You are on page 1of 3

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 6

Pangalan: ____________________________________ Iskor: K_____ P _____ U _____


Baitang 6 – St. Vincent de Paul G. Bryan V. Esguerra

I. KAALAMAN AT KAKAYAHANG TEKNIKAL

A. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Basahin at unawain ang mga pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga pahayag na may diin
sa bawat isa. Piliin ang iyong sagot sa kahon at isulat ang titik ng iyong sagot bago ang bawat
bilang.

a. pagtutulungan b. biyaya ng Diyos c. kabaligtaran

d. imposible e. walang itinatago

______ 1. Bukas na aklat sa lahat ng mamamayan ang prosesong pinagdadaanan ng bawat


proyekto ng pamahalaan.
______ 2. Itinuring ng mga tao na hulog ng langit ang kanilang bagong alkalde.
______ 3. Wari’y suntok sa buwan ang desisyong kanilang ginawa.
______ 4. Ang pagkakapit-bisig ng lahat ang susi ng matagumpay na proyekto.
______ 5. Sadyang kabalintunaan ng mga naunang pinuno ang bagong halal na pangulo.

B. Gramatika

______ 6. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang nasa loob ng kahon?
Ang galing!

a. padamdam b. panawag c. pamanahon d. panlipunan

______ 7. Alin sa mga sumunusod ang hindi dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang uri
nito?

a. Tipunin ang mga kalat sa bakuran.


b. Ang buong bahay ay linisin mo.
c. Ibukod mo ang mga basurang iyan.
d. Ang malinis na kapaligiran ay magandang pagmasdan.

______ 8. Anong uri ng pangungusap ayon sa pagkakabuo ang pangungusap na nasa ibaba?

Ang malinis na kapaligiran at malinis na katawan ay dapat asamin ng lahat.

a. Payak b. Tambalan c. Hugnayan d. Langkapan

______ 9. Anong uri ng sugnay ang nakasalungguhit sa pangungusap?

Gumawa tayo ng paraan upang masagip ang kapaligiran.

a. makapag-iisa c. karaniwan
b. di-makapag-iisa d. di-karaniwan

______ 10. Anong uri ng pangungusap ayon sa gamit ang nakasulat sa ibaba?

Wow, napakaganda ng iyong tahanan!

a. pasalaysay c. patanong
b. pautos d. padamdam
______ 11. Anong bahagi ng pananalita ang ginamit bilang simuno ng sumusunod na
pangungusap?

Siya ang kauna-unahang pangulo ng kanilang organisasyon.

a. pangngalan c. pandiwa
b. panghalip d. pang-uri
______ 12. Anong bahagi ng pananalita ang ginamit bilang panaguri ng sumusunod na
pangungusap?

Ipinaglaban nila ang kanilang mga karapatan.

a. pang-abay c. pandiwa
b. panghalip d. pang-uri

______ 13. Anong uri ng liham ang nagsasaad ng intensiyon upang makapagtrabaho?

a. Liham Paanyaya c. Liham ng Pamimili


b. Liham Pagbati d. Liham ng Aplikasyon

______ 14. Anong bantas ang ginagamit sa bating panimula sa liham-pangalakal?

a. Tuldok (.) c. kuwit (,)


b. Tutuldok (:) d. gitling (-)

______ 15. Sa anong bahagi ng liham isinusulat ang pangalan ng taong sumulat?

a. pamuhatan c. bating panimula


b. patunguhan d. lagda

II. PAMAMARAAN

PAGSULAT NG LIHAM

Sumulat ka ng isang liham-pangkaibigan na maghahatid ng iyong kaligayahan at


pasasalamat sa iyong gurong-tagapayo para sa kanyang ginawang dedikasyon at sakripisyo sa
inyong mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong taong-panuruan.
Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng isang liham-pangkaibigan at kumpletong
bahagi nito. Isulat ang iyong liham sa isang bukod na malinis na papel.

PAMANTAYAN:
 Nilalaman (Mensahe) - 10 puntos
 Organisasyon (Pormat) - 10 puntos
 Gramatika (Wastong bantas at baybay) - 7 puntos
 Pagkamalikhain (Kaayusan) - 5 puntos
 Kalinisan - 3 puntos

III. PAG-UNAWA

GAWAING PAGGANAP: SABAYANG PAGBIGKAS

Pagkatapos kayong pangkatin at magsanay sa nakatokang madamdaming pagpapapahayag,


ikaw ay magiging artista o mambibigkas sa entablado. Ipakikita ng inyong pangkat ang sabayang
pagbigkas na inyong pinaghandaan.

PAMANTAYAN:

You might also like