You are on page 1of 6

St. Joseph’s College of Rodriguez Inc.

Departamento ng Kolehiyo
T.P. 2021 – 2022

Unang Semestre
Panggitnang Pagsusulit
Maikling Kuwento at Nobelang Filipino

Pangalan: __________________________________________________ Petsa: _____________________


Kurso: ____________________________________________________ Halgambilang: ______________

I. Tukuyin ang ipinahihiwatig na detalye ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
patlang bago ang bawat bilang.
_______1. Ito ay akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng mga pangyayari sa maikling salaysayin.
a. kwento b. maikling kwento c. nobela d. alamat
_______2. Ito ay isang kayarian ng akdang pampanitikan na tuloy-tuloy ang pagsasalaysay.
a. pabula b. parabula c. poesa d. prosa
_______3. Siya ang tinaguriang ama ng maikling kwento sa Pilipinas.
a. Robert Frost b. Lope K. Santos c. Deogracias A. Rosario d. Edgar Allan Poe
_______4. Sa bahaging ito ng kwento nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa at naipapakilala ang mga
tauhan ng akda.
a. Kakalasan b. Panimula c. Tagpuan d. Wakas
_______5. Ito ang pinakamadulang bahagi ng maikling kwento kung saan makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
.
a Kakalasan b. Kasukdulan c. Tunggalian d. Wakas
_______6. Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya.
a. Kakalasan b. Kasukdulan c. Suliranin d. Tunggalian
_______7. Ito ang problemang kakaharapin ng tauhan sa kuwento.
a. Kakalasan b. Kasukdulan c. Suliranin d. Tunggalian
_______8. Ito ang tawag sa pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling
kuwento.
a. Paksa b. Tema c. Kakintalan d. Kakanyahan
_______9. Dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
a. Kasukdulan b. Pataas na Aksyon c. Tagpuan d. Simula
______10. Ito ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.
a. Teorya ng Maikling Kwento c. Teoryang Panlipunan
b. Teoryang Pampanitikan d. Teorya ng Wika

II. Pag-ugnayin ang mga pahayag sa Hanay A sa tinutukoy nitong uri ng maikling kwento na nasa Hanay B.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bawat bilang.
A B
______11. Sa uring ito inilalarawan ang mga pangyayaring a. kuwento ng tauhan
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang b. kuwento ng katutubong kulay
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng c. kuwentong bayan
isang mambabasa. d. kuwento ng kababalaghan
______12. Binibigyang-diin sa uring ito ang kapaligiran at mga e. kuwento ng katatakutan
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at f. kuwento ng madulang
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. pangyayari
______13. Sa ganitong uri inilalahad ang mga kuwentong pinag- g. kuwento ng sikolohiko
uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan. h. kuwento ng
______14. Sa uring ito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi pakikipagsapalaran
kapanipaniwala. i. kuwento ng katatawanan
______15. Ito naman ang mga uri na nagsasalaysay ng mga j. kuwento ng pag-ibig
pangyayaring kasindak-sindak.
______16. Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa
tauhan.
______17. Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito
ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat
may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
______18. Sa uri ito ay nasa balangkas ng pangyayari ang interes
ng kuwento.
______19. Ito ay uri ng maikling kwento na nagbibigay-aliw at
nagpapasaya naman sa mambabasa.
______20. Uri na tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao

III. Tukuyin ang bahaging ng maikling kwentong ipinahihiwatig sa bawat tagpo ng kwentong Impeng Negro ni
Rogelio Sicat. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang bago ang bawat bilang.

a. Panimula b. Suliranin c. Pataas na Aksyon d. Kasukdulan


e. Pababang Aksyon f. Kakalasan g. Wakas

_______21. Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang siya’y kausapin ng kanyang ina upang pangaralan.
Binalaan siya nito na huwag nang makipag-away at umuwi na basag ang mukha.
_______22. Nang siya’y naglalakad sa labas patungo sa iigiban niya at napapansin niyang dumudungaw ang bata
sa kani-kanilang mga barung-barong at pinagtitinginan, at ang mamatanda’y nagbubulungan at
sinasambit na siya ay isang negro.
_______23. Naroon na si Impen sa igiban, at inaasar nanaman siya ni Ogor. Tinatawag siyang negro pero
hinahayaan na lamang niya iyon.
_______24. Nang si Impen na ang sumasahod sa gripo’y bigla syang hinawakan ni Ogor sa balikat. May kaba na
naramdaman si Impen. Pinaalis niya si Ogor sa pilahan at sinaktan na nga ni Ogor ni Impen dahil
ayaw nyang umalis sa pila. Agad nang gumanti rin si Impen dahil sa sakit na kaniyang nadama.
Pumasok sa isip nya ang mga tsismis tungkol sa kanyang ina at gumanti na rin sya kay Ogor.
_______25. Nagpatuloy nga ang kanilang pag-aaway at sa di-inaasahan ay unti-unting napasuko ni impen si
Ogor dahil na rin sa mga suntok nito sa kanya.
_______26. Mahinana si Ogor. Lupaypay na. Nalaglag na ang nagsasangang kamay. Humihingal na rin siya,
humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo,
dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo…
_______27. Napasuko na nga ni Impen si Ogor at hinang-hina ito. Napatingin sa kanya ang mga tao na tila
Hangang-hanga sa kanyang nagawa.

IV. Tukuyin ang teoryang pampanitikang ipinahihiwatig sa bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa patlang bago ang bawat bilang.

a. Eksistensiyalismo d.Naturalismo g. Humanismo j. Romantisismo


b. Marxismo e. Pisikal h. Moralismo k. Sosyolohikal
c. Sikolohikal f. Arkitaypal i. Modernismo l. Biyograpikal

_______28. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kapakanan ng madami na siyang pinakasentro ng kamatayan sa mundo o pagkabuhay sa mundo.
_______29. Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong
ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang epekto ng
kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan, sa mga tauhan nito. Ito'y
isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.
_______30. Ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao.
_______31. Ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika,
kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong
panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang
kapwa,bayan at iba pa.
_______32. Ito ay ang makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging
larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan,
puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo.
_______33. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampolitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para
sa mga mambabasa.
_______34. Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng
akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mambabasa. Ito'y naghari sa
panahon ng amerikano.
_______35. Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal na
katotohanan kundi mga panghabangbuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing
mga pagpapahalaga at kaasalan.
_______36. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon,
lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang
boses ng kanyang panahon.
_______37. Pinaniniwalaan na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at
nakikita sa kanyang paligid.
_______38. Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha sa kanyang akda
ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, paniniwala, at pagpapahalaga,
gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan.
_______39. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Ang lahat ng simbolismo
ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

V. Tukuyin ang uri ng paningin ng maikling kwentong ipinahahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang
sagot mula sa mga pagpipilian at isulat ito sa patlang bago ang bawat bilang

Pagpipilian:
A. Paningin sa Unang Panauhan D. Obhetibong Paningin o Paninging Palayon
B. Paningin sa Pangatlong Panauhan E. Paninging Panarili
C. Tinakdaang Obhetibong Paningin F. Paninging Laguman

_______40. Magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento. Sa pamamagitan ng paningin


na ito malawak ang kalayaan ng awtor sa pagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa
katauhan ng isang tauhan maliban sa pangunahing tauhan.
_______41. Isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o “stream of consciousness”.
Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng mayakda na ang isipan at damdamin ay
naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa
pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi ginagamit ang panghalip na
“ako”.
_______42. Ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat
nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin
nakapagbibigay puna o paliwanag. Tumatayong tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa
kwento. Nakikita niya ang ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila, ngunit hindi niya
tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.
_______43. Ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di
kaya‟y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.
_______44. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin sa
bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang
kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais
niyang itago.
_______45. Ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamama-
gitan ng unang panauhang “ako.”

VI. Tukuyin ang panahong kinabibilangan ng mga kuwento batay sa Kasaysayan ng Maikling Kuwento sa
Pilipinas. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at isulat sa patlang bago ang bawat bilang.

a. Panahon ng mga Katutubo d. Panahon ng mga Hapon g. Kasalukuyang Panahon


b. Panahon ng mga Kastila e. Panahon ng Kalayaan
c. Panahon ng mga Amerikano f. Panahon ng Bagong Lipunan

_______46. Tuwaang
_______47. Ang Tusong Katiwala
_______48. “Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay
_______49. “Elias” ni Rosauro Almario
_______50. “Uhaw Ang Tigang na Lupa” ni Liwayway A. Arceo
_______51. “Kandong “ ni Reynaldo Duque
_______52. “Stainless Longganisa” ni Bob Ong
_______53. “Huwag mong Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” ni Domingo
Landicho
_______54. “Nayon at Dagat-dagatan” ni NVM Gonzales
_______55. “Aloha” ni Deogracias A. Rosario

VII. Mga Natatanging Maiikling Kuwentong Filipino


A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago
ang bawat bilang.

_______56. Alin sa mga sumusunod na uri ng tao sa lipunan ang kinabibilangan ng pangunahing tauhang si
Marcos sa kuwentong Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario?
a. mga aping mahihirap c. mga biktima ng digmaan
b. mga kabataang mapusok sa pag-ibig d. mga Pilipinong balikbayan
_______57. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbulo ng pagtunog ng kampana sa kuwentong Walang
Panginoon ni Degracias A. Rosario?
a. kamatayan b. pag-asa c. pag-ibig d. kalupitan
_______58. Dapat bang managot si Marcos sa nangyari insidente kay Don Teong?
a. Oo, sapagkat intensiyon niyang mag-amok ang kalabaw kay Don Teong.
b. Oo, sapagkat siya ang tagapag-alaga ng kalabaw na sumuwag kay Don Teong.
c. Hindi, sapagkat hindi naman si Marcos ang tuwirang may sala sa nangyari kay Don Teong
d. Hindi, sapagkat nararapat lang na mangyari iyon kay Don Teong dahil sa kaniyang
kasamaan.
_______59. Alin sa mga sumusunod ang ipinakikitang realidad sa lipunan ng kuwentong Walang Panginoon
ni Deogracias A. Rosario?
a. diskriminasyon sa lahing pinagmulan
b. malaking agwat ng mayaman sa mahirap
c. paghihirap ng mga magsasakang walang sariling lupa
d. kalunos-lunos na kalagayan ng mga naipit sa digmaan
_______60. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbulo ng kalabaw sa kuwentong Walang Panginoon ni
Deogracias A. Rosario?
a. ang kasipagan ng mga Pilipino c. mga mahihirap na Pilipino
b. mga manggagawang Pilipino d. mga magsasakang Pilipino
_______ 61. Alin sa mga sumusunod ang tema ng kuwentong Aloha ng Deogracias A. Rosario?
a. Diskriminasyon sa lahing pinagmulan
b. Pag-ibig na walang tinitignang limitasyon
c. Kawalan ng kapayapaan dulot ng digmaan
d. Kakulangan sa sapat nap ag-aaruga sa mga kabataan
_______ 62. Alin sa mga sumusunod ang kultura ng mga Amerikanong ipinakikita ng tauhang si Dan Merton
sa kuwentong Aloho ni Deogracias A. Rosario?
a. pamumuhay sa agrikultura
b. pagiging dominante sa ibang lahi
c. pagiging masigasig sa hanapbuhay
d. pagkakaroon ng malayang pag-iisip
_______ 63. Alin sa mga sumusunod ang nais patunayan ni Noemi nang sumayaw ito ng Hulahula saot ang
tradisyunal na damit ng mga Kanaka?
a. Ipagmalaki ang sariling lahi at kultura.
b. Pagtaksilan si Dan Merton na kaniyang asawa.
c. Gantihan ang ama ni Dan Merton sa pangmamaliit sa kaniya.
d. Ipakita sa ama ni Dan Merton na hindi siya magpapatalo rito.
_______ 64. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbulo ng pamagat ng kuwentong Aloha ni Deogracias A.
Rosario?
a. malugod na pagbati sa mga dayuhan
b. paghingi sa pantay na pagtrato ng mga bansang kinolonya ng Amerika
c. pagsisimula ng bagong pag-asa para sa kinabukasan ng mga kolonyang bansa.
d. pag-ibig at mapayapang pagsasama ng dalawang taong mula sa mgakaibang lahi
_______ 65. Alin sa mga sumusunod ang higit na nangingibabaw na kaisipan sa kuwentong Aloha ni
Deogracias A. Rosario?
a. Ang pag-ibig ay walang nakikitang lahi.
b. Mahalin ang sariling kultura at bansang pinagmulan.
c. Hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang tagumpay.
d. Walang lahing dapat itinuturing na mas mataas o mas mababa kesa sa iba.
_______66. Naaangkop ba ang katawagang Mabuti sa pangunahing tauhan ng kuwentong pinamagatang
Ang Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edrosa-Matute?
a. Oo, sapagkat isa siyang guro na palaging bukambibig ang salitang mabuti
b. Oo, sapagkat isa pa rin siyang mabuting guro sa kaniyang mga mag-aaral sa kabilang ng mga
personal na suliranin at kapintasan sa kaniyang buhay.
c. Hindi, sapagkat nakiapid siya sa lalaking may asawa na kahit na siya ay isang propesyunal na
tinitingala pagdating sa pamantayan ng moralidad.
d. Hindi, sapagkat hindi niya maibigay ang pagkakaroon ng buong pamilya sa kaniyang anak.
_______67. Alin sa mga sumusunod ang kaisipang higit na nangingibabaw sa kuwentong pinamagatang Ang
Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edrosa-Matute?
a. Ang propesyunal na aspeto ng tao ay di dapat maapektuhan ng personal na buhay nito.
b. Sa dami man ng kabutihang nagawa ng tao, ang tumatatak pa rin sa iba ay ang minsang
pagkakamali nito.
c. Natututo ang mga mag-aaral sa gabay ng kanilang guro, at natututo rin ang mga guro sa
kanilang mga mag-aaral.
d. Lahat ng tao ay mabuti at masamang pinagdadaanan sa buhay, maging matapang at
magpatuloy lamang anumang kulay ng buhay.
_______ 68. Anong katangian ni Genoveva Edrosa-Matute ang higit na makikita sa kaniyang kuwentong
pinamagatang Ang Kuwento ni Mabuti.
a. pagiging aktibista c. pagiging feminista
b. pagiging ekonomista d. pagiging sosyalita
_______69. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbulo ng pamagat ng kuwentong Bangkang-Papel ni Genoveva
Edrosa-Matute?
a. pag-ibig sa sariling bansang pinagmulan
b. pangarap na makaahon sa kahirapan sa pangingibang-bayan
c. pagpapatuloy sa buhay sa kabila ng masasamang naranasan
d. pangarap na mapayapang pamumuhay na nasira ng digmaan
_______70. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang ipinakikita sa kuwentong
Bangkang-Papel ni Genoveva Edrosa-Matute?
a. Panahon ng Batas Militas sa Pilipinas
b. Panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas
c. Panahon ng Panunungkulan ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
d. Panahon na makamtan ng Pilipinas ang ganap na kalayaan mula sa mga Amerikano

B. Panuto: Tukuyin ang may-akda ng mga kuwentong nasa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa
hanay B at isulat sa patlang bago ang bawat bilang.

A B
______71. Lupang Tinubuan a. Efren Abueg
______72. Ang Tondo Ma’y May Langit Din b. Rogelio Sicat
______73. Si Pinkaw c. Liwayway Arceo
______74. Sandaang Damit d. Narciso Reyes
______75. Ang Kalupi e. Benjamin Pascual
______76. Tata Selo f. Fanny Garcia
______77. Ang Sukatan ng Ligaya g. Isabelo Sobrevega
______78. Sa Bagong Paraiso h. Andres Cristobal Cruz
______79. Mabangis na Kamay, Maamong Kamay i. Pedro Dandan
______80. Paalam sa Pagkabata j. Nazareno Bas
VIII. Isagawa ang gawain sa ibaba para sa bilang 81 - 100.

Ikaw ay magiging isang kuwentista. Layunin mong ipamulat ang isip ng iyong mambabasa hinggil
sa epekto ng pandemyang kinahaharap ng mundo ngayon sa mga mahihirap na mamamayan. Kaya
naman, upang matupad ang iyong layunin, susulat ka ngayon ng isang kuwento o maikling salaysayin na
pumapaksa sa epekto ng pandemya sa pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan. Huhusgahan ang
iyong kuwento sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan.

Pamantayan Marka
(5 – 1)
Mahusay na naipakikita ang inaasahang tema at kaisipan sa kuwento
Malikhain ang paglalahad ng mga pangyayari sa kuwento
Komprehensibo ang daloy ng mga pangyayari sa kuwento
Mahusay na nakasusulat nang may tamang kayarian sa pagsulat
Kabuan

Pananda
5 – Napakahusay/Napakamalikhain/Napakakomprehensibo
4 – Mahusay/Malikhain/Komprehensibo
3 – Katamtamang husay/malikhain/komprehensibo
2 – Di gaanong mahusay/malihain komprehensibo
1 – Kailangan pa ng lubos na pagsasanay

Inihanda ni:

JEROME V. RAMONEDA
Guro sa Filipino

You might also like