You are on page 1of 2

DON CARLOS POLYTECHNIC COLLEGE

Final EXAMINATION
PANIMULANG LINGGWISTIKA
Pangalan: ___________________________________ Petsa:__________________ Marka:______
I. Piliin ang pinakatumpak na kasagutan.
1. Ang tawag sa mga taong dalubhasa sa wika.
A. Linggwista B. Antropologo C. Multilingual D. Polyglot
2. Nag-aaral tungkol sa mga kultura ng mga sinaunang tao kabilang na dito ang kanilang wika.
A. Linggwista B. Antropologo C. Multilingual D. Polyglot
3. Pinakamalaking angkan sa Wika.
A. Finno-Ugrian B. Malayo-Polinesian C. Afro-Asiatic D. Indo-Europian
4. Ito ang pinagmulang angkan ng wikang Tagalog.
A. Finno-Ugrian B. Malayo-Polinesian C. Afro-Asiatic D. Indo-Europian
5. Isang kilalang linggwista sa bansa.
A. Lope K. Santos B. Severino Reyes C. Alfonso O. Santiago D. Amado V. Hernandez
6. Unang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino.
A. Alifbata B. ABAKADA C. Abecedario D. English Alphabet
7. Pinangkat ang mga wika sa dalawang uri: Iloko type at Tagalog type.
A. Santiago B. Gleason C. Conklin D. Dyen
8. Kinilalang pinakapangunahing linggwista ng wikang Malayo Polinesyo.
A. Santiago B. Gleason C. Conklin D. Dyen
9. Agham ng tunog ng mga salita at ang pagpapalabas o pagbigkas sa mg ito.
A. Ponema B. Morpema C. Sintaks D. Ponetika
10. Ang mga sumusunod ay bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog maliban sa ISA.
A. Dila at panga B. Ngipin at labi C. Gilagid D. Matigas na ngalangala
11. Ayon sa kanya, ang pangunahing tungkulin ng dila ay sa pagkain at hindi sa pagsasalita.
A. Lope K. Santos B. Severino Reyes C. Alfonso O. Santiago D. Amado V. Hernandez
12. Ang katumbas ng /?/ sa matandang balarila.
A. y,w B. ng C. LL D. impit na tunog
13. Tinatawag na malapatinig.
A. y,w B. ng C. LL D. impit na tunog
14. Ang /ŋ/ ay katumbas ____ sa ating ABAKADA.
A. y,w B. ng C. LL D. impit na tunog
15. Tinatalakay rito ang mga katinig, mga patinig, diptonggo, klaster, pares minimal at ponemang malayang
nagpapalitan.
A. Ponetika B. Ponema C. Ponemang Segmental D. Ponemang Suprasegmental
16. Dito tinatalakay ang haba at diin, tono at antala.
A. Ponetika B. Ponema C. Ponemang Segmental D. Ponemang Suprasegmental
17. Halimbawa ng Pares minimal.
A. Opo at Oho B. baliw at kaway C. braso at klaro D. bata at pata
18. Halimbawa ng Diptonggo.
A. Opo at Oho B. baliw at kaway C. braso at klaro D. bata at pata
19. Halimbawa ng Ponemang Nagpapalitan.
A. Opo at Oho B. baliw at kaway C. braso at klaro D. bata at pata
20. Halimbawa ng Klaster.
A. Opo at Oho B. baliw at kaway C. braso at klaro D. bata at pata
21. Tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng isang nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita, pagbibigay pansin
sa pagbigkas ng isang salita /./
A. tono B. haba at diin C. antala D. bigkas
22. Taas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap sa ating kapwa.
A. tono B. haba at diin C. antala D. bigkas
23. Saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahatid sa
ating kausap.
A. tono B. haba at diin C. antala D. bigkas
24. Ito ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
A. morpema B. morpolohiya C. alomorp D. sintaks
25. Pagsusuri sa mga paraan ng pagbuo ng mga salita sa isang wika.
A. morpema B. morpolohiya C. alomorp D. sintaks
26. Ito ay mga salitang payak gaya ng buhay, ganda, etc.
A. panlapi B. morfim C. salitang-ugat D. salita
27. Ang mga ito ay may sariling kahulugan kayat bawat isa ay isang morfim /morpema.
A. panlapi B. morfim C. salitang-ugat D. salita
28. Halimbawa ng panghalip.
A. Luneta Park B. sila C. malinis D. araw-araw
29. Halimbawa ng pang-abay.
A. Luneta Park B. sila C. malinis D. araw-araw
30. Halimbawa ng panggalan.
A. Luneta Park B. sila C. malinis D. araw-araw
31. Halimbawa ng pang-uri.
A. Luneta Park B. sila C. malinis D. araw-araw
32. ______ asawa siyang mapagmahal.
A. Merong B. Mayroong C. May D. Mayroon
33. Nag-aral siya ____ leksyon para sa nalalapit na pagsusulit.
A. nang B. na C. ng D. wala sa nabanggit
34. Siya ay kain ___ kain maghapon.
A. nang B. na C. ng D. wala sa nabanggit
35. _____ siyang mapagmahal na asawa.
A. Merong B. Mayroong C. May D. Mayroon
36. Magsikap ka _____ ang buhay mo ay guminhawa.
A. nang B. na C. ng D. wala sa nabanggit
37. Kumain ________ lugaw ang batang maysakit.
A. nang B. na C. ng D. wala sa nabanggit
38. Ayaw _____ tumakbo ng Grace Poe sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon.
A. pa B. na C. raw D. daw
39. Ipinagkalat ____ di umano ni Marjorie ang tinatagong sikreto ng kanilang pamilya.
A. pa B. na C. raw D. daw
40. Mamahalin kita ___ magbabago ka nang tuluyan.
A. kung B. kong C. pag D. kapag
41. Gusto ____ makaramdam ng tunay na pagmamahal.
A. kung B. kong C. pag D. kapag
42. ______ mo ng asin ang isdang pangprito.
A. Lagyan B. pahirin C. pahiran D. sabuyan
43. _______ mo ang mga dumi sa iyong damit pamasok.
A. Lagyan B. pahirin C. pahiran D. sabuyan
44. Nais _____________ ng doctor ang mga kapus-palad na may sakit.
A. Gamutin B. pagalingin C. operahan D. operahin
45. Iskedyul na ____________ ng doctor ang mga may sakit sa mata.
A. Gamutin B. pagalingin C. operahan D. operahin
46. __________ mong gamitin ang kutsilyong iyan kung matalas.
A. Subukin B. subukan C. tuluyan D. wag
47. __________ nating tikman ang kanilang pagkain.
A. subukin B. subukan C. tuluyan D. wag
48. ___________ natin ang ating silid-aralan.
A. Walisin B. Walisan C. Linisan D. Linisin
49. ________ niya ang kanyang alkansya upang kunin ang naipong pera rito.
A. Binasag B. Nabasag C. Sinira D. Winasak
50. Wag kayong haharang-harang sa __________.
A. Daanan B. pinto C. pintuan D. pasukan

BINABATI KO KAYO!

You might also like