You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO


Graduate Studies
First Semester, Academic Year 2021-2022

EdDFIL 706 Teorya at Praktika ng Pagtuturo ng Filipino

I. Tagapag-ulat: ANEYL L. ROMERO


0977-3000-245
Aneyl Lozaga-Romero
romeroaneyl@gmail.com

II. Pamagat ng Ulat: Pundasyon ng Multiple Intelligences (Siyam (9) na Uri ng Multiple
Intelligences)

III. Kaligiran

- Noong 1904, hiniling ng Ministri ng Instruksiyong Publiko kay Alfred


Binet na lumikha ng paraan na tutukoy sa mga mag-aaral sa primarya
na nanganganib na lumagpak upang mabigyan ng remidyal na pagsusulit.

- Batay sa resulta ng unang intelligence test, napatunayang may


intelligence na obhektibong masusukat na tatawaging IQ score.

- Ipinanukala ni Howard Gardner sa kaniyang aklat na Frames of


Mind ang pagkakaroon ng pitong batayang intelligences at ito’y
nadagdagan pa kaya’t naging siyam (9) na uri.

IV. Nilalaman ng Paksa

Siyam (9) na Uri ng Multiple Intelligences:

 Intelligence na Lingguwistik

- May kapasidad na magamit nang wasto ang mga salita nang pasalita o
pasulat.
- May kakayahang ang sintaks o estruktura ng wika, ponolohiya o mga
tunog ng wika, semantic o kahulugan ng wika at pragmatikong dimensiyon
o praktikal na gamit ng wika.

 Intelligence na Lohikal-matematikal

- May kapasidad na makapagdahilan at magamit ang mga bilang nang


wasto.
- Nagtataglay ng sensitibiti sa hulwarang lohikal, relasyon (relationship),
proposisyon,
 Intelligence na Visual-spatial

- May kakayahang makita nang tama ang daigdig visual – spatial at


makagawa ng transpormasyon mula sa mga persepsiyon.
- May sensitibiti na magkulay, magguhit, maghugis at mapag-ugnay-ugnay
ang mga elementong nabanggit.

 Intelligence na Bodily-Kinesthetic

- May kakayahang makapagpahayag ng mga ideya at damdamin, at


makagamit ng isang kamay na makalikha at makapagpabago ng mga
bagay.
- Kabilang dito ang mga kasanayang pisikal gaya ng koordinasyon, lakas,
pleksibiti, bilis, at iba pa.

 Intelligence na Musikal

- May kapasidad na makalikha, makapuna, makapagpabago at


makapagpahayag ng mga pormang musikal.
- May kapasidad na makilala ang ritmo, melodi o tono ng piyesang musikal.

 Intelligence na Interpersonal

- May kapasidad na matukoy ang intensiyon, motibasyon at damdamin ng


ibang tao.
- May kapasidad na makapagpahayag na ginagamitan ng ekspresyon ng
mukha, tinig, galaw o kilos.
- May kapasidad na makaimpluwensiya ng grupo ng tao na sumusunod
para maganap ang aksiyon.

 Intelligence na Intrapersonal

- May kapasidad na makilala ang sarili ay may kakayahang makakilos batay


sa kaniyang talino.
- May talinong mailarawan ang sariling kalakasan o kahinaan.
- May kamalayan sa sariling damdamin – intensiyon, motibasyon at
pagnanasa.

 Intelligence na Natyuralist

- May kakayahang matukoy at maikategorya ang mga halaman, hayop, at


iba pang mga bagay sa kalikasan.
- May pagmamahal at pangangalaga sa mga halaman, puno at mga
bulaklak.

 Intelligence na Eksistensiyal

- May kapasidad na maipaliwanag ang malalim na kahulugan ng buhay.


- May kapasidad na masagot ang mga tanong na nauukol sa
sangkatauhan.
Mahahalagang Punto Ukol sa Teorya ng Multiple Intelligences

1. Ang bawat nilikha ay nagtataglay ng nabanggit na multiple intelligences.


2. Karamihan sa mga tao ay nakadedebelop ng intelligence sa sapat na antas
ng kaniyang kahusayan.
3. Ang intelligence ay nagaganap sa maraming paraan.
4. Maraming paraan para maging intelligent sa loob ng mga nabanggit na
kategorya.

Iba pang Pinanukalang Bagong Intelligences

1. Espiritwalidad
2. Sensibiling Moral
3. Seksuwalidad
4. Humor
5. Intuwisyon
6. Kreeytibiti (Pagkamalikhain)
7. Kakayahang Culinary
8. Persepsiyong Olpaktori
9. Kakayahang mabuod ang iba pang intelligences

V. Buod ng Ulat

Sa kabuuan, alalahaning ang bawat mag-aaral na pumapasok sa isang klase ay


may iba-ibang kahusayan at kasanayan. Ang pagkakaiba-ibang ito ay maaaring sa
iskema, estilo sa/ng pagkatuto, mga karanasan, mga motibasyon, interes, at antas ng
kahandaan.
Kaya, napakahalagang tingnan ang multiple intelligences bilang lente ng mga
guro upang matiyak na ang mga gawaing pagtuturo-pagkatuto ay magawa nang
mahusay at epektibo. Dito rin mapahahalagahan ang mga natatanging katangiang
taglay ng isang guro bilang facilitator o tagapagpadaloy ng karunungan.

VI. Rekomendasyon

Magkaroon ng malalim na pag-aaral o magsagawa ng mga pananaliksik na may


kinalaman sa pagtukoy ng multiple intelligences ng mga mag-aaral upang
makapaghahain ng mahusay at epektibog mga estratehiya sa pagtuturo-pagkatuto.
Maaari ding tingnan ang konsepto ng tinatawag na Differentiated Instruction.
VII. Sanggunian

Villafuerte, Patrocinio V., at Bernales, Rolando A. (2008). Pagtuturo ng/sa Filipino:


Mga Teorya at Praktika. Mutya Publishing House, Inc.

http://teacherstudentblog.blogspot.com/2011/05/multiple-intelligences.html

You might also like