You are on page 1of 28

EPEKTIBONG GURO

AT MALIKHAING PAGTUTURO
B. DISENYO NG MALIKHAING
PAGTUTURO
METODO

Ito ang tawag sa panlahat na pagpaplano para sa


isang sistematiko at epektibong pagtuturo ng isang
aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod ang
bawat metodo o pamaraan.
ISTRATEHIYA

Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at


gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo.
Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong
teksto, larawan, o larong pangwika.
TEKNIK

Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng


interaksyong pangklase. Alinman sa mga
kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng
klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin
ng isang aralin.
DULOG

Isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan


ng wika, pagkatuto at pagtuturo.
PAMARAAN

Isang panlahat na pagpaplano para sa isang


sistematikong paglalahad wika at batay sa isang
dulog.
SILABUS

Ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na


programang pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin,
paksang aralin, pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga
kagamitang panturo na makatutugon sa mga
pangangailangang pangwika ng isng tiyak na pangkat ng
mga mag-aaral.
MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO
NG FILIPINO
PAMAMARAANG GRAMMAR TRANSLATION
(PAMARAANG KLASIKO)
Mithiin (Goals)
1. Mabasa ang literature ng target na wika.
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika.
3. Mga Katangian.
4. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.
5. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
6. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang pakikinig at
pagsasalita.
7. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at pagkatapos ay
magkakaroon mg maraming pagsasanay sa pagsasalin.
8. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang
ang kahandaan ng mga mag-aaral.
9. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga
mag-aaral mula sa target na wika.
ANG PAMARAANG DIRECT

Mga katangian:

1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.

2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo ng mga parilala, at paulit-ulit na pagsasanay.

3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.

4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning balarila ay itinuturo ng mga modelo. 5l

5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language labs at mga pagsasanay na pares minimal.

7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.

8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.

9. Sinisikap ng furo na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang kamalian.
ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA
MAG-AARAL (LEARNER-CENTERED TEACHING)
Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagatuturo. Ang
pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral;
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral. (Hal. Pangkalahatang gawain o
pagsasanay)
c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi
itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
• Mga laro
• Mga larawan
• Pantomina
• Pag-uulat
• Pagsasatao
• Talumpati
• Journals
ANG PAGKATUTO NA TULONG-TULONG
(COOPERATIVE LEARNING)

Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang


magbahaginan ng mga impormasyon na laging naroon
ang pagtulungan sa isa’t-isa. Dagdag na konotasyon ng
“kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-
samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral
upang matamo ang mga itinakdang layunin.
ANG PAGKATUTONG INTERACTIB (INTERACTIVE
LEARNING)
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-
unawa rin s ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksyon, na laging may nauunawaan sa isang konteksto. Karaniwang makikita sa isang
klaseng interaktib ang mga sumusunod:
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit
nito.
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang
komunikasyon
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda
para sa aktuwal na paggamit ng wika sa “labas”
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
CONTENT-CENTERED EDUCATION

Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang
integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y
ang magkasabay na pag-aaral ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-
sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta ng nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa
nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ang itinuturo nang hiwalay at
malayo sa konteksto ng paggamitan nito
ANG PAGKATUTONG TASK-BASED

Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong
pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo nga
mga magsasagawa ng task. Ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit man
“malaki” ang saklaw nit kaysa sa teknik. Ang pagkatutong task-based ay bagong
pamaraan. Binibigyang pokus lamang nito ang tasksa pagtuturo. Tinatanaw nito ang
proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga
layuning pangkagawian at ang mga hangaring nito’y lagpas na nakagawiang pagsasanay
ng wika.
LAYUNIN
NG PAGTUYURO
1. Magturo ng mga kasanayang naaangkop sa
kaalaman at hilig ng isang mag-aaral
 2. Ituro sa mga mag-aaral ang maayos at
mabuting pag-uugali .
3. Nagsisilbing magulang/ina/ama sa paaralan.
4. Linangin ang mga natatanging kakayahan at
talento.
5. Buhayin ang Kultura, Maka-Dios, at
Damdaming Maka-Bansa
6. Pagsasabuhay ng mga Kaalaman Batay sa
Katotohanan ng Mundo

You might also like