You are on page 1of 23

Mahabang Pagsusulit 2 | DULANG PANTANGHALAN 9 | 2017-2018

Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal-Habal Sa Isang Nakababagot Na


Paghihintay
Sa Kanto ng Lanao Del Norte
Rogelio Braga
Itinanghal noong Ikaapat na Taon ng Virgin Labfest 2008.

Ang mga nagsiganap:

BAMBI ……………………….. JOEY PARAS


HAMID …………………… ARNOLD REYES

Sa direksyon ni: ……………………… NICK OLANKA

Meranao Translation: Jelanie C. Mangondato

Para kay Abdul Hamid M. Hadji-Omar

*May ilang mga salita sa iskrip ng dulang ito ang kinailangan palitan o baguhin ng paaralan dahil sa mga isinasaalang-alang na edad ng mambabasa.

Pangalan: _________________________________________________

9 - ___________________________

Pahina 1 ng 23
Mga Tauhan: 001. BAMBI: (Sa telepono). Yes, madam, nandito
na po ako as promised. Dala ko na po iyung kontrata at
BAMBI – Early 20’s. Lalaki. Filipino
iyong resume at na-review ko na rin and, yes of course I
HAMID (CRIS) – Early 20’s. Lalaki. Meranao Bangsa Moro.
have my recommendation. Later na lang, madam, medyo
mahabang discussion ito; may jetlag pa po ako. (Tatawa)
Joke lang naman po I know nasa Pilipinas pa rin ako.
Ang dulang ito ay isinulat ng isang Filipinong mandudula na Teka, nasa Pilipinas pa nga ba ako? (Tatawa) Opo hindi
nangungusap tungkol sa Bangsa Moro. Hinihiling na sana sa po nakakabokot dahil mukha naman pong may ‘peace
pagpapalabas ng dula walang imahen ng masjid na masira ng and order’ dito. Medyo kampante nap o ako kasi nakita
digmaan, imahen ng kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao o ko rin po ang Jollibee sa Iligan kanina. Opo, I
nasawing kapatid na Moro dahil sa digmaan o BM freedom understand… I perfectly understood… Hindi
fighters na may hawak na anuman armas pandigma. Wala mapagkakatiwalaan, traydor, this is a Christian
sanang gagamiting background music mula sa mga community at hindi okay sa LGU at sa mga partner NGOs
instrumenting katutubo sa Mindanao at sa mga Moro. Hinihiling na mayroon tayong ganoong hiring policy. Pag-uusapan
din na huwag sanang ipalabas ang anuman sa aking mga dula sa po natin iyan mamaya, madam. Sige po see you ‘andito na
mga oras ng sambahayang o sala’ah. At tulad ng iba kong akda, ako sa baba…
wala akong dula at kuwento na ipalalabas at ilalathala saan man
probinsiya o bahagi ng Lanao del Norte. Lilinga-linga si BAMBI sa paligid at maghihintay ng
masasakyan.
Kasalukuyang panahon.
Sa isang kanto sa Lanao del Norte malapit sa Iligan. 002. BAMBI: (sa sarili) ****! Wala yatang jeep
dito. Sabi sa akin ni Madam ang office daw namin e nasa
Maririnig ang malakas na ringtone ng cellphone. Papasok si itaas. So, bababa raw ako sa Buru-un at sasakay ng habal-
BAMBI may dalang malaking shoulder bag at ilang bungkos ng habal. Teka gaano kaya kalayo ang habal-habal dito? My
mga papel at dokumento. Nakasuot siya ng kahel na baby t-shirt, God what a name for a place ‘habal-habal’?
mint green na pantalon, pink na Chuck Taylor at sunglasses.
Paminsan-minsan kakikitaan ang hindi pagka-comfortable si Tutunog muli ang cellphone ni BAMBI.
Bambi dahil sa init.

Pahina 2 ng 23
003. BAMBI: Hello, Ma! Opo naalala ko po: 008. BAMBI: Hindi. Taga-Kamuning sa Quezon
stramberry jam, pili nuts, halaya from the Pink Sisters. City. Ikaw, saang planeta ka galing?
Opo, nandito na po kami sa Teacher’s Camp. Opo sobrang
Ngingisi si HAMID.
malamig. Don’t worry dala ko na po ang petroleum jelly
and I know when to use and how to apply it… sa lips. O, 009. HAMID: Banan planeta?
sige po mag-uukay-ukay po ako mamaya… Sige jacket… 010. BAMBI: Ewan.
jacket po. Sige po bye! (sa sarili) Tandaan mo, Bambi,
nasa Baguio ka… Baguio… malamig, may pine trees. Wala Magkakatinginan silang dalawa.
ka sa Mindanao… Wala ka sa Lanao…
011. BAMBI: Bakit mo ako tinitingnan nang
Matagal na maghihintay si BAMBI. Palinga-linga at iniiwasan ang ganyan?
mga tingin ng mga tao sa kanya. Patuloy siya sa pagkalikot ng 012. HAMID: Ah dah, wala. Mukha ka kasing hindi
cellphone niya. tagarito.
013. BAMBI: Obvious ba hindi magkapareho ang
Papasok si HAMID nakasakay sa habal-habal. Nakasuot ng fashion sense natin?
sunglasses at nakasando. Hihinto ito sa tabi ni BAMBI. Huhubarin
ni HAMID ang sunglasses at titingnan niya nang diretso sa mata si Bababa si HAMID sa habal-habal at lalapit kay BAMBI.
BAMBI. Hindi pa rin sila matitinag sa kanilang mga kinasadlakan.
014. BAMBI: Siguro naman maaari ka nang
004. HAMID: Ai! Diin ka makadto ‘Day? umalis at hindi mo na ako titingnan nang diretso sa mata
005. BAMBI: I’m sorry. I don’t speak French. dahil naiilang ako, sobra… mga call boy lang sa Quezon
Memorial Circle ang tumitingin sa akin nang ganyan. Sige
Katahimikan. Nakatitig lang si HAMID kay BAMBI. po bye!
015. HAMID: Atunaanan akie, ang sungit mo
006. BAMBI: Excuse me bakit mo ako
naman…
tinitingnan? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong
sobrang ganda? Babalik si HAMID sa habal-habal. Mananatili at patuloy pa ring
007. HAMID: Tagalog ka? nakatingin kay BAMBI.

Pahina 3 ng 23
016. BAMBI: Sige, bye! Mag-iingat po kayo sa Lilingunin ni BAMBI ang itaas.
pagmamaneho.
022. HAMID: Habal-habal lang ang makakarating
Hindi pa rin aalis si HAMID. Mananatili. Tutunog muli ang sa poro. May jeep na dumadaan dito. Kinaba maintain
cellphone ni BAMBI. akie. Patungong Matungao. Pero puno na ‘pag dumaan
dito. Kaya mo bang sumakay sa taplod?
017. BAMBI: Yes madam. Nandito pa rin ako sa
023. BAMBI: Taplod?
baba. Naghihintay ng jeep o FX pero kanina pa walang
024. HAMID: Bubong ng jeep.
dumaraan e… Oh my God, no kidding! (Mapapatingin kay
025. BAMBI: Hindi.
HAMID). Madam… bakit hindi niyo man lang sinabi sa
026. HAMID: Sumabit?
akin? Hindi po ako… hindi po ako sumasakay ng ano nga 027. BAMBI: Obviously hindi.
po ang tawag niyo roon?
028. HAMID: Sa tire? (matatawa)
018. HAMID: Habal-habal…
029. BAMBI: ******* ka!
019. BAMBI: Habal-habal… maghihintay na lang
030. HAMID: Atunahaa, ano’ng sabi mo?
po ako ng jeep. I’m sure may jeep din sa planetang ito.
031. BAMBI: Wala. Sabi ko puwede bang
Just wait for me there… in 15 minutes wala pang makisilong ng bag ko riyan sa ilalim ng motor mo baka
dumaraan… I’ll take that thing…
mag-melt sa init kasi e.
Katahimikan. Magkakailingan ang dalawa. Paaandarin ni HAMID
Katahimikan.
ang makina ng habal-habal bilang paanyaya kay BAMBI.
032. BAMBI: May sinasabi ka kanina… tungkol sa
020. BAMBI: (Sa sarili) I’m sure may jeep na kalsada… sabi mo iyong daan sa itaas lubak-lubak na…
daraan dito anytime. May FX. May FX akong nakita kanina
Hindi ko akalain na may mga tao pa sa itaas.
sa Iligan. It’s impossible for this place na walang jeep.
033. HAMID: Oway. May munisipalidad pa riyan
Kung may kalsada may jeep.
sa itaas… Matungao… Meranao.
021. HAMID: Ah nah, dito na lang po sa ‘baba
034. BAMBI: Ha?
aspaltado ang daan. Pagdating sa itaas lubak-lubak na
035. HAMID: Muslim community. Dito sa ‘baba,
ang daan at kalsada.
Christian Community.

Pahina 4 ng 23
036. BAMBI: Oh well saan naman dito ang gay Paaandarin ni HAMID ang makina.
community?
049. BAMBI: Sorry. Hindi ako sumasakay diyan.
Katahimikan. Tatanawin ni BAMBI ang bandang itaas. Paano kung sumemplang?
050. HAMID: Hindi ito akie sesemplang. Sanay
037. BAMBI: Pero mula rito wala na akong akong magmaneho.
nakikita kundi mga puno at kabundukan… My God hindi
051. BAMBI: Ayaw ko pa rin. Sa Maynila
ko alam na nandoon pala ang opisina namin.
nagkakalat sa kalsada ng EDSA ang pira-pirasong utak ng
038. HAMID: Atunaa, first time mo ba rito sa
mga namamatay sa pagsakay sa ano nga ba ulit ‘yan?
Lanao?
052. HAMID: Habal-habal akie…
039. BAMBI: Oo. Ang init talaga sa planeta niyo 053. BAMBI: Tama… habal-habal… Hindi pa ako
rito.
nakakasakay diyan. Wala bang traysikel dito?
040. HAMID: Ah! Dito lang iyan akie… pero sa
054. HAMID: Wala. Nakita mo pataas ang
amin malamig ang klima… parang Baguio.
kalsada? Hindi puwede ang traysikel dito.
041. BAMBI: Ha? Saan ba ang sa inyo?
055. BAMBI: E, di maghihintay ako ng daraang
042. HAMID: Dito rin sa Lanao. Pero sa ibang jeep dito.
planeta (Matatawa).
043. BAMBI: Ha? Tutunog ang mobile phone ni BAMBI.
044. HAMID: Sa amin akie malamig ang hangin.
056. BAMBI: (Sa kausap sa mobile phone) Hello,
045. BAMBI: Teka saan nga ba ulit ang sa inyo?
Madam, pasensiya ka na nandito pa rin ako sa ibaba.
046. HAMID: Oway bah! Dito rin.
Wala pong dumaraan na habal-habal. Maghihintay po ako
047. BAMBI: Hindi ka naman malabong kausap
ng jeep… may dumaraan naman po atang jeep dito…
ano? Don’t tell me bawa’t communities iba’t iba ang
opo… opo… naiintindihan ko po (Mapapatingin kay
temperature ng hangin.
HAMID. May takot.)… Naku ganun po ba? Diyos ko
Katahimikan. nakakatakot naman iyang sinasabi niyo… Akala ko ba
sabi niyo huwag akong ma-afraid dito dahil may ‘peace
048. HAMID: Ano, sasakay ka na?
and order’ po… Opo… Opo… Sige hihintayin ko na lang po

Pahina 5 ng 23
ang habal-habal doon na lang po ako sasakay… sige po maniniwala pa ako kay Madam… parang gusto niya lang
hihintayin ko na lang po ang habal-habal… akong i-pursuade e.
057. HAMID: Sinungaling ka. Ano’ng tawag mo 069. HAMID: Atunaa persuade?
rito? Di ba habal-habal ito? 070. BAMBI: Sorry, English iyon…
058. BAMBI: Excuse me, nakikinig ka kanina? My 071. HAMID: Oo naman alam ko naman ang ibig
God, manners please… Maghihintay pa rin ako ng jeep sabihin ng ‘persuade.’ Atunaa mo naman sa akin.
kahit na anong sabihin ni Madam. Hindi talaga kaya ng 072. BAMBI: (Sa sarili) In fairness kakaiba ang
powers ko ang sumakay diyan… sorry kahit na harangan tricycle driver dito… kakaiba. Hindi gumi-give up sa
mo ako ng itak. pagpe-persuade…
059. HAMID: Ah? Sabi? Bakit, ano’ng sabi ko ba 073. HAMID: Alam ko kung saan ang office niyo
iyon? akie. Iyan iyong NGO riyan sa ‘taas, di ba?
060. BAMBI: Ni Madam… sabi niya huwag daw 074. BAMBI: Oo. Teka sikat pala ang project
akong sasakay ng jeep dahil mga Meranao daw ang namin dito. Sabagay we are helping the community you
sumasakay dun papuntang Matungao… totoo ba ang know.
tsismis… 075. HAMID: Oway. Iyan iyong namimigay ng
061. HAMID: Atunaa’y tsismis? baboy sa mga beneficiaries dito sa amin. (Kakanta) ‘Gusto
062. BAMBI: Sabi ni Madam hindi daw sila ko ng baboy! Ba-ba-baboy!’
civilized… ang mga Meranao dahil nagsisigarilyo raw sila 076. BAMBI: Teka, alam mo ang kantang iyan?
sa loob ng jeep… 077. HAMID: Oway ba nah. Radioactive Sago
063. HAMID: Ha? Taga-saan ba iyang boss mo? Project. Astig.
064. BAMBI: Taga-Davao City. 078. BAMBI: Sandali lang nagno-nosebleed ako.
065. HAMID: Atunaa pangalan niya? Parang nata-Twilight Zone yata ako… **** may common
066. BAMBI: Bakit kailangan mong malaman? interest tayo… like ko rin sila…
067. HAMID: Bakit sa Maynila ba hindi 079. HAMID: Alam ko ang office niyo. Nakapasok
nagsisigarilyo ang mga tao sa loob ng jeep? na nga ako sa office niyo riyan.
068. BAMBI: Nagsisigarilyo. Bastos pa ang ilan na 080. BAMBI: First time kong pupunta roon sa
nagpapakita pa ng **** nila sa loob ng jeep at nag*******. project area namin. Based ako sa Manila. Pinapunta lang
Ewan. Hindi ko alam. Minsan hindi ko alam kung
Pahina 6 ng 23
ako ni Madam dito dahil hindi niya ako ma-persuade sa 090. BAMBI: Bakit natatawa ka?
phone…
Iaabot ni HAMID ang kamay niya kay BAMBI. Iiwasan ni BAMBI
081. HAMID: Hay! Ma-persuade saan?
ang kamay na inaalok sa kanya.
082. BAMBI: Ewan ko ba. Effort masyado itong
ginagawa ko. Usapan namin dati huwag niya akong 091. BAMBI: So, ano naman ang inaplayan mo sa
papapuntahin sa Mindanao dahil talagang hindi ako office namin?
papayagan ng nanay ko…
083. HAMID: Atunaa ma-persuade saan? Katahimikan.
084. BAMBI: Hindi ka naman masyadong ma-
092. HAMID: Ako nga pala si Christian, akie.
persuade sa hindi mo kakilala ano?
085. HAMID: Ah! Makulit lang talaga ako. Ang Iaabot na ni BAMBI ang kamay niya. May pag-aalinlangan na kay
cute mo kasi. HAMID.
086. BAMBI: Teka, nilalandi mo ba ako?
093. BAMBI: Bambi…
Katahimikan. Magkakatinginan silang dalawa. 094. HAMID: Takot ka sa Muslim ‘no?
095. BAMBI: Hindi a… Medyo. Sabi kasi sa akin ni
087. BAMBI: Kailangan daw akong makausap ni
Madam at ng mga kasama ko rito sa project area na mga
Madam nang personal. Mayroon kasi kaming applicant na
taga-Iligan na… Teka, wala akong resume na natanggap
ayaw niya. E, gusto ko makapasok. I mean ayaw niya sa
sa Manila na Christian ang pangalan…
reasons na hindi ako ma-convince na bakit kailangan
096. HAMID: Basta nag-apply ako sa’n. Hindi ‘ata
niyang awayan. Nag-away kami sa phone. Hayun
ako natanggap kasi hindi nila ipinadala ang resume akun
magpunta raw ako rito. I’m sure pinapunta ako nun dito
sa Manila. Sayang lang kun sa bayad sa LBC.
para sabunin nang walang banlawan at ikukula pa after.
097. BAMBI: Resume? At kailan pa nagkaroon ng
088. HAMID: Nag-apply din ako riyan sa NGO
resume ang habal-habal driver?
niyo….
098. HAMID: Raket akun lang ito… madakul este
089. BAMBI: Really? Hindi namin kailangan ng
marami pa akong raket.
habal-habal driver.
099. BAMBI: Raket?
Matatawa si HAMID.

Pahina 7 ng 23
100. HAMID: Oway. Nagpapa-load ako ng baka hindi ka sumapat. Anyway basta ayaw ko lang
cellphone. Mayroon din akong tindahan ng cellphone sa mamatay na basag ang bungo at panget sa kabaong kaya
Iligan, akie. Maliit lang naman. O believe ka dun sa akin? hindi ako sasakay ng jabal-jabal anetch…
101. BAMBI: Aba! Businessman ito. 111. HAMID: Eh, patay ka dun paano mo
102. HAMID: Hindi naman akie garie. Bored lang malalaman na maganda ka?
sa buhay. Buti naman kinakausap mo na ako ngayon. 112. BAMBI: A, basta sa lamay ko ako lang dapat
Ikaw nalaman mo lang na Christian pangalan ko… ang pinakamaganda. Ako ang ‘Star’ – Sa akin lahat ng
103. BAMBI: Inaakusahan mo ba akong may atensiyon! Teka, bakit ba kita kinakausap? Close na tayo?
prejudice against Muslims? 113. HAMID: (Pabulong) Dayukan katawan ruka.
104. HAMID: Tawagin mo lang akong Cris akie. Ikaw lang itong salita nang salita. Hay arie, ano sasakay
Nah, sakay na… marami pa akong darating… ka?
114. BAMBI: Hindi. Kaya umalis ka na. Goodbye
Hindi pa rin aalis si BAMBI sa kinatatayuan niya.
at mag-ingat ka na lang sa biyahe, Christian.
105. HAMID: Huwag kang matakot akie. Christian
Hindi matitinag si HAMID sa kanyang lugar. Nakatingin pa rin
naman ang pangalan ko di ba? (ngingiti). siya kay BAMBI.
106. BAMBI: ****. Hindi ako marunong sumakay
niyan. 115. HAMID: Ganito na lang… Alam mo arie… teka
107. HAMID: Ah talaga? Ano sinasakyan mo arie – ano nga ulit ang ngalan ka?
kalesa? 116. BAMBI: Bambi.
108. BAMBI: MRT, LRT, FX, jeep, airconditioned 117. HAMID: Ganito na lang, arie. Dahil mabait
bus – my dear, medyo ibang level ang backwardness ng akong tao at ikaw naman e bisita dito sa lugar namin e
transportation sa mga liblib at masusukal na lugar sa hihintayin ko muna ang pagdaan ng jeep bago kita
probinsya namin sa Maynila. iwanan? Kapag dumaan ang unang jeep at hindi ka
109. HAMID: Ang yabang naman ng tarabusaw na nakasakay dito ka sa habal-habal ko sasakay? Deal arie?
ito. Ang condenscending. 118. BAMBI: Teka…
110. BAMBI: Pasensiya na tao lang! Sorry. Next 119. HAMID: Deal dun?
time huwag kang manukat dahil ikaw na ang sukatin 120. BAMBI: Teka mag-iisip ako…

Pahina 8 ng 23
121. HAMID: Atunaa? Sa unang jeep na dumaan at 132. HAMID: (Matatawa) Atuna giyera? Sa utak
hindi ka nakasakay – dito ka sa habal-habal ko sasakay… mo lang ‘yan kasi taga-Maynila ka. May nakita ka bang
Nah deal dun? tangke rito? May naririnig ka bang putukan? May ‘peace
122. BAMBI: O sige! Sige! ****** *** ** ang galing and order’ dito sa amin… sa Iligan arie…
mo mang-persuade! 133. BAMBI: ********************! Hindi ko alam
123. HAMID: Katawan ka nah, mga kalahati kung bakit na-trap ako dito at ikaw ang kausap ko! Basta
hanggang isang oras ang hihintayin natin para sa ang alam ko magulo rito sa inyo.
susunod na jeep. 134. HAMID: Armed struggle bah?
124. BAMBI: Oh well, maghihintay ako. 135. BAMBI: Parang ganoon. Ewan. Masyadong
125. HAMID: Nah miyada ka! Paano si Madam masaya ang mga tao rito sa inyo. Trigger happy.
mo? 136. HAMID: E, hindi naman talaga armed
126. BAMBI: Maghintay siya, **** siya. Hindi struggle ang totoong struggle dito sa amin.
naman niya sinabi sa akin na struggle pala sa planetang 137. BAMBI: So?
ito ang transportation. 138. HAMID: Ang totoong struggle dito e sa
transportation.
Patlang.
139. BAMBI: Napansin ko nga. Sorry kung
127. BAMBI: ********* talaga struggle sa akin ang nagtatangka ka na namang i-convince ako na sumakay
trabahong itong. Struggle sa pagpapaalam sa bahay… diyan – wala kang mapapala.
Struggle sa baba ng suweldo… pati ang pagpunta sa 140. HAMID: Kahit saan ka magpunta rito habal-
opisina struggle pa rin. Ewan mga wrong decisions sa habal ang sasakyan mo. Nakita mo ang kalsada na iyan?
career na puwede naman akong mag-call center agent! Papunta iyan doon sa itaas, sa Matungao. Aspaltado di
128. HAMID: Kausap mo ako akie? ba? Doon sa ‘taas lubak-lubak na ang kalsada na iyan.
129. BAMBI: Ewan ko sa iyo, ‘**** *** **. (Sa Maputik kapag tag-ulan. Jeep lang at habal-habal ang
sarili) Diyos ko ang sarap pa kausap ng mga tao sa paligid puwedeng dumaan. Kaso sabi nga ng boss mong taga-
na napaka-emphatic. Davao City at mga kasama mong taga-Iligan huwag kang
130. HAMID: Hoy masaya saya sa amin ano! sasakay ng jeep!
131. BAMBI: Masaya nga, puro giyera dito! 141. BAMBI: So?

Pahina 9 ng 23
142. HAMID: Nagtatapos ang aspaltadong kalsada 154. HAMID: Sige invite mo ako para Friendster
rito sa amin kung saan nagsisimula ang Muslim na tayo. Pasensiya ka naka-‘selfish mode’ ang account ko.
community. Nakasakay sa habal-habal ang buong 155. BAMBI: Meaning?
Mindanao, so no choice ka. O, ano aangkas ka na? 156. HAMID: Hindi mabu-view ang profile ko
unless i-approve kita.
Tatanggi pa rin si BAMBI.
157. BAMBI: (Sa sarili) ‘********* ** ang *****…
143. HAMID: So ngayon magbonding muna tayo… 158. HAMID: Don’t worry i-approve ko ang
request mo (ngingiti at kikindat).
Katahimikan. Magkakatinginan silang dalawa. 159. BAMBI: (Habang binabasa ang email) Ano
ba ito ‘funkyoldboy@yahoo.com’… Single pa ako.
144. BAMBI: Excuse me mag-aatempt ka bang
160. HAMID: Wala kang syota?
landiin ako?
161. BAMBI: Excuse me?
Maglalabas ng sigarilyo si HAMID. Aalukin si BAMBI. 162. HAMID: Syota?
163. BAMBI: Alam mo ba ang ibig sabihin ng
145. BAMBI: Sorry. Non-smoker. Masama iyan sa ‘syota’ sa Tagalog ha ‘Dong? ‘Short time.’ Disente lahat
akin. ang naging boyfriends ko.
146. HAMID: So, Bambi, married, in a 164. HAMID: ******** ***** ka ngayon?
relationship, domestic partner, o single ka pa? 165. BAMBI: Teka, are you trying to insinuate a
147. BAMBI: Teka ano’ng care mo? conversation with ********** **********? I’m sorry hindi
148. HAMID: Ako? Medyo… ‘It’s complicated’. ko pinag-uusapan ang ************ sa hindi ko boyfriend.
149. BAMBI: Ano iya, Friendster? 166. HAMID: Ano ang pangalan ng first boyfriend
150. HAMID: May Friendster ka? mo?
151. BAMBI: May Friendster ka, **********! 167. BAMBI: Bantogen… Noong high school.
Sandali lang hindi na ‘ata ito simpleng nosebleed lang 168. HAMID: Ang bantot naman.
hemorrhage na ‘ata ito. 169. BAMBI: Hindi po iyon ang tunay niyang
152. HAMID: Sandali… pangalan. Albert. Tawagan lang namin iyon sa isa’t isa.
153. Kukuha si HAMID ng bolpen. Isusulat ang email 170. HAMID: Ikaw naman si Lawanen?
address niya sa palad ni BAMBI. 171. BAMBI: Nabasa mo na ang epic?
Pahina 10 ng 23
172. HAMID: Hindi a. Ang boring nu’n. Mga 183. HAMID: Teka, parang discrimination yata
matatanda lang ang may gusto nu’n. Sa malalayong yan! Tinatanggap mo ang applicant based on religion?
communities. Sa amin hindi na uso… Mali yan!
184. BAMBI: Hello world pati ba naman ikaw
Katahimikan.
may issue sa hiring policy ko? Oh well, naniniwala kasi
173. HAMID: ‘Pag nag-apply ba ako sa iyo diretso ako sa equal employment opportunities.
tatanggapin mo na ako? 185. HAMID: Hindi ka nga tagarito.
174. BAMBI: Kailangan ko ‘yung may skills. At
Katahimikan.
graduate ng college.
175. HAMID: Teka, may skills ‘ata ito. At graduate. 186. BAMBI: ******-*** **.
176. BAMBI: Halata nga. 187. HAMID: Ano?
177. HAMID: Graduate ako ng Social Work. 188. BAMBI: Sabi ko ******-*** ** hayop ka.
Licensed pa. Sa MSU-Main. 189. HAMID: Teka, mag-ingat ka sa pananalita
178. BAMBI: Talaga lang ha? Sige na nga mo… baka biglang umasim ka menthol naman itong yosi
maniniwala na ako para mayroon lang tayong mapag- ko?
usapan… ang tagal ng ****** jeepang! 190. BAMBI: Iyan din ang sinabi sa akin ni
179. HAMID: Totoo… sabi ko sa iyo raket ko lang Madam sa telepono. I’m sure ‘yan din ang sasabihin niya
itong habal-habal e… sa akin mamaya – ‘Hindi ka tagarito. Hindi mo alam. Wala
180. BAMBI: Sorry, hindi ka pa rin puwede. kang nalalaman, taga-Maynila ka kasi.’ E, hindi mo naman
Naglabas kasi ako ng memo na fifty-fifty percent ang staff kailangan na maging tagaroon sa isang lugar para
namin dito. malaman mo kung ano ang tama at mali. Siguro naman
181. HAMID: Fifty-fifty? kahit saan ka magpunta mali ang mag-discriminate.
182. BAMBI: Oo. Fifty percent Muslim. Fifty 191. HAMID: Matigas siguro ang ulo mo?
percent Christians. Puro na mga Christians from Iligan 192. BAMBI: Are you making a comment sa
ang tao doon sa office namin. shampoo ko? Crabtree and Evelyn ‘yan, Vanilla scent…
193. HAMID: Sobrang sakit siguro ng ulo ng boss
mo sa iyo ano?

Pahina 11 ng 23
194. BAMBI: Ganito ba talaga rito sa inyo? 211. HAMID: Pero…
195. HAMID: Ang alin? 212. BAMBI: Pero ayaw ni Madam… Ayaw ng
196. BAMBI: Ang ganito! mga kasama ko riyan sa itaas…
197. HAMID: Ang alin nga? 213. HAMID: Bakit Muslim daw… Meranao?
198. BAMBI: Basta hindi ko masabi. Baka ma- 214. BAMBI: Oo. Pero nangatwiran ako –
offend ka… 215. HAMID: Pero ano’ng sabi nila?
199. HAMID: Ano? Na nakakatakot ang mga 216. BAMBI: Hindi raw ako tagarito… Hindi ko
Muslim? Na dapat layuan ang mga Meranao? raw alam dahil taga-Maynila naman daw ako… ******-***
200. BAMBI: Ewan. Katulad ka rin siguro nila. nila ano’ng akala nila sa akin, bobo? Alam mo ba iyong
201. HAMID: Ninong nila? feeling na- pa-yosi nga nate-tense na naman ako…
202. BAMBI: Nila – ni Madam… iyong mga 217. HAMID: Sige na, ituloy mo nakikinig ako…
kasama ko riyan sa office na dumadalaw minsan sa feeling na ano ‘yan?
Maynila at nakakausap ko. 218. BAMBI: Basta.
203. HAMID: Bakit ano ba sila? 219. HAMID: ******-*** ang labo mong kausap,
204. BAMBI: Basta. Hindi ko alam kung bayot ka talaga!
paniniwalaan ko ang sinasabi nila. Kung totoo nga ba ang
Katahimikan.
sinasabi nila.
205. HAMID: Na alin? 220. BAMBI: Na ganitong feeling… ngayon lang
206. BAMBI: Basta. nararamdaman ko ngayon lang… ulitin mo nga ang sinabi
207. HAMID: Na alin nga ***********! mo…
208. BAMBI: ****** ka, galit ka, minumura mo 221. HAMID: ‘******-***’?
ako? 222. BAMBI: Hindi iyan… iyong susunod…
209. HAMID: Wala sabi ko ang ganda mo sobra! 223. HAMID: ‘Bayot ka talaga’?
210. BAMBI: Thanks – but no thanks. Mayroon 224. BAMBI: Tumpak ka riyan, boylet! Alam mo
kasi kaming applicant. Ipinadala sa akin ang resume. iyong feeling na hindi pinahahalagahan ang mga desisyon
Okay naman siya. May pinag-aralan, may experience, nag- mo sa opisina, binabastos ka, tinatawanan ka kapag
evaluate ng projects ng UNDP, YOS volunteer, dapat for nakatalikod, minamaliit ang trabaho mo dahil sa kung
interview na sa akin pero…
Pahina 12 ng 23
ano ka? Sa pagkatao mo? Kung sinabi ko noon na sana 230. BAMBI: Minsan naisip ko kung ang Muslim
buksan natin ang organisasyon sa mga Muslim dahil may hindi puwede sa opisina namin dito sa Lanao del Norte
muslim communities naman sa areas natin walang dahil hindi puwede mag-disperse ng baboy – makinig ka
naniniwala sa akin dahil sabi mo nga: ang labo mong sa moment ko, ‘Dong, mahalaga itong line ko – paano pa
kausap dahil bayot talaga ako. Nararamdaman ko iyon: sa kaya ako na lalaki na nagkataong mahilig din sa lalaki?
harap ni Madam, sa mga kasama namin dito kapag Babastusin ako ng mga probinsyanong tulad mo dahil
kausap ko sila… kapag kaharap ko sila… ngayon sa harap tingin mo pink ang sapatos ko. May maniniwala rin ba sa
mo ******* ka. akin?
225. HAMID: Kaya ipinatapon ka rito – hindi ka 231. HAMID: Ang ***** mo naman… pero sige
siguro nakikinig? lang, gusto kitang maging kaibigan.
226. BAMBI: Minsan nagtalo talaga kami ni 232. BAMBI: Bakit naman? Bayot ako de vah?
Madam. Sabi ko kailangan tanggapin natin ang isang ito 233. HAMID: Dahil wala akong kaibigang bayot –
dahil iba ang level ng skills and we will promote a na katulad mo.
culturally diverse organization sa community. ‘Hindi siya 234. BAMBI: Hindi ba uso ang bayot dito sa
puwede rito. Hindi puwede.’ Sabi ko bakit naman? ‘Dahil planeta niyo? …Sabagay ilang milyong langoy mula rito
Muslim siya. Bambi. Paano siya magdi-disperse ng baboy ang Puerto Galera at mukhang it will take a hundred
sa mga beneficiaries?’ years of solitude para itayo rito ang Folded and Hung
227. HAMID: O tama nga naman ang boss mo! Lanao del Norte branch.
228. BAMBI: Mali iyon, Christian. Mali… ‘******,
Katahimikan.
madam, that’s foul. Foul! Para niyo na ring sinabi na hindi
puwede maging receptionist ang negra dahil negra siya. E 235. BAMBI: Hindi rin ba uso ang Muslim dito sa
di bigyan natin siya ng ibang trabaho… pagawin ng planeta niyo?
reports, magdisperse ng baka… o kambing’ 236. HAMID: Uso.
229. HAMID: Oo nga naman… ang pangit nga 237. BAMBI: Ganito talaga rito sa inyo?
naman ng negra. 238. HAMID: Na alin?
239. BAMBI: Na masama ang ugali ng mga
Matatawa si HAMID. Hindi kikibo si BAMBI.
Kristiyano?

Pahina 13 ng 23
240. HAMID: Di ba Christian ka rin? 253. BAMBI: Na nagsisinungaling si Madam?
241. BAMBI: Katoliko ako to be exact, sir. Pero 254. HAMID: Ay totoo…. totoong nagsisinungaling
lately hindi na ako nagsisimba. Haggard na ako pag- siya.
Linggo. 255. BAMBI: Buti na lang bayot ako. Hindi
242. HAMID: Hindi naman lahat. May mga settlers sinungaling.
din na…
Patuloy ang pagtawa ni HAMID. Nang-aasar. Tatapikin ni HAMID
243. BAMBI: Excuse me ano iyong term?
nang malakas si BAMBI sa balikat. Maiirita si BAMBI.
244. HAMID: ‘Settlers’?
245. BAMBI: Narinig ko na rin ang term na iyan 256. BAMBI: ******-*** **, hayop ka – settler!
sa mga kasama ko sa office kapag dumadalaw sila sa 257. HAMID: *********** ka – bayot!
Manila… Kay Madam… Iyan ba iyong mga Meranao dito
sa Lanao del Norte… mga ‘settlers’? Katahimikan.
246. HAMID: Ha? Sandali lang paki-explain
258. HAMID: Hindi ako Christian. Meranao ako.
parang nagno-nosebleed ako…
Muslim…
247. BAMBI: Sabi kasi sa akin ni Madam dati ang
259. BAMBI: Oh well, hindi ako bayot. Babae ako.
mga Meranao daw ang nandito sa ibaba, sa Iligan… tapos
*****. Wala kang karapatan na insultuhin ako nang
ayaw nilang magpa-convert sa Kristiyano kaya nagpunta
ganyan. Bakla ako pero hindi ako bobo.
sila sa itaas. Tapos may ilan sa kanilang nakapunta sa
260. HAMID: Madakel a salamat at ipinaalam mo
Maynila… nakapag-aral at nalaman nila na maganda pala
sa akin ang tunay na dahilan kung bakit ako hindi
sa kapatagan kaya gusto na nilang kunin e wala naman
natanggap sa organisasyon niyo. ***** ka rin.
silang titulo. Gusto nilang kunin ang hindi kanila kaya
hindi sila mapagkakatiwalaan. Katahimikan. Ilalabas ni BAMBI ang mga dokumento niya at
248. HAMID: Hindi ka nga tagarito. makikita ang resume ni HAMID.
249. BAMBI: ******-*** mo ulit.
250. HAMID: Bambi… ang mga settlers e iyong 261. BAMBI: Ikaw? Mr. Hamid…
nang-aagaw ng lupa… iyong mga dayuhan. 262. HAMID: Ako nga. Ang guwapo sa personal, di
251. BAMBI: So totoo nga ang hinala ko? ba arie?
252. HAMID: Na alin?
Pahina 14 ng 23
263. BAMBI: E ********* ka pala sabi mo kanina 272. BAMBI: Excuse me, NGO po kami. Hindi po
Christian ang pangalan mo? kami business enterprise. Oh well …tanggap ka na. Final
264. HAMID: Dah akie. Gusto lang kitang interview na ito. Job offer na tayo.
pagtripan. Ang cute mo kasi. 273. HAMID: Thanks but no thanks. Bakit ko ba
265. BAMBI: Sabagay kung sasabihin mo na kailangan ng trabaho mula sa inyo.
Meranao ka hindi na ako magsasabi sa iyo ng totoo. Hindi
Tutunog ang mobile phone ni BAMBI. Matataranta na si BAMBI.
na kita kakausapin nang totoo. Hindi na ako haharap sa
iyo ng totoong tao. 274. BAMBI: Si Madam…. nagagalit na siguro…
Matitigilan si BAMBI. Matatakot. Katahimikan. Patuloy ang pagtunog ng cellphone.
266. BAMBI: ****, tsutsugihin mo na rin ako? 275. BAMBI: Oh well, Hamid, I’m sorry.
267. HAMID: Arie? Takot ka na rin sa Muslim 276. HAMID: Sorry sa atunaa?
ngayon? Magsasabi ka na rin ng masasamang bagay 277. BAMBI: Sa pagpapamisa namin sa Center…
tungkol sa mga Meranao? sa pamimigay ng baboy sa community… Napakawalang
268. BAMBI: Oo. Siguro… galang… napakawalang respeto… para kaming nagpa-gay
269. HAMID: Hindi na kita puwedeng tawaging beauty pageant na may mga babaeng contestants.
‘hindi tagarito.’ Tagarito ka na sa amin…
270. BAMBI: Bakit mo pala gustong mag-apply sa Katahimikan.
organisasyon namin e marami ka namang business?
278. BAMBI: At sorry hindi ka natanggap sa office
271. HAMID: Dahil nakita ko unfair kayo. Wala
dahil… siguro gano’n talaga, may mga eksena sa
ang baranggay dito sa munisipalidad na ito pero nandon
mundong ibabaw na hanggang sorry na lang…
lang kayo sa limang baranggay dito sa ibaba, sa mga
Kristiyano. Minsan nakita ko nagpamisa pa kayo sa Katahimikan.
opisina niyo. Baboy pa ang mga ipinamimigay ninyo.
Naisip ko puwede naman kayo mag-disperse ng kambing. 279. HAMID: O sige na, you are forgiven arie.
I can offer discounts kung sa akin kayo kukuha. 280. BAMBI: Hindi naman ako masyadong
prangka, ha pero medyo lang naman may pagka-***** ka,
presko, at feeling God’s gift to gaykind.
Pahina 15 ng 23
281. HAMID: Ah nah pasensiya na sobrang effort Susubukan ni BAMBI. Mailalagay niya ang isang paa sa kanila.
sa akin ang pagiging humble these days lalo na’t alam
289. BAMBI: Kailangan ba ganyan kalaki ang
kong ipinanganak na talaga akong guwapo.
bukaka? Diyahe…
282. BAMBI: Ewan. Hamid, paupo naman diyan
290. HAMID: Kailangan malayo kasi iyang mga
nangangalay na kasi ako.
binti mo rito sa tambutso… mapapaso iyan… peklat anan!
Susubuking maupo ni BAMBI sa habal-habal. Ilang beses siyang
Katahimikan.
magtatangka hanggang sa mahulog sa habal-habal. Hindi siya
tutulungan ni HAMID. 291. BAMBI: Hamid, ilan ang puwedeng sumakay
sa habal-habal mo?
283. HAMID: Tayo suhkita!
292. HAMID: Mga anim kasama na akun.
284. BAMBI: Wish ko lang tulungan mo akong
293. BAMBI: Anim? **** paano kung sumemplang
makatayo di ba?
e pataas pa naman itong daan at lubak-lubak pa?
Iaabot ni BAMBI ang kamay niya ngunit titingnan lang ito ni 294. HAMID: Basta nakabukaka nang maayos
HAMID. lahat hindi ito sesemplang. May balance kasi… Kapag may
balance tatakbo nang maayos ang habal-habal arie…
285. HAMID: Arie, matuto kang tumayo mag-isa
295. BAMBI: Puwede bang mamili ng pasahero?
kapag nahulog ka sa habal-habal.
296. HAMID: Ha? Ano? Kung Muslim o Christian
Makakatayo si BAMBI. Magtatangka ulit siyang maupo sa habal- lang ang puwedeng sumakay?
habal. 297. BAMBI: Hindi, ano ba? Gusto ko kasi pag-
sisiksikan na puwede ba iyong pasaherong susunod sa
286. HAMID: Ibuka mo kasi iyang paa mo. Iyang akin e lalaki… guwapo…
isang paa sa kabila. 298. HAMID: Sige. Sakun e bahala. Mamimili tayo
287. BAMBI: Ayaw ko nga bumukaka nang ang pasaherong susunod sa iyo…
nangyan! 299. BAMBI: Hamid, puwede bang magtanong?
288. HAMID: Ah nah paano magkaka-balance Iyong honest question lang ha huwag kang mai-
arie? imbiyerna.
300. HAMID: Okay. Shoot.

Pahina 16 ng 23
301. BAMBI: Bakit may eksenang gulo dito sa 311. HAMID: Dahil Muslim kami?
Mindanao? 312. BAMBI: E, kahit sino naman puwede maging
302. HAMID: Ang hirap naman ng tanong mo. Di Muslim. (Mag-iisip) Sabagay kahit sino naman puwedeng
naman lahat ng lugar dito sa Mindanao magulo. May maging bayot ‘yun nga lang hindi lahat puwedeng maging
peace ang order naman sa ibang lugar. Sa Iligan bongga. So, Hamid, bakit nga naging Meranao ang
halimbawa. Meranao?
303. BAMBI: E, bakit winawarlah ng mga Muslim
Mag-iisip si HAMID.
ang gubyerno?
304. HAMID: Winawarland? 313. HAMID: Dahil sa maratabat?
305. BAMBI: Ang ibig kong sabihin bakit kaaway 314. BAMBI: Anetch?
ng gubyerno ang mga Muslim? 315. HAMID: Pride… honor… pagkakaisa… parang
306. HAMID: Matanda pa sa ating dalawa ang ganon. Iyung magtutulong-tulong kayo para hindi
sagot diyan. Mahirap ipaliwanag. masakop. Maging malaya. Parang ganoon…
307. BAMBI: Iyan din ang sabi nila sa akin bukod 316. BAMBI: (Patawa) Ang labo, aminin mo hindi
sa hindi ako tagarito – hindi ko raw maiintindihan. So, mo ma-define. Sabagay parang may ganyan din sa amin
siguro shut your mouth and know your roles na lang ba na hindi mo ma-define; kailangan mo lang ma-feel at put
tayo ganun ba ‘yun? into action.
317. HAMID: Talaga?
Katahimikan.
318. BAMBI: Oo. Ang tawag naman namin dun e…
308. BAMBI: O heto na lang: bakit Meranao ang ‘Bongga’.
Meranao, Hamid? 319. HAMID: Bongga?
309. HAMID: Ano bang tanong ‘yan? Hindi naman 320. BAMBI: Oo. ‘Bongga’ …minsan naman
kita tinanong kung bakit naging bayot ang bayot? “Bonggang-bongga’! hindi mo ma-defne di ba? Sabi nila
310. BAMBI: E, wala namang mawawala sa iyo kung keri ang attitude at style bongga na. Minsan
kung itatanong mo iyon sa akin. Oh well naging bayot ang maganda manamit pero pangit ang ugali hindi pa rin
bayot dahil bongga kami. Ikaw, bakit nga Meranao ang bongga. Kung fashionista ka at mahal ang mga damit mo
Meranao? habang wala namang makain ang mga tao sa paligid mo –

Pahina 17 ng 23
iyon hindi iyon bongga. Minsan naman may tinatawag na palagay mo ba may mga corrupt na pulitiko? May
‘bonggang bongga!’ Mahirap din i-define tingnan mo na echoserong kumag na magnanakaw sa gubyerno? May
lang ang katawang lupa ko. mga taong harap-harapan na silang nanakawan deadma
321. HAMID: Minsan naging bayolente raw ang pa rin to the world? Kung may maratabat walang
Meranao kapag nasasaktan ang maratabat niya. Pero domestic helper, walang maruming lansangan, lahat
hindi lahat ganon. magsisikap, lahat may bisnis dahil walang
322. BAMBI: Sa amin naman hindi ganoon. Kapag mangangamuhan. Bonggang bongga di ba?
hindi bongga – nilalait. Walang patumanggang okrayan. 329. HAMID: E, sa paanong paraan mababago ng
Pero hanggang dutchihan lang. At least totoo kami sa isa’t maratabat ang kawatan? Sasabihin mo sa kanya na wala
isa at nag-aagree kami kung sino ang bongga, ang kang maratabat mag-resign ka na lang?
bongga-bongga, at ang chaka. Nakaka-deglamourized 330. BAMBI: At bakit mo naman sasabihin sa
kami ang violence. kanya na wala kang maratabat, mag-resign ka na?

Katahimikan. Lilinga si BAMBI na parang may hinahanap sa malayo.

323. HAMID: Bakit natahimik ka? 331. BAMBI: Nakita mo iyon?


324. BAMBI: Wala lang. Naisip ko lang na kahit
Ituturo ang isang bahagi ng tanghalan, sa isa sa mga manonood.
pala sa panahon natin ngayon may mga tao pa palang
naniniwala at nagpapahalaga sa ano nga bang chenes 332. HAMID: Saan?
niyo ulit iyon? 333. BAMBI: Iyon! Iyong babaeng iyon sa
325. HAMID: Maratabat… kabilang kanto. Iyong pangit at tingnan mo kahit malayo
326. BAMBI: Bonggang maratabat. Siguro kaya halata mong buhaghag ang buhok. Iyon… iyong naka-
mahirap ang Pilipinas dahil wala nang maratabat ang ****** shorts.
mga tao. 334. HAMID: Nakikita ko. Si Gloring yan iyong
327. HAMID: Ano, kasalanan na naman ng mga pokpok diyan sa Timoga. So?
Meranao kung bakit mahirap ang Pilipinas? 335. BAMBI: Kunwari siya ang president ng
328. BAMBI: *****. Ang ibig kong sabihin Pilipinas na korap. Tapos nandito ako nakatayo. Ganito
imaginin mo kung ang lahat ng Filipino may maratabat sa kami kalayo.

Pahina 18 ng 23
336. HAMID: Atunaa gagawin mo? 342. BAMBI: Pero kahit gawin natin iyon sa
337. BAMBI: Stay put ka lang diyan. harap ng telebisyon at mapanood ng buong Pilipinas –
wala pa rin effect. Kayo na lang ‘ata ang naniniwala pa sa
Mamuwestra si BAMBI at huhugot ng hangin at sisigaw habang
maratabat.
dinuduro sa malayo ang babae. Sisigaw.
343. HAMID: Ang patronizing mo naman.
338. BAMBI: (Sa babae sa malayo) Psst! Gloging! Lumalaki na ulo ko.
Oo ikaw! Ikaw nga, hija! Hi. (Galit. Hysterical) ******-*** 344. BAMBI: ****. I am just being myself.
**** president ka! Oo, ikaw! Wala kang maratabat!
Katahimikan.
Magnanakaw! Magnanakaw! Wala kang maratabat!
345. BAMBI: Pero hindi mo pa rin nasasagot ang
Matataranta si HAMID at pilit nabubusalan ang bibig ni BAMBI.
tanong ko: Sa TV, sa mga balita… bakit magulo rito kung
339. BAMBI: Ganoon ang gagawin ko. Tapos uupo nagiging Muslim lang ang Muslim… Kung nagiging
ako, babalik ang poise ko na parang wala akong ginawang Meranao lang ang –
bonggang bonggang eksena. Dahil bonggang bongga ang 346. HAMID: Isipin mo lang, Bambi, bakit ka
maratabat. Ganoon! Echosan lang with the president. nandito. Bakit ka nakaupo riyan sa saktong inuupuan mo
Sorry, Gloring! (sa habal-habal) – iyan na siguro ang pinakamalapit na
sagot sa mga tanong mo. Okay na ba?
Mananatili si HAMID at nakatingin pa rin sa malayo.
Katahimikan.
340. BAMBI: O, bakit nakatayo ka pa riyan?
347. BAMBI: Simula sa araw na ititch, wiz na
Mamuwestra si HAMID at huhugot ng hangin.
aketch maniniwala sa mga salitang ‘peace and order’ na
341. HAMID: *********** ka, Gloring, ****** ng iyan ni Madam.
Timoga! Hindi ka bonggang bongga! 348. HAMID: May peace and order kami rito… sa
Iligan. Wala lang pakialam sa isa’t isa.
Pilit na aawatin ni BAMBI si HAMID. Magtatawanan silang 349. BAMBI: Peace and order para kanino?
dalawa pagkatapos.
Katahimikan.

Pahina 19 ng 23
350. HAMID: Hindi ka tagarito. Huwag mo kaming 357. HAMID: Di. Bakit ko gagawin sa iyo iyon? Sa
pakialaman… palagay ko mabuti kang tao…
358. BAMBI: Sa palagay ko ***** ka… pero mabuti
Bababa si BAMBI sa habal-habal at kukunin ang mga gamit niya ka ring tao.
at aktong aalis.
Aktong aalis si BAMBI.
351. HAMID: Sige umakyat ka na… ihahatid na
kita sa office niyo roon sa itaas kahit walang bayad. 359. HAMID: Sandali huwag ka munang umalis.
360. BAMBI: Hindi ako tagarito. Hindi kita kilala.
Hindi pa rin matitinag si BAMBI sa kanyang kinatatayuan. Marami akong hindi alam. Sa mga tao. Sa lugar. Ang sabi
Patuloy ang pagtunog ng mobile phone ni BAMBI. lang nila sa akin noon sa opisina na kapag dumalaw ka
rito huwag akong makikipag-usap sa Meranao. Kailangan
352. BAMBI: (sa telepono) Opo… Opo… With all
kilala ko ang Meranao na sasamahan ko. Hindi ko alam
due respect, Madam, I refuse to ride the habal-habal in
kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo… Pasensiya na
Lanao del Norte. Hindi talaga kaya ng powers ko and I
sa mga nasabi ko kanina hindi ko alam na Meranao ka.
really don’t trust that vehicle. Maglalakad na lang ako
papunta riyan. (Ibababa ang telepono) Katahimikan.
353. HAMID: Pataas iyon. Mahirap maglakad. 45
minutes. 361. HAMID: Ano’ng paborito mong kanta ng
354. BAMBI: Okay lang. Naka-Chuck Taylor Radioactive Sago Project, Bambi?
naman ako. At kailangan ko ring mag-burn ng fats.
Katahimikan. Matagal na magkakatinginan sina HAMID at
Aalis na si BAMBI. BAMBI. Walang matitinag.

355. HAMID: Sandali arie… 362. BAMBI: ‘Bisikleta’


356. BAMBI: Babarilin mo ba ako nang patalikod 363. HAMID: Sandali…
tulad ng sinasabi nila sa akin sa opisina at ni Madam dahil
sa mga sinabi ko? Hindi ako tagarito. Wala dapat akong
comments. Hindi dapat ako makikialam.

Pahina 20 ng 23
Ilalabas ni HAMID ang MP4 niya at hahanapin ang binabanggit Aabutin ni BAMBI ang earplug at ilalagay sa kanyang tenga.
na kanta. Iaalok ni HAMID ang isang earplug kay BAMBI. Sa una’y Makikinig silang dalawa sa kanta.
may pagdadalawang-isip si BAMBI.
375. BAMBI: Hamid, bakit ganun?
364. BAMBI: Hindi mo ako…
365. HAMID: Bakit? …. Katahimikan.

Patuloy pa ring inaalok ni HAMID ang isang earplug 376. HAMID: ‘Wag ka nang magtanong, Bambi.
Hindi na rin ako nag-iisip…
366. BAMBI: Ilang gig iyang Nano mo? 377. BAMBI: Sige… hindi na rin ako mangungulit.
367. HAMID: 4 gig.
368. BAMBI: Astig. 1 gig lang sa akin. Sabi mo Patuloy silang makikinig sa kanta.
kanina ‘It’s Complicated’ ang status mo sa Friendster…
378. HAMID: Ano ang konting alam mo sa Lanao,
Bakla ka ba, bi, o tripper?
Bambi?
369. HAMID: May syota – may girlfriend ako sa
379. BAMBI: Na dalawa ang Lanao – del Sur at del
Iligan. Pero ang pakakasalan ko taga-amin. Sa Marawi.
Norte?
370. BAMBI: Complicated nga. Matagal-tagal na
380. HAMID: Iisa lang ang Lanao. Sige bukas
ring ‘single’ ang status ko sa Friendster.
babalikan kita sa office niyo at ipakikita ko sa iyo ang
371. HAMID: E, nasaan na si Bantogen?
Lanao. Ang unang katotohanan na dapat na malaman mo
372. BAMBI: May iba nang Lawanen na isang call
sa Lanao at dapat mong paniwalaan ay mayroon itong
center agent.
isang magandang lake. Iyon hindi iyon kasinungalingan –
373. HAMID: Don’t worry, pagari. Makakahanap
ang lake. Du’n sa ‘taas. Ang lake na ito ang dumadaloy sa
ka rin ng bagong Bantogen.
lahat ng ilog ng Lanao – del Sur man or del Norte. Kaya
Matatawa silang dalawa. iisa lang ang Lanao. Ang Ranao.
381. BAMBI: Talaga? Gusto kong makita ang
374. HAMID: Bilis baka matapos na ang kanta… sinasabi mo… Hindi ako tagarito pero I’ll appreciate the
hospitality.

Pahina 21 ng 23
382. HAMID: Nah arie, sumakay ka na. Dadalhin Madam – ******* ***** matanda iyan kasing complicated
muna kita sa office niyo. Hiniintay ka na ng boss mo. Baka ng ****** niya ang hypocrisy sa katawan… ibang level…
makagalitan ka noon. Promise bukas I’ll show you the
ride of your life… ipakikita ko sa iyo ang lawa… Matatawa silang dalawa.

Matitigilan si BAMBI. Mag-aalangan. 392. HAMID: Ah, kung gayon dalhin na lang kita
sa amin akie…
383. HAMID: Atunaa? 393. BAMBI: Sa’n ba sa inyo?
384. BAMBI: Hindi ako sasama sa guy na walang 394. HAMID: Roo sa Marawi… Sa may magandang
maratabat. (Patlang) May maratabat ka ba, Hamid? Lake… Magugustuhan mo roo akie… Malamig roon
parang Baguio kasi nasa itaas siya.
Paaandarin ni HAMID ang makina bilang tugon. Ngingiti si 395. BAMBI: Sigurado ka riyan? Baka tsugihin mo
BAMBI at sasakay sa habal-habal. ako roon? Sabi sa akin ni Madam tray –
396. HAMID: Trust me arie…
385. BAMBI: (Kabado) Teka saan ba ako puwede
kumapit sa iyo? Sa mga balikat mo or dito sa ilalim ng Katahimikan.
mga ribs mo?
386. HAMID: Sukadun, bahala ka kung saan mo 397. BAMBI: Sige na nga I’ll trust you cute ka
gusto. naman… O siya larga! …Sandali!
387. BAMBI: O siya dito na lang sa ilalim ng ribs… 398. HAMID: Atunaa, ano na naman?
siguraduhin mo lang na wala kang kiliti. (Kakapit sa 399. BAMBI: May strawberry jam ba sa Marawi?
magkabilang ribs ni Hamid.) Teka, muscle ba itong O may branch ang Pink Sisters at makabili ng halaya para
nakakapa ko… kay nanay para medyo convincing na sa Baguio nga
388. HAMID: Ah nah, nilalandi mo ba ako? talaga ako nanggaling… Medyo effort kasi kung sasabihin
389. BAMBI: Ikaw naman masyadong assuming. kong galing akong Baguio at ang mga pasalubong ko
Saan na tayo pupunta nito? marang, durian, at mga malong.
390. HAMID: Sa office mo akie – 400. HAMID: Sabihin mo sa nanay mo arie
391. BAMBI: Deadma na. Dalhin mo na lang ako nagpunta ka talaga ng Marawi City. Alis na tayo… hawak
pabalik ng Maynila baka masampal ko lang iyang si ka nang maigi akie.
Pahina 22 ng 23
Paaandarin ni HAMID ang makina.

401. BAMBI: Sandali…


402. HAMID: Atunaa?
403. BAMBI: Teka ang sunblock ko mabibilad
tayo sa araw… ******-***** lugar ito; ang init, parang si
Satanas na lang ang kulang impiyerno na.

-TELON-

Pahina 23 ng 23

You might also like