You are on page 1of 6

College of Education

Colegio De La PurisimaCconcepcion
The School of the Archdiocese of Capiz
Roxas city

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

MF 13- PANITIKAN NG REHIYON

KYLA MAY T. ANDRADE BSED III

PRELIMS

WEEK 1

Name of the Unit Topic- Katuturan ng Panitikan

1. Intended Learning Outcomes:


Pagkatapos ng isang linggong aralin, ikaw ay inaasahang:
a. nasasabi at naipaliwanag ang katuturan ng panitikan.
b. natatalakay ang mga anyo ng panitikan.
c. nakikilala ang mga anyong tuluyan at panulaan.

4.Pagsasanib (Involvement)

Panuto: Punan ng wastong sagot and bawat kahon.

Mga Katanungan Mga Sagot


1. Ano ang panitikan? Ipaliwanag ang Galing sa salitang “pang|titik|an” – titik ay
sagot. nangangahulugan Literatura mula sa
salitang Latin na “Litterana”
Nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at
diwa ng mga tao. Nagsasalaysay din ito
sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampatalaya at mga karanasang
may kaugnay ng iba’t ibang uri ng
damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.
2. Ano ang mga anyo ng panitikan?  tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa
maluwang na pagsasama-sama ng
mgasalita sa loob ng pangungusap.
Nasusulat ito sa karaniwang takbo
ngpangungusap o pagpapahayag.

 tula o panulaan – ito ay ang


pagbubuo-buo ng pangungusap o
parirala sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa
taludtod na pinagtugma-tugma
3. Ano ang mga akdang tuluyan?  Alamat – isang uri na kung saan
Ipaliwanag ang bawat isa. nagkukuwento ito tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay
sa daigdig. Minsan sa mga
pinagmulan nga mga hayop or mga
halaman.
 Anekdota – akdang isinalasaysay
ang mga kakaiba o kakatuwang
nangyari sa buhay ng isang sikat, o
kilalang mga tao.
 Nobela – o tinatawag ding
kathambuhay, ito ay isang
mahabang kuwentong piksyon na
binubuo ng iba’t ibang kabanata.
 Pabula – akda kun saan amg mga
tauhan ay mga hayop
 Parabula – o tinatawag ding
talinhaga, ito ay mga maikling
kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
 Maikling Kuwento – ito ay hinggil
sa isang mahalagangpangyayaring
kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang
kakintalano impresyon lamang. Isa
itong masining na anyo ng
panitikan.
 Dula – uri na hinahati sa
pamamagitan ng yugto at
kadalasang isinalaysay sa mga
teatro.
 Sanaysay – maiksing komposisyon
na kailimitang naglalaman
ngpersonal na kuru-kuro ng may-
akda.
 Talambuhay – isinalaysay ito ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao
na base sa mga tunay na
impormasyon.
 Talumpati – isinalysay nito ang
mga kaisipan o opinyon ng isang
tao upang humikayat,tumugon,
mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon
at maglahadng isang paniniwala.
 Balita – nagpapahayag sa mga
kasalukuyang kaganapan sa labas
at/o loob ng isang bansa 

 Kwentong Bayan – uri na


sumalaysay ng mga likhang-isip na
mga tauhan na kumakatawan sa
mga uri ng mamamayan
4. Ano ang mga akdang patula?  Tulang Pasalaysay – tumutukoy
Ipaliwanag ang bawat isa. sa mga pinapaksang
mahahalagang mga tagpo o
pangyayari sa buhay, ang
kagitingan at kabayanihan ng
tauhan.
 Awit/Korido at Kantahin –
musikang magandang
pinakikinggan.
 Epiko – isinalaysay ang
kabayanihan atpakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga
kaaway na kadalasang hindi
mapaniwalaan dahil sa mga
tagpuang makababalaghan at di-
kapani-paniwala.
 Balad – uri o tema ng isang
tugtugin.
 Sawikain – tumutukoy ito sa:
o idioma – isang uri ng
sawikain pagpapahayag na
ang kahulugan ay
hindikomposisyunal.
o moto – parirala na
nagpapahiwatig ng
sentimiento ng isang
grupong mga tao
o salawikain – mga kasabihan
o kawikaan.
 Bugtong – pangungusap o tanong
na may iba o nakatagong
kahulugan.

 Tanaga – tumutukoy ito sa mga


maikling katutubong Pilipinong tula
na naglalaman ng pang-aral at
payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapagunita sa
mga kabataan.

5. Individual Worksheet
A. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng kahon. Anong uri ng akdang tuluyan ang
tinutukoy? Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.

anekdota alamat pabula maikling kuwento

nobela bugtong talambuhay sanaysay dula

talumpati kuwentong bayan balita balad parabula

NOBELA 1. Ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang


kabanata.

ALAMAT 2. Ito ay isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

PARABULA 3. Ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango


mula sa Bibliya.

ANEKDOTA 4. Ito ay isang akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang


nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.

MAIKLING KUWENTO 5. Ito ay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.

PABULA 6. Ito ay isang akda na hayop ang mga tauhan.

SANAYSAY 7. Ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng


personal na kuru-kuro ng may-akda.

DULA 8. Ito isang akdang tuluyan na hinahati sa pamamagitan ng yugto at


kadalasang isinalaysay sa mga teatro.

KWENTONG BAYAN 9. Isa itong akdang tuluyan na sumasalaysay ng mga likhang-


isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan

BALITA 10. Ito ay nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at sa


loob ng isang bansa.

TALUMPATI 11.  Nagsasalaysay ito ng mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon
at maglahad ng isang paniniwala.

TALAMBUHAY 12. Nagsasalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na


base sa mga tunay na impormasyon.

B. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng kahon. Anong uri ng akdang patula ang
tinutukoy? Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.

bugtong balad dula


tanaga epiko idioma
moto alamat awit
salawikain tulang pasalaysay
1. Ito ay isang uri ng sawikain na nagpapahayag, na ang kahulugan ay
hindi komposisyunal. IDIOMA
2. Ito ay mga sawikain na binubuo ng mga kasabihan o kawikaan.
SALAWIKAIN
3. Ito ay isang pangungusap o tanong na may iba o nakatagong
kahulugan. BUGTONG
4. Ito ay tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na
naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. TANAGA
5. Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao
o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan
dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. EPIKO
6. Ito ay akdang patula na isang musikang magandang pinakikinggan.
KANTAHIN
7. Ito ay akdang patula na ang tema ng isang tugtugin. BALAD
8. Akdang patula na isang parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng
isang grupo ng mga tao. MOTO
9. Isang akdang patula na tumutukoy sa mga pinapaksang
mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at
kabayanihan ng tauhan. TULANG PASALAYSAY

6. Interventions (Enhancement Activities):

Sumulat ng isa sa mga uri ng akdang tuluyan at isa na akdang patula. Isubmit ito sa
takdang panahon ng pagsubmit.

SI ALITAPTAP AT SI PARUPARO
(akdang tuluyan)
May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong nakabaligtad at
kakawag-kawag sa lupa.

Paruparo : Saklolo! Tulungan ninyo ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang sigaw ni
Paruparo)

Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng araw at
maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang kaawaawang Paruparo)

Paruparo : Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si Gagamba.
Lumapit siya kay Paru-paro)

Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay.


Mangunguha pa ako ng sapot. (At umalis si Gagamba)

Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na ang kasama


kong kulisap. Wala nang sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom na si Paruparo. Napaiyak
siya. Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin siyang papalapit na pakislap-
kislap na liwanag)
Alitaptap : Naku, bakit ka nandiyan? Napaano ka at kawag ka nang kawag?

Paru-paro : Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako ng isang batang
lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong nakabaligtad dito. Hindi ko kayang
tumindig na mag-isa upang lumipad. Maaari bang tulungan mo ako?

Alitaptap : Aba, oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko. (Ilan pang sandali ay
dumating ang maraming alitaptap).

Paruparo : Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa aking dalangin. Kaybuti
ng inyong kalooban…

Alitaptap : Walang anuman, kaibigang Paruparo. O sige, aalis na kami.

Paruparo : Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak. Salamat na muli.

BUGTONG
(akdang patula)
Pinipingot ko na, nagbibigay pa.
Sagot: Gripo

You might also like