You are on page 1of 1

Pagsasanay sa Filipino (Mga Bahagi ng Pananalita)

Pangalan at Seksyon _________________________ Petsa _______________ Marka _______


35
I. Isulat sa patlang kung ang lipon ng mga salita ay parirala, sugnay o pangungusap.
______________ 1. masigasig na nagtatrabaho
______________ 2. dahil delikado ang panahon ngayon
______________ 3. kumuha ka ng tubig
______________ 4. kung nag-aaral ka
______________ 5. tara na

II. Isulat sa patlang ang T kung ang uri ng pangngalan ay pantangi at B kung pambalana
______ 6. Ang mga (Amerikano) man ay nanakop din sa Pilipinas.
______ 7. Ang mga (timawa) ay may pag-aari at hindi naglilingkod bilang alipin.
______ 8. Mga hukbo ng mga (Pilipino) at Amerikano ang lumaban sa mga Hapon.
______ 9. Si (Ferdinand Magellan) ang nakatuklas sa Pilipinas.
______ 10. Ang mga (Hapon) ay natalo sa pagbabalik ng mga Amerikano.
______ 11. Sa (Unibersidad ng Sto. Tomas) sila nag-aaral.
______ 12. Ang mga magulang niya ay (dentista).
______ 13. Nakita niya ang mga binili ng (dalaga).
______ 14. Ang Kalakhang (Maynila) ay maunlad ngunit magulo.
______ 15. Sa isang maliit na (karindirya) sila kumain ng hapunan.

III. Palitan ng angkop na panghalip panao ang mga pangngalang nakasalangguhit. Piliin ang tamang sagot sa kahon sa
ibaba at isulat ito sa patlang.
______________ 16. Si Rod at Ali ang maghahatid sa mga bisita.
______________ 17. Ako at ang mga kapitbahay namin ang nagtutulungan upang mapaganda ang aming barangay.
______________ 18. Hinahanap ka ni Randy kanina.
______________ 19. Baon ko at ni Kuya ang hinahatid ni Tatay araw-araw.

sila kami niya namin

IV. Tukuyin ang pandiwang may salungguhit sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay perpektibo,
imperpektibo o kontemplatibo.
______________ 20. Dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong Marso 15, 1512.
______________ 21. Nababagalan ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa colonial mentality.
______________ 22. Lilibutin namin ang buong Tagaytay sa bakasyon.
______________ 23. Ipinagbabawal ang pagkuha sa mga pambansang bantayog.
______________ 24. Kagabi pa tinapos ng mga bata ang kanilang proyekto sa Filipino.
______________ 25. Noong nakaraang Lunes nagsimula ang klase ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

V. Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang mga nakasalangguhit na pang-uri.
_____________ 26. Maliit na maliit na ang damit na yan para sa iyo.
_____________ 27. Si Ate Roshel at Juice ay magkasingtangkad na.
_____________ 28. Maamo ang nahawakan kong tigre.
_____________ 29. Ubod ng tamis ang natikaman ni Candice na mangga.
_____________ 30. Singbilis ng humaharurot na sasakyan ang kabayo.

VI. Tukuyin ang pang-abay na may salungguhit sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay pamaraan,
pamanahon o panlunan.
____________ 31. Si Francisco Balagtas ay mahusay sa pagtula.
____________ 32. Nilinisan nang maigi ng mga mag-aaral ang kanilang silid.
____________ 33. Mababait at masisipag ang mga mag-aaral ng Jose P. Laurel Sr. High School.
____________ 34. Ipinanganak si Jose P. Laurel noong ika-19 ng Marso, 1891.
____________ 35. Buong husay na ginampanan ng mga guro ang kanilang tungkulin sa paaralan.

You might also like