You are on page 1of 3

Limay Polytechnic College

National Road, Brgy. Reformista, Limay, Bataan 2013 Philippines

PANGGITNANG PAGSUSULIT SA
ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO
(SPEC 4) IKALAWANG BAHAGI
Unang Semestre Taong-Pampanuruan 2020-2021

Pangalan: ____________________________ Petsa: ___________________________


Antas at Pangkat: ______________________ Instruktor: _G. Adam Helson G. Elardo__

I. Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___ 1. Inaayos at naghain si _________ ng pag-uuri ng bahagi ng pananalita mula sa Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope
K. Santos.
a. Fatima S. Lim b. Virgilio S. Almario c. Vilma Resuma d. Alfonso Santiago
___ 2. Ang bahagi ng Baralira na sumusuri ng mga salita at ng mga iba pang sangkap ng pangungusap, at naglalahad ng mga
tuntunin sa pagkilala, pagbuo at pag-uuri-uri ng mga tinurang salita at panangkap, ay tinatawag na __________.
a. Palasurian b. Palaugnayan c. Palabuuan d. Balangkasan
___ 3. Tinatawag na _________ ang mga katagáng ginagamit sa pangungusap, upáng tukuyin ang tao, lunán, bagay o
pangyayaring binabanggít o ibig ipakikila ng nagsásalitâ.
a. Pantukoy b. Pang-ugnay c. Pang-angkop d. Pang-ukol
___ 4. Hinati ang bahagi ng pananalita sa dalawang pangkalahatang kategorya kung saan tinawag ang mga ito na _________
at _________.
a. Palabuuan at Palaugnayan b. Salitang Pangnilalaman at Salitang Pangkayarian
c. Nominal at Marginal d. Isahan at Maramihan
___ 5. Sa pariralang “sina Lakandupil Garcia”, ang salitang nakasulat nang pahilis ay anong uri ng pantukoy?
a. Pantanging Isahan b. Pantanging Maramihan c. Pambalanang Isahan d. Pambalanang Maramihan
___ 6. Alin sa mga sumusunod na parirala ang HINDI wasto?
a. mangatulog na kayo b. nang kabataan ni Rizal c. Lumakad nang paluhod d. Pumila ng maayos
___ 7. Ito ay kataga na ginagamit upang isaad na marami ang tinutukoy ng parirala o pangungusap. Ano ito?
a. manga- b. sina, sila, kina , nina c. mga d. si, kay, ni
___ 8. Alin sa mga sumusunod na parirala ang pantukoy na paari?
a. tahanan ni Sebastian b. sa mga bayaning dugo c. tula para kay Selya d. oy, Kulas
___ 9. Karaniwang ginagamit ang mga pantukoy na ngalang-tangi ng tao sa pangalan ng tao. Ngunit nagagamit din namán
sa mga di-tunay na ngalang-tao. Ano ang tinutukoy ng pantukoy sa taludtod na: “ako’y si Palaka, anak ng Kondeng mababa”
a. bansag b. angkan c. palayaw d. ngalan ng hayop
___ 10. Ang mga salita o bahagi ng pangungusap na nagpapakilala ng tao, bagay, lunan, gawa o pangyayari, ay tinatawag na
__________.
a. Ngalan b. Pantukoy c. Pangngalan d. Pangalan
___ 11. Alin sa mga pangungusap tungkol sa kaligiran at kahulugan ng pantukoy ang HINDI TOTOO.
a. Kailanman, ang mga pantukoy na si at sina ay di naaaring mawalay o alisin sa unahan ng alin mang tinutukoy na ngalang
panangi.
b. Hindi lamang sa mga pangngalan naipang-uuna ang mga pantukoy kundi sa mga pandiwa rin.
c. Ang mga pantukoy na patawag ay walang sadyang kataga. Nauukol ito sa pagtawag, pag-uutos o pagdalangin.
d. Hindi maaari ang mga ngalangtao ay pantukuyan ng balana, kapag ang pagtukoy ay pinasisigla pa ng isang panghalíp na
pamatlig.
___ 12. “Ang nakabitin ay patay na tao.”Ano-ano ang mga pangngalan na ginamit sa pangungusap?
a. tao b. nakabitin, tao c. nakabitin d. nakabitin, patay, tao
___ 13. Ito ay kaligiran ng pangangalan kung saan tinutukoy ang pinagbuhatan ng ng salita.
a. kalikasan b. kaurian c. kaanyuan d. kailanan
___ 14. Ang mga sumusunod na halimbawa ng salita ay naglalalahad ng katangian ng pagiging lalaki ng pangngalan,
MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. siyaho b. inso c. tandang d. dagahin
___ 15. Ang Kalikasan ng mga sumusunod na pangngalan ay likha, MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. paraluman b. banyuhay c. agham d. aliw-iw

Email add.: lipocco1997@gmail.com|Mobile No.: 0912-7609628|Official Facebook Page: Limay Polytechnic College
___ 16. Ito ay kalikasan ng pangngalan na tumutukoy sa mga salitang nagkaroon ng adaptasyon mula sa pinagmulang wika
tungo sa wikang Filipino. Ano ito?
a. likas b. likha c. ligaw d. pambalana
___ 17. Ang mga sumusunod na salita ay pangtanging pambalana, MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. DAIGDIG b. FILIBUSTERISMO c. PAGSASALITA d. LAHI
___ 18. Ano ang pinagkaiba ng pangngalang pantangi sa pangalang pambalana?
a. Ang pangalang pantangi ay basal samantalang ang pangngalang pambalana nama’y tiyak
b. Ang pangalang pantangi ay sinusulat nang maliliit na titik samantalang sa pangngalang pambalana naman ay sinusulat ng
malaki unang titik ng salita.
c. Ang pangalang pantangi ay tiyak samantalang ang pangngalang pambalana nama’y masaklaw
d. Ang pangalang pantangi ay tumutukoy sa ngalan ng tao o hayop samantanlang ang pangngalang pambalana nama’y
malawak.
___ 17. Kung ang kasarian ng pangngalan ay hindi tiyak o walang kasarian gaya ng: apoy, tubig, nayon, bayan atbp. Ito ay
tinatawag na __________.
a. pambalaki b. panlabae c. basal d. baligtaran
___ 18. Alin sa mga sumusunod na salita ang may katuturan ng pangngalan na lansak?
a. yaman b. katibayan c. buwig d. tao
___ 19. Ito ay kaligiran ng pangngalan na tumutukoy sa estruktura, anyo o kabuuan ng mga salita.
a. katuturan ng pangngalan b. kaanyuan ng pangngalan
c. kalikasan ng pangngalan d. kaurian ng pangngalan
___ 20. Ang mga salitang gaya ng: kaisipan, katungkulan, katapangan ay halimbawa ng mga pangngalang __________.
a. basal b. hango c. lansak d. tahas
___ 21. Ito ay uri ng salitang maylapi na masasalamin sa mga salitang gaya ng: pagsikapan at magbahayan.
a. unlapi b. gitlapi c. hulapi d. wala sa nabanggit
___ 22. Alin sa mga sumusunod na salitang (tila) inuulit ang may kahulugang pagkain nang sama-sama.
a. salo-salo b. salusalo c. salu-salo d. salosalo
___ 23. Alin sa mga salitang nakasulat nang pahilis sa loob ng pangungusap ang pantukoy?
a. Sila ay nagtatrabaho nang husto upang itustos sa gamot ng kanilang ina.
b. Sina Joy, Elena at Ellen ang kasabay kong natanggap dito.
c. Hindi nila Nakita ang sasakyan ng kanilang idolo.
d. Walang salitang kila, kaya ito ay hindi karapat-dapat na gamitin.
___ 24. Alin sa mga sumusunod na lipon ng salita ang ganap na inuulit?
a. tatakbo, tatalon, sisigaw b.paruparo, sarisari, binibini
c. anak-anakan, simba-simbahan d. wala sa nabanggit
___ 25. Alin sa mga sumusunod na salitang ang HINDI wasto ang pagbabaybay?
a. dahong-palay b. kahoy-gubat c. dalan-tao d. anak-araw
___ 26. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI malatambalan?
a. bahay-kubo b. bantay-salakay c. tubig-alat d. basag-ulo
___ 27. Alin sa mga sumusunod na lipon ng salita ang mayroong naiiba.
a. daang-taon, bagong-taon, dalang-tao b. kakanggata, hampaslupa, gantimpala
c. lalawigan, papawirin, sasakyan d. kababayan, kababalaghan, kalalabisan
___ 28. Alin sa mga sumusunod na salita ang ganap na inuulit?
a. alaala b. gunamgunam c. gamugamo d. nilaynilay
___ 29. Alin sa mga sumusunod na salitang nakasulat nang pahilis sa loob ng pangungusap o parirala ang pangngalan?
a. ang pakikipagsalitaan sa pipi ay mahirap
b. di-bagay sa pandarayuhan ang mahihinang loób
c. ang mag-ibigan ay likas sa tao
d. ang panggagamot ay di gawain ng mangmáng
___ 30. Ang mga sumusunod na salita ay pangalan, MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. Tomas Pinpin b. pag-uumpugan c. ipinahayag d. pagbabasa
___ 31. Anong lipon ng salita na nakalahad ang ganap na wasto ang pagbabaybay?
a. sangaklatan, sangsipan, sangusapan b. sangbahayan, sangbayanan, sangpamandawan
c. sangdaigdigan, sanglibutan, sangtinakpan d. sang-agahan, sangpananghalian, sanghapunan
___ 32. Ang unlaping palá, sa ganáng sarili, ay makauring talagá. Kayâ lamang nakagagawâ ng pangngalan ay kung
natútuwangán ng hulaping an o han. Kahit na in o hin ang mákatuwáng, ay pang-urì rin ang nagagawâ. Alin sa mga
sumusunod na katuturan ang HINDI wasto batay sa panlaping ito?
a. Nagsasaad ng katangian, paglalarawan o pag-uuri sa inilalahad ng salitang-ugat
b. Nagsasaád ng lunán o kasangkapang lagì nang pinagpápatakaran o ginagamit sa paglalagáy, pag-iingat o pagpapairal ng
bagay na sinasabi ng salitáng-ugát.
c. Nagsasaád ng paraán, ugalì o súliraning ukol sa sinasabi ng salitáng-ugát.
d. Nagsasaád ng sining o katipunan ng mga tuntunin sa pagsusuri’t pag-aaral ng mga karunungan.
___ 33. Alin sa mga sumusunod na salita ang pangngalan?

Email add.: lipocco1997@gmail.com|Mobile No.: 0912-7609628|Official Facebook Page: Limay Polytechnic College
a. patiwakal b. patikatik c. patiwarik d. patilamsik
___ 34. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagsasaad ng lunan?
a. palasurian b. palabunutan c. palaisdaan d. palatuntunan
___ 35. Alin sa mga sumusunod na salita na may panlaping sang, sam, san ang HINDI naglalahad ng kalagayang pagiging
buo?
a. sampu, sandali b. sandaigdig, santinakpan
c. sangkalupaan, sangkapuluan d. sangkalangitan, sansinukob
___ 36. mapag-akit : mapang-akit
mapaghimasok ; mapanghimasok
mapaghiganti : mapanghiganti
Ano ang pinagkaiba ng mga salitang nasa hanay ng “mapag” at hanay ng “mapang?”
a. Ang “mapag” ay pangngalan samantalang ang “mapang” ay pang-uri.
b. Ang “mapag” ay nauukol sa sarili at ang “mapang” naman ay sa iba.
c. Ang “mapag” ay tumutukoy sa lunan at ang “mapang” naman ay sa aksiyon.
d. Ang “mapag” ay pang-isahan at ang “mapang” ay pangmaramihan.
___ 37. Alin sa mga sumusunod na panlapi ang nagsasaad ng “kadalasan, palagian at pag-uugali”
a. sa tuwina b. parati c. pala- d. –an, han
___ 38. Alin sa mga sumusunod na tambalang salita ang tambingan o ang paggawa ng isang bagay na siya ring gawa ng isa
pa?
a. kaututang-dila b. pikit-mata c. lipos-galak d. tabas-suklay
___ 39. Ang mga sumusunod na tambalang salita ay naglalahad ng pagka-alanganing kahulugan. Alin sa mga ito ang
nangangahulugang pagkakahalo ng dalawang uri, o naging kapupunan ng isa.
a. magandang-pangit b. matabang-pandak c. maraming-kakaunti d. mahinang-malakas
___ 40. Alin sa mga sumusunod na tambalang salita ang pinagtambal ng isang pandiwa at isang pangngalan?
a. nagmumurangkamatis b. labas-masok c, urong-sulong d. tulak-kabig
___ 41. Ang mga pantukoy na __________ ginagamit kung tinuturól o binabanggít nang tíyakan ang pangalan ng tao o ng
bagay na isinasaysáy o pinag-úusapan.
a. palagyo b. paari c. paari d. palayon
___ 42. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng pananalita ang tinaguriang mga nominal?
a. pangngalan at panghalip b. pandiwa at pang-abay
c. pang-uri at pang-abay c. pantukoy at pang-angkop
___ 43. Alin sa mga sumusunod na salita o kataga ang saklaw ng salitang pangkayarian?
a. mabilis b. Juan Luna c. ito d. agad
___ 44. Ang mga sumusunod na pangungusap ay wasto, MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. Kargador din ang ama niya.
b. Ang kalagayan daw ng kanyang kapatid ay lumalala.
c. Ipagpapaalam raw po naming sa may-ari.
d. Magandang gabi rin.
___ 45. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng pananalita ang tinaguriang mga panuring?
a. pangngalan at panghalip b. pandiwa at pang-abay
c. pang-uri at pang-abay c. pantukoy at pang-angkop
___ 46. Alin sa mga sumsunod na Hindi Letra ang tumutukoy sa tuldik na pahilis na sumisimbolo sa diin at/o haba?
a.( ‘ ) b. ( ˆ ) c. ( ˋ ) d. ( ? )
___ 47. ___ 1. Matapos ang inisyal na lagnat, nagkakaroon ng mas maraming seryosong sintomas ang pasyente na senyales
ng tinatawag na dengue hemorrhagic fever. Kinabibilangan ito ng: Senyales ng pagdurugo tulad ng namumulang patse na
katulad ng mga pasa o kaya maliliit na pulang batik; pagdurugo sa ilong, bibig at gilagid; pagsusuka ng dugo at pagdudumi
na sobrang maitim. Matinding sakit sa tiyan at senyales ng pagkagimbal __________ pag-aaral na isinagawa ng World Heath
Organization (WHO). Anong ekspresyon ang angkop sa patlang?
a. sa inaakala ng b. sa tingin ng c. batay sa d. ayon sa palagay ng
___ 48. Ang Mass Testing ay walang dudang may direktang kaugnayan sa mabilis na pagsugpo ng lipunan sa Covid19. Ang
salitang may salungguhit ay nagsasaad ng _________.
a. Nagsasaad ng Kondisyon o Pasubali b. Paglalahat c. Pagtitiyak o Pagpapasidhi d. Pagbubukod o Paghihiwalay
___ 49. Alin sa mga sumusunod na ekspresyon ang nagpapahayag ng pagtaliwas, hindi pagsang-ayon o pag-iiba ng paksa o
pananaw?
a. Sang-ayon b. Sa kabilang dako c. Pinaniniwalaan d. Samantala
___ 50. Inayos nina Santiago at Tiangco ang pag-uuri ng mga bahagi ng pananalita na inilahad ni Lope K. Santos. Mapapansin
na inasimila nina Santiago ang tinatawag na “pandamdam” ni Santos at pinalitan ng __________.
a. pananda b. pangawing c. ingklitik d. panamdam

Email add.: lipocco1997@gmail.com|Mobile No.: 0912-7609628|Official Facebook Page: Limay Polytechnic College

You might also like