Karunungang Bayan- ay ang unang tula ng mga Pilipino.
o. Ito ay tumutukoy sa isang uri o klase ng panitikang nagsisilbing daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa kultura ng isang lahi, tribo o bayan.
o karunungang-bayan ay bahagi ng panitikan na nagbibigay ng daan para maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng
isang tribo.
o Pinapatibay nito ang pagpapahalaga sa kultura at kabihasnan sapagkat sinasalamin nito ang tradisyon, paniniwala at pamumuhay ng mga taong
nakatira sa isang partikular na bayan.
Uri ng Karunungang- Bayan
Bugtong
o Ito ay isang pangungusap na patanong na humihingi ng kasagutan.
o Ito ay patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Sawikain
o Ito ay patalinghagang pagpapahayag ng ideya. Ginagamit ito upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
o Ito ay patalinghagang pagpapahayag ng ideya. Ginagamit ito upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
Salawikain
o Ito ay karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago.
o Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Kasabihan
o Ito ay nagbibigay ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa pang araw- araw na gawain, kilos o desisyon sa buhay.
o Kaiba sa salawikain, ito ay hindi gumagamit ng talinhaga.
Talinhaga- Lipon ng mga salita o pahayag na may malalim na kahulugang ipinahahayag o higit sa literal na kahulugan.
o Halimbawa:
Kabiyak ng puso- Asawa
Dapit hapon ng buhay-katandaan
Naniningalang pugad-Panliligaw
Ilaw ng tahanan- Ina
Eupimistiko- Ang mga salita, ekspresyon o pahayag na sadyang pinagaganda ang paggamit upang hindi lubos na makasakit ng damdamin, di
lubos na makapgpalungkot at di lubos na makapagpagalit sa kapwa.
Hindi tahasan ang pagsasabi ng mensahe kaya gumagamit ito ng mga hindi bullgar/ balbal na salita.
Ang mga salita, ekspresyon o pahayag na sadyang pinagaganda ang paggamit upang hindi lubos na makasakit ng damdamin, di lubos na
makapgpalungkot at di lubos na makapagpagalit sa kapwa.
Hindi tahasan ang pagsasabi ng mensahe kaya gumagamit ito ng mga hindi bullgar/ balbal na salita.
Kasalungat- kabaligtarang kahulugan ng isang salit
o Halimbawa
Maganda- pangit
Mabaho- mabango
Malinis- madumi
KAsingkahulugan- kaparehong kahulugan ng salita
o Halimbawa
Maganda- marikit
Maliit- maunti
Marumi-madungis
DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING
o Pahambing na Magkatulad
Ginagamit ito kung ang ang dalawang pinaghambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping, kasing, sing, magsing, at
magkasing o kaya ay mga gaya, tulad paris, kapwa at heto.
Halimbawa
Ang buhay ay gaya ng gulong minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw.
Kapwa nakakapagpatalas ng isip ang bugtong at palaisipan.
Parehong nagsunog ng kilay ang magkapatid kaya sila ay naging matagumpay.
o Paghahambing na Di- Magkatulad
A.Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang higit, lalo, mas, di-hamak.
Halimbawa:
Mas madaling laruin ang bugtong kaysa sa palaisipan.
Di- hamak na madaling unawain ang sawikain kaysa salawikain.
Higit na mapag-aruga ang ilaw ng tahanan kaysa haligi ng tahanan
B. Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing . Ginagamit ang di-gaano, di—gasino, di-masyado.
Halimbawa
o Di-gasinong alam ng mga mag-aaral ang salawikain kaysa bugtong.
o Ang mga salitang ginagamit sa pick-up lines ay di-masyadong ginagamit sa bugtong.
o Di-masyadong pinapansin ang mga batang may gatas pa sa labi
o Paano mo ito pinag susunod-sunod?
Ang pangyayari o hakbang ay inaaayos nang may pagkakasunud-sunod ayon sa panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya,
kaalaman, konsepto, impormasyon, gawain, o pangyayari sa isang kwento.
Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang hulwaran ng pagkakasunud-sunod ng mga pangayayari sa kwento ay:
o una, pangalawa
o sumunod
o pagkatapos
o nang malaunan
o nagsimula
o unang-una
o sa wakas
o ang pinakahuli
o pinakamahalaga
Mga Layunin ng Napakinggang Teksto
o Mayroong tatlong layunin ang mga napakinggang teksto na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Magturo magbigay –alam-naglalayong magbigay impormasyon sa mga nakakarinig tungkol sa mahalagang paksa.
Manghikayat-naglalayong hikayatin ang mga tagapakinig na maniwala o kumilos batay sa tema o paksang napakinggan.
Manlibang-naglalayong magbigay ng pagkakataong marelax o mabigyang-aliwmula sa napakinggang teksto.
Pag-unawa sa Akdang Binasa
o PAG-UNAWA SA BINASA
Ang pag-unawa sa akda ay prosesong pangkaisipan sa anumang babasahing mga teksto na maaaring maiuugnay sa sariling karanasan ang mga
impormasyong nilalaman nito upang mabigyang kahulugan. Tuklasin natin ang dalawang kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa na makatutulong
sa iyong pagbabasa.
Pagkilala ng Layunin
o Ayon sa diksiyunaryo ang layunin ay tumutukoy sa tunguhin, pakay o hangarin. Sa pagbabasa ng akda isa sa mga kasanayan sa pagbasa ay ang
pagkilala sa layunin ng tekstong binasa. Maaaring ang nais iparating ng manunulat ay magbigay impormasyon, mang-aliw o manghikayat.
Halimbawa: Naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon?
Paghihinuha
o Ayon sa diksiyunaryo, ang hinuha ay ang nabubuo sa isip ng sinuman tungkol sa anumang bagay, batay sa sariling kuro-kuro at palagay.
Nakapagbibigay ang mambabasa ng hinuha kapag nailalarawan niya ang pangyayari sa nabasa nang may reaksiyon na parang nasaksihan niya
ang tunay na mga pangyayari.
TEKNIK SA PAGPAPALAWAK NG PAKSA
o Ang talata ay binubuo ng lipon ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kaisipan.
o Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyang-pansin ang pagpapalawak ng paksa upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o
paglalahad. May iba't ibang paraan o teknik ang ginamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan sa mga ito ang sumusunod:
1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon - Kinakailangang bigyan ng katuturan o depinisyon ang mga salitang hindi agad-agad maintindihan
upang mabigyang-linaw ang isang bagay na tinutukoy.
2. Paghahawig o Pagtutulad- May mga bagay na nasa kategoryang iisa at halos magkapareho. Sa paghahambing ay naipapakita ang tiyak na
katangian ng mga bagay na magkakatulad.
3. Pagsusuri-Malawak ang saklaw ng pagsusuri, ipinapaliwanag nito hindi lamang ang bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang
kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa't isa
TALATA
o Ang talata ay lipon ng mga pangungusap na paunlad na bumuo at nagpahayag ng isang kaisipan.
o Ang bawat pangungusap ay kailangang magkakaugnay tungkol sa pangunahing kaisipan o paksa ng talata.
Tatlong Bahagi Ng Talata
Simula- nasa unahan ng talata;
o nagsasaad ng paksang tatalakayin na ipaliliwanag, ilalarawan,
o isasalaysay, o bibigyan ng katuwiran
Gitna- nasa gitna ng talata;
o nagpapalalim at nagpapalawak ng paksa;
o naglalahad ng mga detalye tungkol sa ideang nais ihatid ng sumulat.
Wakas- nasa dulo ng talata;
o naglalagom ng mga binanggit na idea tungkol sa paksa;
o nagsasaad ng mahahalagang kaisipan na binanggit sa gitnang talata.
OPINYON AT KATOTOHANAN
Ang Opinyon o Sariling Pananaw ay pahayag na nagpapakita ng ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao.
Maaaring ito ay nakasandig sa mga nagdaang karanasan, natamong kaalaman, o sariling kagustuhang may kinalaman sa paksang pinag-uusapan.
PAHAYAG O SALITANG GINAGAMIT NA HUDYAT NG OPINYON:
Ang palagay ko
Sa opinyon ko
Para sa akin
Gusto ko
Sa tingin ko
Sa nakikita ko
Sa pakiwari ko
Sa ganang akin
Para sa akin
Kung ako ang tatanungin
Ang katotohanan ay tumutukoy sa mga totoong pangyayari na naganap na may mga basihan. Kalakip ng mga impormasyon o katibayan na
nangyari na. Mga katotohanang wala ka ng magagawa sapagkat nandiyan at maaring nasa iyong harapan na.
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian
kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga
taong nakasaksi nito.
PAHAYAG O SALITANG GINAGAMIT NA HUDYAT NG KATOTOHANA:
batay sa resulta
pinatutunayan ni
mula kay
sang- ayon sa
tinutukoy ng
mababasa sa…
Ayon kay
Batay kay
MGA URI NG TALATA AYON SA NILALAMAN
o NAGSASALAYSAY- nagkukuwento o naglalahad ng tungkol sa isang tao, bagay, o pangyayari
o NAGLALARAWAN- naglalarawan sa isang paksa; maaaring ito ay tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari
o NAGSUSUNOD-SUNOD NG PANGAYAYRI- Nagsasaad o nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tamang pagkakasunud-sunod nito
o NAGHAHAMBING- naghahambing ng dalawang tao, bagay, o pangyayari tungkol sa iisang paksa
SANHI AT BUNGA
o SANHI
Tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
Mga salitang hudyat ng sanhi:
o Kasunod ng
o May dahilan na
o Sapagkat
o Dahil
o Dahilan sa
o Palibhasa
o Ngunit
o At kasi
o Dahil sa
o Bunsod ng
o Sanhi ng
o Bilang resulta ng
o Sa kadahilanang
o Sa likod ng
o Sa dahilan ng
o Dahil dito
o BUNGA
Ang resulta o kinalabasan o dulot ng isang gawa o pangyayari.
Ito ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari.
Mga salitang hudyat ng bunga:
o Sa wakas
o Sa huli
o Sa kalaunan
o Kung gayon
o Kaya naman
o Kung ganyan
o Kung gaya ng
o Kaya
o Sa gayon
o Kung kaya
o Bilang resulta
o Samakatuwid
o Kaya’t
o Nang sa gayon
PAGSULAT NG RESULTA NG PANANALIKSIK
o RESULTA NG PANANALIKSIK
Ito ay nagpapakita ng natuklasan sa pag- aaral batay sa mga impormasyon o datos na nakalap. Gumagamit ito ng mga graph at chart bilang
biswal na presentasyon ng mga numero o bahagdan na nagpapakita ng kabuuang padron, ugnayan,o kalakaran batay sa uri nito (e.g. bar graph o
pie graph).
PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK
Hindi kailangang isulat ang lahat ng value o numero na makikita sa talahanayan. Ilagay lang ang pokus ng mambabasa sa mahahalagang resulta.
PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK
Hindi kailangang isulat ang lahat ng value o numero na makikita sa talahanayan. Ilagay lang ang pokus ng mambabasa sa mahahalagang resulta.
PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK
• Halimbawa, ano ang pinakamataas o pinakamababang ranggo sa mga aytem o kaya ay mahahalagang punto ng paghahambing. Mula sa
mahahalagang value na ito, nagsisimula ang pagsusuri.
PAHAYAG SA PAG- AAYOS NG DATOS
o Sa pagsusulat ng ng pananaliksik, dapat ding tandaan at isaalang- alang ang paggamit ng pahayag sa pag-aayos ng datos. May mga panandang
naghuhudyat ng pag- uugnay ng mga pahayag.
o sa pagsisimula: sa una, sa umpisa, noong una, unang- una ikalawa,ikatlo
o gitna: sumunod,pagkatapos,saka sa dakong huli,
o sa huli
o sa wakas: wakas
o Pagbabagong-lahad : sa ibang salita,sa kabilang dako, samadaling salita, bigyang- pansin ang
o Pagbibigay-pokus : pansinin na, tungkol sa kasunod Paglalahat : bilang paglalahat, sa kabuoan, samakatawid
o Pagtitiyak o pagpapasidhi: siyang tunay, walang duda, talaga
o