You are on page 1of 7

St. Joseph’s College of Rodriguez Inc.

Departamento ng Kolehiyo
T.P. 2020 – 2019

Unang Semestre
Panggitnang Pagsusulit
Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan

Pangalan: __________________________________________________ Petsa: _____________________


Kurso: ____________________________________________________ Halgambilang: ______________

I. Batayang Konsepto sa Wika


A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bawat bilang.
______1. Alin sa mga sumusunod ang pinakawastong katuturan ng wika?
a. Ang wika ay behikulong naghahatid ng damdamin at kaisipan ng tao.
b. Ang wika ay likas sa anuman o sinumang may buhay na nakikipagtalastasan.
c. Ang wika ay ginagamit lamang sa pakikipagtalastasan ng tao sa kaniyang kapwa.
d. Ang wika ay tumutukoy sa mga simbulong pasulat na kumakatawan sa damdamin at kaisipan
ng tao.
______2. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapaliwanag sa sinabi ni Henry Allan Gleason, Jr. na, “Ang
wika ay masistemang balangkas.”?
a. Ang bawat wikang ginagamit ng tao ay natatangi sa isa’t isa.
b. Mayroon iisang pamantayan sa kayarian para sa lahat ng wika.
c. Ang mga salita sa isang pahayag ay isinasaayos batay sa nais ng tagapagsalita.
d. Binubuo ang wika ng mga tunog na maingat na pinipili at isinasaayos sa para maipahayag
ang mensahe.
______3. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapaliwanag sa pahayag ni Charles Darwin na, “Ang wika ay
isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat.”?
a. Likas ang wika sa tao mula pa nang siya’y ipanganak.
b. Naipahahayag ng tao ang kaniyang sarili gamit ang wika.
c. Ang wika ay isa ring kasanayan gaya ng iba pang kasanayan na natututuhan ng tao.
d. Sa pamamagitan ng wika, naipahahayag ng tagapagsalita ang kaniyang damdamin at
kaisipan sa maganda at ma-estilong paraan.
______4. Alin sa mga sumusunod ang pinakawastong paliwanag sa pahayag na, “Ang wika ay sistemang
arbitraryong vocal-symbol.”?
a. Natatangi ang wikang isinasalita ng bawat grupo ng tao at ito’y sumasalamin sa kanilang
kultura, gawi, at kapaligiran.
b. Sa porma ng dila nabubuo ang tunog pinagsasama-sama at binubuo sa maayos na kayarian
upang katawanin ang mensahe ng nagsasalita.
c. Ang wika ay pinagsama-samang mga makabuluhang tunog na binubuo gamit ang dila at iba
pang artikulador ng ating bibig.
d. Ang wika ay mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa
kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
_______5. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na halimbawa sa pagpapakahulugan ni Plato hinggil sa
wika?
a. Hindi napigilan ng bata ang inis na nararamdaman kaya nakapagsalita ito ng hindi
magaganda.
b. Nagugutom ang sanggol kaya umiyak ito. Nang bigyan siya ng ina nang makakain ay agad
itong tumahan.
c. Nagawang bigkasin ng isang sanggol ang salitang Mama nang paulit-ulit niya itong naririnig
na sinasabi ng kaniyang ina.
d. Nasa sinapupunan pa lang ay pinagpapakinig na ng banayad na musika ang bata kaya maaga
itong natutong magsalita.
______6. Ito ang wikang ginagamit sa estado sa kanyang mga instumentalidad at maging sa komunikasyon
sa
mga mamamayan.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Wikang panturo d. Wikang kinagisnan
______7. Ito ay wikang itinadhana ng batas na maging wikang gagamitin sa anumang uri ng komunikasyon,
lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.
a. Wikang Kinagisnan b. Wikang Opisyal c. Wikang Pambansa d. Wikang Panturo
______8. Ito ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
a. Wikang Kinagisnan b. Wikang Opisyal c. Wikang Pambansa d. Wikang Panturo
______9. Alinsunod sa K to 12, anong ang dapat gamitin opisyal na wikang panturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3?
a. Filipino b. Ingles c. Mother Tongue d. Tagalog
_____10. Siya ang kalihim ng DepEd na nanguna sa pagtataguyod ng mga pagbabagong dala ng K to 12
Kurikulum.
a. Briones b. Jose E. Romero c. Virgilio Almario d. Br. Armin Luistro
______11. Ito ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
a. Ikalawang Wika b. Lingua Franca c. Mother Tongue d. Tagalog
______12. Ito ang wikang natutuhan kasunod ng unang wika.
a. Ikalawang Wika b. Lingua Franca c. Mother Tongue d. Tagalog
______13. Ito ang patakaran kung saan dalawang opisyal na wika ang gagamitin sa pagtuturo ng mga
signatura
paaralan.
a. Bilingguwalismo b. Balanced Bilingual c. Monolingguwalismo d. Multilingguwalismo
______14. Sa patakarang ito ay gagamitin ang unang wika bilang wikang panturo at bilang hiwalay na
asignaturang pangwika samantalang ituturo din ang Filipino at ang Ingles bilang mga hiwalay na
asignatura.
a. Bilingguwalismo b. Balanced Bilingual c. Bilingual Education d. Multilingguwalismo
______15. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika lamang bilang wika ng edukasyon, wika ng
komersiyo,
wika ng negosyo, wika ng pakikipagtalastasan, at ng pang-araw-araw na buhay sa isang bansa.
a. Bilingguwalismo b. Balanced Bilingual c. Monolingguwalismo d. Multilingguwalismo

B. Panuto: Tukuyin ang baryasyon ng wika na ipinakikita sa bawat sitwasyon. Piliin ang iyong sagot sa kahon
at isulat ito sa patlang bago ang bawat bilang.
a. Dayalek c. Idyolek e. Pidgin g. Creole
b. Sosyolek d. Etnolek f. Register

______16. “Magandang gabi, bayan!” Bilib na bilib si Carl John kay Noli De Castro kapag naririnig niya itong
sinasabi ng reporter ang naturang linya sa programa ng TV Patrol. “Iba talaga ang tatak Noli,”
wika pa ni Carl John sa kaniyang sarili.
______17. Napakunot ang noo ni Shane dahil hindi niya agad naintindihan ang sinasabi ng kaniyang
kaibigan na si Mark a.k.a Marimar na “chumichenelin na naman ang bowaerts ni bruhilda
coronel.”
_____18. Unang pagkakataon ni Chedrick na matuto ng wikang Filipino sapagkat lumaki siya sa Amerika.
Kaya nang minsan kumakain sila ng kaibigan niyang si Gercie ng fishball na nilalako sa kalsada,
nasabi niyang “Bro, will you please make tusok-tusok the fish ball para sakin?”
______19. Napukaw ang atensyon ni Michelle nang marinig niya ang malakas na kwentuhan nina Andrea,
Mharienyl, at Levita tungkol sa mga ipapasang video clip, pelikula, sanaysay, at timeline sa
kasaysayan ng wika. Bungsod noon, alam na ni Michelle na sa Filipino ang pinag-uusapan ng
tatlo.
______20. Naiintriga si Jona sa pinag-uusapan ng mga tinderang Muslim sa may tianggian sa Palengke. Hindi
niya kasi ito maunawaan dahil ibang wika ang gamit ng mga ito.
______21. Mula si Ivan sa probinsya ng Rizal kung saan Tagalog ang katutubong wikain. Gayun pa man,
Ingles na ang nakamulatang wika ng Ivan dahil sa mga kasama niya sa bahay at sa mga
nakasasalamuha niyang ibang tao sa pribadong paaralan na kaniyang pinag-aaralan.
______22. Hindi mapigilan ni Melry sa mga hirit ni Vice Ganda sa palabas nito tuwing gabi. Alam na alam
niya na si Vice Ganda ang nagsasalita kahit hindi siya nakatingin sa telebisyon dahil sa paraan ng
pagpapatawa nito na may halong matalinong pagkukuro sa mga bagay-bagay.
______23. Hindi maintindihan ni Marta ang mga sinasabi ng anak nito dahil gumagamit ito ng mga salitang
gaya ng “IDK”, “BRB,” “Savage,” at iba pang salita na ginagamit ng kabataan sa social media.
______24. Isang dayuhang intsik si Mr. Ching na pumunta sa Pilipinas para sa kaniyang negosyo. Hindi siya
agad naunawaan ng mga empleyado niyang Pilipino sa tuwing magsasalita ito dahil sa barok
nitong pagta-Tagalog.
______25. Nakisali si Arman sa kuwentuhan ng mga lalaki sa terminal ng tricycle. Nang marinig ng mga
lalaking magsalita si Arman ay nagulat ang mga ito sapagkat pareho sila ng wikang sinasalita
bagama’t ang mga lalaki ay mula sa Panay samantalang si Arman ay galing naman sa Samar.

C. Panuto: Tukuyin kung Pampanitikan, Pambansa, Lalawiganin, Kolokyal, o Balbal ang antas ng wikang
ipinahihiwatig ng bawat pahayag.
__________26. Ang wikang ito ang siyang pinakamababang antas. Nagbabago ito alinsunod sa nauuso sa
bawat panahon.
__________27. Ito ang wikang kilala at ginagamit sa isang rehiyon. Ito rin ang katutubong wika na kinagisnan
ng isang tao.
__________28. Ang wikang ito ang sinasalita ng grupo ng mga tao sa isang lugar at nakasanayan nang
gamitin sa araw-araw na komunikasyon bagamat hindi ito ang una nilang wika.
__________29. Halimbawa ng wikang ito ay mga tayutay, idyoma, at iba pang matatalinghagang salita.
__________30. Ito ang wikang ginagamit sa buong bansa.

D. Panuto: Sagutin ang tanong tungkol sa Antas ng Wika. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang
bago ang bawat bilang.

______31. Alin sa mga sumusunod ang katumbas ng salitang “Asawa” sa pampanitikang antas ng wika?
a. Jowa b. Katipan c. Kabiyak ng puso d. Kapareha
______32. Sa anong antas ng wika nabibilang ang “Kapatid”?
a. Kolokyal b. Lalawiganin c. Pambansa d. Pampanitikan
______33. Sa anong antas ng wika nabibilang ang “Dako”?
a. Kolokyal b. Lalawiganin c. Pambansa d. Pampanitikan
______34. Alin sa mga sumusunod ang katumbas ng salitang “Katuwang” sa Lalawiganing antas ng wika?
a. Tsimay b. Alila c. Katulong d. Utusan
______35. Sa anong antas ng wika nabibilang ang salitang “Yorme”?
a. Balbal b. Kolokyal c. Pambansa d. Pormal

II. Kasaysayan ng Wikang Pambansa


A. Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa kasaysayan ng Wikang Pambansa. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
_____36. Sa taong ito pinagtalunan at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal ang pagpili magiging
Pambansang Wika ng Pilipinas.
a. 1933 b. 1934 c. 1935 d. 1936
_____37. Siya ang ama ng Balarilang Tagalog na nagmungkahing ibatay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
ang magiging Pambansang Wika nito.
a. Jaime De Veyra c. Pang. Manuel Luis Quezon
b. Lope K. Santos d. Pang. Fidel V. Ramos
_____38. Siya ang nagsusog ng pagmumungkahi sa magiging Wikang Pambansa na nagbigay daan sa
probisyon sa Saligang Batas tungkol dito.
a. Pang. Manuel Luis Quezon c. Pang. Corazon C. Aquino
b. Pang. Fidel V. Ramos d. Pang. Ferdinand E. Marcos
_____ 39. Sa artikulo’t seksyong ito ng Saligang Batas 1935 nakasaad ang probisyon hinggil sa Pambansang
Wika ng Pilipinas.
a. Artikulo XIV, Seksyon 3 c. Artikulo XIV, Seksyon 6
b. Artikulo XVI, Seksyon 3 d. Artikulo XVI, Seksyon 6
_____40. Batay sa probisyong nakasaad sa Saligang Batas 1935, ang sangay ng pamahalaang ito ang siyang
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga
umiiral sa mga katutubong wika.
a. Ehekutibo b. Hudikatura c. Kongreso d. Senado
_____ 41. Ito ang batas na nagtatatag sa Surian ng Wikang Pambansa.
a. Batas Komonwelt Blg. 184 c. Batas Komonwelt Blg. 194
b. Batas Komonwelt Blg. 186 d. Batas Komonwelt Blg. 196
______42. Siya ang abogadong nagsulat ng batas upang maitatag ang Surian ng Wikang Pambansa.
a. Norbert Romualdez c. Robert Romualdez
b. Norberto Romualdez d. Roberto Romualdez
______43. Ito ang dayalektong napili ng Suriin ng Wikang Pambansa na maging batayan ng magiging Wikang
Pambansa batay sa kanilang pag-aaral.
a. Filipino b. Ingles c. Pilipino d. Tagalog
_____ 44. Alin sa sumusunod na pamantayan ang hindi kabilang sa mga ginamit ng Suriin ng Wikang
Pambansa sa pagpili ng magiging Wikang Pambansa ng Pilipinas?
a. wika ng sentro ng pamahalaan c. wika ng sentro ng kalakalan
b. wika ng sentro ng edukasyon d. wika ng pinakadakilang nasusulat na panitikan
_____ 45. Sa taong ito sinimulang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang
pampubliko at pampribado.
a. 1937 b. 1938 c. 1939 d. 1940
_____ 46. Noong 1946 ipinagkaloob ng Amerika ang kasarinlan ng mga Pilipino at noon ipinroklama na ang
mga magiging wikang opisyal sa bansa ay tagalog at Ingles sa bisa _________________.
a. Batas Komonwelt Blg. 569 c. Batas Komonwelt Blg. 571
b. Batas Komonwelt Blg. 570 d. Batas Komonwelt Blg. 572
______47. Siya ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na nagpalabas ng kautusang nagpapalit sa tawag sa
Wikang Pambansa mula sa Tagalog na naging Pilipino.
a. Nilo A. Rosas b. Jose E. Romero c. Lope K. Santos d. Br. Armin Luistro
______48. Sa anong artikulo at seksyon ng Saligang Batas 1972 nakasaad ang probisyon hinggil sa Wikang
Pambansa?
a. Artikulo XIV, Seksyon 3 c. Artikulo XIV, Seksyon 6
b. Artikulo XV, Seksyon 3 d. Artikulo XV, Seksyon 6
______49. Ayon sa Saligang Batas 1972, ang wikang pambansa ay kikilalaning ___________________.
a. Filipino b. Ingles c. Pilipino d. Tagalog
______50. Siya ang pangulong nagpatupad ng kautusan hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa.
a. Pang. Ferdinand E. Marcos c. Pang. Manuel L. Quezon
b. Pang. Fidel V. Ramos d. Pang. Corazon C. Aquino
______51. Siya ang kauna-unahang tagapangulo ng Suriin ng Wikang Pambansa.
a. Jimmy De Veyra b. Jaime De Veyra c. Jose E. Romero d. Jose Almario
______52. Ano ang idineklarang Wikang Opisyal ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7?
a. Filipino b. Filipino at Ingles c. Pilipino at Ingles d. Tagalog at Ingles
______53. Anong batas ang nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing
wikang panturo sa ilalim ng pamumuno ni Comm’r. Jacob Schurman noong panahon ng mga
Amerikano sa Pilipinas?
a. Batas Blg. 71 b. Batas Blg. 72 c. Batas Blg. 73 d. Batas Blg. 74
______54. Siya ang kalihim na nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963 – 1964 ang pagpapalimbag ng mga
sertipiko at diploma sa wikang Pilipino.
a. Alejandro R. Roces c. Jose E. Romero
b. Armin A. Luistro d. Leonor Mirasol M. Briones
______ 55. Siya ang pangulong nag-utos na pangalanan sa Pilipino ang lahat ng edipisyon, gusali, at
tanggapan.
a. Pang. Ferdinand E. Marcos c. Pang. Manuel L. Quezon
b. Pang. Fidel V. Ramos d. Pang. Corazon C. Aquino

III. Di-pasalitang Komunikasyon


A. Panuto: Tukuyin ang uri ng Di-Komunikasyon na ipinahihiwatig sa bawat pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa patlang bago ang bawat bilang.

a. Kinesics c. Haptics e. Opthalmics g. Paralanguage


b. Chronemics d. Proxemics f. Iconics
______ 56. Nahuli nang 30 minuto ang ka-date ni Arjene kaya ipinagpalagay nito na hindi ito seryoso sa
kaniya.
______ 57. Kitang-kita sa isang kainan ang mahigpit na pagpapatupad sa Health Protocols kaya naman layo-
layo ang mga kumakain at hindi maaaring magsabay sa iisang mesa lamang.
______ 58. Habang tinatanong si Tony Gonzaga ng isang tv host, nakangiti ito at napa-de kwatro na
nangangahulugang kumpiyansa ito sa kaniyang sagot.
______59. Nagkaroon ng masinsinang pag-uusap si Dave at ang kaniyang ama tungkol sa problema nito sa
pag-aaral. Matapos ang kanilang pag-uusap, tinapik ng ama nito ang kaniyang balikat at doo’y
sumigla at lumakas ang loob ni Dave.
______60. Nagmamadaling pumunta si Arlyn sa pampublikong palikuran dahil sa tawag ng kalikasan. Nakita
niya sa pinto ng unang palikurang kaniyang pinuntahan ang imahe ng lalaki kaya hindi na siya
pumasok at pumunta na sa kabilang palikuran agad.
______61. Habang nagtatalakay si Ginoong Jerome sa kaniyang online class, nilagyan niya ng high light na
kulay dilaw ang mga simuno sa mga halimbawang pangungusap na kaniyang ipinakikita at lunti
naman para sa mga salitang kilos.
______62. Tumunog na ang alarm ng selpon ni Yvette. Nangangahulugan lang ito na kailangan na niyang
bumangon, magbukas ng laptop, at dumalo sa kaniyang online class.
______63. Nag-a-apply ng trabaho si Vincent sa isang kumpanya. Pinaupo siya sa isang upuang 3 metro ang
layo sa interviewer upang pormal na maisagawa ang kaniyang first interview.
______64. Tinanong ni Aaron ang kaniyang kasintahan kung galit ba ito sa kaniya. Sumagot ito ng hindi
ngunit
sa tanong walang gana. Kaya naman, alam ni Aaron na mayroon talagang umiiral na problema sa
kanilang relasyon noong panahon na iyon.
______65. Nagmamadaling pinatakbo ni Gene ang kaniyang motor sapagkat mahuhuli na siya sa kaniyang
trabaho. Kaya lamang, nang magkulay pula ang traffic lights sa may intersection sa highway ay
wala
siyang nagawa kundi huminto at maghintay.

IV. Tungkulin ng Wika


A. Panuto: Piliin mula sa kahon ang tungkulin ng wika ayon kay M.A.K. Halliday na ipinakikita sa bawat
sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

a. Instrumental c. Regulatoryo e. Inter-aksyunal


b. Personal d. Heuristiko f. Impormatibo

_____66. Nais ni Carl na magtrabaho bilang crew sa isang fast food restaurant habang siya ay nag-aaral sa
Kolehiyo. Sumulat siya ng isang application letter upang magbakasakaling siya ay matanggap.
_____67. Nagpadala si Sr. Marivic, pangulo ng St. Joseph College, ng isang tagubilin kay Sr. Etherna, punong-
guro sa Basic Education Department, tungkol sa bagong alituntunin ng paaralan na kanilang
ipatutupad sa lalong madaling panahon.
_____68. Mahilig mag-post si Edgar sa kaniyang Instagram Account ng mga larawan sa bawat gagawin niya
sa araw-araw. Minsan, kumain siya sa isang fast food restaurant at doon pinicturan niya ang
kaniyang order bago kumain sabay pag-post muli sa kaniyang Instagram na may “hashtag eating
alone.”
_____69. Gumagawa si Karlyn ng isang Action Research tungkol sa iba’t ibang istilo sa pag-aaral. Nangalap
siya ng mga datos na gagamitin niya sa kaniyang pananaliksik sa pamamagitan ng mga survey at
interview na kaniyang ginawa.
_____70. Si Mang Tani ay isang sikat na meteorologist na nag-uulat ng lagay ng panahon. Ngayong tag-ulan
lagi siyang mapanonood sa telebisyon at sa maririnig sa radio.

B. Panuto: Piliin mula sa kahon ang tungkulin ng wika ayon kay Jacobson na ipinakikita sa bawat
sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

a. Emotive c. Phatic e. Metalingual


b. Conative d. Referential f. Poetic

_____71. Inis na inis si Louisse sa mabilis na kotseng dumaan sa kaniyang harapan habang umuulan na
naging dahilan ng pagtalsik ng mga putik sa kaniyang paldang pamasok. Kung kaya’t
pinagsisisigawan niya ito habang tumatakbo papalayo ang kotse.
_____72. Hindi makatayo si Cyrus dahil sa napilay niyang paa noong naglaro siya ng volleyball kaya
nakikisuyo siya lagi sa kaniyang kasintahang si Jayson na alalayan siya saan man siya magpunta.
_____73. Sumulat si Aiza ng isang aklat tungkol sa kasaysayan ng wika sa Pilipinas. Sa huling pahina ng
kaniyang akla ay itinala niya ang ibang babasahin na kaniyang ginamit sa pagbuo ng kaniyang aklat.
_____74. Magkausap sa pamamagitan ng facebook chat si Sandra at ang kaniyang kasintahan. Nang
mawalan na sila ng paksang pag-uusapan ay bigla naming nagtanong ang kaniyang kasintahan na
kung mahal ba niya ito. Kinilig naman si Sandra at nagpatuloy ulit ang kanilang pag-uusap.
_____75. Mahilig magsulat ng sariling kwento si Mellsan at ipino-post niya ito sa kaniyang Wattpad
Account. Dahil sa kaniyang galing sa pagsulat ng kwento dumarami ang kaniyang tagahanga.
V. Wika, Identidad, at Bansa
A. Panuto: Tukuyin ang kaibahan sa paggamit ng wika batay sa kasarian na ipinakikita sa bawat
sitwasyon. Piliin mula sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bawat bilang.
a. Status vs. Support c. Advice vs. Understanding e. Orders vs. Proposals
b. Independence vs. Intimacy d. Information vs. Feelings f. Conflict vs. Compromise
______76. Nakisali sa umpukan ng kaniyang mga barkada si Arman na noo’y nag-uusap tungkol sa kanilang
mga naranasan na sa pakikipagrelasyon. Sa kanilang kuwentuhan, hindi nagpatalo si Arman at
ibinida rin ang kaniyang sarili.
______77. Nagkaroon ng suliranin si Jasper sa kaniyang pamilya at nahalata ito ng kaniyang kasintahang si
Rianne. Inaalok ni Rianne si Jasper ng tulong at kung gusto nito pang may mapagsabihan ng
problema ay nariyan lamang si Rianne para sa kaniya. Kaya lang, ngumiti lamang si Jasper,
nagpasalamat, at sinabing hindi na kailangan dahil siya na raw bahala sa kaniyang problema.
______78. Kasama si Leandro nina Angie, Rachell, at Joyce noong hapong iyon nang tawagin sila ng
kanilang guro upang magpatulong sa mga aklat na kailangang buhatin. Narinig ni Leandro ang
daing ni Rachell na angbibigat ng mga aklat na pinabubuhat kaya nagmagandang loob na si
Leandro na siya nalang ang bubuhat ng lahat ng aklat.
______79. Biglang napunta sa seryosong usapan ang pagkukwentuhan ni Carl at Grace tungkol sa
pagsasagawa ng online classes ngayong may pandemya. Iginigiit ni Grace ang mga hirap na
nararanasan ng mga mag-aaral ngayong new normal nap ag-aaral at ang pagkahabag nito para
sa kanila. Samantala, hinihimay-himay naman ni Carl ang mga detalye at Sistema ng
pagsasagawa ng online classes upang maipaliwanag kay Grace ang mga nakikita nitong mainam
na epekto sap ag-aaral ng mga bata.
______80. Bago pa lamang na magkasintahan sina June at Sheila. Bilang pagpapakita ng pagmamahal at
respeto sa kaniyang kasintahan, nagpapaalam pa si Shiela kay June sa tuwing aalis ito kasama
ang barkada. Pinapayagan naman siya ni June ngunit tinitiyak muna nito ang kaligtasan ng
kasintahan at gusto ni June na siya ang susundo kay Sheila kapag uuwi na ito.
______81. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang magkaibigang Arlene at Jake. Kaya naman, ikinuwento ni
Arlene sa mga babae niyang kaibigan ang nangyaring di pagkakaunawaan nila ni Jake at
dinamayan naman siya ng mga ito.
______82. Kahit na hindi sang-ayon si Candy sa desisyon ng kaniyang asawa na magbakasyon muna sila sa
probinsya, hindi na tumutol si Candy sapagkat alam niyang pagtatalunan lamang nila ito.
______83. Simula nang maglock down, naging matumal ang negosyo ng mag-asawang Cathy at Berny. At
dahil magkokolehiyo na ang kanilang panganay, kinailangang maghanap ng iba pang
pagkakakitaan ni Berny bilang padre de pamilya.
______84. Tinanong ni John ang kaniyang kaibigang si Sharmaine kung ano ang gusto nitong orderin sa
restaurant na kanilang kinakainan. Sumagot ito ng kahit ano ngunit paismid o may halong inis.
Nang umorder na si John ng anumang makita nito sa menu ay hindi naman gaanong kinain ni
Sharmaine.
______85. Sa tingin ni Marlon ay desidido na si Kate sa kanilang gagawing proyekto sa Filipino kaya hindi na
niya kinontra ito at ginawa na lamang niya ang kaniyang bahagi sa kanilang proyekto.

VI. Wika, Agham, at Teknolohiya


A. Panuto: Tukuyin kung sa anong uri ng media nabibilang nag mga sumusunod. Isulat sa patlang ang
PM kung ito ay Print Media, BM kung ito ay Broadcast Media, at NM kung ito ay New Media.
______86. Pahayagan ______91. Telebisyon ______96. Smartphone
______87. Sine ______92. Video Vlog ______97. Digital Phone
______88. Facebook ______93. Online Journal ______98. libro
______89. Magazine ______94. Polyeto ______99. Twitter
______90. Radio ______95. Instagram _____100. Google
Inihanda ni:

G. Jerome V. Ramoneda
Propesor sa Filipino

You might also like