You are on page 1of 4

Awtentikong Kagamitan

Madaling ipaliwanag ang pangangailangan sa awtentikong kagamitan sa pagtuturo


ng wika. Mas kawili-wili ang mga kagamitang ito sapagkat humigit-kumulang ay ito
ang nababasa o napapakinggan ng mga bata sa labas ng silid-aralan.

Ayon kay Wilkins (1976-1978) ang mga awtentikong kagamitan ay iyong mga isinulat
para sa mga katutubong tagapagsalita at hindi espesyal para sa mag-aaral na di
katutubong tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan. Naniniwala si Wilkins na hindi
kailangang i-edit o alisin sa mga awtentikong teksto ang mahirap na bahagi. Sa
pamamagitan ng mga tekstong ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na
makilahok sa makatotohanang gawaing pangwika.

Sang-ayon naman kay Sinclair, may dalawang anyo ang pagiging awtentiko ng mga
kagamitang pangwika; ang una ay sa tekstong ginagamit at ang pangalawa ay sa
pamamaraan.

Ilan sa mga awtentikong kagamitan na magagamit sa pagtuturo ng wika ay ang


mapa, programa sa radio at telebisyon, inilathalang impormasyon sa paggawa ng
mga bagay, patalastas, resipe, classified ads, balita, ulat, iskedyul ng lipad ng
eroplano, mga propaganda sa eleksyon at iba pa. Maibibilang din sa awtentikong
kagamitan ang tape-recorder na mga usapan na nagpapakita ng gamit ng Filipino sa
iba’t ibang domain.

Bago magamit ang mga ito, kailangang suriin muna ang teksto at iangkop ito sa
kasanayang pangwika na lilinangin. Halimbawa, ang mga patalastas tungkol sa mga
produkto at mayaman sa mga pang-uri at hambingan ng mga katangian.
Samakatwid, maaaring gamiting lunsaran ang mga patalastas upang malinang ang
kasanayan sa paglalarawan: ang mga tala tungkol sa buhay ng mga kandidato sa
nakaraang eleksyon ay magagamit sa paglinang ng kasanayan sa pag-uulat.
Gayundin, magagamit ito sa paghahambing ng mga katangian tulad ng gulang,
bilang ng anak, pinag-aralan, mga kapuri-puring nagawa at iba pa. ang iba pang
propaganda sa kampanya ay magagamit sa paglinang ng mga kasanayan sa
tuwiran at di tuwirang pahayag, pag-aayos ng mga pangalan ayon sa alpabeto, o di
kaya ay pagbibigay-kahulugan sa mga idyoma at matalinghagang pananalita.

Ang mga resipi at horoscope ay magagamit naman sa pagkilala at aktwal na gamit


ng mga pandiwa at pang-abay. Kapag pinaghiwa-hiwalay ang mga bahagi ng resipi,
magagamit ito sa paglinang ng kasanayan sa pagsunod-sunod o ordering. Maaari
ring linanging ang kasanayang ito sa pamamagitan ng pop songs. Alam natin na
enjoy ang mga kabataan sa pag-awit ng pop type songs. Particular sila sa lyrics o
lenggwahe ng awitin at pilit nilang dinarama ang ibig sabihin nito.

Sa pamamagitan din ng mga awiting ito, makapagbubukas ang guro ng mga


paksang mapag-uusapan, mapagtatalunan o mapagbabatayan ng mag-aaral sa
pagsulat ng komposisyon
AWTENTIKONG KAGAMITAN

Report sa Kagamitang Pampagtuturo (Fil 144)

Ipinasa kay :

Carmela G. Ong, PhD.

Ipinasa ni :

Margie D. Olanday
Awtentikong Kagamitan

Ayon kay Wilkins (1976-1978) ang mga awtentikong kagamitan ay iyong mga isinulat
para sa mga katutubong tagapagsalita at hindi espesyal para sa mag-aaral na di
katutubong tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan. Naniniwala si Wilkins na hindi
kailangang i-edit o alisin sa mga awtentikong teksto ang mahirap na bahagi. Sa
pamamagitan ng mga tekstong ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na
makilahok sa makatotohanang gawaing pangwika.

Sang-ayon naman kay Sinclair, may dalawang anyo ang pagiging awtentiko ng mga
kagamitang pangwika; ang una ay sa tekstong ginagamit at ang pangalawa ay sa
pamamaraan.

Layunin :

1) Matukoy ang mga awtentikong kagamitan;


2) Makapagaan ng pagtalakay sa Klase;
3) Makagagawa ang mga mag-aaral ng kanilang sariling awtentikong kagamitan

Halimbawa ng Awtentikong Kagamitan :

1) mapa

2) programa sa radio at telebisyon

3) inilathalang impormasyon sa paggawa ng mga bagay

4) patalastas

5) resipe

6) horoscope

7) classified ads

8) balita

9) ulat

10) iskedyul ng lipad ng eroplano

11) mga propaganda sa eleksyon

12) tape recording

13) video recording

Kalakasan ng awtentikong kagamitan :

1) Nakakaaliw
2) Lumilinang sa kasanayan ng mga mag-aaral
3) Lumilinang sa pagka-malikhain ng mga mag-aaral

Kahinaan ng awtentikong kagamitan :

1) Hindi madaling gawin


2) Magastos

You might also like