You are on page 1of 1

Filipino 9

Unang Markahan: Modyul 3-4


Ikalawang Lagumang Pagtataya

Pangalan : ________________________________ Baitang/Pangkat: ______________

I.Panuto: Basahin at unawain mo nang mabuti ang sumusunod na pahayag. Salanguhitan ang
letra ng tamang sagot.
1. Habang umiikit ang mundo, lumilipas ang panahon. Aling salita ang kasingkahulugan ng
may salungguhit? A. sumubsob B. dumadagit C. kumikiling D. umiikot
2. Ang sinisimbolo ng hangin, sa tulang “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos ay:
A. magkakaroon ng tibay ng loob B. mga pagsubok o hamon sa buhay
C. maabot na mga pangarap D. sagabal sa buhay
3. Mula sa larawan, ano ang kaugnay nito sa iyong buhay?
A. Sa buhay, minsan mapupunta sa mababa at mataas ang pagpapalipad ng saranggola.
B. Nagsisilbing gabay ang mga magulang sa pagpapalaki sa anak.
C. Nagsisikap ang magulang para matayog ang pagpapalipad ng saranggola.
D. Nais pasayahin ng magulang ang anak sa pagpapalipad ng saranggola.
4. Ang guryon ay simbolo ng ___________________.
A. pamumuhay B. buhay C. pag-asa D. pangarap
5.Minsan sa buhay ikaw ay sumubsob, kailangan lang tibayan ang pisi nang di malagot. Ano ang
ibig sabihin ng may salungguhit?
A. dumausdos B. nadapa C. umikot D. sunggaban
6. Isang uri ng sulatin o komposisyon na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng
sumulat nito. Ito ay naglalayong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng
nararamdaman, manghikayat ng ibang tao, at iba pa
A. Alamat B. Maikling kuwento C. Nobela D. Sanaysay
7. Hanggang ngayon, sinusunod pa rin ng nakararami ang mga lumang tradisyon. Ano
ang kahulugan ng salitang nakaitalisado?
A. Nakaugalian B. Pamahiin o paniniwala C. Panuntunan D. Tanikala
8. Ang tawag sa mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, dalawang parirala at
dalawang sugnay A. Pang-angkop B. Pangatnig C. Pang-abay D. Pang-ukol
9. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema _______hindi na niya alintana
ang mga darating pa. Alin ang pangatnig na angkop gamitin sa pangungusap?
B. A. dahil sa B. kaya C. sapagkat D. subalit
10. “Kung wala kang magandang sasabihin, mainam na itikom mo nalang ang iyong
bibig upang hindi makasakit.” Ano ang ibig ipakahulugan sa pahayag?
A. huwag magsalita kung walang sasabihing maganda B. mahalagang mapigil ang
damdamin C. matutong magpakahinahon D. Lahat ng nabanggit

II. Panuto: Basahin at Ipaliwanag ang pahayag sa ibaba.(10 puntos)


Isa sa mga pagnanais ng isang babeng Javanese noon na mabago ang kaugaliang
nakasanayan para sa kababaihan- ito ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng
kababaihan sa kalalakihan. Bilang isang batang Asyano na naghahangad ng
pagkakapantay-pantay, paano mo ipapaalam sa mga kababaihan ang kanilang
karapatan?

You might also like