You are on page 1of 4

KYLA MAY T, ANDRADE BSED III

Colegio de la Purisima Concepcion


The School of the Archdiocese of Capiz
Roxas city
College of Education

LAGUMANG PAGSUSULIT SA MF 13 PANITIKAN NG REHIYON

1st Semester 2020-2021

Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Ang panitikan ay tumutukoy sa lahat ng uri ng pahayag, nakasulat man o binibigkas para
maipakita ang realidad at katotohanan at makalikha ng isa pang daigdig na _________
sa katotohanan.

A. taliwas B. kaugnay C.katulad D. hawig

2. Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat,
o kilalang mga tao.
A. Nobela B. Anekdota C. Pabula D. Parabula
3. Tinatawag din itong talinhaga at ito ay mga maiikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
A. Nobela B. Anekdota C. Pabula D. Parabula
4. Ito ay isang akda kung saan amg mga tauhan ay mga hayop.
A. Nobela B. Anekdota C. Pabula D. Parabula

5. Tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo


ng iba’t ibang kabanata.
A. Nobela B. Anekdota C. Pabula D. Parabula

6. Ito ay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan


at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
A. Maikling Kuwento B. Dula C. Sanaysay D. Talambuhay

7. Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang


isinalaysay sa mga teatro.
A. Maikling Kuwento B. Dula C. Sanaysay D. Talambuhay

8. Ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro


ng may-akda.
A. Maikling Kuwento B. Dula C. Sanaysay D. Talambuhay

9. Ito ay ang pagsasalaysay ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na


impormasyon.
A. Maikling Kuwento B. Dula C. Sanaysay D. Talambuhay

10. Ito ang nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang
bansa.
A. Talumpati B. Balita C.Kuwentong Bayan D.  Sanaysay

11. Ito ang uri ng akda na sumasalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan
A. Talumpati B. Balita C.Kuwentong Bayan D.  Sanaysay
12. Isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban
sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala.
A. Tulang pasalaysay B. Korido C. Epiko D. Balad

13. Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng


pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
A. Idioma B. Tuluyan C. Tula D. Tanaga

14. Ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang


binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
A. Idioma B. Tuluyan C. Tula D. Tanaga

15. Ito ang kauna-unahang libro ng mga Ilokano. Naglalaman ito tungkol sa unang tulang
Iloko at mga bahagi na naisulat ng mga katutubong script.
A. Doctrina Christiana D. Christiana Doctrina
B. Doctrina Christiano C. Christiano Doctrina

16. Ito ay inaawit sa mga kasalan,binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw
at pagbibigay ng payo sa bagong kasal.
A.Tulali B.Dung-aw C.Badeng D. Dallot

17. Siya ang kinikilalang ama ng panitikang Iloko at ipinapapalagay na siyang Francisco
Balagtas ng Iloko.
A.Leona Florentino C. Pedro Bukaneg
B. Carlos Bulusan D. Claro Caluya

18.Siya ang itinuturing na unang makatang babaeng Pilipino at butihing ina ni Isabelo delos
Reyes.
A. Carlos Bulusan C. Pedro Bukaneg
B. Leona Florentino D. Claro Caluya

19.Siya ay tanyag na manunulat ng Ilocos Sur at pangalawa kay Pedro Bukaneg.


A. Carlos Bulusan C. Pedro Bukaneg
B. Leona Florentino D. Claro Caluya

20. Isa siyang makata at nobelista at tinaguriang prinsipe ng mga makatang Ilokano.
A. Carlos Bulusan C. Pedro Bukaneg
B. Leona Florentino D. Claro Caluya

21. Ito ay isang awit bilang pagpaparangal ng mga Kapampangan sa isang hayop, bagay,
lugar o tao na kanilang labis na pinahalagahan.
A.Sapataya B.Paninta C.Diparan D. Pamuri

22. Ito ay inihahayag sa paraang patula. Ito ay nag-ugat sa isang kasaysayan ng isang
prinsesa na sadyang naghulog ng singsing sa dagat upang mapakasal sa katipang
mahirap na maninisid ng perlas.
A.Karagatan B.Duplo C.Kumidya D. Zarzuela

23.Ito ay nilalaro sa lamayan ng mga patay kung saan nagpapaligsahan ang mga kalahok
sa laro sa kanilang husay sa pagtula.
A. Karagatan B.Duplo C.Kumidya D. Zarzuela
24.Ito ay hango sa pag-iibigan ng isang prinsipe at prinsesa. Ang labanan ng mga
Kristiyano at Muslim ang binibigyan ng mahahalgang bigat dito at laging nagtatapos sa
pagtatagumpay ng mga Kristiyano at pagbibinyag ng mga Muslim sa Kristiyanismo.
A. Karagatan B.Duplo C.Kumidya D. Zarzuela

25. Ito ang dula ng mga Kastila na nag-ugat sa Espanya kung saan ito unang itinanghal.
A. Karagatan B.Duplo C.Kumidya D. Zarzuela

26.Isang akdang panrelihiyon na naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo


A. Pasyon B.Doctrina C.Zarzuela D.Cenakulo

27. Isa paraan ng pagpapahayag at pagsasabuhay ng paghihirap ni Kristo hanggang sa


kanyang kamatayan.
A. Pasyon B.Doctrina C.Zarzuela D.Cenakulo

28. Siya ay kilala bilang "Ama ng Balarila" at nakilala rin bilang nobelista ng lipunang
pampulitika. Sinulat nya ang tulang "Ang Buhay Panggiggera".
A. Lope K. Santos C. Jose Rizal
B. Pedro Gatmaitan D. Claro M. Recto

29.Siya ang sumulat ng Sobre la Indolencia de los Filipinos ( Hinggil sa katamaran ng mga
Flipino.) at La Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino) .
A. Lope K. Santos C. Jose Rizal
B. Pedro Gatmaitan D. Claro M. Recto

30.Ito ay pagpapahayag ng nararamdaman at paniniwala ng mga tao na nilikha sa


paraang paawit.
A. Awiting Bayan B. Tulang Bayan C.Kathang Bayan D. Kantang Bayan

31.Ito ang nagiging batayan na ginagamit kadalasan lalo na sa “pagpapaalala sa mga tao
ng maaaring kalabasan ng maling gawa.”

A. Salawikain B. Bugtong C. Dinusa D. Tolbon

32.Isang bayabas, pito ang butas.Isang bundok, hindi makit ang tuktok ay halimbawa ng
isang _________.
A. Salawikain B. Bugtong C. Dinusa D. Tolbon

33.Ang langit ay nababalot sa bao Ang bao ay nababalot sa tubig Ang tubig ay nababalot
sa bunot. Ito ay isang halimbawa ng _________.
A. Salawikain B. Bugtong C. Dinusa D. Tolbon

34. Sa rehiyon ng Bikol ito ay kinakanta sa pista. (tolbon)


A. Salawikain B. Bugtong C. Dinusa D. Tolbon

35. Ano ang tawag ng mga taong Ita sa Bundok Iriga sa kanilang kantang tungkol sa pag-
ibig?
A. Salawikain B. Bugtong C. Dinusa D. Tolbon

36. Ito ang awitin sa kalungkutan at kapighatian dahil sa pagkamatay ng isang kamag-
anak.
A. Diwata B. Sarague C. Dumago D. Angoy
37. Ito ay isang awitin sa burol ng mga taga Bikol.
A. Diwata B. Sarague C. Dumago D. Angoy

38. Ito ay awiting para sa namatay na ninuno.


A. Diwata B. Sarague C. Dumago D. Angoy

39. Sarague – Ito ay awiting pangritwal ng mga taga Bikol.


A. Diwata B.Sarague C. Dumago D. Angoy

40. Ito ay awiting panggera sa Bikol.


A. Hoarasa B. Tagulaylay C. Diwata D. Sarague

41. Ito ay inaawit matapos ang isang kalamidad tulad ng pagsabog ng mga bulkan, at
matinding bagyo sa Bikol.
A. Hoarasa B. Tagulaylay C. Diwata D. Sarague

42. Ito ay isang mahabang kanta na sulat diumano ng isang lalaki na ipinadala bilang
pagsuyo sa kanyang minamahal.
A. Papel de Juan C. Papel de Cantada
B. Papel de Calle D. Papel de Canton

43. Ang Pinagmulan ng Daigdig at Ang Alamat ng Bulkang Mayon Ang Alamat ng Iriga ay
mga halimbawa ng _________.
A. kuwento B. alamat C. nobela D. tula

44.Ito ang ang pinakamahabang epikong Panay.


A. Maragtas B. Haraya C.Hinilawod D. Lagda

45. Siya ang nagpa-uso ng tulang may malayang taludturan ng Hiligaynon.


A. Magdalena Jalandoni C. Eriberto Gumban
B. Mariano Perfecto D. Jose Yap

46. Siya ang kinikilalang ama ng Panitikang Bisaya.


A. Magdalena Jalandoni C. Eriberto Gumban
B. Mariano Perfecto D. Jose Yap

47. Dahil sa kanya ay nabahiran ng Kristianismo ang panitikang Hiligaynon.


A. Magdalena Jalandoni C. Eriberto Gumban
B. Mariano Perfecto D. Jose Yap

48. Siya ang unang sumulat ng pasyon sa Hiligaynon noong 1884.


A. Magdalena Jalandoni C. Eriberto Gumban
B. Mariano Perfecto D. Jose Yap

49. Karaniwan sa mga akdang isinulat noon sa rehiyong ito ay sa _______ kaya mabilis na
lumaganap ang Kristianismo.
A. Ingles B.Hiligaynon C. Kastila B. Cebuano

50. Isa itong epiko sa Bisayas na hindi maituturing na epiko sapagkat hindi rin ito
nakasulat nang patula o inaawit kaya. Nakasulat lamang ito sa matandang titik-Pilipino na
walang tiyak na sumulat.
A. Maragtas B. Haraya C.Hinilawod D. Lagda

You might also like