You are on page 1of 10

Activity Sheets (4th Quarter)

Magbigay ng tatlong (3) tungkulin ng Ina at ng Anak. Isulat ang mga ito sa loob ng
kahon. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba sa inyong sagutang papel.

1. 1.

2. 2.

3. 3.

1. Bilang anak, alin sa mga tungkulin ng ina na nagampanan ang di mo kayang mawala?
Bakit?

2. Bilang isang anak, alin diyan ang pangunahin mong tungkulin sa iyong Ina?

3. Kung may mga pagkakataon na di kayang gampanan ng iyong ina ang kanyang tungkulin,
ano kaya ang iyong gagawin? Ipaliwanag.
Activity Sheets (4th Quarter)

Character Map: Bilang panimulang gawain, magtala ka ng


mga salitang maaaring makapaglalahad sa mga katangian at
nagawa ni Dr. Jose Rizal noong siya ay nabubuhay hanggang sa
kasalukuyan. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong sagutang papel.
Ang una ay ginawa na para sa iyo.

Panimulang Gawain:

1
1. 4.

2.
5.

3. 6.
Activity Sheets (4th Quarter)

Isulat ang pangyayaring nasa buod na nagsasaad ng kaisipang hinihingi sa bawat kahon.

Formative Test (Q4)


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong kaisipang nakapaloob sa sitwasyong ito: “Pagsasagawa ng indulhensiya sa
kaluluwa ng yumaong kamag-anak.”
A. pamamalakad ng pamahalaan C. palupitan sa kapwa
B. paniniwala sa Diyos D. kayamanan at kahirapan
2. Ang paglabag sa karapatang pantao ay napabilang sa kaisipang _ .
A. pamamalakad ng pamahalaan C. kalupitan sa kapwa
B. paniniwala sa Diyos D. kayamanan at kahirapan
3. Saan nangyari ang pagpupulong ng mga namumuno sa bayan at sa nayon ng San Diego?
A. tribunal C. simbahan
B. plasa D. kabisera
4. Ito ay mga sandatang panugis ng mga tulisan, maliban sa:
A. baril C. patalim
B. sable D. sibat
5. Ano ang nakasabit sa dulong dingding ng bulwagan na may kurtina?
A. platapormang kahoy C. larawan ng hari ng Espanya
B. lumang silyon D. larawan ni Don Filipo
6. Mabulaklak ang pananalita ni Kapitan Basilio sa kanyang hinaing plano. Ang kahulugan ng
sinalungguhitang matalinghagang salita ay _ _.
A. maraming sinasabi C. may bulaklak ang kanyang dila
B. nakakaenganyong pananalita D. magalang na pagsasalita
7. Ano-anong mga partido ang nakaupo sa pagpupulong?
A. Conservador at Liberal C. Liberal at Pulis-munisipyo
B. Conservador at Kunsumidor D. Kunsumidor at Pulis-munisipyo
8. Lahat ng nabanggit ay may kaugnayan kay Don Filipo, maliban sa:
A. kapitan sa bayan ng San Diego C. mahilig magbasa ng Latin
B. isang tenyente mayor D. asawa ni Donya Teodora
9. Ano ang pinag-uusapan sa pagpupulong ng mga namumuno sa bayan?
A. ang yumaong si Don Rafael C. ang pagpapatayo ng paaralan
B. ang kapistahan D. ang plataporma ng pamahalaan
10. Isang mayor ang iyong tatay sa lungsod na inalukan ng malaking porsyento ng gusaling kanyang
ipapatayo kung sakaling sila ang kuning kontraktor. Ngunit napag-alaman niya na ang materyales na
gagamitin ay hindi mabisa. Ano sa palagay mo ang nararapat gawin ng iyong tatay?

A. tanggapin ang alok para makakuha ng malaking pera


B. kausapin ang nag-alok at sabihing maaaring magdulot ito ng aksidente
C. magpupulong-pulong kasama ang miyembro ng sanggunian sa lungsod
at pag-usapan ang alok
D. hindi tanggapin ang alok
Formative Test (Q4)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga magkatambal na salita ang nagpapahiwatig ng konotatibong


pagpapakahulugan?
A. ahas – traydor C. ilaw - liwanag
B. buwaya – hayop D. bola – bilog
2. Alin sa mga pares na salita sa ibaba ang nagsasaad ng pagkasalungat?
A. ipinagtulos – ipinagtirik C. maringal – magarbo
B. nagpalahaw – nakatulog D. nalimas – naubos
3. Hindi matantiya ang paghahandang ginawa ng mamamayan sa San Diego para sa
kanilang kapistahan. Ano ang ibig sabihin ng nakadiing salita?
A. matanto C. masukat
B. marangya D. maihambing
4. Ang konotasyong pagpapakahulugan ng salitang buwaya ay:
A. isang uri ng reptilyang hayop C. malaking tao
B. gahaman sa kapangyarihan D. gumagapang na hayop
5. Alin sa mga salita sa pangungusap ang context clue na kahulugan ng
sinalungguhitang salita? “Hindi tayo makaiilak ng sapat na pondo kung hindi tayo
hihingi ng donasyon sa taong may kapangyarihan sa lipunan.”
A. hihingi C. donasyon
B. kapangyarihan D. sapat na pondo
6. “Balot na ng lumot ang mga durog na bato.” Anong uri ng pagbibigay-pahiwatig sa
kahulugan ang pagkagamit ng salitang lumot sa pangungusap?
A. Context clues C. Konotasyon
B. Denotasyon D. Wala sa pagpipilian
7. Ano ang ibig ipahiwatig sa laman ng sermon na “Malaki man o maliit ay walang
itinatangi ang Panginoon”?
A. Mayaman man o mahirap ay anak ng Diyos.
B. Matangkad man o pandak ay pantay sa mata ng Diyos.
C. Mabait man o masamang tao ay mahalaga sa mata ng Diyos.
D. Lahat ng nabanggit.
Para sa bilang 8-10
Panuto: Hanapin sa pangungusap ang dalawang salitang
magkasingkahulugan.

8. Sinabihan si Gem ng hampaslupa sapagkat sila ay mahirap.


9. Tinuligsa ng mga pulis ang anak na bumatikos sa sariling magulang.
10. Tigilan mo ang iyong kabaliwan! Kalokohan ‘yang mga sinasabi mo.

Panuto: Batay sa iyong paniniwala o naging karanasan tuwing pista, itala sa graphic
kaugnayan sa salitang “PISTA”. Sundin ang pormat na nasa ibaba.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang
sa inyong sagutang papel.

1. Ang salita ay napapangkat ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito. Anong uri ng salita ang
karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na usapan?
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
2. Ang mga pormal na salita ay karaniwang ginagamit sa .
a. kanto c. paaralan
b. partikular na pook d. lalawigan
3. Alin sa sumusunod na mga salita ang nabibilang sa salitang kolokyal?
a. lespu b. pinoy c. dehins d. mandirigma
4. Ang mga salitang kaon, biag, at ngarud ay nabibilang sa mga salitang _ .
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
5. Huwag na natin siyang abalahin. Moment niya ito eh. Ang sinalungguhitang mga salita ay
halimbawa ng mga salitang _ .
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
6. Alin ang tamang pagkakaayos ng mga salita ayon sa antas ng pormalidad?
a. misis, maybahay, asawa c. maybahay, misis, asawa
b. asawa, maybahay, misis d. misis, asawa, maybahay
7. “Labis na lumuha ang kapatid kong babae. Sa kabila ng patong-patong na kalungkutan at
kasawiang-palad na dumating sa buhay namin ay hindi pa rin niya malimot ang lalaking
kanyang minahal.” Anong damdamin ang namayani sa pahayag?
a. pagkabalisa b. umaasa c. nangungulila d. natatakot
8. “Kaibigan, gustuhin man nating gawin iyan ay kapwa tayo hindi magtatagumpay.’’ Anong
damdamin ang namayani sa pahayag?
a. nadidismaya b. nalulungkot c. nababahala d. nagsisisi
9. “Salamat po, ginoo, sa pakikitungo ninyo sa akin.” Ano ang damdamin sa pahayag?
a. nasiyahan b. namangha c. nabigla d. nainis
10. Ano ang angkop na gagawin kung ikaw ay pinagbintangan sa kasalanang hindi mo nagawa?
a. Lisanin ang lugar at manirahan sa ibang bansa.
b. Kakausapin nang maayos at lulutasin sa wastong paraan.
c. Hihingi ng tulong mula sa mga kapamilya at mga kaibigan.
d. Maninindigang hindi ko ginawa ang ibinintang na kasalanan.
Panuto: Balikan ang isang karanasan sa iyong buhay. Ilahad ang kahulugan ng karanasan na ito
sa iyo at ang iyong natutunan mula rito. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba na
gagawin sa sagutang papel.

Ang Aking Karanasan Kahulugan Nito sa Aking Ang Aking Natutunan


Buhay
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong
sagutang papel.

1. Ang mga pahayag na ito ay nagpapahayag ng positibong opinyon maliban


sa:
a. Oo nga.. c. Sang-ayon ako…
b. Hindi totoong… d. Tunay na…
2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamitin sa pagbibigay ng negatibong opinyon?
a. Iyan ang nararapat… c. Hindi ako sang-ayon…
b. Ganyan din ang iniisip ko… d. Sa palagay ko…
3. “Ano ang dapat kong gawin?” bulong niya at patakbong umalis. Anong damdamin ang
namayani sa pahayag?
a. pagkalito b. pagkainip c. paghanga d. pagdududa
4. Sa anong paraan maaaring mararanasan ang paglilitis sa korte?
a. pagsulat ng monologo c. pakikinig sa radyo
b. panonood sa telebisyon d. pagsali sa isang Mock Trial
5. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-ibig sa bayan maliban sa:
a. pagsali sa mga kilusan
b. pagtulong sa mga layunin ng pamahalaan
c. paglingkod nang tapat sa bayan
d. pagsunod sa mga batas at alintutunin
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?
a. Ikinalulungkot ko sapagkat hindi tama ang iyong gagawin.
b. Tunay ngang magaling ang iyong naisip na solusyon.
c. Hindi totoong makatutulong ang iyong suhestiyon.
d. Nauunawaan ko ang iyong sinabi subalit kailangan natin ng mas angkop na solusyon.
7. Ano ang nararapat gawin kung ikaw ay magbibigay ng opinyon?
a. Magpahayag kung ano lang ang iyong nalalaman.
b. Magmasid sa mga opinyon ng iba.
c. Magsaliksik upang mas may sapat na kaalaman.
d. Makinig ng mga balita mula sa ibang tao.
8. Ang pagbibigay ng opinyon o paninindigan ay nagpapakita ng _.
a. pakikipagtalo sa kapwa
b. palamangan ng mga kaalaman
c. pakikipagbahagi sa mga pangyayari sa paligid
d. pahabaan ng mga sagot o paliwanag sa mga isyu
9. Anong magandang ugali ang maipapakita sa pagtanggap ng opinyon ng iba?
a. tapat sa sarili c. bukas ang isipan
b. magalang sa kapwa d. matulungin sa iba
10. “Masdan ninyo akong mabuti; makatarungan bang ako’y magtiis samantalang kayo’y buhay,
nagmamahal, may kayamanan, may tahanan, at karangalan – kayo’y buhay, buhay!” Anong
damdamin angmnamayani sa pahayag?
a. pagkabalisa b. pagkatuwa c. pagkalungkot d. pagkagali

You might also like