You are on page 1of 3

 Tula

- Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at


panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa
iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa
pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga
likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling
makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong
may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling
salita.

 Pang Abay
Ang pang-abay o adberbyo ay mga salitang
naglalarawan sa: pandiwa, panguri o kapwa pang
abay

 Pang Uri
-Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na
binabago ang isang pangngalan, karaniwang
sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito.
Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa
pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may
mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-
uri.[

 Pang lunan
- Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-
abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang
pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung
saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa
pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito
sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos
sa pandiwa.
 Literatura/Panitikan
Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o
panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at
patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang
maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na
babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay
ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at
diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.

 Alamat
- Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at
panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at
mayroong pinagbatayan sa kan. Kaugnay ang alamat
ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang
alamat ay panumbas sa salitang "legendus" ng wikang
Latin at "legend" ng wikang Ingles na ibig sabihin ay
"upang mabasa".
 Parabula
- Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang
maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling
salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang
pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang
moral o relihiyosong aral.

 Salaysay
- Ang salaysay ay isang paglalahad ng pagkakasunod
ng mga pangyayari na maaaring gawa-gawa lamang o
di kaya ay nakabase sa totoong buhay.
 Sanaysay
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na
kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng
may-akda.

You might also like