You are on page 1of 3

REVIEWER SA FILIPINO

Epiko
Tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan. Nagtataglay
siya ng pambihirang lakas na hindi kapani-paniwala.

Parabula
Isang akdang hinango sa bibliya na kapupulutan ng aral na maaring magsilbing gabay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao.

Nobela
Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan, maraming tunggalian at
salimuot ang mga pangyayari.

Elehiya
Tulang lirikong naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin
patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.

Pangangatwiran
Isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay na ang isang panukala ay maging
katanggap-tanggap o kapani-paniwala.

Ang elihiya ay tulang Pandamdamin.

Pahambing o Komparatib
Ito ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o nibel ng katangian ng tao, bagay,
idea, pangyayari, at iba pa.

Ang Hambingang Modernisasyon/Katamtaman ay nagpapakita ng pag-uulit ng pang-uring may panlaping


ma-, sa paggamit ng salitang medyo sinusundan ng pang-uri, sa paggamit ng katagang may na
sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.

Ang simbolikong kahulugan ng salitang ubasan ay Mundong Ibabaw.

Ang salitang ebidensiya ay nangangahulugan ding Patunay.

Ang ibig sabihin ng punglo ay bala.

1. Pamaksang Pangungusap

Lahat ng talata ay may pangunahing idea. Ito ang nagbibigay ng


pahiwatig tungkol saan ang pag-unawa sa talata. Ipinahahayag ito sa
pamamagitan ng isang pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano
ang pag-uusapan sa buong talata.

Halimbawa:
Tayo ngayon ay nalalagay sa gitna ng krisis pampolitika. Ang ating
mga mambabatas ay nasasangkot sa mga katiwalian. Katunayan marami
ng kaso ang nakahain sa Ombudsman. Gayundin naman kani-kaniyang
turuan ang bawat isa kung sino talaga ang may kasalanan.
Ang pangungusap na may salungguhit ay ang pamaksang
pangungusap. Ang sumunod na mga pangungusap ay may pantulong na
pangungusap na nagbibigay ng detalye sa ipinahahayag ng pamaksang
pangungusap.
2. Pantulong na Pangungusap

Ito ang mga pangungusap na nagbibigay ng paliwanag o detalye sa


isinasaad ng pamaksang pangungusap.
May mga paraan ng pagbibigay ng detalye sa pamaksang
pangungusap. Naririto ang ilan:

a. Gumamit ng mga impormasyon na maaaring mapatotohanan.


Halimbawa:
Pamaksang Pangungusap: Nanganganib lumubog ang Kalakhang
Maynila sa darating na 2020.
Mga Detalyeng Mapatotohanan: Tuwing umuulan binabaha na ang
Maynila.

b. Gumamit ng mga estadistika.


Halimbawa:
Pamaksa: Ang ekonomiya ng bansa’y unti-unti nang bumubuti.
Pantulong: Sa nakaraang buwan, umakyat ng dalawang puntos
limang bahagdan ang Gross Domestic Product ng ating bansa.

c. Gumamit ng mga halimbawa


Halimbawa:
Pamaksa: Maraming kabataan ang nalululong sa iba’t ibang bisyo.
Pantulong: Ang ilan sa mga ito’y paninigarilyo, pagsusugal at
paggamit ng bawal na gamot.

Mga Elemento ng Sanaysay


1. Paksa- pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan itong sumasagot sa tanong na "tungkol
saan ang akda?" Ito ang pinakapayak na antas ng mga pinag-uusapan. Ito rin ang sentro ng ideya ng
buong akda. Kinokontrol ng paksa ang manunulat kung hanggang saaan lamang ang hangganan ng
kaniyang isusulat.

2. Tono- ang saloobin ng may-akda sa paksa. Sa pamamagitan ng mga espesipikong wika na ginamit ng
may-akda, mababatid kung sino ang target na mambabasa. Maaaring ang tono o himig ay natutuwa,
nasisiyahan, nagagalit, sarkastiko, naiinis, nahihiya, at iba pa.

3. Kaisipan- ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa, dito umiinog ang maliliit na himaymay
ng akda. Inilalahad ang kaisipan ng isang akda sa isang buong pangungusap. Ang kaisipan hindi tuwirang
binabanggit kundi ginagamitan ng pahi-watig ng may-akda para mailahad ito.

Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang


papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang
sinonimo.

Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay- kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan


nito? Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
Mga Halimbawa: 1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal) Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo
na ang bola kay Jeron. b. bola - pagbibiro (metaporikal) Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman
bola.
2. a. pawis - lumalabas na tubig sa katawan (literal) Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod
para hindi ka mapasma. b. pawis - pinaghirapang gawin (metaporikal) Pangungusap: Alalahanin mo na
pawis ko ang ipinambayad ko
Ang paghahambing ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o nibel ng
katangian ng tao, bagay, idea, pangyayari, at iba pa.

DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING

Magkatulad
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga salitang
paris, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/ kamukha.

Di-magkatulad
Pasahol (-)
● May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.
● Para mas madaling maunawaan klas, sa PASAHOL kung alin ang pangngalan o bagay na unang
babanggitin sa pangungusap, ito dapat ang magtaglay ng kahinaan o kakulangan.
● Para sa mas simpleng pag-analisa, sa PASAHOL, ang unang pangngalan na babanggitin ang may
kakulangan o mahina. Sa PALAMANG naman klas, ang unang pangngalan namang babanggitin ay
malakas o nakakalamang sa inihahambing.
● Narito klas ang mga salitang ginagamit upang matukoy kung ito ay pasahol.
Lalo, Di-gasino, di-gaano, di-totoo
Palamang (+)
● Sa palamang klas, tandaan na ang unang pangngalan na babanggitin ang magtataglay ng
kalamangan o mas malakas o mas angat kaysa sa susunod na pangngalang lilitaw sa
pangungusap.
● Lalo, Labis, Di-hamak, Higit/Mas

Katamtaman

Naipapakita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma. Paggamit ng salitang medyo na
sinusundan ng pang-uri, at sa paggamit ng katagang MAY na sinusundan ng pang-uring nabuo sa
pamamagitan ng mga panlaping kabilaang KA-HAN.

Ang Alibughang Anak

Mula sa Bibliya/Isang Parabula

Ang isang mayamang ama’y may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng batang anak na ang ganang
kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang makuha na nang bunso ang kanyang
mana ay tumungo sa malayong bayan at nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

Naubos na lahat ang kanyang salapi. Namumulubi siya at nang wala nang makain ay inisip nang bumalik
sa dating tahanan upang makain man lamang niya ang kinakain ng alila ng kanyang ama. Gayon na
lamang ang galak ng kanyang ama, sinalubong ng yakap at halik ang bumalik na anak. Inutusan ang isang
alila na bigyan ang anak ng pinakamagarang kasuotan, ipinasuot sa daliri ang isang mamahaling singsing
at ipinagpatay ng isang matabang baka.

Namangha ang matandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Nang malaman niya ang
sanhi ng kasayahan ay nagalit nang gayon na lamang at sinumbatan ang ama. Akong masunurin ninyong
anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang.
Ngayong dumating ang alibughang anak ninyo ay gugugol kayo nang malaki at magdiriwang.

Sumagot nang marahan ang ama. Anak ko, ikaw ang lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo. Tayo’y
nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay, nakita nating muli ang
nawala.

You might also like