You are on page 1of 2

PANGALAN: CALAMBA, MELODY A.

KURSO: BA. FILIPINO 3A

GAWAIN 1:
1.Magbigay ng limang salita na naglalarawan sa Sosyeda gamit ang Concept map.

KORAPSYON

MAY PAGMAMAHAL AT
NAGKAKAISA SOSYEDA MALASAKIT SA KAPWA

PAGSUNOD SA MGA BATAS MAY IISANG HANGARIN AT


AT PATAKARAN LAYUNIN

2. Ang limang salita na naisulat mo ay bigyan ng pagpapakahulugan?


KORAPSYON-Ang sosyeda ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa
pamahalaan nito. Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa sosyeda
ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang
pintuan, nepotismo, padrino.
NAGKAKAISA-upang ipanatili ang kapayapaan at katiwasayang internasyonal, bumuo
ng mga mapagkaibigang relasyon sa sosyeda ito ay ang, makamit ang pandaigdigang
kooperasyon upang lutasan ang mga suliranin sa mundo, at maging sentro para sa
pagkakasundo ng mga aksyon sa sosyeda.
MAY PAGMAMAHAL AT MALASAKIT SA KAPWA- Dahil nagpapakita ito ng
pagpapakatao o kung sino at ano ka sa nakapaligid sayo. Ang pagpapakatao ay
pagiging mulat sa kung ano nga ba ang nangyayari sa ating lipunan at kung paano tayo
gumagawa ng paraang para maresolba o mabawasan ang paghihirap ng mga apektado
nito. Ang pagmamalasakit sa mahihirap ay kabutihang taglay na dapat nating palaguin.
Ang pagtulong ay napakahalaga upang kahit papaano'y mabawasan o makatulong sa
taong nangangailangan. Hindi lamang tayo makapagbibigay ng tulong lalong higit na
magiging inspirasyon sa iba sa pagkakaroon ng malasakit sa ating kapwa.
PAGSUNOD SA MGA BATAS AT PATAKARAN- Mabuti ito sa sosyeda para sa
kaunlaran ng lahat at hindi ng iilan. Makatarungan din ito kung nagbibigay ito ng
Karapatan at pagkakataon sa lahat ng tao na umunlad sa lahat ng aspekto ng kanyang
pagkatao mula sa material hanggang espiritwal.
MAY IISANG HANGARIN AT LAYUNIN- Sa isang grupo o organisasyon, ay
mapapansin nating laging may layunin ang bawat grupo o organisasyong itinayo. Ito ay
nagpapakilala kung anong klaseng damdamin, naisin ng bawat grupo. Upang
maisakatuparan ang kanilang mithiin, ay kinakailangang magkakasing-diwa ang bawat
miyembro o kaanib nito

3. Bakit mahalaga ang panitikan sa buhay ng tao?


Sa pamamagitan ng panitikan, naipakikilala ang pagka - Pilipino at naibabahagi ang
yaman ng isip at ang angking talino ng lahing pinagmulan. Naipapabatid sa daigdig ang
kadakilaan at karangalan ng tradisyong Pilipino na sandigan ng kabuuan ng ating
kultura. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasanay upang ito ay maisaayos at
maituwid.Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig
sa paglinang at pagpapaunlad nito. Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa
pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit sa panitikan.

4. Bakit kinakailangang pag-aralan ang panitikang panlipunan?

Dahil sa panitikan, na bibigyan ng isang plataporma ang kahit sino na ipahayag ang
kanilang mga ideolohiya, kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin, at diwa ng mga
tao. Mahalaga rin ito Upang maunawaan ang kulturang Pilipino, maunawaan ang ating
minanang intelektwal na kayamanan, at maunawaan ang likas na henyo ng lahi ng ating
mga ninuno. Upang makita natin na mayroon tayong marangal at kahanga-hangang
tradisyon na naging gabay sa mga epekto ng ibang sibilisasyon. At Upang maunawaan
natin ang mga ideya sa ating panitikan at makapagsanay sa pagwawasto nito.

5. Ano ang magandang naidudulot ng panitikan sa iyong sarili?


Ang pantikan ay magandang na idudulot sa ating mga buhay dahil ito ang naglalarawan
sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Dahil dito, maaari
nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at magamit ang mga aral
sa kasalukuyang buhay natin.

You might also like