You are on page 1of 4

Limay Polytechnic College

National Road, Brgy. Reformista, Limay, Bataan 2013 Philippines

PANGGITNANG PAGSUSULIT SA
PAGTUTURO AT PAGTATAYA NG MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA
(SPEC 5)
Unang Semestre Taong-Pampanuruan 2020-2021

Pangalan: ____________________________ Petsa: ___________________________


Antas at Pangkat: ______________________ Instruktor: _G. Adam Helson G. Elardo__

I. Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___ 1. Tumutukoy ang __________ sa pagpapahayag ng mga ideya, nosyon, teorya, at sa pangkalahatan, ang kahulugan na
parang hiwalay ito sa mga particular na simbolikong anyo ng pagsusuri. Tumutukoy rin ito sa berbal na pagpapalitan ng
ideya.
a. retorika b. wikang Filipino c. diskurso d. gramatika
___ 2. Ang salitang diskurso ay nagmula sa Middle English na “discours”, na mula sa Medieval at Late Latin na “discursus”.
Ito ay nangangahulugang __________ at kumbersasyon.
a. pagdidiskurso b. argumento c.tungkuling sosyal d. gamit ng wika
___ 3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may pinakaangkop na sitwasyon batay sa kontekstong simboliko ng diskurso
batay kay Hymmes?
a. Alam ni Mary Ann na galit sa kanya si Isabela dahil inirapan sya nito kamakaraan.
b. Malalimang tinalakay ni Cecilia ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagtuturo ng Agham gamit ang makabuluhang wika.
c. Wala mang ekspresyon ang mukha ng kanilang guro ay nalaman nina Juli na nagagalit na ang kanilang guro dahil sa
matataas na nitong tono ng pagsasalita.
d. Iba ang interpretasyon ni Ben sa pagkaunawa ni James sa payo ng kanilang Ama.
___ 4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sanggayon sa kontekto ng diskursong sitwasyunal?
a. Sila ay nagtatrabaho nang husto upang itustos sa gamut ng kanilang ama.
b. Ibibili kita ng pagkain mo
c. Malapit na matapos ang takdang-oras ng pasahan, halika’t tutulungan kita.
d. Sa bahay nina Mario kami nanininirahan.
___ 5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang pinaka-angkop sang-ayon sa kahalagahan ng tsanel sa pagdidiskurso.
a. Hindi maintindihan ni Lydia ang sinasabi ng kanyang anak dahil bulol pa ito sa pagsasalita.
b. Nagtsa-choppy ang boses ni Ruth sa cellphone dahil sa mahinang mobile signal.
c. Iba ang tinugon ng matanda sa sinabi ng kanyang apo.
d. Dahil sa maling bantas na ginamit sa mga anunsyong pinaskil sa aming baranggay ay naglito tuloy ang mga taumbayan.
___ 6. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay tumutukoy sa receiver ng komunikasyon, MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. Ang mga mag-aaral na matamang nakikinig sa sinasabi ng guro.
b. Ang aking amain ay nakikinig sa commentator sa radyo na nagpapayo tungkol sa pag-ibig.
c. Malalim na sinusuri ng klase ang nobelang binabasa.
d. Nasiyahan ang mga nasa sektor ng pagsasaka sa sinabi ni Duterte sa kanyang SONA.
___ 7. Nagalit at nag-aklas ang mamamayang Pilipino buhat sa mga nobela na sinulat ng bayaning si Rizal. Alin sa
pangungusap na nakalahad ang tumutukoy sa tsanel ng diskurso?
a. Nagalit at nag-aklas b. mamamayang Pilipino c. nobela d. bayaning si Rizal
___ 8. Batay sa pangungusap na nakalahad sa bilang pito (7). Alin naman rito ang tumutukoy sa feedback o reaksyon?
a. Nagalit at nag-aklas b. mamamayang Pilipino c. nobela d. bayaning si Rizal
___ 9. Alin sa mga mga makrong kasanayang pangwika ang higit na aktibo at nagagamit?
a. Pakikinig. Dahil ang kasanayang ito aktibo at hindi nakokontrol
b. Pagsasalita. Dahil ang kasanayang ito ay maaring kontrolin. Sa madaling sabi, maaring magsalita ang isang tao hanggang
sa kung ano ang kanyang kakayahan
c. Pakikinig. Dahil maaring limitahan ng isang tao ang kanyang mga nadidinig sa kalpaligiran
d. Pakikinig at Pagsasalita. Dapat tandaang ang komunikasyong pasalita ay hindi magiging ganap kung walang nakikinig. Ang
tagapagsalita at tagapakinig ay kapwa mahalaga sa anomang uri ng komunikasyon.

Email add.: lipocco1997@gmail.com|Mobile No.: 0912-7609628|Official Facebook Page: Limay Polytechnic College
___ 10. Alin sa mga proseso ng pakikinig na nakalahad ang tumutukoy sa pagkonekta ng narinig na tunog sa stimuli ng
tagapakinig?
a. Pagdinig sa tunog
b. Pagkilala sa narinig na tunog.
c. Pagbibigay kahulugan sa tunog na napakinggan.
d. Pag-alala sa tunog na napakinggan.
e. Pagtugon
___ 11. Ito ay bahagi ng proseso ng pakikinig kung saan ang tunog ay pumapasok sa tainga na tutuloy naman sa
eardrum na bubuo ng vibration.
a. Pagdinig sa tunog
b. Pagkilala sa narinig na tunog.
c. Pagbibigay kahulugan sa tunog na napakinggan.
d. Pag-alala sa tunog na napakinggan.
e. Pagtugon
___ 12. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang akma sa proseso ng pakikinig na pagkilala sa tunog?
a. Narinig ni Linda sa kapitbahay ang tunog ng paborito niyang teleserye kaya’t binuksan nya na rin ang kanilang telebisyon.
b. Natakot ang bata sa malakas na ugong ng motorsiklo.
c. Narinig hanggang ng mga tao hanggang sa dulo ng bayan ang malakas na pagsabog.
d. “Hudyat na ng simbang gabi”, ang nabanggit ni Mariana nang marinig ang kalembang ng kampana ng simbahan.
___ 13. Binuksan ko kaagad ang pintuan nang marinig ko ang natatanging paraan ng pagkatok ng aking Ama. Alin sa
pangungusap na nabanggit ang tumutukoy sa pagbibigay kahulugan ng narinig na tunog?
a. ang pagbukas nya ng pintuan
b. nang marinig niya ang katok ng kanyang ama
c. nalaman nyang ito ang kanyang ama
d. maaring natakot siya na hindi agad mabuksan ang pituan na maaring ikagalit ng ama
e. lahat ng nabanggit
___ 14. Maaring siya ang tagapagsalita o awtor ng isang pahayag, ideya o kaisipan. __________.
a. sender b. mensahe c. tsanel o daluyan d. resiber e. feedback
___ 15. Maaring iugnay sa layunin ng source ng mensahe ang katapatan at kahusayan niya sa partikular na paksa. Dahil dito
ay nagiging karapat-dapat siyang paniwalaan. Alin sa mga sumusunod na layunin sa mabisang komunikasyon ang tumutukoy
rito?
a. Layunin ng kanyang pahayag b. Lawak ng kaalaman sa paksa c. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili d. Kredibilidad
___ 16. Patalinhagang inilahad ng makata ang nais niyang iparating na diwa sa mga mambabasa. Ano ang isinaalang-alang
ng makata sa paglalahad ng kanyang mensahe?
a. Estilo b. Estruktura c. Nilalaman d. Kredibilidad
___ 17. Tumutukoy ito sa wasto at naayong pagsasalansan ng ideya ng isang indibidwal na nais maglahad ng kanyang
mensahe.
a. Estilo b. Estruktura c. Nilalalman d. Kredibilidad
___ 18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang tumutukoy sa layuning ng tumatanggap ng mensahe?
a. Binuksan ni Amaya ang radyo upang maging updated sa bagyong papasok ng bansa.
b. Walang pakialam ang mga mag-aaral na nasa pinakamababang pangkat ng klase sa tinuturo ng kanilang guro.
c. Kahit paulit-ulit ay parating pinanonood ng aking apat na taong anak ang mga video na Cocomelon sa youtube.
d. Gusto mang makinig ni Epson sa tinuturo ng guro tuwing ala-una ng hapon ay tila siya ay nanlalata at naantok.
___ 19. Mga nakapanagalong-baba at hihikab-hikab ang mga tao nakikinig sa sinasabi ng tagapagsalita. Anong uri ng
feedback ang naganap sa sitwasyon?
a. tuwirang feedback b. hindi gaanong tuwirang feedback c. hindi tuwirang feedback d. b at c
___ 20. Bago iparinig ng guro ang ihihanda niyang audio material ay nagbigay siya ng ibat- ibang ginupit na emoji at buhat
sa mapakikinggang diyalogo ng tauhan ay ipapaskil ng mga mga-aaral ang naayon na emoji batay sa damdamin ng pahayag.
Anong uri ng pakikinig ang isinasagawa ng guro para sa kanyang mga mag-aaral?
a. Pasiv o marginal b. Atentiv c. Analitikal d. Kritikal e. Apresyativ
___ 21. “Thumbs up” ang itutugon ng klase kung ang sitwasyon na iparirinig ng guro ay gusto nila at “Thumbs down” naman
kung hindi. Anong uri ng pakikinig ang isinasagawa ng guro para sa kanyang mga mag-aaral?
a. Pasiv o marginal b. Atentiv c. Analitikal d. Kritikal e. Apresyativ
___ 22. Magpaparinig ang guro ng mga putol na pangyayari batay sa kwentong tinatalakay na dudugtungan naman ng mga
mag-aaral. Anong uri ng pakikinig ang isinasagawa ng guro para sa kanyang mga mag-aaral?
a. Pasiv o marginal b. Atentiv c. Analitikal d. Kritikal e. Apresyativ
___ 23. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naayon sa analitikal na pakikinig?
a. Nagpapatugtog ng musika ang aking Ama habang naglalaba.
b. Nakikinig si Sakalam nang maigi sa online class sa Filipino.
c. Pinakikinggang maigi ni Loonie ang binabaggit na mga pahayag ni Abra sa kanilang fliptop battle.
d. Napatatango-tango na lamang ang mga tao sa sinasabing aral sa buhay ng kanilang maestro.

Email add.: lipocco1997@gmail.com|Mobile No.: 0912-7609628|Official Facebook Page: Limay Polytechnic College
___ 24. Tumutukoy ito sa iba’t ibang personal na interpretasyon ng tagapakinig sa pinagmumulan ng mensahe.
a. Lugar b. Tsanel c. Konseptong Pansarili d. Kultura
___ 25. Sa mga kasayanang pangwika, ito ang pinakanararapat na unang nililinang ng guro sa mga mag-aaral o unang
nililinang ng isang indibidwal para sa kanyang sarili. Anong makrong kasanayan ito?
a. Pakikinig b. Pagsasalita c. Pagsulat d. Pagbasa e. Panonood
___ 26. Tumutukoy ito sa pag-aanalisa ng tunog na narinig. Anong bahagi sa proseso ng pakikinig ang tinutukoy nito?
a. pagkilala sa tunog b. pagbibigay-kahulugan c. pag-aalala sa tunog d. pagtugon e. pagdinig sa tunog
___ 27. Alin sa mga sumusunod na ideya ang pinaka-angkop batay sa proseso ng pakikinig na maiuugnay sa mabilis na dating
sa gunita ng tunog na narinig?
a. pagkilala sa tunog b. pagbibigay-kahulugan c. pag-aalala sa tunog d. pagtugon e. pagdinig sa tunog
___ 28. Alin sa mga sumusunod na pakahulugan ang naayon sa proseso ng pakikinig na “pagdinig sa mga tunog.”
a. Kilos na isinagawa c. gumagana ito hanggang sa pagtulog ng tao
b. Kasabay sa pagkarinig ng tunog ang paggana ng utak d. nangangailangan ito ng pag-analisa ng tunog
___ 29. Hindi siya, si Jose. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na nakalahad?
a. May ibang tinutukoy bukod kay Jose.
b. Si Jose ang tinutukoy ng pangungusap.
c. Hindi sinasang-ayunan ng nagsasalita ang kausap.
d. Hindi sinasang-ayunan ng nagsasalita ang kausap. Pagkatapos ay pinakilala si Jose.
___ 30. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nangangahulugang “not tomorrow” sa ingles?
a. /Hindi, bu.kas/ b. /Hindi bu.kas/ c. /Hindi, bukas/ d. /Hindi bukas/
___ 31. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nais ipakahulugan ng pangungusap na: “Doc Alejandro Jose/ ang
pangalan ko//”
a. Nagpakilala ang Doktor na Alejandro Jose
b. Ang pangalan ng Doktor ay Alejandro at tinutukoy niyang Jose naman ang kanyang pangalan.
c. Ang pangalan ng Doktor ay Alejandro Jose at tinutukoy niya ang kanyang pangalan.
d. Tinawag niya ang Doktor at nagpakilala siyang Alejandro Jose.
___ 32. Alin sa mga sumusunod na kasayang pangwika ang sinasabing complex at aktibo?
a. Pakikinig b. Pagsasalita c. Pagsulat d. Pagbasa e. Panunuod
___ 33. Iton ang pisikal na kakayahang marinig ang tunog mula sa isang pahayag.
a. Pagdinig b. Sound Waves c. Pakikinig d. Paghihinuha
___ 34. Ito ay hakbang sa proseso ng pakikinig kung saan ang pagtanggap ng tunog ng ay nangyayari.
a. reception b. recognition c. inferring d. metacommunication
___ 35. Ito ay salik na nakaiimpluwensya sa pakikinig na kung saan nagaganap ang komunikasyon o paghahayag ng mensahe
sa tahimik, malayo sa mga maaring panggalingan na ingay. Gayundin ang sapat na bentilasyon at liwanag.
a. tsanel b. kapaligiran c. lugar d. mensahe
___ 36. Alin sa mga sumusunod na layuning pampagkatuto ang pinakaangkop at epektibong nagpapaunlad ng kasanayang
pakikinig?
a. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento sa tulong ng mga larawan.
b. Naisasalaysay ang napakinggang teksto sa tulong ng mga larawan.
c. Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasalungat nito.
d. Nabibigyang kahulugan ang mga simpleng pictograph.
___ 37. Alin sa mga sumusunod na layuning pampagkatuto ang HINDI nagpapaunlad ng kasanayang pakikinig?
a. Nakasusunod sa napakinggang panuto.
b. Nahihinuha nag susunod na mangyayari sa napakinggang kuwento.
c. Natutukoy ang damdamin ng tauhan batay sa diyalogong inilahad.
d. Nahihinuha ang nais ipahiwatig ng sanaysay na napakinggan.
___ 38. Alin sa mga sumusunod na sitwasyong pangklase ang akma para sa “M” ng pagiging SMART ng ugnayang pagtuturo
at pagkatuto?
a. Tiyak na inilahad ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng pangkatang gawain bago ito sinimulan.
b. Sinikap ng guro na sapat sa oras ang kanyang pagtuturo, kung saan ay hindi masyadong mahaba o maigsi ang kabuuan
ng talakayan ng paksang aralin.
c. Nilahad ng guro ang rubrik sa pagtatasa ng gawain bago isinagawa ng mga mag-aaral ang kolaborasyon.
d. Hindi madali at hindi rin masyadong mahirap ang mga gawaing inihanda ng guro ngunit sapat upang hamunin ang
kakayahan ng mga mag-aaral.
____ 39. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wastong ginawa ng guro sa pagtuturo ng panitikan batay sa
pagpapaunlad ng kasanayang pakikinig?
a. Upang lubos na maintindihan ng klase ang mga bahaging ng kwento tinatalakay ay dalawang beses itong pinarinig ng
guro.
b. Malinaw na binasa ng guro ang buong Kabanata 1 ng El Felibusterismo bilang estratehiya upang mapakinggan ng klase
ang akda.
c. Inilahad ng guro ang gabay na tanong bago pakinggan ng mga mag-aaral ang buod ng epikong tatalakayin.
d. Gumamit ng mobile phone at radyo ang guro upang mapakinggan ng klase ang akdang susuriin.

Email add.: lipocco1997@gmail.com|Mobile No.: 0912-7609628|Official Facebook Page: Limay Polytechnic College
___ 40. Alin sa mga sumusunod na layuning pampagkatuto ang HINDI nakasang-ayon sa pagiging SMART ng aralin batay sa
kasanayang pakikinig?
a. Nabibigyang-reaksyon ang narinig na opinyon ng kausap sa isang isyu.
b. Naisasabuhay ang gintong-aral ng tektong pinakinggan.
c. Nailalahad ang sariling pagkiling batay sa interes t pananaw ng pinakinngan bahagi ng balita.
d. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang social awareness campaign tungkol sa isang paksa batay sa napakinggang
paliwanag.
___ 41. Uri ng tagapakinig na na palahging tumatango at ngumingiti na tila nauunawaan ang pinakikinggan ngunit hindi
talaga ito naiintindihan
a. eager beaver b. belidered c. tiger d. busy bee
(42-50) Tukuyin ang uri ng pakikinig na umaakma sa mga sumusunod na sitwasyon.
___ 42. lakas ng boses ng iyong kapitbahay
a. Pasiv b. Atentiv c. Apresyativ d. Analitikal e.Kritikal
___ 43. pagdalo sa konsert ng paborito mong mang-aawit
a. Pasiv b. Atentiv c. Apresyativ d. Analitikal e.Kritikal
___ 44. Ingay ng mga nagdaraang sasakyan
a. Pasiv b. Atentiv c. Apresyativ d. Analitikal e.Kritikal
___ 45. Pagpapa-review habang nakikinig ng musika sa FM station ng radyo.
a. Pasiv b. Atentiv c. Apresyativ d. Analitikal e.Kritikal
___ 46. Pag-uusap sa paagitan ng doctor at pasyente
a. Pasiv b. Atentiv c. Apresyativ d. Analitikal e.Kritikal
___ 47. Pagdinig ng hukom sa sinasabing mga testigo
a. Pasiv b. Atentiv c. Apresyativ d. Analitikal e.Kritikal
___ 48. Pakikinig sa parangal ng magulang
a. Pasiv b. Atentiv c. Apresyativ d. Analitikal e.Kritikal
___ 49. Pagsubaybay sa dulang panradyo
a. Pasiv b. Atentiv c. Apresyativ d. Analitikal e.Kritikal
___ 50. Pakikinig sa lektyur ng iyong maestro.
a. Pasiv b. Atentiv c. Apresyativ d. Analitikal e.Kritikal

Email add.: lipocco1997@gmail.com|Mobile No.: 0912-7609628|Official Facebook Page: Limay Polytechnic College

You might also like