You are on page 1of 54

MAGANDANG ARAW


ANG IBA’T IBANG URI NG
TEKSTO
Tekstong Impormatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Naratibo
Tekstong Persuweysib
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Prosidyural
Bakit mahalagang patuloy na magbasa ng
iba’t ibang uri ng teksto?

Bakit kailangang maging mapanuri sa


impormasyong nababasa?
TEKSTONG
IMPORMATIBO
tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na
impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar,
o pangyayari. Sinasagot nito ang mga tanong na
ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.
Tekstong
Impormatibo

Obhetibo

Dalawang Uri ng Mga Kategorya ng Iba’t Ibang Uri


Impormasyon Teksto
OBHETIBO

Masasabing obhetibo ang mga tekstong


impormatibo dahil naglalahad ito ng tiyak na
katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.
DALAWANG URI NG IMPORMASYON
Tuwiran kung naglalahad ng eksaktong mensahe o
impormasyong ipinahayag ng isang tao. Gumagamit ng
panipi upang ipakita ang buong sinabi ng mamahayag.

Halimbawa:
Mariing sinabi ng pangulo, “Walang wangwang sa ating
administrasyon.”
Di-Tuwiran kung binabanggit lamang muli kung
ano ang tinuran o sinabi ng isang tao. Madalas
ito ay ginagamitan ng mga pang-ukol.

Halimbawa:
Mariing sinabi ng pangulo na walang wangwang sa kanyang
administrasyon.
MAIKAKATEGORYA ANG MGA
TEKSTONG IMPORMATIBO
Midyum kung paano ito naipararating
Katangian ng haba nito.
Paksa
Pinanggagalingan ng impormasyon
Layunin ng pagpaparating ng impormasyon Kung
ano-anong detalye ang nilalaman nito
IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
a. Balita

b. Patalastas

c. Anunsyo

d. Memorandum.
PAGTUKOY SA PAKSA NG
TEKSTO
Gaya ng ibang uri ng teksto, pangunahing
nilalaman ng tekstong impormatibo ang;
a. paksa
b. pangunahing ideya, at
c. mga sumusuportang ideya.
PAGTUKOY SA PAKSA NG
TEKSTO
Ang paksa ay ang tiyak na pangyayari na nais ipabatid
sa mga mambabasa. Mababakas sa mismong pamagat
ang paksa ng teksto.

Ang pangunahing ideya ang naglalaman ng


mahahalagang detalye ng tekstong impormatibo.
PAGTUKOY SA PAKSA NG
TEKSTO
Ang mga sumusuportang ideya ay naglalaman ng mga
dagdag na detalyeng may kinalaman sa pangunahing
ideya. Maaaring ito ang background​ o kaligirang
impormasyon ng teksto.
KAHULUGAN AT KATANGIAN NG
MGA SALITA SA TEKSTO
1. Pak na pak ang ​mumshie​ ko, waging-wagi sa
dakilang ina ​award.

2. Naiinis na ako sa babaeng iyan ha, napakaingay. ​


Taratitat​talaga!

3. Ikaw na ikaw na talaga, kamukha mo talaga si


Marian Rivera, ​charot​!
Mga Paraan sa pagtukoy sa
kahulugan ng mga hindi pamilyar
na mga salita

​ agtukoy at
P
Context clues Pagsusuri sa Ayos o ​Diksiyonaryo
Pormasyon​
KAHULUGAN AT KATANGIAN NG
MGA SALITA SA TEKSTO
1. Context clues​
ang tawag sa mga salita o parirala na may
kaugnayan sa sinusundan o sumusunod ditong
salita. Kilala rin ito bilang pahiwatig o
palatandaan. Ang​ context clues​ ay maaaring
tumayo bilang mga kasingkahulugan,
kasalungat, o hindi kaya ay mismong katuturan
ng salita.
2. Pagsusuri sa ayos o pormasyon
sa ganitong paraan, inaalam ang kahulugan ng
salitang-ugat at sinusuri ang kahulugan nito kapag
ginamitan na ng panlapi.

3. Diksiyonaryo
isang aklat na naglalaman, hindi lamang ng mga
kahulugan ng salita, kung hindi ng tamang bigkas nito, kung
anong bahagi ng pananalita ito, kung paano ito gagamitin sa
pangungusap, at maaari pa ngang ang mga kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan ng salita
COHÉSIVE DEVISE
- mga salita o katagang nagsisilbing pananda upang
hindi paulit-ulit ang paggamit ng mga pangngalan sa
pangungusap.

- Binubuo ito ng pagkakapares ng pangngalan at ng


panghalip na tinutukoy nito.
Anapora

inuuna ang pagbanggit ng pangngalan.Ang


panghalip naman nito ay sumusunod sa loob din
ng pangungusap na iyon o maaaring nasa
kasunod na pangungusap
Anapora
Pangngalan
Hal.
Ang Florence,Italy ay may napakayamang kultura.
Dito rin isinilang ang Renaissance.

Panghalip
Katapora
inuuna ang pagbanggit ng panghalip. Ang
pangngalan naman na pinatutungkulan nito ay
kasunod sa loob din ng pangungusap na iyon o
maaaring nasa kasunod na pangungusap.
Katapora
Panghalip

Hal.
Dito isinilang ang Renaissance. Ang Florence, Italy
rin ay may napakayamang kultura.

Pangngalan
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
TEKSTONG
DESKRIPTIBO

Tekstong naglalarawan. Ito


ay naglalahad ng mga
katangian ng tao, bagay,
hayop, lugar, o pangyayari.
Uri ng paglalarawan na magagamit sa pagsulat
ng tekstong deskriptibo:

Teknikal
Impresyonistiko
Teknikal Impresyonistiko

Naglalayon itong Naglalayon itong


maglarawan sa maglarawan ayon sa
detalyadong pansariling pananaw o
pamamaraan. personal na saloobin.

Hal. Ang pag ngiti ay


Hal. Ang ngiting matipid ay
nakatutulong upang magmukha
bahagya lamang ang
kang bata.
ginagawang pagkibot ng bibig.
Dalawang ANYO ng paglalarawan na
ginagamit sa tekstong deskriptibo:
Karaniwan
Halimbawa
(Obhetibo)

Paglalarawang Ang pinto ay kulay pula.


ayon sa nakikita
ng mga mata. Ang hangin ay malamig.
Dalawang ANYO ng paglalarawan na ginagamit
sa tekstong deskriptibo:

Masining (Subhetibo) Halimbawa


Paglalarawang naglalaman Ang kutis niya ay kasing
ng damdamin at pananaw kinis ng labanos.
ng taong naglalarawan.
Layunin nitong pukawin Kasing-dami ng patak ng
ang guniguni ng ulan ang kanyang niluha
mambabasa. noong gabing iyon.
Mga pandama
Nagiging madali ang paglalahad ng hitsura, lasa,
tunog, amoy, at gaspang o dulas ng isang tao, bagay,
lugar, o pangyayari na nais nating ilarawan.
Sa paglalarawan ay tinutukoy ang mga katangian o
hitsura ng tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Panla
sa
Paning Pang-
in amoy

Pandamd Pandini
am g
Mga salitang ginagamit sa paglalarawan
Pang-uri – Bahagi ng pananalita na ginagamit sa
pagsasalarawan sa pangngalan o panghalip. Madalas
ginagamit sa tiyak na paglalarawan (Obhetibo)

Halimbawa: Malaki, Matanda, Nakakapagod, Malayo,


Mapagmahal, Malamig, Madumi, Malakas, Bilog, Hugis-
bituin, Makinis, Bago, malambot, sariwa at marami pa.
Mga tayutay (masining na paglalarawan)

Ang tayutay (figure of speech) ay mga salita o


pariralang ginagamit upang maging mabisa at
kaakit- akit ang ating
pagpapahayag/paglalarawan.
Pagtutulad (Simile)
Ginagamit ito sa tuwirang paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay, tao o pangyayari. Ito ay ginagamitan ng
mga salitang tulad ng, gaya ng, atb.
Halimbawa: Ang iyong mata ay mistulang kristal sa ganda.
Pagwawangis/ Metapora ( Metaphor)
Ito’y tiyakang paghahambing pero HINDI ginagamitan
ng mga salitang gaya ng, parang, atb.

Halimbawa: Ikaw ay dyosa ng kagandahan.


Pagbibigay- Katauhan/ Pagsasatao (Personification)
Ito’y pagsasatao o pagsasalin ng talino, gawi, at katangian
ng isang tao sa mga bagay- bagay sa ating paligid.
Halimbawa:
Yumuko ang mga halaman sa pagdaan nya.
Pagmamalabis (Hyperbole)
Ang mga salitang ito ay nagpapalabis sa kalagayan
ng tao, bagay o pangyayari.

Halimbawa: Bumaha ng luha sa mga baryong


nasalanta ng bagyo.
Mga halimbawa ng isang tekstong deskriptibo

1. t​ravel guide
2. restaurant guide
3. album review
4. perfume product review
5. theater review, ​at iba pa
Paano magiging epektibo ang isang
paglalarawan?
Mula sa mga impormasyong nailahad,
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
kaalaman sa pagsulat at pagbabasa ng
tekstong deskriptibo?
TEKSTONG NARATIBO
Tekstong nagsasalaysay
tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, o pangyayari.
Karaniwan itong nagbibigay-
aliw.

Napagkukunan ng mga tiyak na impormasyon sa


pamamagitan ng paglalahad ng mga pangyayari sa isang
tiyak na banghay o pagkakasunod-sunod.
Ang Freytag's Pyramid ay isang dramatikong balangkas ng
istruktura na binuo ni Gustav Freytag, isang German playwright at
nobelista noong kalagitnaan ng ikalabinsiyam na siglo.
Kasukdulan/
climax

Pataas na aksyon kakalasan

Simula Wakas
Katangian at kalikasan ng teksto

kalinawan ng mga pangungusap, mensahe at mga


simbolismong ginamit
 Maayos ang pagkasunod-sunod
 Maikli at magaang basahin
 Nagtuturo, nagbibigay-aliw at nakahihikayat
Mga Uri ng Tekstong
Naratibo

Makatotohanan o non-fiction

Hindi makatotohanan o
fiction
Makatotohanan o non-fiction

Naglalahad ng totoong kuwento


tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o
pangyayari.

Mga tala ng kasaysayan o tekstong


pangkasaysayan, dokumentaryo, talaarawan,
dyornal, talambuhay, autobiography,
lathalain, at memoir o alaala
Hindi makatotohanan o
fiction

Naglalahad ng kuwento tungkol sa


isang tao, bagay, lugar, o
pangyayari na pawang kathang-
isip lamang o bunga ng
mayamang imahinasyon
Hindi makatotohanan o
fiction

Halimbawa:
maikling kuwento, kuwentong
fantastiko, alamat, mitolohiya,
pabula, nobela, at parabula.
Mga Elemento ng Tekstong
Naratibo

Paksa - bagay o ideyang pinag-uusapan sa teksto

Banghay - daloy o ang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari
Mga Elemento ng Tekstong
Naratibo
Panahon at tagpuan - oras at lugar na pinangyayarihan
ng kuwento, maaaring higit sa isa; maaaring higit din sa
isang panahon ang nasa kuwento

Tauhan - mga aktor o mga gumaganap sa kuwento. Ito


ay maaaring isa o higit pa. Karaniwan itong may
protagonista (bida) at antagonista (kontrabida)
Mga Elemento ng Tekstong
Naratibo

Tunggalian - ang umiiral na tunggalian, isyu, o


suliranin na nagiging balakid sa daloy ng kuwento.
Kahalagahan
 Nabibigyan ang mambabasa ng kalinangan sa
malikhain at kritikal na pag-iisip.

 Napananatili ang ating sining at tradisyon sa


pagsasalaysay na namamayani mula noong hanggang
sa kasalukuyan.

You might also like