You are on page 1of 24

Mga Batayang Simulain sa Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo

Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo, kinakailangang isaalang-alg at kilala ang mga prinsipyo at teorya sa
paghahanda ng disenyo at ang mga set ng masistemang proseso sa paghahanda ng mga kagamitang panturo.
Ang Teorya ay tumutukoy sa pinagbatayan kung gaano kaganda ang pagkakapaliwanag kung paano at bakit ito
naging masistemang paraan o paghahanda.
1. Ayon kay Reigeluth (1983), Teorya ay set ng mga modelo. Ayon din sa kanya ang prinsipyo at teoryang ito ay
matutukoy sa pamamagitan ng descriptive at prespective na anyo.
2. Ayon naman kay Seels (1997), Inilalarawan niya ang teorya bilang paliwanag ng penomina at mga pangyayari na
makatutulong sa mga mag-aaral upang maunawaan at makaagapay siya sa mundong ginagalawan.
3. Ayon kay Merril (1996), Inilalarawan ang teorya sa paghahanda ng negosyo sa kagamitang panturo na isang set ng
preskripsyon upang matukoy ang angkop na estratehiya na angkop sa kagamitan upang ang mag-aaral ay matamo ang
kanilang nilalayon.

Batayang Konsepto sa Disenyo

 Ang mga kagamitan ay kailangang malinaw na nakaugnay at nakaayon sa kurikulum na ginagamit. Ito ay
tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa pagkatuto.

Kurikulum Planning

Pagtukoy sa pangangailangan ng mag-aaral


Pagbuo ng mga tunguhin at layunin
Pagbuo ng materyales
Pagbuo ng pagsusulit

Implementasyon ng Kurikulum

Pagtuturo sa mga mag-aaral


Pagmomonitor at pagsasagawa ng pagtuturo
Pagsulat ng mga karagdagang kagamitan

Ebalwasyon

Pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral


Pag-eevalwyt sa kurikulum

 Ang mga kagamitan ay kailangang awtentiko at makatotohanan ang teksto at gawain.


 Ang mga kagamitan ay gumigising sa kawilihan ng mga mag-aaral at humihikayat ng interaksyon. Higit na
pagkatuto ng mga mag-aaral kung may interaksyong nagaganap sa kanya at sa kanyang paligid.
 Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mga mag-aaral na gamitin nang wasto ang wika sa kanilang
pakikipagtalastasan sa loob at labas ng paaralan.
 Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mag-aaral sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto kung paano
matuto.
 Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mag-aaral na magamit ang mga kasanayan sa wika sa kanilang mundong
ginagalawan.

Pamantayan sa Kagamitang Panturo

Pag-aanalisa (Analysis)

1. Kailangang mahalaga ang layon kung bakit bubuo ng kagamitang panturo.


2. Kailangang nakabatay sa kawilihan, suliranin at pangangailangan ng target na gagamitin.

Pagdevelop ng Kurikulum Grid

Ito a nakatutulong sa bumubuo at naghahanda ng materyales at guro kung anong kontent at literasi lebel ng mga
kagamitan ang kailangan ng mag-aaral ba ihahanda nila.
Pagpili ng Tema

1. Mag-set ng prayoridad batay sa pangangailangan at kahalagahan ng isyu.


2. Magtala ng mga isyu at idikit sa tsart na makikita ng target na gagamit.
3. Makipag-ugnayan sa talakayan sa taong may sapat na kaalaman sa isyung gagamitin. Hilingin silang magbigay ng
kanilang opinyon sa isyu.
4. Bumuo ng layon, content, nilalaman, target na gagamitin.
5. Pag-aralan ang angkop na materyales o kagamitan sa isyung napili.
Pagbuo ng mga Layon

1. Isipin ang makatotohanang pangangailangan ng komunidad.


2. May kaugnayan sa tunay na buhay o pangyayari sa mag-aaral.
3. May kaugnayan din sa gawain t kultura ng bansa.
4. Relihiyon
5. Idelohiya
6. Makapagpapaunlad sa kakulangan ng mga mag-aaral sa kasanayan.
7. Maliwanag at tiyak.

Pagpili ng Pormat
Isinasaalang-ala ang mga sumusunod:

1. Taong gagamit
2. Lugar na paggagamitan
3. Literasi lebel ng gagamit
4. Araling maaaring gamitin sa iba pang kagamitang supplemental
5. Sapat na halagang gugugulin at gagamitin
6. Kakayahan at makasanayan ng guro sa panggamit
7. Tipo ng gamit (role) ng kagamitang instruksyonal, nagbibigay impormasyon, nagpapaabot ng "awareness" atb.

Pagkilala sa iba't ibang anyo o pormat ng kagamiang panturo.


Kategorya ayon sa Pormat ng Kagamitang Panturo.

1. Pagsulat ng Pormal- Buklet, plaskard, plip tsart, poster, komiks atb.


2. Electnic Media- Audio tapes, videos, television, and radio programme
3. Folk Media- Mga kanta puppet shows, drama.

Pagpili at pagsaayos ng mga nilalaman (content)


1. Ayos ng nilalaman
2. layon
3. Kaugnay sa kurikulum
4. Payak, malinaw at nauunawaan
5. Umaayon sa nakaraang kaalaman
6. May kaugnay sa kultura at literasi lebel
7. Naaayon sa sosyo-ekonomik na sitwasyon
8. Mahalaga ang pagkakasunod-sunod

Pagsulat ng Skript
1. Iskrip ekspresyon mahalaga at maikli ang pahayag na gagamitin
2. May ilustarsyon
3. Maayos na pagpili ng mga salitang yaong madaling maunawaan
4. Kaakit-akit, kasiya-siya at humahamon upang sila ay mag-isip
5. Inobatib at kki-pakinabang
6. Binubuo ng mga creative na kasanayan

Ilustrasyon- Tumutukoy sa mag-aaral na makabuo ng isang larawan o konsepto upang higit na maunawaan ang aralin.

Editing- Iniisa-isa at winawasto ang mga kailangan at kaugnay na ilustrasyon sa teksto. Binabasa rin ng editor ang wika-
pagkakabuo at istruktura nito at ganun din and araling panliterasi.

Pamagat- Kaakit-akit at may kaugnay na paksa o nilalaman ng kagamitan.

Pagsasaalang-alang sa Paunang Pagsusulit

1. Mga dahilan
2. Mga bibigyang pansin sa pamagat, nilalaman ng wikang ginamit, pornal, literasi lebel.
3. Hakbang ng paunang-pagsusulit-paghahanda ng materials, iskedyul, field trip at paghahanda ng instructor manual.
4. Iba't ibang metodong paunang pagsusulit sa bawat uri ng KP.
5. Mga taong magsasagawa ng paunang pagsususulit.

Printing- Maraming proseso ang pinagdaanan ng KP sa paglilimbag o pagpaparami.


Adaptasyon ng mga materyales- Krayterya at angkop na gagamiting materyales.
Pakikisangkot ng mga mag-aaral/Instruktor/Facilitator sa pagpili ng mga materyal na i-a-adapt.
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika

“Maraming iba’t ibang wika sa daigdig at bawat isa’y may kahulugan. Ngunit kung hindi ako marunong ng wikang
ginagamit ng aking kausap, hindi kami magkakaunawaan.” -1 Korinto 14: 10-11

 Kahulugan ng Wika Instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit ang mithiin at
adhikain niya sa buhay.
 Sa pamamagitan ng wika ay naipararating ng tao ang mga impormasyon na gusto niyang maibahagi sa iba.
 Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.
 Ayon naman kay Edgar Sturtevant, ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa
komunikasyon ng tao. Ang mga tunog at kahulugan ng mga salita ay magkakaugnay sa arbitraryong paraan.
Nangangahulugan ito na kung hindi mo pa naririnig ang isang salita o ang mga tunog na bumubuo sa salitang ito
ay hindi mo ito mauunawaan. Kung gayon, ang wika ay isang sistema kung saan iniuugnay ang mga tunog sa
kahulugan at kung alam mo ang wika, alam mo ang sistema. Kalikasan ng Wika – (Austero, et al., 1999)

1. Pinagsama-samang tunog. Ang wika ay pagsasama-sama ng mga tunog na nauunawaan ng mga gumagamit nito na
kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita. Ang nabubuong salita mula sa mga tunog na ito ay may kahulugan.

2. May dalang kahulugan. Bawat salita ay may taglay na kahulugan sa kanyang sarili lalo‘t higit kung ginagamit na sa
pangungusap.

3. May ispeling. Bawat salita sa iba‘t ibang wika ay may sariling ispeling o baybay. Sa wikang Filipino, masasabing
madali lamang ang ispeling ng mga salita dahil sa katangian ng wikang ito na kung ano ang bigkas ay siya ring
baybay.

4. May gramatikal istraktyur. Binubuo ito ng ponolohiya at morpolohiya (pagsasama ng mga tunog upang bumuo ng
salita), sintaks (pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap); semantiks (ang kahulugan ng mga
salita at pangungusap); at pragmatiks (nagpapaliwanag sa pagkakasunud-sunod o pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap), sa partisipasyon sa isang kombersasyon at sa antisipasyon ng mga impormasyon na kailangan ng
tagapagsalita at tagapakinig.

5. Sistemang oral-awral. Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral) at pakikinig (awral). Ang dalawang mahalagang
organo na binubuo ng bibig at tainga ang nagbibigay-hugis sa mga tunog na napapakinggan. Ang lumalabas na tunog
mula sa bibig ay naririnig ng tainga na binibigyang kahulugan ng nakikinig.

6. Pagkawala o ekstinksyon ng wika. Maaaring mawala ang wika kapag di nagagamit o wala nang gumagamit. Tulad
din ito sa pagkawala ng salita ng isang wika, halimbawa, ang salitang banggerahan na bahagi ng sinaunang ayos ng
kusina na lugar kung saan hinuhugasan at itinataob ang mga pinggan, baso, atbp. ay hindi na alam ng maraming
kabataan sa ngayon. Dahil nagkakaroon ng pagbabagong istruktural ang bahay sa kasalukuyang panahon, darating ang
panahon at tuluyan nang di gagamitin ang salitang banggerahan kaya masasabing mawawala na ito o papunta sa
ekstinksyon.

7. Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indijenus. Dahil sa ibat‘ ibang kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, ang wika
ay iba-iba sa lahat ng panig ng mundo. May etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming grupo at/o etnikong
grupo ang mga lahi o lipi.

Kahalagahan ng Wika (Buensuceso, et al. 1996) Mahalaga ang wika di lamang sa sarili kundi sa pakikipag-
interaksyon na rin sa kapwa at sa lipunan. Ginagamit sa pagkuha ng impormasyon, pagtatamo ng edukasyon, gayon
din sa pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan. Sa wika napapabilis at napagagaan ang isang gawain. Ang
mga sumusunod ang maituturing na kahalagahan ng pagkakaroon ng wika:

1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan.

2. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.

3. Ang wika ay nagbibigay ng kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita.

4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng kanilang karanasan.

5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng kakaibang mga salitang hindi laganap.

6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit.


7. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi.

8. Ang wika ay tagabigkis ng lipunan. Pagkatuto ng Wika Ang pag-iisip at ang wika ay magkalapit ang ugnayan at
ang kanilang debelopment ay magkasabay din. Ang mga batang matagumpay na nakasusunod/ nakagagawa ng mga
gawaing kaugnay ng pag-iisip ay karaniwan na iyong may kahusayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
Halimbawa, ayon kay Tompkins (1990, p. 2) ang pagsulong at pag-unlad sa pagsulat ng mga bata ay maoobserbahan
habang unti-unti nilang naipapahayag ang kanilang mga kompleks na ideya o kaisipan sa kanilang mga sulatin. Kaya
nga, saan ba dapat magsimula kung magpaplano ng mga gawain para sa isang pagtuturong pangwika. Dapat mag-ugat
ang anumang pagpaplano sa pamamagitan Wika sa lipunan sa sarili sa kapw ng isang tanong: ―

Paano natutuhan ng mga bata ang wika?‖ Ang kasagutan dito ang titiyak kung paano dapat ihanda ang kaligiran para
sa pagtuturo at pagkatuto at ito rin ang magtatakda kung anong uri ng mga gawain ang dapat na ilaan sa mga mag-
aaral. Marami nang mga pagpapaliwanag ang ating nabasa hinggil sa kung paano natutuhan ang wika. Ngunit halos
magkakaiba at minsan ay nagsasalungatan pa ang mga ito sa isa‘t isa. Isang kampo ang naniniwala na ang pagkatuto
raw ng wika ay isang likas na kakayahan; may naniniwala naman na ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya
sa pagsasalita ng mga matatanda. At mayroon din nananalig na ang pagkatuto ng wika ay isang proseso ng
interaksyon sa kapwa at dapat bigyang pansin ang aktibong tungkulin ng mga bata upang maranasan at matamo ang
wika. Hindi mapasusubalian ang naging papel ng pag-aaral sa sikolohiya hinggil sa proseso ng pagkatuto. Malaki ang
naging impluwensiya ng mga teoryang behaviorist, innative at kognitib hinggil sa mga kinagawiang paraan sa
pagtuturo ng wika. Ating alamin ang ilang pangunahing teorya na nagkaroon ng malaking impluwensya sa larangan
ng pagtuturo at pagkatuto ng wika.

Mga Teorya ng Pagkatuto ng Wika Teoryang Behaviorist Ipinahahayag ng teoryang behaviorist na ang mga bata ay
ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng
pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at mapauunlad sa
tulong ng mga angkop na pagpapatibay dito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na
kailangang ―alagaan‖ ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay- sigla at
pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang
anumang gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak pa lamang
ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para maging isang doktor o isang abugado. Unti-unting
ihahantad ang bata sa mga bagay at gawaing kaugnay nito at palagi nang may angkop na pagpapatibay. Ang mga
gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring: ―Magaling.‖ ―Tama ang
sagot mo.‖ ―Kahanga-hanga ka.‖ ―Sige, ipagpatuloy mo.‖ Ang teoryang behaviorist sa pagkatuto ay nagbigay sa
mga guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo.

Ang audio-lingual method (ALM) na naging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang
behaviorist. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba: Binibigyang-diin ang mga kasanayang
pakikinig at pagsasalita; Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril; Paggamit lamang ng target na wika; Kagyat na
gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot; Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at Ang pagtuturo at pagkatuto
ay nakatuon sa guro.

Teoryang Innative Ang teoryang innative sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may
―likas na salik‖ sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama
na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang
pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural na kaligiran
kung saan ito nabubuo. Ito‘y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Inilarawan ni Chomsky ang prosesong ito sa pamamagitan ng analohiya ng isang likhang-isip na ―aparato‖ na taglay
ng mga bata at tinawag niya itong language- acquisition device (LAD). Ang LAD ang tumatanggap ng mga
impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa
isipan ang mga tuntunin. Ang mga tuntunin ay inilalapat habang nakikipag-usap ang mga bata. Ang LAD ay patuloy
na ginagamit ng mga bata bilang sistema ng pagbuo ng mga tuntunin hanggang sa marating nila ang kaganapan ng
kanilang edad (maturation).

Teoryang Kognitib Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung
saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na
impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at mailipat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na
pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin
ang mag-aaral ng wika o di kaya nama‘y naiilapat nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga
kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at
eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Ang pagkakamali ay tinatanaw ng mga kognitibist
bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto. Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga pagkaklaseng batay sa teoryang
kognitibist. Nakapokus ito sa patuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod. Sa dulog
na pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga
ito upang makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng dulog na pabuod.
Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang dulog
pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang
kognitibist ay palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong prosesong kaisipan. Sa ganitong
pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga bagong impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito‘y
maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang dating kaalaman. Sa pagkatuto ng wika, kailangang himukin ng guro ang
mag-aaral na mag-isip nang may kamalayan at pag-usapan ang wika upang mapag-ibayo ang kanilang kakayahan sa
paggamit nito.

Ang teoryang kognitibist at teoryang innative ay magkatulad sa maraming aspekto. Parehong pinanghahawakan ng
mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (Page at
Pinnel, 1979). Ang tanging pagkakaiba ng dalawang teoryang ito‘y may kinalaman sa implikasyon sa pagtuturo.
Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong
matutuhan. Samantalang sa kampo ng mga kognitibist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na
magpapabilis sa pagkatuto ng wika. Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng
mga bata at kung paano sila natututo. Mahalaga ang kabatiran sa mga teorya dahil ang mga ito ang magsasabi ng mga
tamang gawain sa pagtuturo. Ang paglilinaw ng iyong posisyon hinggil sa mga teoryang ito‘y hindi ang isa-isang
pagbabanggit ng ngalan ng teorya o pagsasaulo ng mga paliwanag hinggil dito. Ang mahalaga ay ang sarili mong
paniniwala hinggil sa kung paano natuto at kung paano nakapagtatamo ng wika ang mga bata. Teoryang Makatao Ang
teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay din sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal. Ito‘y
nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop ang kaligiran, may kawilihan ang
mga mag-aaral at may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Kung ang mga kondisyong
ito‘y hindi matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang panturo ay maaaring hindi magbunga ng pagkatuto. Kaya
nga, sa larangan ng pag-aaral ng wika, kailangang may magandang saloobin ang mga mag-aaral sa wikang pag-
aaralan, sa mga gumagamit ng wika at sa mga guro ng wika. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang
kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam na
bawat mag-aaral ay malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan. Kailangan ding linangin ng
guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag- aaral. Pangunahing binibigyang pansin ng teoryang makatao ang mga
mag-aaral sa anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag- aaral sa pagpili
ng nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto. Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may
kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni
Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov.

Pagkatuto vs. Akwisisyon ng Wika Nagbigay si Krashen (1981) ng magandang paliwanag hinggil sa pagkakaiba ng
pagkatuto at akwisisyon ng wika. Ang pagkatuto ay isang binalak na proseso kung saan pinag-aaralan ang wika sa
isang organisadong paraan at may sinusunod na isang tiyak na programa o silabus. Ang ganitong pagkatuto ay
humahantong sa pag-alam ng mga tuntunin sa paggamit ng wika at pagsasalita nito ayon sa kung paano ito inilahad sa
isang sistematiko at pormal na paraan. Sa kabilang dako, ang akwisisyon ay nagaganap nang hindi namamalayan at
katulad ito halos kung paano natutuhan ang ating unang wika. Ito ay nagaganap sa isang sitwayon na ang mag-aaral
ay nahaharap sa maraming pagkakataon na natural na ginagamit ang wika. ―Pinupulot‖ ng mag-aaral ang wikang
kanyang naririnig na sa palagay niya‘y kailangan sa pakikipag-usap sa mga tao sa kanyang paligid. Mahalaga ang
mga kaalamang ito sa pagtuturo ng wika lalo‘t higit kung pangalawang wika ang ituturo dahil sumusuporta at
nagbubuo ang dalawang ito sa isa‘t isa. Kung sisilipin natin ang nangyayari sa loob ng klasrum at sa loob ng tahanan
hinggil sa pagkatuto ng wika, makikita natin ang ganitong tanawin. Sa loob ng klasrum, ipinalalagay na kailangang
ituro sa mga bata ang mga tuntunin para matutuhan ang wika. Sa halip na ihantad ang bata sa mayamang kaligiran ng
wikang sinasalita, ang input ay may hangganan at inihahanay nang may kontrol ayon sa paniniwala ng humuhubog ng
kurikulum. Ang pag-aaral ay nagsimula sa paglalahad ng mga titik at tunog patungo sa pagbuo ng salita. Ang pokus
ng pag-aaral ay ang wika sa halip ng mga makabuluhang gawain o konteksto na kinapapalooban nito. Sa pagsagot ng
mga bata, isa ng mahigpit na batas na ang sagot ay sa kompletong pangungusap. Sa loob ng tahanan, malaya ang bata
sa kanyang pagkatuto. Walang mga tuntunin na kailangan sundin. Walang kontrol ang dami ng wikang naririnig.
Hindi ang pagkatuto ng magkahiwalay na tunog at salita ang kanilang natutuhan kundi mga natural na wika na
kanilang naririnig at ginagamit araw-araw. Positibo palagi ang pidbak at walang nagsasabi sa kanila na ―ulitin mo
nga sa kompletong pangungusap.‖ Ayon kay Krashen, ang ganitong kaligiran sa pag-aaral ng wika ay may ―low
affective filter‖ kaya ang pagkatuto ay madali at mablis.

10. 10 Ano ang implikasyon ng mga senaryong inilahad sa pagtuturo ng wika? Sa epektibong pagtuturo ng wika, hindi
sapat ang pag-alam lamang sa iba‘t ibang pamaraan sa pagtuturo. Dapat ay may sapat na pagkaunawa ang guro sa mga
teoryang linggwistika at sikolohiya na pinagbabatayan ng mga pamaraan sa pagtuturo. Mga Domeyn ng Pagkatuto ng
Wika Ang pagbubuo ng layunin sa pagtuturo ng wikang Filipino ay ang simula ng paghahanda at pagbabalak ng aralin.
Ito ang unang hakbangin sa pagtuturo na tuwirang nakakaapekto sa pagpipili ng tiyak na kagamitang pampagtuturo at
pamamaraang gagamitin ng guro. Ang pagtukoy ng mga tiyak ng layunin ay kaagad na sinusundan ng pagpapasiya kung
anong gawain at karanasan ang idudulot sa mga mag-aaral sa ikapagtatamo ng mga layuning binuo (Belvez 2000).
Mahalagang malaman ng isang magiging guro ng Filipino sa hinaharap ang kahalagahan ng layunin sa pagtuturo ng wika
na walang ibang pangkalahatang layon kundi ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa mga esensyal na hakbangin tungo sa
ikauunawa ng epektibong pamamaraan ng pagbubuo ng layunin ay ang pagkakaroon ng komprehensibong kaalaman sa
tatlong domeyn ng layunin sa pagkatuto ng wika:

 domeyn pangkabatiran o kognitib (cognitive domain);


 domeyn na saykomotor (Psychomotor domain);
 at domeyn na pandamdamin (Affective domain).

Ang bawat domeyn ay kumakatawan sa isang partikular na set ng mga palagay at paniniwala tungkol sa kung paano
natututo, kumikilos at gumagalaw ang mga mag-aaral sa isang pagtuturong pangklasrum. Domeyn Pangkabatiran o
Kognitib (Cognitive Domain) Ang Domeyn Pangkabatiran o Kognitib ay natutungkol sa paglilipat o transmisyon ng
kabatiran o kaalaman. Ito ay mga layunin na lumilinang ng mga kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng mga mag-
aaral. Nahahati ito sa dalawa: ang pagkalap ng kabatiran at paggamit sa kabatiran o impormasyon.

Ang pagkalap ng kabatiran ay nauukol sa pagkatuto ng batayang kabatiran, konsepto, paglalahat at mga teorya. Ang
paggamit sa kabatiran o impormasyon naman ay manipulasyon o proseso sa paggamit ng kabatiran sa mga sitwasyong
lumulunas ng suliranin. Ang domeyn kognitib ay tumutukoy sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko o intelektwal. Nasa
isipan ng guro ang kognitib domeyn kung ang prayoridad ay ang inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral sa mga aralin o
paksang tatalakayin. Karamihan sa mga kabatiran tungkol sa kognitib domeyn ay nag-uugat sa mga pag-aaral ni Benjamin
Bloom at iba pa niyang mga kasamahan na noong 1956 ay nagpalabas ng anim na antas o lebel ng mga herarkiya ng pag-
iisip na inilalahad mula sa pinakapayak patungo sa pinakasopistikadong proseso ng pag-iisip gaya ng nakalahad sa ibaba:
1. Herarkiya ng Pag-iisip

1. Kaalaman (Knowledge) – ang lebel na ito ng pag-iisip ay tumutukoy sa simpleng paggunita o pag-alaala sa mga
natutuhang impormasyon. Napatutungkol ito sa pagpapakita ng dating kaalaman sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala
(recalling) sa katotohanan, termino, basikong konsepto at sagot. Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit sa lebel na
ito ay: bigyang- kahulugan, tukuyin, pangalanan, alalahanin, piliin, ulitin. Halimbawa: Natutukoy ang mga bahagi ng tula.
Nabibigyang-kahulugan ang pangungusap.

2. Komprehensyon o Pag-unawa (Comprehension) – binibigyang-diin ang pag-unawa sa kahulugan ng impormasyong


natutuhan at paguugnay sa mga dating alam na impormasyon. Ito ay pagpapakita ng pag-unawa sa mga katotohanan
(facts) at ideya sa pamamagitan ng Ang mga salitang pangkagawian sa lebel na ito ay: baguhin, ipaliwanag, lagumin,
talakayin, ilarawan, hanapin, ipahayag. Halimbawa: Naipaliwanag ang mga hakbang kung paano ang isang panukalang
batas ay nagiging batas, pagsasaayos, paghahambing, pagsasalin, interpreting, pagbibigay- deskripsyon, at paglalahad ng
pangunahing ideya.

3. Paglalapat (Application) – ito‘y paggamit ng natutuhan sa iba‘t ibang paraan o konteksto. Ito ay paglutas ng problema
sa pamamagitan ng pagkapit ng natutuhang kaalaman, katotohanan, teknik at tuntunin sa ibang paraan. Ang mga salitang
pangkagawian sa ilalim nito ay: ilapat, pag-ibahin, paghambingin, klasipikahin, idayag-ram, ilarawan, uriin, markahan.
Halimbawa: Nailalarawan ang mga pangyayari a kwento sa tulong ng isang dayagram.

4. Pagsusuri (Analysis) – ito‘y nangangailangan ng pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi at organisasyon ng natutuhan
upang makita ang kabuuan. Ito ay natutungkol sa pag-eksamen at paghahati-hati sa bahagi ng impormasyon sa
pamamagitan ng pagkilala ng motibo o sanhi at paggawa ng hinuha at paghanap ng ebidensya sa suportang paglalahat.
Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit sa antas na ito ay: pag-uugnay- ugnayin, tukuyin,(ang sanhi at bunga)
kilalanin (ang totoo/paktwal), bumuo (ng hinuha), suriin, magbuod. Halimbawa: Napag-uuri-uri ang mga pahayag sa
isang babasahin sa pamamagitan ng pagsulat ng letrang P para sa mga paktwal na pahayag at O para sa mga opinyon.

5. Pagbubuod (Synthesis) – sa lebel na ito, kailangan na mapag-ugnay ang iba‘t ibang impormasyon upang makalikha ng
bagong kaalaman. Ito ay natutungkol sa pagsasama-sama ng mga impormasyon sa iba‘t ibang paraan sa pamamagitan ng
pagsasama ng mga elemento sa Ang mga salitang pangkagawian sa ilalim nito ay: lumikha, bumuo, bumalangkas, pag-
ugnayin, idesenyo, iplano, sumulat. Halimbawa: Mula sa tatlong paktwal na pahayag, sumulat ng dalawang talatang
sanaysay na isang bagong patern o pagsulong ng alternatibong solusyon; at paglikha ng bago o orihinal sa paggamit ng
nariyan nang elemento. kumikiling sa isang isyu at panindigan ang sariling posisyon sa tulong ng mga paktwal na
pahayag.
6. Pagtataya (Evaluation) – ang pagiisip sa lebel na ito‘y nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa liwanag
ng mga inilahad na mga krayterya. Ito ay natutungkol naman sa paghaharap at pagtatanggol ng mga opinyon sa
pamamagitan ng paggawa ng pasya o hatol tungkol sa impormasyon, validiti ng mga ideya o kalidad ng trabaho batay sa
isang set ng kraytirya.

7. Ang mga salitang pangkagawian sa lebel na ito ay pahalagahan, kilatisin, pangatwiranan, suriin, timbangin, punahin,
magtangi, paghambingin. Halimbawa: Mula sa dalawang artikulo na naglalahad ng magkasalungat napananaw sa isang
maiinit na isyu, kilatisin kung alin ang nagbibigay ng makatarungang presentasyon at pangatwiranan ang sariling opinyon.

Domeyn na Saykomotor (Psychomotor Domain) Ang Domeyn na Saykomotor ay nahihinggil sa mga kasanayang motor at
kasanayang manipulatibo na nangangailangan ng koordinasyong nueromascular. Ang sayko (Psycho) ay
nangangahulugang ―isip‖ at ang motor ay ―galaw‖. Ito ay kinapapalooban ng mga layunin na ang tinutungo ay ang
paglinang ng mga kasanayang motor at kasanayang manipulatib. Sa lubusang pagkamit sa domeyn na ito ng pagkatuto,
nilalayon ng guro ang pagkalinang ng mga kakayahang pisikal mula sa mga batayang galaw ng katawan (paglakad,
pagtakbo) hanggang sa mga kilos at galaw na nangangailangan ng maraming pagsasanay upang matamo (pagtugtog ng
piyano o gitara, pagsayaw, paglangoy at iba pa). Ayon kay Simpson 1972, ang domeyn na ito ay may pitong pangunahing
kategorya: perception, set, guided response, mechanism, complex overt response, adaptation, origination.

2. Pangunahing Kategorya ng Domeyn Saykomotor (Simpson 1972) Perception Sinisimulang tantiyain ng mag-aaral ang
mga bagay-bagay, kung papaano ito gagawin, kung ano ang magiging kalalabasan, resulta o bunga. Set Pagkakaroon ng
kahandaang pisikal, mental at emosyonal o ang tinatawag na mindset. Guided Response Sinusubukan nang matutunan ng
mag-aaral ang saykomotor na gawain sa pamamagitan ng paggaya o imitasyo at trial and eror. Mechanism Bunsod ng
paulit-ulit na pag-eensayo ay unti-unti nang naisasagawa ang nais matutunan nang tama at maayos, kasabay ng
pagkalinang ng kumpiyansa at tiwala sa sarili na magagawa ito. Complex Overt Response Matagumpay nang naisasagawa
ang ninanais na pagkatutong saykomotor kung kaya buung-buo na ang tiwala at kumpyansa sa sarili ng mag-aaral na
maisasakatuparan ang nais matutuhan. Sa bahaging ito ay makikitang mas akma, tama at hindi na nagkakamali ang mag-
aaral. Adaptation Naisasagawa na ng mag-aaral ang natutunan sa kahit saan at kahit na anumang pagkakataon, siya man
ay nakapaghanda o hindi at nagagawa na ring mamodipika ang mga unang natutunan upang maging akma sa ibang
sitwasyon na paglalapat din ng katulad na saykomotor na kasanayan. Origination Dito na lumalabas ang pagkamalikhain
ng mag-aaral na kung saan, nakabubuo na siya ng sariling maipagmamalaking teorya o teknik sa pagsasagawa ng
natutunan

3. Antas ng Pagkatuto sa Domeyn na Saykomotor (Dave 1970) Imitation Pagmamasid at panggagaya ng galaw o kilos
mula sa iba Manipulation Pagsasagawa ng mga kilos o galaw sa pamamagitan ng pagsunod sa panuto at paulit-ulit na pag-
eensayo Precision Pagsasaayos ng mga galaw upang mas lalong maging tama at maayos gaya ng inaasahan Articulation
Pagkakaroon ng harmonya at koordinasyon sa bawat galaw o kilos; pagsasama-sama ng iba‘t-bang pagkatuto
Naturalization May mataas na antas ng pagkatuto hanggang sa naging likas o natural na bahagi na lamang ito ng pang-
araw- araw na buhay. Kung pagsasama-samahin ang mga teoryang nabanggit, apat ang mahihinuhang pangkalahatang
kategorya sa domeyn na saykomotor: observing o pagmamasid, imitating o paggaya at pagsunod sa kilos at galaw,
practicing o paulit-ulit na pag-ensayo at adapting, ang huling hakbang upang perpektong maisakatuparan ang ganap na
pagkatuto. Domeyn na Pandamdamin o Afektib (Affective Domain) Ang Domeyn na Pandamdamin ay nahihinggil sa
paglinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahalaga ng mga mag-aaral. Ito ay may limang kategorya:
Pagtanggap (receiving), Pagtugon (responding), Pagpapahalaga (Valuing), Pag-oorganisa (organization) at
karakterisasyon (characterization).

4. Mga Kategorya ng Domeyn na Pandamdamin o Afektib Pagtanggap Kamalayan, kagustuhang making Halimbawa:
Pakikinig sa guro at sa kaklase. Pakikinig upang maalala ang pangalan ng bagong kakilala. Keywords: nakakapagtanong,
nakapipili, nakalalarawan, nakasusunod, nakabibigay, nakatutukoy.

Pagtugon Aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa isang partikular na kaganapan.

Halimbawa: Pakikilahok sa talakayan sa klase. Nakabibigay ng presentasyon. Nagtatanong ng mga bagong ideya at
konsepto upang lubusang maunawaan. Alam at sinusunod ang mga patakaran. Keywords: sumasagot, sumasang-ayon,
bumabati, tumatalakay, tumutulong, gumagawa, umaalalay, umuulat, bumabasa, sumusulat, nagsasalita, nagkukwento
Pagpapahalaga Pagbibigay-halaga o importansya sa isang tao na may kaugnayan sa isang partikular na bagay, phenomena
o kaasalan. Halimbawa: Pagpapakita o pagpapahayag ng paniniwala sa mga demokratikong kalakaran. Pagiging sensitibo
tungo sa indibidwal at kultural na pagkakaiba. Keywords: pinupunan, pinapakita, nagpapaliwag, sumusunod, bumubuo,
nang-iimbita, sumasali, nagbabasa, pumipili, umuulat, nag-aaral, nagtatrabaho. Pag-organisa Inoorganisa ang mga
pagpapahalaga ayon sa mga prayoridad, sa gitna ng pagkakaiba at salungatan ng mga pagpapahalaga, paglutas ng mga
pagkakaibang ito at pagbubuo ng isang sistema ng pagpapahalaga. Ang diin ay nasa pagkukumpara, pag- uugnay at
pagbubuod o pagsasama-sama ng mga pagpapahalaga. Halimbawa: Nakikita ang pangangailangang maibalanse ang
kalayaan at responsbleng kaasalan. Tinatanggap ang responsibilidad sa mga kaasalan ng iba. Naipapaliwanag ang
kahalagahan ng sistematikong pagbabalak o pagpaplano sa paglutas ng mga suliranin. Tanggap at isinasabuhay ang
pampropesyunal na pamantayang etikal. Nakabubuo ng panghabambuhay na plano na ikinokonsidera ang kanyang
abilidad, interes at paniniwala. Keywords: sumusunod, binabago, inaayos, pinagsama- sama, ikinukumpara, kinukumpleto
o pinupunan, ipinagtatanggol, pinapangatwiranan, iniuugnay, etc.

Karakterisasyon Mayroon nang sistema ng pagpapahalaga na siyang pinagbabatayan ng mga asal. Ang kaasalan ay
konsistent, hindi basta-basta nababago, at bahagi ng katangian ng isang mag-aaral na gusting matuto. Ang mga layunin ay
binibigyang-pansin ang pangkalahatang pamamaraan ng pakikibagay ng mga mag- aaral sa kanilang kaligirang sosyal at
emosyonal. Halimbawa: Naipapakita ang tiwala sa sarili habang nagsasagawa ng mga gawain nang hindi nakadepende sa
iba. Nakikiisa tuwing may mga pangkatang gawain. Ginagamit ang pagdulog na nakatuon sa layunin sa paglutas ng
suliranin. Pinapahalagahan ang iba batay sa kung ano sila, hindi sa panlabas na kaanyuan.
Keywords: Gumagawa, ipinapakita, nakaiimpluwensya, nakikinig, binabago, tinutupad o sinusunod, nagtatanong,
lumulutas.

Pag-susulit Pangwika

Ang pagsusulit ay ang sistematikong paraan ng pagsukat ng kakayahan ng isang indibidwal (Brown, 1991). Ang
pagsusulit pangwika ay maaaring isagawa ng pasalita, pasulat, kompyuter o isang silid kung saan ang kukuha ng
pagsusulit ay kinakailangang pisikal na gawin ang kanyang kaalaman at kakayahan.

Kahulugan ng Pagsusulit Pangwika

1. Ito ay ang pagsusulit na sumusukat sa kakayahang aplikasyon at kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa wika.
2. Ito ay ang pagsusulit n isinasagawa upang mangolekta ng impormasyon at humusga sa kakayahan ng mag- aaral kung
paano ito gagamitin.
3. Ang pagsusulit pangwika ay grupo ng mga tanong na sumusukat sa tiyak na topiko o kakayahan sa wika; ito ay ginawa
upang ilahad sa isa o maraming mag- aaral sa isang nakatakdang oras o araw.
4. Ito rin ay ang paraan upang determinahin kung tutuloy pa sa susunod na talakayan o uulitin ang ginawang talakayan,
natutunan ng mag- aaral at ang kahusayan ng guro sa pagtuturo ng wika.
5. Ito rin ay ang paraan upang bigyan ng grado ang isang mag- aaral

Kahalagahan ng Pagsusulit Pangwika

1. Nagbibigay ng gabay sa pagpaplano, pagpapatupad at pagpapayaman ng paraan ng pagtuturo ng wika at ang mga
kagamitang pampagtuturo gagamitin.
2. Nakakamonitora ng pag- unlad ng kakayahan at kaalaman ng mag- aaral tungkol sa wika
3. Nakatutulong upang hikayatin ang mga mag- aaral na matuto dahil sa kaalaman tungkol sa resulta, kaalaman tungkol sa
matagumpay na pagtatapos ng itinakdang gawain, magandang grado at mga papuri.
4. Sumusukat sa resulta ng pagtuturo.
5. Nagbibigay ng impormasyon sa mga magulang kung ano ang lagay ng kanilang mga anak sa paaralan.

Layunin ng Pagsusulit Pangwika

1. Nagpapaalam sa guro ng naging pag- unlad ng kaalaman sa wika ng mag- aaral.


2. Nagpapaalam sa mga mag- aaral ng inunlad ng kanilang kaalaman sa wika.
3. Nagpapaalam sa mga magulang at ibang mga guro ng inunlad ng kaalaman at kakayahan sa paggamit wika ng mga
mag- aaral.
4. Nagbibigay ng impormasyon sa publiko.

Gamit ng Pagsusulit Pangwika


Ayon kay Eisner (1993):
1. Pagsukat ng kalagayan ng edukasyon. Ang gamit ng pagsusulit ay nagbibigay pokus hindi sa kakayahan ng mag- aaral
bilang indibidwal kundi sa kalagayan ng edukasyon sa bansa.

2. Pagbibigay pokus sa pag- aaral. Ang paggamit ng pagsusulit ay nakapagtuturo sa mga mag- aaral na pag- aaralan o
magpakabihasa sa mga espisipikong sangay o larangan na itinakda ng paaralan.

3. Pagbibigay impormasyon sa guro. Ang paggamit ng pagsusulit ay nakapagbibigay impormasyon sa mga guro tungkol
sa kalidad ng kanilang pagtuturo.
4. Pagkamit ng itinakdang layunin.Ang paggamit ng pagsusulit ay nakakapagdetermina kung nakamit ba ang itinakbang
malaman ng mga mag- aaral o ang layunin sa pagtuturo ng asignatura.

5. Pagpupuri sa kakayahan ng mag- aaral. Ang paggamit ng pagsusulit upang puriin o punahin ang kakayahan ng isang
mag- aaral.

Ang Gamit ng Pagsusulit Pangwika sa mga mag- aaral

1. Nagbibigay konsentrasyon sa atensyon ng mga mag- aaral sa mga espisipikong bahagi o topiko ng asignatura.
2. Nagbibigay ng kinakailangang impormasyon tungkol sa kakayahan ng mag- aaral.
3. Nagbibigay impormasyon sa mga mag- aaral kung saan dapat ituon ang pansin upang mahasa ang kaalaman at
kakayahan.
4. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag- aaral upang mahasa o sanayin ang kanilang kakayahan sa paggamit ng wika.
5. Nagbibigay impormasyon sa mga mag- aaral tungkol sa pag- unlad ng kanilang kaalaman at kakayahan.

Pagsusulit vs. Pagsubok

Hindi masyadong malaki ang kaibahan ng pagsusulit (test) sa pagsubok (quiz) dahil pareho lamang ang dalawa na
sumusukat sa kakayahan (kalakasan at kahinaan) ng mag- aaral at sa kalidad ng pagtuturo ng guro. Bagaman halos
magkapareha ang dalawa ay may kaibahan naman ito, ang pagsusulit ay isinasagawa pagkatapos o bago ang isang
malawak na aspekto ng isang asignatura samantalang ang pagsubok naman ay isinasagawa sa loob ng maikling oras at
may konting bilang ng tanong kaysa sa pagsusulit at nakatuon lamang sa mas maliit at ispisipikong bahagi ng aspekto ng
asignaturang itinuturo. Ito ay kadalasang isinasagawa pagkatapos ng pagtuturo ng isang topiko.

Pagsusulit at Pagtuturo

Ang pagsusulit ay may malaking kaugnayan sa pagtuturo. Ang pagsusulit ay binuo at isinasagawa upang masukat ang
natutunan ng isang mag- aaral sa pagtuturo ng kanyang guro. Ang pagsusulit ang siyang nagpapasya kung kalidad ba ang
ginawang pagtuturo ng guro, kung may natutunan ba ang mga mag- aaral sa itnuro, ilang porsyento ng itinuro ang tumatak
sa mga mag- aaral, ipagpapatuloy ba sa susunod na topiko ang itinuro at kung uulitin ba ang ginawang pagtuturo.
Maaaring sabihing nakadetermina sa pagsusulit ang gagawin o ituturo ng isang guro sa kanyang mga mag- aaral.

Pagsusulit at Ebalwasyon

Ang ebalwasyon ay ang paraan ng pagmamarka at paghuhusga ng kaalaman, kakayahan, pagsusulit, pagsubok, pag- uulat
at gawa ng isang mag- aaral. Ito ang ilan sa mga dapat tandaan sa ebalwasyon:
1. Ilarawan ang paraan ng pagmamarka sa mga mag- aaral bago magbigay ng panuto para sa pagsusulit.
2. Ipaliwanag sa mga mag- aaral kung paanong ang ugali sa trabaho, gawain at oras ng pagpapasa ng mga gawain ay
huhusgahan o mamarkahan/ eebalwahin.
3. Kunin ang mga balidong ebidinsya sa ebalwasyon bilang basehan ng pagbibigay ng marka.
4. Timbanging mabuti ang ibang mga nakamtang karangalan ng na kasali sa ebalwasyon.
5. Huwag babaan ang marka ng isang mag- aaral o apektuhan ang ebalwasyon ng isang mag- aaral dahil sa pagiging huli
sa oras ng klase, unang impresyon sa isang mag- aaral, damdamin at kawalang modo.
6. Iwasan ang may kinikilingan, dapat irebisa ang mga ebidensya.

Paghahanda ng Pagsusulit-Pangwika

Kailangan ng isang guro na malaman ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa ng kanyang mga estudyante. Ang pagsusulit
ang pinakamabisang paraan para matamo ang pangangailangang ito. Hindi lamang ito sumusukat sa kakanyahan ng isang
estudyante, malaki rin itong basihan kung naging maayos ba o hindi ang ginawang pagtuturo ng guro. Mahalaga ang
pagsusulit sa isang mag-aaral ng wika dahil:

Una, ang pagsusulit na mahusay ang pagkakagawa ay naktutulong upang magkaroon ng interes sa pag-aaral ang isang
bata. Dahil sa pidbak na dulot ng pagsusulit nagkakaroon ng katuparan ang mga pagsisikap ng isang estudyante sa kanyan
pag-aara.

Ikalawa,nagiging daan din ang pagsusulit sa lubusang pagkauto ng wika. Para sa mga Guro, mahalaga rin ang pagsusulit.
Ito‘y nagbibigay tugun sa mga sumusunod:
―Naging mabisa ba ang pagtuturo?‖,
―Angkop ba ang aking aralin sa aking mga estudyante?‖,
―Aling mga kasanayan ang dapat Bigyang diin?‖ at
―Alin ang kailangang ituro muli?‖
Katangian ng Pagsusulit Pangwika:
Dalawang suliraning kinasasangkutan : a. ang pagtiyak sa paksang susulitin. b. pamamaraan sa pagsukat sa gagamitin.

Batayang Simulain ng Pagsusulit-Pangwika

1. Pagsusulit Panwika sa makabuluhang Pakikipaghatiran (Communicative Test)


2. Pagsususulit panwika sa mga bagay na kinapapalooban ng suliranin sa pagkatoto.
3. Ang sangkap at kasanayan sa wika ay dapat subukin sa tunay na pakikipag-usap o pakikipaghatiran.
4. Subukin ang mga kahirapan isa-isa lamang.
5. Subukin lamang ang naituro ng puspusan.
6. Hindi lamang ang batayang simulain ang isalang-alang gayon din ang pamantayan sa pagpapahalaga sa pagsusulit.

Gabay sa Pagbubuo ng Pagsusulit Pangwika


Ang Paghahanda ng Pagsusulit (Badayos,1999) Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong
katapatan ang mga ksanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at paghahanda.

1. Pagplano ng pagsusulit
a. Tiyakan ang layunin ng pagsusulit.
b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.
c. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga kasanayan at kakayahang susukatin.
d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang kabuuang saklaw ng pagsusulit.
e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.
2. Paghahanda ng Pagsusulit
a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng ispesipikasyon bilang patnubay hinggil sa kung ilang aytem
ang bunuuin para sa bawat kasanayang susukatin.
b. Suriin ang mga aytem. Makatutulong kung maipasusuri sa isa o dalawang kaguro ang mga aytem. Magagamit
ang sumusunod na mga tanong sa pagsusuri ng mga aytem.

1. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na kasanayang kasama sa talahanayan?


2. Akma ba sa sinusubok na kasanan ang bawat uri ng aytem sa pagsusulit?
3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?
4. Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig ang aytem.
5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuha ng pagsusulit?
6. Ang mga distraktor o joker ba ay sadyang mabuti at maayos ang pagkabalanse at hindi magtutunton sa
wastong sagot? 7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o kasanayan sa talahanayan ng
ispesipikasyon.
8.Hindi ba kakikitan ng regular na padron ang paghahanay ng mga wastong sagot?
c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit
1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.
2. Isayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad muna ang madadaling aytem bago ang
mahihirap na aytem.
d. Ihanda ang mga panuto.
1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito ay dapat magbigay ng mga sumusunod na
impormasyon:
a. Ang layunin ng pagsusulit.
b. Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit .
c. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang ba ng tamang sagot ang isusulat o sisipiin ba
sa sagutang papel ang sagot?

2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pagsusulit, kailangang magkaroon ng isang
pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto para sa bawat partikular na uri ng pagsusulit.

3. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel

4. Pagpapahalaga ng pagsusulit Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang pagkamabisa ng mga
aytem

1. Karirapan ng aytem (index of difficulty)


2. Kakayahang magtangi(discriminatory power)
3. Pagkamabisa ng bawat distaktor
4. Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit.
Mga Dapat Isaisip ng guro sa paghahanda ng isang mahusay na Pagsasanay at Pagsusulit (Castaneto at
Abad,2001) May mga bagay na dapat tandaan ang isang guro sa paghahanda ng pagsasanay at pagsususlit. Ang
ilang pinakamahalaga ay ang mga sumusunod:

1. Kailangang may ganap siyang kalaman sa paksang araling nasasaklaw ng pagsusulit na ihahanda, nang sa gayo'y
makabuo nang lalong mahalaga at makabuluhang tanong.

2. Kailangan niyang maunawaan ang kaunlaran sa pagkatuto at ang mga pamamaraang sikolohiya ng mga batang gagamit
upang maiangkop sa kanilang kakayahan ang kahirapan ng tanong.

3. Kailngan niyang magkaroon ng ganap na kasanayan sa pakikipagtalastasan (pasulat o pabigkas) upang maging maikli
subalit tiyak na malinaw ang mga bagay na binabanggit sa mga katanungan.

4. Kailangang may sapat siyang kabatiran tungkol sa mga pamamaraan ng pagsulat at pagbubuo ng tanong, sa iba't ibang
uri at anyo ng mga tanong, sa iba't ibang uri at anyo ng mga tanong, upang madali niyang makita ang kahit kaliit-liiting
kamalian sa paghahanda ng mga ito.

5. Kailangang mayroon siyang sapat na panahon sa paghahanda ng mga tanong upang makatiyak sa kahusayan ng
pagsubok.

6. Kailangan mag-angkin siya ng ganap na pagtitiwala sa sarili niyang kakayahan at kabatiran sa paghahanda ng
pagsususlit at nakauunawa sa kakayahan ng mahusay na pagsukat ng mga kalamang pang-edukasyon.

7. Kailangang siya'y naniniwala na ang wika ay pinag-aaralan upang magamit na mabisa sa pakikipagtalastasan.

Mga Simulain Sa Paghahanda ng Pagsasanay at Pagsusulit Pangwika

A. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga estudyante. Ang mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi
at iba pang dadalawa lamang ang pagpipiliang sagot ay nakakaakit sa mga estudyante subalit nagdudulot ng kinalabasang
di naman mapapaniwalaan.

B. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsasanay o pagsususlit nang sa gayo'y masukat di-lamang ang
kanilang kaalaman kundi pati na ang kakayahang umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.

C. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsasanay o pagsususlit. Itoy isang paraan upang lalong
makatiyak sa kawastuan ng sagot sa bawat tanong. Habang inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto ,may
pagkakataon siyang makita ang mumunting kamalian, o mga bagay-bagay na maaring makalito sa mga bata.

D. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang ang ganitong kasagutan ay bunga ng mga
obhektibong tanong. ang pasanaysay na pagsusulit ay hindi nagtataglay ng ganitong katangian. Hindi masasabing kapani-
paniwala ang marka o iskor sa mga pagsususlit na pasanaysay sapagkat ito'y nababatay o nasasalig sa kondisyon ng
tagapagwasto.

E. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naangkop sa kakayahan ng nakararami. Kapag lubhang mahirap
ang tanong at ni isa'y walang maksagot masasabing hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat sukatin
nito.Kailangang may sapat itong kahirapan upang maipamalas ng mahihinang bata ang kanilang natutuhan at maipakita
rin naman ng mahuhusay ang kanilang kakayahan.

F. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong. Ang kaisipang napapaloob ay kailangang maliwanag na
mailalahad upang maunawaan ng mga bata ang hinihing ng bawat tanong.

G. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga estudyante at hindi roon sa walang
kabuluhan na kung di man masaklaw ng pagsusulit ay hindi rin magiging kawalan para sa mga bata.

Pamantayan/ Katangian sa Pagsusulit Panwika :

1. Mabisa/Pagkabalido (validity) -kung talagang sinusukat ng pagsusulit ang nais nitong sukatin

a. Criterion validity- pagsukat sa dapat na sukatin.


b. Content validity- kahusayan sa paggamit ng kalayan ng lawak ng paksa sa paggawa ng konklusyon
c. Construct validity-antas ng paggamit ng mgavbatayang theoritikal sa paggawa ng pagsusulit.

Mga katangiang sinusukat(Castaneto at Abad):


1. Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat nito ang mga bagay na hangad sukatin.
2. Ang mga bagay na karaniwang itinuro na ang sinusukat nito.
3. Ang maingat na pagsasaayos ng mga nilalamang saklaw nito ay isang paraan ng pagiging mabisa mg
pagsusulit.
4. Kailangang ikinalat ang mga tanong nang maayos.
5. Hindi sapat na ang pagsususlit ay sumusukat lamang sa mga kalamang natamo ng mga estudyante kundi pati na
ang pang-unawa at paggamit sa mga kaalamang ito.
6. Nararapat na iangkop ang kakayahan ng mga estudyante.
7. Hindi makatarungang isang set lamang ng pagsusulit ang gagamitin.
8. Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nakasalig sa layuni,paksa at kakayaham ng mga estudyante.

2. Mapanghahawakan(reability) - ang pagsususlit ay makapagtitiwalaan kung ito'y may kaugnan sa katatagan sa isang
antas ng mag-aaral.

3. Pagiging praktikal (practicality) - hindi magugol sa salapi at panahon: maaling ibigay, iwasto at bigyan ng
interpretasyon mg iskor.

Item analysis

Isang proseso upang malaman ang kakayan ng estudyante sa isang aytem sa pagsusulit. Ito ay kailangan para malaman
kung madali o mahirap ba ang katanungan o kung dapat ba itong panatilihin o palitan. Sa paghahanda ng pagsusulit,
nilalayong makakuha ng average difficulty.

Talahanayan ng Ispesipikasyon (Table of Specification):

Ang Talahanayan ng Ispisipikasyon ay isang plano sa pagsusulit kung anong topiko o konsepto ang ilalagay sa pagsusulit.
Isa itong matrix na kung saan ay may mga espisipikong topiko o kasanayan at anf layunin nito'y nakabatay sa Bloom's
taxonom. Tinatawag din itong: blueprint sa pagsusuli t, test grid o content validity chart. Kahalagahan ng Talahanayan sa
Pagausulit:

1. Magbigay halaga sa mga topikong nilaanan ng maraming oras at topikong mahalaga.


2. Humahango sa aytem ng pagsusulit sa layunin ng pag-aaral
3. Hindi nakakaligtaan ang isang topiko.

Hakbang sa paggawa ng Talahanayan ng ispesipikasyon:

1. Isulat ang mga topikong kasali sa gagawing pagsusulit.


2. Alamin ang layunin base sa Bloom's taxonomy.
3. Alamin ang porsyento ng alokasyon ng mga aytem sa bawat topiko.

MGA URI NG PAGSUSULIT AYON SA PAMAMARAAN

Ayon sa Dami ng Sinusukat na Kakayahan

A. Pagsusulit na Discrete Point

Sinusubok nito ang iisa lamang kakayahan sa bawat aytem. Sa ganitong uri ng pagsusulit, ang wika ay nabubuo
dahil sa konteksto. Ang pagsusulit na discrete point ay dumaan sa mga kritisismo dahil sa mga makabagong
pananaw tungkol sa wika maging sa layunin at komunikatibong kalikasan nito. Mga halimbawa ng pagsusulit na
discrete point:
a. Phoneme Recognition
b. Yes or No and True or False
c. Spelling
d. Word Completion
e. Grammar Items
f. Multiple Choice

F. Pagsusulit na Integrative
Sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika. Nilalayon ng pagsusulit na integrative na masubok ang
iba‘t-ibang kakayahan ng isang indibidwal sa bawat aytem. Hindi lamang iisang kakayahan ang masusubok sa
bawat aytem, kundi maaaring higit pa. Mga halimbawa ng pagsusulit na integrative:
a. Cloze Test
b. Dictation
c. Translation
d. Essays
e. Oral Interview and Conversation
f. Reading

Ayon sa Layunin ng Pagsusulit

A. Diagnostic Test
Ang pagsusulit na ito ay ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan upang matiyak kung taglay na
ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan (pre-requisite skills). Ito ay ginagamit upang malaman ang
kaalaman at mga bahagi ng kailangan linangin sa mga mag-aaral sa isang partikular na asignatura. Nagbibigay ito
ng mga detalyadong datos na tumutulong sa mga guro upang makabuo ng pamamaraang nararapat tungo sa
mabisang pagkatoto ng mga mag-aaral.

Katangian ng isang Diangnostic Test


1. Sinusukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na asignutara.
2. Binubuo ng sapat na bilang ng mga tanong na makakapagbigay ng makatwiran at tamang datos sa kasanayan at
kaalaman ng mag-aaral.
3. Inilalahad ng malinaw kung ano ang sinusukat ng pagsusulit.
4. Hindi masyadong kumplikado o hindi nangangailangan ng mahabang oras.

Mga Layunin ng Diagnostic Test:


1. Para alamin ang kaalaman at kahinaan sa kasanayan ng mga mag-aaral.
2. Para magbigay ng impormasyon sa mga guro tungkol sa kaalaman o prior knowledge ng mga estudyante.
3. Para magbigay ng puna o komentaryo sa mga kumuha ng pagsusulit at rekomendasyon para sa mas mabisang
paraan ng pagkatoto.

Gamit ng Diagnostic Test


1. Sinusukat ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral na sumagot sa isang partikular na asignatura.
2. Ginagamit ito ng guro upang alamin ang lakas at kahinaan ng kanyang mag-aaral sa kanyang ituturong leksyon.
Sa pamamagitan ng diagnostic test nababatid ng guro kung ano nalalaman ng mga estudyante at kung ano pa ang
dapat nilang malaman.
3. Ginagamit ang diagnostic test upang ipakita sa mag-aaral ang pag-unlad ng kanyang pagkatoto.

Ang epektibong gamit ng datos mula sa resulta ng Diagnostic test:


Sinisigurado na ang pamamaraan ng pagtuturo ay napupunan ang kahinaan ng estudyante.
Naiiwasang sayangin ang oras estudyante sa pagtuon sa mga paksang hindi nakakatulong sa kanyang
pagkatoto.
Nababawasan ang posibilidad na ang isang estudyante ay mabigo sa isang gawain.

B. Proficiency Test o Pagsusulit sa Kakayahan


Ang Proficiency Test o Pagsusulit sa Kakayahan ay naglalayong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang
wika na hindi isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na taglay niya sa wikang ito. Ang nilalaman ng
ganitong pagsusulit ay hindi ibinabatay sa nilalaman o mga layunin ng mga kursong pangwika na maaaring
napag- aralan na ng taong kukuha ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay batay sa isang espisipikasyon ng mga gawaing
dapat na maisagawa ng isang kukuha ng pagsusulit para sabihing may kakayahan siya sa wika.
Ipinakilalani Jim Cummins (1979) ang mga akronim na BICS at CALP bilang pagtataya sa pagkakaiba ng
pagkatuto o katatasan sa wika sa pangkaraniwang sitwasyong pangkomunikatibo at sa akademikong antas. Ayon
sa pag-aaral ni Cummins, may mga mag-aaral na bagama‘t masasabing matatas sa pakikipag-usap o may
tinatawag na basic fluency ngunit batay sa mga pagsusulit ay nagpapakita ng mababang antas sa akademikong
gawain at sa kanilang kakayahang mag-isip o sikolohikal na pagtaya (psychological assessments). Tunghayan ang
dalawang aytem mula sa instrumento kung saan nahirapan angmga estudyante:
1. Iyon ang tawag sa kanya ng balana.
a. sinuman b. masa c. mayayaman d. anuman Ang tamang sagot ay a. sinuman. Ibig sabihin ng balana
ay lahat ng tao kaya kung susuriin hindi masa ang sagot dahiltumutukoy lamang ito sa mga taong nasa
nakabababang antas sa lipunan at hindi naman mayayaman dahil sila naman ang nakatataas sa lipunan kung antas
ng ekonomiya ang pag-uusapan at lalong hindi anuman dahil tumutukoy lamang ito sa bagay. Sa pagsusuri,
pagbubuod at pagtataya ng pinakatamang sagot ang sinuman ang tumutukoy sa lahat ng tao maging anumang
antas sa lipunan. Kaya masasabing hindi nakaabot sa mas malalim na pag-iisip ang mga estudyante sa unang
bilang pa lamang ng aytem sa pagsusulit dahil 28% lamang ang nakakuha nito nang tama.
2. May tila bahaw na alingawngaw sa kanyang dibdib.
a. mahinang tinig b.di mawari c. malamig na pakiramdam d. kaba Ang tamang sagot ay a. mahinang
tinig. Karaniwang iniuugnay sa kaning lamig ang salitang ―bahaw.‖ Subalit sa pangungusap kasunod ito ng
salitang―alingawngaw‖ na maiuugnay sa tunog. Kung gayon hindi maaaring di mawari, malamig na pakiramdam
at kaba dahil pawang mga damdamin ito at walang kinalaman sa tunog. Ang di mawari ay maaaring kaugnay sa
pag-iisip din ngunit wala pa ring kinalaman sa tunog na kaugnay naman ng salitang alingangaw. Masasabing
idyomatiko ang pangungusap na isa pa ring paraan ng pagpapakahulugan sa salita sa linggwistika at ang pagsusuri
at pagtataya ay nasa antas ng CALP.

C. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Achievement test


Ang pagsusulit na ito ay isang uri ng pagsusulit na batay sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa silabus ng
guro. Ito ay isang pagsusulit na pangwakas. Nilalayon nito na malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng
mga mag-aaral, sa mga layuning itinakda para sa isang tiyak na panahon. Ang pagsusulit sa natamong kabatiran o
achievement test ay may itinatakdang pamantayan at layunin nitong masukat ang kaalaman at kakayahan ng mga
mag-aaral sa mga aralin tulad ng Ingles, Filipino, Matematika, Siyensiya, Araling Panlipunan. Sinusukat ang
kakayahan ng isang indibidwal sa kanyang kaalaman sa isang partikular na bagay. Nakapokus ang achievement
test sa kung gaano kalaki o kalawak ang ang nalalaman ng mag-aaral sa isang espisipikong paksa o asignatura.
Ang pagsusulit na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang masukat ang kanilang kasalukuyang kaalaman sa
isang partikular na aralin. Sa pamamagitan rin nito ay nasusukat ang epektibo ng pagkatuto ng estudyante at
pagtuturo ng isang guro. Sa pagbibigay ng pagsusulit na ito, bawat mag-aaral ay binibigyan ng pare- parehong
pagsusulit o mga katanungan at pare-parehong oras na gugugulin dito. Ang magiging iskor ng mag-aaral ay
ikokompara sa iba pa niyang mga kapwa mag-aaral na kumuha ng pagsusulit. Ang resulta ng pagsusulit ng mag-
aaral ay sumasalamin sa pagiging epektibo at kalidad ng kanilang Edukasyon. Ang magiging resulta ay
magsisilbing gabay upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at mabigyan ng karampatang atensyon ang mga
mag- aaral. Gagamitin ang resulta sa pagsuri kung naging epektibo ang mga paaralan sa pagtuturo ng mga
kasanayang itinakda ng kagawaran. Ang pinaka-komon na porma ng achievement test ay ang standardized test,
sinusukat nila ang kaalaman ng estudyante base sa paghahambing sa malaking bahagi ng populasyon ng mga
mag-aaral. Tinataya ng pagsusulit na ito kung anong mga kaalaman ang natamo ng mga mag-aaral.
Ang Standardized Achievement test ay kilala sa pagiging maaasahan o mapanghahawakan (reliability)
nito. Kompyuter ang pangunahing ginagamit sa pagbibigay ng grado sa ganitong uri ng pagsusulit kung kaya
nagiging malimit ang tsansa/chance na magkamali at nagbibigay rin ng patas na sistema ng pagbibigay ng grado.

D. Aptitude Test
Ang pagsusulit na ito ay nagsasabi kung kakayaning matutunan ng isang mag- aaral ang isang wika. Sinusukat
nito ang kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak (Badayos, 1999). Inaalam nito kung ano o hanggang
saan ang makakayanang matutuhan o malinang ng isang indibidwal. Tinutulungan nitong mailabas ng isang
indibidwal ang kanyang natural na talent, kalakasan, at limitasyong taglay. Ito ay ibinibigay upang mabatid kung
ang isang mag-aaral ay may kakayahan o kawilihan sa isang partikular na kurso o career o bokasyon (Belvez,
2000). Ang pagsusulit na ito ay dinesenyo upang malaman ang kakayahang mangatwiran lohikal o ang
kakayahang mag-isip. Ito ay binubuo ng mga tanong na may pagpipilian (Multiple Choice Question) at ang tipikal
na oras na ito ay kinukuha at tatlumpung minuto para sa tatlumpo o sobra pang katanungan. Ang sinusukat sa
kakayahang berbal ay ang kakayahan nito sa ispeling, gramatika, makaintindi ng palasurian, at sumunod sa mga
panutong nakasaad. Ang konsepto sa likod na pagsusulit na ito ay ang bawat katanungan ay may iisang kasagutan
lamang at kayang-kayang sagutan ninuman. Magkakaroon lamang ng pagkakaiba sa mga resulta ng mga kumuha
ay sa kung gaano kabilis o kabagal sinagutan ang mga katanungan sa pagsusulit. Ito ang dahilan kung bakit ang
pagsusulit na ito ay inoorasan. Ang pagsusulit ay maaaring binubuo ng mga sumusunod: non-verbal reasoning
test, verbal reasoning test, numerical/mathematical ability, at mechanical reasoning.

Ayon sa Gamit ng Kinalabasan ng Pagsusulit

A. Pagsusulit na Criterion-referenced
Ang pagsusulit na criterion-referenced ay may itinatakdang pamantayan na dapat mapagtatagumpayan ng
eksameni. Kailangang makaabot ang mag-aaral sa pamantayang ito upang masabing naipasa niya ang pagsusulit.

B. Pagsusulit na Norm-Referenced
Sa pagsusulit na norm referenced inihambing angbawat mag-aaral. Ang resulta ng ganitong pagsusulit ang
ginagamit na batayan ng mga marka sa isang kurso. Ang pagsusulit sa natamong kabatiran ay norm-referenced.
Halimbawa: Tanong: Ano ang Wika ? Sagot ng mga mag-aaral Criterion- referenced Norm-referenced Mag-aaral
#1: Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Ang sagot na ito ay TAMA. Ang sagot na ito hindi kasingkaaya- ayang sagot ni Mag- aaral #2. Mag-aaral #2:
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang sagot na ito
ay TAMA. Ang sagot na ito ay mas kaaya-aya di tulad sa sagot ni mag-aaral #3. Mag-aaral #3: Ang wika ay
nangangahulugan ng kabuuang pagpapahalaga, kaugalian, pamantayan, kaisipan at mga simbolo na may
kaugnayan sa lipunan Ang sagot na ito ay MALI. Ang sagot na ito ay hindi kaaya-aya di tulad sa sagot ni mag-
aaral #2 at #3.

Ayon sa Kakayahang Sinusubok

A. Pakikinig
Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig. Mayroong itong
kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.
A. May iba‘t-ibang anyo ng pagsusulit sa pakikinig dahil sa magiging napakahirap para sa isang mag-
aaral ng pangalawa o banyagang wika ang pakikinig sa mahabang salaysay o usapan, maaaring ang mga
pagsusulit sa pakikinig para sa mga unang yugto ng pag-aaral ay maikling pahayag o usapan na binubuo
ng dalawa o tatlong linya.
1. Paglalahad o Pahayag
2. Mga Tanong Bagamat ang ganitong uri ng pagsusulit ay isang pagtatangka na gayahin ang
tunay na usapan, maaaring sabihing artipisyal pa rin ang dating. Gayunpaman, magagamit ang
ganitong pagsusulit sa elementarya.
3. Maikling Usapan

B. Pagtukoy sa kayariang pambararila o leksikal


Pariringgan ang buong klase ng isang seleksyon at ipatutukoy ang mga kayariang pambalarila o leksikal;
na nakapaloob dito. Maaaring maikling dayalog na babasahin minsanan. Bagamat binibigyang- pansin sa
pakikinig ay mga detalyeng panggramatika, ang aytem ay may konteksto. Natututo ang mga mag-aaral na
makita ang kahulugang nagbubuhat sa konteksto at sa istruktura.

C. Pagtatala ng mga detalyeng semantiko


Makikinig ang buong klase sa isang seleksyon at ipagawa ang alinman sa mga sumusunod: ● itatala ang
ilang partikular na detalye ● bubuo ng isang talahanayan, graph, tsart, atb .; at ●bubuo ng isang dayagram
o mapa ayon sa panutong ibinigay.

A. Mga tanong na Pang-unawa


Makikinig ang mga mag-aaral sa isang artikulo o seleksyon at sasagutin ang mga tanong (tama o
mali, pagbubuo; o tanong na may pinagpipiliang sagot) tungkol sa nilalamn ng artikulo o
seleksyon batay sa hinuhang mabubuo nila.
B. Pagtukoy sa mga salik sosyolinggwistik Makikinig ang mga mag-aaral ng isang pangungusap at
sasagutin ang ilang tanong na magpapatunay kung nauunawaan nila ang kontekstong
sosyolinggwistik.

B. Pagsasalita
Ang Pagsasalita ay naka-tinig na anyo ng komunikasyon ng tao. Karaniwang ginagamit ang pagsasalita sa
araw-araw na pamumuhay. Dahil sa pagsasalita nabibigyan ng mga posibilidad ang mga pangyayari o ang
mga nais ipabatid o ipahiwatig sa iba. Nakakatulong din ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ang pagsasalita ay pagbibigay, pagbabahagi ng verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong
tunog, tamang gramatika upang malinaw na maipahayag ang damdamin at kaisipan. Ito ang kakayahan at
kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng
paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Ito ang komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa
pamamagitan ng mga simbolong nakikita at naririnig mula sa tagapagsalita. Ito ang kahusayan o
kapangyarihan ng isip sa pananalita na nangungusap o mga salita upang maipahayag ang mga kuru-kuro.

Uri ng Gawi ng Pagsasalita


1. Ang Kumakatawan – kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa pag-iba ng mga antas patungo
sa tamang preposisyon na dapat nilang sinabi; panunumpa, paniniwala at pag-uulat. Halimbawa:
Ipinapangako ko na aking pagyayamanin lalo ang mga naiwan ng aking mga magulang.
2. Direktibo – kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa paghimok sa mga tagapakinig na
gumawa ng kahit na ano; mag-utos, makiusap, makipagtalo. Halimbawa: Gawin mo ang lahat ng aking
ipinagagawa at huwag ka nang magtanong ng ano pa man.
3. Commissive – kung saan ang mga nagsasalita ay gumagawa ng alinmang pag-iba sa mga antas patungo sa
aksyon; mangako, sumumpa o mga gawain. Halimbawa: Gagawin ko ang bagay na iyong gusto, ano man
ang iyong ipagawa.
4. Deklarasyon – kung saan sa pamamagitan ng nagsasalita na baguhin ang estado ng mga gawain sa
pamamagitan ng pagsasagawa katulad ng gawi ng pagsasalita. Halimbawa: Ipinababatid ko sa inyong
lahat na ang sinuman ang lumabag sa aking batas ay magkakamit ng parusa.
5. Ekspresibo – kung saan ang tagapagsalita ay nagpapakilala ng kanyang pag-uugali; pagbati o paghingi ng
paumanhin. Halimbawa: Siya ay humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa at akin namang pinagbigyan.

Tatlong (3) Sangkap ng Gawi sa Pagsasalita

1. Lokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – ito ay paglalarawan kung ano ang sinasabi ng nagsasalita.
Halimbawa: Si Ana ang pinakamagandang dilag sa nayon.
2. Ilokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – ang layunin ng gawi ng pagsasalita sa pagbigkas ng
pangungusap kabilang ang paglalahad, pangangako, humihingi ng paumanhin. Ito ay pagpapahayag ng kung
ano ang nais gawin ng nagsasalita. Halimbawa: Pakikuha ang baso sa lamesa.
3. Perlokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – bisa ng sinasabi ng nagsasalita sa nakikinig o epekto ng
sinasabi ng nagsasalita sa nakikinig. Literal at Di-Literal na Gawi ng Pananalita Literal o masasabi nating
literal ang isang gawi ng pananalita kung sa pangungusap ay gumagamit ng mga salitang may eksaktong
kahulugan o kung may tiyak na konteksto o kitang-kita o lantad na ang nais iparating ng isang naglalarawan.
Halimbawa: Nakakasama ng kalooban ang mga masasakit na salitang kanyang binitawan. Di-literal o kung di
kaagad mailalarawan ang konteksto na nais ipahayag at nangangailangan pa ng masusing pa-iisip o kung sa
pangungusap ay gumagamit ng mga matatalinghagang salita. Pagsasalita

A. Monolog

Bibigyan ng guro ang mga mag- aaral ng dalawa o tatlong paksang nakasulat sa mga kard. Ang bawat
kard ay may pamatnubay na tanong upang matulungan ang mag-aaral sa pagbalangkas ng sasabihin. Ang
pagtataya ng monolog ay ibabase sa ilang pamantayan o krayterya tulad ng daloy ng pagpapahayag, dami ng
impormasyon, kalinawan ng mensahe, kawastuhang panlingwistika, bokabularyong ginagamit at iba pa. ang
mga ito ay gagamitin ng rating scale.

B. Pagsasatao (roleplaying)

Nagiging daan ito para sa paglinang ng kakayahan sa pag- arte at preparasyon para sa malakihang
pagtatanghal. Maaaring dalawang tao ang makilahok. Bibigyan sila ng sitwasyon at bahala silang
magtanungan o mag- usap ayon sa sitwasyon. Katulad ng sa monolog, ang ebalwasyon ay gagamitin ng
krayterya gaya ng kaangkupan ng mga istrakturang ginamit, bigat ng impormasyon, kalinawan ng
ipinapahayag,atb.

C. Interbyu

Katulad din ito ng pagsasatao. Ang guro lamang ang lumabas na palaging nagtatanong. Maaaring ang
iskoring ng interbyu ay parang sa discrete- point kung titingnang isa- isa ang tugon sa bawat tanong. Kung
ang titingnan ay ang panglahatang kasanayan kailangang gumamit uli ng rating scale.

D. Pagtatalo o Debate

Magandang paraan ito para sa pagpapahayag ng mga sariling opinion. Bagay ito sa mga mag- aaral na
may lubos nang kasanayan sa wika. Maaari silang pumili ng kanilang paksa at sariling posisyon sa isyung
tatalakayin.

C. Pagbasa
Ang pagbasa ay isang pasibong gawain (passive) at walang interaksyong nagaganap sa pagitan ng mag-aaral at
teksto, o sa guro at kapwa mag-aaral. Nakatuon lamang pansin sa pag-alam kung may natandaan ang mga mag-
aaral sa mga detalyeng tinalakay sa akda sa mga mag-aaral nama‘y maaring mabuo sa kanilang isipan na ang
pagbasa ay pagsasaulo ng mga tauhan, tagpuan, banghay at iba pang elemento ng akda. Ang kabiguan o tagumpay
ng mga mag-aaral sa pagbasa ay repleksyon ng kanilang mga istratehiya; ang mga istratehiyang ito ay repleksyon
naman ng kanilang ganap na pag-unawa kung ano ang pagbasa; Sinabi ni Goodman (1967,1971,1973) na ang
pagbasa ay isang ―pysholingguistic guessing game‖ na kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang
mensaheo kaisipang hango sa tekstong binabasa. Kay Goodman, ang gawaiang ito ng pagbibigay kahulugan ay
issang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghula, pagtataya, pagpapatunay
pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan. Sa ganitong pagpapakahulugan, hindi na kailangan pang basahing
lahat ang teksto upang maunawaan ito, lalo na kung higit na magaling ang tagabasa sa paghula o pagbibigayng
haka.kaya nga, ang isang tagabasa na magaling sa pagbibigay ng tamang prediksyon,ay nakababasa nang higit na
mabilis kaysa iba dahil hindi niya kailangang basahin nang isa- isa ang bawat salita. Si Coady (1979) ay
nagbiibigay ng elaborasyon sa kaisipan ni Goodman sa pagbasa. Ayon kay Coady, para sa lubusang pag-unawa
ng isang teksto, kailangang ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng
mga konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.

Ilang Kabatiran sa mga Layunin at Proseso sa Pagbasa

1. Mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na kalakaran/konbersyon sa pagsulat.

2. Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe ay ang pag-unawa sa mensahe na nakapaloob sa isang
teksto. Ang pagpapatunog ng mga salita ay isang bahagi lamang ng proseso sa pagbasa.

3. Bahagi ng pag-unawa ng teksto ang pag-unawa sa wikakung saan ito nasulat.

4. Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit ng dating alam (tungkol sa daigdig, sa kultura, sa paksang tinatalakay,
mga kalakaran atb.)

5. Ang pagbasa ay isang prosesong pag-iisip.

6. Ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo.

7. Ang pagbasa ay isang sistema ng pagtataguyod ng ating buhay.

8. Gumagamit tayo sa pagbasa ng maraming kasanayan (multiple skill) at iniangkop natin ang mga ito sa iba‘t-
ibang uri ng teksto upang matugunan ang ating mga layunin sa pagbabasa.

9. Mahalaga ang malawak na karanasan sa pagbabasa ng isang partikular nateksto para sa tamang pag-unawa nito
sa isang tiyak na pagkakataon.

10. Kailangang magkuro ng isang tao na ang pagbasa ay makabuluhan at kawili-wili. Kung hindi, walang
mangyayaring pagbasa sa labas ng silid-aralin. Iba’t-ibang Pananaw sa Proseso ng Pagbasa Napakahalaga para sa
guro ng pagbasa na magkaroon ng isang matibay na pag-unawa sa proseso ng pagbasa.

Ang mga paniniwala o pananaw tungkol sa proseso ng pagbasa ay mapapangkat sa tatlo:

1. Ang Teoryang “Bottom-Up” Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigayang katumbas nitong tunog(tugon oresponse). Malinaw na
masisilip sa teoryang ito na ang pagbasa ay nagsisimula sa sintesis ng mga letra upang makabuo ng salita, ng mga
salita sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa makabuo nang sapat na rami ng teksto na magbibigay-daan sa
tagabasa upang maunawaan kuna ano angisinulat ng awtor. Ang isang tao na umaayon sa sa pananaw ng bottom-
up ay naniniwala na ang pagbasa ay ang ―pagkilala ng mga salita‖ ---at ang teksto ang pinakamahalagang salik
sa pagbasa. Mapapansin din sa teoryang ito na ang pagpapakahulugan sa binasa ay nasa huling yugto. Ang
tagabasa ay itinuturing na isang pasibogn partisipang sa proseso ng pagbasa at ang tanging tungkulin ay maulit
ang lahat ng mga detalye sa binasang teksto. Tinatawa ito ni Smith (1983)na outside-in o data driven ang
impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto.

2. Ang Teoryang “Top-Down” Binibigyang diin ng teoryang ―top-down‖ na ang pagbasa ay nagsisimula sa
isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang papapasimula ng pakilala niya sa teksto at kun wala ito,
hindi niya mabibigyang-kahulugan ang anumang babasahin. Upang lubos namaunawaan ang pananaw na ito,
mahalagang alamin na ang nakalimbag na teksto ay nagtataglay ng tatlong impormsyon:

Impormasyong Semantika o impormasyong pangkahulugan na kasama rito ang pagpapakahulugan na


kasama rito ang pagpapakahulugan sa mga salita at pangungusap.

Impormasyong sintaktik o impormasyon sa istruktura ng wika, ayimpormasyon tungkol sa


pagkakaayos at istruktura o kayarian ng wika.

Impormasyong Grapho-phonic ay impormasyong tungkol sa ugnayan ng mga letra(grapheme) at


mga tunog (phonemes) ng wika. Kasama rito ang impormasyon sa pagbaybay na naghuhudyat ng
kahulugan. Sa kabuuan ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out o conceptually driven sa dahilang
ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap kung
ang mambabasa ay gimagamit ng kanyang dating kaalaman st mga konsepto na nabuona sa kanyang
isipan batay sa kanyang karanasanat pananaw sa paligid.

3. Teoryang Interaktib Ang teoryang ―Interaktib‖ ay naniniwala na ang teksto ay kumakatawan sa wika at
kaisipan ng aawtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating kaalaman sa wika at
sariling konsepto o kaisipan.dito nagaganap ang interaksyon ng mambabasa at awtor. Isang malaking
kontribusyon ng teoryang interektib sa pagtuturo ng pagbasa ay ang pagbibigay diin nito sa pag-unawa bilang
isang prosesoat hindi isang produkto. Sa loob ng mahabang panahon, tinatanaw natin ang komprehensyon bilang
isang produkto. Sa kasalukuyan , dahil ang pag-unawa ay tinatanaw bilang isang proseso, ang tuon ng pagsusuri
ng mga sagot sa pag-unawa ay ang proseso. Kailangang alaminng guro kung paano nabuo ng mga mag-aaral ang
kanilang mga kasagutan sa mga tanong.

D. Pagsulat
Sinusubok ang kakayahan at kasanayan sa paggamit ng bantas at wastong baybay ng mga salita. Paghahandang
Pasalita Kailangang magkaroon ng sapat na kahandaan ang mag-aaral bago pasulatin. Sa paghahandang pasalita
ay magkakaroon ang mga batang makapagpalitan ng kuro-kuro at malinang ang maunlad na talasalitaang
kakailanganin sa pagsulat.
1. Paglikha ng sitwasyon sa pagsulat (Creating a writing situation)
Walang mag-aaral na makakasulat ng magandang katha kung walang nabubuong paksa sa kanyang kaisipan.
Ang paksa ay maaaring maging bunga ng liksyon o bunga na pag-iisip ng mag-aaral na ginganyak ng guro sa
tulong ng makabuluhang larawan, aktwal na pagmamasid, o kaya‘y paglalakbay. Maaaring ito‘y tungkol sa
kawili-wiling tauhan sa kwentong nabasa o napakinggan. Dili kaya ay tungkol sa isang kawili-wili niyang
karanasan o isang magandang insedente sa kanyang buhay.

2. Pagpukaw at pagganyak sa kaisipan o ideya (Stimulating ideas)


Ang mapamaraang pagtatanong ng guro ay mabisang paraan ng pagganyak sa mga batang mag-isip ng mga
bagay o ideya hinggil sa paksang susulatin. Sikaping sa pagsagot ng bata sa mag tanong ay makagamit sila ng
talasalitaang kakailanganin at makabuo ng balangkas na gagamitin.

3. Pag-aaral ng mga modelo (studying models)


Ang pagbibigay sa mga bata ng modelo na mapag-aaralan ay isang malaking tulong sa pagbubuo ng mga
hagap o kaisipan. Isaalang-alang ang nilalaman, istilo at wika ng modelo. Ito ba ay napapaloob sa kawilihan
at kakayahan ng mag-aaral? Ang paksa ba nito ay kawili-wili? Mahusay ba ang pagkakabuo? May wastong
gamit ban g wika? Wasto ba ang anyo ng pagkasulat?

4. Paglinang ng talasalitaan (Development of the vocabulary)


Nasa mayamang talasalitaan ng mga mag-aaral ang susi ng kanilang mabisang pagpapahayag ng kaisipan.
Nararapat linangin sa mag-aaral ang maunlad na talasalitaan sa pagsasalita at pagsulat.

5. Pagpili ng angkop na pamagat (Choosing a suitable title)


Sa pagbibigay ng pamagat sa katha ay bayaang ang mag-aaral ang pumili. Papagbigyan ang klase ng kanilang
mungkahing pamagat, sa kathang nais niyang sulatin. Ipagunita na ang isang pamagat ay dapat na maging
maikli, kawili-wili, gumigising na interes, kapana-panabik, hindi palasak at hindi nagbubunyag ng wakas.

6. Pagbabalak at pagbabalangkas (Planning and outlining) Sa pagsulat ng anumang uri ng sulatin ay


kailangan ang pagbabalak at pagbabalangkas. Maaaring gawin ng buong klase ang paghahanda ng balangkas.
Sa balangkas ay kailangang maitala nila ang mga makahulugang hagap at kaisipan.

7. Pasalitang patatalakayan (Oral discussion)


Kailangang magkaroon ng pagtatalakayang impormal ang klase ukol sa paksa upang makahagap ang mga
mag-aaral sa paksa at mabibigyan sila ng pagsasanay na sundin ang kanilang balangkas na isinasaalang-alang
ang ga katangian ng mabuting paksa at paggamit ng mga angkop na pahayag.

8. Pamantayan sa pagsulat ng katha (Setting the standards for writing)


Nagiging maingat ang mag-aaral sa nilalaman at pagbubuo ng sulatin kung may mga nakatakdang
pamantayang kanilang susundin. Kailangang isaisip ng mag-aaral bilang batayan sa pagbibigay-halaga sa
gawain ang sumusunod na tanong:
a. Malinaw ba ang kaisipan? Kung hindi, paano ito mapalilinaw?
b. Maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng kaisipang inilahad?
c. Ang pangungusap ba sa bawat talata ay nagsasaad lamang ng tungkol sa iisang bagay o paksa?
d. Kawili-wili ba ang pambungad na pangungusap?
e. Lahat ba ng pangungusap sa katha ay tumutulong sa kabuuan ng komposisyon?
f. May magandang wakas ba ang mga komposisyon?
g. Wasto ba ang pagkakagamit ng mga bantas?
h. Wasto ba ang lahat ng baybay ng salita?
i. Wasto ba ng pagkakagamit ng malaking titik?
j. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel?
k. Maayos ba ang pagkakasulat ng komposisyon?

9. Pagsasanay sa mga sangkap na kakailanganin sa komposisyon (Drills on items needed in the


composition)
Nagiging mabisa ang mga gawaing pasulat kung naglalaan ng guro ng sapat na panahon para sa pagsasanay
sa wikang kasangkot sa komposisyon. Maaaring magtala ang guro ng mga karaniwang kamalian at
maghahanda ng mga pagsasanay batay doon.

Paghahanda ng Burador
1. Pagsulat ng burador (Writing the draft) Bago sulatin ang burador, magandang gawin ang balikan ang
mga pamantayan sa komposisyon. Dapat isulat ng mga mag-aaral ang burador sa paaralan upang
mapatnubayan sila ng guro. Sanayin ang mga mag-aaral na basahing mabuti ang mga burador bago ito ibigay
sa guro. Ito‘y makatutulong upang makaugaliang basahin muna ang anumang isinulat bago ito ibigay sa guro
at mabasa ng ibang tao.
2. Pagpapabuti sa burador (Improving the draft) Mabisang paraan sa pagpapabuti sa burador na isulat ang
isa sa mga sinulat ng mag-aaral at ipawasto at pagbutihin ito ng buong klase. Maganda ring paraan ang
pagpapalitan ng burador ng mga mag-aaral pang maiwasto. Kailangan ang pamamatnubay ng guro sa
pagbibigay-halaga sa sinulat na katha. Bigyan-diin ang pagbabantas, palabaybayan, aspekto ng pandiwa, ang
palugit at ang panlahat na porma ng komposisyon.
3. Pagsulat na muli ng burador (Rewriting the draft) Matapos na maiwasto ang burador, ito ay dapat na
muling sulatin ng mag- aaral. Kailangang mabatid nila kung bakit sila namali sa unang burador at nang sa
gayon ay hindi na maulit ang pagkakamali. Ipaunawa rin na kung minsan ang dahilan ng pagkakamali sa
pagsulat ay ang kawalang-ingat at hindi pag-uukol ng buong pansin sa isinusulat.

Pagsulat ng Pangwakas na Katha

Ang pagsulat sa pangwakas na katha ay dapat gawin sa paaralan sa ilalim ng pamamatnubay ng guro. Bago
sumulat, ipagunita ang pamantayan sa pagsulat nang maayos, walang mali at malinis na kathang sulatin o komposisyon.
Ang guro ay may kaparaanan sa pagtuturo ng pagsulat para sa mga magsisiumula pa lamang sa gawaing pasulat. Hindi
natin mabibigla ang mga mag- aaral sa pagsulat ng magaba agad o magandang-maganda na agad na sulatin. Maaari natin
silang pasulatin ng komposisyong supil. Kontroladong Pagsulat Ito‘y binubuo ng mga gawain sa pagsulat na naglalaan sa
mga mag-aaral ng iba‘t-ibang pagsanay sa pagsulat ng mga pangungusap o talata na walang kamalian. Ito ang unang
hakbang tungo sa pagsulat ng komposisyon at tinatayang makatutulong ng malaki para sa mag-aaral na limitado ang
kaalaman sa wika. Sa kontroladong pagsulat, mas higit ang input ng titser kaysa sa mag-aaral.

1. Ang paggamit ng substitution table Pinapabuo ng kommposisyon ang mga mag-aaral sa tulong ng talahanayan
ng mga salita at parirala na maaaring pagsama-samahin.

2. Tumbasang Pagsulat (Parallel Writing) Ang antas ng pagkontrol sa pagsulat ay maaring mapag-iiba-iba sa
pamamagitan ng tumbasang pagsulat. Sa pinakamahabang antas maaaring ang isagawa lamang ng bata ay ang pagpapalit
ng mga salita (panggalan, panghalip atb.). Sa mas mataas na antas ng pagkatuto, dapat ipaalam sa mga mag-aaral na ang
isang pagpapalit ay maaaring mangailangan ng iba pang pagpapalit upang magkaroon ng kaisahan ang ipahahayag na
kaisipan.

3. Teknik na Tanong at Sagot Ang teknik na ito‘y maaaring mamagitan mula sa kontrolado hanggang malayang
pagsulat. Sa puntong kontrolado, ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga tala o di kaya‘y tekstong babasahin, pagkatapos
ay pasusulatin sila ng mga sagot para sa isang serye ng mga tanong.

4. Pagpuno ng mga Puwang Isang karaniwang teknik sa kontroladong pagpapasulat ay ang pagpuno ng puwang.
Ang mga salitang ipupuno sa puwang ay batay sa mga aralin sa pagsulat o balarila na natutuhan ng mga bata. 5. Padiktang
Pagsulat Ang teknik na padikta ay mahusay na gawain sa pagsulat sapagkat mahahantad ang mga mag-aaral sa iba‘t ibang
halimbawa o modelo ng kayarian ng mga pangungusap at maayos na pagbubuo ng teksto. Sa gawaing ito‘y nahahasa rin
ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbaybay at paggamit ng iba‘t ibang bantas.

Ilan sa mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng teksto para sa pagsulat na padikta ay ang mga
sumusunod:

1. Haba. Katamtaman lamang ang haba ng teksto at kailangang kawili-wili at makabuluhan.

2. Antas ng Kahirapan. Ang talasalitaan at istilo ng pagkakasulat ay nararapat na angkop sa lebel ng mga
mag- aaral.

3. Uri ng teksto. Upang maging makabuluhan ang gawain, ang mga teksto ay dapat na kumakatawan sa
mga bagay na karaniwang idinidikta natin sa tunay na buhay gaya ng memoramdum, liham
pangangalakal, mga panuto, at iba pa.

4. Ang teksto. Kinakailangang may kaugnayan ang tekstong gagamitin sa mga paksa o temang binabasa o
tinatalakay na sa klase.

Mga Hakbang sa Padiktang Pagsulat

1. Unang pagbasa. Basahin ang buong teksto sa normal na bilis upang magkaroon ang mga mag-aaral ng
kabuuang ideya tungkol saan ang teksto.

2. Sa ikalawang pagbasa ng teksto, basahin ito nang may wastong paglilipon ng mga salita/parirala sa
normal na bilis, huminto ng bahagya sa katapusan ng bawat lipon ng mga salita/parirala upang maisulat
ito ng mga mag-aaral. Ulitin kung hinihiling ng klase upang tanawin ng mga bata na ang padiktang
pagsulat ay isang magiliw ng gawaing interaktibo, at hindi pagsulat.

3. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na basahin ang kanilang isinulat at hayaang iwasto ang mga kita-
kitang kamalian. Pagkatapos basahin muli ang buong teksto upang maiwasto ng mga mag-aaral ang
anumang pagkakamali. 4. Idikit sa pisara ang orihinal na teksto upang maiwasto ng mga mag- aaral ang
kanilang isinulat. Maaaring magpalitan ng papel dahil minsan ay mahirap makita ang sariling mga
pagkakamali.

Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit

A. True or False Test o Pagsusulit na Tama o Mali


Ang pagsusulit na Tama o Mali ay isang uring papalit na pagsusulit na dalawa lamang ang pamimilian ng
gumaganap. Pinakapayak at pinakamarami ang anyo ay ang wasto- mali at oo- hindi. Tiyak na nag- aanyaya sa
paghuhula. May modified na anyo ito, iyong ipatukoy ang bahaging mali, kung mali nga ang pangungusap. Dili
kaya‘y sagutin nang sang- ayon o hindi sang- ayon. At kung ang sagot ay hindi sang- ayon, ipabago ang salita o
bahagi ng pangungusap upang maging sang- ayon o tama ang sagot.
Mga Uri ng Papalit
a. Simpleng tama o mali- simpleng pagtukoy lamang kung tama o mali ang pahayag.
b. Modified true or false- uri ng tama o mali na tinutukoy kung tama ang pahayag at kung mali naman ay
sinasalungguhitan ang salita o lipon ng mga salita na nagpapamali sa pahayag.
c. True or False with Correction- pagtukoy kung tama ang pahayag at kung mali naman ay isulat ang tamang
sagot sa maling salita.
d. Cluster true or false- uri ng tama o mali na sinasalungguhitan lamang ang T kung ito ay tama at M kung ito ay
mali.
e. True or False with Option- uri ng tama o mali na inilalagay sa pagpipilian ang tamang sagot kung ito ay mali.

B. Error Recognition Test o Pagtukoy sa Mali


Ito ay isang uri ng pagsusulit na integratibo sapagkat sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika. Iba‘t
iba ang maaaring maging anyo ng pagsusulit na ito:
a. Hinahati ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay may salungguhit at may nakasulat na titik sa
ibaba.
b. Nilalagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghating pangungusap.
c. Mga piling salita o parirala lamang ang sinasalungguhitan.
d. Ang mali sa pangungusap ay maaaring isang salita o bahagi ng salita na nawala.
e. Maari ring magsama ng mga pangungusap na walang mali.
C. Multiple Choice Test o Uring Papili
Ang pagsusulit na ito ay nabibilang sa uring pakilala binubuong pahayag na di- ganap at sinusundan ng mula sa
tatlo hanggang limang kasagutan.Isang sagot lamang ang pipiliin na siyang pamuno sa pangungusap. Ang bawat
aytem dito ay binubuo ng dalawang bahagi: ang stem na maaaring pangungusap na hindi tapos, o pangungusap na
may patlang, o pangungusap na nagtatanong. Ang ikalawang bahagi ay ang mga opsiyon o ang mga pamimilian
ng sagot. Isa sa apat na opsyon ang tamang sagot, iyong ibang opsyon ay tinatawag na distractor o joker. Sa
paghahanda ng mga opsyon, tiyakin ang alinman sa kanila ay aangkop na idugtong sa stem. Sa pagpili ng
isasamang distractors, tiyaking ito ay sadyang balanse at hindi naglalahad agad ng sagot. Ang multiple choice
aytem ay maaaring nasa anyong pangungusap na hindi tapos, pangungusap na may puwang, pangungusap na buo
o pangungusap na nagtatanong gaya ng mga sumusunod:
a. Pangungusap na hindi tapos
b. Pangungusap na may puwang
c. Pangungusap na buo
d. Pangungusap na nagtatanong

D. Completion Test o Pagsusulit na Pagpupuno sa Patlang


Ito ay ang pagpupuno ng mga nawawalang salita o lipon ng mga salita sa isang pangungusap o talata. Ito ay
pagsusulit na obhektibo na sa halip na pinamimili ang mag- aaral sa wastong sagot ay ipinabibigay ang tamang
sagot.
E. Cloze Test
Ito ay isang uri ng pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang para sa mga kinaltas na salita.
Ang pagkaltas ay maaaring tuwing ikalima, ikaanim, ikapito o ikawalong salita. Ang Cloze Test ay hango sa
―closure‖ sa Gestalt Theory. Ito ay sumusukat ng pangkalahatang kasanayan sa wika, gayon din sa kaalamang
linggwistika at kaalaman sa kaugnayan ng salitang kinaltas at sa buong teksto.(Belvez, 2000) Mayroong tatlong
uri ang Cloze test ito ay ang basic type ng cloze test, modified cloze test at ang pagsusulit-C. Sa uring basic type
ng cloze test ay maaaring fixed-ratio deletion o dili kaya‘ variable-ratio deletion. Kung ang pagkaltas ay laging
ikalima, ikasampu o anumang ―ratio‖ na napili, tinatawag itong ―fixed-ratio deletion‖. Kung ang pagkaltas ay
walang sinusunod na ―ratio‖ dahil pangngalan o mga pandiwa ang kinakaltas, ito ay tinatawag na ―variable-
ratio deletion‖. Isa ring uri ng cloze test ay ang modified closed test. Sa pagsusulit na modified cloze, ang bawat
bilang ay may mga opsyon na pagpipiliian, na isinusulat sa ilalim ng talata.

F. Pagsusulit-C Ito ay isa pang uri ng cloze test. Iniiwang buo ang unang pangungusap ng teksto. Simula sa
ikalawang pangungusap, tuwing ikalawang salita ay kinakaltas ang ilang titik.(Depende sa haba ng salita ang
bilang ng letrang kakaltasin.) Ang pag-iwang buo sa una at huling pangungusap ay magsisilbing gabay sa
pagsagot ng mga mag-aral.

IBA PANG URI NG PAGSUSULIT

A. Dikto-Kom Ang dikto-komp ay pinagsamang pagdikta at komposisyon. Ito‘y ginagamit upang sanayin ang mga
mag-aaral sa pagbuo ng isang tekstong idinikta. Ito‘y ginagamit upang mahimok ang mga mag-aaral na gumamit ng
tiyak na anyo ng mga pangungusap at upang makabuo ng tiyak na uri ng teksto sa pagsulat—tulad ng pasalaysay,
palarawan, panghihikayat, eksposisyon at pangangatwiran. Ginagamit ang Dikto-Komp bilang paraan sa pagsukat sa
kakayahan ng estudyante na maalala ang mga pangunahing ideya sa teksto sa paraang kronolohikal at lohikal na ayos
at bilang panukat rin sa pang-unawa. Masusukat ng guro ang pagkaunawa ng mag-aaral sa orihinal na teksto sa kung
paano nila ito kayang isulat muli ayon sa lohikal na ayos. Mga hakbang sa Dikto-komp:

1. Pumili ng isang teksto na nagtataglay ng mga kayariang sintaktik na nais mong mapagsanayang gamitin ng mga
mag-aaral.

2. Basahin ang buong teksto sa karaniwang bilis sa pagbasa. Hayaang mapakinggan itong mabuti ng buong klase. Sa
ikalawang pagbasa, sabihin sa klase na kailangan nilang magtala ng mahahalagang salita o parirala.

3. Pagkatapos, hayaang magpares-pares ang mga mag-aaral at ipabuo muli ang tesktong napakinggan sa tulong ng
mga itinalang salita at/o parirala.

4. Mula sa dalawahan, pagpangkat-pangkatin muli ang mga mag-aaral (4-7 kasapi sa bawat pangkat) at hayaang
ilahad ng bawat kasapi ng pangkat ang binuong komposisyon. Paghambing-hambingin ang mga binuong
komposisyon at pabuuin muli ang mga pangkat ng isang pinal na komposisyon.

5. Ipakita ang orihinal na teksto nang buong-buo o di kaya‘y isa-isang ilahad ang mga pangungusap sa buong teksto.
Ipahambing ang binuong teksto sa orihinal. Mga dapat ikonsidera ng mga guro
1. Wika (Bokabolaryo at balarila)
2. Haba at kompleksidad (halimbawa, maikli at pamilyar na kwento sa mga bata)
3. Background knowledge at interes ng mag-aaral

Hindi dapat magdikta o magsalita ng masyadong mabagal. Ang nais ay hayaan ang mga estudyante ng magsulat ng
mga importanteng salita mula sa teksto upang maisulat nilang muli ito, hindi yaong kokopyahin ang bawat salita.
Ipabatid sa mga estudyante na hindi mo inaasahang isulat nila ang bawat salita sa teksto.

Ebalwasyon ng Gawain
Nagawa ba ng mga estudyante na irekonstrak ang teksto na naglalaman pa rin ng mga importanteng ideya?
Nakikipagtalakayan ba ang mga estudyante sa kaklase para sa tamang balarila at nilalaman?

B. Dictation Sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa talasalitaan, kayarian, at maaari ring sa pagbaybay at
wastong paggamit ng malaking titik at ng bantas. Ang dalawang uri ng pagsusulit na idinikta ang “standard dictation”
at ang “partial dictation.” Sa “standard dictation,” isinusulat ng mga mag-aaral ang buong talatang idinidikta. Sa
“partial dictation,” ang mag-aaral ay binibigyan ng sipi ng talatang idinidikta, pero ito ay may kaltas na mga parirala o
pangungusap. Pupunan na lamang niya ang mga puwang upang mabuo ang talata.
Ayon sa kakayahang sinusubok
1.Pakikinig
a. pagkilala ng mga tunog
b. pag-unawa sa pinakinggang teksto
2. Pagsasalita
a. pagbigkas ng mga tunog
b. pakikipag-usap
3. Pagbasa
a. pagkilala at pag-unawa ng salita
b. pag-unawa ng seleksyon
c. kasanayan sa pag-aaral
4. Pagsulat
a. pagsulat ng komposisyon
b. paggamit ng bantas, wastong baybay, malaking titik Pagbasa Pagsusulat

C. Direct & Indirect Test Pangunahing saligan ng Pamaraang Direct ang Series Method ni Gouin at nanalig din ito sa
kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang katulad din ng pag-aangkin ng unang wika- may
interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika, walang pagsasalin sa pagitan ng una at ikalawang wika at halos walang
pagsusuri sa mga tuntuning pambalarila. Narito ang lagom ng mga simulain sa pamaraang Direct (Richard at Rogers
1986:9-10).
a. Ang pagkaklase ay nagaganap na target na wika lamang ang ginagamit.
b. Mga pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap ang itinuturo.
c. Ang mga kasanayang pasalita ay nililinang sa pamamagitan pasalitang tanong at sagot sa pagitan ng guro at mag-aaral.
d. Itinuturo ang ilang tuntuning pambalarila sa paraang pabuod.
e. Ang mga bagong aralin ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmomodelo at pagsasanay.
f. Ang mga karaniwang bokabularyo ay itinuturo sa pamamagitan ng mga tunay na bagay at mga larawan samatalang ang
mga abstraktong bokabularyo at itinuturo sa pag-uugnay ng mga ideya.
g. Parehong binibigyang-diin ang kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.
h. Binibigyang-diin din ang wastong pagbigkas at balarila.

Sinasabing sa pamamagitan ng Direct Test ang isang mag-aaral ay sinusubok sa isang partikular na kakahayan. Ito ay
isang Performance Test. Halimbawa, kung gusto mong malaman na ang isang mag-aaral ay marunong gumawa ng isang
pang- akademikong sanaysay, hayaan mong gumawa siya. Kung sa pagsasalita naman, ang pakikilahok ng mga mag-
aaaral sa oral na talakayan sa klase. Samantalang ang Indirect Test ay isang uri ng pagsusukat ng kaalaman ng isang mag-
aaral sa isang partikular na paksain. Ang pukos ay ang kaalaman ng isang mag-aaral hindi sa aktwal na paggamit nito o
ang kanyang performance sa wika. Hindi nito sinusukat ng direkta ang kakayahan ng mag-aaral sa kawastuan sa
pagbigkas ng salita na sumusubok sa pasalitang pamamaraan lamang. Ang dalawang uri ng pagsusulit ay hindi
nagkakalayo sa isa‘t isa kaya‘t maaring ipagsanib ang dalawa upang lubusang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral.
D. Formative Test

Ginagamit ng guro upang magkaroon ng partisipasyon ang mga mag-aaral. Maaaring magbigay ng maikling pagsusulit o
quiz sa katapusan ng aralin bawat araw. Ang mga quiz ay may lima hanggang sampung aytem lamang at nilalayong
sukatin ang pagkatuto sa kasanayang itinuro sa loob ng apatnapung minuto o isang oras. Ito ang tinatawag na panubaybay
na pagsusulit (formative test). Ang palagiang pag-oobserba, pagbibigay ng pagsusulit ay nagiging daan ng isang guro
upang malaman ang kapasidad ng isang mag-aaral at kakayahan. Kabutihang naidudulot sa mga guro:

1. Nasusukat ang hanganan ng kamalayan ng isang mag-aaral.


2. Natutukoy ang dapat rebisahin o baguhin sa estratehiyang kanyang pagtuturo.
3. Nakakagawa ng angkop na aktibidades.
4.Napapabatid sa mag-aaral ang kanilang kasalukuyang progresso. Nagkakaroon di naman ng magandang epekto ang
ganitong pagsusulit sapagkat nahahasa ang isang mag-aaral na magsumikap upang matuto.

E. Grammar and Vocabulary Test

Gramatika (balarila)= ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: ng morpolohiya o
pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay
maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita
at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita. Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang
inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga
pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung
minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga
kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.

Grammar test = ang pagsusulit na ito ay sinusukat ang kaalaman ng mga estudyante sa pagbuo ng pangungusap, wastong
kabalangkasan, pag-aayos ng mga salita upang maging makabuluhan ang pangungusap, tamang paggamit ng mga salita.

Vocabulary o Tasalitaan= Ang talasalitaan (Ingles: vocabulary), na tinatawag ding Vocabulary o bukabularyo, ay ang
pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao. Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad na
kaalinsabay ng edad, at nagsisilbing isang gamitin at pundamental na kasangkapan para sa komunikasyon at pagkakamit
ng kaalaman. Ang pagkakamit ng malaki at malawak na talasalitaan ay isa sa pinaka malaking hamon sa pagkatuto ng
isang pangalawang wika. Sa pangkaraniwan, ang talasalitaan ay binibigyang kahulugan bilang ang "lahat ng mga salitang
nalalaman at ginagamit ng isang partikular na tao". Sa kasawiang palad, ang kahulugang ito ay hindi sumasaklaw sa mga
paksang kasangkot sa pag-alam ng isang salita.

Talasalitaan or Vocabulary test= Ang pagsusulit na ito ay sinusukat ang kaalaman ng mga estudyante na nauukol sa
kahulugan ng salita at ayon sa pagkakaugnayan nito sa iba pang salita. F. IQ Test Intelligence Quotient Test ay isang
pagsusulit na sinusukat ang kakayahang pangkaisipan ng isang tao kumpara sa iba na may kapareho niyang lebel o edad.
Ang orihinal na kahulugan ng IQ sa pagsukat ng katalinuhan ng isang bata ay: IQ is a ratio of the mental age to the
physical age multiplied by 100. Ang mental age ay nakukuha batay sa average na resulta ng pagsusulit. Ito‘y pagsusulit na
hindi kinakailangan na paghandaan o pag-aralan dahil hindi nito sinusukat ang dami ng nalalaman ng isang tao kundi
sinusukat nito ang kabuuang pangkaisipang kakayahan ng tao sa pag-unawa ng ideya kumpara sa ibang tao. Uri ng IQ test

1. Verbal/ Berbal Ito ang uri ng IQ test na kung saan nasusukat ang kakayahan ng isang tao na pag-aralan ang
impormasyon at lutasin ang mga problema gamit ang language-based reasoning. 2. Non-verbal/ Di-berbal Ito naman ang
uri ng IQ test na kung saan nasusukat ang kakayahan ng isang tao na pag-aralan ang impormasyon at lutasin ang problema
gamit ang visual and hands-on reasoning.

Mga kilalang IQ Tests

Stanford- Binet (SB) Ang pinakakilalang intelligence test na ginagamit sa mga bata. Binubuo ito ng mga subtest na
inayos batay sa edad ng mga bata. Sinusukat ng Stanford- Binet ang limang salik ng kakayahang pangkaisipan: fluid
reasoning, knowledge, visual- spatial processing, and working memory. Age Type of Item 2 Three-hole form Board
Blockbuilding Tower 3 Blockbuilding Bridge 4 Naming Objects from Memory Picture Identification 7 Similarities
Copying a Diamond 8 Vocabulary 9 Verbal Absurdities Digit Reversal Average adult Vocabulary Proverbs Orientation
Woodcock- Johnson Test Isang standardized na pamamaraan na sinusubok ang pangkalahatang kakayahan ng intelektwal
ng isang tao.

Wechsler Adult intelligence Scale (WAIS) Sinusukat nito ang katalinuhan ng mga taong may nasa tamang edad na at
ng mas matanda pa. Binubuo ng malawak na subtests na pinangkat sa dalawang kategorya: verbal at performance. G.
Lecturette Ang lecturette ay isang maikling pagsasalita (short lecture). Ito ay mahalaga para sa katamtamang pagbabahagi
o pagpapadala ng impormasyon. Nakasalalay ang tagumpay nito kung may pagsasanay at sa pag-oorganisa ng sasabihin at
may sinsiridad ang pansamantalang guro.

Ang Lecturette ay maikling pagsasalita na kung saan malalaman ang kakayahan sa pagharap sa maraming tao. Sa
kabuuan, ang lecturette ay gagawin sa loob ng sampu hanggang dalawampung minutong pagsasalita. Maaaring gumamit
ng ―outline‖ o mga ―handout‖. Bago magsimula ang magpresenta.

H. Mastery Test

Ang pagsusulit na ito ay nagsusukat ng kaalaman ng bawat mag-aaral matapos talakayin ang isang buwanang topiko. Ang
nasabing pagsusulit ay hindi nagkukumpara ng mga marka mula sa mga estudyante para malaman kung sino ang
nangunguna sa klase. Ang nakuhang mga marka ng bawat mag-aaral ay makapagsasabi kung lubos na ba itong
naunawaan ang mga naituro sa kanya ng guro. At kung handa na ba siya para sa Periodical Test. Isinasagawa ang Mastery
Test bago ang Periodical Test na kung saan bago magtatakda ng pangkabuuang pagsusulit ay inaasahan na ang mga mag-
aaral ay handa na para sa naturang Periodical Test. Ang pagmamarka sa mastery test ay iba sa periodical test. Mas malaki
ang pursyento ng periodical test sapagkat ang pagsusulit na ito ay pangkalahatang kaalaman matapos ang isang mahabang
talakayan o tinatawag na pangkabuuang pagsusulit. Ginaganap ang periodical test pagkatapos ang mastery test. Ang
mastery test ay nagsisilbing paghahanda para sa darating na periodical test. I. Maze Test Ang Maze Test ay isang uri ng
pagsusulit sa mga mag-aaral na sumusukat sa lawak ng kanilang talasalitaan.

Dahil sa pagsasakatuparan ng Patakarang Bilinggwal sa bias ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 25 ng taong 1994, ang
pagtuturo ng Filipino at Ingles ay napag- ukulan ng diin sa mga paaralan sa lahat ng kapantayan nito. Dahil sa ang layunin
ay magamit ang wika sa mabisang pakikipagtalastasan at maangkin ang kakayahan sa paggamit ng wika sa aktwal na
kalagayan o sitwasyon, nararapat na ituro ang paggamit sa wika at hindi ang tungkol sa wika. Ang ibig-sabihin, ituro ang
pagsasalita nito at maging sa pasulat man. Hindi mahalagang malaman at bigyang diin ang pagsasaulo ng maraming
depinisyon at tuntunin tungkol sa balarila. Magiging kapaki-pakinabang ang mga pagsasanay sa mga gawaing tulad ng
pagsulat ng iba‘t-ibang uri ng liham, pagbuo ng talata at iba pa. Nararapat na isaalang-alang ng isang guro ng wika ang uri
ng mga mag-aaral na kayang tinuturuan. Para sa mga mag-aaral na tagalong, hindi na marahil magiging gaanong suliranin
ang pagpapalawak ng talasalitaan sa Filipino subali‘t para sa mga di- tagalog, maaaring maging suliranin nila ang
kadahupan ng talasalitaan. Mangyari pang mahihirapan ang di-tagalog sa mabisa at madulas na pagpapahayag sa Filipino
dahil sa maghahanap pa sila ng angkop na salitang gagamitin. J. Pagsasaling-wika Ang pagsasalin-wika ay ang paglilipat
ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa panimulaang wika papunta sa tunguhang wika Ang pagsasalin-wika ay
isang proseso kung saan ang isang pahayag , pasalita man o pasulat , ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may
katulad din ang kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahaya sa ibang wika . Ang pagsasalin-wika ay muling
paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng
wika , unay batay sa kahulugan , at ikalaway batay sa istilo. Ang pagsasalin-wika ay paglilipat sa pinagsalinang wika ng
pinakamlapit na katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin.

You might also like