You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
MIMAROPA Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE - ROMBLON
MAGDIWANG NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Magdiwang, 5511 Romblon, Philippines

DIAGNOSTIC TEST
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: __________________________________________ Petsa: _____________


Grade level/block: _________________________________ Iskor: _____________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ng titik ng


tamang sagot.
Para sa bilang 1 at 2
Inilunsad ni Mark E. Zuckerberg ang Facebook mula sa kanyang
dormitoryo sa Harvard noong ika-4 ng Pebrero 2004. Ang sapantaha ng
Facebook ay galing sa kanyang mga araw sa Phillips Exeter Academy kung
saan gaya ng karamihan sa mga dalubhasa at mga paaaralan ay mayroong
nakagawiang taunang sanggunian ng mga mag-aaral na mayroong mga
larawan ng mga guro at lahat ng mga kawani na tinatawag na "Facebook".
Noong siya ay nasa dalubhasaan pa, ang Facebook ni Zuckerberg ay
nagsimula lang bilang isang bagay na pang-Harvard lamang. Hanggang
ninais ni Zuckerberg na palawigin ang Facebook sa iba pang mga paaralan at
inarkila sa tulong ng kasama niya sa kuwarto na si Dustin Moskovitz.

1. Anong uri ng teksto ang iyong nabasa sa itaas?


A. Tekstong Impormatibo C. Tekstong Di-impormatibo
B. Tekstong Kababalaghan D.Tekstong Kapani-paniwala
2. Anong impormasyon ang iyong natutunan sa tekstong nabasa?
A. Si Mark E. Zuckerberg ang gumawa ng facebook
B. Si Mark E. Zuckerberg ay mayaman.
C. Si Mark E. Zuckerberg ay nag-aral sa Harvard.
D. Si Mark E. Zuckerberg ay dalubhasa.
Para sa bilang 3
Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin
ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Carol ang istorya sa likod
ng pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas-Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa
Bohol.
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pangkasaysayan?
A. Iba’t iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito.
B. Gustong malaman ni Carol ang istorya sa likod ng pinakahabang pag-aaklas
sa kasaysayan ng Pilipinas.
C. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa.
D. Pag-aaklas.

Para sa bilang 4 at 5
Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay.
Lagi kaming magkakasama noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may
problemang nararanasan. Kinakaya namin anumang unos ang dumating dahil
lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng aking mahal na ina noon, ayos lang daw
maghirap kami at magdildil ng asin basta kompleto at magkakasama kaming
lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang nahiwalay sa kanyang pamilya noon.
Bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa. Mahirap
daw ang nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang
pinakamagaling na ina sa buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit
nag-iisa na lamang siya ngayon.
4. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay. Anong uri ng
teksto ang ginamit sa pangungusap?
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Naratibo
B. Tekstong Deskriptibo D. Tekstong Persuweysib
5. Kinakaya naming anumang unos ang dumating dahil lagi kaming magkakasama.
Anong ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. Masaya C. Problema
B. Mayaman D. Solusyon
6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatibo maliban sa isa:
A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
B. Pag-uulat ng Impormasyon
C. Pagpapaliwanag
D. Pagbibigay ng Hakbang na kronolohikal
7. Ano ang tawag sa gamit ng emosyon o damdamin upang makahikayat ng
mambabasa, anong paraan ito ng manunulat para makapanghikayat?
A. Echos C. Logos
B. Ethos D. Pathos
8. Anong uri ng nagungunang website na tumutulong sa mga nais magkumpuni at
magpaganda ng sariling bahay at tumuklas ng bagong kaalaman sa paggawa?
A. Do it yourself or DIY (youtube) C. Bahay ni Kuya
B. Google.com D. Kusina
9. Alin sa sumusunod ang mga hakbang ng tekstong nanghihikayat?
I. Piliin ang iyong posisyon.
II. Pag-aralan ang iyong mga mambabasa.
III. Saliksikin ang iyong binasa.
IV. Pagkaroon ng tiwala sa sarili.

A. I C. II, III
B. I, II, IV D. I,II,III
10. Anong uri ng cohesive device ang paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na
muling ulitin ang salita?
A. Elipsis C. Pang-ugnay
B. Leksikal D. Substitusyon
11. Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ang maaaring maging mabuting kaibigan.
Anong cohesive device ang ginamit sa pangungusap?
A. Aso C. Ito
B. Alagaan D. Mabuti
12. “Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang
umuwi sa gabi. Alin sa sumusunod ang ginamit na cohesive device sa pangungusap?
A. Gabi at umaga C. Masigla
B. Siya D. Umuwi

Para sa bilang 13, 14 at 15


Sadyang mahirap ang walang pamilya at ito’y napatunayan ni Adong. Walang
magulang at mga kapatid na nagmalasakit sa kanya sa panahon ng kanyang
pangangailangan. Mapalad ka sa pagkakaroon ng pamilyang kahit pa sabihing hindi
perpekto ang pamilya mo.
-hango sa kuwentong “Mabangis na Lungsod” ni Efren R. Abueg

13. Anong uri ng teksto ang ipinapahayag sa iyong binasa?


A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Naratibo
B. Tekstong Deskriptibo D. Reperensyal
14. Ano ang ibig sabihin ng linyang, “Mapalad ka sa pagkakaroon ng pamilyang kahit pa
sabihing hindi perpekto ang pamilya mo”?
A. Mahirap kung walang pamilya.
B. Malas ang walang pamilya.
C. Masaya ang buhay kahit walang pamilya.
D. Maswerte ka na mayroon kang pamilya kahit hindi mayaman.
15. Alin sa sumusunod na mga salita ang ginamit sa paglalarawan ng isang pamilya?
A. Adong, kapatid C. Magulang, panahon
B. Mahirap, mapalad D. walang, pagkakaroon
16. Anong teksto ang maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan
kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulat ng
larawan?
A. Tekstong Deskriptibo C. Tekstong Persuweysib
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Reperensyal
Para sa bilang ng 17 at 18
Nakita mo ang paghihirap ni Adong para lamang makaipon ng mga baryang
pinaglimusan upang may maipanlaman sa kumakalam na sikmura. Tiyak na hindi mo
kailanman nararanasang mamalimos para lang may makain.
17. Ano ang ibig sabihin ng salitang namamalimos?
A. Humihingi ng pera. C. Nagtatrabaho
B. Mayaman sa pera. D. Palamunin
18. Alin sa sumusunod na pahayag ang iyong natutunan sa tekstong iyong binasa?
A. Mamalimos din ako, para may maipong pera.
B. Mag-asawa ng maaga at umasa sa magulang.
C. Manghihingi ng pagkain sa mg kapitbahay.
D. Mag-aaral ng mabuti para makapagtapos at makahanap ng maayos na trabaho.
19. “Mas makatitipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing
sa katipiran, bossing sa kaputian”. Anong uri ng propaganda device ito?
A. Glittering Generalities C. Plain Folks
B. Name-Calling D. Transfer
20. “Ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo” anong uri ng
tekstong impormatibo?
A. Paglalahad C. Pagpapaliwanag
B. Pag-uulat D. Pagsasalaysay
Para sa bilang 21
“Cyberbullying”
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang
uri ng pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska
sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang
pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang
salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan,
larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga
nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng account na may
layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang
sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa
pamamagitan ng teknolohiya.
21. Alin sa sumusunod na pahayag ang makaka-apekto sa nagiging biktima ng
cyberbullying?
A. Nagkakaroon ito ng trauma sa biktima.
B. Nagkakaroon ng maginhawang buhay ang biktima.
C. Nagkakaroon ng pag-asa ang biktima.
D. Walang epekto ito sa biktima.
22. Sino ang nagsabi na “Ang pananaliksik ay isang pangangalap ng datos mula sa
iba’t ibang hanguan sa pamaraang impormatibo at obhektibo.”
A. Mayor at Ganaban, 2011 C. O’Hare at Funk
B. Bernales et.al, 2012 D. Santiago, 2015
23. Sa paggawa ng pananaliksik, mahalagang maisaalang-alang ang mga sumusunod
maliban sa _____________.
A. Kasapatan ng datos na maaaring makasuporta sa paksang mapipili
B. Kasama sa pangkat ng pananaliksik
C. Limitasyon ng oras sa bubuuing sulating pananaliksik
D. Pinansyal na aspeto ng mananaliksik
24. Ang salitang paksa ay kadalasang tumutugon sa isdeyang tatalakayin sa isang
sulating pananaliksik. Sino ang tahasang nagsabi nito?
A. Alma A. Dayag C. Julian C. Balmaceda
B. Joey G. Bernales D. Virgilio Almario
25. Ano ang karaniwang tumutukoy sa iyong ginagawa na parehong-pareho mula sa
iyong pinagkunan?
A. Full Plagiarism C. Partial Plagiarism
B. Minimalistic Plagiarism D. Source Plagiarism
Para sa bilang 26-27
Etika ng mananaliksik.
I. May kinikilingan.
II. Nagbibigay ng pagkilala sa mga salitang kanyang hiniram.
III. May paninindigan sa knayang konklusyon at interpretasyon.
IV. Pagiging subhektibo
26. Alin sa sumusunod ang dapat taglayin ng isang mananaliksik habang nagsasagawa
ng pananaliksik?
A. I at III C. I at IV
B. II at IV D. II at III
27. Bilang isang mananaliksik, Alin sa etika ng mananaliksik ang pagkilala sa ginamit na
salita na kanyang nakuhang datos?

A. II C. III
B. I D. III
Para sa bilang 28
Nagsagawa si Bb. XYZ ng pananaliksik hinggil sa paksang “Isang Pag-aaral sa
mga Sanhi at Bunga ng Pangmamaltrato sa mga Kasambahay”. Matapos
makakuha ng mga datos at detalye mula sa pakikipanayam, pagmamasid, at
pagbabasa, may mga natuklasan siyang taliwas sa kanyang layunin sa
isinagawang pag-aaral. Ilang estadistika ang binago niya upang ang resulta ay
maging pabor sa nais niyang maging kalabasan ng pananaliksik. Gayundin,
inilahad din niya ang mga tunay na pagkakakilanlan sa kanyang mga tagatugon.
28. Paano nilabag ng isang mananalikisik ang Etika ng Mananaliksik sa sitwasyong
binasa?
A. Paggalang sa Karapatan ng iba.
B. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential.
C. Pagiging matapat sa bawat pahayag.
D. Pagiging obhektibo at walang kinikilingan.
Para sa bilang 29 at 30
Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan
I.Kapanganakan at Magulang
A. Petsa at lugar
B. Ama
C. Ina
II.Mga Nagawa
A. Nasulat ng aklat tulad ng Democracy in the Philippines noong 1976
B. Nakagawa ng batas
C. Nagtaguyod ng proyekto.

29.Ano ang tawag sa pahayag sa itaas na iyong nabasa?


A. Balangkas C. Layunin
B. Konseptong papel D. Papaksang balangkas

30. Anong uri ng balangkas ang mga nakasulat sa tekstong binasa?


A. Balangkas C. Papaksang balangkas
B. Papangusap na balangkas D. patalatang balangkas

31. “Makikipanayam sa mga direktor ng indie films at sisiyasatin ang mga proseso sa
paggawa ng ganitong pelikula”. Anong bahagi ng konseptong papel ito?
A. Inaasahang awput C. Paksa
B. Metodolohiya D. Rasyonale

32. “Epekto ang Paglalaro ng Video Games sa mga Batang nasa Preschool”. Ano ang tawag
sa bahaging ito ng konseptong papel?
A. Layunin C. Inasahang awout
B. Metodolohiya D. Paksa
33-34. Tukuyin kung anong bahagi ng Pananaliksik ang isinasaad sa pahayag.
I. Rasyonale III. Layunin
II. Metodolohiya IV. Inaasahang Resulta
33.“Gagawa ng sarbey ang mananaliksik tungkol sa paboritong pagkain ng mga bata at
tatanungin ang iilan sa mga na sarbey na bata kung bakit paboritong pagkain ang
hotdog”.
A. IV C. II
B. III D. I
34. Aalamin ang mga ingredient o sangkap sa paggawa ng hotdog.
A. III C. II
B. I D. IV
35. Ang may Internet Café sa paligid ng mga Paaralan at Pamantasan, anong halimbawa ng
pag-oorganisa ng papel sa pagsulat ng mananaliksik?
A. Kronolohikal C. Komparatibo
B. Heyograpikal D. Pagsusuri
36. Anong uri ng In-Text-na dokumentasyon sa paraang APA ang ginagamitan ng mga Ayon
kay, Kina, Sa at iba pa?
A. Signal na Kataga C. Dalawang Awtor
B. Isang Awtor D. Talang Parentikal
37. Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine, anong halimabawa ng pag-
oorganisa ng papel sa pagsulat ng pananaliksik?
A. Kronolohikal C. Heyograpikal
B. Komparatibo D. Sanhi at Bunga
38. Ang kahihinatnan ng mga mag-aaral na nalulong sa Computer Games ang dahilan ng
maagang pag-aasawa, anong uri ito ng pag-oorganisa sa pagsusulat ng pananaliksik?
A. Kronolohikal C. Heyograpikal
B. Komparatibo D. Sanhi at Bunga
39-40. Tukuyin sa sumusunod na halimbawa kung anong uri ng pagtatala ng In-Text.
I. Isang Awtor III. Walang Awtor
II. Dalawang Awtor IV. Grupo o Institusyon
39.Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2009) ang muling pagrebisa or Ortograpiya ay
ibubunsod ng di-ganap na pagtupad sa Kautusang Kagawaran ng 1987.
A. III C. IV
B. II D. I
40.Ayon kay Haliday (1973), may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga
tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niya.
A. I C. III
B. II D. IV
41. Alin sa sumusnod ang tamang pagtatala ng In-Text kung mayroong tatlo o limang
awtor?
A. Sa pananaliksik nina et.al. Oller (2017), ay nagmungkahi na ang mga bilingguwal
na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo
kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat may pagtutuonan sa pagtuturo
ng bokabularyo.
B. Sa pananaliksik nina al.et (2017) Oller, ay nagmungkahi na ang mga bilingguwal
na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo
kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat may pagtutuonan sa pagtuturo
ng bokabularyo.
C. Sa pananalikisk nina Oller, et.al (2017), ay nagmungkahi na ang mga bilingguwal
na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo
kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat may pagtutuonan sa pagtuturo
ng bokabularyo.
D. Sa pananaliksik nina (2017) et. al, ay nagmungkahi na ang mga bilingguwal na
mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo
kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat may pagtutuonan sa pagtuturo
ng bokabularyo.
42.Anong uri ng hanguan ang sumusunod: indibidwal o awtoridad, grupo o organisasyon at
journal o dairy?
A. Hanguang Primarya C. Sarbey
B. Hanguang Sekundarya D. Pangatlong Hanguan
43.Ang talatanungan ay saan ginagamit?
A. Interbyu C. Sarbey
B. Pagsusulat D. Trabaho
44. Ang pakikihalubilo at pakikisangkot sa pagkuha ng datos, anong halimbawa ng
pamamaraan ng pangangalap ng datos?
A. Imersyon C. Interbyu
B. Panayam D. Sarbey
45.Anong yugto na may pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning
ng mga aklat?
A. Yugto I C. Yugto 3
B. Yugto 2 D. Yugto 4
46-47. Tukuyin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga hanguan.
I. Hanguang Primarya III. Elektroniko
II. Hanguang Sekundarya IV. Pangatlong Hanguan

46. www.google.com
A. II C. IV
B. I D. III
47.Liham
A. III C. I
B. II D. IV
48.“Impluwensiya ng Korean Boy Band sa Musika ng mga Pinoy”, anong bahagi ng
konseptong papel ang halimbawang ito?
A. Layunin C. Metodolohiya
B. Paksa D. Rasyonale
49.Ano ang tamang ayos ng pagaksulat ng di-direktang hanguan?
A. Binigyang diin ni Gleason (1995, sa Bernales, 2009) na ang wika ay isang
masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nasa iisang komunidad.
B. Binigyang diin ni Gleason (sa Bernales 1995, 2009) na ang wika ay isang
masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nasa iisang komunidad.
C. Binigyang diin ni Gleason (1995, 2009, sa Bernales,) na ang wika ay isang
masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nasa iisang komunidad.
D. Binigyang diin ni Gleason (sa 1995, Bernales, 2009) na ang wika ay isang
masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nasa iisang komunidad.
50.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paksa na napapanahon?
A. Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral
B. Mga Kabataan; Musika at Pag-aaral
C. Penomenang Pag-aaral Tungkol sa Pamumuhay ng mga Etnikong Grupo sa
Bundok ng Brgy. Agtiwa
D. Nasyonalistang Pagsipat sa Programang K to 12 : Mga Isyu, Implikasyon , at
Alternatibo

Inihanda ni:
MARY-ANN P. DE LA CRUZ JAYPE R. ROMERO
Guro sa Asignatura Guro sa Asignatura

Iwinasto at Binigyang-pansin nina:


MARY JOY M. DELOS ANGELES
Master Teacher-1

Sinang-ayunan ni:

JONALD R. RAPADA
SHS Coordinator
____________________________________________________________________
School Email Address - magdiwangnhs44507@gmail
Office of the School Principal IV- njmm40_deped_romblon@yahoo.com

You might also like