You are on page 1of 8

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Filipino 7

Pangalan: _________________________________________ Puntos: _____________________

I. PAKIKINIG
Panuto: Pakinggan ang babasahin ng inyong guro. Piliin ang wastong sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?
A. ama B. Aryan C. Cala D. ina

2. Ano ang naging damdamin ng ina sa akda?


A. Nagagalit sa sitwasyon C. Nalulungkot sa sitwasyon
B. Natanggap na ang sitwasyon D. Nasisiyahan sa sitwasyon

3. Sa aling bagay nakita ng mga magulang ang mga katangian ni Aryan?


A. . bata B. gubat C. halaman D. kawayan

4. Bakit natanggap ng ina ang nangyari sa bata?


A. Mayroong iniiwasan ang kaniyang ina C. Hindi niya nalimutan ang payo
B. Matalino siyang bata D. Malaki na siya.

5. Paano nasabi ng mga magulang na ang halaman ay ang kanilang anak?


A. Kakulay ng halaman ang suot ng bata C. Kahawig ng halaman ang bata
B. Nakayuko ang katangian ng halaman D. Paboritong halaman ng bata

II. PAGSASALITA
Panuto: Piliin ang wastong sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
A. TALASALITAAN
Para sa bilang 6-7
“Nagnakaw ka ng bigas ko,

Umulwa sana ang mata mo,

Mamaga ang katawan mo

Patayin ka ng mga anito”

6. Batay sa awiting-bayang binasa, anong antas ng wika kabilang ang salitang umulwa?
A. Balbal B. Kolokyal C. Pambansa D. Pampanitikan

7. Anong antas ng wika kabilang ang salitang anito?


A. Balbal B. Kolokyal C. Pambansa D. Teknikal
Para sa bilang 8-9
At tsaka mayro'n pang
Labanos, mustasa

Sibuyas, kamatis, bawang at luya

Sa paligid-ligid ay puno ng linga.

8. Ibigay ang kolokyal na anyo ng salitang mayro’n.


A. mayroon B. mayron C. meron D. meyron

9. Anong antas ng wika kabilang ang salitang paligid-ligid?


A. Balbal B. Kolokyal C. Pambansa D. Teknikal

Para sa nilang 10-11

Batang munti,

Matulog na

Wala rito

Ang iyong nanay;

Siya’y bumili ng tinapay

Batang munti,

Matulog na.

10. Anong antas ng wika kabilang ang salitang munti?


A. Balbal B. Kolokyal C. Pampanitikan D. Teknikal

11. Anong antas ng wika kabilang ang salitang nanay?


A. Teknikal B. Pambansa C. Kolokyal D. Balbal

12. Anong antas ng wika kabilang ang lirikong “namasol sa karagatan” mula sa awiting-bayang Si Felimon, Si
Felimon?
A. Teknikal B. Lalawiganin C. Kolokyal D. Balbal

13. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika, “Inay, igagalang ko ang gusto mo.” Ano ang
kahulugan ng salitang naumid?
A. di-nakapag-isip B. di-nakapagsalita C. di-nagulat D. di-nabahala

14. Lingid sa kaalaman ng marami, may kapangyarihan ang Binatang makipag-usap sa mga hayop at insekto. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. alam ng lahat B. hindi alam ng lahat C. ipinagsabi sa tao D. tanyag sa lahat

15. Mula sa akdang ‘Alamat ng Bundok Kanlaon’, naghandog si Laon ng dote kay Datu Ramilon. Ano ang kahulugan
ng salitang dote?
A. Pagbibigay ng salipi o ari-arian ng lalaki sa pamilya ng babaeng pakakasalan.
B. Pagpapakita ng kakisigan ng lalaki.
C. Pagbibigay galang at pagmamano.
D. Wala sa nabanggit.

16. Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang bola?


A. bato B. laruan C. nalaman D. pahayag

17. Ano naman ang konotasyong kahulugan ng bola kapag ginamit sa pangungusap na:”Ayaw ko ng bola”, pahayag
ng dalaga sa isang manliligaw.
A. bato B. binibiro C. laruan D. tinatawanan

18. Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw sapagkat kaagad siyang lumaki pagkasilang pa lamang niya. Ano ang kasing
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nakagugulat B. nakamamangha C. nakatatakot D. nakatutuwa

19. Hindi niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa mata. Ano ang kasing-kahulugan ng salitang pagdaloy?
A. pag-alis B. pagkalat C. pagtagos D. pagtulo
B. GRAMATIKA AT RETORIKA
20. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw. Anong uring pahambing ang may salungguhit?
A. Pahambing na di-magkatulad C. Palamang
B. Pahambing na magkatulad D. Pasahol

21. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon. Anong uring
pahambing ang may salungguhit?
A. Pahambing na magkatulad C. Pasahol
B. Palamang D. wala sa nabanggit

22. Sa pahayag na: “ Di hamak na matangkad si Romeo sa kaniyang kapatid.”, anong uring pahambing ang
sinalungguhitan sa pangungusap?
A. magkatulad B. palamang C. pasahol D. pasukdol

23. ______________ si Maria at Josefina. Anong uring pahambing ang akma sa loob ng pangungusap.
A. Kapwa maganda B. Malaki-laki kaysa C. Mas matangkad D. Matalino kaysa

24. Si Lilybeth ay _________________ ni Jasmine, kaya wala siyang masyadong kaibigan. Anong uri ng pahambing
na di magkatulad ang akma sa pangungusap.
A. Di-lubhang palakibo tulad C. Malaki-laki kaysa
B. Magkasing talino D. Mas magaling kaysa

25. ______________ ng perlas ang mga puting damit ni Joselito. Anong uring pahambing na magkatulad ang akma sa
loob ng pangungusap.
A. Kapwa maputi B. Kasimputi C. Kasinlaki D. Mas malinis

C. PANITKAN
Para sa bilang 26-28
Bahay kubo, kahit munti

Ang halaman doon ay sari-sari.

Singkamas at talong, sigarilyas at mani

Sitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo’t kalabasa

At saka mayroon pang labanos, mustasa,

Sibuyas, kamatis, bawang at luya

Sa paligid-ligid ay puro linga.

26. Anong uri ng awiting-bayan ang awiting Bahay-kubo?


A. Ombayi B. Omiguing C. Sambotani D. Tingud
27. Ano sa tingin niyo ang pangunahing kabuhayan ng mga tao batay sa awiting Bahay-kubo?
A. Pagtatanim B. Pangangaso C. Pangingisda D. Pagsibak ng kahoy

28. Anong pag-uugali ng mga Pilipino ang masasalamin sa awiting Bahay-kubo?


A. Madamot B. Mapagmataas C. Masipag D. Matalino

Para sa bilang 29-30

Manang Biday, ilukat mo man

‘Ta bintana ikalumbabam

Ta kitaem ‘toy kinayawan

Ay, matayakon no dinak kaasian

29. Anong kultura ng mga Pilipino ang masaalamin sa awiting-bayang Manang Biday?
A. Maalalahanin B. Maalaga C. Mapagmahal D. Masipag

30. Kailan isinasagawa ang Kundimang awitin?


A. Pananalangin B. Pangingisda C. Panliligaw D. Pagtatagumpay
III. PAGBASA
Panuto: Basahin ang bawat teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Para sa bilang 31-32


Naalala niyang nagnakaw siya noong nakaraang araw ngunit hindi siya natatakot sa paggawa ng kasalanang ito sa
Diyos na lumikha sa kaniya. Nanginginig ang buong katawan ni Crispin sa malaking takot sa Diyos na nagmamay-
ari ng kaniyang buhay. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng mga luha sa mata.

31. Kung ikaw ay aatasang dugtungan ang sumusunod na pangyayari, anong uri ng teksto ang iyong mabubuo?
A. Naglalahad B. Nagsasalaysay C. Nangangatuwiran D. Naglalarawan

32. Buhat sa binasang teksto, ano ang ipinahihiwatig ng pagdaloy ng luha sa mata ni Crispin nang mapatingin siya sa
imahe ng Diyos?
A. May takot siya sa Diyos
B. Matibay ang pananampalataya sa Diyos
C. Nakakaramdam siya ng takot habang nagdadasal
D. May naaalaala siya habang nakatingin sa larawan ng Diyos

33. Anong pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa pahayag ni Prinsesa Talisay na, "aking Amang Hari, kung
ako na lamang ang tanging pag-asa upang matigil ang pamiminsala ng ulupong ako po ay pumapayag na maging
alay.“?
A. Pagpapahalaga sa kalikasan . C. Pagpapahalaga sa pamilya
B. Pagpapahalaga sa kapuwa D. Pagmamahal sa sarili

34. Ano ang katangiang nangibabaw sa tauhang si Fel sa dulang Patria Amanda?
A. Pagiging matiyaga C. Pagiging masipag
B. Pagiging matalino D. Pagiging mabait

35. Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan katulad ng epiko?
A. Pagbabasa ng mga akda tuwing oras ng asignaturang Filipino lamang.
B. Pagbubuo ng katulad na akda nang may sariling bersiyon nito.
C. Paghihikayat sa kapuwa mag-aaral na basahin at unawain ito.
D. Pagbabahagi ng mga mensahe ng akda sa kapuwa.

Para sa bilang 36

Sa tibay ng pag-iibigan nina Kang at Laon, natagpuan ang kanilang bangkay na magkayakap. Di nagtagal ay may
lumitaw na munting burol sa kinamatayan ng magkasintahan.

36. Anong katangian ang ipinakita ni Kang at Laon sa Alamat?


A. Labis na galit B. Labis na inggit C. Labis na lungkot D. Labis na pagmamahal

Para sa bilang 37-39


Basahin at suriin ang bahagi ng awiting-bayan at bulong sa pamamagitan ng pagtukoy sa mensahe ng mga ito.
Hanapin sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

37. “Sagwan, tayo'y sumagwan


Ang buong kaya'y ibigay. A. nagpapakita ng pagmamahal sa bayan
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tangayin,
Pagsagwa'y pagbutihin.”
B. nananalangin nang hindi maganda sa

38. “Tra, la, la, la. kapuwa bilang ganti sa ginawang masama
Ako’y nagtanim ng binhi,
Sumibol, nabuhay.
Di naglao’t namunga, C. nagbunga ng masaganang ani ang itinanim na
Ang bunga’y naging binhi.” binhi

39. “Nagnakaw ka ng bigas ko


Lumuwa sana ang mata mo’
D. nagpapamalas ng pagtutulungan
Mamaga ang katawan mo
Patayin ka ng anito.”

Para sa bilang 40-41


Hindi tumututol si Datu Ramilon sa pamimintuho ng kalalakihan sa kaniyang anak dahil sa siya ay maunawain at
mapagmahal na ama. Madalas nga niyang sinasabing "ang lalaking maibigan ng aking anak na si Kang ay hindi ko
tututulan. Igagalang ko ang kaniyang kapasiyahan kung ito ang kaniyang ikaliligaya."

40. Ang Bundok Kanlaon ay halimbawa ng akdang pampanitikan na _____________?


A. alamat B. kuwentong-bayan C. epiko D. dula

41. Ano ang dahilan kung bakit hindi tumututol si Datu Ramilon kung sino man ang mapili ni Kang na kasintahan?
A. Dahil siya ay mapagmahal na ama.
B. Dahil wala siyang pakialam sa anak at abala siya sa pamumuno.
C. Dahil takot siya sa anak niyang si Kang kaya’t hindi niya ito pinakikialaman.
D. Dahil sinabihan siya ng kaniyang asawa na huwag makialam sa desisyon ni Kang.

Para sa bilang 42-44


Si Datu Sabunan ng Palawan ay masugid na manliligaw ni Kang. Nagpasiya itong lumusob sa baranggay ni Datu
Ramilon sapagkat nabalitaan nitong ikakasal sina Kang at Laon. Mabilis na iniutos ni Datu Ramilon na harapin ng
kaniyang mga kawal ang kalaban. Naganap ang madugong labanan at sa kasamaang-palad ay nalipol ang pangkat ni
Datu Ramilon, kabilang sina Kang at Laon.

42.Anong katangian mayroon si Datu Sabunan?


A. Masipag B. Makasarili C. Makasarili D. Maalaga

43. Bakit lumusob si Datu Sabunan sa lupain ni Datu Ramilon?


A. Dahil nalaman niyang mayaman ang lugar sa mineral.
B. Dahil nabatid niyang mahina ang pangkat ni Datu Ramilon.
C. Sapagkat nabalitaan niyang ikakasal na sina Kang at Laon.
D. Wala sa nabanggit.

44. Ano ang kinahinatnan ng labanan sa pagitan ni Datu Sabunan at Datu Ramilon?
A. Naging patas ang labanan C. Nakatakas sina Kang at Laon
B. Nagtagumpay si Datu Ramilon D. Natalo si Datu Sabunan

IV. PAGSULAT
Panuto: Piliin ang wastong sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

45. Ang bahagi ng editoryal o pangulong - tudling na ito ay ipinahahayag ang paghihikayat o paglagom upang mabuo
sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal ay ang _______________.
A. Panimula B. Gitna C. Katawan D. Wakas

46. Ang bahagi ng editoryal o pangulong-tudling na binabanggit ang isyu, paksa o balitang tatalakayin ay ang
_______________.
A. Panimula B. Gitna C. Katawan D. Wakas

47. Ang bahagi ng editoryal o pangulong-tudling na ito ay ipinahahayag ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot ay ang
_______________.
A. Panimula B. Gitna C. Katawan D. Wakas

48. Ang editoryal na nanghihikayat ay __________________________.


A. nagpapaliwanag o nagbibigay linaw sa isang isyu.
B. nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa isang isyu.
C. nagbibigay kahulugan ng isang pangyayari o kasalukuyang kalagayan.
D. nag-uukol ng panuri o karangalan sa isang tao o kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga.

49. Ang tinatawag na editoryal o pangulong-tudling ay bahagi ng pahayagan na nagsasaad ng _________________.


A. mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu.
B. nagsasalaysay o naglalarawan ng mga tradisyunal na kultura ng isang lahi.
C. pagkilala sa mga kaugalian, kultura, relihiyon, iba’t ibang ritwal at seremonyas.
D. katotohanang impormasyon ng mga kaugalian, tradisyon, kultura, relihiyong kinabibilangan ng isang lahi

50. Ang ilang mga halimbawa ng mga pahayag at salitang nanghihikayat at ang mga _______________.
A. Naniniwala akong,Siyempre, totoo C. Totoo/tama, tunay, ewan
B. Sama na, Siguro, Ngayon na! D. Tumpak, pero, kaya ko kaya ito

You might also like