Professional Documents
Culture Documents
Kailangang may ganap na kaalaman ang tagapagsalin sa wikang isinasalin at may gayon din kahusay na
kaalaman sa wikang pinagsasalin.
Kailangan iwasan ng tagapagsalin ang magsalin nang salita sa salita sapagkat makasisira at makapipingas
sa kagandahan ng pahayag.
Kailangan gamitin ng tagapagsalin ang anyo ng mga pananalitang karaniwang gingamit ng nakakarami.
Pormula sa pagsasaling salita-salita W = W. Ibig sabihin, tingnan ang mga salita at liliwaw, lilitaw at
susunod na rito ang mga konsepto (Look after the Words and the concepts will the load after
themselves).
SL TL
(Author) (Translator)
Encoder Re-encoder)
Uri ng diskors
Ekspositori - tinatawag itong paglalahad, layunin nito na gumawa ng malinaw, sapat at walang
kinikilingan na pagpapaliwanag.
Argumentative - pagmamatwid o pangangatwiran, ito ang huling diskors dahil ito ang kailangan upang
mabisang makahikayat at makapagsiwalat ng isang paninindigan.
Pagsasalin - ito'y paglilipat ng panitik (texto) mula sa isang orihinal na teksto sa pasalin sa target na wika
o pagsasalin.
Ang pagsasalin ay paglilipat mula sa orihinal na anyo ng wika patungo sa ibang wika. Kapag sinabing
anyo ng wika, kabilang dito ang mga aktuwal na salita, parirala, sugnay, pangungusa, talata, at iba pang
estruktura na na nakakabit sa wika. Ang mga anyong ito ay tinatawag na eplicit o nakalitaw na
estruktura ng wika (Surface Structure). Nangangahulugan ito ng katangian ng wika na nababasa,
naririnig at nasusulat. Tinutukoy nito ang gramatikal, leksikal at ponolohikalna esktruktura ng wikang
isinalin. Sa pagsasalin ng mga anyong ito, ang estruktura ay tinutumbasan ng gayon ding anyo ng wikang
pinagsasalinan.
Ang pagsasalin ay hindi sa lahat may mga bagay na dapat taglayin ang taong nais magsalin.
Mahalaga may kaalaman dito upang magkaroon ng kabatiran kung paano ihahanay ang salitang isasalin.
Hal. magandang hapon po (good afternoon) ang po ay likas na nagpapakitang mga Pilipino ng kanyang
paggalang sa mga nakakatanda o sa mga taong may mataas na posisyon. Bahagi ito ng kulturang Pilipino
ngunit mahirap bigyan ito ng katumbas ng ibang wika.
Ang isang tagapagsalin ay may ganap na kaalaman sa paksang isasalin sapagkat hindi lamang ito sa isyu
ng pagbibigay ng katumbas ng wika patungo sa isang wika, kundi paghahatid din ng kaalaman at
kahulugan na mula sa tagapagsalin.
Kaalaman sa wika
Alamin muna ang kahulugan ng bahaging nais isalin. Maari kasing ang kahulugan ng isang teksto ay
nakadepende sa pagkakagamit nito sa pahayg. (contextual clues) Halimbawa:
He was given a blanket by the old man
Tukuyin at tiyakin ang kahulugan ng mga pahayg lalo na kapag ito ay matalinghaga o isang idyoma.
Halimbawa:
Gagawin ko ang sa tingin ko ay nararapat I have butterflies in my stomach Hindi maintindihan ang
nararamdaman.
Halimbawa:
Ikaw lang ang mahalaga sa akin. (Tama) Ikaw ang mansanas sa mata ko. (Mali) Fly me to the moon.
Ilipad mo ako sa kalawakan. (Tama) Langaw ako sa buwan. (Mali)
4. Maaring hindi na isalin ang mga salitang teknikal at siyntipik sapagkat unibersal na itong tinatanggap.
Halimbawa:
Internet
Trigonometry
Mouse (computer)
Xerox
Hard disk
Cells
Pizza
PANITIKAN
KASAYSAYANG PAMPANITIKAN
Ang panitikan ay buhay ito ay repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang
ginagalawang lipunan. Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at binibigyang pintig nito ang ating puso.
Ang salitang panitikan ay hango sa unlaping pang, salitang-ugat na titik at hulaping an (pang + titik + an =
pangtitikan). Ayon sa tuntunin sa lingwistika, ang panlaping pang ay magiging pan kapag ito'y
sinunsundan ng salitang nag sisimula sa titik d, I,f, s,t. Nagkakaroon ng asimilasyong ganap kaya naging
panitikan. Kung ang salitanng panitikan ay nag-ugat sa salitang titik, samakatwid ang wika at panitikan ay
hindi maaring paghiwalayin. Wika ang ginagamit na midyum upang maipahayag ang panitikan sa
paraang pasalita o pasulat man.
Ayon kay Arrogante (1983). Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito masisiwalat ng tao sa
malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap.
Ayon naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa
pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-
maliw.
Koran - Muslim
Mahabharata -India
Ang panitikan ay maaring mauri bilang Tuluyan/Prosa o patula. Tuluyan ang isang panitikan kung ito'y
nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan. Samantala, ang panitikan
patula naman ay yaong nasusulat sa tuluyan at saknungan. Ang mga taludtud ay maaring may sukat at
tugmaan o dili kaya'y malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.
NOBELA
Maaring nobela ng pangyayari kung ang binigyang-diin ang mga pangyayari tulad ng Luksang Tagumpay
ni Teofilo Sauco; nobela ng tauhan kung ang binigyan diin ay ang katauhan o personlidad ng
pangunahing tauhan tulad ng Nena at Neneng ni Veleriano H. Pena; nobela ng
romansa kung ang nobela ay nakatuon sa pag-iibigan tulad ng Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos;
nobela ng pagbabago kung ang diin ng akda ay ang paghahangad ng may akda ng mga pagbabago sa
lipunan at pamahalaan tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr.Jose P. Rizal, o nebela ng
kasaysayan kung nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng isang bayan tulad ng
Panghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo.
MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may isang kakintahan o impresyon. Katulad ng nobela, ang maikling kwento ay maaring maiuri
batay sa sangkap na binibigyang diin salayasay. Kung gayon, ang maikling kwento ay maaaring maging
pangkatauhan kung ang binibigyang diin ay ang katauhan o personlidad ng pangunahing tauhan tulad ng
kwento ni mabuti ni Genoveva Edroza-Matute; makabanghay kung ang binigayng diin ay ang
makakawing-kawing ng mga pangyayari sa katha tulad ng bahay na bato ni D.L. Rosales; pangkapaligiran
kung ang kwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera ng akda tulad ng Yumayapus ng Takipsilim ni
Genevova Edroza- Matute. Pangkatutubong kulay kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang
panglabas at kakanyahang pang pook ng isang lugar o komunidad tulad ng suyuan sa tabigan ni Macario
Pineda; ang pangkaisipan kung ang binibigyang diin sa katha ay ang kaisipan o ang makabuluhang
diwang taglay tulad ng Ang pang-uwi ni Genoveva Edroza-Matute; o sikolohikal kung ang akda ay
nakatuon sa paraan ng pag-iisip ng pangunahing tauhan tulad ng dugo at utak ni Cornelio Reyes.
DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
ALAMAT
Ang alamat ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Karaniwang hubad sa
katotohanan ng mga kwentong ito dahil ito'y mga likhang isip lamang ng ating mga ninuno sa
pangtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan
bunga ng kaisipang mapagahahanguan ng mga tumpak sa paliwanag tulad ng agham at bibliya. Isang
mahusay na halimbawa nito ay ang alamat ng pinya.
PABULA
Ang pabula ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga bagay ng
walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba'y tunay na mga tao hubad din sa katotohanan ang
mga kwento ito ngunit may layunin pukawin ang isipan ng mga bata sa mga aral na makahuhubog sa
kanilang kilos at pag-uugali. Ang "ang pagong at ang Matsing" ay isang mahusay na halimbawa nito.