You are on page 1of 62

ANG ATING PANITIKANG

FILIPINO
WEEK 1
Ano ang Panitikang Filipino?
 Pahayag na pasalita o pasulta ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag uugaling
panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalataya niyakap ng mga Pilipino.
 Ang panitikan ng isang lahi ay ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at ng mga damdamin ng lahi
nito.
 Anumang babasahing nilimbay sa isang magasin, polyeto, o aklat ay itinuturing na panitikan.
 Ang tunay na panitikan ay isnag maayos na pagtugma-tugma ng mga panitkan
Mga Uri ng Panitikan

1. kathang-isip (Ingles: fiction) – mga kwento na hango sa mga imahinasyon ng


manunulat.

2. indi kathang-isip (Ingles: non-fiction) – mga kwento na nangyayare sa


totoong buhay.
Mga Paraan at Hangarin ng Panitikan

1. Paglalahad - kung nais magpaliwanag.


2. Paglalarawan – Kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay,
hugis, kulay, at iba pa.
3. Pagsasalaysay – kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangyayari base sa karanasan.
4. Pangangatwiran – kung nais magpaniwala, maghingakayat at
magpaganap.
Mga Anyo ng Panitikan:

1. tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng


mgasalita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo
ngpangungusap o pagpapahayag.

2. tula o panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa


pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma
Mga akdang patula
1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
 Dalit – tulang bi ibigyang parangal ang Maykapal.
 Soneto- tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.
 Elehiya – ang paksa nito ay ang aalala ng isang namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy o panagis.
 Oda – tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
 Awit - ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, kaligayahan at iba pa.
2. Tulang Pasalaysay – tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo opangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan
ng tauhan.
 Awit/Korido at Kantahin – musikang magandang pinakikinggan.
 Epiko – isinalaysay ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi
mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
 Balad – uri o tema ng isang tugtugin.
Mga akdang patula
3. Tulang Patnigan
 BALAGTASAN tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan
karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
 19. KARAGATAN isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang
taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat
 20. DUPLO ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
4. Tulang Pantanghalan O Padula -karaniwang itinatanghal sa teatro
 ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin
 ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw
na buhay.
Mga akdang patula
4. Iba pang uri ng Tulan
Sawikain – tumutukoy ito sa:
 idioma – isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay hindikomposisyunal.
 moto – parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupong mga tao
 salawikain – mga kasabihan o kawikaan.
 Bugtong – pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.
 Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at
payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
Mga akdang tuluyan
 Dula – uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
 Sanaysay – maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ngpersonal na kuru-kuro ng may-
akda.
 Talambuhay – isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na
impormasyon.
 Talumpati – isinalysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang humikayat,tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahadng isang paniniwala.
 Balita – nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa 
 Kwentong Bayan – uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga
uri ng mamamayan
Mga akdang tuluyan
 Alamat – isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga
pinagmulan nga mga hayop or mga halaman.

 Anekdota – akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.

 Nobela – o tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.

 Pabula – akda kun saan amg mga tauhan ay mga hayop

 Parabula – o tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.

 Maikling Kuwento – ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalano impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.

You might also like