You are on page 1of 29

ARALIN 5 ANG PAGLINANG NG KOMPREHENSYON

LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nailalahad ang masaklaw na dahilan sa pagbibigay-tuon ng guro sa
komprehensyon sa pagtuturo ng pagbasa.
2. Naiisa-isa ang kalikasan ng komprehensyon.
3. Nabibigyang-paliwanag ang mga dulog at estratehiya sa paglinang ng
komprehensyon
4. Napahahalagahan nang lubos komprehensyon bilang integral na bahagi ng
pagbasa

5.

Ang pangunahing tunguhin sa pagtuturo ng komprehensyon ay ang paglinang

ng mga kakayahan sa pag-unawa sa pagbasa. Inaasahan na ang mga gawaing ito’y
makatutulong sa mga mag-aaral na makabuo, makapagpaliwanag, makapaglapat at
makapagpakahulugan nang mabisa sa mga teksto na kanilang maririnig at mababasa.
Pangunahin sa tunguhing ito ay ang paglinang ng mataas na lebel ng proseso ng pag-
iisip na hindi lamang ang simpleng paggunita ng mga impormasyong tuwirang nakalahad
sa teksto. Upang maisakatuparan ang tunguhing ito, kailangang lubos na maunawaan ng
guro ang mga tampok na katangian ng proseso ng komprehensyon. Tungkulin ng guro
na lumikha ng mga kaiga-igayang kondisyon sa pagtuturo upang mapatnubayan ang
paglinang ng komprehensyon ng mga mag-aaral.

PANGUNAHING KALIKASAN NG KOMPREHENSYON

Ang mga pangunahing katangian na nagbibigay-liwanag sa proseso ng

komprehensyon sa konteksto ng silid-aralan ay ang mga sumusunod:
1. Makabuluhang pagbasa na ginagabayan ng mga layuning malinaw na inilahad
2. Paggising ng mga dating kaalaman na may kaugnayan sa nilalaman/paksa ng
kwento
3. Pagpapasigla ng mga estratehiya sa pagpoproseso ng mga dating kaalamang
angkop sa layuning itinakda sa pagbasa
4. Pagpapakilos/pag-antig ng mga saloobin at mga pagpapahalaga na may
kaugnayan sa nilalaman ng teksto

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
5. Paggising ng estratehiya sa pagmomonitor na magkokontrol sa pagbuo ng
pagpapakahulugan
6. Interaktibong paggamit ng mga prosesong binanggit upang makamit ang
layuning inilahad sa paksa

ANG TUNGKULIN NG GURO SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON

Ang tungkulin ng guro sa pagtuturo ng komprehensyon ay nakapaloob sa mga

sumusunod:
1. Pagpapaunawa sa layunin ng pagbasa at ng inaasahang paggamit ng
karanasang matatamo sa pagbasa
2. Paggising ng mga dating kaalaman at pagtulong kung paano gagamitin at
maiuugnay ang mga kaalamang ito sa nilalaman ng teksto
3. Paglinang ng mga estratehiya sa pagpoproseso ng teksto at pagpapaunawa
kung kailan gagamitin ang mga estratehiyang ito batay sa layunin sa pagbasa
at ang uri ng tekstong babasahin
4. Pagtulong sa mga mag-aaral na maiugnay ang kanilang mga saloobin at
pagpapahalaga sa nilalaman ng teksto
5. Paglinang ng kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagmomonitor
ng mga nabuong pagpapakahulugan sa pagitan ng dating kaalaman at
impormasyon sa teksto
6. Pagtatanim sa isipan ng mga mag-aaral na sa pagtatamo ng epektibong
komprehensyon, kailangang may magandang pag-uugnayan ang layunin,
dating kaalaman, mga estratehiya, saloobin para sa nilalaman, at
pagmomonitor ng pagpapakahulugang bubuuin

Malinaw na ipinakikita ng mga tungkuling ito ng guro sa pagtuturo na ang

paglinang ng komprehensyon ay mahigpit na nakabatay sa aktibong pakikibahagi ng
mag-aaral sa proseso ng pag-iisip mula sa paggising ng kanilang dating kaalaman
hanggang sa pagmomonitor ng sariling pagpapakahulugan.

MGA DULOG AT ESTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON

1. Ugnayang Tanong-Sagot
Binuo ito upang mapataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang sistematikong
pagsusuri sa mga tanong. Nabuo ito dahil sa obserbasyon na palaging may
pinasasagutang tanong ang mga guro pagkatapos bumasa subalit hindi man lang
nabibigyan ng kaunting patnubay ang mga mag-aaral kung paano sasagutin ang
mga tanong. Sa estratehiyang ito, inaasahang magagawa ng mga mag-aaral na
tukuyin ang iba’t ibang uri ng tanong gaya ng mga nakalahad sa ibaba:

Nasa teksto mismo - Ito’y hudyat na ang sagot ay tuwirang nakalahad sa

“teksto” at nangangailangan ito ng simpleng paggunita o pagtukoy ng mga
impormasyong galing sa binasa.

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
Isipin at Hanapin – Ito’y hudyat na ang tanong ay nasa teksto rin ngunit
kailangang “pag-ugnayin” mula sa mga impormasyong nakapaloob sa
teksto. Ito’y nangangailangan ng pag-iisip na nasa lebel na interpretatibo.
Ikaw at ang Awtor – Ito’y hudyat na ang sagot ay wala sa teksto ngunit
kailangang mabuo sa “sariling isipan” mula sa impormasyong inilahad ng
awtor at mula sa dating kaalaman.
Sa Aking Sarili – Ito’y hudyat na ang sagot ay wala sa teksto at kailangang
mabuo sa “sariling isipan” mula sa dating kaalaman.

Ang mga simulaing isinasaalang-alang sa paggamit ng Ugnayang Tanong-

Sagot ay ang mga sumusunod:
Pagbibigay ng kagyat na tugon
Pagsisimula sa maikli patungo sa higit na mahabang teksto o seleksyon
Paghikayat na tumayo sa sariling paa ang mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na gawain ngunit hindi naman
hindi ibig sabihin na hindi sila papatnubayan at tutulungan sa mga
pagkakataong talagang kailangan

2. DR-TA (Directed Reading-Thinking Activity) o Pinatnubayang Pagbasa-Pag-

iisip
Para ito sa paglinang ng komprehensyon ng buong klase/pangkat. Sa dulog
na ito, ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa talakayan sa tulong ng mga
tanong na nasa mataas na antas ng pag-iisip.

Layunin nito na matulungan ang mga mag-aaral sa pagtatakda ng sariling

layunin sa pagbasa, pagbibigay ng sariling palagay na ginagamit ang dating
kaalaman at impormasyon buhat sa teksto, pagbuo ng isang sintesis ng mga
impormasyon, pagpapatunay at pagbabago ng mga prediksyon at pagbuo ng
isang konklusyon. Hindi binibigyang-pansin ang bokabularyo sa pagsisimula ng
talakayan sa paggamit ng dulog DR-TA. May dalawa itong bahagi: Una,
pagbibigay ng patnubay sa proseso ng pag-iisip sa kabuuan ng kwento at ang
ikalawa ay panubaybay na gawain batay sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Upang magamit nang mabisa ang DR-TA sa silid-aralan, dapat lumikha ang
guro ng isang kaligirang gaganyak sa mga mag-aaral na makipagsapalaran at
makapag-isip nang malalim. Kailangang malinang ang pagtitiwala sa sarili na
magpapalakas ng loob sa bawat mag-aaral upang makabuo sila ng matalinong
pagpapalagay tungkol sa nilalaman ng kwentong babasahin. Sa dulog na ito, ang
mga batang kimi at mahiyain ay makikitang aktibong makalalahok sa talakayan.

DR-TA : Unang Bahagi: May tatlong siklo ang bahaging ito:

Una: pagbibigay ng mga palagay na ginagamit ang mga impormasyong
galing sa teksto at mga personal na dating kaalaman
Ikalawa: pagbasa upang tiyakin o di-kaya’y baguhin ang mga palagay batay
sa mga bagong impormasyon na galing sa teksto at sa dating kaalaman
Ikatlo: pagbibigay ng mga suporta at patunay sa ibinigay na mga palagay
batay sa tekstong binasa o personal na kaalaman

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
DRTA: Pangalawang Bahagi: Ito ay may mga panubaybay na gawain
tulad ng paglinang ng talasalitaan, pagbibigay ng lagom at konklusyon sa tulong
ng Group Mapping Activity (GMA)

Paano isasagawa ang DR-TA

1. Pumili ng isang kwento o tekstong ipababasa sa klase.
2. Tukuyin ang mga bahaging hihintuan (stop points) --- apat hanggang
lima kung maaari. Huminto pagkatapos ng pamagat, pagkatapos ng una
o ikalawang talata, at sa ilang kawili-wili o kapana-panabik na bahagi.
Huminto bago ang pagtatapos ng kwento.
3. Maghanda ng mga tanong sa bawat bahaging hihintuan. Iwasan ang
pagbibigay ng mga literal na tanong.

3. DRA (Directed Reading Activity) o Pinatnubayang Pagbasa

Ang dulog na ito sa pagtuturo ng pagbasa ay matagal nang ginagamit sa
mga paaralan. Bagama’t may ilang modipikasyon na ipinapasok sa pagdaraan ng
mga taon, nanatili pa rin ang mga pangunahing layunin ng pinatnubayang
pagbasa: maihanda nang husto ang mag-aaral sa pagbasa, mabigyang-diin ang
pagkilala sa salita at ang paglinang ng mga kasanayan sa pag-unawa at
mapatnubayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng isang itinakdang kwento.

May limang hakbang ang DRA.

Una: Paghahanda sa Pagbasa
Sa hakbang na ito’y ginigising ang dating kaalaman ng mga mag-aaral na
may kaugnayan sa kwento. Isinasagawa rin dito ang paglalahad ng bagong
bokabularyo at konsepto na pinupukaw ang interes at kawilihan ng mga mag-aaral
para basahin ang kwento.

Ikalawa: Pinatnubayang Tahimik na Pagbasa

Sa yugtong ito, magbibigay ang guro ng mga tanong na pangganyak na
magiging patnubay ng mga mag-aaral sa pagbasa. Maaaring ipabasa ang mga
kwento sa tulong ng mga pamatnubay na tanong na pamatnubay sa bahaging
binasa.

Ikatlo: Pagtalakay
Sa bahaging ito’y sasagutin ang mga tanong na pangganyak at susundan
ito ng pagtalakay ng mga kasagutan sa iba pang pamatnubay na tanong upang
mapaunlad ang malalim na pagkaunawa sa paksa, tauhan, banghay at iba pang
elemento ng kwento.

Ikaapat: Makabuluhang Muling Pagbasa

Layunin ng bahaging ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral
na basahin nang malakas ang kwento pagkatapos ng tahimik na pagbasa. Ito’y
magkapanabay halos na isinasagawa kapag nagbibigay sila ng patunay sa mga
sagot sa mga pamatnubay na tanong o di-kaya’y pagbasa ng naibigang bahagi ng
kwento. Isinasagawa rin dito ang Reader’s Theater kung saan pumipili ang mga

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
mag-aaral ng bahaging naibigan sa kwento at babasahin ang dayalogo ng mga
tauhan.

Ikalima: Panubaybay na mga Gawain at Pagpapaunlad ng Kasanayan

Maaaring ilahad sa bahaging ito ang mga gawaing may kaugnayan sa
talasalitaan, komprehensyon o di kaya’y kasanayan sa pagsulat.

4. ReQuest (Reciprocal Questioning) o Tugunang Pagtatanong

Layunin nito na linangin ang aktibong pag-unawa ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng layunin sa pagbasa, at pag-
uugnay ng mga impormasyon. Isinasaalang-alang din dito ang pagmomonitor sa
sarili hinggil sa prosesong isinasagawa sa pag-unawa sa isang teksto. Gumagamit
din ito ng tugunang pagtatanong kung saan naghahalinhinan ang guro at mga
mag-aaral sa pagganap ng tungkuling tagatanong.

Narito ang 7 hakbang ng pagsasagawa:

Una: Panimula
Ikalawa: Panimulang Pagbasa at Pagtatanong ng mga Mag-aaral
Ikatlo: Pagtatanong ng Guro at Pagmomodelo
Ikaapat: Patuloy na Tugunang Pagtatanong
Ikalima: Pagtatakda ng Layunin sa Patuloy na Pagbasa
Ikaanim: Tahimik na Pagbasa
Ikapito: Panubaybay na Talakayan

5. Story Grammar
Mahalaga para sa pag-unawa ang pagkakaroon ng kaalaman sa kayarian
ng kwento. Ang kaalamang ito ang higit na nakapagpapaliwanag na ang kwento
ay binubuo ng magkakasunod at magkakaugnay na pangyayari. Sa maingat na
pamatnubay ng guro, magagamit ang kakayahan sa “kayarian ng kwento” sa
pagsusuri nito; gaya ng pagsusuri natin sa bahagi ng isang pangungusap. Ang
kasanayan sa pagsusuri ng kwento kaugnay ng pagkakabuo ay mahalaga upang
maihanda ang mga mag-aaral kung sakaling nag-iba ang takbo ng mga
pangyayari. Halimbawa, higit na mauunawaan ang isinalaysay na kwentong
pagbabalik-gunita/pagbabalik-tanaw (flashback) kung matatalakay ng guro ang
teknik na ginamit ng awtor na naghuhudyat ng pag-iiba ng landas mula sa
karaniwang kayarian nito.

6. Group Mapping Activity

Mabisa ito sa paglinang ng pang-unawa o komprehensyon sa pamamagitan
ng integrasyon at sintesis ng mga ideya at konseptong nakapaloob sa kwento. Ito’y
ginagawa pagkatapos basahin ang isang akdang pampanitikan o isang
ekspositoring babasahin sa Agham o kaya’y Araling Panlipunan.

Sa estratehiyang ito, ang mga mag-aaral ay pabubuuin ng isang grapikong

representasyon na maglalarawan ng kanilang personal na interpretasyon na
kaugnay ng mga tauhan sa mga pangyayaring naganap sa isang kwento o di kaya
nama’y ang kanilang sariling interpretasyon sa konseptong inilahad sa isang

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
babasahing ekspositori. Ang representasyon ay katulad ng isang mapa o
dayagram at nakabatay ito sa personal na pagkaunawa sa teksto. Maaaring
gumamit dito ng mga larawan. Pagkatapos mabuo ang mapa o dayagram,
ipalalahad ito sa klase. Ang pagbabahagi ng isinagawang mapa/dayagram ay
“pangkatan” at ito ang dimensyon ng estratehiyang ito. Sa yugtong ito ng
pagbabahagi, mapaiigting o mapalalawak ang pang-unawa ng mga mag-aaral sa
kwento.

7. KWWL (What I Know, What I Want to Learn, Where Can I Learn This, What I
Learned)
Elaborasyon ng KWL ang KWWL o AGSN. Ang K ay kumakatawan sa kung
ano na ang alam ng mag-aaral sa paksa; G ang gustong malaman; S ay saan
malalaman; at N ay ano ang nalaman. Ang estratehiyang KWWL ay naglalayong
matulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang dating nalalaman sa paksa lalo na
sa mga tekstong ekspositori o mga babasahing naglalahad/nagpapaliwanag.
Tinutulungan nito na magamit ng mga mag-aaral ang dating kaalaman sa pagbasa
ng mga bagong paksa at matulungan sila na suriin o saliksikin ang nasa loob at
labas ng teksto.

Narito ang apat na hakbang ng KWWL:

Una: Magbibigay o magtatala ang mga mag-aaral ng lahat ng alam na nila tungkol
sa paksa sa ilalim ng Hanay A Alam. Maaaring magkaroon ng brainstorming sa
paksa.

Ikalawa: Aalamin ng guro ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng pagbibigay ng ilang tanong na tutungo sa direksyon na ang
mismong mga mag-aaral ay napakarami na ng tanong o nais malaman. Sa
ganitong sitwasyon, magpapatala ang guro sa ilalim ng Hanay B Gustong
Malaman.

Ikatlo: Pagkatapos makapagbigay ang mga mag-aaral ng tanong kung ano ang
gusto nilang malaman, magkakaroon muli ng talakayan kung saan maaaring
matagpuan ang mga kasagutan sa kanilang tanong. Bukod sa iba’t ibang
sanggunian na nakalimbag, sa internet at iba pang mapagkukunan ng
impormasyon, maaari ding magmungkahi ang guro na maghanap sila ng mga
taong sa palagay nila’y may lubos na kaalaman sa paksang pinag-uusapan
sapagkat ito’y tunay na mapanghahawakan. Ang yugtong ito ang magbibigay sa
klase ng yugtong panliterasi sa kurikulum. Maaaring tingnan ng klase ang
direktoryo at maghanap sila ng mga kolehiyo at pamantasan upang makapagbigay
ng liham nang makapanayam ang mga guro na maaaring sumagot sa kanilang
mga katanungan tungkol sa paksang pinag-aaralan. Sa Hanay C Saan Ko Ito
Malalaman naman nila ito ilalagay.

Ikaapat: Itatala ng mga mag-aaral ang mga bagay o impormasyong nalaman nila
at mga kasagutan sa kanilang mga tanong. Ilalagay nila ito sa Hanay D
Nalaman/Natutuhan.

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
Pangalan _____________________________________ Guro BB. MELODY G. AGUDILLA
Antas at Pangkat ____________________________

FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN

PAGSASANAY # 5

A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili kaugnay ng pang-unawa o
komprehensyon mo sa mga binabasang teksto? Tukuyin ang iyong
mga kalakasan at kahinaan. Magbigay ng mga kaparaanang iyong
ginagawa upang mga kahinaang nabanggit ay hindi manatiling
kahinaan. Sagutin ito sa talatang naglalaman ng mga pangungusap
na hindi bababa sa sampu (10).
(Ang unang dalawang espasyo ay para sa kasagutan dito.)
2. Bilang magiging guro sa hinaharap, paano mo higit na mahihikayat
ang iyong mag-aaral na kailangang-kailangang inuunawa ang teksto
at hindi dumadaan lang sa mga mata ang mga titik ng salita? Sagutin
ito sa talatang naglalaman ng mga pangungusap na hindi bababa sa
walo (8).
3. Sa tunay na kahulugan ng pagbasa, may pagbasa bang walang
komprehensyon? Ipaliwanag ang kasagutan sa talatang naglalaman
ng mga pangungusap na hindi bababa sa pito (7).

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
B. Ilahad ang mahahalagang dahilan kung bakit kailangang linangin ang
komprehensyon ng mga mag-aaral. Sagutin ito nang patula (malayang
taludtutan ngunit kailangang simulan ang bawat titik nang pa-
ABAKADA. Maglagay ng sariling pamagat. Maglagay rin ng angkop na
background na may kaugnayan sa nilalaman. (30 puntos)

_____________________________

A -
B -
K -
D -
E -
G -
H-
I -
L-
M-
N -
NG – (“nga” at hindi “ng”)
O -
P-
R-
S-
T-
U-
W-
Y-

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
C. Dugtungan ng mga angkop na salita ang mga sumusunod upang
mabuo ng MAKABULUHANG PAHAYAG tungkol sa paglinang ng
komprehensyon (6 na puntos bawat isa).

1. Natutunan kong ________________________________________________

_____________________________________________________________

2. Nararapat talaga na _____________________________________________

_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
____________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
__________________________________________________.

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
ARALIN 6 BATAYANG KAALAMAN SA PAGTUTURO
NG PAGSULAT

LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang kahulugan ng pagsulat.
2. Nabibigyang-paliwanag ang ilang kabatiran sa layunin at mga proseso ng
pagsulat.
3. Napahahalagahan nang lubos ang kahalagahan ng pagtuturo ng pagsulat.

4.

ANG PAGSULAT BILANG KASANAYAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1. Ang pagsulat ay kabilang sa mga makrong kasanayang saklaw sa pagtuturo

ng Filipino sa lahat ng antas ng pag-aaral.
2. Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng
isang tao sa pamamagitan ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.
Sapagkat ang mga tao’y natututo munang makinig, manood, magsalita at
bumasa, maituturing na ang pagsulat ang pangwakas na kasanayang
pangwika.
3. Ang pagsulat ay isang kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng salita,
talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
4. Ang pagsulat ay isang pangangailangan, isang kaligayahan. ---Keller

ANG KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

1. Pinayayaman ng pagsulat ang balarila, idyoma at talasalitaan.

2. Nakatutulong ang pagsulat na matuklasan ang ibig ipahayag.

ANG MGA URI NG PAGSULAT

1. Writing up. Ang mga isinusulat ay ipinababasa sa mga nais makaalam ng mga
itinalang impormasyon at paliwanag.
2. Writing down. Isinusulat ang lahat ng mahahalagang bagay na naobserbahan
sa kalikasan, sa paglalakbay at iba pa.
_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
3. Writing out. Tumutukoy sa uri ng pagsulat na nagbibigay-kaganapan sa isang
sumusulat.

MGA SALIK SA PAGSULAT

Para sa malinaw, maayos, at mabisang komunikasyon ng mga ideya, pangunahing

pangangailangan ang mga sumusunod:

1. Paksa
2. Nilalaman
3. Proseso
4. Mambabasa
5. Layunin
6. Piniling Salita
7. Organisasyon
8. Balarila
9. Sintaksis

ANG PROSESO NG PAGSULAT

1. Paano Makasusulat
1.1 Walang pinipiling lugar ang pagsusulat. Ito’y nagaganap sa loob at labas ng
silid-aralan.
1.2 Dahil na rin marahil sa iba’t ibang lugar nagaganap ang maraming karanasan
para mapasimulan ang gawaing pasulat, mahalagang magmasid, mag-isip,
makiramdam, magtanong, makipag-usap, humanga, pumuna at iba pa.
Tandaang ang pagsulat sa loob ng silid-aralan ay dumaraan sa maraming
proseso.
1.3 Sa ganitong gawain ay kakailanganin ng guro na maglaan ng tiyak na oras sa
paghahanda, pagpapakita ng modelo, pagbabalangkas ng burador,
pagbibigay-puna at pagsulat muli. Kung minsan, kailangan pang ulit-ulitin ng
guro ang pagsasabi ng mga elemento at paraan ng pagsulat upang
makapagsimulang magsulat ang mga mag-aaral.
1.4 Mahalagang maging mapili ang guro sa uri ng sulatin at sa paksang nais
ipasulat sa mga mag-aaral.
1.5 Mahalagang maituro ang pagsulat dahil marami itong kapaki-pakinabang na
pedagohikal. Maraming kasanayang kognitibo ang nalilinang sa pagsulat at
ginagamit ito ng mag-aaral sa maraming pagkakataon bilang estilo ng
pagkatuto.
1.6 Ayon kay Myers, higit na natututo ang isang mag-aaral na binibigyan ng
maraming pagkakataon upang sumulat ukol sa kanilang pinag-aaralan.
Kailangang gugulan ng panahon ang pagsulat. Ito marahil ang dahilan kung

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
bakit nananatili ang pagsusulat bilang tagahatid ng mensahe sa sinuman at
saanmang lugar.

2. Ang Pagkakaiba ng Pagsulat sa Pagsasalita

Inilahad ni Raimes ang pangunahing pagkakaiba ng dalawang ito.
2.1 May dayalektong baryasyon ang pagsasalita samantalang ang pagsulat ay
nangangailangan ng pamantayan sa anyo ng balarila, sintaksis at talasalitaan.
2.2 Higit na pinaglalaanan ng oras ang paghahanda ang pagsulat kaysa
pagsasalita.
2.3 Maaaring balikan ng sumusulat ang kanyang naisulat upang iwasto at/o palitan
ito.

PAGDULOG SA PROSESO NG PAGSULAT

1. Ang Process-Oriented Approach

1.1 Inilalahad ng pagdulog na ito ang pagsulat bilang malikhaing proseso. Ito’y
nakapokus sa mga hakbang sa pagsulat at hindi sa produkto.
1.2 Nakatuon ang pagdulog na ito sa layunin, sa mambabasa, at sa direksyon ng
pagsulat. Sa maikling salita, dapat simulan ng sumusulat ang pangkalahatang
plano sa pamamagitan ng pag-iisip kung ano ang ibig nilang sabihin at ang uri
ng kanyang mga mambabasa.
1.3 Pagkatapos, isinusulat niya ang mga ideya, binabalik-aralan, nirerebisa at
ineedit ang kanyang sinulat.

2. Ang Process Approach

2.1 Ayon kina Hayes at Flower, ang prosesong ito ay ibinatay sa pananaliksik at
nakapokus sa interkoneksyon ng pag-iisip, pagkatuto at pagsulat.
2.2 May tatlong pangunahing proseso ng pagsulat ang nakapaloob dito:
paghahanda
paglikha ng pangungusap
rebisyon

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
Pangalan _____________________________________ Guro BB. MELODY G. AGUDILLA
Antas at Pangkat ____________________________

FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN

PAGSASANAY # 6

A. Ipaliwanag ang anim (6) sa siyam (9) na pangunahing salik sa

pagsulat. Isasagawa ito sa pamamagitan ng video na tatagal nang 8-
10 minuto. Kabuuang oras na ito. Maglagay ng angkop na
background na may kaugnayan sa ipinapaliwanag. Ang background
ay gagawin gamit ang teknolohiya at mahalagang maging malikhain
sa paghahanda nito. Maaari ding maglagay ng iba’t ibang imahe na
higit na magpapaganda sa presentasyon.

Ang kailangang i-turn-in ay isang screenshot ng video na naka-

PDF. Huwag maglalagay ng mismong video bilang turn-in. Ang
google drive link ng video ay sa private comment ilalagay.

Paalala, puti ang kasuotan sa video (45 puntos).

B. Pumili ng isang kamag-aaral. Maghahanda kayo ng isang dayalogo

kung saan pag-uusapan ninyo ang tigatlo ninyong nakababahalang
kahinaan sa pagsulat at paano ninyo ito sinisikap na malutas upang
hindi maging sagabal sa mismong pagsusulat ninyo lalo’t higit sa
nalalapit na hinaharap na magiging guro na kayo. Paano ninyo
matitiyak na hindi na ito muling makasasagabal sa inyo lalo na kung
nagtuturo na kayo?

Magiging bahagi rin ng dayalogo ang payo ninyo sa isa’t isa tungkol
sa nakakabahalang kahinaang ito.

Isasagawa ito sa pamamagitan ng video na tatagal nang 8-10 minuto.

Kabuuang oras na ito. Maglagay ng angkop na background na may
kaugnayan sa dayalogo. Ang background ay gagawin gamit ang
teknolohiya at mahalagang maging malikhain sa paghahanda nito.
Maaari ding maglagay ng iba’t ibang imahe na higit na magpapaganda
sa presentasyon.

Ang kailangang i-turn-in ay isang screenshot ng video na naka-

PDF. Huwag maglalagay ng mismong video bilang turn-in. Ang
google drive link ng video ay sa private comment ilalagay. Kanya-
kanya kayo ng pagpapasa ngunit dahil magkapareha kayo,
magkatulad ang isusulit ninyo. Kailangan ding ilagay ninyo sa private
comment ang pangalan ng inyong kapareha.

Paalala, puti ang kasuotan sa video (45 puntos).

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
C. Dugtungan ng mga angkop na salita ang mga sumusunod upang
mabuo ng MAKABULUHANG PAHAYAG tungkol sa proseso ng
pagsulat (6 na puntos bawat isa).

1. Natutunan kong ________________________________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Nararapat talaga na _____________________________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
____________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
__________________________________________________.

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
ARALIN 7 ANG MALIKHAING PAGTUTURO NG
KOMPOSISYON

LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagpapaliwanag ng ugnayan ng pagbasa at pagsulat
2. Nakapaglalahad ng dahilan kung bakit isang sining ang pagsulat
3. Nakapag-iisa-isa ng gampanin ng guro sa pagpapasulat ng komposisyon
sa mga mag-aaral

PAGBASA AT PAGSULAT: MGA PROSESONG MAGKAUGNAY

Nagsisilbing ugat ng matinding interes na makasulat ang pagbabasa gayundin

naman na ang pagbasa’y lumilikha ng pundasyon para sa mabisang pagsusulat. Ang
pagbasa at pagsulat ay dalawang prosesong palaging magkaugnay. Sa makabagong
pananaw, sinisikap na magamit ang magkasanib na pagdulog sa pagtuturo ng wika at
dito’y binibigyang-diin ang kahalagahan ng malikhaing pagsulat bilang bahagi ng mga
gawain sa pagbasa. Naisasagawa ang ganitong pagsasanib sa iba’t ibang gawaing
pagkomunikasyon tulad ng:
1. Pagbasa at pagtalakay sa kathang babasahin sa pamamagitan ng pag-uusap at
pagsusulat tungkol sa pananaw, layunin at estilo ng awtor
2. Pagsulat ng isang kathang sinusunod ang estilo ng awtor
3. Pagsulat ng buod o reaksyon tungkol sa binasang katha
4. Pagsulat ng mga kwentong nakagaganyak sa kanila at pagbasa at pagsusuri ng
mga ito

Bunga ng ganitong mga gawain, nabibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong

gumamit ng mga salitang pasulat sa pagpapahayag ng kanilang damdamin, pagbibigay
ng mga impormasyon at pagsasalaysay ng mga kwento.

Sa mga pagbabagong ipinapasok sa pagtuturo ng malikhaing pagsulat ng

komposisyon, kaugnay ng pagbasa, pinagtuunang-pansin ang paggamit ng magkaugnay
na mga yunit na nakabatay sa isang paksa. Nasasaklaw din nito ang pagkakaroon ng
mga aklat at iba pang kathang pampanitikang pambata na may kaugnayan at kabuluhan
sa buhay ng mga mag-aaral. Bunga nito, nagkakaroon sila ng higit na panahon at
pagkakataong magbasa, magsulat at pumili ng gusto nilang mga aklat at babasahin sa
halip na umasa lamang sa itinakdang mga batayang aklat. Matututo rin silang magmahal
at magpahalaga sa wika sa pamamagitan ng pagmomodelo ng guro at pagbibigay-diin
sa maaari nilang gawin bilang mambabasa at manunulat. Kasama rin dito ang pagtatamo
_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
nila ng mga kasanayan sa maikling pagsulat sa pamamagitan ng makabuluhang mga
karanasang pambata at magkakaugnay na kaisipang binuo at pinagsanib sa ilalim ng
isang paksa.

ANG PAGSUSULAT BILANG SINING

Hindi lahat ng nililikha ng Maykapal ay binibiyayaan ng katutubong kakayahan sa

pagsulat. Kung mayroon mang isinisilang na manunulat, mayroon ding nalilinang na
mahuhusay na manunulat bunga ng mga pag-aaral at karanasan. Sa simpleng
pagpapakahulugan, ang sining ay maaaring kasanayan, paraan o dili kaya’y sistema. Ang
isang manunulat ay lumilikha ng mga kathang babasahin sa isang masining na
pamamaraan. Nabubuo sa kanyang imahinasyon ang isang kathang bunga ng kanyang
malikhaing guniguni. Narito ang mga katangian ng isang malikhaing manunulat, na
maaaring taglayin din ng isang malikhaing guro ng komposisyon.
1. Mapagmasid
2. Matalas ang pakiramdam
3. Mayaman sa karanasan
4. Palabasa
5. May angking mayamang talasalitaan
6. May malikhaing pag-iisip
7. Mahusay maghabi ng mga salita
8. Mayaman ang guniguni
9. May sapat na kaalaman sa mga sangkap ng pagsulat
10. May sapat na kaalamang pampanitikan

Kasabihan nang walang anumang wala sa iyo ay hindi mahirap ibahagi sa iba.
Samakatwid, ang mga katangiang nabanggit sa talaan sa itaas, kundi man lahat, ay
marapat lamang na taglayin ng isang guro ng wika. Mahirap na magturo ng malikhaing
pagsulat ng anumang uri ng komposisyon ang isang gurong hindi nag-aangkin ng
alinman sa mga katangiang nabanggit. Sadyang isang sining ang malikhaing pagsulat
kaya’t nangangailangan ito ng mabisang paggamit ng iba’t ibang kasanayang natutuhan,
mga kaalamang natamo at masining na paghahabi ng mga salita.

MAKABAGONG PAGDULOG AT ESTRATEHIYA SA MALIKHAING

PAGTUTURO NG KOMPOSISYON

Patuloy na nagiging problema ang pagpapasulat ng komposisyon sa alinmang

lebel ng edukasyon, subalit higit ay sa elementarya. Ang laging tanong ng sinumang guro
ng wika ay “Bakit hindi makasulat ang aking mga mag-aaral nang gaya ng dapat asahan?
At kung nakasusulat man, bakit parang halos pare-pareho at walang bakas ng kahusayan
ang kanilang sulatin?” Malaking problema ng guro ang pagpapasulat ng katha at lalong
malaking problema ng mga mag-aaral kung paano ang pagsulat nito. Sa bahagi ng mga
mag-aaral, kailangang tulungan din nila ang kanilang sarili dahil ginagawa at ibinibigay

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
ng guro ang lahat upang matulungan sila sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat. Hindi
maaaring hindi magbabasa ang mga mag-aaral dahil mahalaga ito upang makasulat
nang mabisa at napakahalaga na mayroon silang pagkukusa. Mahalaga rin na ang lahat
ng natututunan sa bawat antas/lebel ng pag-aaral ay tandaan at isabuhay at hindi limot
na agad pagdating sa kasunod na antas. Dapat nilang isaisip na isang pangangailangan
ang makasulat nang maayos at mabisa.

Sa malikhaing pagpapasulat ng isang komposisyon, dumaraan ang mga mag-

aaral sa apat na hakbang:
1. Pagtuklas
Sa unang hakbang na ito, napapaloob ang mga gawaing
kinasasangkutan ng mga pandama (paningin, pandinig, at iba pa),
kaisipan, damdamin, at karanasang makatutulong sa mga mag-aaral na
umiisip at tumuklas ng mga paksa at ideyang isusulat.
2. Paghubog
Dito pumapasok ang mga gawaing makatutulong sa mga mag-aaral na
matiyak ang nilalaman at anyo ng pagsulat na gagawin.
3. Pagsulat ng Burador
Sa bahaging ito, unti-unti nang nabubuo ang mga ideyang isusulat,
wastong pagsasaayos ng mga ito at aktwal na pagsulat ng burador.
4. Pakikibahagi
Nabibigyan dito ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ibahagi ang
kanilang mga napiling paksa, natuklasang ideya at naisulat na burador.
5. Pagsasaayos
Sa hakbang na ito napapaloob ang mga gawain sa pagwawasto ng
burador, muling pagsusuri ng mga kaisipan at pagsulat ng orihinal.
6. Paglalathala
Ito ang pinakahuling hakbang na sumasaklaw sa paglalahad ng mga
nalikhang sulatin, basahin ito sa klase, ibigay sa guro o sa pahayagang
pampaaralan.

Isa lamang ito sa naiibang paraan ng pagpapasulat ng komposisyon nang walang

gaanong tensyon sa mga guro at mag-aaral. Dahil sa malayang pakikilahok sa iba’t ibang
gawaing napapaloob sa bawat hakbang, ang pagpapasulat ay nagiging kawili-wili.

BAHAGING GINAGAMPANAN NG GURO

Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng guro sa proseso ng pagpapasulat ng

komposisyon tungo sa paglinang ng malikhain at masuring pag-iisip ng mga mag-aaral.
Bukod sa pagiging modelo, siya pa rin ang tagapamatnubay at tagapagpaunlad. Narito
ang maaaring gampanan ng guro sa bawat hakbangin sa pagpapasulat:
1. Pagtuklas at pagganyak
Sa unang hakbang na ito, ang guro ang magsisilbing modelo ng
malayang talakayan at iba pang gawaing magdudulot sa mga mag-aaral
ng kahandaan sa pagsulat. Maaari niyang ganyakin ang mga mag-aaral

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
sa pagpili ng mga paksang susulatin --- mga paksang mayroon silang
ganap na kaalaman at kawili-wili para sa kanila.

2. Paghubog at pagmomodelo
Sa bahaging ito, kailangang maisaayos na ng mga mag-aaral ang
kanilang mga ideya ayon sa layunin at pormat ng susulating
komposisyon. Maaaring magpabasa ang guro ng iba’t ibang huwaran o
modelo ng kathang isusulat lalo na kung bago sa kanila ang gawain at
pagkatapos ay bigyang-laya ang klase na pumili ng paksang susulatin
pati na ang anyo o pormat ng pagsulat. Sa isang banda, sa maraming
pagkakataon, sadyang sa guro naman nanggagaling ang paksa na
isusulat ng mga mag-aaral gayundin ang pormat na dapat sundin.

3. Pagsusulat at pagtatanong
Mahalagang alam ng mga mag-aaral na maaari silang magtanong sa
guro tungkol sa kanilang sinusulat lalo na kung kailangan nila ng higit
na gabay.

4. Pagmomonitor at pag-aangkop
Sinisikap ng gurong makita at mataya kung may nagaganap na
pagkatuto sa mga mag-aaral.

5. Pakikibahagi at pagtugon
Sa puntong ito, maaaring alamin ng guro kung ano na ang kalagayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral. Bukod sa resulta na makikita sa mismong
papel, matutukoy rin ng guro ang kalakasan at kahinaan ng mga mag-
aaral.

6. Pagsasaayos at pakikipanayam
Habang nakikinig ang guro sa pagpapaliwanag ng mga mag-aaral
tungkol sa kanyang sinulat, matataya na rin niya ang naging pagkatuto
ng mag-aaral. Masasanay rin ang mag-aaral na magpasya at maging
masuri tungo sa pagpapaunlad ng angking kakayahan sa malikhaing
pagsulat.

7. Paglalathala at pagtataya
Sa pagkakataong ilalathala ang pinakamaayos at pinakamahusay na
gawa, kailangan pa rin itong ayusin nang husto. Maaari itong ipaskil sa
silid-aralan o kaya’y ilathala sa pahayagan ng paaralan.

Sa kabuuan, ang makabagong estratehiya sa malikhaing pagpapasulat ng

komposisyon ay nakatuon sa tatlong mahahalagang salik:

1. Pagmomodelo sa pagsulat
Nagsisilbing huwaran ang guro ng mga proseso at gawi sa pagsulat

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
2. Mga pagkakataong makibahagi
Natututo ang mga mag-aaral na maging malikhain, mag-isip nang
malalim at masaklaw, at mapanuri sa pamamagitan ng pakikibahagi,
pagtatalakayan at pagpapalitang-kuro.

3. Pagbabasa at pagsusulat tungkol sa iba’t ibang paksa

Natatamo ng mag-aaral ang kaalaman at kasanayang mahalaga sa
pagsulat tungkol sa iba’t ibang paksa at mga estilo sa pagsulat.

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
MGA SANGGUNIAN

BADAYOS, PAQUITO B. 2000. METODOLOHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA.

Lungsod ng Makati: Grandwater Publications and Research Corporation.

Villafuerte, Patrocinio V. at Bernales, Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga

Teorya at Praktika. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
Pangalan _____________________________________ Guro BB. MELODY G. AGUDILLA
Antas at Pangkat ____________________________

FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN

PAGSASANAY # 7

Halimbawa:
I- A. Ipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagbasa at pagsulat batay
sa sariling karanasan at pag-uugnayan sa taglay na kasanayan.
Ipaliwanag ang kasagutan sa talatang naglalaman ng hindi kukulangin sa
sampung (10) pangungusap.

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
B. Sa halos lahat ng aspekto, tinutulungan ng guro ang mga mag-aaral upang makasulat
ngunit hindi maaaring sa guro manggaling ang lahat dahil mahalagang ang mismong
mag-aaral ay tumutulong din sa kanyang sarili. Sa paanong paraan matutulungan ng
mag-aaral ang mismong sarili niya upang makasulat ng komposisyon nang organisado,
malinaw at kakikitaan ng kahusayan.

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
C. Gumawa ng dalawang slogan na may apat na linya o taludtod na
naglalaman ng kapakibangang makukuha sa patuloy na pagsisikap ng
mga mag-aaral na makasulat nang maayos kaya dapat itong patuloy
na linangin.

_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla
_____________________________________________________________________________________
FIL 105 PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYAN Panghuling Panahunang Markahan
Unang Semestre, Taong Pang-akademiko 2022-2023 Guro: Bb. Melody G. Agudilla

You might also like