalawak ang paksang Panitikang Pilipino binaggit


ang walong dayalekto at mga akdang kabilang dito

c) Pagdaragdag ng sariling konsepto o ilustrasyon batay sa karanasan

Halimbawa:
Maraming katuturan ang pagmamahal, ito’y mayroon ding iba’t
ibang uri. Sa tanang buhay ko iisa na lamang ang hindi ko pa
naranasan, ang pakiramdam ng umibig sa ibang kasarian.

 Dito idinaragdag ang sariling karanasan o konsepto

MGA URI NG PAGBIBIGAY DEPINISYON


a. Maanyong Depinisyon -ito ay tumutukoy sa isang maktuwirang
pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malawak na kaalaman.
Ito ay tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at
ensayklopedya.

Tatlong bahagi ng Maanyong Depinisyon


1. Katawagan o Term
-mga salitang ipinaliliwanag o binibigyang depinisyon.

Halimbawa:
Tula

2. Klase o Uri (Genius)


-ito ay ang kategoryang kinabibilangan o pangkat na
binubuo ng mga katulad na bagay.

Halimbawa:
Ang tula ay isang uri ng panitikan.

3. Mga katangiang ikinaiba ng salita(Differences)


-ito ay mga paglalarawan na ikinaiba ng salitang bibibigyang
depinisyon sa iba pang salita o katawagan.

Halimbawa:
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao na may sukat at tugma
at gumagamit ng matatalinghagang pahayag na nakatago ang
kahulugan.

b. Depinisyong Pasalaysay -ito ay isang uri ng depinisyon na


nagbibigay ng kargdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-wili,
makapangyarihan at nakapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng
mga mambabasa.
Halimbawa:
Madaling makilala ang tula sapagkat karaniwan itong may
batayan o pattern sa pagbigyan ng huling salita. Binubuo ito ng
saknong at taludtod. Ito ay ginagamitan ng matatalinghagang
pahayag.

2. PAGHAHAWIG O PAGTATAMBIS
-Binibigyang-diin ang pagkakaiba(Pagtatambis) at pagkakatulad (Paghahawig)
ng paksa. Ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang
mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang ang magkakaiba
ay pinagtatambis upang maibukod ang isa sa isa.

Halimbawa:
Ang coronavirus ayon sa DOH, ay malaking pamilya ng mga virus
mula sa simpleng pangkaraniwang lagnat hanggang sa mga
seryosong impeksyon gaya ng MERS-CoV at SARS-CoV

 Malinaw sa halimbawang teksto na ang paksa ay inihambing


ang pagkakatulad at pagkakaiba sa dalawang variant pa ng
virus

3. PAGSUSURI
Nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng isang bagay kundi
pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa. Ito ay sistematikong
pagpapaliwanag ng paksa sa pamamagitan ng paghihimay-himay sa bahagi nito.

Halimbawa:
Nakakahawa ba ang Covid19 ng tao sa tao?
Ayon sa kasalukuyang sitwasyon, may ilang coronavirus na
maaring maipasa ng tao sa tao (Human to human transmission).
Kadalasan, ay nangyayari ito sa malapitang pakikisalamuha (Close
Contact) sa ibang tao na mayroon nito tulad sa bahay, trabaho,
byahe, pagtitipon at health facility.
Ang SANHI ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Ang BUNGA ay ang resulta o kinalalabasan o dulot ng mga pangyayari.
Ang paglalahad ng SANHI at BUNGA sinasagot ang mga katanungang Bakit
ito nangyari? at ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa unang
tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa
bunga.
 Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan:
o Sapagkat/ pagkat………
o Dahil/ dahilan sa………..
o Palibhasa, at kasi………
o Naging……………
 Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta:
o Kaya/ kaya naman………..
o Kung kaya………
o Bunga nito………
o Tuloy………..

Halimbawa ng SANHI at BUNGA:


1. Nahuli si Peter sa pagpasok sa kanyang klase dahil tanghali na itong
gumising.
2. Nakaligtaan niyang mag-aral kaya hindi siya nakapasa sa pagsusulit.

Balikan ang unang pangungusap at itanong kung anong nangyari at ang sagot ay
Nahuli si Peter sa pagpasok na nangangahulugan na ito ay bunga. Ang pangalawang
pangungusap naman, ang sagot sa tanong na bakit nangyari ay ang sagot ay hindi
nakapasa sa pagsusulit na ito naman ay ang sanhi sa pangungusap.

You might also like