You are on page 1of 4

THIRD PERIODICAL EXAMINATION

FILIPINO 6
PANGALAN: _________________________________________________ MARKA: _____________
GRADE/SEKSYON: ____________________GURO: _____________________________________________

Panuto: Basahin ang isang ulat at sagutan ang mga sumusunod na mga tanong.

ANG ATING MGA NINUNO


May tatlong pangkat ng tao ang dumating sa Pilipinas; ang mga Negrito, ang mga Indones at ang mga
Malayo. Sila ang maituturing na mga naunag nanirahan sa Pilipinas. Ang mga Negrito ang mga naunang
pangkat na tao na namalagi rito sa ating kapuluan. Nakarating sila ditto sa pamamagitan ng pagdaan sa mga
lupang tulay. Sila ay maliit, maitim, sarat ang ilong, makapal ang labi, at kulot ang buhok. Nabuhay sila sa
pangangaso , panghuhulli ng isada at pagsasaka. Sumunod na dumating ang Indones na nahti sa dalawang
pangkat. Ang unang pangkat ay nakarating mula sa Timog-Silangang Asya.
Mga Tanong:
1. Sino-sino ang mga ninuno natin batay sa ulat na nabasa?
A. Mga Negrito
B. Mga Indones
C. Mga Malayo
D. Mga Negrito, Indones at Malayo
2. Saang lugar nanggaling ang unang pangkat?
A. Silangang Asya
B. Timog-Silangang Asya
C. Timog Asya
D. Timog-Kanlurang Asya
3. Paano sila nakarating sa Pilipinas?
A. Sa pagsakay sa bangka
B. Sa pagdaan sa lupang tulay
C. Sa paglangoy sa dagat
D. Sa pagsakay sa eroplano

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng iyong sagot.

4. Ano ang tawag sa pagpapaikli ng isang teksto?


A. Pagbibigay ng Tema B. Pagbibigay ng Buod
C. Pagbibigay ng Kahulugan D. Pagbibigay ng Wakas
5. Sa pagbibigay ng buod ay dapat isaalang ang mga bagay na ito maliban sa isa:
A. basahin o pakinggang Mabuti ang teksto.
B. Alamin ang pangunahing diwa o pinakpaksa nito.
C. Iwasan ang pagbibigay ng halimbawa, iba pang detalye o opinion.
D. Isulat ang buong tekstong binasa o napakinggan.

Tukuyin ang mga salita sa pagpapahayag kung ito ay pagsang-ayon o pagsalungat. Isulat ang inyong
sagot sa patlang bago ang bilang.
_____________________6. Tama ka
_____________________ 7. Hindi totoo
______________________8. Ayaw ko

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang sa ibaba at Isulat ang titik ng
iyong sagot sa patlang.
______ 9. Basahin ang talata.
“Hindi sapat na mabuhay lamang tayo para sa sarili. Kailangan din nating mahalin ang kapwa at ang
ating bayan. At higit nating pakamahalin ang ating Poong Lumikha.”
Alin ang pangunahing diwa sa talata?
A. Mahalin lamang ang kapwa.
B. Nawala na ang lahat sa mundo.
C. Tama na ang mabuhay sa mundo.
D. Mahalin ang sarili, kapwa, bayan at Poong Lumikha.
______ 10. Alin ang angkop na pamagat?
Malimit na pinagmulan ng sakit ang maruming kapaligiran. Ang kanal na pinamamahayan ng mga
lamok ay di-pansin ng mga taga-nayon. Sa ilang mga liblib na pook ay kulang pa rin sa palikuran.
Bakit hindi tayo magsama-sama? Hihintayin pa ba nating dumami ang magkakasakit? Kumilos na ang lahat at
linisin ang kapaligiran.
A. Sakit
B. Nayon
C. Polusyon
D. Kapaligiran

Panuto: Gamitin at isulat ang wastong pang-angkop ( na, ng, -ng, g) sa bawat pangungusap.
11. bahay _____ bato
12. kumain _____ mangga
13. madasalin____ tao

Panuto: Piliin at Salungguitan ang angkop na salita na may panlapi sa loob ng panaklong para mabuo
ang diwa ng pangungusap.

14. Isa sa dahilan ng pagbaha ay ang patuloy na (pagputol, nagputol, pinutol) ng puno sa kagubatan.
15. Ang pamahalaan ay (gumawa, naggawa, ginawa) ng batas para pangalagaan ang ating kabundukan.
16. (Ingatan, Mag-ingat, Nag-ingat) natin ang ating kalikasan para sa susunod na mga henerasyon.

Suriin ang bawat pangungusap kung ito ba ay katotohanan o kaya ay isang opinion. Isulat ang K kung
katotohanan at O naman kung ang pangungusap ay opinyon lamang.

_____ 17. Ang Munisipalidad ng Baganga ay matatagpuan sa Probinsya ng Davao Oriental.


_____ 18. Para sa akin, ang pinakamagaling na mang-aawit ay si Sarah Geronimo.
Kumpletuhin ang pangungusap sa ibaba.
Ang 19. ___________________ ay ang pahayag ng pananaw o paniniwala ng isang tao tungkol sa isang
paksa o pangyayari. Samantala, ang 20. _____________________ ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o
pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapasubalian kahit sa ibang lugar.

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Kilalanin ang uri ayon sa gamit kung ito ay pasalaysay,
pautos, patanong, o padamdam.
____________________ 21. Kunin mo ang paso sa tapat ng tindahan.
____________________ 22. Naku! Napakamahan naman ng damit na iyan.
____________________ 23. Halos karamihan ng tao ngayong panahon ng pandemya ay nakahiligan ang
paghahalamanan

Basahin at unawain ang sanaysay. Bilugan ang titik ng iyong sagot sa bawat katangungan.
“Ang Pakikipagkapwa Tao”
May kasabihang “Madaling maging tao ngunit mahirap ang magpakatao.” Malalim ang pangungusap na
ito. Ang pagpapakatao ay sumasaklaw sa lahat ng bagay na may kinalaman sa ating pakikihalubilo sa ting
kapwa. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao, nakikilala natin ang katuhan ng isang nilalang. Walang taong
mabubuhay na mag-isa sa mundo. Kailanagan nating isaisip na tayoy nabubuhay sa daigdig hindi para lamang
sa ating sarili. Kailangang sikaping magkaroon ng mabuting pakikipalagayan sa ating kapwa. Iwasan ang mga
bagay na makakasakit sa damdamin kung ibig nating magkaroon ng maraming kaibigan. Iwasan ang mahahalay
na salita. Ang taong palapintas at mapanira sa kapwa ay hindi kinalulugdan, manapay nilalayuan. Ang taong
mapagbuhat ng sariling bangko at may hangin sa ulo ay kinayayamutan.
Ang marunong makipagkapwa-tao ay dinadamayan sa anumang kagipitan at pangangailangan. Hindi
siya matitiis na makitang nasa marawal na kalagayan ng mga taong pinatutunguhan niya ng mabuti. Walang
mawawala sa atin kung pag-ukulan ng masayang ngiti at malugod na bati ang ating mga kakilala. Hindi
mapipingasan ang ating pagkatao kung sila’y kakakusapin ng walang halong kapalaluan kahit na may mataas na
katungkulan tayong hinahawakan.
Ang mahusay sa mundo’y talagang ganyan, magbigay at tumanggap. Hindi maaaring tanggap na lamang
nang tanggap, panay na pakabig. Ang wika nga’y ang hindi mautusan ay hindi rin makapag-uutos. Kung ano
ang ating gawin sa ating kapwa ay ganoon din ang igaganti sa atin ng kapalaran. Magiging maligayaat tiwasay
ang ating pamumuhay kung alam nating walang nagagalit sa atin. Ang payapang buhay ay hinahangad ng lahat.
Bakit hindi natin ito makamit? Ang lihim ay ang mabuting pakikipagkapwa-tao. Sa ating sariling mga kamay
nakasalalay ang ating kaligayahang pinapangarap.
Mga Tanong:
24. Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkapwa-tao?
A. Ito ay ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
B. Ito ay ang pagkakaroon ng marami ngunit hindi totoong mga kaibigan.
C. Ito ay ang pagkakaroon ng mga kaibigang nasa mataas na katungkulan.
D. Ito ay ang pagtanggap ng mga bagay-bagay mula sa ibat-ibang mga tao.
25. Sino ang may hangin sa ulo at kinayayamutan?
A. Sila ang mga taong palakaibigan.
B. Sila ang mga taong mayayabang.
C. Sila ang mga taong palangiti.
D. Sila ang mga taong mapagkumbaba.
26. Bakit mahalaga sa tao ang may karamay?
A. Upang palagi tayong may mahingan ng mga pangangailangan natin.
B. Upang mayroon kang mautangan kahit hindi mo na bayaran.
C. Upang sa sandali na tayo ay magkaproblema may tutulong sa atin.
D. Upang may manlibre sa atin kapag gusto mo.

Tukuyin at isulat ang titik ng tamang sagot.


_____27. Ano ang tawag sa mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya ng teksto tulad ng
pamagat at paksang pangungusap?
A. Pagbasa ng Malakas
B. Pahapyaw na Pagbasa
C. Sabayang Pagbasa
D. Tahimihk na Pagbasa
____ 28. Mga mahalagang ideya o kaalaman na ibinigay o natutunan tungkol sa isang bagay, tao, lugar, o
pangyayari.
A. Balita
B. Impormasyon
C. Kuwento
D. Teksto

29-30. Sumulat ng maikling tula sa anyo at paksa na nais mo.


Maaring gamitin ang Malayang Taludturan, Tradisyonal na Tula, May Sukat na walang Tugma o Walang sukat
na may Tugma.

Pamagat: ____________________________________________

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Inihanda ni:

Gng. Flordeliz D. Labendia


Ban-ao ES G6 Adviser

Susi sa Pagwawasto sa FILIPINO 6 Q3

1. D
2. B
3. B
4. A
5. A
6. B
7. D
8. A
9. A
10. PAGSANG-AYON
11. PAGSALUNGAT
12. PAGSALUNGAT
13. PAGSANG-AYON
14. PAGSALUNGAT
15. D
16. D
17. D
18. NA
19. NG
20. G
21. KAYA
22. AT
23. PAGPUTOL
24. GUMAWA
25. INGATAN
26. MAGTANIM
27. KUMILOS
28. K
29. O
30. O
31. K
32. K
33. OPINYON
34. KATOTOHANAN
35. PAUTOS
36. PADAMDAM
37. PASALAYSAY
38. PATANONG
39. PADAMDAM
40. A
41. B
42. C
43-44. -IBA-IBA ANG SAGOT
45. B
46. B
47. D
48-50.-IBA-IBA ANG SAGOT

You might also like